You are on page 1of 5

CASTILLO, THEA

2EDFIL-3E
BARAYTI AT BARASYON
BUOD
Sa kasaysayan ng bayan ng Bongabong ay nagsimula noong ika-17 siglo. May iba't
ibang haka-haka ukol sa pinagmulan ng pangalang "Bongabong,” isa sa mga teorya ay
mula sa salitang Mangyan na "binagao," na nangangahulugang malakas na daluyong
ng tubig. Ang mga Mangyan, na orihinal na naninirahan sa Silangang Mindoro, ay
bahagi ng ilang etnolingguwistikong grupo sa Bongabong, tulad ng Hagan, Lisap,
Morente, at Batangan.May isa ring anekdota na nagsasabing ang pangalan ng bayan
ay nagmula sa isang insidente kung saan isang Amerikanong sundalo ang naglakad sa
Ilog Sukol at napansin ang mga "bunga" na ginagawang nganga. Dahil sa ganda ng
kulay, binaril ng Amerikano ang isang bunga at narinig ang tunog na "bong." Kaya't
iniisip ng ilan na ang pangalan ng Bongabong ay mula sa pagkasamang "bunga" at
"bong," na naging "Bongabong."Ang mga kwento at teorya hinggil sa pinagmulan ng
pangalan ay nagbibigay kulay sa kasaysayan ng bayan. Sa huli, ang pangalan ng
Bongabong ay nagsilbing tanda ng mga pangyayari at kultura ng lugar, kahit pa may
iba't ibang kwento ukol dito.

SA bayan ng Bongabong ay isang 1st class municipality sa lalawigan ng Silangang


Mindoro. Ay Mayroon itong 36 na barangay na may kabuuang sukat na 49,820 ektarya.
Matatagpuan ito malapit sa ilog na tinatawag na "sukol," na nangangahulugang
pagsukat sa salitang Bisaya.at Ang ilog na ito ang pinagmumulan ng malakas na agos
ng tubig. Nakapalibot ito sa bayan ang mga Bundok Davidson at Chekdon, na
nakasasakop sa pook-hangganan ng Bongabong. At ang mga kabundukan ay
pinagmumulan ng agos ng mga tubig na dumadaloy sa Ilog Sukol. At sa gawing
Kanluran, matatagpuan ang mahabang dalampasigan mula sa Barangay Labasan
patungong Masaguisi hanggang Barangay Cawayan. Noong panahon ng Kastila,
nasakop ang Bongabong ng mga misyonerong Heswita mula sa Orden ng mga
Rekoletos. At dahil sa banta ng mga Moro noong 1737, inilipat ang kuta ng mga Kastila
sa Mararog, na matatagpuan sa Barangay Anilao. At tinawag itong "kuta" dahil sa
ipinatayong simbahan ng mga Heswita na naglingkod bilang proteksyon laban sa mga
Moro.

Sa bayan ng Bongabong ay naging prominenteng bahagi ng rebolusyong Filipino laban


sa mga Kastila. At noong 1898, nabuo ang bayan ng pamahalaang rebolusyonaryo na
pinamumunuan ni Camilo Umali, at sa mga sumunod na taon, itinatag ang
pamahalaang sibil sa ilalim ng pamumuno ni Isidro Umali, ayon sa Legislative Act No.
1135 ng mga Amerikano.
di kalaunan, ang bayan ng Bongabong ay napasailalim sa Pinamalayan dahil sa
paghina nito, subalit sa pagtutulungan nina Juan Gozar at Raul Leuterio, naitatag ang
bayan bilang isang ganap na munisipalidad noong ika-7 ng Disyembre 1927 sa ilalim ng
Legislative Act No. 3415. Ang pagsasarili ng Bongabong ito ay nagdulot ng pag-unlad.
At Itinatag ang pampublikong daanan, mas dumami ang populasyon ng bayan. simula
noong1990 hanggang 2010, nagtaas ang bilang ng naninirahan mula sa 54,024
hanggang 66,569 ayon sa Census of Population and Housing. Naging pang-apat ito sa
pinakamalaking bilang ng populasyon sa rehiyon.
Ang mga pangunahing produkto ng bayan ay palay, niyog, at saging.Sa kagubatan
naman ay nagbibigay ng mga produktong tulad ng rattan, nito, buri, luya, kamote, at
mga orkidya na pangunahing produkto ng mga Mangyanat merong barangay sa tabi ng
dalampasigan tulad ng Dayhagan, Camantigue, Cawayan, Masaguisi, Aplaya, Labonan,
at Labasan na maaaring pangisdaan. Bukod dito, itinatag rin ang palaisdaan at gilingan
ng palay.sa bayan ng Bongabong ay nagkaron ng iba't ibang uri ng hanapbuhay tulad
ng pagtotroso, pagsasaka, pangingisda, at pangangalakal, na nag-udyok sa marami na
rin nirahan dito. At ang mga pangyayaring ito ay naging bahagi Narin ng kasaysayan ng
bayan na nagtulak sa kanyang pag-unlad at pag-angat sa ekonomiya.

Ang komunidad pangwika sa Bayan ng Bongabong ay nabubuo kapag may isang


pangkat ng mga tao na nagkaka unawaan sa layunin at estilo ng kanilang
pakikipagtalastasan. Ito ay isang pangkat na may sariling paraan ng pag-uusap na
nauunawaan lamang ng kanilang miyembro at hindi ng mga hindi kabilang sa kanilang
pangkat. Ang patuloy na pakikipag-usap ng mga grupo sa komunidad ay nagbibigay
daan sa pagbuo ng mga katangian sa kanilang mga salita na nagiging kakaiba sa ibang
pangkat. Ito ang nagdudulot ng pagkakaroon ng iba't ibang komunidad ng tagapagsalita
o komunidad pangwika sa Bayan ng Bongabong, kung saan bawat isa sa kanila ay may
sariling anyo ng komunikasyon na nagbibigay kulay at identidad sa kanilang pangkat.

Ang komunidad pangwika sa Bayan ng Bongabong ay bumubuo ng mga leksikal na


aytem na sumusuri sa istruktura ng wika sa kanilang pangkat. Ito ay isang bahagi ng
Sosyolingguwistika na nag-aaral ng mga salita at kung paano ito nagbubukas ng mga
tradisyon sa komunidad upang makatugon sa pangangailangan ng lipunan. Sa
konteksto ng Bongabong, ang mga leksikal na aytem sa Tagalog-Bongabong ay may
malalim na koneksyon sa kasaysayan, kultura, at kalagayang panlipunan ng bayan. Ang
pag-aaral at pagtatala ng mga salita sa komunidad pangwika ay nagbibigay-diwa sa
pinagmulan at naglalarawan ng kultura ng mga taong naroroon.
Ang wika at ang punto ng pagsasalita ay naglalabas ng impormasyon tungkol sa
pinagmulan ng isang tao. Ito'y nagiging palatandaan ng kanyang mga ideya at pag-
uugali. Ang mga aspeto ng wika na ito ay nagiging pinagmulan ng impormasyon na
maaaring gamitin ng kapwa sa pakikipagtalastasan, at maaaring magbukas ng mga
oportunidad upang bumuo ng opinyon ukol sa isa't isa.

Ang Anilao, isang barangay sa Bayan ng Bongabong, ito ay tinukoy bilang isang
madawag at matayog na kagubatan na nagiging palatandaan para sa mga
manlalakbay. Ang pangalan ng barangay ay nagmula sa isang uri ng punongkahoy na
kilala bilang "anilao." Ang punongkahoy na ito ay may kakaibang itsura, kung saan ang
kalahating bahagi ng dahon ay berde, habang ang natitirang kalahati ay maputi-puti at
may gitling na mapula-pula. Matatagpuan ang barangay na ito sa pagitan ng Ilog ng
Sukol at ang kabilang bahagi nito, ang Mararog. Sa lugar ng Anilao, makikita ang isang
Kuta na nagsilbing kanlungan ng mga mamamayan at mga bayani ng bayan. Ang Kuta
na ito ay naging mahalagang yunit sa kasaysayan ng barangay, isinilang mula sa
pangangailangan ng proteksyon laban sa mga panganib at nagsilbing sentro ng
aktibidad para sa komunidad.

Ang "Bukal" na barangay ay may kontribusyon sa kasaysayan ng kanilang komunidad


dahil sa isang napakalaking punongkahoy ng angkan ng mga Reyes na
pinaniniwalaang nagdulot ng kaunlaran sa barangay. Ito ang naging sanhi ng
pandarayuhan mula sa iba't ibang pook at karatig lalawigan dahil sa biyayang
ipinagkakaloob ng bukal. Ang barangay na ito ay dating sakop ng Formon, ngunit dahil
sa pagkilala sa biyayang hatid ng bukal, ipinangalan dito ang kasalukuyang pangalan
ng barangay.
Ang "Camantigue" na barangay ay kilala dahil sa isang uri ng bulaklak na tumutubo sa
kanilang baybayin. Ang mga bulaklak na ito ay madaling tumubo at paramihin. Ang
kagandahan ng bulaklak ay agad na makikita sa barangay. Karaniwan, ang mga
bulaklak na ito ay inaani at ialay sa Birheng Maria, lalo na kapag sasapit ang buwan ng
Mayo. May paniniwala rin na ang barangay na ito ay pinaninirahan ng mga tao mula sa
Kabisayaan at Romblon, at dating sakop ito ng Cawayan.
Ang "Cawayan" na barangay ay pinaniniwalaang nagmula ang pangalan nito sa nakita
ng mga dayuhang nakasakay sa barkong ginto na kumakaway-kaway at tila mapang-
akit na dahon ng "agoho" sa lugar. Ang tumubong dahon ay sinasabing nanggaling sa
ibinaong ginto ng mga tulisang minsan ay nanirahan sa lugar. Maraming naninirahan
dito na tubong Lemery, Batangas, sapagkat mayroong daungan ang lugar na
nagluluwas ng iba't ibang kalakal mula Cawayan patungong Lemery.
Ang "Hagupit" na barangay ay kinuha mula sa galaw ng mga dahon ng kugon na
"hinahagupit." Dating sitio lamang ito ng Panlanao na kasalukuyang Barangay Sagana.
Ang "Masaguisi" na barangay ay kilala sa pangalan na nagmula sa isang uri ng isda na
tinatawag na "saguisi." Mahuhuli ang isdang ito sa baybayin ng barangay. Dinagdagan
ng panlaping "ma" ang pangalan dahil sa dami ng isdang nagbibigay ng kabuhayan sa
mga mamamayan. Marami ang dumadayo sa baybayin ng Masaguisi mula sa iba't
ibang lugar, tulad ng Romblon at mga karatig lalawigan sa Kabisayaan, Marinduque, at
Batangas.
Ang "Sagana" na barangay ay isa sa mga orihinal na barangay ng bayan ng
Bongabong. Ang pangalan nito ay nagmula sa kasaganaan ng likas na yaman ng
barangay mula sa biyaya ng yamang tubig at lupa. Hanggang sa ngayon, sagana pa rin
ang barangay sa likas na yaman, at ito ang nagbibigay kabuhayan sa mga mamamayan
ng bayan ng Bongabong.
Ang "Batangan" na barangay ay naninirahan ng mga kapatid na Mangyan, tinatawag na
"kapatid" o "sama." Dating sitio lamang ito ng Batangan ng Morente.
Ang "Binagao" ay isang salitang Mangyan na ang ibig sabihin ay malakas na daluyong
ng agos ng tubig. Pinaniniwalaang nagmula dito ang pangalan ng bayan.
Ang "Carmundo" na barangay ay dating tinatawag na "sibyawan" mula sa salitang
Mangyan na ang ibig sabihin ay "ube," isang uri ng halamang ugat. Noong unang
panahon, ito ay isa sa mga tirahan ng mga Mangyan mula sa katabing barangay na
Malitbog hanggang sa kabunduk-bundukang Batangan.
Ang "Hagan" na barangay ay isang salitang Mangyan na nangangahulugang "libingan."
Ang "Kaligtasan" na barangay ay mula sa salitang Mangyan na "banyagan" o "bayang,"
na nangangahulugang putik na karaniwang ginagawang palayok, paso, at tapayan sa
lugar. Ang pangalan ng barangay ay may kinalaman sa mga malalaking pagsubok na
dumaan ang lugar, tulad ng sunog, baha, at pagkabilanggo, ngunit nakayang
malampasan at makamtan ang kaligtasan.
Ang "Lisap" na barangay ay nagmula sa kuwento ng nayon ukol sa buhay ni "Lisay,"
isang dalagang Mangyan na naninirahan sa Bundok Baco. Ito ay may kaugnayan sa
pag-ibig at paghihiganti, at ang pangalan ng barangay ay nagbago mula sa
pagkakamali sa pagbigkas ng pangalan ni Lisay.
Ang "Formon" na barangay ay maaaring nagmula sa pangalan ng unang nanirahan dito
na si G. Felix Formon, na pinamamahayan ng mababangis na hayop. Tinatawag din
itong "katorse" dahil sa labing-apat na kilometrong layo nito sa kabayanan.
Ang "Labasan" na barangay ay isang paboritong kuta ng mga pirata dahil sa
magandang karagatan nito. Sinasabing mula sa mga kuwentong kababalaghan
nagmula ang pangalan ng barangay.
Ang "Libertad" na barangay ay unang tinawag na Sitio Leuterio mula sa apelyido ni G.
Emelito Leuterio, na kilala dahil sa pagsusumikap na maipatayo ang paaralang
nagsimula sa "sulirap" o habing dahon ng niyog. Naging ganap na barangay ito noong
1968.
Ang "Luna" na barangay ay kilala dati bilang Ar

You might also like