You are on page 1of 5

Mga Tauhan sa Florante at Laura

Florante
 Gerero at tagapagtanggol ng kaharian ng Albanya; mabait na anak nina Duke Briseo
at Prinsesa Floresca; pinakamamahal ni Laura. Dukeng katipan ni Laura; matalino,
matapang, at matipunong binata; isang kristiyano
 Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing
tauhan ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani,
mandirigma at heneral ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at
Turko.

Laura
 Prinsesa ng Albanya; anak ni Haring Linceo; minamahal ng lubos ni Florante;
Prinsesang katipan ni Florante; iniligtas ni Flerida mula kay Adolfo
 Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-
ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo
 Anak ni Konde Sileno; nagtangkang pumatay kay Florante; umagaw kay Laura kay
Florante
 Kondeng kaagaw ni Florante kay Laura; taksil; may lihim na inggit kay Florante;
umagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya
 Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si
Adolfo ay isang taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila
sa Atenas. Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa
Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa
trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
 Gererong moro ng Persiya; anak ni Sultan Ali Adab; nagligtas sa buhay ni Florante;
nakaisang-dibdib ni Flerida. Prinsipe ng Persiya; katipan ni Flerida; isang moro
 Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na
kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
 Napusuan ni Sultan Ali Adab; nakaisang-dibdib ni Aladin ; ang babaeng pinag-
aagawan ng mag-amang Sultan Ali-Adab at Aladin; nagligtas kay Laura; isang mora
 isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan
ang kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.
Menandro
 Isa sa mga naging kamag-aral nina Florante at Adolfo nung sila’y nag-aaral pa;
pamangkin ng gurong si Antenor; nagligtas kay Florante sa tangkang pagpatay ni
Adolfo; Kaibigan ni Florante; mabait, matapat, at laging kasama ni Florante sa mga
digmaan; madalas iligtas si Florante mula sa binggit ng kamatayan
 Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa
digmaan.

Antenor
 Mabait at matalino na guro nina Florante, Adolfo, at Menandro; Mabait na guro sa
Atenas; amain ni Menandro

Duke Briseo
 Ama ni Florante; kabiyak ni Duke Floresca; namatay dahil sa utos ni Adolfo.

Prinsesa Floresca
 Ina ni Florante; may-bahay ni Duke Briseo; prinsesa ng Krotona.

Konde Sileno
 Ama ni Adolfo

Haring Linceo
 Hari ng Albanya; ama ni Laura; namatay dahil sa utos ni Adolfo.

Hari ng Krotona
 Lolo ni Florante; ama ni Prinsesa Floresca.

Sultan Ali Adab


 Ama ni Aladin; umagaw kay Flerida

Heneral Osmalik
 Pinuno ng hukbong Moro na sumakop sa Krotona; Heneral na Persiyano; napatay ni
Florante

Menalipo
 Pinsan ni Florante; ang nagligtas kay Florante mula sa buwitre na muntik nang
dumagit sa kanya noong siya’y sanggol pa lamang

Miramolin
 Heneral na turko; lumusob sa Albanya
BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Sa gitna ng isang malawak na gubat sa labas ng kaharian ng Albanya na nababagtas ng


ilog Kositong makamandag ang tubig, ay nakagapos ang isang kaawa-awang tao sa isang
puno ng Higera. Siya si Florante, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Unti-unting
pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang gubat ay sadyang nakakatakot. Mga
mababangis na hayop ang gumagala dito, ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang
malalaking punongkahoy ay tunay na nakakasindak.

Sa isang di sinasadyang pagkakataon, napapunta ang isang Persyanong Moro sa dakong


kinalalagyan ni Florante. Ito ay si Aladin, anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa
sariling bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa kanyang
kasintahang si Flerida. Nadinig lahat ni Aladin ang mga panaghoy ni Florante tungkol sa
kanyang mga kahirapan at siya ay lubos na naawa. Tinunton niya ang pinanggagalingan
ng tinig at nakita ang dalawang leong naka-akmang pumaslang kay Florante. Mabilis na
pinaslang ni Aladin ang mga leon. Kinalagan niya ang gapos ni Florante at pinagpilitang
pahimasmasan siya. Yayamang dumidilim na noon, dinala ni Aladin si Florante sa may
dakong pinasukan nito sa gubat at doon ay magdamag siyang binabantayan. Kinabukasan
ay nagkakuwentuhan silang dalawa.

Nagkwento si Florante ng kanyang naging buhay. Kinakitaan daw siya, mula nang
pagkabata, ng mga katangiang pangmaharlika; isinalaysay niya kung paano muntik nang
madagit siya ng isang buwitre kung hindi lamang napana ito ng kanyang pinsang si
Menalipo, na taga-Epiro; binanggit din niya ang paghatid ng isang ibong arkon sa kanyang
dibdib ng isang kupidong diyamante. Ipinadala siya sa Atenas upang doon ay mag-aral.
Dito ay nadatnan niya si Adolfo, anak ng Konde Sileno na taga-Albanya din, na
hinahangaan ng mga guro at mga kamag-aral dahil sa katalinuhan niya at pagka-uliran sa
pagkilos at pananalita. Labing-isang taong gulang lamang noon si Florante at si Adolfo ay
labing-tatlo na; ngunit sa loob ng anim na taong masugid na pag-aaral, nadaig ni Florante
si Adolfo sa karunungan at kagalingan. Hindi naglaon at lumabas ang likas na pagkatao ni
Adolfo. Kinasuklaman niya ang mga tagumpay ni Florante. Kaya nga sa isang dulang
itinanghal, sa halip na sundin ang hinihingi ng papel, tinotohanan niyang saksakin si
Florante. Mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro, pamangkin ng kanyang gurong
si Antenor. Kinabukasan din ay pinauwi si Adolfo sa Albanya.

Namalagi pa ng isang taon si Florante sa Atenas. Samantala, nakatanggap siya ng


masamang balita mula sa kanyang ama na namatay ang kanyang mahal na ina. Kahit na
siya ay nagdadala ng malaking sama ng loob, hinintay pa niya ang pasiya ng kanyang ama.
Dumating lamang ang isang sulat makatapos ang dalawang buwan na nagsasabing umuwi
na si Florante sa Albanya.

Ipinatawag ni Haring Linseo ang Duke Briseo sa Albanya sapagka't ang kaharian ng
Krotona ay sinalakay ng hukbo ng Persiyanong Heneral Osmalik. Sa unang pagkikita ng
Haring Linseo kay Florante, itinanong agad nito kung sino si Florante. Sinabi nitong
napanaginipan daw niya ang taong mamumuno sa hukbo ng Albanya laban sa kaaway at
ito'y kamukhang-kamukha ni Florante. Ipinakilala ng Duke ang kanyang anak sa hari.
Nagsipagpulong ang mga pinuno at napagpasiyahang si Florante nga ang magdadala ng
hukbo ng Albanya. Samantala, sa palasyo ay napukaw ang puso ng binata ng magandang
anak ng hari, si Laura. Namalagi ng tatlong araw si Florante sa palasyo; nguni't naging
kasintahan lamang niya si Laura pag-alis na niya. Ito ay nagpabaon ng luhang tanda ng
pagmamahal niya sa binata.

Nakasagupa nina Florante ang mga kalaban; limang oras na naglaban sina Florante at
Osmalik. Hindi nagtagal, bangkay na itinanghal ang ganid na Persiyano. Nanatili pa ng
limang buwan si Florante sa Krotona. Labis siyang nanabik kay Laura kaya't nagdumaling
bumalik sa Albanya. Sa kanyang pagdating, ikinagulat niya ng husto nang makitang
bandila na ng mga Moro ang nagwawagayway sa kaharian ng Albanya. Pinatigil niya agad
sa paanan ng isang bundok ang kanyang hukbo. Nakita niya dito ang isang babaeng
pupugutan na lamang ng ulo ng mga kalaban. Kanyang mabilis na sinagip ang inuusig.
Anong laking pagkamangha nang makita ng lahat ang babae: si Laura! Nagsipagtakbuhan
ang hukbo ng kalaban, napinamumunuan pala ni Aladin. Nabawi ang palasyo nina
Floranate at nailigtas ang mga ibinilanggo : sina Haring Linseo, Duke Briseo at Adolfo.

Hindi pa halos natatahimik ang kaharian ng Albanya ay may isang hukbo na naman ang
sumalakay; ito ay ang hukbong pinamumunuan ni Miramolin. Sa madugong paglalaban
ay nagapi nina Florante ang mga kalaban. Nguni't may sunod-sunod pang mga hukbo ang
nagtangkang sumalakay sa kaharian. Labimpito silang lahat; at lahat din sila ay pawang
natalo ni Florante!

Habang nasa Etolya si Florante, nakatanggap siya ng sulat buhat sa monarka ng Albanya
na nagsasabing madaling magbalik sa Albanya. Nabigla si Florante pagdating niya.
Tatlumpung libong sandatahan ang dumakip sa kanya at dali-daling ipiniit siya sa
bilangguan. Hindi niya alam na sa mga pakana ni Adolfo ay napatay pala nito ang mahal
na hari maging ang Duke Briseo at ito ang siyang umagaw sa trono. Ikinulong si Florante
nang labing-tatlong araw; pagkatapos ay ipinag-utos na igapos siya sa gitna ng kasindak-
sindak na gubat upang doon ay masila ng mababangis na hayop. Magdadalawang araw
na siya sa gubat na iyon.

Isinalaysay naman ni Aladin ang kanyang mga karanasan. Siya ang anak ng balitang
Sultan Ali-adab. Napadpad siya sa gubat dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang
ama. Ang kanyang kasintahang si Flerida ay ninasang agawin sa kanya ng sariling ama. Sa
tindi ng pagnanasa ng sultan, naghanap ito ng dahilan upang masarili ang dalaga. Sa
pamamagitan ng pagsisiyasat, natuklasan nitong nagpunta sa Persya si Aladin at iniwan
ang kanyang hukbo sa Albanya. Kaya nang maagaw ni Florante ang Albanya at
matuklasan niyong si Aladin ay umurong sa labanan, ipinalagay ni Sultan Ali-adab na iyon
ay isang pagkamakasalanan, at hinatulang pugutan ng ulo ang sariling anak. Nguni't nang
gabi ding iyon, tumanggap si Aladin ng isang mensahe na siya ay ipinatatapon sa ibang
lupa. Ang bilin ay huwag na siyang babalik sa Persya kung nais pa niyang mabuhay. Ang
paglilibot niya ay may anim na taon na ngayon.

Habang nagku-kwentuhan sina Florante at Aladin, nadinig nila ang pag-uusap ng


dalawang tao. Ang isa ay nagsasalaysay kung paano nalaman nitong ipapapatay ang
kasintahan nitong nasa bilangguan. Dahil dito pumayag itong makasal sa hari. Pinawalan
naman ang kasintahang nabibilanggo. Noong gabing iyon ay tumakas ito sa
pagbabalatkayo bilang isang gerera. Madaming taon na ito ngayong naglalagalag,
haggang sa magkita ang dalawa sa pook na ito. Samantala, dahan-dahang nilapitan nina
Florante at Aladin ang nagsisipag-usap. Anong laking tuwa nang makita nilang ang
nagsisipag-usap ay walang iba kundi sina Laura at Flerida!

Ikinuwento ni Laura kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi niya kung paano naagaw ni
Adolfo ang trono, kung paano pinugutan ng ulo ang hari. Sinabi din niyang pinadalhan
niya ng sulat si Florante sa Etolya upang ipaalam ang mga nangyayari sa Albanya nguni't
ito ay hindi nakaabot kay Florante. Samantala, natapos na noon ang limang buwang
taning ni Adolfo kay Laura upang mapag-aralan ang handog na pag-ibig nito. Wala nang
paraang nalalabi kay Adolfo upang mahimok si Laura; kaya't sa kailaliman ng gabi ay
pinilit nitong dalhin siya sa gubat upang doon ay siraan ng puri. Siya namang pagdating sa
gubat ni Flerida. Nakita niyon ang kabuktutan ni Adolfo. Sa isang pagsibat niyon ay
napatay agad si Adolfo.

Habang nagpapalitan ng kani-kanilang karanasan ang apat, nagsidating sina Menandro,


kasama ang buong hukbo ng Albanya. Pinaghahanap nila si Adolfo upang maibalik ang
dating katahimikan ng Albanya. Nagsipagsigawan ang buong hukbo sa tuwa nang makita
ng lahat na buhay sina Florante at Laura. Ipinagbunyi nilang lahat ang magkasintahan.
Pagkaraan ay nagbalik silang nagsisipagbunyi sa palasyo. Hindi nagtagal at nakasal sina
Florante at Laura. Itinanghal na hari ng Albanya si Florante; si Laura, ang reyna. Sina
Aladin at Flerida naman ay pinag-isang dibdib din matapos mabinyagan upang maging
ganap na Kristiyano. Bumalik silang dalawa sa Persya nang mamatay ang Sultan Ali-adab,
at doon sila ay namuno sa sariling kaharian.

You might also like