You are on page 1of 2

Florante

Antenor
-Ang mabuting guro nina
Forante, Adolfo at
Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng
maraming bagay kay Florante.

Prinsesa Floresca
- Ang mapagmahal na ina ni
Florante. Asawa ni Duke Briseo at anak ng haring Krotona. Maaga niyang naulila si
Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.

Duke Briseo
- Ang butihing ama ni
Florante. Kaibigan at tagapayo ng Haring Linseo

Haring Linseo
- Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.

Laura
- Anak ni Haring Linseo. Siya'y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng
maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir. Subalit ang kanivana pag-ibig ay
nanatiling laan para kay Florante

Florante
- Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na Heneral na hukbo
ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya malinlang ni Adolfo at
naipatapon sa gubat.

Ang magsing-irog na sina Florante at Laura ang mga pangunahing tauhan ng awit. Sila
rin ang naging hari at reyna ng Kahariang Albanya pagkatapos itong mabawi mula sa
buhong na si Adolfo.

Konde Adolfo
- Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito
sa husay at popularidad habang sila ay nag-aaral sa Atenas. Siya ang umagaw ng
kahariang Albanya. Nagpapatay kina Haring Linseo af Duke Briseo.
Nagpahirap kay Florante at nagtangkang umagaw kay Laura.

Menalipo
- Pinsan ni Florante.
Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lamang

Konde Sileno
- Ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Osmalik
- Magiting na heneral ng
Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.

Heneral Miramolin
- Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa
Albanya subalit nalupig nila Florante at ng kanyang hukbo.

Sultan Ali-Adab
- Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si
Flerida.
Emir
- Gobernador ng mga moro na nagtangka kay Laura subalit finanggihan at sinampal sa
mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa
maagap ng pagdating ni
Florante

Aladin
- Isang gererong moro at prinsipe
ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-Adab.
Naging kaagaw niya ang ama sa
kasintahang si Flerida kaya'+ pinili
niyang magparaya at maglagalag
sa kagubatan. Dito niya nailigtas sì
Florante at itinuring na mahigpit
na kaaway ng kanilang bayan at
relihiyon.

Fierida
- Kasintahan ni Aladin na
tinagkang agawin ng amang si Sultan Ali-adab. Tumakas
siya sa gabi ng nakatakdang
kasal sa sultan upang hanapin
ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo
nang panain niya sa dibdib at
mapatay ang buhong

Sina Aladin at Flerida ang mga tauhang moro na naging tagapagligtas ng


magkasintahang kristiyano na sina Florante at Laura. Pinatunayan nilang ang
pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling lahi at maging ang itinuturing na kaaway ay
dapat tulungan kung kinakailangan

You might also like