You are on page 1of 5

MGA MAHAHALAGANG

TAUHAN NG
FLORANTE AT LAURA

TAUHANG KRISTIYANO
1.Menandro
-mabuting kaibigan ni Florante.Naging kaklase
niya sa Atenas.Nakapagligtas ng buhay ni Florante at
siyang naging kanang kamay niya sa digmaan.

2.Antenor
-ang mabuting guro nina Florante,Adolfo, at
Menandro habang siya ay nag-aaral sa Atenas.Siya
ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay
kay Florante.

3.Prinsesa Floresca
-ang mapagmahal na ina ni Florante,asawa ni
Duke Briseo,anak ng hari ng Krotona.Maaga niyang
naulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-
aaral si Florante sa Atenas.
4.Duke Briseo
-ang butihing ama ni Florante.Kaibigan at
tagapayo ni Haring Linceo.
5.Haring Linceo
-ama ni Laura at Hari ng
Albanya.Makatarungan at mabuting hari.
6.Laura
-anak ni Haring Linceo.Siya`y magandang
dalagang hinahangaan at hinangad ng maraming
kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir subalit ang
kanyang pag-ibig ay nanatiling laan kay Florante.
7.Florante
-ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca.Siya ang magiting na heneral na hukbo ng
Albanya at nagpabagsak ng 17 kaharian bago siya
nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
8.Konde Adolfo
-isang taksil at naging mortal na kalaban ni
Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at
popularidad habang sila’y nag-aaral sa Atenas .
9.Menalipo
-pinsan ni Florante.Nakapagligtas sa buhay
niya mula sa isang buwitre noong siya’y sanggol pa
lamang.
10.Konde Selino
-ama ni Adolfo na taga-Albanya.

MGA TAUHANG MORO


1.Heneral Osmalik
-magiting na heneral ng Persiya na namuno sa
pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni
Florante.
2.Heneral Miramolin
-heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay
sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang
hukbo.
3.Sultan Ali-adab
-malupit na ama ni Aladin at siya ring naging
kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
4.Emir
-gobernador ng mga Moro na nagtangka kay
Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng
dalaga.Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit
nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Florante.
5.Aladin
-isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya.Anak
ni Sultan Ali –adab.Naging kaagaw niya ang ama sa
kasintahang si Flerida kaya’t pinilit niyang magparaya
at maglagalag sa kagubatan.Dito niya nailigtas si
Florante na itinuring na mahigpit na kaaway ng
kanyang bayan at relihiyon

6.Flerida
-kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng
amang si Sultan Ali-adab.Tumakas siya sa gabi ng
nakatakdang kasal sa Sultan upang hanapin ang
kasintahan.Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo
noong panain niya sa dibdib at napatay ang buhong.
Ipinasa nina:
Jenny Mae O. Diaz
Hamida Sanday

Ipinasa kay:
Mrs. Eden Rose Conde

You might also like