You are on page 1of 2

Ang mga Tauhan

Florante

Ang magiting na mandirigma ng kahariang Albanya, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng
Kahariang Krotona. Si Florante ang kasintahan ni Laura at mahigpit na karibal ni Konde Adolfo.

Laura

Ang prinsesa ng kahariang Albanya na anak ni Haring Linseo. Isang dilag na nagtataglay ng mala-Venus
na kagandahan. Tapat ang pag-ibig kay Florante subalit biktima ng pagtataksil ni Konde Adolfo.

Konde Adolfo

Isang palamarang anak ng mabunying Duke Silano. Nagpanggap na mabait at mahinahon sa panahon ng
pag-aaral sa Atenas subalit dahil sa inggit at panibugho kay Florante ay lumantad rin ang
pagbabalatkayo. Nagdulot ng kapighatian sa puso nina Florante at Laura at nagpadilim ng buong
kaharian ng Albanya.

Aladin

Isang gererong Moro na sunud-sunudan sa amang Sultan ng Persiya na si Ali-Adab. Kasintahan ang
magandang si Flerida na naging sanhi ng kasawian ng kanyang puso.

Flerida

Isang magandang dalaga na kasintahan ni Aladin. Nagpanggap na lalaki upang makatakas sa buhong na
sultan ng Persiya na si Ali-Adab na nais siyang pagsamantalahan. Napilitan siyang sumang-ayon sa
pagpapakasal sa sultan upang iligtas na mapugutan ng ulo ang kasintahang si Aladin.

Haring Linseo

Ang dakila at makatarungang hari ng kahariang Albanya. Una pa lamang Makita si Florante ay natiyak na
niyang ito ang magiging tagapagmana ng kanyang trono’t sentro.

Duke Briseo

Ang dakilang ama ni Florante. Tagapayo ni Haring Linseo.

Prinsesa Floresca

Ang butihing ina ni Florante na nagmula sa kahariang Krotona.

Menandro

Ang tapat na matalik na kaibigan ni Florante. Ang nagligtas sa kanya sa unang kapahamakang idinulot ni
Adolfo. Ang tagapagmana ng hukbo ni Florante.

Gurong si Antenor

Ang kaibigan at magiliw na guro ni Florante sa Atenas. Amain ni Menandro. Ang tagapayo ni Florante sa
mga pagbabanta ni Adolfo.

Sultan Ali-Adab
Ang mabangis na ama ni Aladin na sultan ng Persiya, ang nag-utos na papugutan ng ulo si Aladin.

You might also like