You are on page 1of 2

📍MGA TAUHANG KRISTYANO

1. MENANDRO- Mabuting Kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas at naging


matapat niyang kanang kamay sa digmaan at nakapagligtas din sa kanyang buhay.

2. ANTENOR-Ang mabuting guro ni Florante, Adolfo at Menandro habang sila ag nag-aaral sa


Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.

3. PRINSESA FLORESCA-Anak ng hari ng Krotona, butihing ina ni Florante at asawa ni Duke


Briseo. Maaga niyang inulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral si Florante sa
Atenas.

4. DUKE BRISEO- Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.

5. HARING LINCEO-Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.

6. LAURA- Anak ni Haring Linceo. Siya'y magandang dalagang hinahangaan ng maraming


kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nananatiling kay
Florante.

7. FLORANTE- Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na Heneral ng
hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon
sa gubat.

8. MENALIPO- Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong
siya ay sanggol pa lamang.
9. KONDE SILENO- Ama ni Adolfo na taga-Albanya

10. KONDE ADOLFO-Isang taksil na kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan sya nito
sa husay at popularidad habang sila ay nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa Kahariang
Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nagpahirap kay Florante at
nagtangkang umagaw kay Laura.

📍MGA TAUHANG MORO/MUSLIM

1. HENERAL OSMALIK- Magiting na Heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotona


subalit natalo at napatay ni Florante.

2. HENERAL MIRAMOLIN- Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit


nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.

3. SULTAN ALI-ADAB-Malupit na ama ni Aladin at siya ring kaagaw niya sa kasintahang si


Flerida

4. EMIR- Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal ng
dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni
Florante.

5. ALADIN-Isang gererong Moro at prinsipe ng Persya, anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw
niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya't pinili nyang magparaya ag maglagalag sa
kagubatan. Dito nya natagpuan si Florante na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at
relihiyon.

6. FLERIDA- kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ni Sultan Ali-Adab. Tumakas siya sa


nakatakdang kasal sa Sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni
Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong.

You might also like