You are on page 1of 1

Ang Naglahong mga Baryo

Sa bandang Timog Luzon ay matatagpuan ang bayan ng San Andres. Kilalala ito
bilang isa sa pinakamagandang bayan sa Pilipinas. Mayroon itong magagandang
tanawin, malinis na tubig-dagat, at mga naglalakihang establisimyento. Kilala rin ito
dahil sa kayamanan at kaayusan ng mga baryo. Ang bayan ng San Andres ay
nahahati sa apat na baryo. Ang Baryo Matalino, Baryo Matulungin, Baryo Masinop,
at ang Baryo Matapat.

Isang araw, dumaong sa pantalan sa Baryo Matapat ang isang malaking dayuhang
barko. Ito ay napakamoderno. Namangha ang lahat sa angking ganda nito. Malugod
na pinatuloy ng pinuno ng Baryo Matapat ang mga dayuhan. Lingid sa kaalaman
niya ang tungkol sa mga totoong pinapakay ng mga dayuhan.

Nagdala ang mga dayuhan ng mga regalo sa mga pinuno ng mga baryo. Ayon sa
mga dayuhan, ang lahat ng ito ay makakarating sa pantalan ng San Andres kung
tatanggapin ng mga pinuno ang pakikipagkaibigan nila, sa pamamagitan ng
pagpapahintulot sa pagtatayo ng isang malaking Bahay-pasugalan sa loob ng
bayan. Pinatawag muna ng pinuno ng Baryo Matapat ang ibang mga pinuno para sa
isang pagpupulong.

Mabilis na tumanggi ang mga pinuno ng Baryo Matalino, Baryo Matulungin, at Baryo
Matapat. Habang ang pinuno ng Baryo Masinop ay papuslit na tinungo ang mga
ibang pinuno sa kabilang kwarto at inalok ang mga ito ng bahagi sa bahaging kikitain
sa pasugalan bawat buwan. Agad na sumang-ayon ang mga pinuno.

Ilang buwan ang nakalipas, natayo na ang Bahay-pasugalan. Sabik na sabik ang
mga mamamayan sa pagsusugal. Abalang-abala sila sa pagsusugal ng kanilang
mga salapi, kabuhayan, at ari-arian upang makasama sa mga walang sawang
tumataya.

Ilang buwan pa ang nakalipas hindi na mapigilan ng mga mamamayan ang


pagsusugal. Maraming trabaho ang natigil dahil karamihan sa mga tao ay nasa
Bahay-pasugalan. Hindi na rin napigilan ang pagkalugmok sa kahirapan ng
napakaraming mamamayan.

Simula noon, unti-unting nang nagsilikas ang mga mamamayan ng San Andres
hanggang wala na ring naninirahan. Umabot na lamang sa puntong nilimot na ng
panahon ang dating kaayusan ng bayang San Andres.

You might also like