You are on page 1of 1

Mahahalagang Konsepto

 Ang akdang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra maestra ng panitikang Pilipino.

 Ito`y isang awit na may sukat na lalabindalawahing pantig, at binubuo ng tatlong daan tatlumpu`t siyam na saknong.

 Ang paksa ay hango sa totoong buhay ngunit ang mga tauhan at tagpuan ay likhangisip lamang ng manunulat.

 Ang Florante at Laura ay hitik sa kaalaman sa lahat ng aspeto na humuhubog sa kaisipan at nagsisilbing gabay sa lahat
ng mamamayan.

 Sinasabing mababang uri ang panitikan sa panahong ito sapagkat wikang Espanyol ang gamit ng mga manunulat.

 Ang tulang ito ay nagsisilbing daan upang maiparating ang hinaing ng mga Filipino sa inang bayan.

 Uhaw sa karapatang pantao ang mga Filipino sa panahong ito.

 Karaniwan sa mga manunulat sa panahong ito ay gumagamit ng wikang Espanyol.

 Sa panahong ito ang mga manunulat ay walang kalayaang pumili ng paksa.

 Walang karapatang maghayag ng tunay ng saloobin ang mga Filipino.

Mga Tauhan

Florante - tagapagtanggol ng Albanya, nagpasuko ang 17 na Hari sa kanyang pakikipaglaban.

Laura - anak na babae ni Haring Linceo ng Albanya; babaing iniibig ni Florante.

Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante.

Flerida - kasintahan ni Aladin.

Haring Linceo - hari ng Albanya, ama ni Laura.

Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin.

Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona.

Duke Briseo - ama ni Florante.

Konde Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo.

Konde Sileno - ama ni Konde Adolfo.

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang.

Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor.

Antenor - guro ni Florante sa Atenas.

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura.

Heneral Osmalik - heneral ng Persya.

Heneral Miramolin - heneral ng Turkey.

Adolfo - ang Buhong sa kasaysayan.

You might also like