You are on page 1of 2

Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda na may pitong anak na dalaga.

Naninirahan
sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Sila ay nasa bayan ng Dumangas na nasa
gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo.

Masayang gumagawa ng gawaing-bahay ang mga dalaga araw-araw. Makikita sila sa dalampasigan na
nagtatampisaw at lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan.

Maraming bumibisita sa kanilang tahanan para magligaw. Sa pagmamahal ng ama ay natatakot siyang
may makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga na maaring makapaglayo sa kanya.

“Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla
upang hindi sila mapalayo sa akin,”

Isang araw, sumadya ang isang grupong binata upang makilala ang pitong dalaga. Habang wala ang ama,
sumama silang lahat sa mga binata.

Nang sila ay nasa bahagi ng baybayin ng Guimara kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw
niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na
sumagwan ang ama para mahabol ang mga bangka ngunit walang nagawa ang kaniyang mabagal na
bangka.

“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,”

Walang magawa ang matanda kundi lumuha. Nagdilim ang langit at lumakas ang ulan at ang mga alon.
Wala siyang magawa kundi umuwi.

Paguwi niya ay tahimik at malungkot ang bahay. Inaalala niya ang malakas na bagyo habang ang
kaniyang mga anak ay nasa laot.

Kinaumagahan, pumalaot na ang ama. Umaasa siyang mahahabol pa niya ang bangka ng mga
estranghero na marahil ay tumigil sa pinakamaliit na isla habang malakas ang ulan.

Ang matanda ay kinabahan nang makita niya na nakalutang sa paligid ang bahagi ng bangkang sinakyan
ng kanyang pitong anak. Mayroon ding mga munting isla

Binlang niya ito. Pito ang mga munting isla, pito rin ang kanyang mga anak na dalaga. Nalaman niyang
nalunod ang kanyang mga anak sa bangka na hinampas ng dagat.

Itinawag dito ay Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Maaalala sa mga islang ito
ang mga suwail na mga anak.
Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines, Mindoro at
Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng Batangas. Ang namumuno sa barangay
na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya
Maria ay itinuturing na Reyna ng Katagalugan, sapagka't taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.

Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng Mindoro, Laguna at
Camarines. Nguni't sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang kanyang napupusuan ay
isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng
mga tula. Isa siyang mangingisda.

Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay maraming ulit na
pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa palasyo, ito ay kanyang
kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya ang kanyang
pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni Datu
Batumbakal.

Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria. Naglalakad-
lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot ng tadhana, ang dalawa ay
nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.

"Kung sadyang ako'y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan." Hamon ni Mutya kay Duke.
Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng palasyo sa pagsapit ng dilim.

Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang anak at
pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga dugong
maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay nilabag nina Maria at
Duke.

Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni Mutya
Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa buong barangay at dito rin hinango
ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng Maringduque.

You might also like