You are on page 1of 8

DISENYO NG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 6

APPROVED 10-26-2022

Jan Nina Baring


Jaquilou Cabesas
____________________ November 7, 2022
_____________________
(Gurong Nagsasanay) (Petsa)

Mr. William S. Augusto Jr. FIL 5 8:00 – 9:40 am


_____________________
(GurongTagapagsanay) (Class & Time)

I] Inaasahang Bunga:
Sa loob ng 100 minuto at sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain, ang mga mag-aaral sa
ikaapat na baitang na may 80% kawastuhan ay inaasahan:
a) naibibigay ang kahuluganng salitang pamilyar at d pamilyar sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon;
b) nasasagot ang mga tanong sa binasang akda;
c) naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, talambuhay, at
sa napanood na dokumentaryo;
d) napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa tulong ng
pangungusap;
e) naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap;
f) nasasabi o naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon at sanhi at bunga ng isang
napakinggang akda; at
g) Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong napakinggan.
II] Nilalaman/Kagamitang Pampagtuturo :
Paksa: Nick Vujicic : Ikay ay Isang Mahalagang Dahilan
References: Pinagyamang Pluma 5, Emily V. Marasigan, Ailene G. Baisa-Julian, and
Nestor S. Lontoc, pahina 212-217

a. Panimulang Gawain
Ang guro ay magpapabasa ng mga depinisyon sa mga salitang di-pamilyar.
Panuto: Sabihin kung anong salita ang tinutukoy sa bawat tanong.

1. matinding damdamin at kaisipan ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa

D E P R E S Y O N
2. paggawa ng mabuti sa kapwa na walang hinihintay na kapalit

K A W A N G G A W A

3. tawag sa talino o abilidad na taglay

K A K A Y A H A N

4. balakin o naising pinag-iisipan at pinagsikapang gawin

P L A N O

5. naipong pera na inilaan sa isang particular na gugulin o gastusin

P O N D O

Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng video at ipaaawit sa mga mag-aaral ang awiting “Sampung
Mga Daliri”. Pagkatapos ay magtatanong ang guro.

https://www.youtube.com/watch?v=Je0ba61MuHc
Mga Tanong:
1. Masaya ba kayo sa bawat parte ng iyong katawan?
 Opo, teacher.
2. Ano ang pinakapaborito ninyong parte ng inyong katawan? Bakit?
 Iba’t iba ang sagot.
3. Ano-ano ang mga kakayahan ninyong taglay?
 Iba’t iba ang sagot.
4. Ano naman ang negatibo o kahinaan nnyong taglay?
 Iba;t iba ang sagot.

b) Mga Gawain/Estratehiya (10 minuto)

Ang guro ay magpapakita ng isang video tungkol ni Nick Vujicic. Pagkatapos panoorin ang
video ay magtatanong ang guro.
https://www.youtube.com/watch?v=7JBGDdtm7i8
c) Pagsusuri

Mga Tanong:
1. Sino ang nasa video? Paano siya naiiba?
 Si Nick Vujicic. Siya naiiba sa atin dahil wala siyang mga paa at kamay.
Siya ay mayroong sakit na Tetra-amelia disorder-limbless.
2. Ano ang nararamdaman ninyo pagkatapos panoorin ang video
 Naaawa po kami sa kanya dahil sa kanyang kapansasan na ipinanganak
siyang walang kamay at paa.
3. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa kalagayan niya?
 Hindi po ako magaganahan mabuhay dahil mahirap ang walang kamay at
paa.
4. Ano ang nagagawa niya na nagagawa din natin?
 Siya ay marunong maglakad, mag-skateboard, siya ay marunong
lumangoy, mamasyal mag-isa, mag golf, mag soccer, mangisda,
magmaneho ng bangka, at iba pa.

Pagtatalakay (30 minuto)

Malikhaing ikukwento ng guro ang akdang “Nick Vujicic: Ikaw ay Isang Mahalagang Dahilan” sa
pamamagitan ng power point presentation. Magtatanong din ang guro pagkatapos niyang ilahad
ito.

Nick Vujcic: Ikaw ay Isang Mahalagang Dahilan

“Ikaw ay naging ikaw para sa mahalagang dahilan.


Bahagi ka ng isang planong di madaling maunawaan.
Ikaw ay disenyong walang kaparis sa sansinubukan
Tunay na katangi-tangi anuman ang iyong kasarian

“Ang wangis mo’t kakayahan mayroon ding dahilan


Ang Diyos ay di nagkamali kahit gamunti man
Nang ika’y likhain mula pa lang sa sinapupunan
Ikaw ay naging ikaw, ayon sa Kanyang kagustuhan.

“Ang tatay at nanay mo, Diyos din ang may pasiya


Kaya’t anumang iyong damdamin para sa kanila
Sadyang sa buhay mo sila’y bahagi mong makasama
Kapwa pinili ng Ama upang sa iya’y magsilbing biyaya

“Mga pagsubok sa buhay na sa puso mo’y nakasakit


Lahat ng hapding maranasan, maging sa Diyos napagkit
Ito’y Kanyang sinang-ayunan para ikaw ay maiukit
Upang sa Kanyang wangis tunay ngang mapalapit.

“Ikaw ay naging ikaw para sa mahalagang dahilan.


Ikaw ay hinubog sa taglay Niyang kapangyarihan
Ikaw ay natatangi at isang mahusay na obra
Ika’y likha ng Diyos sa siyang tunay na dakila.”

Pagkatapos basahin ang tula, ay malikhaing ilalahad ng guro ang talambuhay ni Nick Vujicic sa
pamamagitan ng powerpoint presentation.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong pagkakaunawa sa tulang “Ikay ay Isang Mahalagang Dahilan” tungkol
kay Nick Vujicic?
 Maaaring iba’t iba ang sagot.
2. Anong uri ng kapansasan/karamdaman mayroon si Nick? Sa iyong palagay, mahirap
nga ba talagang magkaroon nito?
 Tetra-amelia disorder-limbless o isang karamdaman ng kawalan ng
dalawang braso at dalawang binti, bagama’t may dalawang maliit na paa.
Mahirap po talaga ito dahil hindi ka makapapamuhay ng normal na tao.
3. Sa tingin nyo, masaya ba si Nick Vujicic sa kanyang buhay kahit may kapansanan
siya?
 Opo, dahil kahit may kapansanan siya, hindi siya nagpatinag nito.
Pinatunayan niya na hindi hadlang ang kanyang kapansasan na maging
masaya at makagawa ng mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao.
Naging isang motivational speaker din siya at awtor.
3. Kung ikaw si Nick Vujicic, paano mo tatanggapin ang iyong kapansanan?
 Tatanggapin ko ito dahil naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may
natatanging kaibahan at katangian.

4. Kung ikaw ay may kapatid o kaklase na may ganyang kondisyon, ano ang gagawin
mo?
 Iiintindihin ko ang kanyang kalagayan at tutulungan kung siya ay
nahihirapan. Kapag may nanunukso sa kanya ay akin itong ipagtanggol.

5.. Anong magandang katangian o aral ang makukuha natin sa buhay ni Nick Vujicic?
 May rason ang lahat at plano ang Diyos sa bawat isa sa atin. Huwag
mawalan ng pag-asa sa buhay.

e. Paglalapat (10 minuto) (Synchronous)

Ang guro ay magtatanog batay sa mga mahahalagang impormasyon sa nabasang


talambuhay ni Nick.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod:

1. Buong pangalan ni Nick


 Nicholas James Vujicic
2. Bilang ng mga kapatid ni Nick
 3 o tatlo
3. Tawag sa karamdaman ni Nick
 Tetra-amelia disorder/limbless
4. Pangalan ng kanyang asawa at anak
 Asawa – Kanae Miyahara
 Anak – Kiyoshi James
5. Isa sa mga aklat na kanyang sinulat
 Life Without Limits: Inspiration for a Ridiculously Good Life, Unstoppable,
Stand Strong, Limitless, Love Without Limits

f. Paglalagom (10 minuto)

1. Kung pabibigyan mo ng ibang pamagat ang tula, ano ito at bakit?


 Maaaring iba’t iba ang sagot.
2. Anong aral ang ating matutunan sa kanya? Paaano ito sa totoong buhay?
 Maaaring iba’t iba ang sagot.
3. Paano ka namangha ni Nick Vujicic?
 Maaaring iba’t iba ang sagot.
4. Dapat ba tayong sumuko sa buhay kapag hindi umayon ang gusto natin sa plano ng
Diyos para sa atin?
 Maaaring iba’t iba ang sagot.
5. Kung ikaw ay may kapansanan, sa anong paraan mo ipapakita na hindi ito hadlang
para ikaw ay maging masaya?
 Maaaring iba’t iba ang sagot.

IV] Pagtataya (15 minuto) (Asynchronous) (30 puntos)

Ang guro ay magbibigay ng pasulat na gawain sa mga mag-aaral na makikita sa pahina


152-153 ng kanilang aklat sa Pinagyamang Pluma 5.

Gawain A.

Answer key:

1. E

2. B

3. A

4. C

5. D

Gawain B.
V] Kasunduan/Pagninilay (5 minuto)

 Isabuhay ang inyong natutunan.


 Huwang kalimutang magpasalamat sa Panginoon sa kung anong meron
tayo.
 Tuklasin ang inyong mga natatagong talento at gampanin sa buhay.
 Maghanda para sa susunod na klase “Pokus ng Pandiwa”

You might also like