You are on page 1of 1

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga
isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang
makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit
sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit
na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang
karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang
humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na
ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na
gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

LUHA NG BUWAYA

Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don
Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-
asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin
ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang
kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-
maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng
mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande.
Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi
ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang
kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa
dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga
dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao
na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa
lipunan.

Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o


"pagkukunwari."

You might also like