You are on page 1of 13

1

Introduksyon

Ang Sitio San Roque ay isang tahimik at mapayapang lugar na may mga malalawak na lupain at may

mga nakukuhang pang kabuhayan ang mga mamamayan na nakatira rito. Matatagpuan sa pampublikong lugar

sa North Triangle, Baranggay Bagong Pag-asa, Quezon City, na ang nasa harapan nito ay ang Philippine

Science High School katabi ng Agham Road.

Kilala ang Sitio San Roque sa pagiging urban poor community, at matatagpuan dito ang tatlumpu’t

pitong (37) ektarya na mayroong labing-pitong libo (17,000) na pamilyang naninirahan. Noong Disyembre

2018, ang numerong ito ay bumaba sa higit-kumulang anim na libo’t limang daan at isa (6,501). Mayorya sa

mga residente na naninirahan sa Sitio San Roque ay mga walang lupa na magsasaka, mga mangingisda na

lumipat mula sa mga lalawigan, at mga manggagawa ng pormal at impormal na ekonomiya (drayber, tindero’t

tindera, construction workers, katulong, guro, at salespeople.)

Matatagpuan sa loob ng Quezon City Central Business District (QCCBD), ang lupain ay pag-aari ng

National Housing Authority (NHA), na pumasok sa isang join venture sa pamahalaan ng Quezon City at

pag-aari ng Ayala Land. Para sa pagpapatunay ng kanilang karapatan sa kanilang pamayanan, ang mga tao sa

Sitio San Roque ay nahaharap sa marahas na demolisyon, sapilitang pagpapalayas, militarisasyon, at iba pang

mga paglabag sa karapatang pantao mula noong kalagitnaan ng 2000.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa paggamit ng Sining bilang pamamaraan ng

pagbawi sa mga giniba at patuloy pang pinagbabantaang gigibain na lugar sa Sitio San Roque at nais sagutin

ang mga sumusunod na katanungan

1. Matukoy at malaman kung bakit maituturing na pamamaraan ang paggamit ng Sining sa isyung

kinakaharap ng Sitio San Roque?

2. Siyasatin kung ano-ano ang naging epekto ng Sining sa pamayanan o sa buong komunidad ng Sitio

San Roque?

3. Malaman kung sa paanong paraan pinapanatili ng mga taga-Sitio San Roque ang kanilang kultura na

Sining?
2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Sa gobyerno, napakahalagang malaman ng gobyerno kung ano ba talaga ang panawagan sa likod ng

mga Sining sa Sitio San Roque. Mas mapapalawak ang kaalaman nila sa tunay na nangyayari sa pamayanan sa

Sitio San Roque. Sa pamamaraan na ito, mas maiintindihan ng gobyerno kung ano ba talaga ang kailangan at

wasto para sa mga pamayanan na nakatira sa Sitio San Roque.

Sa mga mag-aaral, nais ipabatid ng mga mananaliksik ang kultura ng Sining at kung ano ang mga

kahalagahan nito sa Sitio San Roque, kung paano ito nakatutulong sa kanila. Nais ding mabigyan ang mga

mag-aaral kung ano ang maaaring maging dulot ng Sining sa mga kinakaharap na sigalot. Kahit papaaano ay

makatutulong ang pananaliksik na maipabatid ang kahalagahan ng Sining sa ating lahat.

Sa mga nagbabalak maging volunteer, maaari nilang gawing basehan ang pag-aaral na ito para sa mga

proyekto at aktibidad na posible pa nilang gawin sa Sitio San Roque upang makatulong sa mga pamayanan.

Maiintindihan at magkakaroon sila ng malawak na ideya sa kasalukuyang nagaganap na sitwasyon sa Sityo San

Roque.

At para sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magagamit nila upang makagawa

ulit ng panibagong pananaliksik. Maaari nila itong balikan upang kumuha ng ideya na makatutulong sa

kanilang bagong pag-aaral.


3

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Ang Sitio San Roque ay isang barangay sa North Triangle, Lungsod ng Quezon. Ang Sitio San Roque

noon ay binubuo ng mga malalawak na lupain na pinaglalagayan ng iba’t ibang pananim na kung saan ay

nagagamit nila bilang kanilang pangkabuhayan. Ang mga informal settler sa lugar ay nakipaglaban at patuloy

pa ring nakikipaglaban laban sa mga awtoridad ng gobyerno na pumipilit sa kanila upang umalis mula sa

kanilang mga tirahan. Nagsimula ang demolisyon sa Sitio San Roque noong nagsimulang mag-usbungan ang

pagtatayo ng mga imprastaktura sa mga katabing lugar nito. Sa bawat araw, unti-unting nauubos ang mga

nakatayong kabayahan sa bayan ng San Roque na naging dahilan ng pagkakaroon ng pag-aalsa sa mga

mamamayan ng lugar na ito.

Dito na nagsimula at umusbong ang pagkabuhay ng sining sa pagguhit sa lugar na ito. Ang pagguhit sa

mga pader ng mga ginibang bahay ang ginagawang paraan ng mga taga Sitio San Roque upang mailabas o

maipahiwatig ang kanilang hinanaing. Sa pamamagitan ng pagpipinta sa mga ginibang pader, naipamamalas

nila ang kanilang mga angking talento sa pagguhit. Nakagawian na sa kultura ng mga taga-Sitio San Roque ang

pagguhit ng mga larawan sa mga dingding ng nasirang mga kabahayan na kung saan sa kanilang pagguhit ay

ipanahihiwatig nila ang mensaheng nais nilang ihatid. Nakilala ang San Roque dahil sa kakaiba at natatanging

pagpapahayag ng kanilang mga hinaing o reklamo gamit ang pagguhit.

Ayon kay DJ Harts (2002), ang sining ay paraan ng tao na ilahad ang kanilang nararamdaman

halimbawa o kaya kung paano nila nakikita ang mga bagay sa paligid. Sa relasyon ng sining at sosyodad,

naipapakita sa mga pinta kung ano ang nangyari sa sosyodad noong mga panahong iyon. Kung titingnan sa

sining-biswal, nakikita ang pag-iiba at pagbabago sa kultura, paligid, at istilo.

Ayon naman kay Navarro (2006), ang sining ay isang paraan upang malaman kung saan patungo ang

pag-unlad. Pero kahit na hindi lahat ng sining ay madaling matanggap ng lipunan. Ito ay kakailanganin pa rin

ng tao. Gutom, giyera, at di-pagkakaunawaan na naipapahiwatig sa anomang uri ng sining-biswal ay higit na

upang maapektuhan ang pagbabago sa lipunan kahit sa pinakamaliit na komunidad.

Ayon sa Redefined articles (2001), magkaakibat ang sining at ang pagbabago. Ang sining mismo

nakaapekto rin sa mga pagbabago sa paraang naimumulat nito ang mga mata ng sosyodad at ipakita ang

pangangailangan para sa pagbabago.


4

Lumaban at ipinaalam nila sa lahat ang kanilang mga pinagdadaaan sa pamamagitan ng sining. Kung

saan ito ay naging kultura na ng komunidad sa tuwing may mga bahay na ginigiba, ito ay kanilang

pinipinturahan upang ipahiwatig ang kanilang nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot sa kanilang buhay.

Kasalukuyang Obserbasyon

Ang Sitio San Roque ay parte ng Quezon City, isa sa pinaka malaking lungsod sa Maynila. Ang mga tao

na pumupunta rito ay mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, dala ang kani-kaniyang tradisyon at kultura. Sa

kabila ng kanilang pagkakaiba ay nirerespeto nila ang bawat isa. Nagdiriwang sila ng pista rito at nagdaraos din

sila ng mga palagsihan sa larangan ng iba’t ibang laro, at beauty pageant sa kanilang lugar. Kapansin-pansin

din ang mga pinta na nagkalat sa Sitio San Roque na gawa ng mga mamamayan na nakatira rito at pati na rin ng

mga volunteers. Makukulay ang mga ito at sumisimbolo sa maraming bagay na nais nilang iparating sa

kinauukulan. Ang mga Sining na ito ay imprinta ng kanilang sariling damdamin na lumiliyab sa kagustuhang

makamit ang tunay at pantay-pantay na karapatan para sa bawat mamamayan na nakatira sa San Roque.

Magmula ng isinagawa ang demolisyon at relokasyon sa Sitio San Roque ay tila nag-iba na ang paligid,

ayon sa aming mga nakapanayam, kaunti na lamang ang dumadalo sa kanilang pista kumpara noon, at ang mga

pintang nasa mga pader ay paunti-unting nasisira na. Kapansin-pansin din na kakaunti na lamang ang mga

taong naninirahan dito kumpara noon dahil na rin sa banta ng demolisyon na nangyayari sa Sitio San Roque.

Mapapansin na malaki ang epekto ng demolisyon sa Sitio San Roque na nagdulot ng malaking

pagbabago sa lugar dito. Naiwan na lamang ang mga bakas ng nakaraan sa mga gumuhong imprastraktura rito.

Naging isang tahanan para sa iba, agad namang binawi ito upang gumawa ng mga kaunlaran ng lunsod tulad ng

mga mall, hotel at sa lalong madaling panahon upang maging isang casino, na nakatutustos lamang sa mga nasa

itaas na uri ng lipunan. Ngunit, sa kabila ng demolisyon, patuloy na pinepreserba ng mamamayan ng Sitio San

Roque ang Sining sa pamamagitan ng pag-iimbita sa mga local artists sa Pilipinas na maaaring magpinta sa

kanila at makihalubilo sa bawat pamilyang nakatira rito. Patuloy silang nanawagan para sa mga volunteer

artists at sa mga donasyon ng mga materyales sa paggawa tulad ng mga brush, water-based paint, at iba pa.
5

Implikasyon ng Pagbabago

Ang mga likhang sining ay nagpapaalala sa atin na ang kahirapan ng Sitio San Roque ay kailangan nang

solusyonan na may karampatang dignidad. Patuloy silang lumalaban sa isa pang pag-ikot ng demolisyon, ang

mga residente ng pamayanan na pinamumunuan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) - San

Roque Chapter ay lupon ng mga inspirasyon na artista na patuloy sa paggawa ng iba't ibang uri ng mga

inisyatibo.

Sa ngayon, ang mga nakasisilaw na condominiums at mall ay lalong nagpapasikip sa Sitio San Roque at

ang mga residente ay patuloy na iginigiit ang kanilang karapatan sa pabahay. Patuloy ang pagpipinta ng mga

taga-Sitio San Roque dahil para nila itong panawagan sa mga magdedemolish ng kanilang bahay mas lalo

nilang dinadamihan ang kanilang pagpipinta para mas marinig ng korte ang mga kanilang panawagan.

Patuloy ang mga pamayanan sa Sitio San Roque sa pagpapanatili ng Sining sa kanilang komunidad.

Nagkakaroon sila ng mga workshop, o kaya ay mga programa na tumatalakay sa Sining at tumutuligsa sa

demolisyon. Noong nakaraang Agosto, naglunsad ng workshop ang Sitio San Roque na pinamagatang, “Nasa

Puso Ang Sitio San Roque” Dito, nagkaroon ng Concept workshop, Open Jam, Poetry Music, Performance Art,

at Skits. Naglunsad din sila ng Kanto artist run space and Sikad, na isang pangkultura, multidisciplinary na

organisasyon ng sining na nagsusulong para sa mga maralitang lunsod. Ang proyekto ay isang gallery at on-site

na visual arts exhibition, mural, art talks / workshops, at pang-akademikong talakayan sa Kanto artist run

space.

Bukod sa exhibit, ang "Salampak: Art Talk & Open Jam" ay ginanap kung saan tinalakay ang mga

nagsasalita tungkol sa pakikibaka ng pamayanan ng Sityo San Roque at ang iba't ibang mga proyekto na may

kaugnayan sa sining mula noong 2010. Sa sining na ito ay pinag-uusapan ang Sining San Roque: Reclamation

of Demolished Space through Art. Sikad, Save San Roque Alliance, Kanto at Nasa Puso ang Sitio San Roque ay

ilan lamang sa mga aktibidad na naganap sa Sitio San Roque para sa mga volunteer artists at ito ang paraan

para mapanatili nila ang Sining sa kanilang lugar.


6

Konklusyon

Batay sa isinagawang panayam ng mga mananaliksik, ang mga pamayanan sa Sitio San Roque ay

patuloy sa paggamit ng Kulturang Sining para mailahad ang kanilang mga panawagan sa mga kinauukulan.

Dito, sa pamamagitan ng pagguhit, malaya nilang nailalabas kung ano ba talaga ang kanilang saloobin sa

nangyayaring demolisyon.

Ayon sa mga respondente, naniniwala sila na malaking ambag sa maralitang lungsod ng Sitio San

Roque ang pakikiisa at pagtulong nating lahat para sa isang pang-masa at abot-kayang on-site pabahay. Bawat

ambag ng mga tao ay isang malaking hakbang para sa pag-abante ng kampanya at paglaban para sa katuparan

ng pangarap ng mga maralita. Naniniwala ang Alyansa na ang pagsulong at pagsasakatuparan nito ay hindi

lamang tagumpay ng Sitio San Roque, kung hindi na rin ng mapaghahalawan din ng aral ng ibang maralitang

komunidad sa Pilipinas. Isa itong malaking tagumpay para sa lahat ng maralitang lungsod sa bansa.

Ang papel ng Sining at pagkamalikhain sa kontekstong ito ay hinahamon. Upang maging isang

kagamitan na magpoprotesta laban sa kawalan ng katarungan. Pinagbubuklod ng sining ang pagkakaisa ng

bawat mamamayan upang magboluntaryo sa mga marginalized urban poor.

Talasanggunian

Reclaiming San Roque through Visual art.

https://www.bulatlat.com/2019/08/07/reclaiming-space-through-visual-art/

Understanding the relationship between art and social change

http://www.robinhewlett.com/understanding-the-relationship-between-art-and-social-change/

Panitikang Kaugnay

https://www.academia.edu/16733251/Kabanata_ii_ng_thesis_sa_filipino
7
APENDIKS

PAGSASALIN NG MGA PANAYAM

UNANG RESPONDENTE

Pangalan: Presy

Kasarian: Babae

Tagapanayam: Paulline San Juan

Araw ng panayam: Agosto 31, 2019

TAGAPANAYAM: Ano pong pangalan nyo?

RESPONDENTE: Presy

TAGAPANAYAM: Ah ilang taon na po kayo?

RESPONDENTE: 47 years old

TAGAPANAYAM: Ilang taon na po kayong naninirahan dito?

RESPONDENTE: Bali 5 years na

TAGAPANAYAM: Sa tagal nyo pong naninirahan dito ano po sa tingin nyo pinagbago ng san roque

mula noon hanggang ngayon?

RESPONDENTE: nung bago ako dumating dito doon lalong lalo na don sa inikutan nyo kasi din ako

marami pang bahay ngayon nakita nyo naman puro uka na

TAGAPANAYAM: Mayroong lokal na produkto po kayo dito? Kung mayroon po ano po ito

RESPONDENTE: Ah wala

TAGAPANAYAM: Ano pong mga aktibidad na ginagawa nyo dito sa san roque

RESPONDENTE: Katulad nito ah halimbawa dito lang sa loob ng san roque may propoganda kami

tungkol sa paririto at paparoon.

TAGAPANAYAM: May mga festival po ba kayo?

RESPONDENTE: Ah oo meron mga fiesta, kasi ang fiesta dito August 15 at 16

TAGAPANAYAM: Ano po yon taon taon nyong sinecelebrate?

RESPONDENTE: Oo, sineclebrate


8
TAGAPANAYAM: Ano po sa tingin niyo ang negatibong epekto pag nawala ang kultura at ano

naman po sa tingin nyo ang positibong epekto nito

RESPONDENTE: Ah para sa akin wala siyang positibong epekto kapag nawala ang kultura namin

dito. Kasi doon na kami nasanay na ilagay sa paintings yung hinaing namin.

TAGAPANAYAM: Sansa kasalukuyan po ano po ‘yung pinaka-kinakaharap ng Sitio San Roque?

RESPONDENTE: Ang hinaharap talaga namin ay yung demolisyon yun talaga ang problema kasi

tulad neto may simbahan pag nawala to wala na ding simbahan kasi meron ditong chapel mosque yung

mga muslim may tradisyon silana ramadaneh hinahayaan na namin

TAGAPANAYAM: Pag nademolish po chapel nila parang malaking kawalan?

RESPONDENTE: Sagrado kasi yan pareahas naman sa simbahan sagrado din naman ‘di dapat inaalis

‘yan

TAGAPANAYAM: Paano nyo po natutugunan or pano nyo po mapipigilan idemolish po yung mga

simbahan o mosque po nila

RESPONDENTE: Kailangan tigilan labanan ang demolisyon kagaya dati nilabanan namin kaya di

natulog demolisyon

TAGAPANAYAM: Paano nyo po sya nilalabanan ano po mga steps nya, paano nyo po sya

nilalabanan ano pong mga steps po ‘yung ginawa nyo po?

RESPONDENTE: Dumaan kami sa prosesong legal.

TAGAPANAYAM: Hindi po yung parang magulo po legal po?

RESPONDENTE: Kasi naranasan na namin nung 2010 at tsaka 2014 walang kaalam-alam ang mga

tao na ang ginamit pala ng COC ang COC kasi Certificate of Compliance ibig sabihin certipiko ng

nagconduct ng demolisyon ngayon yung nangyari kasi nung 2010 at 2014 Ilegal demolisyon kasi

expired na yung COC nila sa ngayon kaya ‘di matuloy ang demolisyon kasi dinadaan namin sa legal

nakakuha kami ng kopya ng COC expired na pala kaya don namin pina muka namin sakanila na

expired na ang nakuha naming COC pwede po namin kayong kasuhan administrative natakot sila

nagulat sila kaya yun ang naging dahilan kung baket natigil ang demolisyon nabuking namin sila na

expired na ang COC tsaka pumunta kami kay mayor J oy hindi nya wala syang pipirmahan na COC

edi yung nagconduct ng PDC ang PDC kasi Pray Demolition conference nag-conduct yon para sa
9
police assistance kasi pag nag first demolish ka may police kaya police demolishon team kaya yun

hindi natuloy

TAGAPANAYAM: Karagdagang Katanungan po ano ano po yung isyung panlipunan kinahaharap

nyo ngayon

RESPONDENTE: Isyung panlipunan kagaya ng demolisyon pag taas ng tubig pagtaas ng bilihin pag

taas ng bigas pagtass ng langis pagtaas ng unang una sa bilihin yung talaga ang unang kinahaharap

namin dito sa loob mg san roque sa san roque kase hindi kagaya sa iba na direct kabit kasi dito may

sarili kang tubig magpapakabit ako sayo ngayon kung san may jumper kakagabitan ko sila tapos ano

ang kilowat talaga ng Meralco is palagay natin 16 sa kuryente kunwari diba sakin ang rate na binigay

saken sa meralco is 16 pag ikaw kumabit saken hihingian kita ng 35 pesos per kilowat

TAGAPANAYAM: Ah mas kumalaki po

RESPONDENTE: Oo

TAGAPANAYAM: Ah bawat kabit po nalaki presyo?

RESPONDENTE: Tapos halimbawa ako mag topping ka saken magbabayad ka saken 1500 para

maka-top ka saken tapos ang ibibigay ko sayong per kilowat is ibibigay ko sayo per kilowat

TAGAPANAYAM: Diba sa mga kuryente pano nyo po nasusulusyunan ang pagbayad dito

RESPONDENTE: Saken kung gusto talaga namin na magkabit talaga ng direct di samin binibigay

kasi idedemolish kami eh gusto na kaming paalisin dito kaya di talaga nila sosolusyunan yung katulad

ng ganong kalaki hanggat maarai ginagawa naman namin hindi tlaga kami natanggap binibigyan ng

magkaroon ng sariling kabit na direkta sa maynilad

TAGAPANAYAM: So ang solusyon nyo nga po ay hindi yo talaga magawa kasi nga idedemolish nga

po

RESPONDENTE: ‘Yun kasi ano nila kaya sa ngayon lumalaban pa din kami nilalabanan namin dito

sa San Roque ‘yung demolisyon kasi sa organisasyon namin pambansang organisasyon kami kaya sa

isyung panlipunan tinutugunan namin tulad ng sa tubig kuryente gas tapos sa mga pamasahe sa mga

jeepney lahat tinutugunan naman namin


10
IKALAWANG RESPONDENTE

Pangalan: Froilan

Kasarian: Lalaki

Tagapanayam: Paulline San Juan

Araw ng panayam: Agosto, 31, 2019

TAGAPANAYAM: Anong pangalan nyo po?

RESPONDENTE: Froilan

TAGAPANAYAM: Ilang taon na po kayo?

RESPONDENTE: 52

TAGAPANAYAM: Ilang taon na po kayo dito sa San Roque?

RESPONDENTE: 30 years

TAGAPANAYAM: Sa ilang taon nyo pong paninirahan dito sa san roque ano pong napansin nyong

pagbabago mula noon hanggang ngayon?

RESPONDENTE: Malaking nagbago kasi nung unang lumipat kami dito puro talahiban pa to,

damuhan ngayon ngayon bahayan na at the same time may katabi na kaminf building

TAGAPANAYAM: May mga lokal na produkto poba kayo dito?

RESPONDENTE: Ang lokal na produkto namin ay isda lang

TAGAPANAYAM: Ano po yung aktibidad na ginagawa nyo dito sa san roque?

RESPONDENTE: Ayon, nakikisalis kami sa pinaglalaban namin dito tulad ng ah pag demolish samin

syempre karapatan naming ipaglaban yung aming ah paninirahan yun ang aktibidad na sinasalihan

namin

TAGAPAYAM: Ano po yung kultura na mayroon dito sa san roque?

RESPONDENTE: Ay pangkaraniwan nalang yon halos ang nakikita kong mga kultura parang hindi

nagbabago yun at yun pa rin.

TAGAPANAYAM: Ano-ano po yon?

RESPONDENTE: Tulad ng mga sa amin christmas yung mga dance contest namin singing contest \

halos ganon din naman yon diba

TAGAPANAYAM: Pano nyo po prinepreserba yung ganon po dito?


11
RESPONDENTE: kailangan lang natin ng sipag kailangan lang naten ng kooperasyon ng mga

kasamahan nating naninirahan dito para lagi nating magawa ng magawa ang ating programa

TAGAPANAYAM: Pinapasa nyo din po ba to sa mga mas nakakabata parang ine engganyo nyo po ba

sila na sumali sa mga nakagawian

RESPONDENTE: Meron kasi, meron ding programa para sa mga bata tulad ng basketball at meron

din silang beauty pageant

TAGAPANAYAM: Sa tingin nyo po ano po yung negatibong epekto kapag nabura na ang mga

nakasanayan dito.

RESPONDENTE: Malaki eh malaki ang negatibong epekto nito baka mamaya baka pag nawala ang

kultura natin mapunta sila sa maling landas

TAGAPANAYAM: Sa kasalukuyan po yung mga problemang kinakaharap ng mga sitio san roque

tungkol sa kultura?

RESPONDENTE: Ah wala naman siguro kasi hanggang ngayon naman buhay pa din ang kulturang

ginagamit namin

TAGAPANAYAM Ano ano po yung isyung panlipunan ang kinakaharap nyo po ngayon?

RESPONDENTE: Ay marami tulad nga ngayon demolisyon kasama rin naman namin ang kapaligiran

eto ngayon pag umulan o bumaha hindi kami naaasikaso ng ating gobyerno bagamat humihing

kami ng tulong sakanila ng pag papagawa ng kalsada pag papagawa ng parang wala naman silang

ano samin binabalewala lang nila kame

TAGAPANAYAM: Ano pong epekto nito sainyo?

RESPONDENTE: Malaki gawa nang syempre parang hindi magandang tingnan kapag pumasok ka

galing sa labas pag pumasok ka rito sa loob parang mababa ang tingin samin ng mga tao

TAGAPANAYAM: Paano nyo po ito sinusolusyunan?

RESPONDENTE: ‘Yun ngang solusyon sana namin ay ang paglapit sana nga sakanila diba nga

ipapagawa ang aming kahilingan ang problema wala talagang tumutulong samin kung kami naman

sarili namin ang kikilos ang gagawa dito konti lang yung kinikita namin para sa iba pang

pagkakagastusan maaagaw pa namin ang panggastos namin dito sa pamilya kung ipapagawa pa namin

ang kailangan
12

IKATLONG RESPONDENTE

Pangalan: Marilou Fabay

Kasarian: Babae

Tagapanayam: Paulline San Juan

Araw ng panayam: Agosto, 31, 2019

TAGAPANAYAM: Ano po pangalan niyo?

RESPONDENTE: Marilou Fabay

TAGAPANAYAM: Ilang taon na po kayong naninirahan dito sa Sitio San Roque?

RESPONDENTE: 8 years na akong naninirahan dito

TAGAPANAYAM: Sa tagal nyo pong naninirahan dito ano po sa tingin nyo pinagbago ng San Roque

mula noon hanggang ngayon?

RESPONDENTE: Noong una kong beses dito, marami pang nakatira, ngayon paunti-unti na lang

gawa nung sa demolisyon.

TAGAPANAYAM: Ano po ‘yung mga kultura na mayroon kayo rito sa Sitio San Roque?

RESPONDENTE: Pagpipinta yung aktibidad namin dito. Naging kultura na siya rito kasi parang

panagawan na rin siya sa demolisyon na nangyayari. Doon nailalabas namin totoong nararamdaman

namin.

TAGAPANAYAM: Paano niyo po napapanatili ‘yung Kultura niyo po sa Sining?

RESPONDENTE: Napapanatili namin yung kultura ng sining sa pamamagitan ng patuloy na

pag-imbita sa mga volunteers na nais magpinta sa mga pader dito.

TAGAPANAYAM: Ano-ano po ‘yung aktibidad niyo para mapanatili ‘yung kultura niyo po?

RESPONDENTE: May mga aktibidad kami rito tulad nung Sining San Roque na kung saan may mga

artist na pumupunta rito upang magpinta nang walang bayad. Sa ganoong paraan napapanatili namin

‘yung kultura ng sining na nagagamit namin para mailabas ang saloobin namin.
13
MGA NAKUHANANG LARAWAN

You might also like