You are on page 1of 2

Panuto : Ibigay ang tauhan sa mga susumunod na pagsasalarawan o deskripsyon :

1. Ang pangunahing bida ng kwento. Isang mahusay na mandirigma at makata, matapang at may
malalim na pagmamahal sa bayan at sa kanyang minamahal na si Laura. - Florante

2. Ang babaeng minamahal ni Florante. Isang simbolo ng kabutihan, kagandahan, at karangalan.


Matatag at matapat sa kanyang pagmamahal kay Florante at sa kanyang mga prinsipyo. - Laura

3. Isang pangunahing kontrabida sa kuwento. Kaibigan at kasama ni Florante , ngunit nagtaksil at


nagsimula ng mga plano upang mapatalsik si Florante at agawin si Laura. - Adolfo

4. Ang ina ni Florante. Namatay habang nag-aaral pa lamang si florante sa atenas. - Prinsesa Floresca

5. Ang ama ni Florante. Mahal na mahal niya ang kanyang anak at handang gawin ang lahat para sa
kanyang kaligtasan at kagalingan. Tagapagturo ni Haring Linceo - Duke Briseo

6. Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila’y nag-aaral sa Atenas. Siya ang
gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante. - Antenor

7. Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.- Haring Linceo

8.Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya’y sanggol pa lamang.
- Menalipo

9. Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya; anak ni Sultan Ali-Adab naging kaagaw niya ang ama sa
kasintahan na si Flerida. - Aladin

10. Kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab. - Flerida

Panuto: Batay sa ating tinalakay ibigay ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan :

1. Paano nakatulong ang mga personal na karanasan ni Francisco Balagtas sa kanyang pagsusulat ng mga
obra tulad ng Florante at Laura?
2. Ano ang mga pangyayari sa lipunan at panahon ni Francisco Balagtas na maaaring naging inspirasyon
sa kanyang mga akda?

3. Paano nakaimpluwensya ang mga saloobin at paniniwala ni Francisco Balagtas sa kanyang estilo ng
pagsusulat?

4. Bakit itinawag na "Prinsipe ng Makatang Tagalog" si Francisco Balagtas?

5. Para kanino niya inialay o sinong tao ang naging inspirasyon nya sa kanyang obra na Florante at
Laura?

You might also like