You are on page 1of 7

Mga Tauhan

Ramon – panganay na anak ni Lola


Carmen – asawa ni Ramon
Lydia – Anak ni Ramon at Carmen at apo ni
Lola
Rey – bunsong anak ni Lola
Odet – anak ni Rey at apo ni Lola
Tinay – katulong sa bahay ni Ramon at
Carmen
Buod ng Kwento
Umiikot ang kwento sa isang matanda na may dalawang
anak na sina Ramon at Rey. Si Ramon ay may anak sa asawa
nitong si Carmen na nagngangalang Lydia. Si Odet naman
ang anak ni Rey, ang bunsong anak ni Lola. Isang araw
pinuntahan ni Lydia ang kanyang Lola kung totoo ba na ito
ay titira na sa kanyang Tiyuhin na si Rey, Ang Lola ay nagtaka
at walang ideya sa tinanong ni Lydia ngunit maharahan
nitong sinagot na "Hindi apo hindi ako pupunta sa Tiyo Rey
mo. Natuwa si Lydia sa balitang ito ngunit nagiwan ito nag
pagtataka kay Lola kung san ito nakuha ng bata.
Kinabukasan kinausap ni Ramon si Lola kung okay lamang na
manatili ito ngayon bakasyon sa kanyang Bunsong Kapatid
na si Rey.
Buod ng Kwento
Sinabi din ni Ramon na sabik na sabik ito makasama ni
Rey at ayaw nitong payagan si Lola na doon tumira,
magbabakasyon lamang ito. Natuwa si Lola sa balitang
ito bagamat wala na itong ideya sa itsura ng kanyang
apo na si Odet at ang Asawa ni Rey. Pinainum ni Tinay si
Lola ng gamot at sinabing nasa ibaba na ang bunsong
anak nito na Rey, si Tinay ang kasambahay nila Ramon
sa bahay. Binaba na si Lola na nakaupo sa upuang di
gulong. Sabik itong pumunta kay Rey. Nagusap ang
magkapatid sa isang silid na malayo ke Lola. Sa
kagustuhan ni Lola na marinig ang kanilang usapan, ito
ay nalungkot sakanyang narinig. Pagod na ang
kanyang panganay na anak sa pagaalaga sa ina kaya
pinakiusapan nitong si Rey muna ang magbantay.
Buod ng Kwento
Ang bunsong si Rey naman ay hindi din
gustong magalaga sa ina. Si Lola ay
napaluha sakanyang narinig at wala
naman na siyang magagawa dahil totoo
namang siya ay pabigat na sa mga anak.
Masakit lamang ito kay Lola ngunit ito ay
kanyang hinayaan nalamang.
Gintong Aral

Ang gintong aral na nakuha natin mula sa kwento


na ito ay nagtuturo sa mga anak na kahit anong
hirap man na alagaan ang mga magulang na
matatanda na ito ay nanatiling isang obligasyon na
kailangan gawin dahil noong ikaw ay musmos
palang walang sawa ang patnubay ng mga
magulang upang lumaki kang maayos. Sa pag
tanda nila ito lamang ang panahon mo upang
bumawi sa lahat ng sakripisyong ginawa nila para
sayo.

You might also like