You are on page 1of 207

Walang Kawala

by DyslexicParanoia

Language: Filipino

FULLY-PACKED CROSS GENRE


Dark Adult Romance • Comedy • Horror • Adventure • Spiritual Fantasy • Paranormal
• Historical Fiction • Drama • Mystery • Suspense • Thriller

Interconnected KATROPA Series Copyright ⓒ DyslexicParanoia

Party ang pupuntahan nila, hindi impyerno; mga tao ang gusto nilang makasalamuha,
hindi mga demonyo.

***

SPECIAL CREDITS:

Wattpad Version

Book cover Graphic Designer: DPEditor Mac


Book cover Illustrator: None
Book cover Editor: DPEditor Mac
Content Editor: DPEditor Paolo
Assisting Editor: DPEditor Mac
Proofreader: PP Krystala

=================

Walang Kawala

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

=================

PROLOGO
Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

PROLOGO

"At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa," Pangangaral
ng isang Misyonaryo sa mga tao sa liblib na pook na iyon. "At mangagkaanak ng mga
babae, Na nakita ng mga anak ng Diyos, na magaganda ang mga anak na babae ng mga
tao; at sila'y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili. At
sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao
magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at
dalawang pung taon ang kaniyang mga araw. Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw
na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Diyos sa mga anak na
babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging
makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog. (1)"

"Tatay," Bulong ng isang binatilyo sa kanyang amang abala sa pakikinig sa


Misyonaryo, "Ano po 'yung mga anak ng Diyos?"

"Ang mga anak ng Diyos ay ang mga Anghel."

"Pwede po palang mag-asawa ng tao ang mga Anghel?"

"Ayon sa banal na kasulatan, nangyari ngang nagsipag-asawa ang mga Anghel, pero
ikinagalit 'yon ng Diyos kaya sila pinarusahan."

"Eh nasaan na po sila? Buhay pa po ba sila?"

"Imortal ang mga Anghel kaya siyempre buhay pa sila, pero walang sinabi ang banal
na kasulatan kung nasaan na sila. Pero dahil sa kasalanan nila, paniguradong hindi
na sila nakabalik pa sa langit. Marami ang nagsasabi na ibinaon sila ng mga kapwa
Anghel sa madilim na balong walang hanggan, bilang pagsunod sa ipinag-uutos ng
Diyos (2). Marami naman ang haka-hakang dinala sila sa impyerno kasama ni Lucifer
at ng kanyang mga anghel na nag-ambisyong maupo sa trono ng Diyos. Pero marami rin
naman ang naniniwala, na sa ibang lugar sila napadpad, dahil iba naman ang
kasalanan nila sa ambisyosong si Lucifer."

"Ano pong pagkakaiba ng kasalanan nila?"

"Ang kasalanan ni Lucifer at ng kanyang mga anghel ay ang pag-a-ambisyong makuha


ang trono ng Diyos at ang kapangyarihan sa buong kalangitan. Samantalang ang
kasalanan ng mga Anghel na ito ay pagnanasa sa laman ng tao, na nagbunga ng mga
imortal na supling na hindi pinahihintulutan ng Diyos."

"Eh nasaan na po ang mga imortal na supling na ito?"

"'Hindi ko rin alam, anak. At wala rin akong kilalang mortal na nakaaalam kung saan
talaga sila naroroon."

------------------------------

Footnotes:

(1) Genesis 6:1-3, TAB

(2) Book of Enoch

[Itutuloy]

=================

KABANATA 1

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 1

Luke's P.O.V.

Anak ng putakteng tuliro. Minsan ko na nga lamang maisama ang bestfriend mo sa


misa, tutulugan pa ako?

Binunggo ko na ng kaliwang balikat ko ang nakahilig ditong ulo ni Benj.


Napapatingin na kasi sa amin ang nagmimisang Pari. Pero parang wala namang effect
ang ginawa ko, muli din naman kasing humilig ito; heto nga't humihilik-hilik pa.

"Tanggapin ninyong lahat ito at inumin. Ito ang kalis ng aking dugo," Anunsyo ng
Pari. Ako nama'y inis na inis na sa paghilig ni Benj sa aking kaliwang balikat--
gayo'n din sa kanyang paghilik malapit sa aking kaliwang tenga. "Ang dugo ng bago
at walang hanggang tipan..."Hinataw ko na ang noo nito ng binilot na Missalette.

"Pare!" Bulalas ni Benj, kasabay ng biglang pagbalikwas niya, "Itagay mo na 'yan!"


Dirediretsong sambit niya; na umalingawngaw naman sa loob ng simbahan.

Anak ng--At napapanaginipan pa yata niya ang pakikipaglasingan niya kagabi.

Ugh! Nakakahiya. Napahinto tuloy 'yung Pari sa pag-inom niya ng alak sa kalis.
Pinagtitinginan na rin tuloy kami ng lahat ng mga tao roon. Nakakapagsisi tuloy na
hinataw ko pa siya ng Missalette, kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari, eh
di sana pinukpok ko na lamang siya ng makapal na hardbound na Bibliya.
***

"Pambihira ka naman, bakit ka naman natutulog habang nagmimisa?" Buwisit na buwisit


ako; nasa kotse ko na kami.  Nagmamaneho na ako, para ihatid ito sa kanila.

"Sorry pare, napuyat kasi ako kagabi. Alas tres na natapos ang inuman namin nina
Jon at Bernard eh."

"Nakikipagsabayan ka sa inuman sa mga 'yun, eh alam mo namang sanay na sa tunggaan


ang dalawang 'yun? Saan ba kayo nag-inuman?"

"Nag-barhopping kaming tatlo, nag-o-observe kasi 'yung dalawa sa iba't ibang bars
para magkaroon sila ng idea kung anong gagawin nilang gimmick do'n sa bar nila.
Tinatawagan nga kita kagabi, hindi mo naman sinagot ang phone mo."

"I have better things to do other than hanging out and getting drunk. I was doing
my research papers yesterday."

"Ito naman! Masyado ka namang seryoso sa buhay. Mag-enjoy ka naman paminsan minsan,
hindi 'yang nagmukmok ka kung saan-saan at nagbabasa ng kung ano-ano. Ano na naman
ba ang nire-research mo eh graduate na naman tayo?"

"I work as a researcher, remember?" 

Nagtatrabaho kasi ako bilang isa sa mga lead researchers for my Dad's group of
companies. The kind of job I really love doing. Dahil sa trabahong 'to, hawak ko
ang oras ko, nakakapag-travel ako na sagot ng kumpanya, and the best part? Bukod sa
may suweldo na ako to do what I want, I get to see and learn a lot of things; plus
factor pa na nakatutulong ako sa mga negosyo namin. I have this tough job, alright?
But I don't feel like working at all, because I really, really love what I'm doing.

"Ay, oo nga pala." Kakamot-kamot pa ang tukmol.

"Eh ikaw? Anong plano mo sa buhay mo? Hindi ka ba maghahanap ng trabaho?"

"May trabaho naman ako ah!"

"Ano? 'Yung pagpa-part time DJ mo? I am talking about a real job na related sa
tinapos mo." Graduate siya ng Business Administration, dahil siya ang inaasahan ng
kanyang Papa sa mag-a-asikaso ng negosyo nila, pero heto, dalawang taon na kaming
graduate sa kulehiyo, puro bulakbol pa rin ang inaatupag.

Hindi na ako sumagot. Pumapasok at lumalabas din naman sa magkabilang tenga niya
ang kahit anong sabihin ko. Gano'n na talaga ang taong 'to, napaka-happy-go-lucky,
pa easy-easy. Palibhasa, spoiled brat. Nagiisa kasi 'tong lalaki sa limang
magkakapatid, kaya naman lahat ng layaw niya, nasusunod. Pero naiisip ko rin naman
kung minsan na, ako nga, nag-iisang anak at lahat din naman ng gusto ko'y
naibibigay ng mga magulang ko, pero hindi naman ako spoiled na tulad ng Benjamin
Rodriguez na 'to.

"Huwag mo muna akong ihatid sa bahay." Aniya, bago pa ako makaliko sa kantong
papunta sa kanila, "Nangako kasi ako kay Jason na magda-drop by ako sa apartment na
nilipatan nila ni Helga."

"'Yun nga ba ang pakay mo do'n o gusto mo lang magbakasakaling naro'n si Mitch?"

Hindi na nakaimik ang mokong. Alam ko na ang likaw ng bituka nito. Mga bata pa
lamang kasi kami'y magkasama na kami. Si Mitch ay ang ex-girlfriend niyang...
sinulot niya sa 'kin (drat!) na hindi naman niya pinag-ingatan (tangina!). Kabe-
break lang nilang muli-for the nth time, dahil sa kabi-kabilang pambababae at
pagbubulakbol ng gagong 'to. Hindi rin nakakatulong ang pagiging malapit rin niya
sa kabarkada naming si Jon, na isa pa ring nuknukan ng katarantado, kalasenggo at
kapalikero!

Katulad ng hinala ko, si Mitch nga ang pakay niya kaya gusto niyang dumaan kina
Jason at Helga. Matalik na kaibigan kasi ni Mitch si Helga--na asawa naman ng isa
pa naming kabarkadang si Jason. Kaya naman no'ng malaman niya na wala naman do'n si
Mitch, ay siya pa ang nangunang nagyaya sa akin para sumibat.

"Ang hirap sa 'yo, gagawa-gawa ka ng kalokohan, eh hindi mo naman pala kayang


mawala siya sa 'yo. Bakit ba hindi ka na lang kasi pumirmi sa isa? Ano ba ang
napapala mo sa pambababae mo? Kung makapangbola ka ng mga babae, parang wala kang
mga kapatid na babae ah!"

"Excuse me, eh sa ako ang nilalapitan eh.  Ano ba ang magagawa ko kung guwapo ako
at malakas ang sex appeal ko?" Kumindat pa ito.

Anak ng kulasisi ni Abraham!

Ibang klase rin talaga ang tayog ng tingin ng 'sang 'to sa kanyang sarili. Kung
makaasta, parang lahat ng bagay ay naidadaan sa gandang lalake. Pasalamat siya at
pasensyoso ako, kung hindi, baka matagal ko nang tingapas ang ulo nito sa panunulot
niya sa lahat ng mga pinopormahan ko.

***

Nag-vibrate ang cellphone ko. One Message received. It's Mitch's number. It says
'Luke, busy ka ba?-Shawee.'

Huh? Bakit si Shawee ang nagte-text sa phone ni Mitch?


Si Shawee lang naman, ay ang barkada ng nakababatang kapatid ni Mitch.

Nagbabasa lamang naman ako sa personal library ko sa basement ng bahay namin. This
is work related, pero hindi naman talaga ako busy kaya I texted back: 'Hindi naman,
bakit?'

Shawee, still using Mitch's phone:  Can you pick-up Mitch here at my Dorm?

I texted back:  Why what happened to her?

Shawee on Mitch's phone:  Nakainom kasi siya kaya ayoko siyang payagang magmaneho.

I texted back:  Sure. I'm on my way.

Ano na naman kaya ang nangyari kay Mitch? Tiyak, dahil na naman siguro 'to kay
Benj. Nahuli kasi niyang may babae si Benj nang pinuntahan niya ito sa condo niya
ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Nakabalot lang daw ng kumot ang katawan no'n
babae. Halatang-halata raw na may nagyari sa kanila ni Benj before she caught them.
I sure know about that. Benj actually admitted his infidelity to me, while Mitch
was away. Benj is certainly guilty as charged. Gago talaga.

"Suko na 'ko Luke," Humahagulhol si Mitch, dinala ko na lamang muna siya sa bahay
dahil ayaw pa raw niyang umuwi. "Sana ikaw na lang talaga... sana ikaw na lang
pinili ko." At saka siya yumakap sa akin; parehas kaming nakaupo sa aking sofa sa
aming basement.

Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Halata rin sa kilos niya na marami na siyang
nainom. Hindi naman umiinom si Mitch, kaya't nasisiguro kong humantong siya sa
ganitong sitwasyon, dahil hindi na niya matiis ang sakit na nararamdaman. Paano
naman kasi, sandali lamang siyang nalingat para magbakasyon kasama ang kanyang
pamilya'y pinalitan na kaagad siya ng boyfriend niya. Ang masakit pa, sa babaeng
kakilala pa niya.

kabi-break lamang nila kamakalawa. Ang ikinasasama ng loob niya, si Benj pa raw ang
nakipag-break sa kanya. Kailangan daw nito diumano ng space, dahil hindi na raw
niya kaya ang pagna-nag ni Mitch. Ang sa akin naman, hindi naman nagger noon si
Mitch, natuto na lamang itong mag-nag dahil binibigyan niya ito ng dahilan. Alam ko
namang ang dinaramdam ngayon ni Mitch, at 'yun ang ang... 'siya na nga 'tong
pinagtaksilan, siya pa itong iniwan.'

"Ayoko na talaga sa kanya!"

"Paninindigan mo na ba ,yan?" Tanong ko naman kay Mitch. Ang hirap naman kasi sa
babaeng 'to, parati niyang sinasabi na ayaw na niya, pero masuyo lamang siya ni
Benj ng kaunti, pinapatawad din naman niya kaagad.

Nakakainis.
Nakakainggit.

Nakakainis kasi nakakainggit. Sana nga, ako na lamang ang pinili niya. Dahil kung
ako ang pinili niya, hindi niya dadanasin 'to. Mamahalin ko siya ng buong-buo. Sa
kanya lamang ako titingin; siya lamang ang magmamay-ari sa akin.

"L-Luke... gusto mo pa ba ako?" Sinapo niya sa mukha ko. Lasing na lasing talaga
siya.

Shit!

That's one question I wish she shouldn't have asked. Gusto ko pa rin siya syempre.
Siya ang first love ko eh. Siya ang (ehem) una ko, at ako rin ang (ehem) una niya,
pero hindi ko ugali ang manulot. Hindi ko kaya ang trip ni Benj!

"Mitch, lasing na lasing ka, Ihahatid na kita sa inyo."

"Ayoko sabing umuwi eh." Umiiyak siya, "Luke please kung gusto mo pa rin ako, kunin
mo na lang ako ulit. Tayo na lang ulit!" Lalong tumindi ang paghagulhol niya,
halatang-halata na naghahanap lamang siya ng relief sa sobrang sakit na kanyang
nararamdaman.

Kami na lang daw ulit? That's the way she said it, wasn't it? But I know better.  I
know she only said that because she's disoriented and drunk. The truth is, hindi
naman talaga naging kami formally. Mutual Understanding o M.U. ba kanyo ang tawag
do'n? 'Yun nga kami noon; 'yun 'lang' kami noon. Mas una kasi kaming nagkakilala.
Magkakabarkada kasi ang aming mga magulang. We were only in High School when we
went out, made out, did the *bleep* the very first time-- and several times after
that.  We were friends with benefits, until Benj entered the scene came College
days.

"Alam mong gusto pa rin kita, pero hindi ko kayang gawin 'yan, Mitch. Siya na ang
pinili mo. 'Yun ang panindigan mo."

"Luke..." Daing niya; muli siyang yumakap sa akin. "Ang sakit-sakit eh! Bakit ang
sakit-sakit?" Walang tigil ang kanyang pag-iyak.

"Nasasaktan ka, kasi mahal mo pa rin siya." Kalmadong sagot ko.

At nasasaktan naman ako dahil mahal pa rin kita.

[Itutuloy]
=================

KABANATA 2

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 2

Benjamin's P.O.V.

Judge me not.

You don't know me.

Lalo na't hindi niyo naman alam ang personal na pinagdadaanan ko, hindi niyo rin
alam kung anong emosyon ang pinagtatakpan ko.

Masakit.

Masakit sa dibdib na malaman na ikaw nga ang pinili pero ang bestfriend mo pa rin
ang totoo niyang gusto't siya pa rin ang takbuhan niya sa bawat pagkabigo.

Hindi ba wierd na, sa lahat ng nakakarelasyon ni Luke mainit ay ang dugo niya? Ang
lahat ng mga bagong babae sa buhay Luke inaaway niya. Pero bakit kapag ako ang may
babae, ako lamang ang inaaway niya?

Ang hinahanap ko lamang naman sa kanya'y ang maramdaman ko na inaangkin niya ako ng
buong-buo. Na handa rin siyang makipagbangayan sa ibang babaeng nagbabantang umagaw
sa akin. Palagay ko nga, hindi talaga siya takot na may umagaw sa akin... na pride
lamang niya ang masasaktan ko kung papalitan ko siya.

"Luke please kung gusto mo pa rin ako, kunin mo na lang ako ulit. Tayo na lang
ulit!"

'Yun ang mga kataga niyang halos dumurog sa 'kin. Kung hindi ko pa sila sinundan sa
bahay nina Luke, hindi ko pa maririnig mula sa kanyang bibig ang matagal ko ng
hinalang... Si Luke pa rin talaga ang hinahanap-hanap niya.

Shit, ang sakit!

Ang sakit na no'ng mga panahon na hinala pa lamang, pero mas mas masakit pa pala
kapag sumampal na sa mukha mo ang katotohanan.

Hindi naman talaga ako nakipag-sex kay Jona, kinuntsaba ko lamang siya para
pagselosin si Mitch. Ang sabi ko pa nga, humanda siya kung aawayin siya ni Mitch,
pero hindi gano'n ang nangyari. Napahiya pa tuloy ako kay Jona dahil nag-walk out
lamang si Mitch.

Siguro kung kay Luke 'yun, kalbo na ngayon si Jona. Ako ang nagpapaselos, pero ang
kinahinatnan, ako pa ang nagseselos ngayon. Pa'no pala kung walang delikadesa si
Luke? Magkakabalikan na sila behind my back?

Walang kasalanan si Luke. The truth is. He's the one of the best people I really
trust. Pero hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag na humahanga ako at
naninibugho sa kanya at the same time.

Humahanga ako...

Humahanga ako sa loyalty niya sa 'kin. Alam kong mahal pa rin niya si Mitch, pero
dahil ako itong karibal niya, nagpapaubaya siya.

Naninibugho ako...

Naninibugho ako dahil siya ang takbuhan ng babaeng pinakakamamahal ko. Naninibugho
ako sa kanilang nakaraan. Nagseselos ako sa lalim ng kanilang samahan.

Kung bakit nga ba kasi hindi ko kayang ipagpalit si Mitch ng totohanan. Kung bakit
ba kasi hindi na lamang ako totoong nambabae.

Hindi naman ako babaero. Palabiro ako't marunong akong humanga sa tunay na
kagandahan. Pero si Mitch lamang ang babae sa buhay ko. Palabas ko lamang kay Luke
na hindi ko sinisiryoso si Mitch, para naman maitayo ko ang pagkalalake ko sa
kanyang harapan dahil... alam kong siya ang nauna. Alam kong bago ako, siya muna.

***

"What the fuck are you doing to yourself, Benj? Nagbulakbol ka na naman ba kagabi?"
Panenermon sa akin ni Luke kinaumagahan. Niyuyugyog pa nila ang kama ko dahil alas
onse na ng umaga'y nasa kama pa ako.

Yeah right. I wish I did.

Pero alangan namang sabihin ko sa kanya na magdamag akong umiyak? Alangan naman na
ipakita ko sa kanya na apektado ako? Wala siyang alam, at wala siyang kailangang
malaman.

"Oo, medyo may hangover pa 'ko!" Kakamot-kamot akong bumangon. "Anong balita?"
Ginulo ko pa lalo ang magulo ko nang buhok, "Maglalakwatsa ba tayo ngayon?"
"Lakwatsa?!" Kunot-noong tanong niya, "Hindi ka pa ba nagsasawa sa kalalakwatsa?"

"No." Tatawa-tawa ako.

I lied.

Ang totoo?

Sawang-sawa na talaga ako sa kalalakwatsa.

Sawang-sawa na ako sa pagsasayang ng oras ko.

Sawang-sawa na ako sa putang inang trabaho ko.

Sawang-sawa na ako sa pagpapanggap na masaya.

Sawang-sawa na ako sa pagkabigo.

Sawang-sawa na akong umiyak nang palihim.

Sawang-sawa na akong masaktan.

Sawang-sawa na akong maging... ako.

"Umayos ka nga!" Si Luke pa rin, sino pa ba? "Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Sa bahay."

"Bakit? Anong meron sa bahay niyo?"

"Nando'n si Mitch."

I know. Pero alangan namang sabihin kong... I know. Ano ako, bale?!

"So?" Pang-best actor na pagpapanggap ko.

"Anong so?!" Iritableng singhal niya sa 'kin. Hinataw niya ng unan sa ulo ko. "Mag-
usap nga kayo, pwede? Aba! eh sinundo ko 'yung tao kahapon sa dorm ng pinsan niya
dahil hindi na daw makapagmaneho sa sobrang kalasingan. Hindi naman umiinom si
Mitch ah? Hindi mo man lamang ba kakausapin yung tao. Magpaliwanag ka man lamang sa
katarantaduhang ginawa mo na naman!"

"Para saan pa?"

"Para saan? Is that all you can tell me? Para saan?" Binatukan niya ako. I really
hate it when he does that. Para kasing lalo niyang pinabababa ang pagkatao ko. Pero
hindi naman ako ang tipo ng taong nag-aamok nang dahil lamang sa isang pitik. So,
I'd rather let it go and keep my cool. "Sinaktan mo 'yung tao! Magpaliwanag ka man
lamang kung bakit mo ginawa 'yun? O di kaya nama'y..."

"Ay?" Nakangisi pa ako.

"Pormal ka nang makipaghiwalay kung ayaw mo na talaga."

Hah! Ano ako, bale?! Para ano? Para hindi ka na ma-guilty kung ipilit muli ni Mitch
ang sarili niya sa 'yo? Fuck you! You probably thought that's for the best, but
that is not going to happen. I love Mitch, and things could have been better for
us, kung titigilan na niya ang pagtakbo sa 'yo para maging sandalan niya. Ako kasi
dapat yun eh. Akin na dapat siya! Kung bakit naman kasi, sumisingit ka pa?!

Pero ang masaklap...

Hindi mo naman kasi kasalanan. Hindi mo kasalanan kung bakit ikaw pa rin ang
kanyang takbuhan. Mas madali sana ang sitwasyon kung... gago ka na lang Luke! Dahil
kung gago ka, pwede kitang sapakin, o kaya nama'y... wasakin.

*****

Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

Wow! Ang sakit nun ah! Ang siste, napapayag din ako ni Luke na puntahan si Mitch sa
bahay nila, pero para ano? Para lamang mahilo sa lakas ng kanyang sampal?

That was nice. Really nice.

"How dare you na magpakita pa sa 'kin!" Sigaw niya sa mukha ko, bago niya ako
muling sinampal.

Teka... mas malakas yata 'yun ah. Hindi pa siya nakuntento. Pinaghahampas pa niya
ako sa dibdib.

Damn. Akala ko hindi na siya hihinto. Ang sakit nun ah! Buo pa kaya ang baga ko?
Pero, hindi 'yon ang sobrang na naka-apekto sa akin. Dahil halos hindi ko na iyon
ininda nang marinig ko na ang tindi ng pag-iyak niya. Grabe ang pag-iyak niya.
Parang maiiyak na rin ako habang pinagmamasdan siya na pinupukpok niya ng kamao
niya ang sariling dibdib. Mabuti na lamang iniwanan kami ni Luke para
magkasarinlan. Kung hindi'y maiilang talaga ako. Mapapahiya pa siguro.

Nasaktan ko ba talaga siya? Nagselos ba talaga siya?

"I'm sorry, Mitch. Please let me explain."

"Explain?! Gusto mong mag-explain?!"

Muli niya akong sinampal.

Ugh! Ang sakit niyang manampal. Pihadong ulam na sa bakat ng mga kamay niya ang
mukha ko.

"Sarilinin mo na lang 'yan." Kinuha na niya ang kanyang bag, "Hindi na 'ko
interesado." At isinukbit na niya ang strap ng bag na 'yon sa kanyang balikat. "I
don't know what Luke was up to for taking you here." Kalmado na ang kanyang
pagsasalita, "Whatever it is, doesn't matter to me anymore. Hindi na kita gusto.
Hindi na kita mahal. Oh wait, hindi naman kita minahal in the first place. Sana
talaga si Luke na lamang ang pinili ko, dahil siya naman talaga ang mahal ko. Good
bye, Benj. I am so, over you. " Sabay talikod at dali-daling umalis.

Ito na dapat yung scene na pipigilan ko siya. Pero hindi ko na nagawa. Ano pa ba
ang magagawa ko? Kung Isinampal na niya mismo sa mukha ko ang totoo.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 3

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 3

Tristan's P.O.V.

"Tado! Style mo bulok." Bulyaw ko kay Benj, "Iba 'yung pinapagselos kesa sa
deliberately na sinasaktan mo na. Hindi ka pa nakuntento, gumamit ka pa ng ibang
babae!"
Buwisit kasi eh, nakikita na niyang busy ako, kukuwentuhan na naman ako ng
nagkakanda-leche-lecheng love life niya na siya rin naman ang naglikha. Wala naman
kasi silang problema ni Mitch, kundi lamang niya dinalihan ng kung ano-anong
kabuwisitan. Para ano? Para makipagkumpetensya sa bestfriend niyang si Luke--na
wala namang kinalaman sa katarantaduhan niya?

"Bakit? Sinaktan din naman niya ako ah. Kita mo nga, kay Luke na naman nagsumbong!"

"Ewan ko sa inyo pare. Labas na ako sa problema niyo. Kita mong may problema rin
ako eh..." Itinuloy ko na ang pagkukutingting ng sirang laptop ng pinsang buo kong
si Bernadette.

"Wala pa rin bang balita kay Rhea?"

Umiling ako't wala nang sinabi pa. Ayokong mapaguusapan ang nawawala kong nobyang
si Rhea. Lalo lamang kasi akong nangungulila sa kanya.

"So anong plano mo sa resulta ng mga kabulastugan mo?" Pag-iiba ko ng usapan habang
nagkakalas ako ng piyesa ng laptop

"Ano pa, eh di magse-celebrate!" Nakangisi pa ang tarantado. "I'm free again.


Kaya... it's party time!" Sumusuntok pa ito sa hangin na tila tuwang-tuwa pa.

Ay gago!

Mabuti nga siya't abot kamay lamang niya si Mitch, samantalang ang Rhea ko, hindi
ko malaman kung saang lupalop nagtungo. Siguro, totoo ngang kung kailan wala na sa
tabi mo ang isang tao, saka mo lamang nalalaman ang tunay na halaga nito.

Bahala siya sa buhay niya.

Buhay niya yan. Kung nasisiyahan sa maling pagtrato niya sa nobya niya, bahala siya
kung dumating ang panahon na sumupalpal din sa kanyang mukha ang lahat ng
pinaggagawa niya.

Isip bata. 'Yun si Benj.

Imbes na pahalagahan niya ang pagpili sa kanya ni Mitch, pinarusahan pa niya 'yung
tao dahil lamang sa selos o inggit kay Luke.

Kaartehan.

'Yun ang pinagkakaabalahan ni Benj.


Imbes na gumawa siya ng paraan para mapasaya niya si Mitch--para maisip naman nung
tao na tama ang kanyang pagpili, inuuna pa niya ang kapritso niya na maungusan si
Luke. Ewan ko ba sa mag-bestfriend na 'yun--na parang hindi naman. Parang si Luke
lamang naman kasi ang totoong kaibigan.

Buti pa kami ni Jason, walang ganitong issue. Bagama't naging crush ko ang asawa na
niya ngayong si Helga, hindi naman kami nagsusulutan. Kanya-kanya kami ng sungkit.
Walang kainan ng sinungkit ng isa.

"Summer naman!" Dugtong ni Benj, "Out of town tayo. May nag-imbita kasi sa akin sa
Kalibo."

"At sino naman?"

"'Yung chick na na-meet ko sa bar kagabi. Meron daw silang sariling resort. Kaya
pamasahe lamang daw ang sagot natin, libre daw ang stay natin do'n, kahit ga'no
katagal. Isn't that awesome?! Sige na pare... you need a break. A breather. Sumama
ka na."

Hmmm...

"Eh sino-sino ba ang kasama?"

"Ikaw, Ako, si Luke, si Jason at si Helga."

"Si Helga? Eh anim na buwang buntis na si Helga sa pangalawa nila ah, tapos
pagbabiyahihin mo nang ganung kalayo? Mabuti sana kung pumayag si Jason."

"Eh sila nga ang unang pumayag eh dahil kailangan daw nung dalawa ang break. Ano?
Sama na!"

"Eh si Luke? Pumayag na?"

"'Yun pa? Alam mo namang laging on call 'yun sa ganung klaseng galaan."

"Eh si Mitch?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha; sumimangot ito.

"Ewan ko." Kibit balikat siya. "Imbitahin mo kung gusto mo." Nakanguso ito. "Basta
ba hindi siya aasa na siya ang ka-date ko. Meron na akong ka-date eh, 'yung chick
na nag-imbita sa akin."
Loko talaga. Kahihiwalay lamang nila, may kapalit na kaagad? Pero tama si Benj.
Kailangan ko ng break. I need to be away for a while para makapagpahinga. Medyo
pukpok kasi ako sa trabaho lately, 'yun lang kasi ang paraan ko para nakalimutan ko
ang masasaklap na dinanas ko nitong nakakaraang dalawang taon.

"Ilang araw ba tayo ro'n?

"Depende sa inyo. One to sawa raw tayo do'n eh. Pero maghahanda ako ng pang isang
linggong damit."

"Kailan tayo aalis?"

"Ano ba ngayon, lunes? Sa kabilang lunes!"

"O sige, sasama ako. Pero sa isang kundisyon."

"Anong kundisyon?"

"Imbitahin mo rin si Mitch."

"Ano?" Nakakunot-noo ito. "Matapos niya akong sampali't sabihan na hindi naman pala
totoo ang nararamdaman niya para sa 'kin simula pa sa umpisa?" Lumayo ito sa akin
ng kaunti, bago namaywang, "No way! Ikaw ang mag-imbita sa kanya kung gusto mo!"

"Ganun ba? Siya hindi na ako sasama inyo. Madali namang yayain ang mga pinsan ko.
Mag-a-outing na lamang siguro kami ng amin."

"Taragis naman 'to oh. Bakit ba si Mitch ang kinakampihan mo? Hindi ba ako ang
kaibigan mo?"

"Excuse me! Kaibigan ko na rin si Mitch."

"Hindi sasama 'yun kung ako ang mag-iimbita. Si Luke ang kausapin mo, sigurado
akong papayag 'yun do'n. Baka nakabukang-hita pa!"

"Aba't tarantado ka ah. Kung magsalita ka parang wala kayong pinagsamahan ah."

"Bakit? Tinarantado rin naman niya ako ah. Si Luke pala ang mahal niya pero ako ang
ginago niya! Akala mo ba gano'n kadaling tanggapin 'yung mga sinabi niya sa 'kin?
Ayaw ko na nga siyang makita eh. Lahat ng nararamdaman ko sa kanya, wala na. Nabura
na lahat simula ng mamutawi sa mismong bibig niya na hindi naman pala talaga niya
ako minahal. Ano 'yun? Habang nagsisiping kami si Luke ang nasa isip niya? Putang
ina niya pare! Huwag mo akong husgahan dahil wala kang alam sa nararamdaman ko!"
Namumula na siya sa galit; sinusuntok-sintok nito ang kanyang dibdib. "Wala ka ring
alam kung gaano kasakit na magmahal ka ng isang babaeng hindi ka naman pala mahal
at minahal!" Mangiyak-ngiyak na sinuntok naman niya ngayon ang dingding.

"Tama na pare," Tinapik ko siya sa balikat. "Pasensya na. Mali ako. Hinusgahan
kita. Hindi ko naman alam na ganun na pala kalalim ang alitan niyo eh. Siya huwag
na, hindi na kita pipilitin. Mas makabubuti nga sigurong huwag na siyang sumama."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 4

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 4

Jason's P.O.V.

"Hindi daw sasama si Helga kung hindi kasama si Mitch, Benj."

Kausap ko ngayon si Benj sa telepono. Inaaya niya kaming mag-outing na hindi kasama
ang ex niyang si Mitch, na bestfriend naman ng asawa kong si Helga. "At alam mo na,
pare. Hindi naman ako makakasama kung hindi kasama si Helga."

"Gano'n ba?" Sabi ni Benj, sa kabilang linya. "Kung gano'n, ok lang ba na si Helga
na lamang ang mag-imbita sa kanya? Ayoko pa kasi siyang makausap eh. Kung pwede nga
lamang na hindi na muna kami magkita. Pero kung 'yung presence lang niya ang
kailangan para sumama ang misis mo, 'yun na lamang sana ang pakiusap ko. Kayo na
lang ang kumausap at mag-imbita sa kanya."

"O 'di sige. Sana pumayag. Baka kasi kapag nalaman niya na ikaw talaga ang nag-
imbita sa aming lahat, baka hindi rin sumama."

"Eh di sabihin niyo na kayong mag-asawa talaga ang nagyayaya. Bahala ka na! Gawan
mo na lamang ng kuwento."

"Baka naman magalit siya kapag nalaman niya."

"Ano pa ba ang magagawa ng galit niya kung nando'n na siya? Basta bahala ka na.
Huwag lang ang hindi kayo makasama."

"I'll try, sige bye."


"Bye."

Lingid sa kaalaman ni Benj, ay narito sa aming bahay si Mitch. Ilang araw na ring
si Helga ang kanyang naging sandigan sa matinding depresyon. Mahigit anim na taon
niyang naging nobyo si Benj. Higit na mas matagal ang pinagsamahan nila ni Benj,
kumpara sa amin ni Helga. Kaya naman hindi ko rin masisi si Mitch kung bakit hindi
siya basta-basta maka-move on sa sakit na nararamdaman niya. Ikaw ba naman na
mahuli mo ang nobyo mo na may ibang babae, masasaktan ka rin, hindi ba?

Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman ni Mitch, pero hindi ko rin naman


pwedeng husgahan ang kabarkada kong si Benj, dahil hindi ko naman talaga alam ang
puno't dulo ng hindi nila pagkaka-unawaan. Maaaring may kasalanan nga si Benj, pero
hindi ko rin naman masasabing, walang pagkukulang si Mitch.

Personal na nilang problema 'yun. Pinakikinggan lamang namin kung ano ang kapwa
nila sinasabi sa amin, pero maaari rin kasi na mas maraming bagay ang hindi nila
nasasabi, kaya naman mas mabuting, huwag na kaming masyadong makialam.

Matagal bago namin nakumbinsi, pero napapayag rin naman naming sumama Mitch. Tulad
ng napag-usapan, pinalabas na lamang namin ni Helga na kami ang nagpasimuno, para
naman hindi na siya makatanggi.

***

"Grabe, ang ganda talaga dito!" Tuwang-tuwa si Helga habang sinasamyo ang amoy ng
hangin sa tabing dagat. Ang linaw ng bughaw na tubig at ang ganda ng puting
buhangin. "Halika bestie," Sabay hila niya kay Mitch, "Magtampisaw na tayo."

Napansin naman ni Helga na parang may tinitingnan si Mitch sa malayo. Sinundan niya
ang mga tinging iyon at 'yun na nga... si Benj, na may kasamang isang napakaganda
at mestisahin na babaeng naka 2-piece bikini. Magkayakap ang dalawa at
naghahalikan. Ito ang babaeng diumano'y may-ari ng resort-bagay na hindi namin
sinabi kay Mitch.

"Kayo na lang muna ni Jason, bestie," Malungkot na sabi ni Mitch, "Magpapahinga


muna ako sa cottage. Medyo masakit kasi ang ulo ko."

Alam naming palusot lamang niya 'yon, pero hinayaan na lamang namin. Maari kasing
masyadong masakit para sa kanya ang kanyang mga nakikita, kaya't nauunawaan naman
naming mag-asawa ang pag-iwas niya.

Nagmamadaling lumalakad si Mitch papunta sa cottage, nang namataan naman naming


sinalubong siya ni Luke.

Sa malayo ay nakita naming humahagulhol na yumakap si Mitch kay Luke, na ginantihan


naman ni Luke para aluin ito. Siya namang lingon namin sa banda nina Benj at ng
kanyang date, at kitang-kita naman namin ang talim ng mga tingin nito sa direksyon
nina Luke habang nakikipaghalikan pa rin sa babaeng kasama niya.
What the flipping *bleep* is going on around here?

'Yan ang tumatakbo ngayon sa isip ko. Napansin ko naman si Tristan na nakatayo rin
sa di kalayuan. Umiiling-iling ito sa akin, na hindi ko naman malaman kung anong
mensahe ang gusto niyang iparating sa akin.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa direksyon nina Luke at Mitch. Lumalakad na ang
dalawa papalayo papunta sa cottage, habang si Tristan naman ay iiling-iling pa ring
sinundan lamang sila.

"I so hate Benj!" Galit na galit na bulong sa akin ni Helga, "I want to kill him
right now." Nakatingin siya ng matalim kay Benj na masyado namang abala sa
pakikipaglandian sa kanyang ka-date.

"Huwag ka nang makialam Love." Bulong ko naman sa kanya, "Makakasama kay baby ang
stress. Nandito tayo para mag-relax." Hinahaplos-haplos ko ang kanyang tiyan na
medyo malaki na rin.

"Miss na miss ko na si Jasper, Love." Sabay yapos niya sa akin.

Si Jasper ay ang aming panganay na anak na lalaki, na pansamantalang nasa


pangangalaga ng biyenan kong si Marietta. Kailangan niya kasing mamalagi roon,
hanggang sa siya ay magdalawang taon. Hindi na naman 'yon matagal. Dalawang buwan
na lamang babalik na ulit siya sa amin. Kaya naman bago pa makapanganak si Helga ay
siguradong mabubuo nang muli ang aming pamilya.

"Ako rin." At hinalikan ko ang kanyang noo.

"Love, pasok na tayo," Anya, "Gusto kong damayan si Mitch."

Hinila na niya ako.

Napalingon ako sa direksiyon ni Benj. Habang nagpapatianod ako sa paghila ni Helga,


ay nakita kong nakalupagi na ito sa buhanginan na parang umiiyak. Inaalo naman ito
ng babaeng kasama niya. Napaisip tuloy ako kung alam ba ng babaeng iyon kung ano
ang iniiyakan ng kasama niya.

"Tahanan na, Mitch." Nakayakap na pag-alo ni Helga sa umiiyak pa rin na si Mitch.

"Uuwi na lang ako, Bestie." Sabi naman nito. "Akala ko, kaya ko. Hindi pala."
Humihikbi pa ito.

"Kung uuwi ka, uuwi na rin kami." Sabi naman ni Helga sa bestfriend niya. Habang
kami naman nina Luke at Tristan ay nakamasid lamang sa kanila.
"Huwag naman gano'n, Helga. Kailangan ninyong mag-asawa ang bakasyon na ito. Ok
lang naman ako. Ilang beses na ako nagpabalik-balik dito, kaya... kaya ko namang
umuwing mag-isa."

"Hindi kita papayagang umuwing mag-isa Mitch." Pagsingit naman ni Luke, "Kung gusto
mo na talagang umuwi, sasamahan kita hanggang sa Maynila.

"Kung uuwi kayo, uuwi na rin ako." Sabi naman ni Tristan.

Napatanga naman si Mitch sa inaasta ng mga taong nakapaligid sa kanya.

"Seriously?!" Anya, "Are you trying to tell me that I am the party pooper here?
Kung lahat kayo, gusto na ring umuwi nang dahil sa akin... I'd rather stay."

"Narito ka nga, iyak ka naman ng iyak." Sabi ko na.

"You know what?!" Medyo masigla niyang pag-anunsyo. "I am getting rid of this
'Benjamin crap' in my system right now. Kung hindi rin lang ako makakauwi, can we
have some fun? Labas tayo... bar hopping tayo!"

"Hindi ako puwede sa nga lugar na exposed sa mga sigarilyo, Bestie." Sabay himas ni
Helga sa kanyang tiyan. Perhaps, to remind Mitch na buntis siya." "Kayo na lamang
apat, isama niyo itong si Jason. Dito na lamang ako sa cottage. I want you to
enjoy... go, go, go!"

"Nope, hindi ko pwedeng iwan si Helga dito... kayo na lang tatlo." Sabi ko naman
kay Mitch, Luke at Tristan. "Tutal, eh pagabi na, marami kayong mapagpipilian
diyan. Basta huwag lang kayo iinom ng marami. Alalay lang? Ok?"

"Ooo-key!" Nakangusong sabi ni Mitch, "Nakakainggit talaga kayo." Balikan ang


tingin niya sa amin ni Helga.

"Sigurado ba kayong ok lang kayo ditong mag-asawa?" Tanong ni Luke sa amin ni


Helga.

"Oo naman." Sagot naman ni Helga.

"So paano? Sisibat na kami." Sabi naman ni Tristan, "Kitakits na lang ulit tayo
mamaya o bukas kung abutin kami ng madaling araw." Sabay halakhak.

"Ok, sige." Ako.

At sinundan na lamang namin sila ng tingin, habang lumalakad papalayo.


[Itutuloy]

=================

KABANATA 5

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 5

Mitch's P.O.V.

Siguro nga mali ako. Mali ang sinabi kong hindi ko siya mahal at hindi minahal.
Mali ang sabihin ko na si Luke ang mahal ko at hindi siya. Mali ang lahat ng iyon
dahil...Hindi iyon ang totoo.

"Nagseselos si Benj kay Luke, Mitch." Sabi ng medyo tipsy nang si Tristan sa amin
ni Luke. "Parati na lamang daw kasing si Luke ang takbuhan mo kapag nag-aaway kayo.
Kaya hayun, nambabae siya, para malaman mo rin kung anong nararamdaman niya."

Ano raw?

Napasulyap ako kay Luke na nakatingin naman kay Tristan.

"What a stupid excuse." Mahinang sambit ni Luke.

Umiinom ako ng Margarita, nang mamataan kong pumapasok din si Benj at 'yung bagong
babae niya sa entrance ng bar. Nagkatama ang aming mga mata, pero agad din naman
akong umiwas. Ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa iniinom kong Margarita,
para magkunwari, wala akong pakialam sa pag-dating nila.

Punyemas.

Sa dinami-dami ba naman ng ibang bars sa beach resort na ito, kung bakit ba naman
dito pa nila napiling pumunta; at para namang nanadyang doon pa sila umupo sa
malapit sa amin-kung saan ako pahiris na nakaharap, na para bang nasisiyahan siya
na makita niyang nakikita ko ang walang pakundangan niyang pakikipaglaplapan sa
babaeng 'yon.

"Umuwi na tayo." Sabi ko sa dalawa kong kasama-na napalingon din sa direksyon ni


Benj. Alam ko namang nahuli rin nila ang eksena ng paghahalikan no'ng dalawa.
"No," Sagot ni Luke. "Hindi titigil 'yan ng pagpapasakit sa iyo hangga't hindi
natuturuan ng leksyon." Lumingon siya kay Tristan, "Nagseselos ba kamo siya sa
amin?" Tumango lamang naman si Tristan, at pagkatapos no'n ay biglang tumabi sa
akin si Luke, hinawakan ng kaliwang kamay niya ang batok ko at saka ako hinalikan
sa labi.

The next thing I know, ay may bumitbit na kay Luke mula sa may likuran at sinapak
siya ng ilang beses hanggang sa bumagsak na ito sa lupa. Tiningnan ko kaagad kung
sino ang bumitbit sa kanya.

Si Benj-nagpupuyos sa galit.

Hindi pa man din ako nakaka-recover sa pagkagulat nang hinila niya ang braso ko at
saka kinaladkad papalabas ng bar. Lumingon ako para kamustahin si Luke, at nakita
ko itong nakaupo na ito sa sahig habang humahalakhak na pinapahid ang dugo sa
kanyang pumutok na labi.

"I knew it!" Nadinig kong tatawa-tawang utas ni Luke-na para bang sinadya niyang
gawin ang lahat ng 'yon para galitin si Benj.

"Benj ano ba?!" Pumapalag ako sa mahigpit niyang paghawak sa braso ko. Pero masyado
siyang malakas. "Saan mo ba ako dadalhin?!" Hindi siya nagsasalita. Tuloy-tuloy
lamang ang mabilis na paglakad namin hanggang sa humantong kami sa may tabing-
dagat-kung saan wala nang katao-tao. "Benj, ano ba?! Bakit mo ba ako dinala rito?!"

Hindi pa rin siya nagsalita, bagkus ay pinaghahalikan niya ako habang isa-isa
niyang tinatanggal ang bawat isang saplot sa katawan ko.

"Benj ano ba?!" Kahit anong gawin ko, nangingibabaw ang lakas niya.

"Akin ka lang, naiintindihan mo ba?!" Bulog niya, sabay buhat niya sa akin pahiga
sa buhanginan.

Nagpupumiglas ako habang hinuhubaran niya ang kanyang sarili. Gamit lang niya ang
kanyang isang kamay sa pag-pigil sa akin, pero wala pa rin akong nagawa.

"I love you Mitch." Bulong niya habang kinukubabawan ako.

Sinampal ko siya, pero hindi siya natinag. Lalo lamang niyang tinindihan ang
paghalik niya sa aking mukha, labi, leeg at dibdib.

"Bitiwan mo ako Benj, ayoko na sa 'yo!" Sigaw ko.

"Talaga? Let's see..." Nakangisi niyang pinaghiwalay ang aking mga hita at idiniin
ang kanyang sarili. Umungol siya sa may tenga ko na sinundan niya ng mabibilis na
ulos.
"B-benj..."

Mas lalo niyang binilisan kaya't lalo akong nawala sa sarili.

Nahihiyaw siya sa panggigigil.

"Beeeenj..." Hindi ko na mapigilan ang sensasyon.

Nang maramdaman niyang hindi na ako nagpupumiglas, ay itinaob niya ako, hinila ang
aking mga balakang, at saka muling pinanghimasukan mula sa likod.

Halos maging balon na ang mga dinukal ng mga kamay ko sa buhanginan- lalong-lalo na
nang mas binilisan ni Benj ang kanyang pagkilos.

Alam niya ang kiliti ko.

Alam niyang gusto ko ng... mabilis.

Halos mapamura naman ako nang bukod sa mabilis ay diniinan niya ang kanyang bawat
galaw. Lalo pa akong nawala sa sarili nang habang ginagawa niya iyon, ay
kinakalabit ng kanyang kanang hinalalatok ang aking bungad.

"Benj!" In between my moans.

"Mitch..."

Grabe... Hindi ba dapat galit ako sa kanya? Hindi ba dapat magkaaway kami?

Hindi ba't may ka-date siya na kahalikan lamang niya nang paulit-ulit kanina?

Hindi ba't break na kami?

Pero, ano ito?

"I'm coming Darling..." Malambing niyang sambit.

Hindi ako sumagot. Bagkus ay dinama ko na lang ang napakasarap ng sesasyon ng aming
ginagawa.

Humiyaw siya nang marating na niya ang rurok.


Damn this guy. I really hate the fact that he can tame me just like that.

"I hate you so much, Benj." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang isa-isang isinusuot
ang aking mga damit.

"I know." Sagot naman niya, habang nagbibihis na rin.

"This will not change anything. I still don't want you back."

"Why not?"

"Because..." Lumapit ako sa kanya at, "You are such a childish cheating bastard!"
Kinalabog ko ang kanyang dibdib, "I hate you so much! I regret ever falling for
you! I hate you!" Sinampal ko siya, "I hate you!" Sinampal ko ulit,"I hate you!"
Isa pa uling sampal na malakas.

Itinulak ko siya papalayo. Pero nang magtangka siyang lapitan ako ay...

"Huwag kang lalapit! Stay away from me!"

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Hindi mo ba talaga ako minahal?" Umiiyak na siya.

"You want the truth?"

"Of course!" Akmang lalapit ulit siya.

"Hold it! Stay right there." Huminto naman siya.

"What's the truth then?"

Matagal na katahimikan. Para mapahupa ko man lamang ang aking galit, at ang kanyang
pag-iyak.

"Minahal kita, at mahal pa rin kita. Hindi si Luke ang mahal ko kung hindi ikaw.
Ikaw ang pinili ko kasi ikaw ang gusto ko. Pero..."

"P-pero?"

"Pero nakakapagod kang mahalin Benj. Nakakapagod na ang mag-isip at maturete sa


kaiisip kung sino ang kasama mo kapag hindi ako nakatingin. Nakakapagod na ang
pigain ko ang utak ko sa kaiisip kung bakit nakakaya mo akong harap-harapang
saktan."

"M-Mitch..."

"At bakit nagagalit ka na si Luke ang aking takbuhan? Bakit? Anong gusto mo? Tiisin
ko na lamang ang lahat ng pasakit na ginagawa mo sa akin hanggang sa magpakamatay
na lang ako sa sama ng loob?"

"Hindi naman sa gan-"

Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang kapwa namin maramdaman ang mabilis na
pagdaan ng mga anino. Biglang lumamig ang simoy ng hangin kaya't nagtindigan lahat
ang aking mga balahibo.

"B-Benj... ano yun?" Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kinaroroonan ni Benj.

"E-ewan ko, Mitch. Hindi ko rin alam." At hinila niya ako palapit sa kanya at saka
niyakap.

"P-Pero nakita mo 'yun diba? Nakita mo 'yung mga aninong dumaan sa gitna natin?!"

"O-oo..." Parehas kaming nagpalinga-linga. Kapwa kinikilabutan.

"Bumalik na kaya tayo sa bar." Sabi ko.

"Hindi, bumalik na lang tayo sa cottage." Sagot niya.

"Pero paano si Tristan, si Luke at... yung bago mong girlfriend."

"Hindi ko siya girlfriend, Mitch."

"Eh ano? Fling?"

"P-Parang ganun."

Sinampal ko ulit. What a jerk!

"Aray ko naman." Hinaplos niya ang kanyang pisngi na pulang-pula na sa kasasampal


ko. "Para saan naman ang sampal na yun?"

"Wala ka na talagang pag-asa! Babaero! Pabling! Buwiset! Dyan ka na nga!" Sabay


walk out ko pabalik sa bar.
"Teka, Mitch. Sandali lang!"

Lumingon ako. Parehas naman kaming napahinto nang mamataan namin ang ilang
kabataang naghaharutan. Nagbabatuhan sila ng buhangin habang nagtatawanan nang
biglang...

Ayun na naman ang mga aninong humagibis na kasing bilis ng malakas na hangin.
Natigilan din ang mga kabataang 'yon at nagkatinginan sa isa't isa.

"Nasaan si Lester?!" Tanong ng isa sa kanila. Mukhang napansin niyang bigla na


lamanng nawala ang isa sa kanila. "N-nandito lang siya kanina ah!"

Nakatulala pa rin ako nang lumakad na sa tabihan ko si Benj-tulad ko, ay


tinitingnan din niya ang direksyon ng mga kabataang 'yon.

"M-Mitch... nakita ko." Bulong ni Benj sa akin-nakapako pa rin ang mga mata niya sa
mga kabataan.

"Nakita mo ang alin?" Sumulyap ako sa kanya. Namumutla siya.

"Nakita kong dinala ng mga anino ang isa sa kanila."

Unti-unting nagtagpo ang aming mga mata, na kapwa nababalot ng matinding takot at
kaba.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 6

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 6

Author's P.O.V.

"Umuwi na tayo, bilis." Pagyaya ni Mitch-hila-hila niya sa mga braso ni Luke at


Tristan.

"Ha, Bakit?" Gulat na gulat na tanong ni Luke, "Ang aga-aga pa ah, wala pa nang
alas-diyes oh!" Sabay pakita niya sa kanyang wrist watch.

"Wala nang tanong-tanong, Luke. Sa cottage na ako magpapaliwanag." Bulong naman ni


Mitch sa kanya.

"Mitch!" Pagsingit naman ni Benj, na pilit inaalis ang pagkakahawak ni Mitch sa


braso ni Luke.

"Ano ba?!" Singhal naman ni Mitch sa kanya, "Pati ba naman paghila ko kay Luke,
pinagseselosan mo?" Sabay tabig niya sa kamay ni Benj at para muling hinawakan ang
braso ni Luke.

"Hey babe, where have you been?" Pagsingit naman ng babaeng ka-date ni Benj, na
inakap ito mula sa likuran. "Kanina pa kita hinahanap ha."

"H-ha, ah eh Jackie," Si Benj, habang sumusulyap-sulyap kay Mitch na halos


masugatan na sa tatalim ng mga tingin nito sa kanya, "K-kailangan na namin kasing
umuwi ng mga kabarkada ko eh. B-bukas na lamang ulit siguro. Medyo lasing na kasi
itong si..." Sinulyapan niya ang medyo lasing na, na si Tristan, "Pareng Tristan...
o-oo, lasing na si Pareng Tristan." At saka ngumiwi ito kay Luke na parang
humihingi ng tulong na back-upan siya. Nginisian lamang naman siya ni Luke, habang
bahagyang kinukuskos nito-gamit ang kanyang kanang hinlalaki, ang putok niyang labi
at saka tiningnan si Benj na parang nangungusap na... 'Pinutok mo ang labi ko?
Bahala ka sa buhay mo!'

"Lashing? Sinong Lasheng? Hindi ako Lashing ah!" Sabat naman ni Tristan na
halatang-halata namang lasing na nga.

"The night is young. Huwag muna kayong umuwi. May malaking party sa kabilang
resort, birthday kasi ng mismong may-ari na friend naman ng family namin. Gusto ko
sana kayong imbitahan do'n, everything is on the house. Libre lahat ang food and
drinks from dusk 'till dawn. Ano? Sama kayo? Sige na... sama na!"

"Kabilang resort?" Tanong ni Luke, "Did you mean, katabi lamang nitong resort
niyo?"

"Hindi, pero mga 12 miles away lamang naman. May van naman kami, kaya 'yun na lang
ang sakyan nating lahat papunta doon."

"I don't know with you guys, basta ako, uuwi na ako." Si Mitch, sabay halukipkip at
irap kay Jackie.

"Free drinks?! Call ako diyan!" Sigaw ng susuray-suray na si Tristan.

"Kung ok lang na kasama mo kami," Sabi naman ni Luke kay Jackie, "Why not? Right
guys?"
"What?!" Nanggigigil na sigaw ni Mitch.

"Alam niyo? Tayo na!" Pagyaya ni Jackie sa mga lalaki na parang hindi niya narinig
si Mitch, "Malapit na mag alas-diyes," Sabay tingin nito sa kanyang relo, "Malapit
na mag-umpisa ang party do'n kaya mas makabubuting umalis na tayo ngayon." At
hinila na nito si Benj na nakangiwi namang nakatingin kay Mitch. Halatang ayaw din
niyang sumama.

"Tara na Mitch!" At hinila na nga ni Luke si Mitch habang akay-akay nito sa


kabilang braso ang medyo sumusuray-suray na si Tristan. Wala na namang nagawa si
Mitch kung hindi ang sumama.

"Ewan ko Luke," Bulong ni Mitch kay Luke nang makasakay na sila sa Van. "Pero
masama talaga ang pakiramdam ko sa lugar na 'to...a-at sa babaeng 'yan." Sabay
nguso kay Jackie na siyang nagmamaneho ng van-katabi nito si Benj sa unuhan, na
panay naman ang tapon ng matatalim ng tingin sa kanilang dalawa ni Luke sa rear
view mirror.

"Nagseselos ka lang yata eh." Nakangising bulong ni Luke kay Mitch-na lalo namang
ikinaasar ng huli.

"Hindi 'no!" Pabulong na singhal ni Mitch, "Ano kasi eh... m-may nangyari kasi sa
labas ng bar kanina na hindi pa namin nasasabi sa iyo."

"Kung yung 'anuhan' ninyo ang tinutukoy mo, huwag na." Tatawa-tawa namang bulong
pabalik ni Luke.

"Tanga!" Sabay hataw nito sa braso ni Luke. "Hindi 'yun. Ano kasi....
blah...blah...blah..."

Habang pabulong na ikinukuwento ni Mitch ang tungkol sa nakita nila ni Benj na mga
anino, ay hindi nila napapansin ang halos namumula na sa inis at selos na si Benj.
Nasa dulo na ng pagkukuwento si Mitch nang...

"Will you please stop whispering to each other?!" Sigaw na Benj kay Luke at Mitch.

"Hey babe... cool ka lang." Sabi naman ni Jackie sa kanya. "Wala namang masama kung
magbulungan ang mag-lovers hindi ba?" Sumulyap ito kay Luke at Mitch sa rear view
mirror.

Pagkasabing-pagkasabi noon ni Jackie, nag-umpisa naman ng hagikhikan nina Luke at


Mitch na lalo namang ikinabuwisit ito ni Benj.

"Oo nga naman, Benj." Parang nang-aasar pa na pagsegunda ni Mitch kay Jackie, "Ano
naman ang masama kung magbulungan kami ng sweet nothings ni Luke, eh alam na alam
mo namang mag-'lovers' kami, hindi ba? Buti sana kung nagse-sex kami dito, hindi
naman eh... mamaya pa siguro. Hahanap muna kami ng room 'no." Sabay hagikhik na
parang sinasakyan naman ni Luke na humagihik rin.

"Dammit!" Sabay hataw ni Benj sa dashboard na ikinagulat naman ni Jackie.

"What's up with you ba?" Tanong ni Jackie sa kanya.

"Oo nga naman Benj... what's up with you ba?" Pagsegunda ni Mitch na sinasadyang
asarin si Benj, "Para naglalambingan lamang naman kami ni Luke my honey baby, 'di
ba hon?" Saka ito yumapos kay Luke at humalik sa pisngi.

"Yes, hon." Sagot naman ni Luke, sabay hagikhik.

"Hon, kiss mo nga ako please?" Si Mitch kay Luke, "Gusto ko french kiss ha?!"
Itinilos nito ang nguso sa direksyon ni Luke. Akmang hahalik na si Luke nang...

Biglang pumreno ang sasakyan. Tinungtungan pala ni Benj ang break-na ikinagulat
naman ng nagmamanehong si Jackie, inilagay ni Benj sa neutral ang kambyo, lumabas
ng front passenger's seat, pabiglang binuksan ang sliding door, hinila siMitch
palabas, at saka ito iginiyang sumakay sa front seat katabi ni Jackie.

"You stay there!" Panduduro nito kay Mitch sabay balibag ng pinto ng front seat, at
saka siya sumakay ulit sa van, but this time, siya na ang katabi ni Luke. "Ano? May
problema ka ba?" Nandidilat ang mga mata niya kay Luke, bago niya isinara ang
sliding door.

"Wala naman po, Mr. Kamatis." Nakabungisngis si Luke. Halatang nang-aasar

"Tado!" Sabay batok kay Luke.

"Aray ko!" Binatukan din niya si Benj.

"Aba't..." Binatukan ulit niya si Luke.

"Langya!" Binutakan naman ulit ni Luke si Benj.

Nagdirediretso lang ang pagbabatukan ng dalawa nang dinukwang na sila ni Mitch sa


kanilang mga buhok sa bunbunan at saka pinag-untog.

"Awww!" Parang nagdu-duet na daing ng dalawa.

"Para kayong mga gago! Umayos nga kayo!" Bulyaw ni Mitch sa kanila, bago bumalik sa
kanyang kinauupuan para maglagay ng seatbelt.
"Oh my gush!" Pasosyal na reaksyon ni Jackie, "Ang hard mo naman." Nakatingin ito
kay Mitch. "Kawawa naman ang Benj ko." At idinukwang nito ang kanyang kanang kamay
para haplusin ang ulo ni Benj, "Oh my baby... nasaktan ka ba?"

Hindi pa nagtatagal na ginagawa iyon ni Jackie nang bigla siyang sinabunutan ni


Mitch, kaya naman napaupo siya ulit ito nang hindi oras sa driver's seat.

"Magmamaneho ka na ba? O kakalbuhin kita?!" Bulyaw nito kay Jackie, na hinahaplos


pa ang anit ng parte ng buhok na sinabunutan niya.

"Eh bakit ka ba nanabunot?" Malamya nitong tanong kay Mitch, "Para chine-check ko
lang ang baby ko eh. Hmp. Ang malas naman ni Luke sa iyo! Masyado kang sadista!"

'Yun lamang at si Benj naman ang humagihik sa likod-may kasama pang pagtaas ng mga
kamay at mga paa.

"Oo babe!" Sabi naman ni Benj kay Jackie, "Kawawa talaga si Luke. Ulam na nga ang
mga pisngi ng bestfriend ko sa kasasampal ng babaeng yan eh!" Sabay nguso kay
Mitch, "Kaya nga suwerte ako sa iyo eh, malambing ka na, mahinhin pa. Hindi tulad
ng iba riyan, sadista na, maingay pa!"

"A ganon?!" Sabay dukwang ulit ni Mitch sa buhok ni Benj at saka hinila ito.
Napasubsob si Benj sa may kambyo ng sasakan.

Nagkakagulo sila sa nakahintong van, nang may narinig silang kalabog sa bubungan
nito. Ang kalabog na ito ay para bang may nalaglag na katawan o mabigat na bagay sa
ibabaw ng sasakyan.

Natahimik ang lahat. Pawang mga nakikiramdam.

Katahimikan.

Parang sasabog ang mga puso nila nang may biglang may dumungaw na mukhang naka-
maskara sa unahan ng sasakyan. Nakalawit ito ng pabaligtad mula sa bubungan.

Sabay-sabay silang sumigaw kasama ni Tristan na wari'y nahulasan sa kalasingan.


Hindi naman magkanda-ugaga si Jackie sa pag-start ng sasakyan.

"Jackie bilis, paandarin mo na!" Sigaw ni Mitch.

"O-Oo, sandali lang." Natataranta talaga siya.

Natulala naman sila ulit nang biglang inihaba ng nakamaskarang nilalang na iyon ang
kanyang dila.
"Aswang!" Sabay-sabay na sigaw nilang lahat na sinundan ng malalakas na sigaw.

Hindi pa rin mapaandar ni Jackie ang sasakyan sa sobrang nerbyos. Kaya naman
nagmamadaling hinatak na siya ni Mitch para magpalit sila ng puwesto. Napaandar
naman kaagad ni Mitch ang Van. Pinasuray-suray nito ang pagmamaneho para malaglag
ang kung ano man ang nasa ibabaw ng kanilang Van. Medyo natagalan, pero nalaglag
din ito sa kung saan.

"Wag na kaya tayong tumuloy." Nangangatog na sabi ni Jackie. "Bumalik na tayo.


Hindi ko rin kasi masyadong kabisado ang lugar na ito."

"Are you trying to tell us, na niyaya mo kami sa lintek na party na ito, eh hindi
mo naman pala kabisado itong lugar niyo?!" Mataray na singhal ni Mitch kay Jackie.

"Eh laking Manila na ako eh. Alam ko naman ang lugar, nahihirapan lang ako kapag
ganitong madilim na." Sagot naman nito.

"Ay lintek!" Nabubuwisit na bulyaw ni Mitch, "Eh nasaan na pala tayo? Are we on the
right track?"

"Actually..." Luminga-linga si Jackie. "I think we are. Malapit na dito yung


destination natin."

"Ano? Tutuloy ba tayo o babalik?" Nakasimangot pero medyo kalmado na si Mitch.

"Kung malapit na pala dito, tumuloy na tayo, para naman hindi sayang ang biyahe,"
Sagot ni Luke, "Pero sandali lang tayo, umuwi rin tayo agad."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 7

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 7

Jason's P.O.V.

"Mukhang nag-eenjoy sila ah." Sabi ni Helga habang nagsa-shower.


"Oo." Sagot ko naman habang nagbubuklat ng magazine sa kama.

"Grabe ang init ano, Love?"

"Ha? Hindi naman ah."

"Ang init kaya."

"Baka mainit lang yang tubig sa shower mo."

"Hindi ah. Naka set nga sa cold water ang shower ko eh."

"Ah baka hot flashes lang yan dahil buntis ka."

O pwede ring may umaaligid na namang Aswang.

Narinig kong pinatay niya ang shower.

"You think?" Tanong niya, habang lumalabas siya ng banyo na nakatapis lamang ng
tuwalya-tinutuyo niya ang kanyang mahabang buhok ng isa pang tuwalaya.

Ay lintek. Malaki ng ang tiyan ni Helga pero ang hot pa rin niya. Hindi ko tuloy
maiwasang pagmasdan siya.

"Hoy, Love!" Tatawa-tawang paggulat niya sa akin.

"Huh?" Natuahan naman ako.

"Bakit ka nakatulala diyan? Naglalaway ka na naman ba sa aking big beautiful


belly?" Sabay tanggal niya ng tapis niya, at nakahubad na tumayo sa aking harapan.

"Yes." Nakatulalang sabi ko naman sabay gapang sa kanyang kinaroroonan at saka


tumayo sa kanyang harapan.

Humahalakhak siya habang parang wala ako sa sariling nagtatanggal ng saplot.


Pagkahubad ko naman ng kahulihulihan piraso, ay siya namang sunggab ko sa kanya
para halikan siya ng dahan-dahan sa labi, sa pisngi, sa jawline at sa kanyang
magkabilang leeg.

"Love..." Sabi niya.


"Hmmm?"

"Tayo lang naman ang nandito..."

"So? Umh!" Ang bango niya, amoy bagong ligo.

"I want you to do me in the living room."

"Ha?"

"Gusto ko sa living room, dun sa malapad na kahoy na center table. Please?"

Ibang klase talaga ang trip nitong asawa ko, lalo tuloy akong nag-iinit. Ibinigay
ko naman ang hilig. Binuhat ko siya sa living room, inihiga sa mababang center
table na tinutukoy niya, at doon ko itinuloy ang pagsamba sa bawat himaymay ng
kanyang katawan, habang nakaluhod.

"Love..." Daing niya nang ginawa kong lollipop ang kanyang hinalaki sa paa, ito ay
habang pinanghihimasukan ko ang kanyang yungib, na nakasampay naman ang isa pa
niyang mahabang binti sa aking balikat.

Binilisan ko at idiniin ang bawat abante. Namataan kong napakagat na si Helga sa


kanyang ibabang labi.

"Love..." Muling daing niya.

I know and I have no plans to stop here...

Pinasadahan ko ng halik ang kanyang magkabilang binti, habang walang tigil ang
pagkilos ko sa kanyang gitna. Nakita ko namang napakapit siya sa gilid ng lamesa sa
kanyang bandang ulunan, nang mahigpit na hinawakan ko na ang kanyang mga balakang
at ibinuhos ang aking buong lakas sa bawat entrada.

"You got me right there! Don't stop!" Hiyaw niya. Sumunod naman ako. "Holy shi-"
Alam kong napapamura na siya sa sarap. And that's the way I like it.

Maya-maya pa'y sunod-sunod ko ng naramdaman ang kanyang pagdating. Pansin ko iyon


sa paninigas ng kanyang binti at bahagyang pangingisay. Tatlo, apat, lima? Hindi ko
siya tinigilan hangga't hindi siya nasisiyahan.

Then my turn did came, and that's a good one. Kahit na medyo masakit ang tuhod ko
sa matagal na pagkakaluhod sa sahig, sulit naman.

"Love, parang nagugutom ako." Anya, "Gusto mo bang mag midnight snack with me? May
baon akong pang-snack for all of us."

Iyon naman ang isa sa pinakabilib akordito kay Helga. Isa siyang ulirang maybahay
talaga. Sa biyahe, siya ang naniniguro kung may baon kaming enough na supply ng
toiletries at pagkain. Siya rin ang nag-eempake ng aming damit, and when she does
that, she make sure na lahat ng kailangan namin ay naroon. Maayos din siya sa
gamit, katulad ko, which is a good thing. Ayoko kasi ng magulo at makalat.

"Anong snack ba ang dala mo?" Tanong ko habang sinasabayan ko siya sa pagbibihis.

"I have all the ingredients to make sandwiches with all the works, gumawa rin ako
ng chicken macaroni salad pagkarating natin kanina-malamig na sigurado 'yun dito sa
ref, meron din tayong chips, pop-corn, apples, oranges, pears, meron tayong...
blah... blah..."

Wow. No wonder ang bigat mg bagahe namin (laugh trip!).

"Macaroni salad for me please..." Malambing na sabi ko naman.

"Macaroni salad, coming up for my hot and sizzling husband..." Nakangiting sagot
naman niya.

Abala kaming kumakain nang magkasalo sa kusina nang may narinig kaming nagsisigawan
at nagkakagulo sa labas. Napasugod kami ni Helga sa bintana ng living room at
sinilip ang labas.

Nakita namin ang mga kumpol-kumpol na mga taong nagbibidahan ng kung ano-ano. May
mga namataan pa kaming mga pulis at mga opisyales-ng bayan o lalawigan.

"Tatlong kabataan daw ang sunod-sunod na dinagit ng mga anino." Sabi ng isang babae
sa mga kakuwentuhan niya. Nakatayo sila sa malapit sa aming cottage kaya naman
nadidinig namin ang kanilang usapan. "May mga balitang nawawala rin daw sa kabilang
resort."

Nagkatinginan naman kami ni Helga. Kapwa kinakabahan, lalo pa't hindi pa umuuwi ang
apat naming mga kaibigan.

"Kalokohan." Sagot naman ng kausap niya, "Baka kung nasaan lamang at nagliwaliw ang
mga iyon."

"Marami raw nakasaksi eh."

"Oo nga pero sila-sila rin naman ang nakasaksi, malay ba natin kung nagpapapansin
lamang ang mga walang magawang kabataang 'yon. Nangyari na 'yan ng ilang beses dito
eh, hindi naman nawawala yung sinasabi nilang dinagit. Mga naligaw lamang at
inumaga na ng pagbalik. Pupusta ako, bukas ng umaga, 'yang mga nawawala, makikita
ulit 'yan."

Hindi na umimik pa ang mga kasamahan niya.

"May signal ba dito?" Tanong ko kay Helga.

"Merong isang bar." Sagot naman nito habang nakatingin sa smartphone niya.

"Tawagan mo si Mitch, dali."

"Oo. Sandali." Mukhang duma-dial na siya.

Nakatingin lamang naman ako sa kanya-umaasang mako-contact namin si Mitch.

"Hello, Mitch..." Yes! Mukhang naka-contact siya. "Si Helga ito. Nasaan na kayo?
Pakitwagan mo naman kami kapag natanggap mo na ang message na 'to."

Crap. Mukhang voicemail ang kinahantungan ni Helga.

"Out of reach ang phone niya, Love." Just as I expected, "Baka walang signal sa
location nila. Subukan mong tawagan si Tristan, Benj or Luke. Baka sakali. Eto,
gamitin mo ang phone ko." Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko, "Nariyan naman sa
phonebook ko ang numbers nila."

Sinubukan ko ngang tawagan ang tatlong itlog. Gano'n din. Out of reach din. Nasaan
na kaya ang mga lekat na 'yun?

Ayoko namang lumabas para hanapin sila, dahil kung may nandadagit nga, mas ayaw ko
namang iwanan si Helga. Ayoko rin naman ang ideyang isama siya, dahil kung madagit
siya at wala akong magawa, ay mas lalong 'patay kang bata ka.

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng kaluskos sa may kusina. Nang dahil doon ay dali-
dali kong hinila si Helga sa aming kuwarto para kunin ang buntot paging bigay sa
akin noon ni Luke. Pagkatapos no'n ay bumabantu-bantulot kami papunta sa kusina.

Iwinasiwas ko ang buntot paging inihataw ko sa lamesa. May nadatnan kasi kaming
pamilyar na nilalang na mukhang nakikisalo pa yata sa aming miryenda.

Napaiktad ang nilalang na 'yon at sumiksik sa may pintuan. Nakaharap na ito kaya't
nakilala na namin kung sino.

Si Manuel. Sa kanyang anyong Matruculan.


Si Manuel ay ang Aswang na may gusto sa asawa ko na sinusundan ito kahit saan
magtungo. Hindi naman ito nanakit. Nakakatakot lamang talaga ang itsura nito sa
naturalesang anyo.

"Ano na naman bang kabuwisitan ito, Manuel?"

Nadinig ko namang humagikhik si Helga.

"Para nakikimiryenda lang eh." Sabi naman nito.

"Nakikimiryenda? Saan ka naman nakakita ng Matruculan na nagmimiryenda ng macaroni


salad? At saka, tingnan mo nga ang itsura mo? Hindi ka ba pwedeng mag-anyong tao
para hindi ka naman nakakagulat!"

At siya namang pagbabago na nga niya ng anyong tao pero walang... saplot. Ang
nakakainis pa sa ginawa niya, ay talagang nakangising ibinuyangyang pa niya ang
kanyang kargada sa harapan naming mag-asawa.

Nadinig ko namang humagalpak ng tawa si Helga.

"Ano ba 'yan?" Iritableng sabi ko, "Magdamit ka nga!" Pilit kong iniiwas ang tingin
ko papalayo sa kanya.

"Wala akong baong damit eh, kaya pahiramin mo ako. Magka-size naman tayo hindi ba?
'Yun nga lang, mas guwapo talaga ako kaysa sa iyo. Kaya, sorry ka na lang."
Nakabungisngis pa ang tarantado.

"Aba't ang put--" Hahagarin ko na sana ng bunyot pagi nang...

"Tama na yan," Sabi ni Helga, "Sandali lang Manuel, ipipili kita sa mga damit ni
Jason."

"Piliin mo yung sira at may butas, Love." Sabi ko kay Helga habang papaalis na si
Helga.

"Pwedeng pakisamahan mo na ng brief?" Nakakairitang pahabol naman ni Manuel.

Lintek na buhay naman 'to oo, pati ba naman brief ko kailangang i-share ko rin sa
lintek na Aswang na 'to?!

"Anong meron at ina-Aswang mo na naman ang Asawa ko?" Nakasimangot na sabi ko,
"Huwag lang ang pinagtatangkaan mo palang miryendahin ang pangalawang anak namin sa
tiyan ni Helga ha, dahil hindi talaga ako mag-aatubiling tagpasin 'yang ulo mo!"
"Ipinadala ako ni Marietta." Habang nilalantakan ang macaroni salad ni Helga, "Wala
raw kwenta ang mga cellphone niyo kaya pinapunta niya Ahhhkkkhhoo!" Mukhang
nabulunan ang gago. "T-tubig... tubig!" Natatawang inabutan naman siya ni Helga ng
bottled water.

Tsss... ibang klaseng Aswang ito. Wirdo!

"Ahm..." Pagkaklaro niya sa lalamunan niya, "Umalis na raw kayo agad sa lugar na
ito. Naririto raw kasi ang tropa ni Lucio."

Si Lucio ay ang kalahating tao at kalahating anghel na malayong kamag-anak-o ninuno


nina Helga, na nakipagkasundo sa Diyablo para maging imortal. Isa rin itong
Nephilim na katulad nina Marietta at Helga, na siya rin namang hari ngayon ng mga
masasamang Aswang, Maligno at Demonyo.

Nagkatinginan kami ni Helga.

"Siya ba ang may pakana ng pagkawala ng mga tao rito?" Tanong ni Helga.

"Ewan ko. Hindi ko na alam ang gimik niya ngayon eh. Alam mo namang tumiwalag na
kami sa konseho kaya wala na kaming alam sa kanilang mga sikreto. Basta ang alam ko
lang. Mula sa paghahasik ng lagim sa liblib na mga baryo, ay naririto siya ngayon,
para pakainin ang kanyang mga kampon. Kaya kung maari, ay umalis na raw kayo rito.
Bago nila malaman na naririto kayo."

"Hindi kami pwedeng umalis nang hindi kasama ang mga kaibigan namin." Sabi ni
Helga.

"Nasaan ba sila?" Si Manuel.

Nagkatinginan ulit kami ni Helga.

"H-Hindi namin alam." Sagot ko.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 8

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 8
Luke's P.O.V.

"Teka," Sabi ko na na, "Bakit kanina pa yata tayo paikot-ikot eh hindi naman tayo
nakakarating?" Sinilip ko ang 'trip meter' "At saka, akala ko ba 12 miles lang?"
Tanong ko kay Jackie, "Eh mukhang nasa trenta na ang itinakbo natin ah!"

"Oo nga... parang tatlong beses na yata tayo nagpapaikot-ikot sa kalyeng ito!" Sabi
naman ng lilinga-lingang si Benj.

"Hindi lamang iyon ang bad news guys..."Sabi naman ni Mitch na siya pa ring may
hawak ng manibela. "Malapit na tayong maubusan ng gasolina."

"Ha?" Sinilip ko ang 'fuel gage', nasa huling guhit na nga! "W-wala ba tayong
nadadaanang gas station?"

"Duh!" Sagot ni Mitch, "Kung meron, mag-aalala ba ako ng ganito? Hindi ko alam kung
bakit nagpapaikot-ikot tayo sa lugar na'ito, eh tama naman ang nga nililikuan ko!"

"Ihinto mo na muna ang Van mitch!" Sabi naman ni Tristan, "We have to figure out
what's going on first, bago tuluyang masaid ang gasolina natin."

Pumara naman si Mitch sa isang tabi. Nakapagtataka namang, walang kahit isang
sasakyan ang dumadaan sa kalyeng 'yon.

"Pwede bang pakitulungan mo kami, ha?" Mataray na tanong ni Mitch kay Jackie. Pero
kagat-kagat lamang naman nito ang kanyang mga kuko na may kasamang nag-aalalang
mukha.

"Sorry guys... h-hindi ko rin alam ang nangyayari eh. H-hindi ko kabisado ang kalye
na 'to, kaya hindi ko rin alam kung nasaan na tayo."

"Ano?!" Sabay-sabay naming sinabi sa kanya.

Anak ng putakteng duling!

Napakalayo pa naman ng poste ng ilaw sa hinintuan namin kaya't sobrang dilim.


Naaninag ko na puro talahiban lamang ang mga gilid at wala man lamang kabahay-bahay
kahit saan ako tumingin.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Benj.

"Anong gagawin natin?!" Mataray na singhal sa kanya ni Mitch-tinitingnan siya sa


rear view mirror. "Eh bakit hindi mo tanungin 'tong fling mo na siyang may pakana
ng lahat ng ito! Ang lakas ng loob mag-imbita, wala naman palang alam sa lugar!
Buwiset!"

"Huwag na tayong magsisihan Mitch," Sabi ko, "Pare-pareho tayong pumayag sumama
kaya't mas makabubuting magtulungan na lamang tayo para makaalis tayo rito."

"Excuse me!" Sagot naman ni Mitch, "Kayo lamang ang pumayag. Ako, napilitan lang!
Kundangan ba naman kasing may sarili naman kayong pera pero parang mga hubble
satellite kung mag-pick-up ang mga radar ninyo kapag nakakaamoy kayo nang libre!"

Hindi na lamang ako nagsalita. Mahirap makipagtalo kay Mitch, dahil siguradong may
sagot siya sa bawat hirit mo. Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala talagang signal.
Hindi rin masagap ng GPS ang aming lokasyon. At kung kailan ko naman dapat bitbit
ang compass at mapa ko, kailan naman hindi ko nadala ito.

Tsk. Kapag minamalas ka nga naman, oo. Pero teka...

"Jackie," Sabi ko, "May mapa ka ba sa 'Glove box' nitong Van niyo?"

"I'm not sure, sa Papa ko kasi ang Van na 'to. Pero titingnan ko." Binuksan niya
ang Glove box. "Oo!" Aniya! "Eto oh!" Sabay abot sa akin ng Mapa.

"Eh Compass, meron?" Hirit ko.

"Wala eh."

Damn it!

Kailangang malaman ko kung nasaan ang Norte o Hilaga, para magkasilbi itong Mapa.
Gabi, kaya obviously hindi ko malalaman ang lokasyon ng araw. Full moon, kaya hindi
ko pwedeng gamitin ang 'Crescent moon method'. Wala akong sticks, kaya hindi rin
pwede ang 'shadow tip at two-stick method'

"Luke! Anong iniisip mo?" Tanong ni Benj.

"Shhhh!" Ako.

Hmmmm.

Sandali.

Pinatabi ko si Benj para makalabas ako ng Van. Tumingala at hinanap ang mga
lokasyon at pormasyon ng mga bituwin.
"A-anong tinitingala mo diyan?!" Si Benj ulit. Ang kulit. Hindi tuloy ako makapag-
concentrate.

"Hinahanap ko ang 'Polaris'!"

"Anong Polaris?"

"Ang North Star."

Medyo naaninag ko na naman ang pormasyon ng mga bituwin. Ginamit ko ang daliri ko
para makaguhit ng imaginary line sa constellation ng mga bituwin. Pagkatapos kong
nakuha ang pormasyon ng malaki at maliit na 'Dipper Constellation' ay natunton ko
rin sa wakas ang 'Polaris'. Mula sa Polaris ay gumuhit ako ng imaginary line
paibaba sa lupa at bingo! Hayun ang Norte!

Pagkatunton ko ng Norte ay inilatag ko ang mapa sa lupa. Gamit ang liwanag ng


cellphone ko ay sinubukan ko ng estimahin ang aming lokasyon.

Aha! Gotcha!

Dali-dali akong pumasok ulit sa Van. Nakasunod naman agad sa akin si Benj.

"Mitch!" Ako, "U-turn tayo, then I'll let you know kung saan tayo liliko."

"Saan ba tayo pupunta? Pabalik na sa cottage?" Tanong niya habang inii-start ulit
ang Van.

"Oo, or at least, makabalik tayo sa highway na dinaanan natin kanina para


makapagpagasolina." Sagot ko.

"Marunong ka palang bumasa ng constellation, Luke?" Tanong ni Jackie.

"Oo." Matipid na sagot ko.

"Presidente ng Mountaineers club 'yan nung college eh," Sabat ni Tristan, "Maraming
alam 'yan, lalo na pagdating sa pag-alam ng lokasyon kahit walang compass."

"Wow naman," Nakangiting sabi ni Jackie habang nakatitig sa akin, "Ang guwapo mo
na, ang talino mo pa. Ang swerte naman ni Mitch sa 'yo."

"Sinabi mo!" Sagot naman ni Mitch, "Hindi lang yan guwapo at matalino, mabait pa,
sweet, thoughtful, 'loyal' at 'hindi babaero'. 'ako lang ang mahal niyan', 'walang
fling, ako lang talaga!'"
Nasulyapan kong napangibit si Benj. Halata naman kasi na siya ang pinatatamaan ni
Mitch.

"Bukod pa do'n!"Hirit pa ulit ni Mitch, "Magaling din siya sa maraming bagay!


Mabuting kaibigan, Mabuting 'boyfriend!' Magaling makisama, magaling humalik,
masarap magmahal at higit sa laha-"

"Will you shut up?!" Bulyaw ni Benj kay Mitch. Iritable ang ekspresyon ng mukha
nito.

"Shut up for what? Para pinupuri ko lamang naman ang 'boyfriend' ko ah!" Sabay
kindat sa akin ni Mitch sa rear view mirror. Napailing lamang naman ako kay Mitch
at saka nginisian si Benj- na para namang gusto na akong patayin sa talim niyang
makatingin.

"Yes!" Si Tristan, "Hayun na ang highway! Ang galing mo talaga, Luke!" Sabay tapik
sa akin. Mukhang nawala na nga ng tuluyan ang kanyang kalasingan.

"Salamat."

"Natatanaw ko na rin ang gas station." Si Mitch. "Ang tanong? Sino ang
magbabayad?!"

"Ako na." Si Benj, sabay dukot ng wallet niya, inilabas ang credit card at saka
iniabot kay Mitch.

"Ikaw ang bumaba!" Sabi naman ni Mitch sa kanya-imbes na abutin ang card.

"Fine!" Pagalit na sagot ni Benj, habang pumapara na si Mitch sa tapat ng isa sa


mga pump ng gas station.

"Hmp. Dagitin ka na sana ng Aswang." Bulong ni Mitch. Habang bumababa si Benj.


Mukhang nadinig siya ni Benj dahil sinamaan siya nito ng tingin.

Pinanood lamang namin mula sa sasakyan ang pagkakarga ni Benj ng gas sa labas,
maging ang pagpasok nito sa loob ng convenience store-kung nasaan ang kahera para
bayaran ito. Mukhang lumang-luma na ang pump ng gas station na ito, kaya naman
hindi pwedeng mag-swipe ng card payment doon.

Ilang saglit lamang ay lumabas na ulit si Benj-kakamot-kamot ito sa kanyang ulo.

"O bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko, nang makapasok na siyang muli sa Van.

"Hindi ako nakapagbayad." Sagot nito.


"Bakit naman?" Tanong ko, "Hindi ba sila tumatanggap ng credit card? May cash ako
rito? Magkano ba ang inabot?"

"Hindi yun," Sagot nito, "May cash din naman ako eh."

"Eh ano?"

"Walang tao sa loob. At ang gulo-gulo do'n, parang dinatnan ng bagyo."

"Anong ibig mong sabihin?" Si Mitch.

Sasagot na sana si Benj nang may nadinig kaming kung anong hindi namin mawari mula
sa labas ng Van. Pinaghalo-halong tunog 'yon ng tuko, palaka at ahas na tila
papalapit na sa aming kinaroroonan.

Napansin ko naman na kahit medyo kinakabahan si Mitch ay unti-unti na itong


kumikilos para paandarin ang sasakyan.

Muli naming nadinig ang pinaghalo-halong tunog 'yon ng tuko, palaka at ahas. Mas
lalong dumalas ang mga tunog na 'yon, habang tumatagal

Nadinig kong nag-start na ang Van. Pero bago pa napaandar ni Mitch ang sasakyan ay
may mga kakilakilabot na mga nilalang na bigla na lamang nagsi-sulputan sa lahat ng
anggulo ng sasakyan. Sila ay mahigit kumulang na dalawampung maliliit na nilalang
na maputla ang balat, malaki at maiitim ang mga mata, mahahaba ang mga dila na may
hati sa gitna, at may matatalas na mga ngipin na maikukupara sa mga barracuda.

Sabay-sabay kaming napasigaw sa takot, na agad namang sinundan ng pagtungtong ni


Mitch sa accelerator.

Parang mga lintang nakakapit sa sasakyan ang nga nilalang na iyon. Kinakatok namin
ang mga windshield mula sa loob ng sasakyan, pero wala namang epekto 'yon.
Nagpasuray-suray ang aming sasakyan dahil halos hindi na makita ni Mitch ang aming
dinadaanan.

"Mitch baka mabangga tayo!" Sigaw ni Tristan. Naharangan na kasi ng tuluyan ang
buong windshield.

Hindi naman malaman ni Mitch kung hihinto ba siya o didiretso.

"Mitch, honey! Ihinto mo na muna sa tabi." Sabi ko, na may kasamang pag-hawak sa
kanyang kanang braso.
Ops.

Did I just called her... honey?

Dahan-dahan akong lumingon kay Benj when I realized that. And just as I've
expected. Sinaksak agad niya ako ng matatalim na tingin.

"A... er..." Nauutal na pagtapik ko kay Mitch habang nakatingin kay Benj. "Ihinto
mo na muna ang sasakyan, Mitch."

Inihinto naman ni Mitch...

"Luke, anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mitch-na sinundan ng


pagliban niya papunta sa amin sa likod bago kumalong at yumakap sa akin.
Nanginginig siya.

Para namang mangiyak-ngiyak na ang hitsura ni Benj. Walang ano-ano'y hinila nito si
Mitch mula sa bisig ko-na sinundan ng malakas na suntok sa may labi ko.

"Keep your hands off my girlfriend!" Bulyaw nito sa akin habang nililingkis ng
mahigpit na yakap ang nagpupumiglas na si Mitch.

Drat! Dumugo na naman tuloy ang labi ko.

Napasulyap ako kay Jackie, na mukhang gulat na gulat sa inasal ni Benj.

"B-benj? What's the meaning of this?" Tanong na niya.

"I-I'm sorry Jackie, bit this woman is 'mine'," Inginuso si Mitch, "Not Luke's."

"I'm not yours! I hate you! I hate you!" Nagpupumiglas na sigaw ni Mitch. Medyo
nasisipa pa nga niya ako sa pagwawala niya. Napatulala lamang naman si Jackie sa
nalaman at nasasaksihan niya.

"M-mga pare... tama na muna yan!" Si Tristan. "I think we're in huge-huge trouble!"
Inginunguso ang windshield na unti-unti nang nagka-crack!

Diyos ko!

Don't tell me this is the end of us?

Huwag naman po! Marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto ko pang maglakbay sa buong
mundo, magka-asawa, magka-anak at makita ang aking mga apo!
Nag-crack na nga ng tuluyan ang windshield.

Nagsisigaw ang mga babae.

Sumigaw din si Benj at Tristan. Ako naman ay tuluyan nang napipi.

Kinapa ko ang bulsa ko, hinila ang Rosaryong bigay sa akin ng Papa ko.

"Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat," Pag-uumpisa ng


panalangin ko habang nakahawak sa krus ng nasabing Rosayo, "Na may gawa ng langit
at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo iisang anak ng Diyos, Panginoon
nating lahat. Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santang
Mariang Birhen. Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at
inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na
mag-uli. Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang-"

Naputol ang pagdarasal ko nang parang may kung anong nalaglag mula sa kung saan na
pumatak sa bubungan ng Van.

Pagkapangyari ng tunog na iyon ay bigla na lamang nagsipagtakbuhan ang mga


nakakikilabot at nakadidiring mga nilalang na iyon-nagsipagtago ang mga ito, na
para bang takot na takot sila sa kung sino man, o ano man ang nasa ibabaw ng Van.

Nakatulala lamang naman kami nang nakita na namin ang mga binti ng kung sino man
'yung nasa bubungan. Umupo muna ito sa bubungan habang nakalawit ang dalawang binti
sa harapan ng Van, tumalon sa lupa, at saka humarap sa amin.

"Magandang araw sa inyo." Nakangiting pagbati nito.

Mukha itong isang binatang matangkad-maaring nasa anim na talampakan ang taas,
kulot na olandes ang buhok, maputi ang balat at maamo ang mukha. Mukha itong anghel
na walang pakpak.

"S-Sino ka?" Tanong ni Jackie.

Imbis sumagot ay ngumisi lamang ito. Hindi pa man din kami nakaka-recover sa
pagkagulat sa mga nangyayari, ay unti-unti namang nagsilabasan ang iba't ibang
nakatatakot na nilalang sa kanyang likuran.

"Lucio?!" Utas ni Mitch.

Huh? Kilala siya ni Mitch?


"Nakikilala mo pa pala ako, binibini." At ibinuka nito ang kanyang mag-kabilang
braso, "Malagayang pagdating sa aking Paraiso."

Si Lucio nga ba ito? 'The' Lucio?

Oh no!

[Itutuloy]

=================

KABANATA 9

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 9

Jason's P.O.V.

Umalis din si Manuel bago mag-alas tres ng madaling araw. Hindi kami nakatulog ni
Helga sa sobrang pag-aalala. Paanong hindi kami mag-aalala? Umaga na, pero wala pa
rin ang aming mga kabarkada.

Mga bandang alas-siyete ng umaga, nang ma-ulinigan namin na medyo nagkakagulo ang
mga tao sa labas. Napasilip naman kaming mag-asawa sa bintana, at bumulaga na nga
sa amin ang mga taong nagsisilabasan sa kani-kanilang mga lungga. May mga naririnig
kaming umiiyak, may ibang sumisigaw, may ibang namang nag-uusisa lamang at may iba
rin namang nagtitsismisan lang.

Nadidinig din namin ang pag-uusap ng mga taong nakakumpol sa may labasan. Marami
raw ang nawawalang tao kagabi. May mga nakasaksi raw na may mga dumagit daw ditong
mga anino.

"Kalokohan." Sagot ng isang hindi naniniwala, "Mga Anino? Ang sabihin mo, baka mga
adik lamang ang mga iyon na high sa droga kaya kung ano-ano na ang nakikita. Malay
naman natin kung nariyan lamang ang mga taong iyon sa tabi-tabi. Eh kagabi lamang
naman nangyari 'yon hindi ba?

Pagkarinig na pagkarinig namin no'n, ay napansin ko na agad ang pagkataranta ni


Helga. Nagpapabalik-balik ito ng lakad, habang nakaliyad na nakahawak ang kanyang
mga kamay sa kanyang likuran-iniinda na niya kasi ang pananakit ng kanyang likuran-
dahil sa kanyang pag-bubuntis.

"Jason." Mangiyak-ngiyak na ungot niya, "Masama ang kutob ko. Baka kung ano na ang
nagyari sa kanila."
Nahihilo na ako sa paglalakad niya ng pabalik-balik, kaya naman inakap ko na siya
mula sa likuran, upang siya'y aking mapapirmi. Hindi naman ako nagsalita. Ayoko rin
naman magsinungaling na hindi ako nag-aalala, just to make her feel better. Dahil
alam ko. Kahit pa ano ang sabihin ko. Hindi rin naman mawawala ang pag-aalala namin
pareho.

"Kung may kakilala lamang sana ako sa lugar na ito." Bulong ko, "May mahihingan
sana tayo nga tulong na masuyod ang lugar na ito para mahanap sila.

Natigilan si Helga. Dahilan para umikot na ako paharap sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko na. Para kasing ang lalim ng iniisip niya.

"May naalala lang ko," Anya. "Sandali lang." At lumakad siya papalayo, papunta sa
kuwarto. Bumalik naman ito kaagad, bitbit ang kanyang malaking wallet.

Umupo ito sa sofa at saka inumpisahan ang pagkakakalkal sa kung ano-anong mga laman
no'n. Umupo ako sa tabihan niya, at pinanood kung anong ginagawa niya.

"Anong hinahanap mo?" Hindi ko na natiis.

"Number...'wswswsws'!" Binabasa kasi niya nang pabulong ang bawat papel at cards na
binubulatlat niya.

Halatang-halata sa kilos niya na natataranta talaga siya. Dahil do'n ay hindi na


maiwasang malalaglag sa sahig ang ibang mga maliliit na papel, kapag may hinihila
siyang isa sa unahan ng iba. Walang imik na dinadampot ko naman ang mga iyon isa-
isa, at saka ipinapatong sa center table.

"Sino ito?" Tanong ko.

Ang tinutukoy ko ay ang babaeng nasa isang litratong nalaglag sa wallet niya.

Lumingon siya at tiningan.

"Ah, yan ang Tiya Senda ko."

Sinipat kong iyong maigi, hindi naman ito mukhang luma, pero medyo may kalabuan ang
kalidad ng pagkakakuha nito-mukhang batang-bata pa ang Tiya niya sa litratong 'yon.

"Parang may kamukha siya," Sabi ko, "Hindi ko lang matukoy kung sino."
"Si Mitch." Agad niyang sinabi-hindi siya nakatingin sa akin-abala pa rin siya sa
pagbulatlat ng mga papel sa wallet niya, na hindi ko pa rin malaman kung papaanong
nagkasya ang ganong karaming papel do'n.

"Oo nga, si Mitch nga." Natawa nako.

Hindi man niya ito eksaktong kamukhang-kamukha, ay malaki naman ang pagkakahawig.
Parehong-pareho ang hugis ng kanilang mga mata, ng mukha at ng ilong. At bagama't
balingkinitan ang Tiya ni Helga, kumpara kay Mitch na medyo bilugan; mahaba ang
buhok ng Tiya ni Helga, kumpara kay Mitch na maikli, ay tantya ko namang
magkasingtaas lamang din sila.

"Alam ba ni Mitch ito?" Tanong ko.

"Oo." Sagot nito, abala pa rin. "Ang kaso ayaw niyang maniwala na 50 years old na
si Tiya sa litratong yan.

50 years old?

Sinipat ko ulit. Eh parang desi-otso anyos lamang naman ang tingin ko sa Tiya niya
sa litratong 'yon

"Paanong gano'n na siya katanda pero ganito pa rin kabata ang itsura niya?"

"Noong na-meet ko siya, 'yan din ang ipinagtataka ko. Namatay naman siya kaagad
bago ko naitanong. Pero ayon kay Mama, may kinalaman daw ito sa kanyang tunay na
ama."

Ano raw? Bigla yata akong nalito. Akala ko ba, kapatid ito ng kanyang Ama?

Mukhang nahalata naman ni Helga na napakunot ako.

"Recently ko lamang din nalaman kay Mama," Dugtong niya, "Na magkapatid lamang sa
ina ang aking Tatay at si Tiya Senda. Ang tunay na ama ng Tiya ay isa raw..."
Tumingin siya sa akin na parang sinusukat kung ano ang magiging reaksyon ko,
"Lambana."

Napatitig lamang naman ako sa kanya.

"Aha!" Anya, habang hawak-hawak ang isang pirasong papel mula sa kanyang wallet,
"Eto 'yung number ng kaibigan ko dito sa Aklan. Baka matulungan niya tayong suyurin
ang lugar na 'to." At inumpisahan na niyang ibalik ang lahat ng mga papel sa wallet
niya. "Tayo na Love," Sabay tindig, "Hanap tayo ng landline sa labas. Wala kasi
talagang signal ang cellphone ko eh." Sabay lahad ng kanyang kamay.
Inabot ko naman agad 'yun at tumayo na rin.

Samantala...

Benjamin's P.O.V.

"Huwag mo siyang hawakan!" Bulyaw ko sa taong iyon na nagpakilalang si Lucio.

Tama ba naman kasing, haplos-haplusin niya ang pisngi ni Mitch sa mismong harapan
ko? Nakangiti pa ito na para bang enjoy na enjoy siyang pagmasdan ang mukha ang
girlfriend ko.

Wala na kasi kaming nagawa kung hindi bumaba sa sasakyan. Dinurog kasi ito ng mga
kakilakilabot at malalaking mga demonyo. Iyon kasi ang iniutos ni Lucio sa kanila
para mapilitan kaming lumabas.

Hindi naman ito natinag, parang sira-ulong pinapasadahan lamang nito ng kanyang mga
daliri ang silweta at hugis ng mukha, pisngi, ilong, mata at mga labi ni Mitch.

"Huwag mo siyang hawakan sabi eh!" Sinabayan ko na iyon ng pagtampal sa kanyang


putang inang kamay!

Nagulat ako nang bigla na lamang nito akong pinandilatan. Parang may kung ano sa
kanyang matatalim na tingin. Daig ko pa ang iginapos, hindi ako makagalaw!

"Huwag niyo po kaming sasaktan. Pabayaan niyo na kaming makauwi." Umiiyak na


pagmamakaawa ni Jackie.

Nakakabuwisit namang nginisian lamang siya ni Lucio, at saka sumenyas sa apat na--
mukha namang mga normal na tao. Pagka-senyas niya ay may kung anong kumikinang na
bagay ang pinagpasa-pasahan ng mga ito mula sa bulsa ng isa. Nang makarating ito sa
kamay ng ikaapat na tao, ay lumapit ito kay Lucio at iniabot ito. Isa pala iyong
susi.

"Makakaalis kayo ng maluwalhati," Iwinagay-way nito ang susi na sinabayan niya ng


pagturo sa isang pulang kotse na nakaparada sa may gilid ng gasolinahan. Mukhang
hudyat iyon na ang susing hawak niya, ay siyang susi ng sasakyang iyon, "Pero sa
isang kundisyon." Tiningnan niyang muli si Mitch at nginitian ito.

Alam ko agad ang ibig niyang sabihin ng kanyang ikinikilos. Gusto niya si Mitch. At
pakakawalan niya kami ng ligtas, kapalit ni Mitch. Pero ano siya, hilo? Mamatay
muna ako, bago ako pumayag do'n!

Tiningnan ko si Mitch. Nakapagtataka naman na para itong wala sa sariling nakangiti


rin lang habang nakikipagtitigan ito kay Lucio.
Is she being hypnotized?

Hindi ko na matiis. Hinatak ko Mitch, at saka ko siya itinago sa likuran ko. 'What
the heck just happened?' Nadinig kong sambit ni Mitch na mukhang natauhan na sa
likod ko. That confirms it. She was indeed, hypnotized!

Tiningnan ko si Lucio na mukhang nagalit sa ginawa ko. Tinitigan niya ako ng


matalim, na para bang gusto na niya akong patayin. Habang tumatagal ay para namang
nagbabaga ang kanyang itsura na sinundan ng nakabibingi niyang hiyaw na maging ang
mga kasama niyang mga impakto ay natakot sa kanya.

Walang salitang nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin at saka niya ako
sinakal gamit ng kanyang kanang kamay. Napakahigpit ng pagkakasakal niya na halos
hindi na ako makahinga. Unti-unti kong naramdaman na umaangat na ako mula sa lupa.
Napakalakas niya. Binuhat niya ako, gamit lamang ang isang kamay!

Nadinig kong sumigaw si Jackie, habang sina Luke at Tristan naman ay nagmamakaawang
pakawalan ako. Pero parang walang nadidinig si Lucio. Lalo lamang humigpit ang
pagkakasakal niya sa leeg ko

Damang-dama ko ang init ng kanyang kamay-para akong pinapaso. Unti-unti ko na ring


nararamdaman na... malapit na akong malanta. Hindi na talaga ako makahinga. Nag-
uumpisa nang magdidilim ang paningin ko. Ramdam kong, sandali na lang ay... mamatay
na ako.

"Parang awa mo na, pakawalan mo siya." Nadinig kong pagmamakaawa ni Mitch. Iyak
siya ng iyak. Nanlalabo man ang aking paningin ay naaninag ko pa naman siyang
nakaluhod sa may paanan ni Lucio.

"Sasama ako sa iyo..." Humahagulhol na sambit nito, "Basta't buhayin mo lang siya
at pabayaang makaalis kasama ng mga kaibigan ko."

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kanyang pagkakasakal-na sinundan din ng


paunti-unting pagbaba niya sa akin sa lupa. Napahilata ako sa lupa sa sobrang
panlalata.

Hindi pa man din ako nakaka-recover ay hinila na agad ni Lucio si Mitch, itinapon
sa lupa ang susi ng kotseng pula, at saka parang ipo-ipong umalis, kasama ng
kanyang mga kampon.

Halos wala na akong lakas para sumigaw. Hindi ko man sigurado kung nadidinig pa
niya ako, ay gumagapang na naisigaw ko pa rin ang pangalan ni Mitch. Hindi ko alam
ang gagawin ko. Parang nawawala na ako sa sarili ko. Bagama't nararamdaman ko ang
pag-akay sa akin ng aking mga kaibigan, ay wala talaga akong maramdaman. Para akong
namamanhid sa hindi maipaliwanag na sakit.

Saan kaya niya dadalhin si Mitch?


Ano ang intensyon niya sa mahal ko?

Sa mahal kong wala na akong ginawa kundi pahirapan at saktan sa pagiging isip bata
ko.

Sa mahal kong wala na akong ginawa kundi ang iparamadam na kayang-kaya ko siyang
palitan-kahit na ang sa totoo'y hindi naman

Sa mahal kong pinahihirapan ko ng dahil sa mga insecurities ko kay Luke, gayung


pwede namang maging masaya na lamang ako dahil sa kabila ng malayong kalamangan sa
akin ni Luke, ay ako ang pinili niya.

Sa mahal kong pinipilit kong pigain ang pasensya, para lang maramdaman ko na akin
siya.

Sa mahal kong isinakripisyo ang kanyang sarili kapalit ng buhay ko.

Para na akong batang paslit na naglulupasay sa lupa. Paglulupasay na kahit anong


gawing pagpigil sa akin ng aking mga kaibigan ay wala silang magawa. Umiyak na ako
noon. Pero hindi iyon kasing tindi ng sa ngayon. Ang hirap palang umiyak at tawagin
ang pangalan ng mahal mong hindi na makatutugon-Hindi na siya makatutugon, dahil
hindi ka na niya naririnig.

Sa dinami-dami ba naman kasi ng paraan, para maintindihan ko ang magkakamali ko,


bakit naman sa ganitong paraan pa? Bakit sa ganitong kasakit na paraan ko pa dapat
lubusang maunawaan na, totoo pala...

Totoo pala talagang... mahal niya ako.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 10

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 10

Author's forewarning: Mentions provocative religious issues and arguments.

Tristan's P.O.V.
Hindi namin mapatahan si Benj. Para siyang batang paslit na umiiyak, paminsan-
minsang humihikbi at pagkatapos ay biglang-bigla na lamang umaatungal.

Depressed din si Jackie. Hindi lang sa nadiskubre niyang ginagamit lamang pala siya
ni Benj para pagselosin si Mitch, kundi, sa sobrang pagsisisi dahil sa pagyaya niya
sa amin na pumunta sa party-na hindi na namin narating kagabi. Ako mismo ay parang
natutulala at nawawala sarili dahil sa mga hindi ko mapaniwalaang dami ng nakita
kong lupon ng mga Aswang, Demonyo at Maligno, na no'n ay sa imahinasyon ko lamang
nabubuhay.

Sa mga ganitong pagkakataon, si Luke lamang ang kadalasang nanatiling kalmado at


nasa matuwid na pag-iisip. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. Iyon lamang
talaga siguro ang personalidad niya. Siya na nga yung tipong, nagugunaw na ang
mundo, at natataranta na ang sangkatauhan, kalmado pa rin at nakapag-iisip ng tama
at diretso.

"Tristan," Si Luke, habang nagmamaneho-ako ang nasa front passenger's seat.


"Pakitingin nga kung may mapa riyan sa glove box." Nakaturo siya sa glove box na
nasa mismong harapan ko. Sinunod ko naman.

"Walang laman." Sabi ko.

Napabuntong-hininga siya.

"Are we lost again?" Tanong ko na.

"Kind of."

Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga.

Naririndi man kami sa pag-iyak ni Benj, ay tiniis na lamang namin. Dahil, kung kami
nga ay nalulungkot at gusto na ring malupasay sa pagkaka kuha kay Mitch ni Lucio,
si Benj pa kaya?

Bigla ko na naman naisip si Rhea, ang aking nobya. Nasaan na kaya siya?
Magdadalawang taon na, mula no'ng huli kaming nagkita. Bigla na lamang kasi siyang
nawala na parang bula, matapos ang mga kababalaghang-halos ikinamatay ko, sa kamay
ni Nicole.

Si Nicole ay 'Ang Babae sa Crossing', na dati kong-o mas tamang sabihin na inakala
kong, nobya. Nobyang pagkalaon ay inakala kong multo, na 'yun naman pala'y mas
malala pa pala siya dahil sa isa pala siyang 'Succubus'. Ang 'Succubus' ay isang
uri ng malibog na demonyo, na sadyang nang-aakit ng mga kalalakihan.

"Manahimik ka na nga, pwede?!" Reklamo ni Jackie kay Benj, "Karma mo na 'yan! May
girlfriend ka pala, tapos plano mo rin akong tuhugin?!" Hinataw niya sa ulo si
Benj, "Hindi ko ugaling maghangad ng masama sa kapwa. Ayoko rin ang nangyari kay
Mitch. Pero kung nagdudusa ka sa nangyari sa kanya! Mabuti nga sa iyo! Walanghiya
ka!" At pinagpapalo niya ang braso ni Benj.

Pinabayaan lamang naman siya ni Benj. Tiniis na lamang siguro niya ang sakit ng
malalakas na tampal. Kasalanan din naman kasi niya. Kung naging babae nga ako, at
ginawa niya sa akin 'yon, baka hindi lamang sapak ang aabutin niya, baka
pinagtatadyakan ko pa siya hanggang lumagpak sa lupa!

"I pity, Mitch!" Pagtutuloy ni Jackie ng pagmamaktol niya, "Nang dahil sa walang
kakwenta-kwentang lalake, ay napahamak siya!" Hinataw ulit niya sa braso si Benj,
"Sana ikaw na lang ang kinuha, hayup ka!" Sabay batok. "Wala ka namang silbi eh!
Puro ka lang bayag! Wala ka na ngang puso, wala ka pang utak!" Binatukan ulit.

Tumahimik na sa pag-iyak si Benj. Lumingon ako at medyo napaawa din naman ako sa
loko. Mabait din naman, dahil hindi niya pinatulan si Jackie. Nakatulala na lamang
ito habang nakatanaw sa labas ng kotse.

"Luke," Ako. "Parang nagpapaikot-ikot na naman yata tayo. Natatandaan ko ang hugis
ng puno ng acacia na 'yun." Itinuro ko ang puno ng acacia sa side ni Luke, "Tatlong
beses na natin nadaann 'yun ah!"

Napakunot-noo si Luke-nakatingin sa daan. Hindi nagtagal, itinabi niya ang


sasakyan. Marahil ay napagtanto rin niyang... tama ako.

Lumabas siya ng sasakyan at nilingon ang magkabilang hangganan ng kalye-nakatalikod


siya sa kotse. Sinundan ko siya at tumayo sa kanyang kanang gilid. Pinagmasdan ko
siyang tumingin sa itaas. Maaring hinahanap niya ang anggulo ng sikat ng araw, pero
madilim ang ulap. Mukha yatang uulan nang malakas.

"Nanggaling tayo roon," Sabi niya habang nag-iisip. Nakaturo siya sa direksyon ng
pinanggalingan namin. "Nakaharap ang gas station sa Timog," Mukha namang sarili
lamang niya ang kanyang kinakausap. Maaring pilit niyang inaalala ang
pinanggalingan namin, para malaman ang tamang daan na dapat naming puntahan.
"Lumiko tayo sa kanan... kumaliwa... tapos kanan ulit." Mas mahina na ang boses
niya. Hindi pa siya tapos mag-isip nang maramdaman namin ang pag-ambon na hindi
kalaunan ay naging ulan.

Dali-dali kaming sumakay sa sasakyan. Sinulyapan ko si Benj. Tulog na ito.


Nakahilig ang kanyang ulo sa bintana. Mukhang napagod ito ng todo sa pag-iyak. Si
Jackie naman ay gising pa, pero tahimik lamang naman ito. Bakas pa rin ang pag-
aalala sa kanyang mukha.

Grabe ang lakas ng ulan. Halatang malalaki ang patak. Nadidinig kasi namin ang
tunog ng pagpatak sa bubungan ng kotse. Halos wala kaming makita sa labas. Kaya
naman napagdesisyunan na lamang ni Luke na hintaying tumila ng kaunti ang ulan.

Kinse minutos din ang inabot malakas na ulan. Umaabon pa rin nang napag-desisyunan
ni Luke paandarin na ang sasakyan.

"Saang direksyon tayo Luke?" Tanong ko na. Napansin ko kasing natigilan siya.
Nakatulala lamang sa kalsada.

"Hindi ko rin sigurado, pare. Ang inaalala ko lang, baka maubusan tayo ng gasolina
kapag nagkamali ako. Mas maliit ang tangke ng kotseng ito, kumpara sa Van. At
malakas lumaklak ng gasolina ang modelo ng sasakyang 'to."

"Pero, Pare. Hindi naman kaya lalong walang mangyayari sa atin kung titigil lamang
tayo rito?"

Nagbuntong-hininga siya.

"Sige na nga, bahala na!" Anya.

Umabante ulit siya. Bumubulong-bulong na parang... nagdadalasal ng Rosaryo. Hindi


naman kasi ako Katoliko kaya't napailing na lamang ako.

"Huwag kang magagalit pare ha? Pero itatanong ko lang sana. Bakit ba kayong mga
Katoliko ay nagdadasal ng paulit-ulit? Hindi kaya naririndi na ang Diyos sa inyo?"

"Gano'n na ang kinamulatan ko. Alam mo namang sarado Katoliko ang mga magulang ko."

"Matalinong tao ka Luke, porke ba 'yan ang kinamulatan mo, gagawin mo na lang kahit
mali? (1) Ipinagbawal ng Diyos ang pagdadasal ng paulit-ulit sa Banal na kasulatan
ah, bakit mo ginagawa?"

Imbes sagutin ako ay sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ba kayong mga Born Again eh masyadong maraming sinasabi laban sa aming mga
Katoliko?"

"Eh bakit kayo, marami rin kayong sinasabi! Paulit ulit pa nga eh. Sa palagay mo ba
gusto ng Diyos ang dasal na makulit? Alam na niya 'yung sinabi mo nung una, uulitin
mo pa! Ano ba ang tingin niyo sa Diyos, may Amnesia?"

"Don't start with me Tristan, I am not in a mood for any religious argument."

"Anong religious argument? Ikaw lang ang religious dahil may religion ka. Ako wala
akong religion, ang meron ako ay Faith. Religion at Faith, magkaiba 'yun ha."

"Bahala ka na nga. Wala akong panahong makipagtalo sa iyo." Umiiling-iling na sagot


na lang niya. Halatang ayaw ng makipagtalo pa sa akin.
"I am sorry boys ha?" Pag-singit ni Jackie, "May tanong lang ako."

"Ano yun?" Ako.

"Bakit ba ang mga tao, kapag pinag-uusapan ang religion o 'yang faith na tinatawag
mo, eh ang bilis magsipag-init ang ulo? Minsan nga, nagpapatayan pa. Bakit ganun?
Hindi ba puwedeng maggalangan na lamang kayo ng mga pananampalataya?"

"Tama," Natatawang pagsingit ni Luke, "'Yan, 'yang si Tristan ang pagalitan mo.
'Yan ang mahilig magsimula ng argumento tungkol sa mga ganyang bagay."

Nginisian ko lang si Luke. Mukhang nakahanap ang mokong ng excuse para tantanan ko
siya.

"Ano bang relihiyon mo?" Tanong ko kay Jackie.

"Wala... Isa akong Agnostiko (2)!"

"Kahit na ngayong nakakita ka na ng mga demonyo?" Tanong ko.

Natigilan siya pansamantala.

"Bakit? Porke ba may demonyo, may Diyos na?" Siyang banat naman sa akin ni Jackie.
"Malay mo naman kung yung demonyo, yun din ang Diyo-"

"Susmaryosep!!"Biglang nasambit naman ni Luke na sinabayan ng biglang pag-preno.


Napasubsob at umumpog tuloy ang noo si Benj sa likod ng driver's seat. Siya lamang
kasi ang hindi naka-seatbelt. "Patawarin ka sana ng Diyos!" Kasabay ng pag-antanda,
"Mag-hunos dili ka nga sa pinagsasabi mo Jackie. Alam mo bang Blasphemy yan?
Kalapastanganan sa Diyos ang ni isipin man na siya ay... Argh! Hindi ko kayang
sabihin! Basta, 'yun na 'yun! Hindi naman porke't wala kang pinaniniwalaan eh pwede
mo ng lapastanganin ang Diyos!"

"Whatever." Umiikot ang matang sagot naman ni Jackie kay Luke.

"Anong whatever?!" Napipikong singhal sa kanya ni Luke,

"Whatever, kasi 'yan na nga 'yung sinasabi ko eh? Bakit ba pag tungkol sa religion
ang pinag-uusapan, ang iinit ng mga ulo niyo? Para tuloy katatawanan na lamang
kayong mga maka-Diyos sa buong mundo! At bakit hindi? Eh may Diyos nga kayong
pinaniniwalaan pero kayo-kayo mismo ang mga nagbabangayan at nagpapatayan. Malay ko
ba kung nababastos ko ang Diyos mo."
"Masama kasi ang nilalapastangan ang pangalan ng Diyos, Jackie." Kalmadong sabi ko,
"Lalo na para sa aming mga Kristiyano. Kahit nga sa mga Muslim at Hudyo. Kamatayan
ang kapalit kapag binastos mo ang pangalan ng Diyos."

"Alam mo ba kung bakit nag aaway-away ang mga tao tungkol sa relihiyon?" Pagsingit
ni Luke. Lumilingon-lingon ito kay Jackie habang nagmamaneho. "Eh kasi, ayaw ng
Demonyo na nagkakaisa ang mga tao para sa Diyos. Kaya ang ginagawa niya.
Binubulungan niya ang mga taong naniniwala sa Diyos, para hindi magkaintindihan at
magkagalit-galit. Kaya nga hindi magkasundo-sundo ang mga Kristiyano simula pa sa
una kasi ganun nga! Ibubulong niya sa isa, 'Sige awayin mo siya', doon na naman sa
isa, 'huwag kang magpapatalo, sige sagutin mo siya,' doon ulit sa isa, 'huwag kang
papayag na tama siya, lumaban ka!' Ang resulta? Ano pa, eh di magkakagalit? Kaya
imbes na magkaisa para sa Diyos, at maggalangan na lang sa kani-kanilang paraan ng
pagsamba sa Diyos, ay nagbabatikusan pa. Mga kaliit-liitang bagay na wala namang
kinalaman sa kaligtasan, ay pinagkakagalitan pa!"

At muli niyang itinuloy ang pagmamaneho.

"So ang Ibig mong sabihin? May demonyong bumubulong sa tabi ni Tristan?"

Napalunok ako at dahan-dahang lumingon sa bintana sa gilid ko na sinundan naman


ng...malakas na pagsalampak ng kung ano sa windshield.

Napaiktad ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Tiningnan ko nga rin ang pundiyo
ko dahil sa pag-aalalang baka napaihi ako. Mabuti naman at hindi. Pero lecheng
sakit naman ng dibdib ko sa sobrang kaba. Kundangan ba namang tumayming ang mga
ibong sunod-sunod na bumangga sa windshield. Naamusan tuloy ng dugo ng mga ibong
iyon ang side ko sa harapan ng kotse.

"Ano yun?!" Utas ni Luke.

"Mga suicidal na uwak yata." Iritableng segunda ko habang hinahaplos ang dibdib ko.

Nakakagulat na pagkatapos ng pagbanggang iyon ng mga ibon, ay biglang dumilim na


lamang na parang gabi ang paligid. Madilim pero wala ang buwan at mga bituin sa
langit. Hindi rin namin makita ang parte ng kalsada na hindi naabot ng liwanag ng
headlights. Maging ang gilid ng kalyeng binabagtas namin ay purong kadiliman.

Unti-unting bumagal ang pagpapatakbo ni Luke. Mahaba rin ang aming binagtas sa
ganoong kundisyon. Maaring mga tatlong milya pa, ay unti-unti naman naming
naaaninag sa langit ang isang malaking bulalakaw na pumapatak sa di kalayuang lugar
sa aming unahan.

May narinig kaming sumabog sa lugar na pinagpatakan ng bulalakaw na 'yon. Inihinto


ni Luke ang kotse sa gilid-yumanig kasi ang lupa. Tanaw na tanaw namin ang
pagsigalpot ng apoy mula sa lupang pinagpatakan ng bulalakaw. Animo'y nagbabaga
naman sa pamumula ang ulap-o usok sa lugar na iyon.
Akala namin ay tapos na. Pero sinenyasan kami ni Luke na takpan ang aming mga
tenga, dahil mukhang may isa na namang bulalakaw na lalagpak sa lupa.

Umalingawngaw ang kasing lakas na pagsabog.

Na kaagad na sinundan ng mga kakilakilabaot na kumbinasyon ng hiyawan-ungol at


daing, ng mga animo'y mga umiilaw na nilalang mula sa madilim na langit. Napakarami
nila na parang mga dahong nagsisislaglag.

Maya-maya pa'y, sumunod naman ang tunog ng animo'y mga lumilipad na nilalang na
dumaraan sa ibabaw ng aming sinasakyan. Nanggaling silang lahat sa bandang likuran
namin. Sinipat namin ang himpapawid mula sa loob ng kotse, at noon na nga kami
napanganga sa hindi mabilang na dami ng mga maliliwanag na nilalang na may nag-
aapoy na mga pakpak. May mga bitbit silang mga animo'y anino at isa isa nilang
itinatapon ang mga aninong iyon sa butas na nilikha ng pagpatak ng bulalakaw.

Magsilabasan tuloy kami ng kotse sa sobrang pagkamangha, ang Agnostikong si Jackie


ay nasulyapan ko namang napanganga at nakatulala.

"Sa ngalan ng DIYOS na makapangyarihan sa lahat!" Makatindig balahibong hiyaw ng


isang malaki at maliwanag na nilalang na pumapailanlang sa ibabaw ng butas na
pinagtapunan nila ng mga anino. Isa iyong salitang banyaga, na katunog ng wikang
Hebreo-nakapagtataka namang, naiintindihan ko ito-maging ng mga kasama ko.

"Ano ang ginagawa niyo rito?" Nakakagulat na tanong ng isa sa mga nilalang na
nakatayo na pala sa di kalayuan sa amin. Napatalon sa takot si Jackie sa likuran ni
Luke, si Benj naman ay napaatras malapit sa akin, ako naman ay naninigas at
nakanganga sa pagkamangha, habang si Luke naman ay kalmado lamang-as usual.

Hindi namin makita ang kanyang mukha, masyadong maliwanag ito. Pero naaninag naman
namin ang siluweto ng kanyang katawan, hugis tao ito-isang napakatangkad na tao na
maaring nasa pito hanggang walong talampakan ang taas.

"N-naliligaw po kami." Medyo nauutal na sagot ni Benj "S-sino po kayo? A-ano po


kayo?

Unti-unting humupa ang nagdadaig na katawan ng nilalang na 'yon. Bagama't nag-aapoy


pa rin ang kanyang mga pak-pak, ay mukha na siyang tao... o mas tamang sabihin
na... Anghel. Napaka-amo ng kanyang mukha, ginintuan ang kanyang kulot na buhok at
halos magka-stiff neck na kami sa kanyang katangkaran.

"Hindi na mahalaga kung sino at ano ako. Pero hindi kayo dapat na naririto."
Malumanay ang boses niya;-may kalamigan ito.

"Anong lugar po ba ito?" Tanong ni Benj.

"Ito ang lugar na hindi para sa tao." Aniya. "Isa ito sa mga lagusan patungo sa
'Balong walang katapusan' (3)."

"I-impyerno?" Si Benj ulit.

"Hindi," Sagot naman ng nilalang. "Ang impiyerno ay ang 'kadiliman sa labas' (4)"
Tumingin ito sa itaas, pero wala naman kaming nakikitang tinitingnan niya. Maaring
nasa malayong lugar na hindi abot ng aming mga mata ang tinutukoy niya. "Kung saan
may pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin." Tumingin ulit ito sa amin.
Samantalang ang ilalim ng lagusan," Itinuro niya ang lugar na pinagbagsakan ng
bulalakaw, "Ay ang 'Balong walang katapusan' (3) kung saan dinadala ang mga demonyo
at anghel na itinakwil ng langit."

"Camael (5)!" Sigaw ng isa pang nilalang sa di kalayuan sa aming kausap. Mukhang
niyayaya siya nitong umalis.

"Heto," Sabi ng kausap naming Camael pala ang pangalan. May iniabot itong maliit na
batong kristal kay Luke. Nakatulalang inabot naman iyon ni Luke. "Bumalik kayo sa
direksyon kung saan kayo nanggaling. Kapag humantong na kayo sa lugar na kung saan
ay lubos ang kadiliman, ibato mo," Nakatingin ito kay Luke, "Ang batong iyan
paitaas, para makita ninyo ang inyong hinahanap."

Hindi na nito hinintay ang aming sagot. Pumailanlang na ito paitaas, kasabay ng
kauri niyang nagyaya sa kanya.

Naiwan kaming pare-parehas na nakatulala. Ito ay habang pinapanood namin ang mga
katulad ni Camael na nagsisi-akyatan sa langit hanggang sa mawala na silang lahat
sa aming paningin. Nawala na rin ang mapulang ulap, maging ang kahit anong sinyales
ng mga bumagsak na bulalakaw.

Unti-unting nagdilim ang paligid na kami mismo ay hindi na magkakitaan. Nakabibingi


rin ang katahimikan, kaya naman napagdesisyunan na naming kapain ang kanya-kanya
naming daan, pabalik sa loob ng sasakyan.

-----------------

Footnotes:

(1) Mateo (Matthew) 6:7

(2) AGNOSTIKO (Agnostic): Isang tao na hindi umaangkin ng paniniwalawala maging ng


hindi paniniwala sa Diyos (a person who claims neither faith nor disbelief in God).

(3) BALONG WALANG KATAPUSAN Bottomless pit or Abyss-a place where demons are
imprisoned [Wikipedia]. Nabanggit sa Pahayag (Revelation) 9:2, 20:1 kung saan
ibinulid ang diyablong si Satanas.
(4) KADILIMAN SA LABAS (Outer Darkness/Gehenna)-Mateo 8:12, 22:13, and 25:30.

(5) CAMAEL "The One Who Sees God" is an angel in Christian and Jewish mythology and
angelology. He is claimed to be the leader of the forces that expelled Adam and Eve
from the Garden of Eden holding a flaming sword [Wikipedia].

-----------------

[Itutuloy]

=================

KABANATA 11

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 11

Mitch's P.O.V.

Akala ko ba demonyo ang Lucio na ito? Bakit diyata't parang paraiso naman ang
kanyang palasyo? Hindi nalalayo ang kagandahan ng lugar na pinag-dalahan niyang ito
sa akin, sa palasyo sa isla ng Tita Marietta-ang Mama ng bestfriend kong si Helga.

"Dalhin niyo na sa kanyang silid si Rosenda." Malumanay na utos niya sa walong


babaeng mga nakatapis ng pulang... kurtina?

Pero teka? Rosenda? Kailan pa naging Rosenda ang pangalan ko?

Hindi na naman ako nakaangal. Dahil bago pa man ako makapagsalita, ay


pinagkaguluhan na akong ng mga babaeng 'kurtina' para dalhin sa isang napakalaking
silid, na sa sobrang laki, ay na pwede na yatang tirahan ng sampung elepante.

"Ikaw pala si Rosenda," Sabi ng isa sa mga babaeng 'kurtina' "Napakaganda mo naman
pala." At saka niya inumpisahang suklayan ang aking buhok.

"Oo nga," Sabi naman ng isa pa, habang hinuhubaran niya ako, para pagsuotin ng-anak
ng pating! 'kurtina' rin?! "Kaya naman pala nababaliw sa iyo ang Panginoong Lucio,
Rosenda."

"Excuse me lang 'no?!" Pagtataray ko, sabay tabig sa kamay ng isang babaeng
'kurtina'- na akmang lalagyan ako ng mga kolorete sa mukha "Hindi ako si Rosenda!"
"P-pero ang sabi ng Panginoong Lucio, ikaw daw si Rosenda."

"Sinabi na ngang hindi eh." Naiirita na talaga ako.

"Eh sinabi nga po ng Pangino-"

"Eh kahit ba sinabi pa yan ni E.T. eh," Bulyaw ko na sa kanilang lahat, sabay
tindig. "Kapag sinabi kong hindi ko si Rosenda, hindi ako si Rosenda! Naiintindihan
niyo ba?!" At nag-walkout na nga ang beauty ko.

Hindi pa man din ako nakakadalawang hakbang nang hinila ako ng isa. Nang dahil doon
ay gamuntik na ako mapahiga sa tindi ng pwersa. Aba, teka... nagmamaldita ba siya?

"Aray ko pooo!" Daing ng babaeng humila sa akin-na ngayon ay hila-hila ko na ang


kanyang mahabang buhok. Bad trip ako, kaya pinanggigilan ko na siya. Baka nga kung
hindi ako naawat ng iba pang mga babaeng 'kurtina' ay malamang na nakalbo ko na
siya!

"Panginoon!" Sabay-sabay na sigaw ng mga babaeng... ewan! Basta! Mga babaeng


mukhang 'rambutan' dahil sa tirik-tirik na hairstyle sa kanilang mga bumbunan.

Hindi naman nagsalita si Lucio. Tiningnan lamang niya ang mga ito, at sumenyas na
lumabas na ng silid. Halos mapasubsob naman ang bawat isa sa kanila sa pagmamadali.

"Maupo ka, Rosenda." Itinuturo niya ang gilid ng isang napakalaking canopy bed na
nasa pinakagitna ng silid.

"Hindi ako si Rosenda." Inismiran ko siya habang nakahalukipkip.

Nakapagtataka namang ngumiti lamang ito, tinungo ang gilid ng kama, umupo sa
pwestong itinuturo niya sa akin kanina, at saka niya ako tiningnan na parang
nangaakit.

Lecheng buhay!

Kung bakit naman kasi hindi na lamang siya parusahan ng Diyos na maging ubod ng
pangit! Eh di sana wala akong problema ngayon. Lintek namang napaka-guwapo naman
kasi ng 'huklubang' demonyong ito-mestisuhin, matangkad, sexy, kulot ang buhok na
bumagay naman sa mala-Anghel niyang mukha. Kaya lang, kapag naalala kong mahigit sa
isang libong taon na ang edad ng poging ito, eh kinikilabutan ako. Kahit naman
mahilig talaga ako sa guwapo, hindi ko naman trip ang mga 'Thunder Cats' 'no.

Hindi ako gumalaw. Ginantihan ko na lamang ang kanyang mapang-akit na mga tingin,
ng matatalim kong mga titig. Ano ba kasi ang gusto niyang gawin ko? Magpa-angkin sa
kanya?
No way, Jose! That will be over my dead, voluptuous body!

Maya-maya lamang ay parang unti-unti nang nagbago ang kanyang timpla. Biglang-bigla
na lamang na may parang may kung anong iniinda siyang masakit o iritasyon na wala
naman yatang kinalaman sa pagtanggi ko sa kanya.

Nagsisigaw siya at dumadaing, habang namimilipit sa hindi ko malaman kung may


masakit ba sa kanya o ano ba talaga.

Basta! Namimilipit siya na parang nababaliw. Sinasabunutan niya ang kanyang sarili,
habang nagsisirko siya sa may gilid ng kama.

"Aaahhh!" Kitang-kita ko ang pag-usli ng kanyang mga litid sa leeg, habang parang
nababaliw na pinupunit nito ang kanyang mga kasuotan. Hinuhubaran niya ang kanyang
sarili na para bang banas na banas siya.

Nalaglag siya sa kama. Naglanding siya nang padapa sa sahig.

Hindi ko malaman ang gagawin ko. Ano ba? Tutulungan ko ba siya? O, sasamantalahin
ko na ba ang pagkakataong ito para makatakas?

Lalong lumakas ang paghiyaw niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong parang bumabakat ang linya ng
kanyang spinal chord-magmula sa ibabang bahagi ng kanyang batok hanggang sa ibabang
bahagi ng kanyang likuran. Maya-maya lamang ay may parang may kung anong bumubukol
doon na animo'y mga kung anong nag-uumalpas para makalabas-tumitibok-tibok ito.

Ngiii... kadiri. Para kasing may malapot na kulay asul na likido-o dugo, na
lumalabas sa napipilas niyang kalamnan.

Mas lalong tumitindi ang paghiyaw niya-na ngayon ay nasisiguro kong, dahil sa
matinding sakit dulot ng pag-uumalpas ng kanyang... napakalalaking puting-puting
pares ng mga pakpak?

Matapos tumubo ang kanyang pakpak, ay parang hingal na hingal siyang nanatiling
nakadapa. Ilang minuto ang lumipas, tumayo na rin siya at parang wala sa katinuang
nilapitan ako, hinablot ako sa bayang-gamit lamang ang isang kamay, at saka ako
inihagis sa kama.

Takot na takot akong pinagmamasdan ang kanyang mukha, habang nakaibabaw siya sa
akin. Iba na ang kulay ng kanyang mga mata-kulay pula na ang mga iris niya, habang
ang itim na pupil naman ay parang mas lumaki . Mas lalo rin yatang lumaki ang
kanyang katawan, lalo't higit dahil nakikita ko ang kanyang kahubaran.
"Huwag!" Pag-iyak ko, nang sinimulan na niya akong halikan sa magkabilang leeg.

"Rosenda...." Ungol niya, habang pinipilit niyang isinisiksik ang kanyang sarili sa
gitna ng aking mga hita. Ang init ng kanyang katawan. Para siyang may lagnat.

"Bitiwan mo ako! Hindi sabi ako si Rosenda!" Pagpupumiglas ko na sa pakiwari ko ay


wala rin namang silbi dahil sa kanyang ekstra-ordinaryong lakas at laki.

"Rosendaaaaa..."

Ang kulit! Sinabi nang hindi ako si Rosenda.

Sinampal ko siya. Sa wakas ay naipuslit ko ang isang malakas na sampal na 'yon sa


kanyang mukha. Natigilan siya, at matama akong tinitigan. Akmang hahalikan niya
akong muli, nang itinulak ko na siya at muling pinagsasampal. Natauhan siya sa
ginawa ako. Dali-dali siyang umalis sa ibabaw ko, at lumakad nang paatras papalayo
sa kama.

Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para makaalis ng kama-papaatras din ang


direksyon ko papalayo sa kanya. Nang naatrasan ko na ang sukdulan sa aking likuran,
ay sumiksik ako sa isang sulok, ipinadausdos ko ang aking likuran sa dingding,
hanggang sa makaupo na ako nang pabaluktot sa sahig-na yakap-yakap ang aking mga
mga tuhod.

Humihingal na sinundan lang naman niya ako ng tingin, at...

"Alyssa!" Sigaw niya. Na para bang may tinatawag siyang Alyssa ang pangalan sa
labas ng silid.

Alyssa?! Bakit parang pamilyar yata sa akin ang pangalang iyon.

Maya-maya ay may pumasok ng isang babaeng naka-puting gown. Mahaba at nakaladlad


ang buhok nito. May buhat itong isang batang babae, na natatantya kong mga nasa
dalawa hanggang tatlong taong gulang.

"Sinabi ko bang isama mo si Katrina?!" Iritableng singhal sa kanya ni Lucio.

Pagkasabi ni Lucio noon ay may lumapit na isa sa mga babaeng kurtina at kinuha ang
bata sa babaeng tinawag ni Lucio na si Alyssa. Nakatagilid ang babaeng iyon, kaya't
hindi ko masipat ang kanyang mukha.

"Kailangan ko pa bang sabihin ang kailangan mong gagawin?!" Parang inis na inis na
sinabi sa kanya ni Lucio.

Humarap ang babae sa aking direksyon. Nagsimula na siyang maghubad at dirediretsong


humiga nang patihaya sa kama at saka bumukaka.

Teka... kilala ko ito eh. Oo, tama! Ito si Alyssa, ang malanding ex-girlfriend ni
Luke na dinagit ng Aswang no'n. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang nunal
niya sa kanyang kanang nguso. Sigurado ako, siya nga yun!

Nakapagtatakang napasadahan niya ako ng kanyang mga mata, pero parang hindi naman
niya ako nakikilala. Para lamang siyang nakatulalang walang kabuhay-buhay. Ang
kapal ng kanyang itim na eye make-up at maitim din ang kanyang lipstick.

Parang nababaliw ang pag-ungol ni Lucio habang walang patumangga niyang ginagalaw
si Alyssa. Halos mayanig ang kama sa sobrang lakas ng pwersa ng pagdiin niya sa
gitna ng mga hita nito. "Rosenda..." Daing ni Lucio. Nakapangingilabot naman na
nakatingin ito sa akin habang halos winawasak na nito ang pagkababae ng katalik
nito.

Dios mio! Ano bang klaseng kahayupan-o kademonyohang meron ang Luciong ito?

Samantala...

Helga's P.O.V.

Walang kuwenta ang numerong nakita ko sa aking pitaka. 'Out of service' na raw ito.
Paano naman kasi, medyo may katagalan na ang numerong iyon. Ibinigay 'yon sa akin
ng kaklase kong taga-Aklan, sa una pang Unibersidad na pinasukan ko. Naiiyak na
talaga ako, hindi namin alam ni Jason kung anong gagawin. Dahil do'n, si Mama na
lamang ang tinawagan ko, bagama't isa sa mga katulong lamang niya ang sumagot. Ayon
sa katulong, nasa isa pang bahay daw niya sa Maynila ang Mama para mag-asikaso
isang mahalagang bagay. Kung ano ang mahalagang bagay na 'yon, hindi naman niya
masabi sa akin-hindi raw niya alam.

Wala na rin naman akong maisip na pwede naming tawagan para matulungan kaming mag-
asawa. Tinawagan na rin namin isa-isa ang iba pang mga katropa nina Jason sa
Maynila, pero wala rin kaming suwerte.

Una naming tinawagan si Arthur. Pero nasa ibang bansa pa rin daw ito-dahil bagama't
may isa na silang anak ng kanyang nobyang si Laura, ay kamakailan lamang sila
ikinasal, at sa kasalukuyan nga'y abala pa sila sa kanilang pamumulot-gata.

Pangalawa naming tinawagan si Jonathan. Wala raw ito sa bahay. Kung nasaan ito,
hindi naman alam ng kanyang Papa. Marahil daw ay may kasama itong babae sa kung
saan. 'Yun naman kasi ang naging bisyo ng taong 'yon simula ng nagkahiwalay sila ng
kanyang nobyang si Ella-ang mambabae, at dalahin ang mga ito kung saan-saan.

Pangatlo naming tinawagan si Bernard. Pero hindi rin naman namin ito ma-contact.
Nakapatay ang cellphone nito, at wala namang sumasagot sa telepono nito sa kanyang
Condo.
"Love... parang mainit na naman ako." Ungot ko sa asawa ko.

Idinampi niya kaagad ang likod ng kanyang kanang kamay sa aking leeg, at ang palad
naman niya sa aking noo.

"Oo nga, para ka na namang may lagnat. Bumalik na tayo sa cottage."

Suko na ako sa pagtatawag. Medyo masama na rin ang tingin sa amin ng may-ari ng
landline. Lalo pa, at puro long-distance ang mga tawag ko. Nang dahil do'n, kahit
wala naman talaga akong napala, ay inabutan ko ito ng tatlong-libong piso. Natuwa
naman ito. Biglang naging sobrang friendly naman siya. Sinabihan pa nga kami nito
na pwede namin muling gamitin ang landline niya sa susunod na kakailanganin namin
ito.

Hay nako... ang nagagawa nga naman ng pera sa tao. Bumababait, kahit hindi naman
talaga siya mukhang mabait. Sa totoo lang, mas mukha pa siyang Aswang sa mga tunay
na Aswang na kakilala ko. Mabuti pa nga 'yung ibang Aswang, ugaling tao, eto kasing
taong 'to, ugaling Aswang. Mabait lamang sa 'yo, kung may kapalit ang pag-tulong
niya sa 'yo.

"Love..." Bulong ko kay Jason habang naglalakad kami sa may tabing-dagat.


Nakapulupot ang aking mga braso sa kanyang kaliwang braso.

"Ano 'yun?" Malambing niyang tugon.

"Umh..." Hinalikan ko ang kanyang braso. Napangiti naman siya.

"Ano na naman yan?" Napakapilyo ng ngiti niya.

"Ito naman, alam mo na yun."

"Alam ko na ang alin?" Nakabungisngis pa ang guwapong chonggo!

Nakakinis! Halatang-halata naman na inaasar lamang talaga niya ako.

"Anuhin mo ako." Pinrangka ko na, pacute pa eh!

"Anong, 'anuhin' kita?" Nakangisi pa rin.

Argh! Nakakainis naman ang lalaking ito. Asawa ko na nga at lahat, pakipot pa rin.
Alam naman niyang kailangan ko 'yun' kapag tumataas ang temparatura ko, eh nagpapa-
hard to get pa rin?
"Nasaan ba kasi ang kwintas mo?" Ang tinutukoy niya ang kwintas na may pangit na
itim na diyamanteng pendant na bigay sa akin ng aking Mama. Iyon kasi ang
sinasabing pangontra sa kapangyarihan ng mga Aswang para kontrolin ang aking
isipan, kasama na rin ang pagpigil sa kung anong naturalesang meron ang dugong
nananlaytay sa aking ugat.

"Iniwan ko sa Maynila." Nakangusong sagot ko "Ang pangit talaga eh. Hindi talaga
kaya ng kagandahan ko ang isuot yun. Tutal, sabi naman ni Mama, para kay Jasper
naman daw talaga ang kuwintas na yun. Kailangan ko raw ibigay kay Jasper iyon sa
kanyang ika-labing apat na kaarawan."

"So, kung hindi mo type isuot, sa tingin mo, type ni Jasper? Eh pa'no kung nagmana
sa iyo ang batang 'yon? Ako na lang ang magsusuot? Kung ako ang magsusuot, ano
naman ang mapapala ko dun? Hindi naman umiinit ang katawan ko, hindi rin naman ako
hini-hypnotize ng mga Aswang. Wala rin naman akong naturalesang dapat pigilin.
Lalong-lalo nama-"

"Alam mo?!" Iritableng singhal ko, kasabay ng pag-bitaw ko sa pagkakahawak sa


kanyang braso, "Ang dami-dami mo pang sinasabi eh. Kung ayaw mo akong anuhin, eh di
huwag!" At saka ko siya inunahang maglakad. Buwisit kasi eh! Masyadong pa-cute!
Akala mo kung sinong paayaw-ayaw, gusto rin naman!

"Love! Sandali lang!" Hinila niya ang braso ko, "Ikaw naman, hindi ka na mabiro.
Sige na, halika na, bilisan na natin para makarami." Tatawa-tawa pa ang gago.

"Ewan ko sa iyo, leche ka!" Kasabay ng paghila ko ng aking braso sa pagkakahawak


niya.

Magsasalita pa sana siya nang...

"Helga! Jason!" Pagtawag na isang lalaki sa di kalayuan;. Kumakaway-kaway pa ito.

Na-realize rin naman namin kung sino ito nang makilala namin si Tristan at si Benj
na lumalakad papalapit sa kanyang likuran. Si Luke pala 'yung tumawag sa amin.
Nakasumbrero kasi ito at naka-shades kaya't hindi namin kaagad nakilala.

"Si Luke oh!" Sigaw ko sa tenga ni Jason habang hinihila-hila ko ang manggas ng
kanyang t-shirt.

Nairita si Jason sa pag-sigaw kong iyon sa kanyang kaliwang tenga. Nakita ko kasing
kinalikot niya ito-nakasimangot.

"Kinuha ni Lucio si Mitch." Umiiyak na sumbong kaagad ni Benj, bago ito yumakap sa
akin.

Wala akong nagawa bukod sa ang matulala. Ilang minuto akong para lamang istatwa na
pinipilit pino-proseso ang masamang balita.
"Lumuwas na tayo." Sabi ko. Bagama't pinipilit kong maging kalamado, nanginginig pa
rin ako. "Kung nasa kamay nga si Mitch ni Lucio. Walang ibang makakatulong sa atin
kung hindi ang Mama."

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Nag-empake na kaagad kaming lima at sumibat


nang mismong araw ding 'yon.

Pare-pareho kaming nanahimik lamang sa biyahe. Ano ba kasi ang dapat naming pag-
usapan ngayong papauwi kaming hindi namin kasama ang aking matalik na kaibigan?
Nasaan na kaya siya? Ok lang kaya siya? Hindi ako matalinong tao na katulad ng
asawa ko, pero hindi rin naman ako bobo. Kahit papaano, alam ko na ang dahilan kung
bakit kinuha siya ni Lucio...

Kamuka ni Mitch ang Tiya Senda ko. Ang Tiya Senda ko ay ang Kapatid ng aking Ama na
kinahumalingan no'n ng demonyong si Lucio. Ayon sa Mama, ang pagkakagusto raw ni
Lucio sa Tiya Senda ang nagtulak kay Tiya para magtago. Naging magkasintahan daw
ito sandali, noong maikling panahong hindi pa alam ng Tiya ang tunay na pagkatao-o
pagkademonyo, ni Lucio. Akala daw kasi noon ng Tiya ay mabait ito. Mabait naman daw
kasi ito kay Tiya, hanggang sa malaman na nga ng Tiya ang tunay na pagkatao-o
pagkademonyo ng naging nobyo niya.

Marahil ay naalala ni Lucio ang Tiya Senda ko sa katauhan ni Mitch, kaya naisip
kong, hindi naman siguro nito ito sasaktan. Pero nag-alala pa rin ako. Paano kung
hindi nga siya patayin, pero pagtangkaan naman siya nitong... gahasain.

Oh no!

"Dumito na muna kayo sa sasakyan," Sabi ko sa apat na mokong. "Ako na lamang ang
papasok sa loob." Ang tinutukoy ko ay ang bahay ni Mama dito sa Maynila. Alam ko
kasing dito siya tumutuloy kung gusto niyang mapag-isa. Baka kasi hindi niya
magustuhan kung basta ko na lamang siya lulusubin doon-kasama ang aking mga
kaibigan.

May susi ako ng bahay na 'yon. Pero bilin na bilin niya sa akin, na ako lamang ang
pwedeng pumaroon. Kahit nga raw si Jason, hindi pwede. Ewan ko ba kung bakit
napakasagrado ng lugar na 'yon sa kanya. Hindi ko tuloy malaman kung meron lang ba
siyang madilim na sikreto, o kung gusto lamang talaga niyang mapag-isa.

Nakarinig ako ng impit na ungol na nagmumula sa silid ni Mama.

Nakiramdam ako at dahan-dahang lumapit. Hayun na naman. May umuungol talaga sa


kanyang silid.

Kinakabahan na ako at kinilkilabutan. Lalo pa't hindi ko nagugustuhan kung ano ang
tumatakbo sa aking isipan. May katalik kaya ang Mama? Ganun kasi ang paraan ng pag-
ungol niya. Parang... parang... Argh!
Hindi ko na natiis. Dahan-dahan ko nang binuksan ang kanyang silid. Sa pag-silip
ko, ay no'n ka na nadiskubre kung ano ang nangyayari sa kanya. Nanlaki ang aking
mga mata nang makita ko ang itsura niya. Meron ulit siyang ginintuang pakpak-at mas
bata ulit ang kanyang anyo. Walang itong saplot na nakaluhod ng pabukaka paharap sa
headboard ng kanyang kama. Sapo-sapo niya ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang
kaliwang dibdib, habang ang kanan naman ay ginagalaw ang kanyang kaselanan.
Nakatingala siya, nakanganga at parang sarap na sarap sa kanyang ginagawa.

Oh. My. Gosh.

Napapikit ako, pero hindi naman sinasadyang napasubsob ako nang hindi oras. Nang
dahil doon ay nakalikha ako ng ingay sa pagkakabunggo ko sa kanyang pinto.
Nasulyapan kong nakita na niya ako, pero nakapagtataka namang, hindi niya ako gaano
pinanasin. Itinuloy lamang niya ang kanyang ginagawa.

Napatulala ako. Para kasing nakikita ko ang sarili ko sa katawan ng ibang tao.
Kahit saang anggulo ay magkamukhang-magkamukha talaga kami. Ang hindi ko lang
malaman ay kung bakit ganito na ulit ang itsura niya. Akala ko ba gumaling na siya
simula ng ipinanganak si Jasper? Pero, ano ito? Bagama't hindi na kulay perlas ang
kanyang balat, ay mukha siyang mas bata pa sa akin at meron na ulit siyang... mga
pakpak.

Mas lumakas ang kanyang pagdaing na nakapagpagising sa akin sa pagkatulala. Nang


dahil doon ay tumayo na ako sa king pagkakaluhod, dahan-dahang lumabas ng silid, at
nakatayong sumandal sa tabi ng pinto

Kinikilabutan ako. Alam-na hindi ko alam kung bakit. Ang labo ko 'no? Hindi ko lang
siguro kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Ano kayang nagyayari kay Mama? Sa
kanya ko ba namana ang pagiging malibog?

Maya-maya lamang ay tumahimik na siya sa loob. Ilang minuto lamang ang lumipas,
gumalaw na ang door knob, at iniluwa na nito si Mama sa kanyang normal na anyo. May
damit na siya ngayon, at nasa tamang edad na niya ang kanyang itsura. Sinipat ko
ang kanyang likod-wala na rin ang kanyang mga pak-pak.

"M-Mama, a-ano po bang nangyari sa inyo kanina? B-bakit po ganun ang itsura niyo?
B-bakit po-"

Imbes na sagutin niya ako, ay hinawakan niya ang aking braso, at saka iginiyang
lumakad papunta sa salas, bago kami naupo sa sofa.

"Anak, siguro naman, sa ngayon ay alam mo na, na naturalesa na ng ating lahi ang
pagiging mapaghanap ng..." Tiningnan niya ako ng parang nangungusap. "M-malaki ka
na... m-may asawa't mga anak. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin."

Tumango ako. Alam ko na naman talaga ang ibig niyang sabihin-na naipasa lamang
talaga sa amin ng aming ninunong Anghel ang aming kalibugan.
"Pero hindi ko kayang gawin 'yon katuwang ang kahit sino bukod sa iyong ama,"
Dagdag niya, "Kaya't heto... ganito ako kada ikatlong linggo ng bawat buwan. Nag-
iinit ang aking katawan na parang naghahanap ng..."

Nagiinit ang katawan? Iyon din ang problema ko kada ikatlong linggo ng bawat buwan
ah? Oo nga ano... ganun din ako.

"Ganun din po yata ako Mama. Pero... akala ko ba ay nagkakaganun lamang ako nang
dahil sa mga Aswang?"

Umiling si Mama.

"Si Lucio ang naging dahilan ng pagkakaroon mo noon ng mga panaginip at pangitain,
at oo, maging ng panakanakang pag-iinit din ng iyong katawan dahil sa kanyang
kapangyarihan. Pero ang pag-iinit ng katawan kada-ikatlong linggo ng bawat buwan ay
naturalesa ng ating lahi. Si Lucio man ay pinagdadaanan ito. Kilala ka niya, alam
niyang anak kita, kaya naman ginamit din niya ang kahinaan nating ito, para siluin
ka noon."

"Pero bakit po nagkakaganun ang itsura niyo? Akala ko po ba magaling na kayo simula
ng ipinanganak si Jasper?"

Matagal siya bago nakapag-salita. Wari'y pinag-iisipang mabuti kung ano ang
sasabihin niya sa akin.

"Hindi naman talaga lubusang nawawala ang sumpa sa isang Tudlaan, na ina ng isa
pang Tudlaan, na tulad ko, sa 'yo." Aniya, "Bumabalik-balik pa rin ito buwan-buwan,
at sa mga pagkakataong, pansamantala akong nawawala sa aking sarili. Alin man sa,
sobrang galit, sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang sakit... sobrang sara-" Hindi
na niya itinuloy.

"Pero pa'no po yan, Mama? Ganyan na lamang po ba kayo habangbuhay? Wala po bang
paraan para mawala ng lubusan ang sumpa?"

"Meron," Sagot niya, "Una, ay kung parati kong susuotin ang kuwintas na ipinasa ko
sa iyo, para kay Jasper balang araw. Yung pangalawa, na mas permanenteng solusyon,
ay mas gugustuhin ko pang manatili na lamang sa sumpa habangbuhay, kaysa naman
pagdusahan ko ang kapalit."

"A-ano po ba ang kapalit?"

Matama niyang tintigan ang aking mukha.

"Ang buhay mo, Helga." Malungkot ang kanyang mga mata, "Isang Tudlaan lamang sa
isang libong taon ang pinahihintulutan ng langit na mabuhay ng normal. Kung
dalawang Tudlaan ang nabubuhay sa mundo sa nag-iisang panahon, isa sa atin ang
kailangang magpapasan ng sumpa, para makapamuhay ng normal ang isa. Kung gustong
mamuhay ng normal ang pumapasan ng sumpa, kailangang mawala muna ang isa."

Ano?!

"Kumpara sa mawala ka, anak ko." Dugtong niya, "Ayos na rin ito. Kahit naman
papaano, bumabalik naman ako sa normal. Nakakalabas na ako at nakakahalubilo ko na
ang mga normal na tao. Hindi na masama ito, maniwala ka." Nakangiti na siya.

Napaiyak ako, sa hindi ko nalalamang isinasakripisyo pala sa akin ang aking Mama,
para hindi ako ang magpasan ng sumpa. Bagama't hindi ko lubusang nauunawaan ang
lahat, ay nagpapasalamat ako sa tunay na pagmamahal niya sa akin.

"Ang totoo, hindi ang sarili ko o ikaw ang higit na inaalala ko sa ngayon, anak,"
Dagdag niya, "Ang inaalala ko ay si Jasper at ang batang nasa tiyan mo sa darating
hinaharap. Mas lalong higit kay Jasper dahil mas matindi ang pagdaluyong ng
paghahanap sa katawan ng mga lalaki sa ating lahi. Tayong mga babae ay
nakapagtitiis. Ang mga lalaki ay hindi. Para silang mga nababaliw. Kabaliwang hindi
huhupa, hangga't hindi nila nailalabas ang kanilang init. Katulad nang hindi
mapigilang init ng ating mga ninuno. Labis-labis na pag-iinit at nakababaliw na
pagnanasa ng ating mga ninunong Anghel, na maging ang Diyos ay nagawa nilang
suwayin noon nang dahil doon. Kaya't mas lalong magiging pagsubok sa atin ang
pangalagaan ang kanyang binhi pag dating ng kanyang panahon. Lalon- lalo na sa
kanyang pagbibinata. Kaya Helga, ingatan mo ang kuwintas na ibinigay ko sa iyo.
Kailangang maipasa mo 'yon kay Jasper at ipasuot iyon parati sa kanya. 'Yun lang
ang paraang alam ko, para mapigilan ang kanyang naturalesang hindi kayang kontrolin
ng kahit sinong lalaki sa ating lahi."

Mga lalaki sa aming lahi? Naku... kung totoo ito, eh di ganun din si Lucio?

"Mama. M-meron po akong matinding problema. 'Yun po talaga ang sinadya ko rito."

"Anong problema?"

"Si Mitch po, y-yung bestfriend ko."

"Ano si Mitch?"

"Kinuha po siya ni Lucio. Malakas po ang hinala ng aking mga kaibigan. Na ang
dahilan po ay dahil medyo kahawig po ni Mitch ang Tiya Senda."

Natulala lamang ang Mama. Namumutla. Hindi makapagsalita

[Itutuloy]
=================

KABANATA 12

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 12

Luke's P.O.V.

"Magmumukmok ka na lamang ba?' Tanong ko kay Benj.

Ala-una na kasi ng hapon, pero heto, at nakahilata pa rin sa kama.

"Ano ba?!"

'Yun lang ang iritableng sinabi niya, matapos kong bulatlatin ang kumot niya, at
hilahin ang unan niya.

"Bumangon ka na sabi!" Bulyaw ko.

"Bakit ba?!"

Hinila niya ang kumot, pero binulatlat ko ulit.

"Ano ba?!" Sigaw niya, kasabay ng pag-bangon niya nang paupo.

Sinalag niya ang liwanag na tumama sa mukha niya. Hindi niya yata inasahan na
hinawi ko na rin ang mga kurtina sa kuwarto niya para magliwanag ito.

"Anong ano ba? May maitutulong ba sa paghahanap kay Mitch ang pag-mukmok mo?"

"Bakit? May maitutulong din ba kung hindi?"

"Yan ang hirap sa iyo Benj eh. Ang bilis mong sumuko."

"Bakit, ha? Kung ikaw ang nasa katayuan ko. Alam mo ba ang gagawin mo? Eh hindi mo
rin naman alam kung nasaan si Mitch, hindi ba?"

Napailing na lamang ako sa takbo ng utak ng gagong ito.


"Kung ako ang nasa katayuan mo, tatatagan ko ang loob ko, Magdarasal habang
naghahanap ng paraan."

"Ah basta! Pabayaan mo muna ako! Ayoko munang lumabas!" Sabay higa at talukbong.

Ewan ko sa gagong ito. Bahala siya. Mahirap namang pilitin ang ayaw. Kung sumusuko
na siya. Ako ay hindi. Kaibigan ko si Mitch, at kahit papaano'y naging espesyal
siya sa aking buhay. Pupuntahan ko si Tristan, para siya na lamang ang isasama ko
kina Jason at Helga. Ito ay para makakalap man lamang ako ng impormasyon o
kaparaanan, para mahanap namin ang kuta ni Lucio.

***

"Ay naku, hijo, wala si Tristan." Sabi ng kanilang katulong sa akin-nasa labas ako
ng kanilang gate. "Kasama siya ng parents niya papunta sa probinsya. May nagkasakit
daw silang kamag-anak na kailangang dalawin."

"Ah. Ganun po ba? Sige po. Salamat na lamang po."

Nanlulumong pabalik na ako sa aking kotse, nang may isang puting kotse ang dumating
at pumarada sa harapan ng akin. Napatigil ako, at sa di malamang kadahilanan, ay
hinintay kung sino ang lalabas mula sa driver's side.

Isa itong matangkad at maputing babae na may mahabang alon-along buhok. Nakasuot
ito ng puting-puting uniporme na para bang isinusuot ng mga estudyanteng nag-aaral
ng medisina.

"Luke?" Sabi nito.

"H-ha?" Hindi ko alam na napatulala na pala ako. Paano kaya ako nakilala nito?

"I know you don't know me," Tatawa-tawang sabi niya, "I'm Bernadette, by the way.
First cousin ko si Tristan." Inilahad niya ang kanyang kanang kamay, na inabot ko
naman. "We met several times, but I do not know if you remember me."

No. I really don't.

"P-Pasensya na, sa dami kasi ng nami-meet ko araw-araw hindi ko na maalala lahat


ang--"

"That's ok." Nakangiti ito. "Don't worry about it."

"I-I'm sorry. H-hindi talaga kita maalala."


"I told you," Tumawa siya, "That's perfectly fine, Luke. At kung after this day,
makalimutan mo ulit ako... I will totally understand. Magpapakilala na lamang
siguro ako ulit."

Maganda siya. Maliwanag ang kanyang mukha, maamo. Kaya naman nagtataka ako kung
bakit hindi ko talaga siya maalala. Ganun na ba ako ka pre-occupied?

"Si Tristan ba ang ipinunta mo rito?" Pagbasag niya sa pagmumuni-muni ko.

"H-ha?" Bakit ba ako nauutal, dammit! "O-oo, pero mukhang umuwi raw pala siya sa
probinsya ng relative niya."

"Ah oo," Anya, "May sakit kasi yung lola niya sa side ng Daddy niya."

"Hindi mo ba relative rin 'yung may sakit?"

"Hindi. Pinsang buo ko kasi si Tristan sa Mother's side."

"Ah." Yumuko ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin sa kanya ng
diretso, dammit!

"May ipagbibilin ka ba kay Tristan?" Habang wari ay sinisipat niya ang mukha ko.

"H-ha? Ah, eh... w-wala. Ite-text ko na lang siguro siya. S-sige, tutuloy na ako.
Nice meeting you, Bernadette."

"Dette na lang."

"O sige, Dette. Aalis na ako."

"Sige."

Daig ko pa ang maiihi sa pagmamadali pabalik sa kotse ko. Kung bakit naman kasi
nakatanaw pa siya sa akin. Sinundan pa niya ako ng tingin hanggang sa mapaandar ko
na ang kotse ko.

"What the fuck is that all about, Luke?" Bulong ko sa sarli ko.

Malay ko ba kasi kung ano ang sagot.

Dahil ba maganda siya? Eh marami naman akong nami-meet na mas magaganda pa sa kanya
ah.
Dahil ba sa mabait siya? Malay ko ba kung mabait talaga siya, eh ni hindi ko nga
siya maalala eh. She's kind of creepy pa nga dahil alam niya ang pangalan ko.

Tama!

Baka naman because I just found her 'creepy'. Yes. She's creepy. She's really
creepy, Luke. she's really, really, really, really, really creepy, Luke!

Sino bang niloloko ko?

Argh! That woman is getting into my nerves already, dammit!

***

"Patitiktikan daw ng Mama ang mga kampon ni Lucio, Luke." Sabi ni Helga sa akin.
"Yun lang ang naiisip niyang paraan para malaman kung nasaan si Lucio ngayon." May
bakas ng pag-aalala ang kanyang mukha. "Kamusta na kaya si Mitch, sana naman, hindi
siya sinasaktan ni Lucio."

"Ipagdasal na lamang natin na nasa maayos siya, Love." Si Jason, habang hinahaplos
ang likod ng kanyang nag-aalalang asawa.

"Si Benj? Nasaan?" Tanong ni Helga.

"Hayun, nagmumumok." Sagot ko, "Nag-resign na raw do'n sa radio station na


pinagtatrabahuhan niya, para maging isang absolute bum. Nabubuwisit na nga ang
parents niya at mga kapatid. Malala na siya noon, pero mas malala pa siya ngayon.
Parang walang kadire-direksyon sa buhay. Ewan ko ba do'n. Bahala siya."

"Eh si Tristan?" Si Jason naman.

"Pinuntahan ko rin. Pero wala siya ro'n. Nasa probinsya raw para dalawin ang may
sakit na kamaganak with his whole family. 'Yung pinsan lamang nya ang nakita ko
roon, at mga katulong."

"Sinong pinsan? Si Derek?" Si Jason ulit.

"Hindi."

"Si Lance?" Siya ulit.

"Hindi. Yung babae, yung matangkad."


"Ah, si Dette?" Si Jason pa din.

"Kilala mo 'yun?"

"Ilang beses na ipinakilala sa atin ni Tristan yon ah." Si Helga naman.

"Baka wala ko roon, hindi ko siya maalala eh."

"Hindi maalala?" Nagtatakang bulalas sa akin ni Helga, "Eh matagal nga nating
nakakuwentuhan yung nung na-ospital si Tristan dahil kay Nicole, remember?"

Remember? Eh wala nga akong ma-remember eh.

"I'm sorry, pero hindi ko talaga maalala." Sumimangot na ako.

"Ewan ko sa 'yo." Tatawa-tawa si Helga, "May crush nga yun sa iyo eh."

Ano raw?

"Paano mo naman nasabi?"

"Sinabi sa amin ni Tristan." Si Helga pa rin. "Wala ka namang GF di ba? Bakit hindi
mo ligawan 'yun."

What?! That 'creepy' woman? No thanks.

"Wala akong panahon sa gf-gf na 'yan."

"Bakla ka yata eh." Kantyaw ni Helga na ikinapikon ko agad.

"Anong bakla?!"

"Kung hindi ka bakla, bakit after ni Alyssa, hindi ka na nagka-gf? Huwag mong
sabihin na in love ka sa babaeng iyon, eh alam na alam naman naming hindi. Huwag
mong sabihin na si Mitch pa rin?"

You think? Of course, si Mitch pa rin. Kaya nga nagpapakagago akong hanapin siya
kahit wala namang akong mapapala, hindi ba?

"Of course not."


"Sinungaling!" Nang-iinis na ngumisi sa akin si Helga.

"Ewan ko sa iyo." Sinimangutan ko.

"O di kung hindi na si Mitch, ligawan mo na si Dette, dali!"

"Ayoko nga."

"Bakit naman?"

"Hindi ko siya type."

"Hindi mo type? Eh mas di hamak naman na mas maganda si Dette kay Alyssa 'no."

Pero mas maganda si Mitch sa kanya.

"Eh sa hindi ko siya type eh, anong magagawa ko."

"Ay ewan ko sa 'yo. Wish ko lang na sana dumating ang araw na magkakandarapa ka rin
sa kanya. At wish ko, na kapag dumating ang araw na 'yon, ikaw na ang hindi niya
type. At ikaw na rin ang hindi niya maalala. Hmp."

"Hindi mangyayari 'yun. Dahil hindi ako magkakandarapa sa kanya. Period."

"O really? Tingnan natin. Magdidilang Anghel ako, promise! Dahil may dugong Anghel
naman ako 'no? At kapag nangyari 'yon. Tatawanan kita ng todo." At humalakhak ito
na lalo kong ikinaasar.

This is what I really hate about Jason's wife, sometimes. Ang lakas mang-asar sa
hindi ko malamang purpose niya. Ang lalo ko namang ikinabubugnot, ay tumatawa-tawa
pa itong si Jason sa pagsang-ayon sa kanya.

"Diyan na nga kayo." Napikon na ako, "Tawagan niyo na lamang ako kapag may balita
na."

"Sure, Papa Luke, we will call you." Nang-uuyam na sambit ni Helga.

Umiling na lamang ako, tumayo at nag-umpisa nang maglakad papalabas sa kanilang


pintuan.

Nakakapang-init ng ulo si Helga. Kung bakit naman kasi ang lakas mang-asar ng
babaeng 'yun. Paano kaya natatagalan ni Jason 'yun. Ah ewan, baka nahawa na rin.
Basta ako, I will never give her the liberty to come right back at me one day or
anyday, only to slap all these stupid things to my face and prove she was right.

***

Somebody cut me off the intersection. Napapreno tuloy ako nang hindi oras. Dammit!
What the heck is that white car doing? Naka red na ang stop light sa linya niya,
bumira pa rin ito ng abante sa intersection? Gamuntik ko na tuloy siyang mabangga.
Tang ina!

"Oh no... I am so sorry, I was such in a hurry and-" Nag-aalalang pagso-sorry sa


akin ng babaeng bumaba sa sasakyan na iyon-binubuksan ko na ang aking windshield.
"Luke?"

That Dette is the stupid traffic violator?

Hindi ko siya sinagot. Sinimangutan ko lamang siya at tiningnan ng matalim.

"I am so sorry Luke... nagmamadali kasi ako kaya hindi ko napansin na--"

"Your sorry, won't save you kung ganyan ka katangang magmaneho." Malamig ang
pakakasabi ko. Natulala ito-marahil ay nagulat sa inasal ko. "Alam mo? Hindi na ako
magtataka, kung one day, 'yang katangahan mo sa paghawak ng manibela, ang siyang
papatay sa 'yo."

"I-I'm sor-"

"Your sorry is not enough if we had an accident."

"But we didn't..."

"Sure we didn't but that is not an excuse."

"L-Luke..."

"Don't call me by my first name. Kung pwede, let's just pretend we don't know each
other, Pwede? Hindi kita maalala. So let's keep it that way." Hindi na siya
nagsalita. "So if you will excuse me, I need to go."

At pinaandar ko na ang aking kotse, at iniwan siyang nakatayo sa may intersection.


Bahala siyang harapin ang galit ng mga taong na-traffic ng dahil sa katangahan
niya. Basta ako, I will not give Helga that chance to tell me one day, that 'She
knew it!' I will stay away from this creepy woman.
That stupid creepy woman.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 13

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 13

Luke's P.O.V.

"Anong nag-resign?" Kagulat-gulat na reaksyon ni Tristan nang ibinalita ko na ang


pagre-resign ni Benj sa pinagtatrabahuhan nitong Radio Station. "Hindi siya nag-
resign... nasibak!"

"Nasibak? Bakit? Dahil sa pag-aabsent?"

"Isa na 'yon, pero hindi lamang 'yon."

"Eh ano?"

Imbes sumagot kaagad ay huminga muna ito ng malalim.

"May humingi kasi ng 'love' advice sa kanya sa ere."

"So? Eh part naman yun ng trabaho niya ah."

"Patapusin mo kasi muna ako." Nakasimangot ito.

"Sige go!"

"Bukod sa mainit na talaga ang dugo ng boss niya sa tardiness niya," Anya, "May
sinabihan daw siya na dalawa sa mga callers niya, na magpakamatay na lamang sila.
Na kung gusto pa nga raw ng mga ito, ay siya pa ang bibili ng blade, lason at
lubid."

"Eh hindi ba, madalas naman siyang magbiro nang ganun ah. Lalo na do'n sa makukulit
at walang kwentang kausap na callers?"
"Iba naman kasi 'yun, pabiro 'yung pagkakasabi niya do'n no'n. Nitong last time
kasi, seryoso na siya, na may kasama pang pagmumura sa ere. Nagpalala pa sa
sitwasyon nang sinabi pa niya doon sa pinakahuling caller na...'actually,
magpapakamatay na rin ako mamaya, kung gusto mo, sabay tayo.'"

Tarantadong gago! Nasira na yata talaga ang ulo. Para namang masusulusyunan no'n
ang pagkawala ni Mitch.

"Kamusta naman yung pinuntahan niyong kamag-anak no'ng isang araw?" Tanong ko,
"Pumunta ako dito, wala ka raw. Doon ka raw pumunta."

"Don't ask." Anya, "Na-bad trip lang kami dahil wala naman palang sakit 'yung
sinasabing may sakit. Nagpapapansin lang. May dementia na kasi. Sa sobrang inis nga
ni erpats, lumuwas din ulit kami paluwas kinahapunan."

Napatawa ako at napailing.

"Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Dugtong niya.

"Wala naman, para lang sana may kasama ako papunta kina Jason nung araw na iyon."

"Eh ngayon? Ano ang pakay mo ngayon at napadalaw ka?" Nandirito kasi ako ulit sa
bahay nila.

"Habang nagtatagal kasi pare, parang mas lalo akong nag-aalala sa kalagayan ni
Mitch."

"Welcome to my world, Luke." Anya, "Dahil ganyang-ganyan din ang pag-aalala ko kay
Rhea."

May sasabihin sana ako nang...May kumalabog sa hindi kalayuan. Kasalukuyan kasi
kaming nasa salas nina Tristan.

"Ano 'yun pare?" Sabi ko habang iniikot ko ang aking mga mata.

"Ang alin?"

"Yung kalabog. Hindi mo ba narinig?"

"Hindi."

Hindi? Eh ang lakas no'n ah. Maihahalintulad nga ang tunog na iyon sa... nalaglag
na kung anong mabigat na bagay sa kesame.
"Pare, may narinig akong kumalabog sa kesame niyo." Sabi ko na.

"Pati ba naman ikaw?"

"Bakit?"

"Ganyan din kasi ang sinasabi ng ilan sa mga katulong namin dito, kaya nga pina-
check ko ang attic, kesame at bubungan. Pero, wala naman kaming nakitang problema."

May kumalabog na naman-at least sa aking pandinig.

"Huwag mong sabihin na hindi mo rin nadinig 'yun?" Tanong ko ulit kay Tristan

"Hindi ko talaga narinig, sorry pare."

"Huwag mong sabihing ako lamang ang nakakadinig no'n? Ang lakas kaya."

Nagkibit-balikat lang ito.

"Sir, ako po, nadinig ko." Sabi ng isa sa mga middle aged na katulong nina Tristan-
na siya mismong nadudulot sa amin ng isang tray na kinalalagyan ng dalawang tasang
kape at tig-isang slice ng carrot cake para sa aming dalawa ni Tristan

"Ano po ba ang nadinig mo?" To test if we are hearing the same thing.

"Kalabog po, na para pong may nalaglag sa kesame."

Tumpak.

"Nakabukas po siguro ang inyong ikatlong mata, tulad ko."

Ikatlong mata?

"Nakikita niyo po ba yung babaeng iyon na nakatayo sa sulok." Itiniro niya ang
'yung isang mas batang babae na naka-uniporme ng katulong. Nakayuko ito.

"Opo, bakit po? May third-eye rin po ba siya?"

Nakita ko namang lumingon doon si Tristan-nasa bandang likuran kasi niya iyon. Siya
namang bigla itong napatalon sa tabi ko, namumutla.
"A-anong nakikita mo pare?" Balisa ito.

Huh? Ano raw ang nakikita ko? Ibig sabihin ba, hindi niya nakikita 'yung babae?

"Hindi po sir." Sagot ng katulong, habang tinitingnan niya ako nang makahulugan.
"Pero alam niyo na po siguro ang sagot sa tanong niyo." Tumunghay ito, "Sige po,
aalis na ako."

Bago pa man ako naka-recover sa pinagsasabi niya, ay para na akong aatakihin sa


sobrang gulat. Pag-lingon ko kasi ay halos nakadikit na ang mukha ng babae-na
kanina lamang ay nakatayo sa sulok, sa mukha ko. Putlang-putla ang kanyang balat,
maitim ang palibot ng kanyang mga mata, maitim din at sugat-sugat ang kanyang mga
labi.

Akala ko'y mawawalan na ako ng ulirat sa sobrang takot. Hindi ako makagalaw, lalo
na nang ngumanga ito at nakita ko nang malapitan ang nabubulok niyang mga ngipin at
inuuod na bunganga. Pakiramdam ko'y kakagatin niya ang ilong ko, kaya naman
bumalikwas na ako, tumayo at lumakad ng paatras-papalayo.

Nasulapan kong nagtataka si Tristan sa ikinikilos ko, naiwan siyang naka-upo,


pinagmamasdan ako. Hindi ba talaga niya nakikita? Eh nakadikit na nga ang mukha
nung babae sa may panga niya eh. Ngiii... ano ba itong nangyayari? Bakit may multo
sa bahay nina Tristan?

"S-sige Tristan... a-aalis na ako." Sabay hangos ko sa kanilang main door.

"Teka Luke! Sandali." Paghabol niya.

Hindi ko siya pinakinggan, pinihit ko na ang doorknob. Pero halos ikabuwal ko naman
nang bumulaga sa akin ang nakatayo roong si... Bernadette.

Susmaryosep! Akala ko naman ay white lady na. Nakaputing uniporme kasi ito, at
nakaladlad ang buhok.

Sa una ay nakangiti ito, pero unti-unti itong nagbago. Bigla rin siyang namutla at
nanlalaki ang mga mata.

"C-cuz..." May itinuturo ito sa bandang gilid ni Tristan.

Nilingon ko iyon, at nakita kong nakatayo sa gilid ni Tristan 'yung multo na para
bang inaamoy-amoy ng multo ang leeg ni Tristan.

"Ano ba kasi ang nakikita niyo?" Frustrated na ang itsura ni Tristan.


"May m-may... m-may..." Hindi masabi ni Bernadette-marahil ay sa sobra ring takot.

Nakita kong pumukit si Tristan, at maya-maya lang ay unti-unting binuksan ang


kanyang mga mata at tumingin sa gilid niya. Para namang natiklop ang mga tuhod niya
sa sobrang gulat- pero nasambot naman namin siya ni Bernadette.

Ano kaya? Nakikita na rin kaya niya?

"P-pare," Sabi nito sa akin, habang tinutulungan din niya ang sarili niyang
makatayo-naka-alalay naman kami, "A-alis na tayo rito... d-dun na lamang tayo mag-
usap sa condo ko." Sabay hila sa akin, "Sama ka na cuz!" Hinila din nito si
Bernadette.

Nasa proseso na nga pala siya ng paglilipat para tuluyan nang humiwalay sa poder ng
kanyang mga magulang. Buti pa nga siya, pinayagan. Ako kasi, ay hindi.

"Kotse ko na lamang ang gamitin natin." Suhestyon ni Bernadette.

"Ikaw ang magda-drive?" Nakakunot kong tanong sa kanya.

"Oo." Nakangiti siya.

"No thanks."

Hindi ko na inintay ang sagot niya. Tinalikuran ko siya at pinuntahan ang kotse ko.
Natanaw ko naman si Tristan na parang ninenerbyos na sumasakay na rin sa kotse
niya. Mas mabuti na itong nagkanya-kanya na kami. Ayoko namang bumalik pa ako dito
sa bahay ng mga magulang ni Tristan, para lamang balikan itong kotse ko.

"Nakita mo ba o hindi?" Diretsahang tanong ko kay Tristan, nang nakapasok na kami


sa condo niya.

Hindi ito nagasalita. Imbes na sagutin ako, ay nagtungo ito sa counter na


kinalalagyan ng isang boteng vodka, kumuha ng tatlong katamtamang laki ng baso, at
isa-isang sinalinan ito nang tigkakalahati.

"Ano?!" Naiirita na ako.

"Oo na! Nakita ko ok?" Iniabot niya sa akin ang isang baso, kasabay ng pag-inom
niya ng kanya.

"Eh bakit parang hindi ko nakikita noong una?" Follow-up ko, habang pinagmamasdan
siyang nag-aabot ng kalahing baso ng Vodka kay Bernadette.
Hindi ito nagsalita. Nakipagsulyapan lamang ito kay Bernadette na lalo kong
ikinainis.

"Hindi pa kasi niya lubusang naibubukas ang kanyang ikatlong mata." Sagot ni
Bernadette, kahit hindi naman siya ang tinatanong ko. Lalo tuloy ako naiinis sa
kanya. "Ayaw niya kasi. Ayoko rin naman kaya hindi rin ako nakakakita madalas.
Minsanan lang."

Hindi ako nag-react sa sinabi niya. Para na rin siguro malaman niya, na ayokong
makipag-usap sa kanya.

"Kung alam ko lamang kung paano isara nang tuluyan ang tanginang ikatlong mata na
'yan!" Pagmamaktol ni Tristan, na sinundan ng paglaklak niya ng natitirang Vodka sa
baso niya. "Ginawa ko na!"

"Kami kasi ni Tristan ang nabiyayaan ng ganung kakayahan sa aming mag-pipinsan." At


sumingit na naman po ang kinaiinisan kong babae, nakatitig na naman ito sa akin,
"Kaya heto, nakakakita nga kami ni Tristan ng mga bagay na hindi nakikita ng ibang
tao."

Tinatanong ko ba siya?

"Biyaya?!" Medyo tipsy na agad si Trista. Nakaka-apat na salin at laklak na kasi


siya ng vodka. "Kailan pa naging biyaya ang makakita ka ng mga demonyo at kaluluwa
ng mga patay na? Ang sabihin mo, sumpa! Sumpa ito!"

"Kung sa bagay." Sagot ng babaeng pakisingit.

Nakakairita. Panay pa rin ang sulyap niya sa akin. Ayokong, ayoko pa naman sa mga
taong tingin ng tingin. May gusto nga kaya talaga ito sa akin? Pwes. Ayoko naman sa
kanya. Hindi ko trip ang mga babaeng desperada.

"Rhea, nashaan ka na ba? Nashaan ka na mahal ko... mish na mish na kita..."

At nalasing na nga po nang tuluyan si Tristan. Sinaid ba naman niya kasi ang
dalawang bote. Kaya naman, inakay ko na ito para dalahin sa kanyang silid. Mabuti
na lamang, hindi ako nakipag-sabayan sa kanya. Medyo may tama na rin ako ng kaunti
dahil naka-ilan din ako, pero diretso pa naman ang pag-iisip ko.

"Gusto mo bang ihatid kita, Luke?" Alok sa akin ni Bernadette, "Medyo lasing ka na
rin yata eh."

Hindi ko siya sinagot, Inirapan ko lang.

"Galit ka pa ba sa akin?"
You think?

"Sorry na." Anya. "Nagmamadali lang talaga ako that day. Hindi ko sinasadyang i-cut
ka sa intersection."

Tinapunan ko lang naman siya ng matatalim na mga tingin.

"Sorry na, Luke."

Nakakainis. Lumapit pa talaga ito at hinawakan ako sa braso.

"Sorry na please?"

Mas lalo niyang idinikit ang sarili niya sa akin.

"Please?"

Hinawakan at bahagyang hinatak niya ang aking batok para maglapit ang aming mga
labi.

Aba't balak pa yata ako nitong halikan.

"Will you put your hands off me?!" Masungit na singhal ko sabay tanggal ng kanyang
kamay sa aking batok.

Nagulat siya.

Mabuti nga.

Ano ba naman kasi ang pakialam ko kung ano ang magiging reaksyon niya. I just want
to get out of here, and stay away from this creepy woman.

"I really like you Luke, huwag mo naman sana akong talikuran."

Sabi niya, habang ako naman ay papalabas na-nakatalikod ako sa kanya.

"The feeling is not mutual, woman!" Sabi ko-nakatalikod pa rin.

"L-Luke."
"Stay away from me, will you?!"

Tuluyan ko na nga siyang iniwan doon.

[itutuloy]

=================

KABANATA 14

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 14

Luke's P.O.V.

Ok na sana. Makakalayo na sana ako sa desperadang pinsan ni Tristan na 'yon, nang


bumulaga sa paglabas ko, ang batang katulong na nagmumulto kanina sa bahay nina
Tristan. Nakatingin ito ng malalim sa akin, parang galit na galit.

Pagbabayaran niyo ang ginawa ninyo sa akin.

Isa iyong kakilakilabot na tinig na nagmumula sa kanya. Na-deform ang mukha niya.
Lumaki ang kanyang bibig, na sinabayan naman ng pag-indap ng ilaw sa labas. Madilim
na pala. Sa pakikipagkuwentuhan at pakikipag-inuman ko kay Tristan, hindi ko na
namalayan na alas nuebe na pala ng gabi.

Napaatras ako. Napahinto lamang ako sa pag-atras, nang maramdaman ko si Bernadette


sa likuran ko. Mukhang nakikita rin niya ang nakikita ko-- Narinig, ang nadinig ko.

Sa eksaktong distansya, ay isinalya ko ang pinto. Kaya naman, naririto na naman ako
sa loob ng Condo ni Tristan. Kasama si... Bernadette.

"Mukhang nasundan tayo ng multong iyon mula sa bahay nina Tita." Ang tinutukoy niya
marahil ay ang Mama ni Tristan.

"Matagal na bang nagmumulto iyon sa bahay nila?" Ayoko man siyang kausapin, ay
napilitan na rin ako.

"Oo. Mga bata pa kami, nakikita ko na ang multong iyon." Paglalahad niya, "Alam ko,
nakikita rin iyon ni Tristan, pero parati niyang itinatanggi."
Umupo ito sa sofa. Uupo rin sana ako sa tapat niya, nang biglang umindap na naman
ang ilaw. Sa una ay panaka-naka ito, na bumilis din ng maglaon. Hindi kalaunan at
tuluyan na ngang namatay ang ilaw.

"Luke..." Mahinang pagtawag ni Bernadette. "Luke natatakot ako." Anya.

Labag man sa loob ko, kumapa ako sa karimlan. Hinanap ko ang kinaroroonan niya, at
saka umupo sa tabi niya nang makapa ko na ang laylayan ng kanyang palda.

"Luke... nasaan ka na?" Umiiiyak na siya.

Kinapa ko ang tantya kong likuran niya, at saka ko na siya inakbayan, inakap, at
iginiya ang kanyang ulo sa aking dibdib.

"Luke, nasaan ka na?" Sabi niya ulit, pero bakit parang...mas malayo na ang boses
niya. Bakit parang nanggangaling na 'yung boses niya sa kinatatayuan ko kanina.

Bigla akong kinabahan. Kung si Bernadette 'yung nasa malayo? Eh sino itong katabi't
yakap-yakap ko?

Kinapa ko ang aking kaliwang bulsa, at doon ko nakapa ang aking pen light.
Kinakabahan man ako ay binuhay ko iyon. Hindi ko maipaliwanag ang aking sindak nang
madiskubre kong, hindi pala si Bernadette ang kayakap ko. Nasa estado pa ako ng
pagkapipi sa sobrang pagkagulat, ay unti-unti nang itinunghay ng multo ang kanyang
kakilakilabot na mukha. Inilapit niya ito sa akin na parang gusto rin niya akong
halikan ng kanyang inuuod na bungaga.

Sumigaw ako nang makabuwelo na ako.

Hindi ako makagalaw sa takot, kaya naman laking pasasalamat ko nang hinila ako ni
Berndette papalapit sa kanya.

Hindi ko inaakalang gugustuhin ko ang yakapin siya sa pagkakataong ito. Naamoy ko


tuloy ang buhok niya... ang bango. At nadama ang yakap niya, mainit ito. Kailan ba
ako huling niyakap ng isang babae? Dalawang taon na. Kami pa noon ng dati kong
nobyang si Alyssa. Pero... hindi naman ganito kainit ang mga yakap ni Alyssa. Kahit
nga ang mga yakap noon ni Mitch, ay walang panama.

Bwahahahaha!

Malademonyong halakhak iyon na nagmumula kung saan. Nakapagtataka naman na wala ang
multo sa dating lugar na amin siyang kinakitaan.

Bwahahahaha!
Nakakapangingilabot ang mga halakhak na iyon, sa hindi malamang pinanggalingan.

Magbabagayad kayo sa akin...

Nakapangingilabot na tinig na 'yon na animo'y nagmumula lang sa malapit sa aking...


tenga.

Sumigaw si Bernadette, nang kapwa na namin nakita na nakadikit na naman ang


maputlang mukhang ng multong iyon sa aking kanang pisngi--nasa kaliwa ko si
Bernandette.

Gustuhin ko mang mawalan na lang nang malay, ay buong tapang ko na lamang na


hinatak si Bernadette para dumiretso sa kuwarto kung nasaan si Tristan. Pagkapasok
na pagkapasok namin, isinara na namin ang pinto... bagama't alam naming wala rin
namang silbi ang ginawa naming iyon, ay mas minabuti na naming sarhan ang pinto at
naghanap ng isang sulok kung saan kami pwedeng sumukisik nang makatabi.

"Sumasampalataya ako sa Diyos na makapangyarihan sa lahat...." Pabulong na


pagdadasal ni Bernadette, habang nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg--
nakapulupot naman ang aking kanang braso sa kanyang balikat--paupong nakasiksik
lang kami sa isang sulok

Katoliko rin siya?

"Ama namin, sumasalangit ka...." Dire-diretsong pagdadasal niya. Hindi ko alam kung
bakit napangiti ako. Pero ganun na nga ang nangyari. Lalo na nang mamataan ko na
may hawak nga siyang isang maliit na rosaryo.

Hindi ko alam kung bakit hindi na kami sinundan do'n ng multo. Bagama't inabot na
kami ng ilang oras sa paghihintay sa posibleng pagdating muli ng multo, ay
minarapat na lamang naming manatili do'n nang magdamag. Ramdam ko na ang sakit ng
likod at puwitan ko dahil sa katagalan na nang pagkasalampak namin doon. Pero dahil
tulog na tulog na si Bernadette sa aking dibdib, ay hindi ko na siya inabala.
Tiniis ko na lamang ang ngawit. Tutal, malapit na namang mag-umaga.

Sa pwesto naming 'yon ay doon ko lang naobserbahan na ang ganda pala ng kamay niya.
Parang kandila ang kanyang mga daliri, na hindi ko mapigilang hawakan. Nakapulupot
dito ang beads ng kanyang rosaryo. Yumuko ako sa may dibdib ko at tiningnan ko ang
kanyang mukhang bahagya namang naka-unan sa aking kilikili. Maganda siya, makinis
ang kanyang balat at maamo ang kanyang mukha.

Ang ganda rin ng kanyang buhok na bahagyang tumatapon sa kanyang kanang pisngi.
Nang dahil doon, ay hindi ko mapigilang, ayusin ito, at iipit ang isang kumpol ng
kanyang buhok, sa likod ng kanyang tenga.

"Luke..." Malambing bulong niya, pero natutulog pa rin naman siya.


Nanaginip kaya siya? Ewan ko.

"I love you, Luke..." Dugtong niya. Tulog pa rin.

She loves me? But how? Since when? And why?

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang maramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang
pagkakayakap niya sa katawan ko. Idinantay rin niya nang bahagya ang kanyang mahaba
at makinis na kanang hita sa aking nakaunat na binti.

Sinulyapan ko ang kinahihigaan ni Tristan, tulog na tulog pa rin ito. Walang


kamalaymalay sa mga kababalaghang naganap sa amin ni Bernadette.

"Luke..." Napayuko ulit ako sa mukha ni Bernadette. Inaasahan ko na nakapikit pa


rin siya at nanaginip, ngunit hindi iyon ang bumungad sa akin. Nakamulat na siya,
at nakatingin sa aking mukha. Gising na siya.

Imbes na sumagot, ay nginitian ko lamamg siya.

"P-pasensya ka na... naku, baka nangawit ka na sa--" Habang inaayos niya ang
kanyang sarili, papalayo sa akin.

Hindi pa siya ganap na nakaka-usod, ay hinatak ko siya papalapit sa akin. Nang


dahil doon ay aksidenteng napasubsob siya, na saktong-sakto lamang sa pagdadait ng
aming mga labi. Pinangatawanan ko na ang halikan siya. Na hindi naman nagtagal ay
ginanantihan na rin niya.

Ang init ng kanyang mga halik. Bagay na hindi ko pa naranasan sa kahit kaninong
babae. Bawat dampi ng kanyang mga labi, ay punong-puno ng lambing. Ito ay habang
unti-unti siyang pumupuwesto nang upong pabukaka sa aking ibabaw.

Shit ang lambot sa pakiramdam ng maliit na bewang niya. Doon kasi nakapulupot ang
aking mga braso, habang hinahalikan siya.

Wala naman kaming ginagawang higit pa sa pagyayakapan at paghahalikan, pero parang


kapwa namang kinukuryente ang aming mga katawan. Hindi ko sigurado kung ano ang
nangyayari sa akin, at kung bakit ko hinayaang humantong kami sa ganito. Pero eto
na nga, at nangyari na. Hindi ko man sigurado kung ang tunay na nararamdaman ko sa
kanya, ay para namang akong nababaliw sa pagkalunod sa paglalambing niya.

"I love you Luke..." Bulong niya, sa kalagitnaang ng animo'y paninigas ng kanyang
katawan. Kagat-kagat niya ang kanyang labi habang nakapikit na dinadama ang kung
anong sensasyong nararamdaman niya sa gitna ng kanyang mga hita.

Hindi naman kami nagtatalik. Naghahalikan lang kami at nag-yayakapan. Kapwa pa rin
kaming may mga damit, at walang ni isa pang natatanggal, pero bakit pakiramdam ko
ilang beses na siyang... nag-orgasm?

Damn.

This girl is weird... the hot kind of weird.

"L-Luke!" She's moaning, habang ikinikiskis niya ang kanyang gitna sa aking...medyo
galit na rin.

Dry humping. This is exactly what we are doing. Dahil nakadamit pa rin naman kami,
at walang nangyayaring aktual na pagsasanib ng aming mga laman sa ibaba. Something
na hindi ko inakalang mae-enjoy ko, dahil ngayon pa lamang talaga nangyari sa akin
ang ganito.

Sa mga babaeng dumaan sa akin. Sex kung sex. Hindi ko nga maintindihan noon kung
ano ba ang mapapala ng mga babae't lalake sa 'dry humping' bukod sa bitinin lang
ang isa't-isa.

Pero hindi ganoon ang nangyayari ngayon. I am liking it. I am liking it with this
sexy hot creepy weirdo girl na... mahal 'daw' ako.

"I want you to be my first, Luke." Anya, habang gumigiling siya. "Please take
me..."

Parang naninikip ang dibdib ko sa hindi ko inaasahang pangyayaring ito. Bilang


isang lalake na natural na mas nakakiling sa pagtugon sa pisikal higit sa emosyunal
na pangangailangan, hindi ko mapigilan ang magpaalipin sa matinding tawag ng laman.
Nag-aalinlangan man, ay kinapa ko ang kanya, habang kumukiskis pa rin ito sa ibabaw
ng aking harapan.

Shit!

Basang basa na siya doon. Pamamasang tumagos na sa kanyang panty, na bahagyang


lumanit na sa aking pantalon.

Anong gagawin ko? Do her habang natutulog si Tristan? Have sex with her kahit hindi
kami? Divirginize her kahit hindi man lamang kami in a dating relationship, at the
very least?

No.

I may be all things you may want to negativey call me. But I don't do casual sex or
one-night stands. If I am to have sex. I want to do it with someone I can do it
with, over and over again. I am not quite sure if I want Bernadette more than
physical attraction kaya---
"No, Bernadette." Sagot ko. Na naging dahilan ng unti-unti niyang pagtigil sa
kanyang ginagawa. Nanlumo ang kanyang mukha--na kanina lamang ay punong-puno ng
pananabik. "I admit, I liked what we did and I do not regret any of it. Pero, I
can't take you. Lalo pa, ako pa yata ang mauuna. Hindi kaya ng kunsenya ko ang
kunin 'yon dahil--"

"Dahil hindi mo ako gusto?" Kalmadong pagputol niya sa sinasabi ko.

Hindi ako nakapagsalita. Napatanga lang ako sa kanyang malungkot na mukha.

"Ok lang. Naiintindihan ko naman." Anya, habang umaalis na sa ibabaw ko para ayusin
ang kanyang sarili, "At alam ko naman 'yun." Habang ikinakabit niya ang mga butones
ng kanyang blusa. "Matigas lamang talaga ang ulo ko, at medyo in denial na
tanggappin na... wala talaga akong pag-asa sa iyo." Inayos niya ang kanyang maganda
at mahabang buhok, "Pasensya na Luke," Tiningnan niya ako, "Alam ko naman na
naiinis ka sa akin, lalo na kapag nahuhuli mo akong nakatitig sa iyo. Ewan ko ba...
mahal na mahal at gustong-gusto lamang talaga kita kaya para na akong desperada. Sa
'yo lang naman ako nagkaganito kaya't huwag mo sana akong huhusgahan." Tumayo na
ito, kaya't nakatingala na ako. "Pero huwag kang mag-alala. I will do the best I
could to stay away from you. Hindi na ito mauulit. Salamat na lang sa alaala." At
yumuko siya para halikan ang aking noo. "Good bye, Luke." Parang maiiyak na siya.
"Thank you for staying with me tonight." 'Yun lang at tumalikod na siya at lumakad
papalabas.

Ang bilis ng pangyayari. Naiwan lamang akong nakatulala. Walang maisip. Walang
masabi. Napakadalang na mablangko ako na ganun-ganun na lang. Pero ganun na nga ang
nangyari. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala, kaya naman nang
natauhan na ako ay sinubukan kong habulin si Bernadette. But it was too late.

Nakaalis na siya. Wala na rin sa parking lot ang kotse niya.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 15

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 15

Luke's P.O.V.

"Multo ba kamo?"
Lumabas na rin ng lungga niya si Benj. Napagod na siguro sa kahihilata.

"Oo, isang batang katulong." Sagot ko.

"Hindi kaya may niyari ring katulong ang tatay ni Tristan? Di ba manyak 'yung tatay
nun."

"Hayup ka kung makapagbintang ah."

"Eh sa iyon ang pakiramdam ko ah. Eh ikaw nga, di ba sabi mo sa 'kin, may pinsan ka
na ganun din na may tatay na ganun din. Mag-amang manyak ganun. Si Tristan nga
manyak din, di ba? Malay mo si Tristan ang nang-rape at pumatay dun."

Hinataw ko na si Benj ng binilot na diyaryo sa ulo. Parang wala pa rin kasi sa


huwisyo eh. Kundangan ba naman na pati si Tristan ay idinadamay sa kanyang walang
basehang mga bintang. Hindi bale 'yung sa pinsang buo ko at sa tatay niya. Totoo
'yun. Dahil ako mismo ang nakahuli na atsay killer ang mag-amang yun. Pero ito,
wala akong ebidensya.

"Eh sa ganun ang iniisip ko eh!" Nagdadahilan pa, "Para sabihin ko sa 'yo, yang
Tatay ni Tristan, nahuli ko na yan! Kaya hindi yon bintang."

"Nahuli mong ano?"

"Nahuli kong may niyayaring katulong. Dun sa laundry area sa basement nila."

"Nire-rape?!" Gulat na gulat ako, dahil napakataas ng tingin ko sa Tatay ni


Tristan.

"Ah hinde... malandi lang talaga yung katulong. Buhay pa naman 'yun. 'Yun 'yung
katulong nina Tristan na maikli ang uniporme. Tinukso din si Tristan noon eh."

Tanginang parang nakikipag usap ako sa adik ah.

"At kung sinundan kayo, baka naman hindi multo 'yun. Baka demonyo, tulad ng ex ni
Tristan. Alam mo namang habulin ng mga malalanding demonyo si Tristan, hindi ba?"

'Yun din ang kutob ko. Demonyo 'yun at hindi multo. Nakakatakot kasi ang hitsura
eh. Hindi talaga ako pinatulog. Mabuti na lamang naalala ko 'yung nangyari sa amin
ni Bernadette. Kaya kahit papaano ay may pangontra ako sa kakilakilabot na alaala
ko kamakalawa.

***
"Ang pagkakaalam ko, may nagpaparamdam nga do'n sa bahay ng mga magulang nina
Tristan." Si Jason na lamang ang pinuntahan ko. Para kasing masisira na ang ulo ko
sa pakikipag-usap kay Benj. Para kasing adik, na wala sa huwisyong kausap. "Meron
daw kasing namatay na batang katulong do'n noon. Ang sabi nung pinakamatandang
katulong nila do'n. May gusto raw ang batang katulong na 'yon kay Tristan noong
nabubuhay pa."

"Namatay? Anong ikinamatay?" Ako.

"Ang sabi nila, binangungot daw. Ang sabi naman ng iba, pinatay raw by
asphyxiation. Nakakita raw kasi ng bakat ng laway niya sa isa sa mga unan. Na
parang 'yun daw ang ginamit para ma-suffocate siya."

"Eh sino naman ang gagawa nun?"

"Ang sabi nila, 'yung isa rin sa mga katulong na asawa ng hardinerong nakarelasyon
noong batang katulong, ang prime suspect nila. Bigla na lamang daw kasi itong nag-
alsa balutan nang walang paalam, no'ng mismong araw din na natagpuan patay ang
batang katulong."

"Pero bakit kaya niya ako sinusundan? Bakit kami pinagpapakitaan?"

"Baka naman si Tristan ang sinundan at hindi kayo. May attachment kasi ang batang
katulong na iyon kay Tristan, dahil may gusto ito dito. Ganun naman ang mga multo
hindi ba? Kung sa bahay ang attachment nila noong buhay pa sila, sa bahay naglalagi
ang mga kaluluwa nila. Kung sa mga bagay naman at kagamitan, kung sino ang susunod
na gagamit noon, 'yung ang mumultuhin nila. Nagkataon lamang siguro na kay Tristan
siya naka-attach, kaya sinusundan nito si Tristan kahit saan magpunta."

"Alam ko naman 'yun pare, Pero iba kasi ang pakiramdam ko eh. Ewan ko, para kasing
may mali. Ang sabi kasi no'ng multo sa amin ni Bernadette, 'magbabayad kayo sa
akin.' Bakit 'kayo'? Sinong kayo? Hindi kaya ang ibig sabihin no'n ay hindi lamang
isa ang pumatay sa kanya?"

Nagkibit-balikat lamang naman si Jason.

"'Yung Hardinero ba na nakarelasyon niya, nasaan na?"

"Sabi ni Tristan, nakakulong na raw 'yon ngayon. Pero sa ibang kaso."

"Anong kaso?"

"Pagnanakaw."

"Saan?"
"Sa bahay nina Tristan. Nahuli raw ito ng pinsan niyang si Derek na kinukuha ang
mga alahas ng Tita. Siya rin ang itinuturong may kagagawan ng pagkawala ng iba pang
mga kagamitan, hindi lamang ng pamilya Cuevas, kundi pati na rin ng mga katulong at
driver."

Ano ba yan? Kung saan-saan na sumuot ang istorya. Wala pa naman akong balak mag-
ungkat ng mga bagay na ganyan, lalo pa at inaalala ko pa rin kung paano namin
mahahanap si Mitch.

"Maiba nga tayo. May ibinigay sa akin ang Mama na mapa," Pagsingit ni Helga, "Eto
o." Sabay abot ng isang nakabilot na papel. "Ito raw ang mga direksyong nakalap ni
Manuel at ng iba pang mga dating miyembro ng kunseho ni Lucio."

Binuklat ko ang papel at nagulat ako sa detalye ng pagkakagawa ng mapa. Mukha pa


rin itong mapa ng pilipinas na may nakalagay na mga aktuwal na lugar sa pilipinas.
Pero sa ilalim ng bawat pangalan ng siyudad at lalawigan, ay may mga nakalagay din
na mga pangalan ng mga lugar kung saan nakatira ang mga iba't-ibang uri ng mga
nilalang.

Pulido ang pagkakagawa nito at makulay. Siniyasat ko ang papel. Na hindi naman pala
papel kundi isang tela na parang makapal na papel ang pakiramdam kung iyong
hahawakan.

"'Yung may mga ekis na pula." Dugtong ni Helga, "'Yan daw ang mga alam nilang mga
lugar kung saan naglulungga si Lucio."

Binilang ko ang mga pulang ekis. Anim. Dalawa sa Luzon, dalawa sa Visayas at dalawa
sa Mindanao.

Anak ng nilasing na manok!

Huwag mong sabihin na kailangan naming suyurin ang buong Pilipinas?

O well. Whatever it takes. Mahanap lang naming muli si Mitch. At least ngayon ay
may mapa na. Hindi tulad nitong nakakaraang ilang linggo, na pare-pareho kaming
nangangapa sa dilim.

"Kami na lang ang lalarga nina Benj at Tristan." Sabi ko sa mag-asawa. "Sa
kalagayan mo," Sabi ko partikular kay Helga, "Masyadong mapanganib kung sasama ka
pa. Ayoko namang isama itong si Jason, dahil hindi naman kami papayag na mag-iisa
ka habang wala siya."

"Pero--" Magrereklamo pa sana si Helga, pero tinapik na siya sa likod ng asawa.

"Mag-iingat kayo, mga pare." Sabay tapik ni Jason sa balikat ko. "Pero pakiusap.
Hangga't maari ay tawag-tawagan niyo kami kung nasaan na kayo at kung ano na ang
nangyayari sa inyo."

Tumango lamang naman ako.

"Heto..." Sabay abot ni Helga ng isang lukbutan na yari sa puting seda.

"Ano ito?" Ako, habang kinukuha ko at pagkalaon ay binubuksan ang lukbutan na


inabot ko mula kay Helga.

Nakita ko ang tatlong piraso ng kristal na katulad ng kristal na ibinigay sa amin


ng Anghel na nagngangalang Camael noon.

"Gamitin niyo raw 'yan kapag napadpad kayo sa mga lugar na tinawang ni Mama na
'Siluan' Pero gagamitin niyo lamang daw ito kung sigurado kayo na 'Siluan' ang
lugar na iyon."

"Anong 'Siluan'?" Tanong ko.

"Ayon kay Mama. Ang 'Siluan' daw ay ang mga lugar na hinukayan ng mga Anghel, para
ibaon ang mga demonyo. Ang 'Siluan' daw kasi ay ang maihahambing natin sa
'talulikas' (1) na tarangkahan, na kapag nakapasok ka, kahit do'n lang sa may
tangwa (2) ay magpapaikot-ikot lamang kayo sa iisang lugar."

Ah. Yung katulad ng napuntahan namin noon? 'Siluan' pala ang tawag sa... 'Mga'
lugar? Ang ibig sabihin pala no'n, ay marami at hindi lamang iisa ang mga lugar na
gano'n?

"May nakalagay ba dito sa Mapa kung nasaan ang mga 'Siluan'?" Habang tinitingnan ko
ang mapa.

"Hindi raw eh." Sagot ni Helga, "Wala raw naman kasing nakakaalam kung nasaan ang
lukasyon ng mga 'Siluan' sa buong mundo, dahil ang Diyos at ang kanyang mga Anghel
lamang daw ang nakakaalam nito. Ganyan daw talaga ginawa ng Diyos ang lahat ng mga
'Siluan', para raw WALANG KAWALA ang mga demonyong dinadala do'n. Para kahit magawa
nila ang imposible, na makaahon mula sa balong walang katapusan, ay hindi pa rin
sila makakaalis sa hibaybay ng 'Siluan' sa ibabaw ng lupa. Magpapaikot-ikot lamang
din sila. Kaya nga binigyan kayo ni Mama ng tatlong kristal na kapag iniitsa raw
niyo ito paitaas, ay makakabalik kayo sa lugar na iniisip ng kung sino man ang nag-
itsa. Ibinigay daw iyan sa Papa niya--sa Lolo ko, ng isang purong Anghel. Ito raw
ay noong mga panahong hinahanap din niya ang kuta ni Lucio para kunin ang kuwintas
na Carbonado."

"Bakit? Kay Lucio ba talaga ang kuwintas na iyon?"

"Ayon kay Mama, ang kuwintas daw ay dapat talagang pag-aari ng mga panganay na anak
na lalaki sa aming lahi. Kaya... minsan na ngang naging lehitimong kanya ang
kuwintas. Pero dahil mas pinili niya ang maging imortal, hindi niya ito ipinasa sa
unang anak niya, na una pang namatay sa kanya, at sa anak ng anak niya, hanggang sa
makarating na nga sa aming henerasyon. Ito ay dahil nga sa magpahanggang sa ngayon,
ay buhay pa siya. Nang dahil doon, ay inutusan ang Lolo ng isang Anghel na kunin
ito. Kaya hayun, nagtagumpay naman ang Lolo. Ang kaso. Hinahabol naman niya ang
Mama ng dahil dito."

Aha. At gano'n pala ang istorya no'n. Akalain mo nga naman na ang pangit na
kuwintas na 'yon, ay ganun pala kahalaga?

"Tayo na!" Walang pero-perong sinabi ni Benj nang pinuntahan na namin siya ni
Tristan, para sabihan siya tungkol sa plano naming maglakbay para hanapin si Mitch.

"Teka muna," Sabi ko. "Kailangan muna nating maghanda. Malayo ang pupuntahan natin,
at kung saan-saan. Kailangan muna nating masiguro na meron tayo ng mga
kakailanganin natin. Dalawang araw. Sa loob ng dalawang araw ay mag-eempake na tayo
at titipunin ang ating mga gamit, pagkain, first aid kit, extra cash, spare tires
at kung ano-ano pang kakailanganin natin sa biyahe."

Aangal pa sana siya, pero wala naman siyang magagawa kung nasa akin ang mapa. Atat
na rin naman akong makalarga, pero ito ang ilan sa mga bagay na sa tingin ko'y
hindi puwedeng iura-urada. Kailangan, kahit paano ay may plano kami... kahit
paano'y pinaghandaan.

"So saan ba ang una nating destinasyon?" Tanong ni Tristan.

"Sa pinakamalapit." Sagot ko. "Dito muna tayo sa Luzon. Kapag hindi natin siya
natunton, saka na lamang natin planuhin kung alin sa Vizayas at Mindanao ang
susunod nating hahalughugin. Ang hirap naman na mag-uumpisa tayo sa malayo, yun
naman pala ay nandito lamang sila sa malapit."

Tumango lamang naman si Tristan. Habang nakatunganga lamang sa akin si Benj na


parang bang wala na namang naiintindihan.

Ewan ko sa kanya.

Bahala siya.

Baka nga kapag naasar ako sa kanya.

Iwanan na lamang namin siya.

-----------------

Footnotes:
(1) Talulikas (English: Supernatural, Miraculous)

(2) Tangwa (English: Extreme Edge, Border)

-----------------

[Itutuloy]

=================

KABANATA 16

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 16

Tristan's P.O.V.

"Naguguluhan talaga ako Tristan," Sabi ni Luke sa akin, habang nagmamaneho siya.
Papunta na kami ngayon kina Benj, para sunduin ito. "Parang may mali talaga eh."

"May mali saan?"

"Sa mga kuwento."

"Kuwento ng alin?"

"Kwento tungkol doon sa nagmumulto sa inyo? 'Yung batang katulong?"

Ayoko na sanang pag-usapan ang tungkol do'n, dahil pagod na pagod na ako sa issue
na 'yon. Umalis na nga lamang ako sa bahay ng mga magulang ko, para hindi ko na
nadidinig ang mga katulong na pinag-uusapan 'yon, pero heto na naman. Nauungkat na
naman!

"Ano ang tungkol do'n?" Walang gana kong tanong, habang nakatingin sa kalye.

"Bakit ang sabi ni Bernadette, bata pa lamang kayo ay nakikita na niya ang multong
'yon. Pero bakit sa kuwento ni Jason, parang kailan lamang may nangyaring incidente
sa inyo, tungkol doon sa namatay na batang katulong? Kanino ba talaga ang tamang
kuwento?"

Ayoko sanang sagutin, pero kilala ko si Luke. Kapag hindi ko ito sinagot. Lalo lang
itong magtatanong. Mag-iimbestiga pa.

"Pareho."

"Pareho? Paano naging pareho?"

"Parehong tama ang kwento nila."

"Paano nga naging pareho? Ano yun, buhay pa yung batang katulong, nagmumulto na
siya nung nakita siya ni Bernadette?"

"Hindi."

"Eh ano? Sagutin mo na kasi ng maayos at kumpleto para hindi na ako tanong ng
tanong."

Papaano ko ba ito uumpisahan?

"May sasabihin ako sa iyo, Luke. Pero huwag mo sana akong huhusgahan sa aking
naging desisyon." Seryoso ako-- hindi ako nakatingin sa kanya.

"Ano ba yun?"

Noon ko na siya tiningnan nang seryoso, at medyo inilapit ang mukha ko sa mukha
niya habang papalapit na kami sa stop light. Napansin ko naman na parang
ninenerbyos siya sa kakaibang ikinikilos ko. Kaya naman sa loob-loob ko, ay
pagkakataon ko na 'to para maisahan ko ang lokong 'to.

Akala yata kasi nito, hindi ko naramdaman ang kababalaghang ginawa nila ni
Bernadette sa Condo ko.

Naparami lamang ang nainom ko no'n, pero hindi ako lasing na lasing. At kahit pa
lasing na lasing ako, alam kong mararamdaman at maririnig ko pa rin 'yon.

I am so sorry to burst the bubble of many, pero hindi talaga totoo ang sabi-sabi,
na kapag lasing na lasing ka, hindi mo totally alam ang nangyayari sa paligid mo.
Dahilan lamang 'yon ng mga bopols who doesn't want to be accountable and take
responsiblity sa kung ano-anong kalokohang ginawa nila habang lasing sila.

Kaya nga do'n sa mga nagpapanggap na, they woke up with somebody and doesn't have a
clue of some stupid thing or crime or wild sex they did one drunken night?

Utot niyo!
Sinong niloko niyo?

Anong tingin niyo sa akin, gago?

Kung adik ka at high na high ka o di kaya kung isang trak ng alak ang nilaklak mo,
pwede pa. Pero kung lasing na lasing ka lamang dahil sa iilang bote?

Kalokohan.

"Ako ang gumahasa at pumatay sa kanya!" Sabi ko sa mababang tono. Nakatigil ang
sasakyan dahil sa red light. "At ngayong alam mo na ang sikreto ko," Kunwari ay may
dinukot ako sa bulsa ko, "Kailangang, patayin na rin kita!" Sabay tampal ko ng
malakas sa noo niya.

Hindi maipinta ang mukha niya. Putlang-putla at nanlalaki ang mga mata! Sa wakas!
Napatanuyan kong tao rin siya. Nagugulat. Kinakabahan. Parati kasi siyang kalmado,
at least ngayon, mukha na siyang kabado.

Tumawa ako ng tumawa sa kinauupuan ko. Lalo na nang tiningnan niya ako nang masama.

"O, anong problema mo?" Tanong ni Benj kay Luke, habang inaayos niya ang seatbelt
niya sa likod.

Hindi na kasi nagsalita si Luke hanggang sa pagsakay na ni Benj.

"Kinausap ko kasi nang maayos ang isang tao diyan." Pagpaparinig nito, "Tapos bigla
lamang ako dadalihan ng kalokohan."

"Ang sabihin mo, pikon ka." Sagot naman ni Benj.

Yes! Wala siyang kakampi! Belat nga!

"Oo nga." Nakangising pagsegunda ko naman, "Porke't naka score lang siya sa pinsan
ko eh..." Pahapyaw ko, na medyo ikinagulat niya. "Akala mo kung sinong pakipot,
nag-enjoy din naman." Nginisian ko nang mas malaki. "Aayaw-ayaw pa kunwari, gusto
rin naman! May patanggi-tanggi pang nalalaman, humabol din naman!"

Napansin kong nagbago ang timpla niya. Mula sa pagkainis, ay naging aburido. Hindi
makatingin sa akin.

"Dette, oh, Dette!" Panunukso ko na may halong re-enactment. 'Yun kasi mismo ang
nadinig kong mahinang inuungol niya noong isang gabi.
"Sinong Dette?" Tanong ni Benj sa akin, "'Yung pinsan mo?"

Sinulyapan ko si Benj, tumango, tumingin ulit kay Luke, at saka ulit dumiretso ng
upo.

"Sila na ni Luke?" Si Benj ulit.

"Ewan natin." Nakangising pagpaparinig ko. "Depende siguro 'yun, kung may aaming
isang tao riyan."

Tinapunan agad ako ni Luke ng matatalim na sulyap.

"Kayo na ba? Ha, Luke?" Tanong ni Benj kay Luke na may kasamang kalabit.

"Hindi ah." Nakasimangot ito.

Ah! Hindi pala ha? O di sige. Pagtitripan na lang kitang lalo, gago ka!

"Don't worry pare, tanggap na niya na hindi mo talaga siya gusto. She has actually
started to entertain suitors now. Kaya I'm pretty sure, by the time na makabalik
tayo. Naka-move on na yun at may 'first' boyfriend na. Kaya huwag kang mag-alala
pare," Sabay tapik ko sa balikat ni Luke, "Dahil sem break na niya ngayon, I'm sure
pakikipag-date lang ang aatupagin no'n para makalimutan ka."

Hindi man umiimik, ay halatang-halata ko sa paghawak niya ng manibela, na hindi


siya mapakali.

Hmmm.

Konting tulak pa Tristan.

Bibigay din 'yan sa totoo niyang nararamdaman.

Mind over heart ba ang pinaiiral niya?

O eh di, ima-mind game ko siyang unggoy siya.

"Ilang linggo ba tayong mawawala?" Dagdag ko, "Isa.. dalawa.." Na may kasabay na
pagbilang sa aking mga daliri. "Wala pa sigurong isang linggo, limot ka na niya.
'Yun pa! Maganda naman siya, makinis, sexy, matangkad, matalino, mabait, malambing
at totoong magmahal. Aba! Ewan ko na lang kung hindi pa siya pagkaguluhan."

Natataranta na ang body language ni Luke. Ayos! Effective. Success!


Dadag-dagan ko pa sana ang sasabihin ko nang biglang pumreno si Luke, at saka
dahan-dahang umandar ulit ito para pumarada sa tabi. Mabuti na lamang at naka-
seatbelt kami ni Benj. Kung nagkataon, ay pareho kaming may bukol ngayon. Tiningnan
ko si Luke, seryoso itong parang may tintitigan sa may sidewalk. Sinundan ko ang
tingin niya...

Tingnan mo nga naman ang tadhana. Nando'n pala si Bernadette, kumakain ng 'fish
balls' habang may katawanan na isang matangkad na lalaking nakatalikod sa aming
anggulo. Naka-casual na damit lamang ito at nakapusod ang buhok. Totoong semestral
break na kasi talaga niya. Marahil ay nagliliwaliw lamang siya para aliwin ang
sarili niya.

"O, saan ka pupunta?" Tanong ni Benj, nang marinig niyang binuksan na ni Luke ang
kanyang pinto.

Hindi ito sumagot.

Dire-diretsong bumaba lang ito ng sasakyan, at saka ibinalibag ang pagkakasara ng


pinto sa driver's side. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko naman mapigilan ang
pag-tawa ko, nang makita kong nilapitan niya si Bernadette--na mukhang gulat na
gulat sa biglang pagsulpot niya.

Ilang saglit pa ay may ibinulong ito dito--nasa ekspresyon naman ng mukha ni


Bernadette ang pagtataka sa nangyayari.

Natanaw ko rin na kinalabit at kinausap siya noong lalaki. Pero mukhang mainit nga
yata ang ulo ni Luke, dahil sininghalan niya ito ng... 'You back off, stay away
from my girl.' Na agad niyang sinundan ng paghawak sa kamay ni Bernadette, at saka
niya ito hinila papunta sa aming sinasakyan.

"Tristan! Do'n ka sa likod!" Utos nito sa akin na may kasamang pagtampal ng kamay
niya sa windshield--sa side ko.

Tatawa-tawang sumunod lamang naman ako, habang sinusulyapan kong inaalalayan niya
si Dette na makasakay sa front passenger's seat.

Nilingon ako ni Bernadette. Nasa ekspresyon ng kanyang mukha ang nagtatanong kung
ano ang nangyayari kay Luke. Nagkibit-balikat lamang naman ako, sabay ipit ko sa
aking mga labi para mapigilan ang pagtawa ko.

"S-saan tayo pupunta, Luke?" Tanong ni Bernadette.

"Sa inyo. Ituro mo sa akin ang daan." Seryosong sagot ni Luke.

Sumunod naman si Dette.


"Gusto mo bang sumama sa amin?" Tanong ni Luke nang akmang baba na si Dette. Nasa
tapat na kasi kami ng bahay nila.

"Saan?"

"Out of town."

"Gaano katagal?"

"A week or two."

"Naku, Luke hindi ako pwede."

"Bakit? Sem break mo naman daw ah!"

"Oo nga, pero nakakumpromiso na ako na susundan ang parents at mga kapatid ko sa
probinsya bukas. Naka-empake na nga ako eh."

Hindi umimik si Luke. Nakatingin lamang ito sa malayo. Napasulyap naman sa akin si
Bernadette, na parang alalang-alala na hindi nagustuhan ni Luke ang pagtanggi niya.

"K-kailan ba ang alis, at saan tayo pupunta?" Tanong na ni Bernadette. Mukhang


hindi na natiis ang pananahimik ni Luke.

"Ngayon na. Sa Norte. May hahanapin tayong tao." Serysong sagot ni Luke, nakatingin
pa rin sa malayo.

"A-at gusto mo akong isama?"

"Sana. Pero hindi ka naman pala pwede." Sambakol ang mukha ni Luke.

Lumingon ulit sa akin ang nag-aalalang si Dette. Nagkibitbalikat lamang ako at


ngumuso sa direksyon ni Luke.

"K-kung gusto mo talaga akong isama Luke. Ikaw na ang magdala sa akin sa family ko
sa probinsya. Ipagpaalam mo muna ako."

Lumiwanag na parang ilaw ng bumbilya ang mukha ni Luke.

"Tara," Nakangiting sabi nito kay Dette, "Kunin na natin ang bagahe mo."
Hindi na hinintay ang sagot ni Dette. Bumaba na ito, para maalalayan si Dette sa
pagbaba ng sasakyan.

Haist. Ang taong 'yon nga naman.

Naturingang nag-uumapaw ang katalinuhan...

Pero kung bakit ba naman, kailangan ko pang itulak, bago matauhan?

Ewan.

Itanong niyo na lang kay kuwan, na kumuwan kay kuwan. Dahil kung ako ang kukuwanin
niyo.

Kuwan lang ang kuwan dyan.

Kuwan lang yan.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 17

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 17

Bernadette's P.O.V.

Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan ng pagbabago ni Luke. Kung may kinalaman
si Tristan, ewan ko. Basta ang alam ko. Gusto ko 'to, kaya't hindi na ako
magreklamo.

"Magandang araw po." Magalang na pagbati ni Luke sa mga magulang ko.

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya--tulad ng dati. Napaka-guwapo kasi talaga


niya. Siya na nga ang pinaka-guwapong nilalang sa aking paningin. Lalo pa nga at
ngayon na may memorya na ako ng aming mainit na engkuwentro--ng kanyang mainit na
yakap, masarap na halik at ilang minutong pakikipagniig, kahit hindi naman nauwi sa
pagtatalik. Naalala ko pa ang amoy ng kanyang balat-- amoy lalaki, isang mabango at
kahalihalinang amoy ng isang lalaking... mahal na mahal ko.
"Magandang araw naman." Sagot ng Papa kay Luke, habang sumusulyap sa akin at kay
Tristan. Nasa tabi lamang niya si Mama na nakangiting nakapako ang tingin kay Luke.

Alam ni Mama ang tungkol kay Luke. Alam niya na si Luke ang lalaking gusto ko.
Ilang beses ko na siyang itinuro sa kanya, sa tuwing may okasyon sa bahay nina
Tristan, na naro'n siya.

"Salamat sa paghatid ninyo kay Dette." Sabi ni Mama. "Gusto niyo ba ng maiinom?
Mayroon kaming kape, softdrinks, juice..."

"N-naku, huwag na po," Magalang na pagsagot no Luke, "Hindi rin naman po kami
magtatagal." Sumulyap ito sa akin, "At hindi na rin po ako magpapaligoy-ligoy pa.
Narito po kami, kasama nitong Pinsan niya," Itinuro si Tristan, "Para po ipagpaalam
si Dette ngayong ilang linggong bakasyon niya."

Lumingon sa akin si Papa at Mama. Pinagdait ko naman ang aking mga kamay, na parang
nananalangin sa kanila na sana ay payagan nila ako.

"Saan kayo pupunta?" Sagot ni Papa.

"S-Sa bahay bakasyunan po namin sa B-Baguio." Medyo kinakabahan si Luke. "Opo, tama
po sa Baguio. E-eto po." May kinuha siya sa wallet niya na parang calling card,
ibinaligtad niya 'yon, kinuha ang ballpen sa bulsa ng shirt niya, at sinulatan ng
kung ano. "Ito po ang cell phone number ko, address ng bahay namin sa Baguio, pati
na rin po ang numero ng telepono." Sabay abot nito ng card kay Papa--na inabot
naman ng huli. "Sa kabila naman po ng card, ay ang pangalan at numero sa bahay at
opisina ng Father ko po. Tapos eto po," May kinuha ulit siyang isa pang card, na
sinulatan niya rin sa likod, bago iniabot kay Papa. "Eto naman po ang numero sa
opisina ng aking Mama, sa likod po ay ang iba pa pong mga numero niya na pwede niyo
siyang tawagan."

"Ikaw ang nag-iisang anak ni Leopoldo Arevalo?" Gulat na gulat na tanong ni Papa,
matapos niyang basahin ang calling card ng Papa ni Luke.

"A-ako nga po. Bakit po?" Nagtatakang reaksyon ni Luke--napapasulyap ito sa akin.

"So, ang ibig sabihin nito, ay ikaw nga ang anak at nag-iisang tagapagmana ng
bilyunaryong si Leopoldo Arevalo?"

Kitang-kita ko naman ang bahagyang pagbabago ang ekspresyon ni Luke. Mula sa


pagkakangiti, ay para itong nadismaya.

Shucks!

Nakakahiya si Papa. Nag-aalalang sinulyapan ko naman si Mama, na sinenyasan kong


pagsabihan si Papa. Baka kasi isipin ni Luke ay mukhang pera ang aming pamilya.

"A-Anak lamang po niya ako. Hindi po ako ang bil---" Nanlulumong sagot ni Luke kay
Papa habang bumibitaw ng sulyap sa akin.

"Kahit na... ikaw pa rin ang paglalaon ay magmamana ng lahat ng kani---" Tinapik na
ng Mama si Papa.

Shit!

This is too embarrassing. Ano na lamang kaya ang iisipin ni Luke sa aming pamilya?
I am so worried, that this will be a major turn-off for him. Diyos ko. Huwag naman
sana. Gustong-gusto ko talaga si Luke, pero hindi ito dahil sa kayamanan nila. I
can tell you na I know myself. I know I will still feel the same towards him kahit
wala siyang pera... kahit pa nga anak lang siya ng isang ma-bobote sa kanto.

I love him so much. Him. Just him. No strings attached. No ifs no buts.

Mahal ko na siya, at gusto ko na siya kahit noong mga panahon, na hindi pa niya ako
pinapansin. Kaya naman walang pagsidlan ng saya ang puso ko, ngayong parang may
kaunti na siyang interes sa akin. Kahit kaunti lang, masaya na ako. Kahit gatiting
lang, kuntento na ako. Ganun ko siya kamahal. Ganun ko siya kagusto.

"S-so... pwede ko po bang isama si Bernadette, s-sa Baguio?" Magalang na pag-iiba


ni Luke sa usapan.

"Bakit mo naman isasama si Bernadette?" Nakangiting tanong sa kanya ni Papa, "Nag-


iisang anak ko siyang babae, what makes you think na papayagan ko siyang sumama sa
iyo. Ano ka ba ng anak ko?"

"H-ho?!" Halatang-halata ang pagka-nerbyos ni Luke. "Ah, eh... nag-babakasakali


lamang naman po ako, k-kaya po ako pumarito. Kami ni Tristan na pamangkin ninyo,
para maipagpaalam namin siya ng maayos."

"Hindi mo sinagot ang huling tanong ko, hijo."Si Papa ulit. "Ano ka ba ng anak ko?
At bakit ko naman ipagkakatiwala sa iyo ang aking nag-iisang anak na babae para
pumunta sa isang lugar na malayo sa amin?"

"Pa!" Pagsingit ko na, "Gusto ko pong sumama." Baka kasi maunsyami pa ang pangarap
kong makasama si Luke nang mas matagal. "Kasama naman po si Tristan eh. At saka,
ibinigay na naman po ni Luke ang mga contact numbers niya at ng mga magulang niya.
I pretty sure aalagaan niya ako." Sumulyap ako kay Luke na bahagyang ngumiti sa
akin, "Please Pa? Please payagan mo na ako? Promise tatawag ako sa inyo ilang beses
isang araw, para hindi kayo mag-alala."

Napaisip sandali si Papa.


"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." Si Papa, kay Luke ulit. "Ano ka ba ng
anak ko, Mr. Arevalo?"

Oh no!

"Manliligaw po." Magalang na sagot nito, "Makakaasa po kayo na pag-iingatan ko po


ang inyong anak. Malinis po ang intensyon ko sa kanya. Wala po akong masamang
balak. Gusto lamang po namin siyang makasama, kasama ng inyong pamangkin na si
Tristan at iba pa po naming mga kaibigan."

Para namang tumigil ang pagtibok ng puso ko, habang pigil-pigil ko ang hininga ko.

Sana payagan ako ni Papa...

Sana payagan niya ako talaga....

Sana paya--

"Basta tatawag ka parati sa amin, naiintindihan mo?" Pagbaling sa akin ng Papa.

"Opo Papa... Opo Pa!" Tuwang-tuwa ako na napayakap sa kanya. Nasulyapan ko naman na
nakangiti na si Luke--pati na rin sina Tristan at Benj.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa ko habang sumasakay na kami pabalik sa sasakyan.


Daig ko pa ang isang batang nakatanggap ng maraming regalo.

Oh my good God! Thank you po! Thank you at makakasama ko na ang mahal ko nang mas
matagal.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong ko kay Tristan na parang kanina pang hindi
mapakali sa pagpipigil tumawa sa likuran ng sasakyan.

"Wala lang." Matipid na sagot niya, sabay sulyap kay Luke na parang umirap naman sa
kanya.

"What?!" Nakangiting tanong ko naman kay Luke.

"Ewan ko diyan sa pinsan mo." Nakangiting sagot naman nito sa akin. "Nasisiraan na
yata ng ulo." Umiling-iling ito.

Napalingon ako kay Tristan na tuluyan ng humagalpak ng tawa. Ang weird nga ng
dating sa akin, dahil nakasimangot na pinagmamasdan lamang siya ng katabing si
Benj.
Ano ba ang nangyayari dito sa pinsan ko, at tila yata may sariling mundo?

"Sa Baguio ba talaga ang punta natin?" Tanong ko kay Luke.

"Oo." Sagot naman nito. Nakatingin lamang sa daan, "Pero sandali lang tayo ro'n,
ngayon gabi lang, para mapagplanuhan muna natin ang ating mga rota kinabukasan."

Napakunot-noo ako. Mga rota? Saan ba kmi pupunta?

Pero hindi ko na siya kukulitin tungkol doon. Sa ngayon, gusto ko na munang ma-
enjoy ang masarap na pakiramdam na kasama siya. Tutal, kahit saan pa man niya ako
dalhin, sasama ako. Kahit saan, pupunta ako, basta't kasama siya.

"Hindi na ako maglilihim sa 'yo Dette." Biglang sabi sa akin ni Luke matapos ang
isang oras na dire-diretsong pagmamaneho sa North Luzon Express Way. Nilingon ko
sina Benj at Tristan, tulog na ang mga ito. "Maglalakbay tayo sa mga lugar na ako
mismo ay hindi ko pa rin nararating." Pasulyap-sulyap siya sa akin. Hindi naman
niya inaalis ang focus niya sa pagmamaneho, "May kailangan kasi tayong hanapin."

"Ha? Ano? Sino?"

"Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang ipaliwanag sa iyo, pero to sum it all up,
kailangan nating hanapin si Mitch. Kilala mo ba si Mitch? Michelle Javier?"

"Oo, na-meet ko siya sa Ospital nang maospital si Tristan. Bakit? Anong nangyari sa
kanya?"

"Dinukot siya."

"Ha? Alam na ba ito ng mga pulis?"

Kitang-kita ko ang pagbuntong hininga ni Luke. Hindi maipaliwanag ang frustration


na naka-ukit sa kanyang mukha.

"Hindi."

"Ha? Bakit hindi? Humihingi ba sila ng ransom? Pinagbabantaan ba nila ang buhay
niya sakaling magsumbong kayo sa kinauukulan?"

Umiiling na nagbuntong hininga lang ulit si Luke.

"Hindi mga tao ang dumukot sa kanya, Dette."


Halatang hirap na hirap siyang magpaliwanag.

"K-Kung hindi tao..." Ako, "Ano?"

"Hindi ko alam kung maniniwala ka pero..."

"Luke, try me."

"Mga Aswang at ang demonyong pinuno nilang kalahiting Anghel at kalahating tao."

"A-Aswang?" Ramdam ko ang pagtitindigan ng balahibo sa aking batok. "Demonyong


pinuno... Anghel? Kalahating tao?

Nag-aalalang tumango lang si Luke sa akin.

"P-Pero, p-papaano tayo nakakasigurong bubuhayin pa si Mitch ng mga 'yon?"

Kinakabahan na ako.

Oh no... does it mean, may mga Aswang sa pupuntahan namin?

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo Dette. Mamaya na kapag nakarating na tayo sa rest


house namin sa Baguio. Kailangan ko kasing ikuwento sa iyo mula sa umpisa para
maunawaan mo."

Abo't-abot ang hininga ko. Marahil ay nahahalata na rin ni Luke ang pagkabalisa ko.

"Huwag kang mag-alala, Dette." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong
sa hita ko. "Hindi kita pababayaan." At saka ito ngumiti sa akin ng pagkatamis-
tamis.

O my siomai!

How can he do that to me? Paano niya napapawi nang ganun na lang ang takot ko?
Kanina lamang ay kinikilabutan ako, pero ngayon, kinikilig na ako.

Oh my Luke. Why are so adorable? Bakit napaka-guwapo mo? Bakit ang 'yummy' mo?
Bakit isang ngiti mo lang, parang mapipigtal na ang garter panty ko?

"Are you ok?!" Medyo tinapik niya ang pisngi ko.


Shit! Nakatulala na pala ako sa kanya. Nakangiting nakatulala. Nakakahiya!

"Ha? O-oo. May naalala lang ako." Palusot ko at saka ako dumiretso sa pag-upo.

"Anong naalala mo?" Nakangisi siya. Pilyo ang ngiti niya, "Huwag kang mag-alala.
Itutuloy na natin 'yun mamaya." At saka niya kinagat ang ibabang labi niya. "Hindi
na tayo mabibitin, promise."

Holy crap! Did he just said that?

Kinabahan tuloy ako. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko sigurado kung
sa sobrang hiya, o sa sobrang excitement. Basta! Parang tambol ang tibok ng puso
ko. Para ring kinuryente ang buong katawan ko. Para na akong tangang napipi...
walang masabi.

"O, bakit parang ninenerbyos ka?" Nakangising sabi niya ulit, "Huwag kang mag-
alala. I'll be gentle." Tatawa-tawa siya.

Holy Guacamole!

How can he do such a tremendous effect on me. How can he be so freaking annoying,
but at the same time... sexy.

Super sexy.

"Manong Gardo!" Pagtawag ni Luke sa isang matandang hardinero, na mukhang hindi


napansin ang aming pagdating.

"Senyorito?!" Gulat na gulat na sagot nito.

Senyorito? Wow! What can I say?

"Caridad!" Sigaw agad ng matandang tinawag ni Luke na Manong Gardo, habang


sinasalubong nito si Luke, "Narito na ang Senyorito!"

"Ha? Naku sandali" Boses iyon ng isang matandang babae na hindi pa namin natatanaw
kung nasaan.

"Naku!" Sa wakas ay sumulpot na nga ang matandang babaeng tinawag ni Manong Gardo
na Caridad. Nagmamadaling sinalubong nito si Luke. Si Luke lang ang nasa labas,
lahat kami ay nasa sasakyan pa. "Senyorito, akala ko po ay mamaya pang gabi ang
dating niyo. Hindi pa po ako nakakapamalengke. Katatapos ko lamang po muna kasing
ihanda ang inyong mga silid."
"Don't worry Manang Caring. May mga baon naman kaming pagkain sa sasakyan na pwede
naming kainin bago maghapunan. Sa ngayon po ay gusto lang po muna naming makapag-
pahinga."

"Naku, mabuti naman, hijo. Nakahanda na ang tatlong silid. Kailangan niyo po ba ng
tulong namin sa inyong mga bagahe?"

Tatlong silid? Tatlo lang? Naku... mukhang wala talaga sa plano na makasama ako.

"Huwag na po Manang. Isang gabi lamang naman po kami rito. Kami na po ang bahalang
kumuha ng mga gamit na kakailanganin namin."

"Ganun ba? O siya, tumuloy na kayo sa bahay. At ako naman ay mamalengke muna para
sa hapunan ninyo mamaya."

"Maraming salamat po Manang Caring."

"Walang ano man 'yon, Senyorito."

Sinenyasan na kami ni Luke na bumaba na. Kinuha ko lamang ang maliit na bag ko,
kung saan ko pinagkasya ang make-up, toiletries, undies, isang pajama, isang t-
shirt at isang tuwalyang kinuha ko sa mas malaki kong bag, na iniwan ko na lang sa
sasakyan.

"Dito na lang ako sa sofa." Sabi Benj.

"Nope." Sabi naman ni Luke. "Ipinahanda ko ang isang kuwarto para sa 'yo. Dun ka."

"Eh paano si Bernadette?" Tanong naman ni Benj sabay sulyap kay Tristan.

"Don't look at me." Tatawa-tawang sagot ni Tristan, "I love my cousin to death, but
I will not going to give up my room for her." Dumila ito sa akin, at saka ngumisi
kay Luke.

"Ako ang dito sa sofa." Sagot na ni Luke. "Si Dette dun sa kuwarto ko."

Kitang-kita ko naman na inipit ni Tristan ang kanyang mga labi. Halatang nagpipigil
na naman sa pagtawa-- sumusulyap-sulyap ito kay Luke.

I don't exactly know what is up with him. Pero ito lang ang suspetsa ko. Him and
Luke is keeping something from me. Whatever it is, I would really like to know one
of these days.
"Luke... ako na lang kaya dito sa labas," Sabi ko. "Tutal, ako naman ang saling
pusa rito. Ok lang naman. Mukha kumportable naman ang sof--"

"Oh... don't worry about Luke Cuz," Si Tristan, "Hindi rin naman yan magtatagal
mahiga sa sofa. Mas trip talaga niya ang... dumapa sa kama."

Noon na parang matataeng humagikhik si Tristan. Tiningnan lamang siya ng masama ni


Benj at Luke.

"Kanina ka pa ha!" Sabi dito ng iritableng si Benj. "Bakit ba tawa ka nang tawa?!"

Nakita kong natatawa din si Luke-- umiiling-iling kay Tristan.

"Buti alam mo..." Pabulong na sabi ni Luke kay Tristan. Bahagyang sinipa niya ang
namimilipit na si Tristan "Kaya kung ako sa 'yo, huwag kang istorbo mamaya."
Bumungisngis ito.

Oh my... Ano kaya ang ibig sabihin nun?

We spent the whole afternoon para mapag-usapan ang mga plano namin sa aming
paglalakbay. Grabe. Nalulula ako sa kaalaman ni Luke sa geography. Napapatanga rin
ako sa knowledge niya sa samo't saring mga bagay. Lalo tuloy akong nai-inlove sa
kanya. Hindi lamang pala siya ubod ng sexy at guwapo, napakatalino pa.

Nakaplano ang lahat. Kung saan kami pupunta at kung saan kami hihinto--sa eksaktong
oras at lugar. Napag-usapan din nila ang paghahalinhinan nila sa pagmamaneho,
maging ang toka nila sa iba't-iba pang mga bagay. Napaka-organized ni Luke. Wala
akong masabi. Kaya naman buo ang tiwala ko sa kanya na magiging maayos lamang ang
aming paglalakbay

Hindi ko inakalang magiging ganun kabilis ang oras. Matapos naming makakain ng
hapunan, ay tinawagan ko na si Papa. Masaya naman siya at tumupad ako sa pangako
ko. Wala rin naman akong balak na hindi tuparin iyon. Gusto kong makapante sila,
ayoko silang mag-alala.

"Sigurado ka ba na ok lang sa iyo na dito ka mahihiga sa sofa?" Tanong ko kay Luke,


nang nagsimula ng magpuntahan sa nga kuwarto nila sina Benj at Tristan.

"Siyempe hindi..." Nakangiti sita, "Pero ok lang kung katabi kita." At hayun na
naman. Kinagat na naman niya ang kanyang mapanuksong labi.

Kaya naman wala na akong arte-arte. Talo-talo na, dahil kanina pa talaga ako
nanggigigil sa kanya. Pabukakang sumakay na ako sa kandungan niya, na sinundan ng
walang humpay na pakikipaghalikan na ginagantihan naman niya. Ang init ng
pakiramdam ko, marahil ay nakadagdag sa init ko ang nagdadaig na apoy sa fireplace,
kung saan nakaharap ang sofa na aming kinaroroonan.
"L-Luke... I want you so much." Bulong ko, malapit sa kanyang tenga.

"I want you too Dette..." Parang may kuryente ang dampi ng kanyang mga labi sa
aking leeg. "Now, I'm sure." Bulong niya sa gitna ng kanyang mga halik sa aking mga
labi, "Now, I'm sure I really want you too. Dette..." Napadaing siya sa bahagyang
pagkagat ko sa kanyang tenga.

"Dun tayo sa kuwarto Luke..." Bulong ko.

Imbis na sumagot ay binuhat na niya akong, nakabukakang paharap pa rin sa kanya.


Hindi tumigil ang aming paghahalikan. Sa pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto
ay saka niya ako ibinaba at...

"Dammit!" Pabulong na utas niya habang hindi magkadamayaw sa paghuhubad.

Walang kiyemeng naghubad na rin ako, hanggang sa kapwa na kaming humihingal na


hubo't hubad na nakaharap sa bawat isa.

"You so beautiful Dette..." Habang pinapasahadan niya ng tiningin ang aking


kahubdan.

"And so are you, Luke." Naiilang kong sinusulyapan ang kanyang magandang tindig at
pangangatawan.

He definitely takes care of himself. Halata kasi ito sa korte ng muscles sa kanyang
katawan. Maskulado ang kanyang mga braso, buong-buo ang kurba ng kanyang nga dibdib
na sinamahan pa ito ng kalaway-laway niyang 6-pack, na kanina ko pang gustong
hawakan.

Nagkakailangan man ay muli kaming naglapit, naghalikan at nagyakapan. Hindi naman


nagtagal at nawala na rin ang aming pagkakahiyaan.

"Dette... " Daing niya ng hinagod ko siya ng aking mga halik, sa magkabila niyang
dibdib. He moaned nang nagawi ako paibaba sa kanyang abs. Pero nang malapit na
akong dumako sa kanyang puson, ay hinila niya ako paitaas, binuhat at saka inihiga
sa kama.

"Oh my Gosh!" Pabulong na utas ko nang walang pasabi niyang sinisid ang aking
ibaba--nakasampay ang aking pinaghiwalay na binti sa kayang mga balikat. Napakapit
ako nang mahigpit sa unan. Pinipilit na hindi napasigaw kahit gusto ko na talagang
sumigaw

"Luke... Luke!" Ang tangi kong nasasambit habang halos masabunutan ko na siya sa
sobrang sarap ng ginagawa niya.
Medyo napalakas na dainh ko nang maglaon. Para kasing may sumabog sa ibaba ko--na
mabilis na sinundan ng paninigas ng magkabilang binti ko.

"You are very sweet down there baby..." Bulong ni Luke. Na matapos akong sisirin sa
ibaba, ay dumapa na sa ibabaw ko, at ipinuwesto ang kanyang sarili sa gitna ng
aking mga hita.

"I love you Luke..." Bulong ko.

Hindi siya sumagot. Imbes ay hinalikan niya ako sa labi habang itinututok na niya
ang kanya, para umentrada.

"Awww!" Daing ko.

Ang sakit. He is my first.

"Hush..." Bulong niya, habang unti-unting bumibilis ang kanyang pag-atras abante.

Hindi ako sumagot. Dinadama ko lang ang pinaghalong sakit at sarap ng pag-atake ng
kanyang malaking hinaharap.

"Dette... are you ok?" Nag-aalala ang kanyang mukha, bagama't hindi naman siya
tumitigil sa paggalaw.

"Yes." Hinalikan ko siya sa labi.

The truth is, no. I am not ok. I am really hurting down there, dahil parang
pinapasukan ng matigas na batuta ang yungib ko roon. This is my first and he is a
big guy with a relatively big buddy down there. But this is Luke, inside me. Luke,
the love of my life. Luke, my dream guy. Kaya naman kahit paano ay ok na rin ako.
Ok lang na masakit. Ang mahalaga ay siya naman ito--ang lalaking pinapangarap ko...
ang lalaking gusto ko.

Bumibilis ang mga galaw niya, "You are too tight and I'm coming too quickly!"
Malamig dito sa Baguio, pero pawis na pawis siya. Lalo tuloy siyang nakaka-on
tingnan. "Oh, Dette..."Bulong niya kasabay ng nagle-labor niyang pag-hinga.
"Dette!" Nakapikit niyamas idinidiin ang sarili niya.

"Luke..." Bulong ko nang sa kabila ng hapdi ay maramdaman kong na-hit niya ang
aking G-spot.

"Yes?!" Nakapikit na nakatingala siya.

"Don't stop!"
"Ok!" At mas lalo siyang bumilis.

Bilis na nakakaaliw. Sarap na nakakabaliw.

"Shit..." Ako, nang maramdaman ko ang pagsabog ko na halos kasabay ng sa kanya.

Kapwa kaming nanlulupaypay na hinahabol sa aming mga paghinga. Matagal na nakadapa


siya sa ibabaw ko, bago niya naisipang tabihan na ako sa kama.

"Man..."Anya, habang humihingal na nakatulala sa kesame. "I can't remember If I


ever did this with someone, and then feeling this wonderful in the aftermath."

Nakangiting ipinatong ko ang aking baba sa kanyang dibdib.

"Not even with Mitch?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko 'yun.
Napapikit na siya at natawa. Marahil ay naalala niya si Tristan. Nakuha agad niya
na maaring si Tristan ang nagsabi sa akin.

"You don't need to say anything Luke," I giggled. "Enough na ang sinabi mo.
Kuntento na ako dun."

Ngumiti lang naman siya sa akin at saka hinaplos ang aking pisngi.

"I love you, Luke..." Mahinang utas ko.

"Thank you for loving me, Dette." Anya, "And I am sincerely looking forward to feel
the same way, someday."

So... hindi pa rin pala talaga niya ako love? My inner self is pouting, but what
more can I expect? Sa simula pa lang naman, ako lamang naman talaga ang may
nararamdamang espesyal para sa kanya. Hindi ko naman pwedeng asahan na magbabago
ang sitwasyon overnight. At least sincere siya. At least hindi niya ako binobola
para makuha ang gusto niya. Ako ang kusang nagbigay ng sarili ko sa kanya. Masaya
na ako na kahit paanoy rumiresponde na siya.

Kahit hindi pa niya ako mahal, at least mas malapit na siya. Kahit sex lang talaga
ang nangyari sa amin kanina, at least ang katuwang ko ay siya.

Baliw na nga siguro ako para magpaka-gaga ng ganito... pero ano ba ang magagawa ko
kung siya ang idinidikta ng puso ko?
Love hurts, when you love and don't get it back in return. Pero at least, he
already expressed his interest to give it a try.

Maybe someday, he'll eventually love me.

Maybe someday, he'll really care for me.

Maybe someday, we'll be fine.

Maybe someday, he'll be mine.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 18

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 18

Luke's P.O.V.

Hindi ko pa talaga naranasan ang literal na matulog nang may katabi... ngayon pa
lang. Kahit kay Mitch noon, maging kay Alyssa--bagama't may mga pagkakataong
muntik-muntikan na, hindi pa rin nauwi na makatulog akong kasiping sila. Ewan ko
ba. Feeling ko kasi noon, hindi ako magiging kumportable, lalo pa't sanay ako na
solo ko lang ang buong katre.

Ang sarap pala ng pakiramdam ng may kayakap. Lalo na kung ang kayakap mo, ay 'yung
taong tunay na nagmamahal sa 'yo. Sana nga, balang araw, mas maging mas fair ako sa
kanya--na kung sa ngayon ay gusto ko pa lang siya, sana bukas, mahal ko na rin
siya.

"Haaaaaassssaaaaahhhh..."

Isang malamig at kakilakilabot na bulong, habang ako'y nakapikit--half asleep.

"Hhhaassssssaasshhh..."

Bulong na para bang nanggaling lamang sa isang tao o nilalang na nakalapit ang
mukha, sa mukha ko.
Maya-maya'y nakaramdam ako ng malamig na hangin sa aking mukha, at parang
nakaramdam din ng animo'y mga dulo ng buhok na tumutusok-tusok sa aking hubad na
dibdib.

Ah... ganito naman talaga sa baguio, malamig. Pagkumbinsi ko sa aking sarili ko.
Malamang, buhok lang ni Dette ang kumikiliti sa aking dibdib.

Pero....

"Haaaasssssssssaaaahhh..."

Ano 'yun?

Kinakabahan ako. Gustuhin ko mang basta na lang imulat ang mga mata ko, ay
ninenerbyos naman ako. Ano kaya 'yun? At ano itong kilabot na nararamdaman ko?

"Haasssssssssaaaaahhhhh..."

Shit! What is that?

*Haaaaaaaaaasssssss.*

Parang may mamasa-masang kung ano akong naramdamang humahagod sa aking bandang
tiyan.

"Shit!" Biglang sambit ko, sabay mulat. Sinundan ko 'yun ng malakas na sigaw nang
bumulaga na sa akin ang isang kakilakilabot na mukha ng isang babaeng halos
nakadikit na sa mukha ko. Nakalutang siya ng diretsong padapa sa ibabaw ko--hindi
ako makabangon sa kinahihigaan ko.

Nadinig ko ang pagtili ni Dette, na sa pakiramdam ko ay nalaglag na sa kama, at


gumapang na para isiksik ang kanyang sarili sa isang sulok. Ako naman ay heto,
hindi makagalaw. Dahil masyado akong malapit sa babaeng nakalutang sa aking ibabaw.

Hindi ako maaring magkamali. Ito rin ang multong nakita ko no'n sa bahay nina
Tristan--'yung multong sumunod sa condo at nagpakita sa amin ni Dette.

"Nananampalataya ako sa Diyos na makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at


lupa..." Umpisa ng pananalangin ko para solusyunan ang desperasyon ko.

"Isa kang hangal!"

Kakilakilabot na tugon ng multo, gumagalaw siya--lumulutang pa rin habang


pumupuwesto na ito patayo. Tinutungtungan na niya ngayon ang dibdib ko.

"Sino ka ba? A-anong kailangan mo sa akin? B-bakit mo ako sinusundan?" Parang


naninikip ang dibdib ko--hindi ako makahinga.

Ngumisi siya. Nakayuko sa akin.

"Luke! bakit ka sumisiga----" Ani Tristan, kasabay ng pagpasok niya sa pintuan.

Bagama't hindi pa rin ako makagalaw ay lumingon ako sa kanya. Para siyang istatwang
nanlalalaki ang mga mata-- nakatingin sa nilalang na nakatungtong sa aking dibdib.

"T-tulungan mo ako T--t-tristan...." Halos hindi ko na masabi 'yon--hindi na talaga


ako makahinga. Nakapagtataka namang bagama't hindi gaanong nakalapat ang mga paa ng
nilalang na 'yon sa aking dibdib, pakiramdam ko, ay parang may dalawang-daang libra
ng bloke ang nakapatong sa ibabaw ng aking dibdib.

"Umalis ka diyan!" Hiyaw ni Dette sa nilalang na 'yon, iniitsa nito ang kanyang
Rosaryo rito. Hindi ito natinag. Imbes, ay tinawanan lamang siya nito. Tawang
naging halakhak--halakhak na parang sa demonyo.

"Papatayin kita!"

Sabi nito sa akin--boses diyablo. Pagkatapos noon ay mas lalong bumigat ang diin sa
aking dibdib.

I'm dying. I could barely breathe. I know I am fading away.

Away...

Away....

Towards the total darkness.

Lost.

In some ethereal space... into the void.

Para akong lumulutang, walang inaakyatan--walang tinutungtungan. Walang makitang


kahit ano--kahit ang sarili ko. Gising ang aking diwa, ngunit walang maramdaman--
para lamang akong isang kaisipang lumulutang sa kawalan. Walang katawan--walang
kabuuan. May alam na salita, ngunit walang tinig. May kaalaman, ngunit walang
patutunguhan.
Ano kaya ang lugar na ito? Nasaan kaya ako? Kung merong pa nga bang 'ako,' sa
paglisan ko sa mundo...

"Lucas... Lucas..." Isang malamig na tinig sa gitna ng kadiliman. Lucas? Iyon ang
tagalog ng aking pangalan, pero sino naman itong tumatawag sa akin ng 'Lucas?'

"Sino ka?" Tanong ng aking walang tinig na kaisipan. "Nasaan ba ako? Saan ba ako
tutungo?"

Matagal akong naghintay bago may muling nagsalita.

"Lucas... pinababalik ka ng Panginoon. Balik. Bumalik ka. Hindi mo pa panahon para


tumawid."

"Pero paano? Paano ako babalik?"

"Isipin mo kung saan ka nanggaling." Sabi ng tinig, "Isipin mo ang ginagawa mo bago
ka napadpad dito."

"Nasaan ba ako? Ito na ba ang Purgatoryo. At sino ka?"

"Narito ka sa walang katapusang kadiliman. Ang lugar na naghahati sa langit at


lupa... ng buhay at kamatayan. Ako ang tagapagbantay ng lugar na ito." Napakalamig
ng tinig niya. Lamig na nakahahalina. Punong-puno ng kapayapaan.

"A-anong pangalan mo?" Bagama't hindi ko siya nakikita.

"Ako si Sandalphon (1), ang lingkod ng Panginoon." Anya, "Ang naghatid at nag-
antabay sa 'yo sa sinapupunan ng iyong ina. Hala! Sige, bumalik ka na. Bumalik ka
na sa iyong pinanggalingan. At sa iyong pagbabalik. Baunin mo ang pagpapala at
karunungan ng Diyos sa mundo ng nabubuhay, bilang gantimpala ng Panginoong Diyos,
sa palagian mong pagtawag sa kanya."

Parang isang iglap na nagbalik ang diwa ko sa aking katawan. Katawang naka-hilata
pa rin sa katreng higaan.

"Luke, Diyos ko." Umiiyak na bungad ni Dette. Nakapatong ang ulo ko sa kanyang
kandungan. Tinatapik-tapik niya ang aking mukha. "I thought we lost you..."
Humahagulhol siya.

Bumangon ako nang paupo. Ipinuwesto ko ang sarili ko sa kanyang harapan at saka ko
siya inakap.

"Shhhh... I'm here." Habang hinahaplos ko ang kanyang likuran. "Ano ba ang
nangyari?" Pagbaling ko kay Tristan, na nakaupo sa gilid ng kama--sa may paanan.
Natanaw ko rin naman si Benj na nag-aalalang nakatayo sa kanyang bandang likuran.

"Pare, binangungot ka." Anya. "Kahit anong gawin namin, hindi ka magising."

"Natakot kami..." Naiiyak na pagsingit ni Benj, "Lalo na nang tumigil ka nang


huminga. Hindi na rin namin marinig ang tibok ng puso mo. Kaya akala namin..."
Pupungas-pungas siya na parang bata, "Akala namin patay ka na."

"Ha? Eh yung multo? Anong nangyari sa multo?" Tanong ko kay Dette at Tristan.

"Multo? Anong multo?" Nagtatakang tanong ni Tristan.

"'Y-yung nakadagan sa dibdib ko. 'Yung tumungtong sa dibdib ko, kaya't hindi ako
makagalaw at makahinga. 'Y-yung multong nakita ko sa bahay ninyo!"

Nagkatinginan si Dette at Tristan.

"'Yun ba ang napanaginipan mo? S-siya ba?" Tanong ni Tristan.

"Oo." Sagot ko. "At maalala ko nga pala... may utang pa kayong paliwanag ni Dette
kung sino ang multong 'yon. Bakit sabi ni Dette, bata pa lang kayo, nakikita niyo
na 'yon, pero bakit sabi ni Jason, multo 'yon ng katulong ninyong kailan lamang
namatay. Ano ba talaga ang totoong kuwento?"

Nagbuntong hininga si Tristan. Sumusulyap-sulyap kay Dette.

"Halikayo," Pagyaya ni Tristan, "Do'n tayo sa salas, sa may fireplace. Nilalamig


ako rito eh." Tumayo na ito at nauna nang pumunta sa salas. Sinundan siya ni Benj.
Kami naman ni Dette ay nagbihis muna, bago sumunod. Pareho kasi kaming walang
saplot--kapwa nakabalot lang ng kumot.

"Mauna ka na sa salas Luke," Bulong niya sa akin on our way out, "Kukuha lamang ako
ng tubig para sa 'yo." Bumitaw na siya sa akin, akmang aalis na papuntang kusina.

"D-dette?!" Sabi ko. Huminto naman siya at saka tumingin sa akin. "Thank you."
Ngumiti ako.

Ngumuti rin naman ito, bago ito dumiretso.

"Parehong tama ang kuwento."Pag-uumpisa ng kuwento ni Tristan. "Dahil..." Tumingin


ito kay Dette, na para bang nag-aalinlangan siyang sabihin ang gusto niyang
sabihin.
"Dahil?" Nakakunot ako.

"Dahil hindi tao ang naging katulong namin." Nasabi din niya sa wakas. "I mean...
tao siya pero, hindi rin."

Ano raw? Lalo yata akong naguluhan.

"Ha? Kung hindi siya tao na tao rin... eh ano ba talaga siya?"

"Isa siyang 'Mara' (2)."

"Mara?" Ako.

"Oo, Mara... ayon sa katulong naming espiritista. Isa raw itong uri ng demonyong
nagpapalit-palit ng anyo, at pagkatapos ay pumapatay din ng tao sa pamamagitan ng
panaginip. Matagal na itong naninirahan sa aming lugar. Nakatira daw ito sa mga
Acaciang pinutol, bago pa man naitayo ang aming bahay."

Huminto siya sandali na parang nag-iisip.

"Isang araw," Pagtutuloy niya, "Kamakailan lang, bigla na lamang may kumatok sa
aming pintuan, para mamasukan bilang isang katulong. Ayaw sana siyang tanggapin ng
mga magulang ko dahil masyado pa siyang bata. Pero dahil sa kanyang pag-mamakaawa,
napalambot niya ang puso ng aking mga magulang. Wala raw kasi siyang matutuluyan.
Kung paalisin daw namin siya, magpapa-laboy-laboy lamang siya sa daan. Sa awa,
tinanggap namin siya, kahit na walang nakakaalam man lang sa amin sa lugar na
kanyang pinagmulan." Kiniskis niya ang kanyang mga braso na parang kinikilabutan.
"Wala akong pagdududa sa pagka-tao o pagka-demonyo niya noon. Mukha naman kasi
siyang normal na tao. Napaisip na lang ako na may mali sa kanya, nang sinabi sa
akin ni Dette, na parang may nakakahawig siya." Tumingin siya kay Dette, na para
bang nangungusap ito na siya na ang magtuloy ng kuwento.

"Oo." Pagdugtong ni Dette "Kahawig niya 'yung multo o espiritu na umiikot ikot sa
bahay nina Tristan. Kawahig lang naman, hindi eksaktong kamukha. There is something
common in their eyes, it was the way she gazed or stared at me. The evil stare with
her evil eye. Parehong-pareho. Nakapangingilabot. Na para bang, iisang nilalang
lang sila."

"Isang araw," Si Tristan ulit, "May isang matandang babae ang nag-doorbell sa aming
tarangkahan. Nagkataon naman na ako ang naroroon para tanungin siya kung anong
kailangan niya. Nagulat ako nang sinabi niya sa akin ang mga katagang, 'Paalisin
ninyo ang dalagita. Hindi siya buhay, isa na siyang patay na tao na sinasaniban ng
demonyo.' Nanginginig ang boses niya, na parang takot na takot siya. Sumisilip-
silip siya sa loob ng bahay, sa pag-aalalang bigla na laman sumulpot ang dalagitang
kanyang tinutukoy." Kiniskis ulit niya ang kanyang braso sa pangingilabot. Natanaw
ko naman si Benj na kinikilabutan na rin.

"So, anong nangyari?"


"Sinabihan ako ng matanda, na budburan ko raw ng kalamansi o limon ang katawang tao
nito. Hindi raw ito nakakapatay sa demonyo, pero iyon lamang daw ang paraan para
lumabas ang demonyo, sa patay na katawang sinaniban nito. Hindi ko nakayanang
gawin... natakot ako. Kaya 'yung isang katulong namin ang nagpresintang nagsagawa
nito. Kinaumagahan, nakita na lamang namin ang bangkay ng dalagita sa ibabaw ng
kanyang kama. Pero nakapagtatakang nangangamoy na agad ito. 'Yun na ang naging
kumpirmasyon ko, na totoo nga ang sinabi ng Matanda... na matagal na ngang patay na
ang katawang tao ng Dalagita. Nag-alsa balutan ang katulong na nagsagawa nito bago
pa mag-umaga. Marahil ay dahil sa sobrang takot. Hindi ko rin sigurado. Hindi kasi
ito nagpaalam sa kahit kanino. May mga haka-haka ang mga taong, ito raw ang pumatay
sa dalagita dahil sa selos. Maari ngang totoong may kinikimkim na galit ang
naglayas na katulong sa Dalagita, but I know better. Alam kong wala siyang pinatay.
Ginawa lamang niya ang tama... Para na rin mailigtas ang kanyang taksil na nobyong
hardinero namin, na nahumaling noong mga panahon na iyon, sa hindi naman pala buhay
na tao. Mahal na mahal kasi niya ito, sa kabila ng pagtataksil nito."

Huminto ulit siya at nag-isip.

"Ang problema," Si Tristan ulit, "Mas nakasama pa yata ang nangyaring iyon. Ayon sa
Demonoligists at ilang eksperto na nakausap ko. Ang isa raw Alp o Mara, kapag
nilapatan ng pangontra para mapaalis, ay bumabalik ulit na mas mabagsik. Gumaganti
raw ang mga ito, at nagiging mas mapanganib, sa kahit sinong nakakakita sa kanila.
Doon daw sa mga taong may ikatlong mata (3) o 'yung may ikaanim na diwa (4). Tulad
mo, tulad ko, tulad ni Rhea, ni Helga at ni Dette. 'Yan ang tunay na dahilan kung
bakit ayokong lubusang buksan ang aking ikatlong mata. Sa halip, ay..."

"Ay?" Ako.

"Gusto kong makahanap ng paraan para lubusan ko na itong maisara."

______________________________

Footnotes:

(1) Sandalphon (the protector of unborn children): is an archangel in Jewish and


Christian writings. Twin brother of the archangel Metatron. He is uniformly
depicted as extremely tall-he exceeds Hadraniel (another angel) in height by a 500-
year foot journey. [Wikipedia]

(2) Mara or Mart (A female Alp) A demon. A shapeshifter that sits astride a
sleeper's chest and becomes heavier until the crushing weight awakens the terrified
and breathless dreamer. The victim awakes unable to move under the alp's weight.
This may have been an early explanation for sleep apnea and sleep paralysis, as
well as night terrors. It may also include lucid dreams.

(3) The third eye (also known as the inner eye) is a mystical and esoteric concept
referring to a speculative invisible eye which provides perception beyond ordinary
sight.
(4) Ikaanim na diwa: Sixth sense. A supposed intuitive faculty giving awareness not
explicable in terms of normal perception.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 19

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 19

Jason's P.O.V.

"Mummm..."

Isang malaking surpresa, ang pagdating ng aking biyenan. Karga-karga niya ang aming
panganay na si Jasper. Ang laki na niya. Palibhasa'y dalawang taon na namin siyang
hindi nakakasama. Doon muna kasi ito nanirahan sa aking biyenan, alang-alang sa
kanyang kaligtasan. Pinagtatangkaan kasi ni Lucio ang kanyang buhay, sa matinding
takot na matupad ang prospesiyang, si Jasper mismo ang papatay sa kanya.

"Oh my baby..." Giliw na giliw na salubong ni Helga sa aming anak, at sa kanyang


nakangiting Mama--ang biyenan ko. "Miss na miss na kita." Maluluha-luha niyang
binuhat ito.

"Mummy..."Nakakatuwang sambit ulit ni Jasper.

Tuwang-tuwa si Helga. Ang sarap daw kasing pakinggan at malaman, na kahit na nasa
malayo siya, kilala siya nito bilang kanyang ina.

"How about Daddy? Do you know Daddy?" Si Helga. Itinuturo ako. Ngumiti ako at
pinagmasdan siya.

Hindi ito nagsalita. Pero nakapagtatakang nakatitig ito sa akin na parang isang
matanda. Meron sa kanyang mga titig na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko matukoy,
pero kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Mukhang napansin din ni Helga at Mama Marietta, ang kakaibang pag-titig sa akin ni
Jasper. Tagos ito sa kaluluwa ko, kung kaya't ako na rin ang sumuko at umiwas ng
tingin.
"What's the matter, Jasper?" Tanong ni Helga sa bata, "Why are you looking at your
Daddy that way?"

Imbes na sumagot ay may itinuro ito sa bandang likuran ko. Hindi pala ako ang
tinititigan niya. Kinabahan ako, hindi makagalaw.

"W-what anak? W-what do you see behind me?" Tanong ko. Medyo bumubuwelo na para
tumakbo.

"Dubuhh..." Sabi nito. Sabay turo ulit sa bandang likuran ko.

"Ano po ang ibig sabihin no'n?" Tanong ko sa biyenan ko, na ngayon ko lang
napansing, medyo namumutla.

"Dubuh means Devil."Sagot ng biyenan ko. May takot rin sa kanyang mga mata.

What? Pero bakit itinuturo niya ang likuran ko. Nasa likuran ko ba ang Diyablo?
Ano?!

"Daddah Dubuh Mee-mee." Si Jasper, sabay abot niya ng kamay niya na para bang gusto
niyang magpabuhat sa akin. Kinuha ko siya kay Helga at binuhat.

"What does that mean?" Tanong ko ulit sa biyenan ko na nagsilbi na ngang translator
ko.

"Daddy, there's the Devil, take me." Sagot ng biyenan ko.

"P-po ano po ang ibig niyang sabihin doon?" Kinikilabutan ako.

"Hindi ko sigurado." Sabi ng biyenan ko, lumilingon-lingon at tumitingin din sa


itaas. "Pero malamang na may nakita siya kanina sa likuran mo."

What?

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Dumikit ako ng kaunti kay Helga. Nakahinga ako
nang maluwag nang hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit ba dito kayo lumipat?" Si Mama ulit. "Hindi ba kayo kumportable sa condo ko?
Meron pa naman akong isang bakanteng bahay dito sa Maynila. Doon na lang kayo."

"Bakit po ba Mama?" Si Helga, "Ano po ba ang nararamdaman ninyo sa bahay na 'to?"


Hindi ito sumagot. Para talagang may hinahanap siya sa paligid.

"Wala po ba kayong nakikita, tulad ni Jasper?" Tanong ko.

"Wala, pero may nararamdaman ako." Anya. "Galit na galit ito sa pag-uwi ni Jasper
dito."

"Kanina ko pa napapansin," Pag-singit ni Helga, "Bago pa dumating sina Mama at


Jasper, Parang may mga aninong umiikot-ikot na dito sa bahay. May isa pa nga na
nakita kong papunta sa laundry area sa basement kanina, sinundan ko, pero ikaw
lamang naman ang nakita ko do'n. Nakatayo ka sa may washing machine."

What? Hindi naman ako nagpunta sa basement ngayon ah.

"Love, will it scare you if I say. I've never been to the basement today?"

"What?!" Instant ang pamumutla ni Helga.

"Huwag na kayong magdalawang-isip." Si Mama, "Hindi rin talaga maganda ang


pakiramdam ko sa bahay na 'to." Hinahawakan nito ang kanyang leeg, na parang
nasasakal "Masyado siyang malakas!" At nagsimula nang umubo si Mama. "Sumama na
kayo sa akin, mag-madali kayo!" At umubo ulit ito. "Akin na si Jasper." Kinuha ulit
nito si Jasper, at saka lumabas ng bahay.

Sumugod agad kami ni Helga sa aming kuwarto, at saka nagdali-daling nag-empake.


Napansin kong parang inuubo na rin si Helga. Hinahawakan nito ang kanyang leeg na
para bang, may sumasakal din sa kaniya. Papalabas na kami ng kuwarto nang...

"Love," Anya. "'Yung cellphone..." Umubo ulit siya, "'Yung cellphone ko, pakiabot.
Baka diyan tumawag sina Luke."

Walang salita, dali-dali ko iyong kinuha, at saka mabilis na lumabas "'Yung


cellphone..." ng bahay, na kasama siya.

"Bakit parang, kayo lang po ang nakakaramdam?" Tanong ko, habang nasa loob na kami
ng Van, ng aking biyenan. May driver siyang matandang lalaki.

"Hindi ko alam." Sagot ng aking biyenan. "Isa lamang ang nasisiguro ko. Galit siya
kay Jasper, marahil ay dahil sa, hindi tumatalab kay Jasper ang kanyang pag-atake.
Sa amin ni Helga, dumadaplis, ang masamang enerhiyang, nagmumula sa kanya.

"Saan niyo po kami dadalahin, Mama?" Tanong ni Mama.

"Doon na muna kayo sa 'Paraeiah' hanggang sa makapanganak ka, Helga. Sa dami ng


tik-tik na nakita kong nasa bubungan ng apartment niyo kanina, hindi ako
matatahimik, hangga't hindi ko nasisigurong ligtas kayong mag-anak."

Mga Tik-tik? May mga Tik-tik sa aming bubungan?

"Kamusta na kaya sina Luke?" Tanong ko kay Helga, kinabukasan.

Nakatanaw kami ngayon sa mapayapang karagatan, habang naroon kami sa isa sa


napakaraming balkonahe, ng mala-palasyong bahay ng aking biyenan.

"Hindi ko nga alam eh. Wala naman kasing signal dito. Napakalayo natin sa
kabihasnan."

Napabuntong-hininga ako. Nag-aalala.

"Masyado nang matagal ang pagkawala ni Mitch." Biglang sabi ni Helga. Hindi
nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa karagatan. "Masama na ang kutob ko."

"Masama ang kutob? Na ano? Sa palagay mo ba, ay sasaktan siya ni Lucio?"

"Hindi 'yun."

"Eh ano?"

"Masama ang kutob ko, na isa ito sa mga plano ni Lucio, para masilo niya si Jasper,
balang araw."

"Anong ibig mong sabihin?"

Imbes na sagutin, ay tiningnan niya ako ng mata sa mata.

"I love Mitch to death," Anya, "Pero kailangan kong maging maingat, para sa
kapakanan ni Jasper."

Hindi ko makuha, ang ibig niyang sabihin. Kaya't napakunot-noo ako.

"Pakipaliwanag mo naman Helga. Hindi kita maintindihan."

"Parating sinasabi sa akin ni Mitch. Na kapag babae ang kanyang naging anak,
irereto raw niya ito kay Jasper."

"So?"
"I love Mitch to death, she's my bestfriend, pero dahil sa hindi natin siguradong
nangyayari sa kanila ni Lucio ngayon, gusto kong tulungan mo ako, na makasigurong,
hindi ang magiging anak niya, ang makakaparehas ni Jasper balang araw."

"Ha? Pero bakit?"

"Anong bakit? Papaano kung malaglag siya sa bitag ni Lucio? Paano kung may
nangyayari na sa kanila ngayon? Paano kung magbunga 'yon, at gamitin ni Lucio ang
bungang 'yon, para masigurong, ito ang makasilo kay Jasper sa pagdating ng
panahon?"

Gano'n na kalayo nakarating ang alalahanin niya? Pero, may punto siya. Paano nga
kaya?

"Anong gusto mong gawin ko?"Ako.

"Gusto kong ipasa sa 'yo ang pagpili ng ipapareha kay Jasper sa takdang panahon.
Iyon lang ang pwede kong safe excuse, para tanggihan ang gusto niyang mangyari,
kung magiging babae man, ang kanyang magiging anak. Mabuti na ang nag-iingat.
Ayokong mapahamak ang ating anak."

Tumango ako, at inakap siya.

"Ako na ang bahala do'n, Love." Bulong ko. "Ako na ang bahala."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 20

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 20

Mitch's P.O.V.

Hindi ko akalain, na magiging napaka-buti ang pagtrato sa akin ni Lucio. Sa kabila


ng ilang beses na pagtatangka kong tumakas, ni minsan ay hindi niya ako sinaktan.
Nagagalit lamang siya ng kaunti, pero lumilipas din. Parati siyang nakatutok sa
akin. Ang dami niyang mga utusan, pero nakakamangha na siya mismo ang nagsisilbi sa
akin. Siya ang nagdadala ng pagkain ko. Siya mismo ang naniniguro kung kumportable
ako.
Kung hindi ko lang talaga alam, na isang libong taon na, ang guwapong Nephilim na
ito, malamang, nahulog na ako. Wala pa kasing lalaking nag-alaga at nagmalasakit sa
akin ng ganito. Wala pang lalaki ang nagparamdam sa akin, na ako lang ang
pinakamahalagang babae sa buong mundo. Siya pa lang.... siya pa lang talaga.

I wish Benj could even get close to half. Sadly, Benj is just like a little boy.
Kailangan, siya ang aalagaan mo. Kailangan, siya ang pagsisilbihan mo. Palibhasa,
spoiled brat. Sanay siyang nakukuha ang mga bagay-bagay, nang hindi niya
pinaghihirapan. Para sa kanya, ang lahat ay disposable--na pwede niyang kuhanin at
itapon na lamang basta--kahit kailan niya gustuhin. Isa siyang lalaking,
nakakapagod mahalin.

Bakit nga ba ako nagtatyaga sa kaniya?

Ano nga ba ang meron siya, at nagpapakagaga ako sa kanya?

"M-mitch... M-Mitch..." Isang tinig, mula sa isang sulok. Narinig ko iyon. Papadaan
ako sa isang madilim na pasilyo, patungo sa aking silid.

Binagalan ko ang paglalakad. Luminga-linga sa hindi mabilang na mga madilim na


sulok at silid; Hinanap ko kung saan nagmumula ang impit na tining.

Ilang hakbang pa, ay may humila sa akin sa isang madilim na sulok. Noon ko na
napagalama, na si Alyssa ito. Nanginginig. Halatang may kinatatakutan.

"B-bakit?" Bulong ko sa kanya.

"G-gusto mo bang makatakas?" Pabulong na tanong niya.

"Tinatanong pa ba 'yan Alyssa? Ikaw ba?"

"Mitch..."Umiiyak na siya, "Hindi ko na kayang manatili rito. Pagod na pagod na


ako. Dalawang taon kong pinlano ang pagtakas ko, pero gusto kitang isama, kung
gugustuhin mo."

"Ano bang plano mo?"

"Ilang buwan na ang nakalilipas, may nadiskubre akong lagusan sa ilalim ng


Kastilyo. Ang lagusang iyon ay napag-alaman kong may tatlong sanga-sangang lagusan.
Ang unang lagusan, ay papunta sa dagat-dagatang apoy. Kung impiyerno 'yun, hindi ko
alam. Basta't ang alam ko, maraming demonyo ang nakatira doon. At maraming bihag na
tao, ang pinahihirapan doon, araw at gabi--"

Muli siyang sumilip sa pasilyong pinanggalingan ko. Marahil ay para makasigurong


walang dumadaan.
"Ang ikalawang lagusan," Pagtutuloy niya, "Ay papunta naman, sa isa sa mga daanan,
papunta sa balong walang hanggan. Hindi ako masyadong makalapit doon, dahil sa
malayo pa lamang ay parang may matinding puwersang humihigop na sa kaluluwa ko
ro'n. Ayon namayapang tauhan ni Lucio, na siyang gumabay sa akin sa mga lagusang
'yon. Doon daw kasi naka-kulong ang mga pinarusahang Anghel ng Diyos. Wala raw
nakakalapit doon, maging si Lucio. Hindi ka na raw kasi makakalabas pa, kapag
pumasok ka roon. Nakabukas ang lagusang iyon, makakapasok ka, pero hindi ka na
makakalabas pa nang walang permiso ng Diyos. Pahigop kasi ang pwersang nagmumula
roon, at hindi pabuga."

Tumingin ulit siya, luminga-linga sa mga natatanaw naming sulok. At pagkatapos


no'n, ay mas hinatak niya ako papalapit sa kanya, at mas mahinang bumulong--na
halos dumikit na ang kanyang mga labi sa aking tenga.

"At ang ikatlong lagusan, ay ang lagusan papunta sa... Banal na bundok."

"Saan? Sa Bulacan?"

"Oo."

"Nasa Bulacan ba tayo?"

Imbes na sagutin ako agad, ay matama niya akong tiningnan at...

"'Yun ang magiging matindi nating suliranin, Mitch. Nasa Bulacan ang hangganan ng
lagusan, pero tayo ay nasa..."

"Nasa?"

"Isla ng Palaui."

Nanlaki ang mga mata ko. Isla ng Palaui? Sa Cagayan? Eh nasa tuktok na ng mapa ng
Pilipinas 'yon ah?

"S-so paano? Kailangang lakarin natin mula Cagayan hanggang Bulacan?"

Nagbuntong hininga ito at saka tumango.

"Anak ng tokneneng, Alyssa. Hindi kaya, parang nag-suicide na rin tayong dalawa? At
saka, paano ang anak mo? Si Katrina. Kaya ba niyang maglakbay ng ganoon kalayo?"

"Hindi ko anak si Katrina, Mitch."


Natulala ako sandali.

"Matagal nang namatay ang anak ko." Anya. Malungkot ang kanyang mukha.
"Ipinagbubuntis ko pa lamang siya, nang..."

"Nang?"

"Kinain siya ng kanyang sariling amang Aswang sa aking sinapupunan." At nagsimula


na siyang humagulhol. Tinakpan naman niya ang kanyang bibig, para hindi siya
makalikha ng ingay.

"Kung ganun? Kaninong anak si Katrina?"

"Anak siya ni Lucio."

I know.

"Pero kanino?"

"Kay Senda."

Para akong nabigi sa sinabi ni Alyssa. Sinong Senda? 'Yung kahawig kong, tiyahin ni
Helga? Gusto kong tanungin si Alyssa, kung ang Sendang tinutukoy niya, ay ang
tiyahin ni Helga, pero bigla ko namang naalala, na wala namang alam si Alyssa
tungkol kay Helga, bukod sa pangalan nito.

"Maari mo bang linawin kung sinong Senda ang tinutukoy mo?"

"Hindi ko rin siya kilala." Anya. "Basta ang sabi ng mga nakakatandang kawal dito.
Si Senda raw ay ang dating kasintahan ni Lucio. Kinuha raw ni Lucio ang bata, noong
mismong araw na ipinanganak ito. Ginawa raw ito ni Lucio, para mapilitang sumama sa
kanya si Senda. Pero hindi nangyari 'yon. Nanatili lamang ito, kung saan ito
naroroon. Sa isang liblib na baryo sa Visayas. Kung saan, nabalitaan na lamang daw
itong, pinatay na ng mga taong baryo."

Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Positibo. Ang Tiya nga ni Helga ang tinutukoy
niya.

"Ilang taon na ba si Katrina?" Tanong ko.

"Apat. Maglilima. Bakit?"

"H-ha? W-wala... curious lang." Mali pala ang aking tantiya. Mukha kasi itong mas
bata.

Medyo napaisip ako. Hindi pa rin maka-recover sa kagimbal-gimbal na rebelasyong,


kadugo pala ni Helga, ang batang 'yon. At hindi lang basta kadugo... kundi kadugong
dalawang beses. Naalala ko, kadugo ni Lucio si Helga, mula sa angkan ng mga
Villaluz--sa side ng kanyang ina, at si Senda naman, ay kadugo ni Helga, sa side ng
kanyang ama.

Ang malaking tanong lamang sa aking isipan ngayon, ay kung may alam kaya si Helga,
na may anak pala ang kanyang Tiya Senda? At sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, na
pwedeng maging ama ng anak niya, ay ang demonyong si Lucio pa?

"So paano, Mitch? Sasama ka ba sa akin?" Tanong niya, na bumasag sa aking pag-
iisip.

"Kaya ba natin 'yon? Ang layo noon Alyssa? Baka mamatay tayo sa pagod at gutom. At
sa kahabaang 'yon sa ilalim ng lupa, sigurado ka bang, makakahinga pa tayo ro'n?
Hindi mo ba naisip na, baka mamatay din tayo sa kawalan ng hangin?"

Bigla siyang nanlumo, parang iiyak na.

"Pero hindi ko na kaya ang buhay ko rito, Mitch." Nag-umpisa na siyang umiyak,
"Mabuti sa 'yo, mabait si Lucio. Pero sa aming lahat. Malupit siya. Isa siyang
demonyong, hayok sa laman. Baka ikamatay ko rin kung magtatagal pa ako rito. Kaya't
kung ayaw mong sumama, ay ako na lang ang aalis mag-isa."

"Alyssa naman..."

"Itutuloy ko ang plano ko, kahit ako lang. Ang pakiusap ko lang sa 'yo, huwag na
huwag mo itong mababanggit kahit kanino. Alam ko, hindi tayo magkasundo. Ni hindi
tayo mag-kaibigan. Pero nagtitiwala ako sa 'yo, na hindi mo ako ipapahamak. Sana
nga, hindi mo ako ipahamak."

Akmang aalis na siya, nang hinila ko ang braso niya.

"Kailan mo planong tumakas."

"Hindi ko pa alam. Hahanap pa ako ng tamang tiyempo."

Dali-dali na siyang umalis.

[Itutuloy]

=================
KABANATA 21

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 21

Mitch's P.O.V.

Nag-alala ako kay Alyssa. Pero hindi ko sigurado kung gusto kong sumama. Imposible
nang maglakbay nang ganun kalayo sa ibabaw nga lupa, paano pa kaya kung sa ilalim
pa? Hindi ko kakayanin 'yon. Sigurado akong hindi. Ang lakarin pa nga lang ang
kahabaan ng Edsa, hindi ko na kaya. 'Yun kayang Cagayan to Bulacan pa?

"Saan ka nanggaling?" Si Lucio. Naroon siya sa silid ko. Nakatalikod sa akin.


Nakatanaw sa labas ng bintana.

"Nag-libot lang." Walang gana kong sagot. "Hindi ko na kasi alam kung papaano ko pa
paglalabanan ang pagka-bagot ko rito."

Lumingon ito, at pagkatapos ay hinarap ako. Napakaguwapo talaga niya. Napaka-amo ng


kanyang mukha.

"Kung naghahanap ka ng matatakasan. Kalimutan mo na. Walang ibang ligtas na daanan


dito palabas, kundi ang pintuan sa harapan."

Ang pintuan sa harapan? Kung saan isang libong demonyo ang nagbabantay?

"Huwag ka ring magkakamaling isipin," Dugtong niya, "Na hindi ko alam ang pinaplano
ni Alyssa. Alam kong matagal na siyang pumupunta sa lagusan, para pag-aralan kung
paano siya makakatakas dito. Pabayaan mo siya. Hayaan mo siyang magtangkang tumakas
sa lagusang 'yon. Tingnan lang natin, kung makakalampas man lang siya, sa ika-isang
libong bahagi."

"Hindi mo man lang ba siya pipigilan?"

"Bakit ko siya pipigilan? Gusto niyang magpakamatay... ang mag-lakbay ng


imposibleng layo gamit lamang ang kanyang mga paa? Humayo siya, at magpakatanga.
Wala akong pakialam sa kanya."

"Eh para saan ba ang mga lagusang 'yon, kung wala rin naman pala ang nakakawala?"

"Sumunod ka sa akin..." Akmang papalabas na siya ng pinto.


"Saan tayo pupunta?"

"Sa lagusan."

Napatulala lang ako.

"Gusto kong ikaw mismo ang makikita,"Dugtong niya, "Para malaman mo kung para saan
'yon. At nang makapagdesisyon ka na rin, kung sasama ka ba sa kanya."

Lumabas siya ng pintuan. Sumunod ako. Hindi ko na mabilang kung ilang pasikot-sikot
ang aming nilikuan. Pero isa na ngayon ang nasisiguro ko. Naliligaw na ako. Hindi
ko na alam ang pabalik sa silid na tinutuluyan ko.

Matapos namin magpaikot-ikot sa ika-labing tatlong palapag ng kastiyo, ay bumaba


kami sa ikalabing-dalawa, pababa sa ikalabing-isa, hanggang sa, nakakapagod na
makarating kami sa unang palapag.

Grabe! Pagbaba pa lamang mula sa tore--sa ikalabing-tatlong palapag, hanggang sa


unang palapag, pagod na ako. Papaano pa kaya, ang pagpunta sa lagusang tinutukoy ni
Lucio?

Sa unang palapag, ay marami ulit pasikot-sikot. Daig pa namin ang nasa gitna ng
maze sa dami ng nililikuan. Maya-maya lamang, ay huminto si Lucio. Binuksan ang
isang 'door in the floor'... kung saan mayroong hangdaanan pababa sa basement.

Nagsimula akong magbilang ng baitang, mula sa ground floor, papunta sa basement.


Napakatarik at napakipot kasi noon. Ang malala pa ro'n, wala man lang itong
hawakan. Halos paupo na akong bumababa sa bandang gitna. Nalulula na ako,
nanginginig ang mga binti, na para bang isang kalabit na lang, ay mabubuwal na ako
at malalaglag. Hindi ko dapat maramdaman, pero nakampante ako nang hinila ako ni
Lucio papalapit sa tabi niya. Bahagyang nawala ang aking kaba, nang ikinulong niya
ako sa kanyang mga bisig, bilang suporta.

Pinaghalong kilabot at pandidiri ang nararamdaman ko habang tinatanaw ko ang hindi


mabilang na demonyong nakikipag-orgy, sa hindi mabilang na mga babae at lalakeng
tao sa kalawakan ng basement. Nagkalat sila. Walang ginagawa kundi kalaswaan.
Nakakabibingi ang kanilang pinaghalo-halong ungol at hiyaw, kasama na rin ang
panaghoy ng mga lalake at babaeng taong, halatang dumadaing sa hirap. Noo'y
napagtanto kong, hindi gusto ng mga lalake at babaeng tao, ang kanilang ginagawa.
Napipilitan lamang sila, dahil wala naman silang magagawa.

"Huwag kang maawa sa kaluluwa ng mga lalake at babaeng 'yan." Utas ni Lucio, habang
sumasapit na kami sa pinakahuling baytang.

169 steps. 'Yun ang dami ng nabilang kong baitang.

"Kaluluwa?"
"Oo, kaluluwa. Kaluluwa na lamang sila, hindi mo ba nakikita?"

Ikinurap ko ang aking mga mata, at pinagmasdan silang mabuti. Oo nga ano?
Translucent na ang kanilang kabuuan. Bagay na hindi ko nakikita sa malayuan.

"'Yan ang mga kaluluwa ng maruruming mga lalake at babaeng hindi tinanggap ng
langit. Sila 'yaong nabuhay sa kalaswaan at pagnanasa sa mundo. Mga lalake at
babaeng nagbebenta ng laman. Mga lalake at babaeng nakikipagtalik sa hindi naman
nila asawa. Mga kabit, nakikiapid. Nang-aagaw ng asawa ng may asawa. Lahat ng
gumagawa ng pagniniig na hindi pinahihintulutan ng Diyos--sa bahagi na ito ng
mundo, ay naririto, at sa dalawa pang palapag pababa."

Kinabahan ako. Para kasing tinamaan ako, sapol sa mukha ko. Nakikipagtalik ako sa
hindi ko naman asawa, hindi man ako kabit, pero hindi ko rin naman asawa si Benj...
o si Luke.

Parang gusto kong umiyak. Ayokong mapunta rito. Kailangan ko ng magbago, o


makahingi man lamang ng tawad sa Diyos, bago ako matigok.

"Kaya ikaw... huwag ka munang mamatay!" Tatawa-tatawa pa ang demonyong si Lucio,


"Pero kung sakali mang piliin mo ang magpakamatay sa pagtakas. Alam mo na ngayon
kung saan ka mapupunta. Dito."

'Yn na nga po ang bantang kinatatakutan ko.

"I-ito na ba ang impyerno... o purgatoryo?" Nanginginig na tanong ko.

"Impyerno? Purgatoryo?"

"Oo, impyerno. Kung saan dinadala ang mga makasalanan. At ang Purgatoryo, kung saan
naghihintay ang mga kaluluwa kung saan sila pupunta. K-kung saan ipinagdadasal s-
sila ng mga tao para mapunta sila sa langit."

Imbes na sagutin ako, ay humalakhak ito ng pagkalakas-lakas. Halakhak na medyo


nakapukaw ng pansin sa ibang mga demonyo at taong nago-orgy.

"Hindi ako Anghel ng Diyos para bigyan ka ng kaalaman at babala." Seryosong sabi
niya.

Mukhang wala talaga siyang balak sabihin kung ano ba talaga ang lugar na ito, kaya
naman hindi na ako nag-pumilit. Sinundan ko na lamang siya ulit, patungo sa isang
butas, na maihahalintulad sa bunganga ng isang kuweba.

Makulimlim ang lugar. Mamasa-masa ang lubak-lubak na batuhan. Wala akong naririnig
kundi ang aming mga yabag, at ang pagtulo ng mga tubig na umaalingaw-ngaw sa loob
ng kuweba. Isang milya rin ang aming nilakad, hanggang sa humantong na kami sa
kalagitnaan ng kuweba na may tatlong lagusan.

Lumingon sa akin si Lucio, ngumisi, at saka nag-umpisang maglakad sa unang lagusan.


Sumunod ako. Kalahating milya mula sa aming pinanggalingan, ay nagsimula na akong
makaamoy ng animo'y nasusunog na laman.

Napahinto ako. Napaubo. Nagbabadyang masuka. Ang baho. Amoy nabubulok. At ang init.
Para akong niluluto.

"Gusto mong tumuloy?" Nakangising tanong ni Lucio.

Imbes na sumagot, ay inayos ko ang sarili ko. Tinakpan ko ang bibig at ilong ako,
at muli siyang sinundan.

Sa paglalakad namin ay nakatanaw na ako ng isang mas maliit na lagusan sa di


kalayuan. Umiilaw iyon na maihahalintulad sa nagbabagang hurno. Mula roon, ay unti-
unti na rin akong nakarinig ng sabay-sabay na daing at panaghoy.

Diyos ko! Ito na nga yata ang impiyerno, na ayon sa paniniwala at pagkakaalam ko.

Nasa bungad na kami ng lagusang iyon, nang inilahad ni Lucio ang kanyang kamay,
para abutin ang akin kamay.

"Halika. Silipin mo." Sabay hila sa akin.

Pinaghalo-halong kilabot, takot at kaba ang aking naramdaman, nang masilip ko na


kung ano ang naroroon.

Isa itong napakalawak na dagat-dagatang apoy. Nasa itaas na bahagi ang aming
anggulo, kaya't malawak din ang aking natatanaw. Hindi ko alam kung gaano kami
kataas, pero masasabi kong para kaming tumatanaw sa bagin. Sampung libong
talapakan? Isang daan libo? Ewan ko. Basta ang alam ko. Napakalalim at napakalawak
nito.

Hindi mabilang ang dami ng mga hugis taong animo'y palutang-lutang sa dagat-
dagatang apoy. Pawang mga umiiyak, dumadaing at humihiyaw sa matinding sakit.

Sa paligid noon--sa animo'y dalampasigan, ay nagkalat ang mga demonyong kanya-kanya


ng ginagawa. Ang iba ay nagk-katuwaan. Ang iba ay, may animo'y mga taong
pinahihirapan sa samo't-saring paraan. Sa mga lubak na pader at kesame ng mala-
kuwebang hugis simboryo (1), ay ang mga kakilakilabot na dami ng tao na animo'y
nakadikit doon. Dumadaing din. Humihingi ng tulong, para makawala.

Maaring nakakaya ko pa ang mga nakikita ko, pero hindi ko na makaya ang sang-sang
ng amoy. Ang amoy ng lugar, ay maihahalintulad ko, sa nabubulok o naagnas na
katawang nasusunog. Walang sariwang hagin sa paligid, kaya't halos hindi ako
makahinga.

"Aaarkkhh..." Sumuka na talaga ako sa isang gilid. Nakangisi lamang naman Lucio sa
akin. Nakatayo sa aking tabihan. "H-hindi ko na kaya." Nasusuka pa ring sabi ko sa
kanya.

"Gusto mo pa bang pumunta sa dalawa pang lagusan?"

"A-ayoko na... hindi ko na kaya Lucio. Masama na ang pakiramdam ko. Sa ibang araw
na lang."

Akala ko ay may sasabihin pa ito. Akala ko ay kukutyain pa niya ako. Kaya naman
nagulat ako, nang biglang mas lumapit ito, para buong lambing na buhatin niya ako
papaalis sa lugar na iyon.

------------------------------

Footnote:

(1) Simboryo (Dome)

[Itutuloy]

=================

KABANATA 22

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 22

Mitch's P.O.V.

"Magpahinga ka na, Michelle." Malabing na sabi sa akin ni Lucio, habang kinukumutan


niya ako.

Nanginginig ako at pinagpapawisan nang malamig. Hindi ko pa rin matanggal sa aking


isipan, ang mga nakita, naramdaman at naamoy ko sa unang lagusan.

Nakatatakot. Nakadidiri. Nakakikilabot.


"S-saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya, nang akmang aalis na siya.

"Sa aking silid." Nakangiti siya nang bahagya. "Bakit?"

"H-Huwag mo akong iwan." Umiiyak ako.

Ewan ko. Pero pagkatapos ng aking mga nakita, parang hindi ko na kaya ang mag-isa.

"Gusto ko na rin magpahinga, Michelle." Anya.

"Dito ka na lang magpahinga," At binuklat ko ang kumot sa aking tabi.

Natigilan siya. Halatang nagulat sa aking paanyaya.

"Hindi maari." Anya, at saka tumalikod.

"Pakiusap." Bumangon ako ng paupo. Umiiyak. "Huwag mo akong iwan Lucio. Natatakot
ako."

Lumingon siya sa akin, at saka humarap nang nakangisi.

"Sa akin? Hindi ka ba natatakot?" Nakahalukikip ito. "Alalahanin mong mabuti kung
sino ako, babae. Hindi ako nagbibigay ng pabor nang walang kapalit." At saka niya
ako tiningnan na parang nang-aakit.

"Anong kapalit? Katawan ko?" Nairita ako sa gitna ng panginginig ko.

Humalakhak siya at lumakad papalapit sa gilid ng kama.

"Oo." Lumuhod ito sa kama, at gumapang papalapit sa akin. "Ibibigay mo ba?" Halos
nakadikit na ang mukha niya sa aking mukha.

Napakaguwapo talaga ng walanghiya. Ang amo ng kanyang mukha. Demonyo man siya kung
tutuusin, pero siya lamang ang lalaking tumrato ng maayos sa akin. Kung kay Benj
'to, hindi na niya ako tatanungin, basta na lamang niya akong gagalawin. Kung kay
Luke naman, kukunin lamang niya, at pagkatapos ay, parang walang nang nangyari sa
amin.

Natutukso. Natutukso ako sa guwapong demonyong ito. Hindi ko alam kung bakit, pero
parang nahuhulog ako.

Shit! This can't be happening.


Unti-unting napawi ang pagngisi niya, habang unti-unti kong inilalapit ang aking
mga labi sa mga labi niya. Dahan-dahan na ring lumambot ang itsura niya, nang ang
mga ito'y naglapat na.

Bahala na... bahala na lang talaga... Dahil sa ngayon, ay gustong-gusto ko na siya.

Dumadaing ako, habang parang sinasamabang hinahalikan niya ang bawat parte ng aking
katawan. Wala siyang itinira. Isinubo niya pati ang mga daliri ng aking mga paa.

"Michelle... michelle..." Bulong niya sa aking tenga, "Napakaganda mo, Michelle..."


At saka niya buong lambing na hinalikan ang aking mga labi, ang aking magkabilang
panga, ang palibot ng aking leeg, pababa sa aking magkabilang dibdib.

Nasasabunutan ko na siya, dahil sa kanyang ginagawa, sa gitna ng aking mga hita.

It was so good, I couldn't even explain it.

"Sambutin mo ang aking binhi, Michelle..." Bulong niya, bago ang kanyang unang
entrada.

"O-oo... O-oo." Wala sa sarili kong sagot. Hindi ako mapakali nang binilisan na
niya. This is way better. Way better than Benj's.

Si Benj... naalala ko si Benj. Shit what am I doing? Benj, maybe imperfect, pero
siya ang mahal ko. Shit! Shit!

"Bitiwan mo ako Lucio!" Sigaw ko, habang patuloy pa rin siya sa panghihimasok niya
sa akin. Hindi niya ako pinakinggan. Bagkus ay ipinako niya ang aking mga braso, sa
madiing pagtuon niya sa mga ito. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Umiiyak na sigaw
ko. Pero hindi niya ako nadidinig.

Anong klaseng babae ako? Bakit ko nagawa kay Benj ito? Diyos ko! Tululungan niya
ako. Iligtas niyo ako sa Demonyong ito.

"Michelle..." Hiyaw ni Lucio, habang isinasalin na niya sa akin ang kanyang punla.

"Noooooo!" Hiyaw ko. "Noooooooo!" Humagulhol na ako. "Nooooo!"

Napasighap ako. Bumangon nang paupo sa... kama ko.; Basang-basa ng sariling pawis.

Panaginip? Panaginip lamang ba 'yon?


Tiningan ko ang aking sarili. Suot ko pa naman ang suot ko kanina. Tiningnan ko ang
buong paligid. Nag-iisa lamang naman ako.

Hinahabol ko pa ang aking hininga, nang mapansin kong, gumagalaw ang dooknob,
bumubukas na rin ang pinto.

"Mitch!" Si Alyssa. Humahangos na lumapit at umupo sa kama ko.

"B-Bakit?"

"Dinala ka ba ni Lucio sa Lagusan."

Napaisip ako. Hindi ko kasi matukoy kung, kasama ba 'yun sa panaginip ko.

"H-hindi ko sigurado, Alyssa. B-bakit mo naitanong?"

"Nakita ko kasi kayo ni Lucio na nag-tungo doon." Anya. "Inabangan ko ang


pagbabalik ninyo, sa isang sulok malapit dito sa iyong kuwarto. At natakot ako,
nang nakita kong buhat-buhat ka na ni Lucio na walang malay."

So, totoo ang bahaging 'yon? Pero paano naman kaya 'yung pakikipagtalik ko kay
Lucio?

"G-gaano katagal, bago mo ako pinuntahan dito?" Tanong ni Alyssa.

"Medyo matagal din. Hinintay ko munang lumabas si Lucio. Medyo matagal siya dito sa
loob ng kuwarto mo, mahigit isang oras."

Shit! Lalo akong naaburido. Kinakapa-kapa ang iba't-ibang parte ng katawan ko.
Nakipagtalik nga ba ako sa kanya? Hindi, hindi, sana naman ay hindi.

Humangos ako sa banyo. Dali-daling hinubad ang saplot ko, at saka ko tiningnan ang
bawat bahagi ng aking katawan. Kinapa ko rin 'iyon' at nakapa kong basang-basa
'yon. Napamura ako. Mukha nga yatang hindi panaginip 'yun. Nakipag-talik nga yata
ako sa demonyong 'yun.

Hindi ko alam kung iiyak ako o mag-wawala. Pero nasa labas lang si Alyssa. Ayokong
makahalata siya sa aking inaalala. Dali-dali akong naligo, tinuyo ang sarili,
nagbihis, at saka lumabas.

"Okey ka lang ba?" Bungad agad ni Alyssa.

Hindi ko alam.
"H-ha... o-oo."

"Para kasing namumutla ka." Sabi niya.

"Alyssa. May itatanong lang ako."

"Ano 'yon?"

"May naririnig ka ba dito sa loob ng kuwarto, habang naririto si Lucio?"

"Wala naman. Pero nasilip kong..."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Nasilip mong ano?"

"Nasilip kong, nakatitig sa 'yo si Lucio habang natutulog ka. Nakaupo siya do'n,"
Itinuro ang upuang nakaharap sa aking kama, "Sa silyang 'yon."

"B-bukod doon? Meron pa ba?"

"O-Oo, parang nagdedeliryo ka. Hinawakan ka lang niya sa noo, at pagkatapos noon
ay, tumahimik ka na."

"'Yun lang?"

"Oo 'yun lang? Bakit? Ano pa ba ang dapat mad-"

"Wala Alyssa... wala."

Siguro nga, panaginip lamang 'yon. Oo, sana nga... panaginip lamang 'yon. Diyos ko,
sana panaginip lang talaga 'yon.

"So paano? Sasama ka ba sa akin?"

"H-hindi ko pa sigurado Alyssa. Baka mapahamak lang tayo. Ang sabi ni Lucio, alam
daw niya ang binabalak mo. Pero hindi ka raw niya pipigilan, dahil alam niyang,
hindi mo rin makakayanan."

Napaisip si Alyssa.
"Kung ganun, dapat pag-isipan ko pa 'yung isa." Bulong niya. Pero nadidinig ko.

"Anong isa?"

"Yung isa pang pwede nating labasan."

"H-ha? Saan?"

Inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ko at...

"Sa silid ni Lucio." Napakahinang sambit nito.

"H-ha? Papaanong..." Napakahinang sagot ko rin.

"Mayroon siya sikretong daanan do'n. Sa ilalim ng kanyang katre. Doon siya
dumadaan, kapag gusto niyang umalis dito nang walang nakakaalam."

"Pero paano mo nalaman ang tungkol doon?"

"Kay Katrina."

"Sinabi niya sa 'yo?"

"Hindi. Sinundan ko siya, nang minsang pumasok siya sa kuwarto ni Lucio. Kunwari
hinahanap ko si Katrina, pero ang totoo, gusto ko lang malaman kung saan siya
papunta. Nakita ko siyang pumunta roon. Susundan ko sana siya papasok doon, pero
dumating si Lucio. Nagtago ako sa isang sulok. Nasilip kong, nahuli ni Lucio si
Katrina na papalabas sa sikretong 'pinto sa sahig' na 'yon. Kinagalitan nito ang
bata, at doon ko nadiskubre, sa tema ng kanyang pananalita, na 'yon nga ang short
cut papunta sa..."

"Sa?"

"Sa labas. Partikular sa Tuguegarao City, Cagayan. Pero..."

"Pero ano?"

"Pero hindi rin tayo makakalabas doon, kung hindi natin dala ang susi."

"Anong susi?"
"Yung susi na isa sa palawit sa kwintas ni Lucio."

"Ha? Eh pa'no naman natin makukuha 'yon sa kanya."

Nagbuntong hininga muna siya, luminga-linga.

"Hinuhubad niya iyon, kapag naliligo siya." Anya. "Kung tutulungan mo ako, pwede
nating kunin iyon sa kanya.

"Sa papaanong paraan naman kita matutulungan, Alyssa?"

Tinitigan muna niya ako nang mabuti, at saka hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hindi naman na siguro lingid sa iyo, na may gusto sa iyo si Lucio. Kung
matutulungan mo ako na tuksuhin siya, na maligo kasama ka, pwede kong makuha 'yun,
habang naliligo kayo."

"Ano? Ayoko nga."

"Mitch... gusto mo bang makawala dito o hindi?"

"Gusto."

"Tulungan mo ako. Magtulungan tayo. Pakiusap."

Napaisip ako. Kinakabahan.

"Kailan mo balak gawin?" Ako.

"Sa lalong madaling panahon, Mitch. Hindi ko na talaga kayang manatili rito. Kung
ngayong gabi... magagawa mo ba?"

"Ngayon?"

"Oo, ngayon Mitch. Ngayon na, please?" Umiiyak na siya. Halatang-halata na


desperada na.

Hindi ko siya masisi, dahil hindi naman talaga biro ang pinagdadaanan niya sa kamay
ni Lucio.

"O s-sige... sige." Kinakabahang sagot ko.


Samantala, sa kabilang dako...

Benjamin's P.O.V.

"Luke, dumidilim na. Ok lang siguro kung huminto muna tayo, at maghanap ng
matutuluyan." Si Dette, kay Luke, habang nangmamaneho ang huli.

Ilang oras na rin kaming bumibiyahe. Ilang beses na rin kaming nagpapalit-palit sa
pagmamaneho. Ako ang nagmaneho mula Baguio paakyat sa Bokod. Mula Bokod pababa ng
Aritao ay si Tristan naman ang pumalit. Nagmaneho rin si Dette, mula Aritao,
paakyat sa Bayombong, ako ulit mula Boyombong paakyat sa Cordon. Nasa Cordon na
kami, nang medyo naligaw kami, kaya naman si Luke na ulit ang nagmaneho, hanggang
ngayong papasok na kami sa siyudad ng Santiago, Isabella. May markang ekis kasi, sa
Tuguegarao, Cagayan, kaya't 'yon muna ang pinakiramdaman ni Luke na unang
pupuntahan.

"Mabuti pa nga," Sagot naman ni Luke. "Medyo bumabagsak na rin kasi ang mata ko.
Masakit na ang likod ko, at medyo nagugutom na ako sa tunay na pagkain."

Tunay na pagkain. Natawa ako ro'n. Paano'y puro chichirya at sandwiches lang ang
aming kinakain. Maging ako man, nagugutom na sa tunay na pagkain. Kahit na... wala
pa rin talaga akong gana... walang gana sa kahit ano. Lalo pa't habang tumatagal na
wala si Mitch sa tabi ko, ay parang unti-unti na rin akong tinatakasan ng pag-asa.

Miss na miss ko na si Mitch. Sana naman ay ayos lang siya. Hindi ko na talaga kaya
ang sobra-sobra kong pag-aalala. Pakiramdam ko, kaunti na lang, masisira na ang ulo
ko . Hindi kasi ako nakakatulog. At kung nakakatulog man, mahaba na ang tatlong
oras.

"May kaibigan ako dito sa Isabella." Si Dette, habang parang nagte-text. "Sinabi
kong naririto tayo. Pumayag siya na do'n muna tayo tumuloy sa lumang bahay nila.
Wala naman daw nakatira doon pero malinis naman. Linggo-linggo nilang nililinis."

"Pwede naman tayong mag-hotel na lang." Sagot naman ni Luke.

"Gagastos ka pa ba, kung pwede namang hindi na?" Sagot nanam ni Dette sa kanya.

"I'm just saying," Sagot ulit ni Luke, "Ayoko naman kasing makaabala tayo."

"Naku hindi," Sagot ni Dette. "Ok lang 'yun sa kanya. Naroon na nga siya at
hinihintay na tayo. Eto ang address oh." At ipinakita niya ang nakasulat na address
sa phone niya.

"Ah, ok." Sagot naman ni Luke. "Thank you." At hinaplos nito ang pisngi ni Dette.
"Pero kumain muna tayo bago tayo pumariyan. Pakisabi sa kaibigan mo, para naman
hindi siya mainip."
"Oo." At hinaplos din niya ang pisngi ni Luke.

Darn it! Naiinggit ako. Lalo ko tuloy nami-miss ang Mitch ko.

***

"Feel at home." Sabi ng kaibigan ni Dette. Isa itong babaeng kasing edad niya.
"Wala namang nakatira diyan, simula ng umalis ang nangungupahan no'ng isang buwan.
Kung isang gabi lang, wala namang kaso 'yun."

"Maraming Salamat, Midred ha?" Si Dette, habang yumayakap sa kaibigan niya.

"Walang anuman 'yon, Dette. What are friends for, hindi ba?" Ngumiti ito kay Dette,
at sa aming lahat, "So paano, kayo na ang bahala. Eto ang susi, "Iniabot niya ang
susi kay Dette, "Pakidala niyo na lamang doon sa bahay ko bukas, bago kayo umalis."

"Oo, Mildred. Salamat ulit."

Lumang bahay? Sa labas pa lamang ng bahay, parang kinakabahan na ako. Mukha kasing
panahon pa ni Bonifacio ang yari nito.

"So paano?" Si Luke, habang nakaakbay kay Dette. "Magkanya-kanya na muna tayo."
Habang papasok sa kuwartong napili niya, para sa kanila ni Dette. "Hinahanap na ng
likuran ko ang kama." Tatawa-tawa ito.

"'Yun lang ba?" Parang nang-aalaskang tanong ni Tristan.

"Siraulo." Tatawa-tawang sabi sa kanya ni Luke, bago tuluyang pumasok.

Hindi ako dalawin ng antok. Well, hindi lang dahil sa, tila nang-iinggit na
umaatikabong aksyon na naririnig ko, dahil sa langit-ngit ng kama, at impit na mga
daing nina Luke at Dette sa kabilang kuwarto, kundi dahil na rin sa sobra-sobrang
pag-aalala ko kay Mitch.

Kamusta na kaya si Mitch? Kamusta na kaya ang mahal ko? Sana naman ay hindi siya
sinasaktan ni Lucio. Sana naman... walang masamang nangyayari sa kanya, sa kamay
nito.

Kung hindi, ay hindi ko makakayanan. Kung hindi ay habang-buhay kong bibitbitin,


ang pagkapahamak niya nang dahil sa aking kagagawan.

[Itutuloy]
=================

KABANATA 23

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 23

Mitch's P.O.V.

"Tumuloy ka na, Michelle." Boses ni Lucio.

Nakapagtatakang hindi pa man din lumalapat ang aking mga daliri, ay alam na niyang
nasa labas ako ng kanyang kuwarto.

Kinabahan ako. Paano kaya niya nalaman?

Marahan ko nang binuksan ang pinto, at nakita ko siyang nakatayong paharap sa sa


may pinto.

"Anong sadya mo?" Seryoso ang mukha niya, pero parang nakangisi naman ang kanyang
mga mata.

"W-wala. G-gusto ko lang..."

Ano ba ang sasabihin ko. Ano ba ito? Nagblangko yata ang utak ko.

"Kung ipinadala ka dito ni Alyssa, para kunin ang susi dito sa kwintas ko,
kalimutan mo na." Medyo nagdiin ang kanyang mga panga.

Kinabahan ako. Alam kong namumutla na rin ako.

"Hindi ko alam kung bakit may mga tao pa rin dito sa aking teritoryo, na hindi
makaintindi, na bilang ko kahit ang mga hininga niyo!"

Lalong kumabog ang dibdib ko. Alam niya? Alam niya lahat?

"Alam kong gusto mo ring makatakas dito." Anya, habang lumalapit sa akin, "At alam
ko rin kung ano ang ipinunta mo rito." Ngumisi ito. Ngising demonyo. "Tutuksuhin mo
ako, para makuha ang susing ito?" Habang ipinakikita niya, ang susing nakalawit sa
kanyang mahabang kuwintas.
Hindi ako makapagsalita. Nanginginig sa takot. Sino ba naman ang hindi matatakot,
sa taong alam ang iyong pinaplano at ginagawa?

"Alam kong nag-aalinlangan kang sumama kay Alyssa, dahil alam kong..." Napahinto
siya, nakatitig sa akin, kaya naman napatitig na rin ako sa kanya. "Alam kong...."
Parang hirap na hirap siyang sabihin. "Alam kong may nararamdaman ka na, kahit
papaano para sa akin."

Parang iiyak na ito, parang kinukurot ang puso ko.

"Kung itong susi ang gusto mo," Tumulo na ang isang luha sa kanyang kabilang mata,
"Heto, ibibigay ko na sa 'yo." Hinubad niya ang kanyang kuwintas, at saka iniabot
sa akin. "Pero ikaw lang ang palalayain ko." Nag-aabot-abot ang paghinga nito.
"Ikaw lang ang patatakasin ko." Mas lalong tumitindi ang pag-iyak nito.

"P-pero, bakit? Anong kapalit?"

"Isa lang..."

"Ano 'yon?"

"Ang hayaan akong makita kang muli, nang hindi pinipilit, sa labas."

Parang ako naman ngayon ang maluluha.

"Kamukhang-kamukha mo talaga si Senda." Tuloy-tuloy ang agos ng luha niya, "Dahil


sa 'yo, naalala ko siya."

Lumapit na ako sa kanya, at inakap ito. Niyakap din naman niya ako, at tuluyan nang
humagulhol.

"Pero hindi ikaw si Senda, kaya't kailangang pakawalan kita." Kinalas na niya ang
pagkakayakap niya sa akin at saka umupo ng nakayuko sa kanyang kama.

Hindi ko mapaniwalaan na may malambot na bahagi pala ang kanyang pagkademonyo. Si


Senda? Si Senda lang ba ang dahilan kung bakit siya naging masama?

"Si Senda ba ang--"

"Hindi! Wala pa sa mundong ito si Senda, ganito ako."

Biglang naalala kong, mahigit sa isang libong taon na nga pala ang edad nito.
Samantalang si Senda, ay kailan lamang ipinanganak, malayong kasunod ng
kapanganakan ng tatay ni Helga.

"Pero nang dahil sa kanya, ginusto kong magbago." Pagtutuloy niya, "Pero hindi
talaga siguro para sa akin ang mag-bago, nang---"

Tumayo na siya, lumakad sa harap ng ding-ding, nalatalikod sa akin. Matagal siyang


tahimik laman na nakatayo roon--nakatuon ang kanyang magkabilang kamay sa pader.

"Umalis ka na Michelle, bago mag-bago ang isip ko." Nakatalikod pa rin siya.
Halatang itinatago ang mukha niya.

"Pero..."

"Alis na Michelle."

"May itatanong muna sana ako sa 'yo."

"Ano 'yun?" Mababa at mahina lamang ang boses niya.

"Gusto ko lang itanong kung... kung may..." Paano ko ba sasabihin? Nagkakanda-utal


ako--unti-unti naman siyang humaharap. "Kung may nangyari sa--"

"Bakit? Nagsisisi ka ba?" Nakangisi siya.

Oh no! Is that a confirmation?

Sigurado ako. Namumutla na ako. Sigurado ako. Kitang-kita niya ito.

Humalakhak siya. Halakhak ng isang demonyo.

Shit! Did I just had sex with this, Devil?

"Ano sa tingin mo?" Anya. Nakatawa.

Napangibit ako. Gusto ko nang umiyak. Magwala... magpakamatay. Papaiyak na ako saka
ko naman nakita ang pag-babago ng expresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang
nakatawa, ay unti-unting nagiging siryoso na.

"Huwag kang mag-alala. Ilusyon lang ang lahat ng 'yon." Anya. Nakahinga ako ng
maluwag, "Pero kapag hindi ka pa umalis ngayon, tototohanin ko na 'yon. Umalis ka
na. Bilisan mo. Hahabulin kita. Kapag inabot kita, Wala ka nang kawala. Akin ka na,
at hindi na makakaalis pa." Dahan-dahan itong lumapit sa akin. "Umpisahan mo na ang
pagtakbo Michelle," Napapaatras ako, habang siya nama'y umaabante. "Bilisan mo.
Huwag kang hihinto. Kapag inabot kita... habang panahon ka na rito."

Parang tambol ang kabog sa dibdib ko. Bumibilis ang kanyang pag-abante, habang ako
naman ay patakbo nang tinungo ang 'pintuan sa sahig'--na sa ilalim ng kanyang kama,
kung saan ako dali-daling lumusot.

Shit!

Ang tarik ng pilipit na hagdanan. Mabuti na lamang at may hawakan. Ang tayog nito
ay katumbas ng labing-tatlong palapag. Nakahihilo, lalo pa't parang nag-papaikot-
ikot ako sa pagbaba ko. Nasa katumbas ako ng ika-sampong palapag, nang marinig ko
ang yabag ni Lucio sa bandang itaas. Tumingala ako. Tulad ng kanyang sinabi,
hinahabol nga niya ako.

Nataranta ako. Medyo sumasama na ang pakiramdam dahil sa pagkahilo. Halos


bumaliktad na din ang sikmura ko, habang nakikita ko ang mga nakadidiring
nagliliparang demonyo.

Halos namatay ako sa sindak, nang huminto ang animo'y higanteng dragon sa aking
tapat. Natigilan ako sandali, pero nang maulinigan kong muli ang mga yabag ni
Lucio, ay agad na naman akong nagmadali.

Nangangantog ang tuhod ko. Pinaglalabanan ko ang pagkalula at takot. Lalo pa't
parang sinusundan ako ng Dragon, habang bumubuga ito ng apoy kung saan ako
paparoon.

Namumula sa init ang bakal na hawakan at hagdaan. Nang dahil do'n ay wala ako
mahawakan.

"Pakakawalan daw ako." Bulong ko, habang parang nakikipagpatintero sa apoy. "Pero
parang pinaglalaruan lamang naman yata niya ako."

Duda man sa intensyon ni Lucio na pakawalan ako, ay nagdirediretso lamang ako.


Bahala na. Ang mas mahalaga, ay lumaban man lamang ako para makawala.

Nasa katumbas ng ikaanim na palapag na ako, nang lubayan ako ng dragon. Hindi ko
naman alam kung magpapasalamat ako, gayung pinalitan naman ito na isang dimakmak na
mga paniking sabay-sabay na lumilipad paikot sa akin.

Napahiyaw ako, nang muntik na ako ng malaglag, dahil sa isang paniking, sumalampak
sa mukha ko. Mabuti na lang nakakapit ako. Mabuti rin at nakabalanse ako.

Tumingin ako sa itaas, at nadiskubreng mas malapit na si Lucio. Ang lakas naman ng
pakiramdam kong, sinadya niyang utusan ang mga nilalang na ito, para mas bumagal
ang pagbaba ko. Hindi ako sumuko. Halos wala man ako makita, ay nagpatuloy lang ako
sa nakakahilong pagbaba ko.
Nasa katumbas na ako ng ikalawang palapag, nang lubayan ako ng mapapanghing
impakto. Akala ko'y tapos na ang kalbaryo ko, hanggang sa makita ko,kung ano ang
itsura ng bababaan ko.

Hindi mabilang na iba't ibang uri ng ahas, ang gumagapang sa mismong lupang
hangganan--na kahit saan ko tingnan ang kapaligiran, ay wala man lamang akong
puwedeng tungtungan.

Paano 'to? Saan ako tutungo. Nasa katumbas ng unang palapag na ako, nang napahinto
ako. Pilit iniisip, kung paano ba ang susunod na gagawin ko?

Tumingin ako sa itaas, papalapit na si Lucio. Tumingin ako sa ibaba, walang


pagsidlan ang dami ng ahas dito.

Natataranta na ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mukhang sayang lang yata ang pagod ko.

Dahil mukhang WALANG KAWALA nga yata ako rito.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 24

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 24

Mitch's P.O.V.

Habang lumalapit ang mga yabag ni Lucio-na para bang nangungutya pa sa dahan-dahan
niyang pagpapatunog sa kanyang pagyapak sa bawat baytang, hindi ko naman malaman
kung magpapatiwakal na lamang ako sa paglalakad sa gitna ng mga ahas, o hahayaan ko
na lamang na maabutan ako ni Lucio, para maging bihag niya habang buhay.

Alin nga ba, ang mas tamang desisyon?

Ang magpakamatay para makalaya, o ang sumuko para habang buhay na maging bilanggo?
Nasa katumabas na siya ng isang palapag, nang nagsimulang umalingaw-ngaw ang
kanyang halakhak.

"Paano Michelle," Anya, mula sa itaas. "Akin ka na ba?"

Para akong naiihing hindi mapakali. Ano na? Sa kanya na nga lang ba ako? Mas
gugustuhin ko na nga bang, mabuhay ako, para habang buhay niyang maging preso? O
ang mamatay na lumalaban para makalaya ako?

Bahala na. Bahala na talaga. Mas mabuti na nga sigurong mamatay na lamang ako,
kaysa ang maging habang-buhay niyang maging bilanggo. Kung mabubuhay man ako, si
Benj ang gusto kong makasama, hindi siya, at kung mamatay man ako, at least, hindi
ako sumukong muli siyang makita.

Benj... Benj. Miss na miss na kita. Kahit babaero ka, makulit at isip bata, ay
mahal na mahal kita. Kung mabigo man ako, at hindi na ako makawala dito, sana ay
alalahanin mo, na mas mahalaga para sa akin ang buhay mo, kaysa sa buhay ko.

Mga sampung talampakan na lamang ang layo ni Lucio--mula itaas hanggang sa


tinutungtungan ko, nang pikit-matang tumalon na ako sa gitna ng nakapangingilabot
na mga ahas. Iba't-iba ang kanilang laki, kulay, hugis at haba. Ang pagmasdan
silang gumagapang, ay tunay namang nakakabahala.

Mga sampung metro mula sa pinanggalingan ko, ay nakapagtatakang unti-unti silang


naglalaho. Nawala na lamang sila, na para bang guni-guni ko lamang na sila'y
naroroon. Napalingon ako sa likod para malaman kung nasaan na si Lucio, wala siya
roon. Kaya naman laking gulat ko nang pumihit ako, at binulaga niya ako sa harapan
ko.

"Huli ka." Anya, sabay dakma sa magkabilang bewang ko--nakangisi.

"Bitiwan mo ako, Lucio." Nagpupumiglas ako, umiiyak. "Dinaya mo ako, demonyo ka!"
At saka ko pinaghahataw ang dibdib niya. "Mandaraya ka!" Hiyaw ko, "Pinaglaruan mo
lamang ako!" Nagwawala na ako.

Humalakhak siya na para bang nakakaloko. Pinagtatawanan ang bawat hataw ko.
Pinabayaan lamang niya akong magwala, hanggang sa paglalao'y humupa na ang lakas
ko.

Kumpirmado.

Puro ilusyon lamang ang mga nakita ko. 'Yung dragon, 'yung mga paniki at mga ahas.
Oo Lahat 'yon, ginawa niya, para may dahilan siyang paglaruan ako at pagtawanan.

"Hindi na ako nagtataka ngayon, kung bakit mas minabuti na lamang ni Senda ang
mapalayo sa 'yo," Nanginginig na sabi ko. "Nakasisiguro ako, na tulad niya, mas
mabuti pang mamatay na lang ako, kaysa ang makasama mo!" Sabay tulak ko sa kanya.
Pero malakas talaga siya. Hindi ako makawala sa pagkakahawak niya sa aking
balakang.

Matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon, ay nagbago na an ekpresyon ng kanyang
mukha. Mula sa nakakaasar na ngisi, ay bigla itong nalungkot. Kasabay nito ang
unti-unti niyang pagbitaw sa sa aking balakang, hanggang sa tuluyan na niya akong
nabitawan.

Abot-abot ang aking paghinga. Hindi ko tuloy malaman ngayon, kung maiinis ba ako sa
kanya o maawa. Naiinis ako sa ginawa niya, pero naawa naman ako sa itsura niya.
Para siyang nalugi, parang isang batang paslit na inagawan ng kendi.

Kawawa naman. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Halatang-halata tuloy, na sira
na nga ang ulo niya, dahil kay Senda.

Si Senda, ang nag-iisang babaeng, may kayang pagbaguhin siya, na siya ring nag-
iisang may kayang, wasakin siya.

Mapalad nga siguro na nagkataong kahawig ko siya, kung hindi... baka tulad ni
Alyssa, ay ni wala man lamang akong ni gatiting na pag-asang makawala pa sa kanya.

Matagal siyang walang imik. Nakatingin lamang sa sahig, lupaypay ang balikat.

"Tumakbo ka na Michelle, bago pa magbago ang isip ko."

Mababa ang kanyang tinig. Halatang seryoso na. Hindi pa rin siya nakatingin sa
akin. Nakayuko pa rin siya, nakatingin sa kanyang mga paa.

Habang sinasabi niya ang huli niyang tinuran, ay may itinuro siya sa kanyang
bandang kanan. Isa itong maliwanag na butas, na animo'y lagusan na isa't kalahating
milya ang layo.

"Doon ang daan." Anya. "Tumakbo ka nang diretso. May mga hahadlang sa 'yo, pero
kahit ano ang mangyari, huwag kang lilingon, dahil oras na lumingon ka, hindi ka na
makakaalis dito magpakailanman." 'Yun lang at pumitik siya, bago tuluyang naglaho.

Kinakabahan ako, pero determinado ako. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito,
kahit na natatakot ako kung saan ako iluluwa ng lugar na ito.

Tuguegarao? Hindi pa ako nakarating sa Tuguegarao. Pero mas mamatamisin ko ang


mawala sa ibabaw ng lupa, kaysa ang panghabangbuhay na makulong, sa hindi ko
maipaliwanag na lugar na ito--sa ilalim ng lupa.

Kung impyerno ba ang lugar na ito, o purgatoryo, malay ko! Hindi naman kasi sinagot
ni Lucio ang mga katanungan ko ukol sa lugar na ito.

Sa una ay dahan-dahan akong nag-lakad, hanggang sa bumilis, na medyo parang


patakbo, hanggang sa tuluyan na nga akong tumakbo. Walang iniisip kundi ang makita
ko ulit si Benj, ang mga kaibigan ko, at ang pamilya ko.

Mga kalahating milya na ang natatakbo ko, nang parang may kakaibang nangyayari sa
mga gilid ng maliit na pahabang espasyo na tinatakbuhan ko. Maihahalintulad ito sa
kuweba, madilim, mabato, na ang tanging liwanag lamany ay 'yung liwanag na
nanggagaling sa dulo.

Napahinto ako nang makita kong, parang gumagalaw ang mga batuhan sa itaas, sa baba,
sa mga gilid sa ibaba. Tila may tumutubong mga hugis tao sa mga bato. May mga ulo
at kamay ito, na nakadikit sa bato. Nagsimula sa isa, na naging dalawa, tatlo...
hanggang sa sila'y dumami na.

Nakakatakot sila. Lalo na, habang pilit nila akong inaabot--dinadakma. Sa gitna
nito, ay umalingaw-ngaw sa diwa ako ang mga huling kataga ni Lucio:

Tumakbo ka nang diretso. May mga hahadlang sa 'yo, pero kahit ano ang mangyari,
huwag kang lilingon, dahil oras na lumingon ka, hindi ka na makakaalis dito
magpakailanman.

Noon ko napansin, na dinadakma nila ako, pilit ipinipihit pabalik, para lumingon sa
aking pinanggalingan.

Gamuntik na akong mahagip ng isa, pero nang mapansin kong mas lalo pa silang
dumadami, muli na akong tumakbo. Pilit imiiwas sa mga lugar kung saan sila
tumutubo.

"Diyos ko! Diyos ko po! Tulungan niyo po ako ako." Bulong ko sa sarili ko, habang
walang lingunang mas binilisan ko ang aking pagtakbo.

Kapansin-pansin na habang lumalapit ako sa pupuntahan ko, ay mas lalo silang naging
mas agresibo. May isa--mula sa itaas, ang nahila ang buhok ko. Bahagya akong
umangat sa lupa, pero nanlaban ako. Ang hirap. Ang sakit. Lalo pa at hindi ko
maalis ang mahigpit nitong pagkakapit.

Kakilakilabot ang mga tinig at tunog ang nagmumula sa kanila. Na sa totoo lang ay
nakapangingilabot kapag sabay-sabay na ang pagdaing nila.

"Ahhh!" Hiyaw ko, habang nanlalaban, sa bumitbit sa akin, na pilit akong


pinalilingon.

Desperado na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman kasi akong masyadong
maibuwelo, dahil nakaangat sa lupa ang mga paa ko. Sa ganoong sitwasyon, naalala ko
si Luke. At kung ano ang parati niyang sinasambit, kapag kami ay nasa panganib...
"Sumasampalataya ako, sa Diyos na makapangyarihan sa lahat!" Pasigaw na panimula
ako, "Na may gawa ng langit at lupa." Nadinig ko ang kanilang-parang nasasaktan na
halinghing, "Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo, iisang anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat!" Pangkabanggit ko noon, ay binitawan ako ng may bitbit sa
aking buhok. At tumimbuwang na nalaglag sa lupa, "Nagkatawang tao siya, lalang ng
Espiritu Santo," Habang tumatayo na ulit ako.

Nakakabingi ang kanilang daing. Ang tunog nito ay parang sirenang matinis.
Nakapangigilabot.

"Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen!" Sigaw ko, habang papatakbo na ulit,


"Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa
kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat!" Tuloy-tuloy ang
pahiyaw kong pahayag, habang tumatakbo ako papalabas. Nadidinig ko pa rin ang
kanilang daing, pero hindi na nila ako ginagalaw.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang itinakbo ko, pero isa lamang ang alam ko.
Nakikita ko na ang butas ng kalayaan ko. Kaunting-kaunti na lamang ay naroroon na
ako. Hindi na ako makapaghintay, kaya't hindi rin ako susuko--hindi ako titigil
hangga't hindi ko nakikita ang aking sarili, na nasa ibabaw na ng mundo.

Samantala...

Benjamin's P.O.V.

Mula sa Santiago, ay ilang beses kaming nagpapalit-palit sa pagmamaneho, paakyat sa


norte. Ilang beses din kaming huminto, para kumain at magpalipas ng gabi. Naligaw
kami nang makarating kami sa Ilagan City, pero agad din naman naming nakuha ang
Pan-Philppine Highway, papunta sa Cabagan.

"Sa isang Simbahan sa Tuguegarao, 'yun ang ating destinasyon." Sabi ni Luke sa
amin, habang kumakain kami ng hapunan--sa tinulyan naming maliit na hotel sa
Cabagan."Kaunting hinga na lamang mga kaibigan, at naroroon na tayo."

"Pero Luke, paano naman tayo nakakasiguro, na 'yon nga ang tamang lugar?" Tanong ni
Tristan. "Paano kung nagkamali tayo ng pakiramdam?"

Nagbuntong hininga si Luke at saka hinilot ang sintido na wari ay nag-iisip.

"Hindi ko alam kung bakit malakas ang pakiramdam ko, na dito sa lagusan ng mga
Demonyo sa Tuguegarao, ang tamang lugar na pupuntahan natin. Ang totoo... malakas
din ang pakiramdam ko sa lagusang nasa Bulacan. Pero hindi ko alam kung bakit,
parang may gumagabay sa akin mula sa langit, na dito tayo pumunta sa mas malayo."

"Gumagabay mula sa langit?" Tanong ni Dette, "Holy Spirit?"


"Oo, parang ganun. Parang may kung anong pumapasok sa aking isip, na hindi naman
tinig, kung hindi isang uri ng kaisipang, biglang-bigla na lang dumarating. Naalala
ko tuloy ang panaginip ko... 'yung panaginip ko noong akala niyo, ay patay na ako."

"Bakit?" Ako. "Ano ba ang napanaginipan mo?"

"Nanaginip ako na napadpad ako sa lugar na sinabi ng Anghel sa aking panaginip


na... 'Walang katapusang kadiliman' Ang sabi niya na dapat bumalik daw ako. Dahil
hindi ko pa raw panahon-ang mamatay siguro ang ibig niyang sabihin, at kalakip daw
ng aking pagbabalik, ay ang gantimpala ng Diyos, sa walang sawang pagtawag ko sa
kanya."

"Anong gantimpala naman 'yun?" Tanong ni Tristan.

"Ang karunungan ng Diyos." Sagot niya. "Na siyang gagabay daw sa akin, kahit saan
ako magtungo. Naniniwala ako sa panaginip na 'yon. Kaya't naniniwala rin ako, na
nasa tamang direksyon tayo."

"Mabuti naman kung ganun," Medyo naiiyak na sabi ko, "Miss na miss ko na kasi ang
Mitch ko. Kaunting-kaunti na lang talaga, mababaliw na ako." Sumubsob na ako sa
lamesa.

"Kamusta naman ang parents ni Mitch, nakakausap mo ba?" Tanong ni Dette sa akin.

"Hindi." Sagot ko, pagkatunghay ko. "Nang huli kaming nag-usap ng mga magulang
niya, pinagmumura nila ako at isinusumpa. Nagsampa na nga sila ng kaso laban sa
akin. Kidnapping daw. Kaya namomroblema din ang mga magulang ko. Sabay-sabay ngayon
ang mga suliranin ko." Humagulhol na ako.

"Huwag kang mag-aalala Benj." Pag-alo sa akin ni Luke. "Makikita rin natin si
Mitch. Ipinapangako ko sa 'yo, makikita natin siyang muli."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 25

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 25

Mitch's P.O.V.
Hindi ko maipaliwanag ang kaligayagan ko nang makalabas na ako. Ang pagdampi ng
sikat ng araw sa aking balat, ang amoy ng sariwang hangin, at ang natural na ingay
ng kalikasan sa ibabaw ng lupa.

Hindi nga yata't ito ang mga simpleng bagay na hindi ko masydong pinapansin noon.
Mga bagay na hindi ko nabibigyang pagpapahalaga at pasasalamat sa Poong Maykapal.

Totoo pala. Totoo palang na hindi mo malalaman ang totoong halaga ng mga biyaya ng
Diyos sa 'yo, hangga't hindi mo nararamdaman na mawala ang mga ito.

Noon. Balewala lamang sa akin ang sariwang hangin. Pero nang maranasan ko ang
sasang-sang ng amoy ng mala-impyernong lugar na pinanggalingan ko, katumbas na ito
ngayon ng ginto sa akin

Hindi ko alam kung bahagi na nga ba ng impyerno ang lugar na pinanggalingan ko.
Kung impyerno nga 'yon, ayoko nang bumalik doon.

Napakadilim doon, kahit na may liwanag. Napupuno ng mga hinagpis, kahit may mga
humahalakhak. Ang araw at gabi ay walang pinagka-iba, dahil kahit saan ka tumingin,
ay napupuno ng pagtangis at pagdurusa.

Mapalad ako, at hindi ako kasama sa mga naghihirap doon. Pero paano na kaya, kung
isa ako sa mga 'yon? Paano kaya, kung nakalublob ako sa dagat-dagatang apoy, na
kahit anong lakas ng aking panaghoy at daing, ay tila walang nakariring sa akin?

Paano kaya kung isa ako sa mga pinarurusahan ng mga Demonyo? Na kahit anong gawin
kong pagmamakaawa ay pahihirapan pa rin nila ako?

Isa iyong lugar na wala ang Diyos, at walang biyaya ng Diyos. Nababalot ng
kadiliman, sa liwanag ay kapos.

Ayoko nang bumalik doon. Habang-buhay kong ipagdarasal sa Diyos, na huwag akong
mapunta roon.

"Magsisi na kayo, sa inyong mga kasalanan at tumawag sa Panginoon!" Hiyaw ng isang


animo'y pulubi, na nakatayo sa sidewalk na nilalakaran ko. "Bago maging huli ang
lahat!"

Dinadaan-daanan lamang siya ng mga tao. May iba pang mga kabataan, na
pinagtatawanan ito. Parang basahan kasi ang kanyang soot, marumi ang katawan at
gulo-gulo ang buhok.

"Maligayang pagbabalik." Nakagugulat na utas nito sa akin, habang ako'y paparaan.


Nakatalikod siya sa akin "Michelle." Lalo akong naggimbal.
Paano kaya niya nalaman ang aking pangalan, lalo pa at hindi naman niya ako
tinitingnan?

Nasa ganoong sitwasyon kami, nang may dumaang tatlong kabataang lalaki, na binato
siya ng mga balat ng kendi.

"Ang baho mo baliw! Umalis ka nga rito!" Sabi ng isa sa mga ito, na sinegundahan ng
paghalakhak ng dalawang kasamahan nito. "Panginoon-panginoon, bakit hindi mo
hingian ng damit man lang 'yang Panginoon mo?" Nangungutya ang kanilang mga asta.
"Magsisi? Bakit hindi ikaw ang magsisi sa mga paniniwala mo tanda! Tingnan mo nga
ang sarili mo? Kung may Diyos na tumutulong sa 'yo, bakit ganyan ang itsura mo? Ang
baho mo, diyan ka na nga!" At binato ulit siya ng mga ito ng mga binilot na balat
ng kendi.

Hindi nagsalita ang matanda. Pinagmasdan lamang niya ang mga walang galang na
kabataan bago nag-antanda.

Matapos niyang bumulong ng animo'y dasal, ay humarap siya sa akin. Noon ko


nadiskubre, na ang mga mata pala niya ay puros puti na--bulag pala siya.

"P-papaano po ninyo ako nakiklala?" Ninenerbyos na tanong ko rito.

Imbes na sumagot, ay ngumiti ito sa akin, at marahang lumakad papalayo. Habang


pinagmamasdan ko siyang lumalakad papalayo, ay nakita kong unti-unting nagbabago
ang kanyang anyo.

Nagkaroon ito ng mga puting kumikinang na pakpak--unti-unti rin itong tumatangkad.


Ilang metro na ang layo niya sa akin, nang lumingon ito sa akin. Naging mala-anghel
na ang kanyang maliwanag na mukha, kulay olandes na ang kanyang kulot na buhok, at
pumuti na ang kanyang balat.

"Naririto na ang iyong mga kaibigan." Wika nito sa aking isip. Kinakausap niya ako,
nang hindi man lamang ibinubuka ang kanyang bibig. "Pumunta ka roon," Itinuro niya
ang aking bandang kaliwa. "Isang oras mula ngayon, darating sila doon."

Matapos niyang sabihin 'yon, ay bigla na lamang siyang naglaho. Tumingin ako sa
paligid, ako lamang pala ng tao roon.

Natutulala man, ay sinunod ko ang direksyon na kanyang intinuro. Tumawid ako sa


bungad ng kanto, at doon ko na nakita ang pagpaparoo't parito ng mga tao.

"Ano ba 'yan? Tingnan mo 'yung suot ng babae o." Bulungan ng mga kababaihang
nakakasalubong ko.

Tiningnan ko sandali ang sarili ko, at noon na ako naging mas conscious na nakasoot
nga pala ako ng asul na sayang yari sa mamahaling velvet. Nang nakita ko ang
repleksyon ko sa nadaanan kong istante, ay mas lalo kong naalala, na nakasoot nga
pala ako ng damit, na maihahalintulad sa sinaunang prinsesa.

Hindi man nagsasalita ang iba pang nakakasalubong ko, ay parang kinukutya naman
nila ako ng kanilang mga sulyap. Hindi ko na lamang sila pinansin. Tiniis ang
nakakainis na pagtingin, maging ang pagsulyap, paglingon at pagtitig nila sa akin.

Ilang metro pa ang nilakad ko, ay nakarating din ako sa destinasyon na sinabi ng
Anghel, kung saan umupo ako sa isang sulok, at nagsimulang maghintay.

Samantala, sa kabilang dako.

Benjamin's P.O.V.

"Sa bayan. Doon tayo pupunta." Utas ni Luke, nang nakarating kami sa Tuguegarao.

"Akala ko ba isang simbahan tayo pupunta?" Tanong ni Tristan sa kanya.

"Katabi ng isang simbahan ang naka-ekis dito sa mapa, na siyang nakasaad dito, na
isa sa mga lagusan mula sa kuta ng mga demonyo sa bahaging ito ng mundo. Pero
malakas ang pakiramdam ko, na do'n natin makikita si Mitch." Sagot nito, habang
nasa tabi ko sa unahan ng sasakyan. Ako na kasi ang nakatokang nagmamaneho.

Sana nga, tama siya, dahil mababaliw na talaga ako. Masyado nang matagal na
nawawala si Mitch sa buhay ko. Para tuloy akong lobong lulutang-lutang lamang sa
mundo.

Habang lumalapit kami sa aming destinasyon, ay tila mas bumabagal naman ang takbo
ng oras para sa akin. Apatnapung minuto lamanng ang lumipas, pero parang katumbas
na ito ng isang linggo. Hindi na kasi ako makapaghintay. Hindi na ako makapaghintay
na makita ulit ang aking mahal.

"Luke! Benj!" Malakas na bulalas ni Tristan.

"Bakit?" Ako. Medyo naiirita. Natabig kasi niya ang kanang bahagi ng ulo ko, sa
pagtuturo niya sa kung ano.

"Lookout!" Anya. Itinuturo ang harapan ng sasakyan.

Agad akong lumingon, at bumulaga na nga sa akin ang isang matandang pulubi, na
nakatayo mismo sa gitna ng kalye.

Napapreno tuloy ako nang hindi oras.


Halos takasan kami ng aming mga puso sa sobrang kaba. Lahat ay nakatulala sa
pulubing papalapit na sa aking bintana.

"Amang," Anya, pagkatapos kong ibaba ang windshield. "Maari ba akong humingi ng
makakain?"

"Po? S-sandali po." Lumingon ako kay Dette at, "Mayroon pa ba tayong maibibigay sa
kanya?"

"Oo. Meron pa ditong biscuits at sandwiches na ibinaon natin mula sa fastfood."


Sagot nito.

"'Yung nakakabusog." Sabi ko.

"Heto." Iniabot na ni Dette ang buong plastic na may apat na hamburgers. "Ibigay na
lamang nating lahat sa kanya."

"Salamat Dette." Inabot ko ang plastic bag, at saka bumaling ulit sa matandang
pulubi, "Eto po, sa inyo na po itong lahat."

Inabot naman ito ng pulubi, at saka kami tiningnan isa-isa sa loob ng sasakyan.

"Pagpalain sana kayo ng Diyos."

"Wala pong anuman." Sabay-sabay naming sagot.

Ayos na sana kami, matapos kong isara muli ang windshield nang biglang... nagbago
ang anyo ng matanda. Lahat kami'y nakatulala, nakanganga pa yata.

Nag-anyong Anghel ang matanda.

"Diretsuhin ninyo ang kalyeng iyon." Turan nito sa aming isip. Nakapagtatakang,
hindi naman bumubuka ang kanyang bibig. "Sa ikalawang bloke, kumanan kayo. Ilang
talampakan mula sa kanto, makikita na ninyo ang inyong hinahanap." Bago ito
tuluyang naglaho.

Matagal kaming natahimik. Pare-parehong gulat at hindi makapagsalita. Nang makaahon


na kami sa labis na sindak, ay saka lamang namin napagkaisahang sundin ang sinabi
ng Anghel.

"Benj!" Hiyaw ni Tristan, na parang mga bingi kaming kausap. "Yung babaeng naka-
asul na gown!" Itinuturo nito ang bandang kaliwa.

Lumingon ako sa kaliwang bangketa--sa kabilang kalye, at nakita roon ang isang
babaeng nakaupo sa may paanan ng poste. Naka-asul itong gown, may tiara da ulo at
kamukhang-kauha ni...

"Mitch?!" Bulalas ko. Nakatulala.

Ramdam kong naghiyawan sina Luke at Tristan sa tuwa. Habang ako naman ay hindi na
nag-aksaya pa ng panahon. Ipinarada ko ang kotse sa isang tabi, lumabas dito, at
saka halos madapang tumakbo papalapit sa mahal ko.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 26

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 26

Benjamin's P.O.V.

"Hoy mga exhibitionists!" Tatawa-tawang hiyaw ni Tristan sa amin ni Mitch. Katabi


namin siya sa likod, habang si Luke ang nagmamaneho at si Dette ang katabi niya sa
unahan. "Malapit na ang hotel na tutuluyan natin, baka gusto niyo munang
maghintay?!"

Nasabi niya iyon dahil wala na kaming ginawa ni Mitch kundi ang maghalikan, habang
nakakalong ito nang pabukaka sa aking kandungan.

"Benj!" Daing ni Mitch, habang hinahagod ko ng halik ang kanyang magkabilang leeg.
"Benj, I want you inside me right now!" Habang medyo iginigiling na ang kanyang
balakang.

Dammit! I'm turned on.

"Hoy mga adik!" Hiyaw ulit ni Tristan, "Huwag niyong sabihin na dito na kayo
magtatalik. Aba, ok yan! Live show, sige go!" Humalakhak ito.

Halos wala na ako sa aking sarili. Kaya naman wala na rin akong pakialam sa paligid
ko.

"Benj please?!" Daing ulit ni Mitch sa aking tenga, habang binubuksan na niya ang
aking ply.
"Hoy!" Si Tristan ulit, "Are you freaking serious?" Habang nakikita niyang,
itinututok na ni Mitch ang inilabas niyang 'akin' sa 'kanya', sa ilalim ng kanyang
saya. Nanlalaki ang kanyang mga mata.

Nadidinig ko namang humahalakhak si Luke at si Dette.

Hindi ko mapigilan ang pag-ungol nang nag-umpisa nang gumiling si Mitch. "I missed
you so much, Honey!"

"Oh Benj, I missed you too..."

Dinig na dinig ko ang kantyawan nila, pero wala na kaming pakialam sa mga reaksyon
nila.

"Nasaan ba ang video cam ko?" Dinig kong sabi ni Tristan.

"Putang ina mo pare!" Sigaw ko kay Tristan, habang dinadama ang sarap ng ginagawa
namin ni Mitch. "Subukan mo lang... babalatan kita ng buhay! Ah, shit!"

Nadinig ko ang lakas ng kanilang paghahalakhakan. Mga walanghiya, libre na nga ang
liveshow nila, ibi-video pa ba nila?

"Benj!" Daing ni Mitch, habang tumitindi ang kanyang paggiling. Nakatingala siya,
nakapikit at medyo kinakakagat-kagat ang ibaba ng kanyang labi.

"Hayup!" Kantyaw ni Luke. Nakapwesto kasi kami, sa kanyang likuran, "Tindi niyo!"
Sabay halakhak.

"Mitch... I'm coming honey!" Pagkasabi ko noon, ay muli silang naghiyawan.

"Yes Benj! Me too uhh..."

"Pasensya ka na sa dalawang 'yan Dette." Dinig kong sabi ni Luke kay Dette, "
Ganyan talaga ang dalawang 'yan. Walang kahihiyan. Kahit saan abutin kung
magtirahan." Humalakhak ito.

"S'an ba cellphone ko?!" Si Tristan, "Makuhanan nga ang climax!"

"Tangina mo pare! Uhh!" Bulyaw ko, habang nagbabadya na ang pagsabog ko. "Subukan
mo lang, kakapunin kita!" Naninigas ako, nagbabadya na talagang sumambulat sa loob
ng mahal ko."

Hingal na hingal kaming nagyakapan ni Mitch--nakasakay pa rin siya, sa ibabaw ko.


"Tapos na ba?" Nang-aalaskang tanong ni Tristan. "O isa pa, bilis!"

"Ulul!" Singhal ko. Habang umuupo sa si Mitch sa gitna namin.

"Isa lang?" Si Tristan ulit, "Ang hina niyo naman pala."

Nakita kong piningot ni Mitch ang kaliwang tenga nito ng todong-todo.

"Aray ko naman!" Hiyaw ni Tristan. Pulang-pula ang tenga niya.

Walang puknat ang kantyaw nila sa amin, lalo na nang nag-stop over kami sa isang
restaurant para kumain. Si Dette lang ang hindi. Nakatingin lamang ito sa amin--
nakangiti.

"Mitch," Si Dette kay Mitch, "May mga extra akong dalang damit, kung gusto mong
magpalit sa CR.

"Oo, Dette." Sagot ni Mitch, "Bago ko dukitin ang mata ng mga tao dito!" Nakatingin
siya sa isang grupo ng kababaihan na nagbubulungan at nagtatawanan. Nakatingin kasi
ito sa kanya at sa kanyang suot. Nakaupo ang mga ito sa katapat naming lamesa.

"Kukunin ko lang ang tote bag ko sa sasakyan." Si Dette, habang inilalahad ang
kamay kay Luke, para kunin ang remote key. "Para ikaw na ang mamimili kung ano ang
gusto mong isuot."

"Thank you, Dette."

Tumango si Dette, bago lumabas ng restaurant.

Mitch's P.O.V.

"Salamat talaga ha?" Sabi ko sa pinsan ni Tristan na si Dette.

"Wala 'yun." Nakatitig ito sa kin sa salamin. Parang nanlulumo ang mga mata.

"Are you, ok?" Tanong ko na.

"Oo naman."

"Bakit ganyan ka makatingin?"


"I'm sorry Mitch." Umiwas na siya ng tingin, "Nagagandahan lang ako sa 'yo. No
wonder, kaya nababaliw 'yung mag-bestfriend sa 'yo."

Sinulyapan ko siya, at mas tiningnan nang mas mabuti.

"Are you crying?"

"H-ha? N-no... no."

No raw? Eh kitang kita kong tumulo 'yung luha niya, pinunasan nga lamang niya
kaagad.

"O c'mon." Ako, habang nakataas ang isang kilay, "Di nga? What's the matter."

Tumatawa-tawa siya, para itago ang hindi na mapigilang pag-iyak niya.

"Hindi huminto si Luke sa paghahanap ng paraan para makita ka." Nanginginig na


sambit nito. "Halos sumuko na si Benj, pero siya... pursigido siya na makita kang
muli."

Hmmm. Teka? Ano ba sila ni Luke? Are they dating?

"Kayo na ba ni Luke?" Diretchahang tanong ko.

Imbes sumagot ay umiling lamang ito-- bago humagulhol nang tuluyan.

"We..." Halos hindi siya makapagsalita, "We..." Sumesenyas siya, "We hook up...
pero walang commitment. Kasi..." Nangiginig ang bibig niya.

"Kasi?"

"Ikaw pa rin ang mahal niya."

Diredireso ang pagtulo ng kanyang luha.

"Kapag magkausap kami," Dugtong niya, "Wala siyang bukang-bibig kundi ikaw. Ang
sabi niya, kahit ano, gagawin niya, makita ka lang niyang muli. D-don't get me
wrong Mitch. H-hindi ako nalulungkot na narito ka na ulit. Naiinggit lang siguro
ako kasi... mahal na mahal ka niya."

Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi para aluin siya. Niyakap ko na lamang
siya, at pilit pinakalma.
"Gusto mo bang kausapin ko siya?" Ako, nang medyo kumalma na siya.

"Naku, Mitch hindi. Huwag. Ayoko."

"Eh kaysa na man sa ganyan ka, para lang naman alam niya, kung anong nararamdaman
mo."

"No Mitch. Sapul naman sa simula. Sinabi na sa akin ni Tristan ang tungkol sa inyo.
Sapul pa sa simula. Ako lang talaga ang may gusto sa kanya. Alam ko ang pinasok ko.
Alam kong masasaktan lang ako. Pero sumige pa rin ako dahil gusto kong maranasan
kung anong pakiramdam ng mapalapit sa kanya."

"And how is it?"

Hindi siya umimik. Humagulhol na lang ulit.

"Ano? Magtitiis ka na lang ba?" Ako ulit.

"Hindi, Mitch."

"So ano nga ang plano mo?"

"Tatanggapin ko na lang siguro 'yung alok ng Auntie ko na pag-aaralin niya ako ng


medisina sa States."

"Lalayo ka?"

Tumango ito.

"Alam ba ito ni Luke?"

Umiling ito. Nakayuko.

"Sana. Huwag mo na mababanggit sa kanya." Anya, "Hindi naman niya kailangang


malaman 'yun dahil hindi naman kami."

Matapos niyang sabihin 'yon ay nagpunta siya sa may lababo, naghilamos, at saka
inumpisahang ayusin ang sarili.

"Ang tagal niyo naman sa banyo." Si Tristan, habang pabalik na kami ni Dette,
"Akala namin, na flush na kayo! Gutom na gutom na kami ah!"
"Eh bakit kasi hindi kayo umunang umorder?" Pagtataray ko rito, "Hawak ko ba ang
mga bibig niyo?"

"Taray naman neto..." Pagmamaktol ni Tristan, habang binubuklat ang menu.

Nakiramdam ako. Nasa tabi ko si Dette, katabi naman ni Dette sa kabila si Luke,
katabi ni Luke si Tristan sa kabila, at siyempre, si Benj ang sumunod sa aming
gitna.

"Ikaw muna umorder Mitch," Sabi ni Luke sa akin, habang inaabot ang menu. "I'm sure
gutom na gutom ka na." Nalangiti ito sa akin.

Hindi ko sinasadyang napasulyap ako kay Dette. Nakayuko ito. Walang imik.

"Ah si Dette muna, I'm sure gutom din siya dahil sa haba ng inyong biyahe."
Inilagay ko ang menu sa harapan ni Dette.

"Hindi yan..." Kinuha ulit ito ni Luke at inilagay sa harapan ko, "Ikaw muna, ikaw
ang prinsesa namin eh."

Darn Luke! How could he say that in front of Dette? Hindi ba niya alam, na masakit
para sa aming mga babae, ang mabalewala ng taong minamahal namin?

Kitang-kita ko ang pasikretong pagsulyap sa akin ni Dette. Bahagyang ngumiti ito sa


akin, pero wala na yatang lulungkot pa sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ng
pasikreto ang kanyang kamay, sa ilalim ng lamesa, at pinisil iyon. Ngumiti lamang
ulit siya sa akin, bago muling yumuko.

***

"Dammit!" Si Tristan, na siyang nakatokang magmaneho."Mukhang tagilid ang gulong


natin sa kanan." Nagmenor ito, at saka ipinarada ang sasakyan sa gilid ng highway.
"May spare tire ba tayo Luke?" Pagbaling nito kay Luke, na nasa front passenger's
seat.

"Oo." Sagot naman ni Luke, "Nasa likod."

Halatang medyo nagdadalawang isip na bumaba si Tristan. Madilim na kasi, bukod sa,
puro talahiban pa ang magkabilang gilid ng kalye.

"Sabi ko naman sa inyo, mag-stop over na tayo kaninang alas-kuwatro." Paninisi ni


Benj kay Luke at Tristan, na siyang nagdesisyon, na sumige pa ng paglalakbay sa
sobrang atat na makauwi na kaagad.
"Huwag na tayong magsisihan," Sagot naman ni Luke, "Magtulungan na lamang tayo para
mapalitan ang gulong." At saka lumabas na ng sasakyan bitbit ang isang flashlight.

Sinundan naman siya ni Benj, bago pa si Tristan--na hindi ko malaman, kung bakit
parang nag-aalangang lumabas.

Tumingin kami ni Dette sa bintana. Nasilip namin na si Benj ang nagpapalit ng


gulong, si Luke ang nag-iilaw, habang si Tristan naman ang nag-aabot ng tools kay
Benj.

"Dalian mo Benj, ang lamig na!" Si Tristan, habang kinikiskis ang kanyang
magkabilang braso, "Hindi pa naman maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito."
Lumilinga-linga ito.

Nasulyapan kong, lumilinga-linga rin si Luke.

"Oo, sandali na lang po, Amo!" Nanunuyang tugon naman ni Benj, "Ano ba kasi ang
nararamdaman mo?" Busy pa rin ito sa paghihigpit ng mga 'nut' ng gulong gamit ang
'wrench'

"Basta." Sagot nito.

Nakita kong parang aburido na rin si Luke, na inumpisahan na ang pag-aayos, at


pagbabalik ng mga tools na ginagamit ni Benj, sa likod ng sasakyan.

"O yan, tapos na!" Anunsyo ni Benj, bago tumayo at inabot kay Luke ang ginamit
niyang wrench.

"Sakay, bilis!" Pautos na sabi ni Luke kay Tristan at Benj, habang nagmamadaling
umakyat sa dati niyang puwesto.

Nagkakatinginan kami ni Dette. Pinanonood na halos madapa na si Tristan sa pag-ikot


sa Driver's side bago dali-daling sumakay.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko, nang makapasok na ang lahat.

"Something is not right in this place." Sagot ni Luke, habang lumilinga-linga sa


palibot. "Tristan, tayo na!"

"Oo, eto na nga." Habang pilit pinakakagat ang makina. Pero ayaw namang mag-start
ng kotse.

"Shit!" Bulalas ni Luke, nakatingin sa likuran. Napalingon din tuloy kami.


Hindi pa man din kami lubusang nakakalingon nang...

Parang may kung anong malakas na di nakikitang puwersa ang tumama sa sasakyan,
sapat na para ito ay lumipad, kasama kami.

Sabay-sabay naming sumigaw.

"What th fuck is going on?!" Hiyaw ni Benj.

Walang nakasagot sa kanya, dahil pare-parehas lamang naman kaming nagsisigawan.


Para kaming isang dahon na tinangay ng ipo-ipo. Napakadilim sa labas, kaya't halos
wala kaming makita.

Parang tunog ng malakas na hanging humahagibis ang pwersang tumangay sa amin.

"Ayoko pa ng mamatay shet!" Atungal ni Tristan. "Wala pa akong asawa't anak shet!
Bitin pa ang sex life ko shet!"

Pinilit kong kumalma, tinitingnan isa-isa ang aking mga kasama. Nadidinig kong
nagdadasal si Dette sa aking kaliwa, habang nakahawak ako nang mahigpit sa kaliwang
kamay ni Benj sa aking kanan. At habang nagngangawa naman si Tristan sa unahan,
mukhang si Luke ay nagdarasal na rin sa kanyang tabihan.

Parang kinakalkal ang dibdib at tiyan ko sa sobrang takot. Daig pa kasi namin ang
nakasakay sa roller coaster. Nahihilong nasusuka. Natatakot na ewan! Ang totoo,
hindi ko na sigurado ang aking nararamdaman.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 27

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 27

Bernadette's P.O.V.

Isa-isang nawalan ng ulirat ang mga kasama ko. Hanggang sa, kami na lamang ni Luke
ang natitirang gising. Parehas kasi kaming nakapikit, at nagdadasal.
Tumahimik ang loob ng sasakyan nang mawalan ng malay si Tristan--siya lang kasi ang
ngawa ng ngawa, matapos mahimatay ng magkasintahan.

Kung anong uri ng puwersa ang bumibitbit sa amin ngayon? Hindi ko alam. Basta't ang
alam ko, ay kung ano ang nakikita kong itsura nito. Mukha itong maitim na ipo-ipo,
na ipinapaikot-ikot kami na parang trumpo. Gusto ko na ngang masuka sa sobrang
hilo, pero mabuti na lamang talaga at matibay ang sikmura ko.

Narinig kong umungot ni Luke, nang pagkatapos naming magpaikot-ikot sa ere, ay tila
may ibang puwersa ang humihigop sa amin paibaba.

"Good Lord!" Bulong ko. Para kasing hinahalukay ang pakiramdam ko sa sikmura ko.
Daig ko pa ang nasa loob ng isang Elevator, na paspasang nalalalaglag pailalim.

Hindi ko alam kung gaano kalayo ang patutunguhan namin pailalim, pero nasa tantya
ko ay hinihigop kami sa bilis na mahigit sa na isang-daang kilometro per hora, sa
loob ng tatlumpu hanggang kuwareta'y singko minuto.

Halos mawasak ang aming sinasakyan, sa paglapag nito sa sukdulan. Napakalakas ng


tunog nito na parang tila may sumabog.

"Luke!" Pagtawag ko kay Luke, sa gitna kadiliman.

Grabe ang dilim. Daig ko pa ang bulag. Nakapa ko si Mitch sa aking tabi, wala pa
rin itong malay. Kinapa ko si Tristan sa unahan, nahawakan ko lamang ang ulo nito,
na nakahilig lang sa sandalan.

"Mitch?!" Sagot ni Luke, habang nararamdaman kong, kinakapa niya ang lugar kung
nasasaan si Mitch.

Mitch? Ako ang tumawag sa kanya, pero si Mitch ang hinahanap niya? Well... what's
new? Ang problema... Hindi na nga bago, kung bakit ba naman nagtataka pa rin ako.

"Si Dette 'to... Luke." Nanlulumong tugon ko.

"Si Mitch?! Ok lang ba si Mitch?!" Parang natataranta ang boses nito.

Hindi na ako nagsalita.

"Shit!" Anya. "Nasaan ba kasi ang flashlight!" Dinig ka ang kanyang nangangapang
paghahalikwat.

Hindi ko alam kung mali ba. Pero umiyak na lamang ako. Sinamantala ko ang
kadiliman, para tahimik na iyakan ang sakit sa dibdib ko.
Wala man lang bang... 'Dette, ikaw pala 'yan?' O kaya ay, 'Dette, ayos ka lang ba?'
Siguro nga, kahit mamatay pa ako, ay balewala lang talaga ako sa kanya.

Teka. Bakit nga ba ako umaasa? Bakit ba ako nasasaktan? Samantalang sa simula pa
lamang ay naging tapat naman siya sa kanyang tunay nararamdaman.

"Dette!" Si Luke, kasabay ng pag-focus niya ng ilaw ng flashlight sa gawi ko.

Hindi ko inaasahan 'yon, kaya naman, hindi ako nagkaroon ng sapat na panahon, para
ayusin ang mukha ko.

"D-Dette?" Si Luke ulit, "Are you ok?"

No.

Sa wakas. Tinanong din niya.

"H-ha? O-oo." Mukha namang hindi niya napansin na umiiyak ako, "S-si Mitch ok din,
nawalan lang siya ng malay." Hawak-hawak ko ang pupulsuhan ni Mitch.

Inilawan niya ang direksyon ni Mitch, ni Benj at ang huli ay si Tristan.

"Where the fuck are we?" Iniilawan naman niya ang labas ng sasakyan.

Parang kuweba ang aming kinalalagyan. May magagaspang na batuhan sa gilid, at may
tunog ng umaalingawngaw na tulo ng tubig.

Nadinig kong binuksan ni Luke ang pinto ng kotse, inilawan ang ibaba, bago ito
nagdesisyong bumaba. Nasa labas na siya, nang itinutok niya paitaas ang ilaw ng
flashlight. Dahilan, para kumalat ang ilaw sa paligid. Mukhang nasa loob nga kami
ng isang kuweba. Kung paano kami napasuot dito? 'Yun ang hindi ko maipaliwanag.

Bumaba na rin ako, at tumingin sa lahat ng direksyon. Pilit hinahanap kung saang
butas kami lumusot. Pero wala akong makita.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Luke. Mga isang dipa ang layo ko sa kanya, nang
humakbang siya papalapit sa akin bago niya hinawakan ang aking kamay.

"Halika," Anya. Kailangan nating makahanap ng lagusan.

"Teka, Luke." Sagot ko, "Paano sila? Gisingin muna natin sila." Itinuturo ko ang
mga kasama namin sa sasakyan.
"Babalik naman tayo kaagad." Anya. "Dito lang tayo sa paligid."

Hindi na ako sumagot. Nagpakatianod na lamang ako sa paghila niya.

Isang lagusan ang nakita namin, at siya naming binagtas. Mga nasa kalahating milya
na ang aming nalalakad, nang pinaalalahanan ko siyang medyo napapalayo na kami.
Pabalik na sana kami, nang makarinig kami ng mga panaghoy ng mga tila... malalaking
tao. Mukhang nagmumula 'yon, hindi kalayuan sa aming kinatatayuan.

"Ok lang ba sa 'yo, na lumakad muna tayo ng kaunti, bago tayo bumalik?" Bulong ni
Luke sa akin, "Gusto ko lamang malaman, kung ano 'yun. Malay natin, baka may mga
tulad din natin na napadpad din dito."

Natatakot man, ay tumango na lamang ako. Naisip ko, na wala rin naman kasing
mangyayari sa amin, kung babalik kami, na wala man lang ginawang paraan, para
makahanap ng malalabasan.

Habang lumalakad kami nang paabante, ay mas lalong tumitindi at lumalakas ang mga
panaghoy. Para talaga 'yong mga boses ng mga higante.

Nakapangingilabot. Nakakatakot.

Isa't kalahating milya pa, ay may nakita kaming parang maliit na butas, kung saan
may tila kumikinang o umiilaw na bagay ang naroroon sa butas na iyon. Dahan-dahan
kaming lumapit ni Luke, at sumilip sa butas na iyon. Para lamang mamangha sa aming
mga nakita.

Isa iyong balon na may hindi mabilang na malalaking kumikinang na nilalang na hugis
tao. Mga nakagapos sa tanikala ang mga paa at kamay ng mga ito, habang ang bawat
isa ay tila tumatangis.

Sa gitna ng mga ito, ay may nakatayong kamukha rin nila, bagama't ito'y hindi
nakagapos sa tanikala, ay tila may nagniningas sa likod nito, na hugis pakpak.

"Uriel..." Daing ng isa sa mga higanteng nakatanikala, sa higanteng nakatayo.


"Hanggang kailan ba kami mananatili dito? Hanggang kailan ang aming titiisin, upang
muling madinig ang tinig ng Panginoon?"

"Makailang beses ko bang uulitin sa inyo, na hindi na ninyo madidinig ang tinig ng
Panginoon, hanggang sa sumapit ang mismong araw ng paghuhukom sa sanlibutan." Sagot
nang nilalang na tinawag nilang Uriel (1).

"Saan ba kami dadalhin? Kailan kami makakauwi?" Daing naman ng isa pa.

"Ang Panginoon lamang ang makapagpapasya, kung saan kayo dadalhin. Siya lamang din
ang makapagpapasya, kung kayo ay makakauwi pa."

"Uriel... tulungan mo kami Uriel, aming kapatid." Sabay-sabay na daing ng iba.

"Bakit 'tila napakalupit ng Panginoon sa amin? Bakit hindi siya patas ng pagtingin
sa mga tao at tulad natin? Bakit sa nga tao ay may kapatawaran, sa atin ay wala?"
Utas ng isa.

Tumangis sa pagsang-ayon ang mahigit yata sa dalawang-daang malalaking nilalang (2)


na nakagapos doon.

"Sapagkat ang tao'y nilikha ng Panginoon na may kakulangan at pangangailangan,


tayo'y wala." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakagugulat na parang hinagupit
niya ng nagdadaig na latigo ang huling nagtanong.

Nakapangingilabot ang hiyaw ng hinagupit.

"Anong karapatan mong pagbintangan ang Panginoon ng kalupitan at hindi pagiging


patas?!" Hiyaw ng nilalang na tinawag nilang Uriel, sa kanyang nilatigo. "Hindi
ba't kayo ang malulupit? Na matapos kayong pagbawalan, kayo pa rin ay nagpumilit?
Sino ang malupit? Siya bang Ama ng lahat ng magaganda at mabuti, o kayong mga ama
at ugat, ng mga karimarimarim at kasuklamsuklam na nilalang na naghahasik ng lagim,
at kadiliman sa ibabaw ng lupa?" Hinagupit ulit nito ang nilalang.

Muling dumaing ang nilatigo

"Anong karapatan mong lapastanganin ang imahe at pangalan ng Panginoon, Semyaza


(3)?! Ano ang karapatan mong pagbintangan siya na hindi patas?! Hindi ba't kayo ang
hindi patas?! Ginamit ninyo ang inyong mga kapangyarihan sa kasamaan, at walang
pasubaling itinuro sa mga tao ang mga bawal na kaalaman, para ano? Para magamit
nila ang mga kaalamang ito upang makapanlinlang sila sa kanilang kapwa tao?! Sino
ngayon ang hindi patas?! Ang Panginoon ba na Ama ng hustisya? O kayo!" Hinagupit
ulit nito ang nilalang na tinawag niyang Semyaza, "Kayong mga nagpakalat ng mga
bawal na kaalaman sa ibabaw ng lupa, para makapanlamang ang mga tao, sa kanilang
kapwa tao!"

At muling napuno ng daing at panaghoy ang lugar na 'yon.

"Anong ginagawa ninyo rito?" Isang nakakagulat na tinig na nagmumula sa aming


likuran ni Luke.

Sindak na sindak naming hinarap ang pinanggagalingan ng tinig na iyon. Isa rin
itong napakatangkad na nilalang, na may nagdadaig na apoy sa kanyang likod na
animo'y pakpak. Kumikinang ang kanyang balat, maamo ang kanyang mukha. May dala
itong tanikala, na nakasukbit sa kanyang balikat.

"N-naliligaw po kami. H-hindi rin po namin alam kung bakit kami naririto."
Nanginginig na tugon ni Luke

"N-nas-saan po ba kami?" Tanong ko.

Hindi sumagot ang nilalang, bagkus ay humakbang ito papalapit sa amin, kaya't lalo
kaming nanginig sa takot ni Luke.

Ang tangkad niya. Malamang ay nasa sampu hanggang labing-limang talampakan. Sa


itsura pa lamang ng matalim na sandata na hugis palakol, na nakasukbit sa baywang
nito, ay nangangatog na ako sa takot.

"Lucas." Sabi ng nilalang kay Luke.

"P-po?!" Nasisindak pa ring sagot ni Luke.

Imbis sumagot at may iniabot ito kay Luke. Isa iyong bolang apoy, na kasing laki
lamang ng kamay ni Luke. Nag-aalinlangan namang abutin iyon ni Luke, dahil marahil
sa takot na mapaso.

"Kunin mo ito, at bumalik kayo sa inyong pinanggalingan. Ito ang inyong magiging
gabay at katulong, sa pag-ahon ninyo sa balong walang hanggan."

Nag-aalinlangan man, ay kinuha ito ni Luke, bago muling tumingala sa nilalang.

"Maari ko po bang malaman ang inyong pangalan?!" Tanong ni Luke.

"Hindi na mahalaga kung sino ako." Sagot nito, "Ang mahalaga ay ang makaalis kayo
sa lugar na ito bago lumagpas ang ika pitumpu't pitong oras."

"A-ano po ba ang mangyayari kung lalagpas kami sa pitumpu't-pitong oras sa lugar na


ito?" Tanong ko.

"WALANG KAWALA." Sagot ng nilalang. "Wala na kayong kawala sa lugar na ito,


magpahanggang sa araw ng paghuhukom."

Nagkatinginan kami ni Luke. Ilang oras na ba kaming naririto? Hindi namin alam.
Dahil hindi naman umaandar ang aming mga relo, sa lugar na iyon.

"Humayo na kayo at magmadali." Paalala ng matangkad na nilalang sa amin, "Mayroon


na lamang kayong limampung oras na natitira. Malayo pa ang inyong lalakbayin. Baka
abutin na kayo ng pagsasara!"

Limampung oras na lang? Ano na ang nangyari sa dalawampu't pitong oras? Lumampas na
lamang ba 'yun na hindi namin nalalaman?
Punong-puno man kami ng mga katanungan sa aming isipan, ay walang salitang
magkahawak kamay na naming nilakad pabalik ni Luke, ang aming pinanggalingan.

____________________________

Footnotes:

(1) Uriel: is often identified as a cherub and angel of repentance He "stands at


the Gate of Eden with a fiery sword", or as the angel who "watches over thunder and
terror". In the Apocalypse of Peter he appears as the Angel of Repentance, who is
graphically represented as being as pitiless as any demon. In the Life of Adam and
Eve, Uriel is regarded as the spirit (i.e., one of the cherubs) of the third
chapter of Genesis. He is also identified as one of the angels who helped bury Adam
and Abel in Paradise. In modern angelology, Uriel is identified variously as a
seraph, cherub, regent of the sun, flame of God, angel of the Divine Presence and
presider over Tartarus (hell), [Wikipedia]

(2) 200 fallen angels of Genesis 6 known as The Watchers. The Watchers are bound
"in the valleys of the Earth" until Judgment Day. (Jude verse 6 says that these
fallen angels are kept "in everlasting chains under darkness" until Judgement Day.)
The book of Enoch on the other hand, lists leaders of the 200 fallen angels who
married and commenced in unnatural union with human women, and who taught forbidden
knowledge.

(3) Semyaza: is a fallen angel of apocryphal Jewish and Christian tradition that
ranked in the heavenly hierarchy as one of the Grigori (meaning "Watchers" in
Greek)

[Itutuloy]

=================

KABANATA 28

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 28

Bernadette's P.O.V.

Nakabalik kami sa sasakyan. Napundi na ang flashlight ni Luke, kaya't ang maliit na
bolang apoy na lamang ang nagsilbing liwanag namin sa daan. Gising na ang tatlo
nang kami ay makarating, pare-parehong nagtanong kung saan kami nanggaling.
"Ito siguro ang hangganan ng ikalawang lagusan." Utas ni Mitch, matapos i-kuwento
ni Luke sa kanila ang aming mga nasaksihan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Luke, kay Mitch.

Noon na siya nag-umpisang maglahad, ng tungkol sa tatlong lagusan--na ayon sa kanya


ay nasa ilalim daw diumano, ng kastilyong pinagdalahan sa kanya ni Lucio. Ang una
raw ay ang lagusan patungo sa dagat-dagatang apoy, ang ikalawa raw ay ang lagusan
sa balong walang hanggan, at ang ikatlo raw, ay lagusan papunta sa banal na bundok.

Ayon kay Mitch, maging si Lucio raw ay ilag na lumapit man lamang sa ikalawang
lagusan, papunta sa kung saan kami naroroon ngayon. Dahil ang lahat daw ng
hinihigop ng puwersang naririto, ay hindi na nakakawala pa nang walang tulong ng
DIYOS. Kulungan daw kasi ito ng mga Anghel na itinakwil ng langit. Mga Anghel na
hindi makakaalis dito, hanggang sa araw ng paghuhukom.

"Malamang na Anghel na tagapagbantay dito, ang nagbigay sa inyo ng bolang apoy na


'yan." Si Mitch, habang tinitingnan ang bolang apoy na lulutang-lutang sa aming
gitna. "Pero papaano raw ba tayo matutulungan niyan, Luke?"

"Wala siyang sinabi." Sagot ni Luke, na parang naduduling na nakatitig lang sa


bolang apoy. "Basta ang sabi niya, ito raw ang gagabay sa atin pabalik. At
kailangan daw nating makalabas dito kaagad sa loob lamang ng..." Natigilan siya
sandali. Parang nagtutuos sa kanyang isip. "Siguro mga apatnapu't siyam na oras na
lang. Mung hindi--"

"Kung hindi ay ano?" Si Benj.

"Hindi na raw tayo nakakawala pa rito, hanggang sa araw ng paghuhukom."

"What?!" Sabay-sabay na bulalas ng tatlo.

"Eh ano pa ang ginagawa natin? Tayo na!" Natatarantang sabi ni Mitch.

"Eh papaano nga?!" Tanong ni Tristan. "Paano natin mapapagana ang bolang 'yan?"

"Baka may orasyon!" Sabi ni Benj, "O kaya naman ay magic spell."

"Tulad ng ano?" Si Mitch.

"Tulad ng ahm!" Parang nag-iisip pa si Benj, "Abrakadabra sis bumba!" Kumukumpas pa


siya.

"Tanga!" Bulyaw dito ni Tristan kay Benj.


"Eh ba't di ikaw ang mag-isip?!" Singhal pabalik sa kanya ni Benj.

"Subukan kaya natin ang... ahm." Si Tristan, "Open sesame!" Kumumpas din siya.

"Puro kayo kalokohan!" Si Mitch, sa dalawa. "Bakit kasi hindi ninyo itinanong sa
nagbigay sa inyo?"

"Nakakatakot kasi ang hitsura niya, Mitch." Sagot ko, "Kaya medyo nataranta kami ni
Luke."

Pagkasabing-pagkasabi ko noon ay tila lumilindol. Sa umpisa ay mahina, pero habang


tumatagal, ay palakas na ito ng palakas.

"Diyos ko!" Magkasabay na sambit namin ni Luke. Nakatinginan din kami sandali.

Humuhupa na ang pagyanig ng kapaligiran nang...

"Nagsasara na ang lagusan sa ibabaw!" Tinig iyon ng tila isang higante. "Magmadali
kayo!"

Napatingin kaming lahat sa direksyon kung saan kami nanggaling ni Luke kanina, at
doon na namin nakita ang mismong nilalang na nagbigay sa amin ng bolang apoy--
napansin din namin na may nakasunod sa kanyang isa pa, na katulad niya.

Lumabas si Luke, para harapin ang dalawang higante.

"Hindi po namin alam kung paano namin gagamitin ang bolang apoy!" Sabi ni Luke.

"Raphael!" Pagtawag ng nilalang na nasa likod ng nagbigay sa amin ng bolang apoy,


"Baka hindi na sila umabot kung gagamitin nila 'yan."

"Pero hindi ba't sabi ninyo ay mayroon pa kaming limampung oras?!" Tanong ni Luke.

"Iba ang oras dito sa kailaliman ng inyong daigdig, Lucas." Sagot ng nilalang na
tinawag na Raphael (1). "Ang dalawampu't apat na oras dito, o isang araw, ay
katumbas lamang ng isang oras sa ibabaw ng lupa. Iba rin ang oras sa langit. Ang
isang araw sa langit, ay katumbas naman ng isang libong taon sa lupa. (2)"

That explains it. Kaya naman pala, parang nabawasan na kaagad ng dalawampu't pitong
oras, ang pitumpu't pito nang hindi man lamang namin namamalayan.

"A-ano po ang gagawin namin?" Natatarantang tanong ni Luke.


"Tulungan na natin sila, Zehanpuryu! (3)" Sabi ni Raphael sa kanyang kasama.

"Bakit ba kayo napadpad dito?" Tanong nilalang na tinawag ni Raphael na Zehanpuryu.


"Hindi niyo ba alam, na hindi para sa mga tao ang lugar na ito?"

"Hindi rin po namin alam," Sagot ni Luke, " Basta't ang naalala lang po namin, ay
parang dinala kami ng isang malaki at maitim na ipo-ipo, at pagkatapos at may tila
humigop sa aming pailalim."

"Siluan." Sabi ni Raphael sa kasama niya, " Napadpad sila sa may bunganga ng
Siluan."

"May nakapagsabi na po sa akin ng tungkol sa Siluan, pero hindi naman po namin alam
na maari pong mangyari sa amin ito. Ang babala pong naibigay sa amin tungkol sa
Siluan, ay magpapaikot-ikot lamang kami, at sa pagkakataong mangyayari 'yun, ay
kailangan lamang naming ibato ang dala-dala naming kristal paitas, para makabalik
kami sa aming rota."

"Maari ninyong gamitin ang kristal, kung kayo ay nasa gilid lamang ng Siluan."
Sagot ni Raphael, "Ngunit hindi kapag nakalampas na kayo sa hangganan, kung saan
naroroon ang lagusang papunta rito. Sa hangganan kasi ay may tagapagbantay, na
binibitbit ang kahit anong bagay na nadadaanan nito. Maaring ang tagapag-bantay ng
lagusan ang siyang nagdala sa inyo rito"

"Matutulungan niyo po ba kaming makalabas?"

"Hindi." Sagot ni Zehanpuryu, "Hindi niyo ba nakikitang bilangguan ito ng mga


Anghel? At ang sinumang napapadpad dito, ay hindi na nakakawala pa ng walang
pahintulot ng Panginoon?"

Nadinig kong umiiyak na si Mitch, at parang naghihisterya na rin si Tristan at


Benj.

"Paano po ba kami makakahingi ng pahintulot sa Panginoon?" Kalmadong tanong ni


Luke.

Nagkatinginan ang dalawang nilalang.

"Ang pananampalataya ninyo sa Kanya." Si Raphael, "'Yaon lamang ang makapagliligtas


sa inyo, mula sa bilangguang ito, sa iilang oras na natitira sa inyo. Matutulungan
sana kayo ng Santelmo ng Panginoon," Itinuro nito ang bolang apoy na hawak ni Luke,
"Kung may sapat kayong oras. Pero sa ngayon ay huli na. Maaring hindi na kayo
umabot sa pagsasara ng lagusan." Binawi ulit ni Raphael ang bolang apoy kay Luke.

Nakita kong yumuko si Luke, at para na ring umiiyak.


"Hindi kami maaring magtagal dito." Sabi ulit ni Raphael, "May mga tungkulin kaming
dapat gampanan. Kung nasa ibabaw tayo ng lupa, ay maaring matulungan namin kayo.
Pero hindi dito, kapos ang aming kapangyarihan sa bilangguang ito. Ang Diyos din
lamang ang tumutulong sa amin na makaahon dito, para makauwi kami sa langit.
Bilangguan ito ng mga kauri namin. Walang bisa dito ang mga kapangyarihan namin."

Pati ako ay napahagulhol na rin sa aking nadinig. Hindi na ba talaga kami


makakawala dito?

"Diyos ko! Diyos ko!" Umiiyak na bulong ko, "Tulungan niyo kami."

"Lord, Lord! Tulungan niyo po kami." Umiiyak na hiyaw ni Tristan. "Magpapakabait na


po ako. Hindi na po ako maninilip. Hindi na rin po ako manonood sa pagtatalik ng
ibang tao. Magbabagong buhay na ako Lord! Hindi na po ako manood ng Porno at
Hentai, Lord! Please po, tulungan niyo po kami."

Umalis na ang dalawang nilalang, habang si Luke naman, ay umiiyak nang pumasok na
din sa loob ng sasakyan.

Mukhang wala na sa tamang huwisyo ang lahat. Lalo na at nadidinig namin, ang 'tila
pagsasara ng lagusan, na sinasabayan naman ng malakas na lindol.

"Maghawak kamay tayo." Sabi ko, habang kinakapa ko ang kamay ni Mitch at Tristan.
Nanlulumong sumunod naman ang lahat.

Sumulyap muna ako kay Luke, mukhang wala siyang balak mamuno sa pagdarasal. Kaya
naman kahit hindi ko alam ang aking sasabihin, ay ako na ang nagsalita.

"Panginoon. Kaming mga makasalanan at hindi karapat dapat sa inyong pagmamahal, ay


naninikluhod sa inyong awa. Nawa'y mabigyan niyo pa kami ng pagkakataong
makatungtong muli sa lupa, kung saan kami'y maaring makapagsisi pa sa aming mga
kasalanan sa inyo. Nawa'y dinggin ninyo ang aming mga panaghoy sa oras na ito. Sa
ngalan ng inyong Anak na si Hesukristo--" Naramdaman naming unti-unting huminto ang
paglindol, "Na aming Panginoon at Tagapagligtas, kami'y humihiling na sana'y
makawala pa kami, rito sa lugar na hindi ninyo itinakda sa amin. Amen."

Katahimikan. Nakabibinging katahimikan, na ang alingaw-ngaw lamang ng tumulong


tubig, ang natatangi naming nadidinig. Ilang patak pa ang aming narinig nang.....

May 'tila malaking ipo-ipo na naman ang sa amin ay bumibitbit... paitaas.

Nagsigawan na naman kami nang sabay-sabay. Daig na naman namin ang nasa roller
coaster.

Pumukit na lamang ako para maiwasan ang pagkahilo.


Naramdaman kong sumuka sa Mitch . Medyo naamoy ko rin ito.

Hindi ko siya masisisi, dahil nakakasuka naman talaga ang bilis ng aming pag-ikot.
Ang sensasyon ay parang may humihigop naman sa amin paitaas. Nadinig ko sumuka na
rin si Benj at si Tristan. Nangamoy din agad ito. Hindi naman ako maselan, kaya't
hindi ko ininda ito.

Nagtapos ang pag-ikot ng sasakyan sa tila paglagapak namin sa...

Iminulat ko nga mata ko.

Lupa? Lupa! Nasa ibabaw na kami ng lupa! Maliwanag ang paligid. Mukhang tanghali
na. Mataas na ang araw habang kami ay nasa gitna nag kalsa---

Isang ten wheeler ang akala ko ay babangga na sa amin. Mabuti na lamang at nakaiwas
ito. Paano'y nasa maling direksyon pala kami ng highway nakaharap.

"Whew! That was close." Sambit ni Tristan.

"Damn!" Si Luke, "What did you do to my vehicle!" Pisil-pisil nito ang kanyang
ilong. Amoy suka kasi ang loob ng sasakyan.

"Pwede ba?!" Pagtataray ni Mitch kay Luke, "Huwag ka nang magreklamo diyan!
Tutulungan ka naming maglinis, huwag kang mag-alala!"

"No." Ani Luke. Umiiling-iling, "This calls for an intensive auto bath."

"Arte talaga ng lalaking 'to." Bulong ni Mitch. "Good luck na lang sa 'yo Dette."
Sabi nito sa akin, "Masyadong delikado ang lalaking 'yan, parang babae, malas mo."
Bulong nito sa akin, sabay halakhak.

Ngumiti lang ako, pero hindi ako nagsalita. Pinagmamasadan ko lang si Luke na
parang buwisit na buwisit sa pagpupunas ng mga bahid ng suka sa dashboard.

Di na bale sanang malasin ako sa kanya, kung mahal naman niya ako. Ang kaso, ang
malas ko, kasi hindi niya ako mahal. Hindi ko tuloy malaman ngayon, kung alin ang
mas malala. Ang maging malas dahil mahal niya ako o ang maging malas dahil hindi
niya ako mahal?

"Hayun, Hotel!" Bulalas ni Tristan, na siyang nagmamaneho. "Hay sa wakas,


makakaligo rin!"

"Don't get too excited." Sagot naman ni Luke, "Tingan muna natin kung may available
rooms."
Huminto na kami sa hotel na iyon. Mukhang iyon lang ang nag-iisang istruktura doon.
Nilingon ko ang paligid. Puro kapatagan. May isang dako na puro lamang talahiban.

Pumasok kami sa loob. Sa pagpasok ko, pa lamang, ay parang may kakaiba na akong
nararamdaman.

Kakaiba ang mga hitsura at ikinikilos ng mga tao roon. Ang tatangkad nila.
Mapababae o mapalalaki, parang hindi bababa sa anim na talampakan ang mga taas.
Lahat sila ay lumilingon sa amin, habang papunta kami sa front desk. Tiningnan ko
ang mga receptionists. Mukha naman silang normal, at nasa tamang sukat, bagama't
may kakaiba pa rin sa paraan ng kanilang pagkilos at pagtingin.

"Ang weird naman ng mga 'to!" Bulong ni Mitch sa akin, "Kung hindi lang talaga ako
desperadong maligo at makapag-ayos, hindi mo ako mapapatigil dito."

"Wala pong available na room, kung gusto ninyong mag-stay overnight." Sabi ng
receptionist kay Luke.

Hindi ko alam kung nakakahinga ba ako nang maluwag, o malulungkot. Hindi ko rin
kasi gusto ang pakiramdam ko roon, bagama't medyo desperado na rin akong
makapaligo.

"Ganun po ba?" Sabi ni Luke, "Pero miss, meron po ba kayong pwedeng ipa-access na
shower room, kahit po magkano magbabayad po ako. Kailangan lang po naming makiligo,
pero aalis din po kami kaagad."

Natanaw kong bumulong ang receptionist sa... mukhang manager niya. Bumulong din sa
kanya ang manager pabalik.

"Meron kaming pwedeng ipagamit na maliit na banyo po dito sa ibaba, kahit daw po
wala nang bayad, basta't huwag lamang daw po kayong magtatagal ng hihigit pa sa
isang oras."

"Naku, sige po. Kung pwede po sana." Tuwang-tuwang sabi ni Luke.

May isang staff na sinamahan kami roon. Mukhang employee's bathroom yata ang
tinutukoy nila. Napakaliit ng banyo, na parang isa lamang hanggang dalawang taong
nagsisiksikan ang kasya sa loob.

"Isang oras lang po ah!" Sabi ng lalaking staff na sumama sa amin," Bawal po kasi
ito. Naawa lang po sa inyo ang manager namin, dahil medyo naamoy po namin kayo."
Umalis din ito kaagad.

"Nadinig niyo 'yon mga babae?" Sabi ni Tristan sa amin ni Mitch, "Isang oras lang
para sa ating lahat, kaya bawal ang magtagal sa loob, ok?"
"Mukha mo!" Pagtataray ni Mitch kay Tristan.

"Sabay na lang kami ni Honey sa loob, para tipid sa oras." Sabi ni Benj, habang
kinukuha ang kanyang tuwalya.

"Kayo Luke, magsasabay na lang din ba kayo ni Dette?" Tanong ni Tristan kay Luke.

Oh Luke, please say yes!

"Ah, no." Hindi man lamang siya nakatingin. Nag-aayos siya ng kanyang mga
gagamitin.

Ganoon lamang kaikli ang sagot niya. Ni walang explanation. Ni walang man lang
sorry Dette, I'd rather be alone. Wala man lang alibi, para hindi masyadong
masakit. Ganito na siya kalamig, simula nang makita naming muli si Mitch.

Si Mitch pa rin talaga. Kahit na alam niyang, hindi pwedeng maging sila. Kay Mitch
pa rin talaga siya nakatingin, kahit panakawnakaw lamang ng tingin.

Napasulyap na lang sa akin si Tristan. Sulyap na may buntong-hininga. Sulyap na


parang nangungusap na... "I'm sorry Dette, but you already know this is coming."
Kaya't hindi na lamang ako kumibo, at tahimik na hinintay ang pagkakataon kong
makaligo.

------------------------------

Footnotes:

(1) Angel Raphael: Enoch 10:4-6 The angel who bound Azazel, one of the fallen
Watchers. The Book of Tobit (Apocrypha/Deuterocanon) Travelling companion of
Tobit's son Tobiah, in his human disguise as Azarias the son of the great Ananias.

(2) Psalm 90:4 and 2 Peter 3:8

(3) Angel Zehanpuryu: High ranking angel whose name means "one who sets free."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 29
Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 29

Mitch's P.O.V.

Naaawa ako kay Dette. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na
naghihinanakit siya sa walang kasing manhid na si Luke.

Well, maybe that's exactly why didn't chose Luke over Benj. Mabait na tao si Luke,
pero... kulang na kulang talaga siya sa warmth. He could be a nice boyfriend
material, kung gusto mo lang ng isang napakaguwapo at matipunong lalaki na pwedeng
pang-display. Pero kulang siya sa init. Masyado siyang uptight. May pagkamanhid, at
hindi buo kung magbigay ng kanyang sarili.

Kung sa bagay...

Nagmula na mismo sa kanyang bibig noon--na siya mismong dahilan kung bakit tuluyan
na akong na-turn off sa kanya. Hindi daw kasi talaga siya buong magmahal. Ang
paniniwala niya, hindi naman daw dapat talaga isang daang porsyento ang pagbibigay
ng pagmamahal. Para raw kasi, hindi masyadong masakit kapag nasaktan ka. Para daw
may matitira pa sa 'yo kapag iniwan ka.

Ang sa akin lang naman...

Ano ba ang mapapala ko sa pagmamahal na hilaw? At anong silbi pa, ang


magkipagrelasyon ako sa isang taong hindi pa man din kami nakapag-uumpisa, ay
iniisip na kaagad ang pagtatapos?

Na iniisip na kaagad ang kanyang sarili, bago ang kanyang kapareha.

Na iniisip muna kung gaano kasakit, kaysa kasarap, ang magmahal ng buo.

Dito malaki ang lamang ni Benj sa kanya...

Si Benj. Masakit sa ulo. Isip bata at nuknukan ng kapilyo at kababaero. But there
is something about him that makes me feel at home. Siguro, 'yun na nga 'yun. Buo
kasi siyang magmahal. Mainit sa pakiramdam ang kanyang mga yakap. At wala siyang
arte o kiyeme sa katawan. He's someone I could really go crazy with. Sa piling
niya, I feel warm enough to stay, kahit gaano pa siya kahirap mahalin.

***

Sa kinahaba-haba ng aming pag-lalakbay, ay naka-uwi din kami sa Maynila. Kung saan


naghihintay na ang aming mga mahal sa buhay.

OA ang parents ko. Kulang na lang ay magpapiyesta sila sa pagbabalik ko. Ganun din
ang mga kapatid at pinsan ko, pakiramdam ko tuloy, prinsesa talaga ako.

"I missed you so much, bestie." Si Helga. Nang binisita nila ako, ni Tita Marietta.

"I missed you too." Inakap ko siya.

Sunod ko namang niyakap, ang Tita Marietta.

"Tita," Ako, kay Tita Marietta. "Ano po ba kaya 'yung napuntahan ko sa ilalim ng
kastilyo ni Lucio? 'Yun na po ba ang impyerno? Doon po ba dinadala ang mga
namamatay na makasalanan?"

Imbes sagutin ako agad, ay ngumiti muna ito at pinagmasdan ako.

"Nagbabasa ka ba ng Bibliya?" Anya.

Ako? Of course, not. Ang kapal-kapal kaya n'on.

"Hindi po."

"Kung babasahin mong mabuti ang nakalagay sa Biblya, malalaman mo, na hindi mga
makasalanan ang pupunta sa impyerno, kundi 'yung mga taong walang pananampalataya
at pagmamahal sa tunay na Diyos. Lahat tayo ay makasalanan (1). Kahit nga ang mga
Santo at pinakabanal na tao sa mundo, mga makasalanan din eh. Isipin mo, kung iyon
ang magiging batayan sa pagpunta sa impyerno, eh di lahat tayo, ay mapupunta ro'n?"

Nagkatinginan kami sandali ni Helga.

"Tungkol naman doon sa impyerno." Dugtong niya, "Kung babasahin mo ang banal na
kasulatan, mababasa mo doon, na ang Diyos ay gumagawa na, ng bagong langit at lupa
(2), dahil ang kasalukuyang mundo, ay itinakda na niyang magunaw. Ang impyerno ay
lugar ng walang hanggang paghihirap, kaya't papaanong magiging naririto sa mundong
may katapusan, ang impyernong walang hanggan?"

Walastik. Anghel na anghel ang dating ng kanyang interpretasyon. Ang galing ng


logic niya. Oo nga ano? Paano nga bang magiging lugar ng walang hanggang impyerno,
ang mundong may katapusan?

"Umaayon naman ito sa sinabi ng Panginoon." Pagtutuloy niya, "Na ang immortal na
impyerno, ay 'kadiliman sa labas'... na nasa labas, ng mortal na mundo (3)."
"Eh kung hindi po 'yon ang impyerno? Eh ano po 'yung lugar na nasa ilalim ng
kastilyo ni Lucio."

"Maaring ang nakita mo, ay ang pansamantalang bilangguan, ng Anghel at kaluluwa ng


mga taong itinakwil ng langit (4)."

"Pansamantalang bilangguan?"

"Oo, pansamantalang bilangguan nga mga kaluluwa, bago dumating ang araw ng
paghuhukom."

Napakamot ako. Hindi kasi ganoon ang nakagisnan kong paniniwala. Ang alam ko. Kapag
namatay ka, either langit o impyerno lang. Tapos kapag medyo alanganin ka, doon ang
patak mo sa Purgatoryo.

Ilang linggo, at buwan ang lumipas. Nakakatuwang, naging mas mabuti na, kaysa dati
ang relasyon namin ni Benj. Napakadalang na lang naming magtalo, mukhang aabot na
nga sa isang taon, na hindi kami nag-aaway at naghihiwalay.

"See? I was right!" Si Luke, sa aming dalawa ni Benj, "Mabuti na lang, hindi ko
siya siniryoso, kung hindi, baka nagmumukmok na ako." Tatawa-tawa pa ito.

Ang tinutukoy niya any biglaang pag-alis ni Dette, na hindi nagpapaalam sa kanya.

O well. He doesn't know it was coming, but I did. At ito ang isa sa mga
pagkakataong, gusto ko kutusan at batukan si Luke.

"Hindi ka lang pala manhid!" Naiiritang sabi ko sa kanya, "You're such an annoying
jerk as well!" Inirapan ko siya.

"Ako na nga ang iniwan, ako pa ang manhid at jerk?" Nakasimangot ito.

Nag-overdosed ba ng anestesia ang Mama niya, habang nasasa tiyan pa siya? Ang
manhid niya, grabe!

"Manhid ka, kasi hindi mo man lang naramadaman kung bakit siya umalis!" Bulyaw ko
sa mukha niya, "You're such a jerk, dahil parang natutuwa ka pa, sa pagkawala
niya!"

"And what the fuck did you mean by that?" Iritableng balik niya sa akin.

"Ikaw na nga yata ang pinakatangang henyo sa buong mundo." Utas ko.

"Ako? Tanga? Paano ako naging--"


"Mahal na mahal ka ni Dette, tanga!" Bulyaw ko ulit sa mukha niya, "Pero ano ang
isinukli mo sa kanya? Pinakialaman mo lang ang pagkababae niya, pero wala ka namang
pakialam sa kanya! Akala mo ba, hindi ko alam na mangyayari ito? Alam ko na ang
plano niyang ito, nasa Tuguegarao pa lang tayo. Dahil wala ka nang ginawa, kung
hindi iparamdam sa kanya na hindi siya ang mahal mo kung hindi ako." Tumayo ako at
dinuro siya, "Dederetsahin na kita Luke! You have no idea how glad I am right now,
na hindi ikaw ang minahal ko. Dahil kung nagkataon, ako na siguro ngayon ang
nagdudusa at umiiyak, dahil sa isang taong, kung ano ang ikinataba ng utak, ay siya
naman ikina-malnourished ng puso!"

Magsasalita pa sana siya, nang buong kamalditahan ko siyang tinalikuran, lumakad


papalapit kay Benj, para hilahin ito paalis.

"Halika na Honey," Ako, kay Benj. "Ilayo no ako rito, kung hindi'y baka makasapak
lang ang ako ng tao."

Nasa kotse na kami, nag bigla na lang hinawakan ni Benj, ang kaliwang hita ko. Alam
ko na ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang mag-'ano' kami. Dati-rati naman ay
gusto ko iyon. Pero ewan ko. Kapag naalala ko kasi na humahantong sa kulungan ng
nga kaluluwa, ang mga namatay na taong nagpo-fornicate, parang hindi ko na ma-enjoy
ang pre-marital sex. Kapag ginagawa ko ito, parang binabagabag na ako ng aking
kunsensya. Pumapayag pa rin naman ako paminsan-minsan, pero tumatanggi na ako ng
madalas. Kahit na alam kong, nagkukulang na ako, sa sexual needs ng boyfriend ko.

"Not today, Benj." Sabay tanggal ko ng kamay niya, sa hita ko.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ayaw mo na ba sa akin?"

"Hindi sa ganun Benj," Ako. Pinipilit ayusin ang aking pagpapaliwanag. "It's just
that. Alam ko na ngayon, na masama ang ginagawa natin. Not unless we're married."

"Fuck that!" Bulong niya, pero nadinig ko pa rin. "Are you saying that we can't do
it anymore.l?"

"Ang sabi ko, not unless were married."

"Hindi pa ako handang magpakasal, Mitch."

Wow. Diretchahan ah. Kung sa bagay. We are only 22. Wala pa rin talaga sa isip ko
ang pag-aasawa. Ang kaso mo, hangga't kaya ko, ay ayoko na talagang magkasala.

Hindi na naman niya ako pinilit pa. Pero siyempre, halatang-halata sa mukha niya
ang pagkadismaya. Alam ko naman kasing... mahirap pigilan ang libog. Lalo na para
sa mga lalaki.
Dalawa't kalahating taon ang lumipas. Nakakatuwang we are still together, kahit
wala muna kaming sexual relationship. Proud na proud ako na nanatili siya sa tabi
ko, kahit na hindi na niya nahahawakan ang katawan ko.

Pero ewan ko. Siguro nga, ay dahil tao lang ako, kaya't kahit anong pigil, ay
hinahanap-hanap ko pa rin talaga ito.

"Benj..."

"I missed you so much, honey!" Habang pinanghihimasukan niya ako nang nakatayo.

Dammit. After all those years of abstinence, I did it again. At sa dinami-dami pa


ng lugar kung saan kami aabutin, ay doon pa sa loob ng kumpisalan, sa simbahan.

"Benj, this is wrong." Iyak ko, pagkatapos.

"What?!" Naiiritang reaksyon niya, "So... ilang taon na naman ba ang bibilangin ko,
bago maulit ito?" Nakasimangot siya.

"You have to marry me muna, kung gusto mong maulit."

"I am not ready yet, Mitch."

"We are turning 25, pwede na."

"It's not about that Mitch... it's just that..."

"It's just that, what?"

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nag-walkout lang siya ng walang salita.
Nakakabuwisit pa, na iniwan na lang niya ako doon sa simbahan. Dala-dala ang purse
ko, na nasa kanyang sasakyan.

Shit! Matapos ako iskoran, iniwan na lang niya ako? At paano kaya ako makakauwi
nito, gayung wala naman akong kapera-pera sa bulsa ko?

______________________________

Author's note:

Ang orihinal pong Wattpad version ay may 30 Chapters with Prologue and Epilogue,
habang ang full book version po ay may 35 Chapters with Prologue and Epilogue. Pero
habang binabasa po namin ng ilang editors ang mga huling kabanata ng Wattpad
version, ay napansin po namin na masyadong malaki ang pagkabungi nito, na naka-
aapekto na sa kabuuan ng istorya na maari ninyong ikadismaya (Wala po kasi sa
original Wattpad version ang Chapters 30 to 34--masyadong malaki ang gap). Nang
dahil po dito, ay napagdesisyunan po naming, dagdagan ng dalawa pang extra Chapters
ang Wattpad Version, para lang po hindi kayo masyadong mabitin. Inyo po sanang
ipagpaumanhin ang patuloy na pagkaantala ng pagtatapos ng Walang Kawala dito sa
Wattpad. Hindi rin po namin maipaliwanag, kung bakit tila may hindi nakikitang mga
pwersa, ang pilit na humaharang, para mabasa ng mga tao, ang mensahe at nilalaman
ng nobelang ito. Sa awa naman ng Diyos, kahit mabagal, ay nakakausod-usod pa rin
ito kahit papaano. Pasasaan ba, at matatapos din po ito dito--sana nga lamang ay
bago magpasko (LOL) Maraming salamat po sa inyong pasensya. --Angela.

______________________________

Footnotes:

(1) All have sinned and have fallen short of the Glory of GOD: Romans 3:23

(2) New heaven and new earth: Isaiah 65:17, 66:22, 2 Peter 3:13, Revelation 21:1

(3) Jesus uses the term "outer darkness" in the parable to describe a condition of
great sorrow, loss and woe. It stands in vivid contrast to the brightly lit and
joyous celebration attended by those who accepted the king's invitation.
Interpreting the wedding feast as heaven, the "outer darkness" must be the place of
eternal punishment. Most Bible scholars agree that the phrase "outer darkness"
refers to hell or, more properly, the lake of fire (Matthew 8:12; 13:42; 13:50; and
25:23).

(4) 1 Peter 3:19: Prison of Spirits.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 30

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 30

Mitch's P.O.V

Sa pagpapahayag ng papuri ko kay Benj, at pamimintas ko kay Luke... mukhang kinain


ko rin lamang ang lahat ang aking mga sinabi. Ang kinalabasan, si Luke pa rin ang
aking tinawagan nang hindi na niya ako binalikan.
Dumbass Benj! I really hate him right now. Sa sobrang inis ko sa kanya, ngayon,
ipinagdadasal ko talaga, na sana ay tumirik ang kotse niya.

"Buti dala-dala mo ang cellphone mo." Tanong ni Luke, habang pinapaandar na niya
ang makina ng kotse niya. "Ano ba ang nangyari?"

"Don't ask." Sambakol ang mukha ko.

"Actually, halos magkasunod kayong tumawag sa akin."

Tiningnan ko siya nang matalim. Inaabangan kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"He actually told me to pick you up, before you called me." Pagtutuloy niya.

"He called you to pick me up?!" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Oo," Anito. "Nasiraan daw kasi diyan sa kabilang kanto. Bigla na lamang daw
tumirik ang kotse niya, kaya hindi ka niya mabalikan dito."

Oh. My. God.

Is that an answered prayer?

Dahil sa narinig ko, hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapahalakhak. Nagtataka man
sa inaasta ko, ay nakangiting sinusulyapan lamang naman ako ni Luke habang ito'y
nagmamaneho.

Isang todo-todong sampal ang isinalubong ko kay Benj, nang makarating na kami ni
Luke, sa kung saan nakatirik ang kotse ni Benj.

"Sorry na Honey," Panunuyo niya, habang pinipilit niya akong yakapin. Itinutulak ko
naman siya maya't-maya. "Babalikan naman dapat kita kaagad, ang kaso, nasiraan ako
eh." Lukot na lukot ang mukha nito.

"It doesn't change the fact that you left me there, Benj!" Umiiyak na ako, "I hate
you! I hate you! I hate you!" Habang pinupukpok ko ng magkabilang kamay at braso
ko, ang kanyang dibdib.

"Sorry na Honey. Please forgive me." Paulit-ulit niyang sambit, habang nagwawala
ako sa galit.

Unti-unti rin namang humupa ang aking pagwawala, bago pa natapos ni Luke ang pag-
aayos ng makina sa kotse ni Benj. Pero hindi na ako sa kanya nakisabay. Kay Luke na
ako nagpahatid sa bahay.

Buwisit siya.

Kung gusto niyang patawarin ko siya, sisiguraduhin kong gagapang muna siya. Para
naman matuto siya na hindi kasama sa mga options niya, ang katangahang ginawa niya.

Naging matyaga naman ang kanyang panunuyo. Pero dahil gusto ko muna siyang
pahirapan, ay pinlano ko munang subukan ang kanyang hangganan.

Madalang ko na lang sagutin ang kanyang mga tawag. Hindi ko na rin halos sinasagot
ang kanyang mga text. Pinababayaan ko lamang siyang maghintay sa labas ng aming
bahay, kahit na pinagtitiginan na siya ng aming mga kapitbahay.

May mga pagkakataon na naawa ako-- natutuksong patawarin na ito. Pero kailangan
niyang sa kanyang mga pagkakamali ay matuto, para hindi na niya gawin ulit ang mga
ito.

"Hanggang kailan ba 'yang pagtuturo mo ng leksyon?" Tanong ni Helga, habang kalong-


kalong ang kanyang bunsong si Helena. "Magtatatlong buwan na rin ah. Patawarin mo
na. Ikaw rin. Baka sumuko na 'yon at humanap na ng iba." Naririto ako sa bagong
nilipatan nilang bahay ngayon, kung saan mas madalas akong tumambay maghapon.

Bago pa ako nakasagot ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Pagkahilong may


halong pagbaliktad ng sikmura ko.

"Golly, Bestie." Si Helga, habang pinapanood ang aking pagsusuka, sa lababo ng


kanilang kusina. "Di kaya buntis ka?"

Buntis? Ako? Buntis? Paano naman ako mabubun--

"Shit!" Utas ko, habang pinupunasan ko ng panyo ang bibig ko.

"Ano?" Nakangising tanong ni Helga. Nakataas pa ang isang kilay niya. "Gusto mo
mag-pregnancy test? Meron ako akong spare kit diyan sa medicine cabinet."
Inginunguso niya ang direksyon ng kanilang banyo.

Kinakabahan ako. Hindi nga kaya buntis ako? Habang itinatanong ko 'yon sa utak ko,
ay bigla kong naalala, na dalawang menstrual cycle na delayed na nga pala ako.

"Isang guhit, kung hindi ka buntis." Utas ni Helga, habang nanginginig na


binubuksan ko, ang pregnancy test kit na ibinigay niya. "Dalawa, kung magiging
Mommy ka na." Tatawa-tawa siya.

Nakakainis. Lalo tuloy akong kinakabahan. May 'Dilang Anghel' pa naman itong si
Helga. Dahil halos lahat ng mga pinagsasabi niya, ay nagkakatotoo talaga.

"Anong gagawin ko?" Umiiyak na sambit ko, habang pinagmamasdan ang dalawang guhit
na kinatatakutan ko.

"Tell Benj." Sagot niya, "Aba, blessing 'yan! Kailangan niyang malaman na magiging
tatay na siya."

Gosh.

Knowing Benj. Penitent as he is right now. He will absolutely freak out. 'Yun pa
nga lamang salitang 'kasal' ay natutuliro na siya, 'yun pa kayang malaman niyang,
magiging tatay na siya?

"I guess, I have to forgive him, before I bring him the bad news." Nakasimangot ko.
Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko.

"Bad news?" Nakakunot na tanong ni Helga, "Ano ka ba Mitch? Baby niyo 'yan,
blessing 'yan. Bakit bad news? Ayaw mo bang magkaanak? Ang sarap kayang magkaanak."
Habang ibinababa niya sa sahig ang tatlong taong gulang na si Helena.

"Yeah right. Nakalimutan mo na ba na halos ikamatay mo ang panganganak dito kay


Helena?"

"I know, pero look! Im still alive, and enjoying motherhood. And let me tell you
this. Ilang beses man akong ma-coma ulit, hinding-hindi ko pagsisisihan, na
iniluwal ko sa mundong ito si Helena."

"You make it appear like I am a very bad person, Helga." Umiirap na utas ko sa
kanya, "Mabuti sana, kung hindi exact opposite ni Jason si Benj. Si Jason, mas atat
pa sa 'yo nung nagpakasal kayo, bukod sa, kasama talaga sa plano niya, ang
magkaanak kaagad kayo. Pero si Benj, ano? Marinig lang niya ang salitang kasal,
kumakaripas na ng takbo, 'yun pa kayang malaman niya, na buntis ako?"

"You have no way out, Mitch." Sagot ni Helga, "Naririyan na 'yan. Wala ka nang
kawala. You will have to let him know, and face this together. Tutal, araw-araw
naman ang panunuyo niya, kaya kung ako sa 'yo, patatawarin ko na."

"Araw-araw, until 3 days ago." Sagot ko, "I haven't heard from him for 3 days na.
Naisip ko..." Napayuko ako, "Sumuko na siguro."

"Almost 3 months ka rin niyang sinuyo. Bakit hindi mo puntahan? Mag-usap kayo. Para
saan ba ang ilang taong pagsasama niyo kung... wait lang, ilang taon na nga ba
kayong mag-on?"

"Actually, anniversary nga namin bukas eh." Ako, na may bahagyang ngiti. "Pitong
taon na."

"O, yun naman pala eh. Bakit hindi mo gamitin 'yung special occasion, para puntahan
siya?"

"Bahala na."

Magdamag akong balisa. Nagdadalawang-isip, kung ako na ang magkukusang puntahan si


Benj, para patawarin na ito, at para na rin, sabihin sa kanya ang sitwasyon ko.

Pagkagising ko, cellphone ko kaagad ang tiningnan ko. For the almost 3 months na
panunuyo niya, parati kasing may notification ng missed calls at received messages
from Benj ito. Anibersaryo namin ngayon, kaya't kahit magkagalit man, ay umaasa
ako. Pero sa kasawian palad, kahit isang missed call o text ay wala.

Parang naninikip ang dibdib ko. Sinamahan pa ng pagkahilo at nangangasim na sikmura


ko.

Hindi niya ako naalala?

In denial ako. Pilit kinukumbinsi ang sarili ko, na baka susurpresahin lang niya
ako. Lumipas ang umaga, tanghali, at ngayon nga ay hapon na. Pero sa kasamaang-
palad, wala pa rin akong naririnig mula sa kanya.

Alas-siyete na ng gabi, nang napagdesisyunan kong, puntahan na lamang siya--pilit


na isinisiksik sa aking iniisip, na baka naman may sakit lamang siya.

Unusual kasi ito kay Benj. For the past 7 years, kahit magkagalit kami, ay
tinatawagan at tine-text naman niya ako. Pero iba ngayong taong ito, kaya naman
medyo nag-aalala ako.

Lulan ng kotse ko, pinuntahan ko siya sa bahay nila--sa bahay ng parents niya.
Pinatuloy naman ako ng isa sa mga kapatid niya, para lang sabihin na, ilang araw na
daw itong hindi umuuwi doon sa kanila.

"Pero tumatawag naman siya kina Mama everyday, doon daw muna sa Condo niya. Alam mo
naman ang address ng Condo niya, hindi ba?" Sabi sa akin ng Ate niya.

"Oo... a-ate, s-salamat." Medyo sumasama na naman kasi ang aking pakiramdam.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya. Habang pinagmamasdan niya akong tumayo, mula sa
kanilang maganda at mukhang mamahalin na sofa.

"O-oo naman, Ate." Habang lumalakad ako sa pintuan.


"Namumutla ka kasi." Anya, "Kung gusto mo, tatawagan ko na lang siya. Pauuwiin ko,
para hintayin mo na lang siya dito."

"H-ha? Huwag na Ate. Alam ko naman kung saan ang Condo niya."

"Are you sure? You don't look Ok kasi eh."

Argh! I know I don't look Ok. Pero alangan naman na mas mauna ko pang sabihin sa
kanya na buntis ako. Dyahe naman 'yun, kung nagkataon.

"I'm fine Ate, salamat." Sabi ko. Bago ako nagmamadaling bumalik sa kotse ko.
Mahirap na, baka masuka pa ako. Mabuking pa niya ang tunay na kalagayan ko.

Pinuntahan ko si Benj sa kanyang Condo. Walang tao. Tiningnan ko ang parking lot,
wala rin ang kotse niya. Kaya naman napagdesisyunan ko, na maghihintay na lamang
ako sa kotse ko, na sadyang ipinarada ko, sa kabilang kalye lang na katapat ng
Condo.

Maya't-maya akong tumingin sa aking relo, na hindi naman nakatulong sa tumitinding


pagkainip ko. Pagkainip na tumutukso sa akin na tawagan na lamang siya sa
cellphone, bagama't nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong surpresahin ito.

Alas-otso kinse ng gabi nang magsimula akong maghintay. Alas diyes na, hindi pa rin
siya dumarating. Mabuti na lang may baon akong candies, kaya naman hindi ko
masyadong nararamdaman ang gutom ko.

"Benj, nasaan ka na ba?" Bulong ko, pagkaraan ng kinse minuto mula alas-diyes.

Alas onse na, nang medyo nag-iisip na akong umuwi na lang. Pero isang oras na lang,
tapos na ang araw ng aming anibersaryo. Kaya dahil dito ay, mas minabuti kong
isagad na lang ang paghihintay ko.

Trenta minutos bago mag-alas dose, nang marinig at matanaw ko na ang kanyang
sasakyan. May tint ang windshield ng kanyang kotse, kaya't hindi ko alam kung sino
ang lulan nito, unless ito'y buksan.

Pero dahil nasisiguro ko naman na kotse ni Benj 'yun, ay bumaba na ako, at saka
dahan-dahang lumapit sa may bintana, palihis sa front passenger side.

Nasa apat hanggang limang hakbang na lamang ang layo ko nang...

Nakadinig ako ng ungot so loob. Boses ng babae. Napahinto ako sa paglapit. "I want
you right now, Benj. Take me to your room..."
"S-sure..." Sagot ni Benj.

"G-gosh Benj, I'm too horny..." Daing ng babae. "Fuck me please..."

Nanginginig man at naiiyak, ay humakbang pa ako ng dalawang beses.

Damn.

Parang sasabog ang puso ko, nang masilip ko na sila sa kalahating siwang ng
bintana. Nakakalong na ng pabukaka sa kandungan niya ang babae. Nakalislis ang mini
skirt paitaas, bukas ang blusa niya sa may dibdib, habang parang hindi magkamayaw
na nakikipaghalikan kay Benj.

"Doreen..." Daing ni Benj, "I am too drunk but yes... I effin' want to break you in
my bedroom tonight."

Nagpapalitan pa sila ng ilang malalaswang salita, pero nabibingi na ako. Nabibingi


na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Halos wala na akong makita sa namumuong
mga luha sa mga mata ko. Ni hindi ko na rin alintana na nasa gitna ng kalye pala
ako.

Parang kinakalawang ang aking mga paa sa pagbalik ng aking sasakyan, na lalo pang
pinalala ng biglang pag-alog ng kanilang sinasakyan. They are doing "it" right
there. Hindi na sila nakapaghintay, kaya naman para na ako ngayong pinapatay.

Sa dinami-dami ng araw. Bakit ngayon pa? Sa tinagal-tagal ng panahon, na kami'y


nagkasama, kundangang ngayong ikapitong taon pa siya hindi naka-alala. At may bonus
pa... pagtataksil, habang heto ako't luhaang bitbit sa aking tiyan, ang anak naming
dalawa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hatinggabi na, kaya nahihiya ako kung abalahin
ko pa si Helga. Ayoko namang umuwi sa bahay ng mga magulang ko, dahil hindi pa ako
handang sabihin sa kanila, ang pagdadalang-tao ko.

Pesteng buhay.

Nakakabugnot isipin na habang nagpapasarap si Benj, ay heto ako at naglalakad sa


isang parkeng madilim. Halos wala nang tao. Puros lamang mga magkakapares na mga
tila magnonobyo at magnonobyang nagmimilagro sa likod ng mga palumpong.

Hindi ko na mabilang kung naka-ilang buntong-hininga ako, kasabay ng hindi maawat


na pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Kumakalam na ang sikmura ko, pero hindi ko
na pinansin ito.

Mas iniinda ko ngayon, ang napaksakit na pakiramdam ng pagkabigo. Sakit ng


pagkabigong nagmumula sa dibdib, na unti-unting kumakalat sa buong pagkatao ko.
"Kung kailan ako nagplanong magbago," Bulong ko sa sarili ko, "Disgrasyada rin
naman pala ang kahahantungan ko."

Darn irony of my stupid life.

Kung kailan ko gustong gawing tama, ang lahat ng mali sa buhay ko, saka naman ako
susupalpalin ng kamalasang ito.

Paano na kaya ako? Saan ako pupunta? Paano ko palalakihin ng maayos ang bata sa
tiyan ko, na walang nakakagisnang ama?

"Michelle?"

Isang malamig na tinig ang umalingaw-ngaw sa tenga ko. Hindi ko namalayan na


nakatulog na pala ako sa bench na kinahihigaan ko. Tumingin ako sa sa wristwatch
ko. Eksaktong alas tres ng madaling araw.

Bumangon ako. Hinanap ang pinagmumulan ng tinig na tumawag sa pangalan ko, para
lang gulatin ng isang lalaking nakatayo sa bandang kaliwa ko.

"Lucio?" Pupungas-pungas ako.

"Ako nga." Dahan-dahan siyang lumapit, bago umupo sa aking tabi.

"Anong ginagawa mo rito?" Lilinga-linga ako, medyo kinakabahan na baka may mga
Maligno, Aswang at Demonyong kasama ito.

Hindi ako nagkamali. May mga kasama nga ito. Ang iba'y mga nakatayo, ang iba'y
nakaupo, habang ang iba naman ay gumagapang, ilang metro lang ang layo mula sa
aking kinauupuan.

"P-papatayin niyo ba ako?" Medyo humihikbing tanong ko kay Lucio. Natatanaw ko


kasing, gumagapang papalapit sa akin, ang mahigit sa limang kampong Aswang nito.

Ilang dipa na lang ang layo ng mga Aswang sa akin, nang parang mga asong sinitsitan
ni Lucio ang mga ito. Sa isang sitsit namang iyon, ay nagsitakbuhan kaagad papalayo
ang mga ito.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang takot. Nanlalaki ang mga mata--
ang bibig ay nakanganga. Sa sobrang sindak, malamang ako rin ay putlang-putla na.

"Naaamoy nila ang batang nasa sinapupunan mo." Malumanay na sabi sa akin ni Lucio.
Napatingin ako sa puson ko, bago ko ipinatong roon ang mga kamay ko.

"Pero huwag kang mag-alala." Nakangiting dugtong nito, "Hindi ka nila magagalaw
hangga't nandirito ako."

"Pero ano ang kailangan mo sa akin Lucio? Huwag mong sabihing... dadakpin mo ulit
ako." Mangiyak-ngiyak na ako. "Parang awa mo na, ayoko nang bumalik sa--"

"Huwag kang mag-alala," Anya, "Hindi na kita ibabalik doon." Nakangisi ito. "Sa
isang kundisyon..."

Demonyo nga talaga. Parating may kundisyon.

"A-ano namang kundisyon?" Medyo kinakabahan ako.

"Ako ang kikilalaning ama ng anak mo." Deretsahang pahayag niya. "At sa takdang
panahon, gusto kong siya ang makaisang-dibdib ng panganay na apo ni Marietta."

Nag-abot-abot ang paghinga ko. Hindi malaman ang susunod na salitang bibigkasin ko.

"At paano kung hindi ako pumayag?"

Ang kanyang ngisi, ay napalitan ng matatalim na titig na mala-demonyo sa lupit.


Nakakatakot. Nakapangingilabot.

"Papatayin ko siya." Matigas na sabi niya. Mababa na ang timbre ng boses niya.

"S-sinong siya?"

"Ang ama ng batang 'yan."

Daig ko pa ang nauubusan ng hininga. Nag-aabang sa mga susunod na sasabihin niya.

Nang hindi ito kaagad dumating ay...

"N-nagbibiro ka ba?" Nanginginig na sabi ko, "Kung nagbibiro ka, tigilan mo na,
hindi ka nakakatawa."

Hindi natinag ang malademonyong titig niya. Hindi siya nagpapatawa. Shit ka Mitch!
Kailan ba siya nagpatawa? Mabait lang siya sa 'yo, dahil kamukha mo si Senda, pero
ito pa rin si Lucio, wala sa kanyang bukabularyo ang magpakuwela.
"Dalawa lang ang pagpipilian mo, Michelle." Tumayo ito, lumakad, at huminto mismo
sa tapat ko.

"Susundin mo ako, o papatayin ko siya." Nakakapanindig balahibo ang boses niya, na


parang hindi tugma sa maamo at napaka-guwapong mukha niya. "Papatayin ko siyang
kaharap ka. Gusto mo malaman kung papaano?" Bahagyang ngumisi ito.

Hindi ako sumagot. Nanginginig pa rin sa takot.

"Bubunutin ko isa-isa ang kanyang mga kuko." Anya na may diin sa kanyang mga panga,
"Ipararamdam ko sa kanya ang pinakamasakit na mararamdaman ng isang mortal na
katulad niya. Babalatan ko siya ng buhay. At pagkatapos ay iisa-isahin kong
susungkitin ang kanyang mga mata. At kapag wala na siyang makita, puputulin ko na
rin ang dila niya, bago ko dukutin ang puso niya upang ipakain sa mga--"

"Tama na!" Humahagulhol na ako. Dahil habang inilalahad niya ang mga iyon, ay tila
may mga gumagalaw na larawang naglalaro sa utak ko.

Galit na galit ako kay Benj. Pero kailanma'y hindi ko hinangad ang kamatayan niya,
lalo't higit, sa paraang ipinakita at inilahad sa akin ni Lucio.

"Bakit ginagawa mo sa akin ito, Lucio?" Ako, humahagulhol na ngayon ng todo, "Bakit
ako? Ano bang naging kasalanan ko sa 'yong demonyo ka?!" Sigaw ko.

Imbes matinag, ay ngumisi lamang ito. 'Yumuko para hawakan ang magkabilang braso
ko.

"Ang kasalanan mo?" Medyo nanunuya ang hitsura niya, "Hindi mo alam ang kasalanan
mo?"

Hindi ako makapagsalita. Lalo na nang bigla kong maalala ang kasalanan kong
tinutukoy niya.

"Pinakawalan kita noon," Pagtutuloy niya, "Sa pag-asang susunod ka sa pinag-usapan


natin. Pero ano ang ginawa mo? Hindi ka sumagot sa mga mensahe ko. Hindi sumipot sa
mga lugar na tinukoy kong magkikita tayo. Ang sabi ko sa 'yo noon, pakakawalan
lamang kita, kung kusang loob na makikipagkita ka sa akin dito labas. Lumipas ang
mga taon, pero buong pagpapasensya ko pa ring hinintay ang iyong tugon. Kaya't wala
kang pwedeng ireklamo ngayon, kung hindi na kita muling bibigyan pa ng
pagkakataon."

Mas inilapit niya ang kanyang mukha, sa aking mukha.

"WALANG KAWALA." Nag-liliyab ang kanyang mga mata, "Wala ka na ngayong kawala.
Susunod ka sa lahat ng ipinag-uutos ko, o papatayin ko ang ama ng batang nasa
sinapupunan mo. Papatayin ko siya sa paraang alam ko... sa karumaldumal na paraang
alam ko."

[Itutuloy]

=================

KABANATA 31

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 31

Mitch's P.O.V.

Mas malala pa sa pagkakakulong ko sa kanyang kastilyo. 'Yun ang napala ko sa hindi


pagtupad sa kanya sa mga pangako ko. Sinusundan niya ako, saan man ako magtungo, sa
paninigurong wala akong hinihingian ng saklolo.

Hindi ko raw pwedeng ipaalam ang aming pinag-usapan, lalong-lalo na sa aking


matalik na kaibigan. Iyon daw ay kung ayaw kong idamay niya ang aking mga magulang,
pati na rin ang iba ko pang mga kaibigan.

Anim na buwan na ang batang aking dinadala, nang magtungo ako sa Pransya, dahil sa
pag-aakalang, mailalayo ko ang anak ko sa kanya. Pero ang aking paglayong iyon ay
nauwi rin lamang sa wala, dahil hanggang doon, ay wala akong kawala.

"Hindi ka pa ba nadadala?" Anya, nang isang araw ay nadatnan ko na lamang siyang


nakaupo sa aking salas, mula sa aking trabaho.

"Paano ka nakapasok?" Gulat na gulat kong bulalas. "Nakakandado ang--" Bigla kong
naalala na ito si Lucio. Isang makapangyarihang nilalang. Isang eksperto sa
salamangka at kung ano-anong itim na kaalaman.

"Lalo mo lang dinadagdagan ang mga parusang ipapataw ko sa 'yo." Tumayo ito,
lumakad papalapit sa akin, hanggang sa huminto ito isang dipa ang layo mula sa
kinatatayuan ko. "Alam mo ba ang kapalit nito?" Ang tinutukoy niyang 'nito' ay ang
pangigibang bansa ako.

Hindi ako nagsalita.

"Susunod ka na ngayon, sa lahat-lahat ng sasabihin ko."

Pagkasabi niya noon, ay biglang nag-ring ang telephono. Lalapit sana ako sa side
table kung nasasaan 'yon, pero inunahan niya ako sa pagsagot noon.
"Bonjour?" Anya. Na ang ibig sabihin ay 'hello?' sa wikang Pranses. "Qui est-ce?"
Na ang ibig sabihin ay 'Sino ito?' "Luke?" Anito, habang nakataas ang isang kilay
na sumulyap sa akin.

Darn it. Mukhang si Luke ang nasa kabilang linya. Siya lamang kasi at si Helga ang
nakakaalam na naririto ako sa Pransya.

"Qui suis-je? " Anito kay Luke, na ang ibig sabihin sa tagalog ay 'Sino ako?'
Nakangising sumulyap ang Demonyo sa akin. "Je suis son fiancé." Nakakagulat na
sinabi nito kay Luke, dahil ang ibig sabihin noon ay, 'Ako ang kanyang nobyo.' Sa
salitang Pranses.

Bago pa siya makapagsalita ulit ay inagaw ko na ang telepono. Nakakainis na tatawa-


tawa pa siya sa naging reaksyon ko.

"Luke?" Ako, kay Luke, sa kabilang linya.

"Is your new boyfriend, French?" Parang medyo tumatawang tanong niya sa kabilang
linya. "Mabuti na lang marunong akong mag-French, kung hindi, baka hindi kami
nagkaintindihan."

Natutukso akong magsumbong kay Luke, kung hindi lang ako sinenyasan ni Lucio, na
alam niya ang binabalak ko. Iginalaw-galaw niya ang kanyang hintuturo, bilang
pagbabanta, na mas lalong hihigpit, ang hindi nakikitang presong unti-unti niyang
pinagkukulungan sa akin.

"Ok lang 'yan Mitch." Sabi ni Luke sa kabilang linya. "I want you to be happy.
Alangan naman na si Benj lang ang parating happy."

Si Benj? Happy? Without me? Really?

"K-kamusta na ba siya?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Ano pa? Eh di sinulot na naman niya 'yung huling niligawan ko." Nakalapagtakang
tumatawa pa ito. "Kaya hayun, ibinigay ko na lang ulit para wala nang gulo."

"Ang sabihin mo. Masyado kang mabait dyan sa spoiled brat na kaibigan mo."
Panenermon ko, "Pero malupit naman sa taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa
'yo."

"At sino naman kaya 'yon?" Siya.

"Si Dette."
Natahimik siya. Halatang hindi niya nagustuhan, ang sinabi ko sa kanya.

"May nagmamahal bang basta na lang nang-iiwan?" Hayun. Lumabas rin sa wakas ang
tunay na hinanakit niya kay Dette. "Mabuti na lang talaga, kaunti lang ang naibuhos
ko sa kanya, kung hindi, baka katulad na ako ngayon ni Tristan na parang tangang
hindi maka-move on, sa pagkawala ni Rhea."

Napailing ako sa paraan ng pagiisip niya; sa pagiging segurista, na walang babaeng


pwedeng makapanakit sa kanya. Hindi ko na siya kinulit pa tungkol kay Dette. Wala
na rin naman sila, bukod sa may mas mabigat akong problema. Problemang mas higit,
sa masalimuot nilang love story.

Wala na si Lucio sa aking paningin, nang ibinaba ko ang telepono. Bagkus, ay


naririnig ko na lamang ang kanyang mensaheng walang tinig na nagsasalita sa isipan
ko.

"Nakikita ko ang bawat kilos at galaw mo," Sabi nito sa aking isip, "Naririnig at
maririnig ko rin ang bawat salita at bulong na mamumutawi sa bibig mo. WALANG
KAWALA, Michelle. Wala ka nang kawala sa akin. Minsan lang na iyong tangkain, na
ako ay gaguhin. Patay silang. Patay silang lahat, sa akin."

Shit!

Daig ko pa talaga ang nasa preso. Presong sinusundan ako, kahit saan ako magtungo.

I hate this life. I hate my life. Ito na nga ba ang karma ko, sa lahat ng mga
pagkakasala ko? Sa pagiging isang mahalay na babae, na nakisiping sa hindi lang
iisang lalaki, na hindi ko naman mga asawa? Buhay pa ako, pero daig ko pa ang nasa
impyerno. Impyernong sinusundan ako sa kahit saang ibayo.

Pero hindi ako susuko. Kailangan kong makahanap ng paraan, para kontrahin ang
kanyang kasamaan--ang salungatin ito, nang hindi niya namamalayan.

Gusto niyang makatuluyan ng magiging anak ko, ang panganay anak ni Helga na si
Jasper? Maging ito man ay gusto ko, pero dahil sa nararamdaman ko ang mas malalim
na plano niyang kasamaan para partikular na hilingin ito, kailangan kong kontrahin
ito. Kailangang mahadlangan ko ito sa hinaharap, sa mga kaparaanang hindi niya
nalalaman.

***

"Zoe!" Hiyaw ko sa anak ko, na ngayon ay magtatatlong gulang na. Natanaw ko kasing
nakakalong ito kay Lucio, na malamang ay kumuha rito, sa babysitter nito.

"No, I want my Daddy! Daddy! Daddy!" Pagwawala nito, nang binuhat ko ito mula sa
kinikilala niyang amang Demonyo.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko kay Lucio.

"Ano mang araw, mula ngayon, ay pupuntahan ka rito ng ama ng anak mo." Nakangisi
ito, habang parang senyoritong nakasalampak sa aking sofa. "Alam na nito ang
tungkol sa bata."

Si Benj? Pupuntahan ako ni Benj?

"Gusto kong magpanggap ka, na pinapatawad mo na ito. Umuwi sa Pilipinas at


magpakasal kaagad dito."

"Bakit? Anong pinaplano mo?"

"Gusto kong dobleng makasiguro na si Zoe ang makakaisang-dibdib ni Jasper. Kung


hindi magtatagumpay ang iniuutos ko sa iyo, ang ama ng batang ito, ang siyang
gagamitin ko para matupad ito."

Shit!

Hindi kaya nahahalata na niya, ang pasimple at pahapyaw na panunulsol ko kay Helga,
na sa ibang bata na lamang niya ipagkasundo, ang panganay na anak niya?

***

"Tamang-tama Bestie," Ani Helga, sa kabilang linya, "Babae ang iyong baby. Pwedeng-
pwede sila ni Jasper ko."

No... hindi pwede. Hindi pwede!

"M-maldita siya... M-maarte... Hay naku bestie! Sakit sa ulo!"

Shit! Bakit ba ang pakiramdam ko ay napakasama kong ina, para siraan ang sarili
kong anak?

"Ok lang 'yan," Sagot niya, "Ganun din naman tayong dalawa, hindi ba?" Humalakhak
ito.

Nakakainis. Wala bang mga anak na babae, ang mga katropa nina Jason at Benj? Kung
meron. 'Yun na lang. 'Yun na lang sana Helga.

"H-hindi Bestie. Iba ang level niya. M-maldita to the max talaga. Ahm... ahm...
she's a she devil. That's right. That's what she is."
Shit! Sana ay hindi ito naririnig ni Lucio. Sana ay hindi niya mahalata ang
ginagawa ko.

"Sobra ka naman, Mitch. Ang sama mo."

Yes. Masama nga siguro ako. Pero mas masama ang mangyayari, kung hindi ko pipigilan
ang mga kagustuhan ni Lucio.

***

"Mitch, Honey. I am so sorry for everything I did. Please forgive me." Pagmamakaawa
ni Benj, na ngayon ay parang tangang nakaluhod sa harapan ng apartment ko dito sa
Pransya. "Umuwi na tayo. Magpakasal na tayo. Handa na ako. Please, parang awa mo na
mahal ko. Ikamamatay ko kung tatanggihan mo ako."

Katulad ng sinabi ni Lucio. Pinuntahan nga ako ng taksil na ex kong ito.


Nagmamakaawa na tanggapin ko siyang muli. Na kahit anong iwas ko at pagtataboy, ay
talaga namang mapilit.

Sa totoo lang. Mahal ko pa rin naman siya. Kaya't kung magpapakasal ako sa kanya,
ito ay dahil gusto ko pa rin siya. Tanga nga ako siguro. Hindi lang basta tanga.
Kundi, tangang-tanga! Hindi na ako nadala sa kabila ng lahat-lahat ng kanyang
ginawa.

"Hello, Zoe." Pagbati niya, sa aming anak.

"Qui êtes-vous?" Tanong agad ni Zoe, na ang ibig sabihin ay, 'Sino ka? o Sino ka
ba?'

"I am your Daddy." Nakangiting sagot ni Benj.

"No, you're not!" Sigaw ni Zoe.

Napatingin si Benj sa akin. Nakakunot-noo. Nagtatanong, kung bakit ganun? Pero


kailangan kong itikom ang bibig ko. Alang-alang sa kaligtasan ng mga mahal sa buhay
ko.

Tito Benj. 'Yun ang maglao'y pinakamataas na naitawag ni Zoe sa kanyang tunay na
ama. Pero kapag tinatanong siya ni Benj, kung sino ba ang tinatawag niyang "Daddy"
hindi naman ito sumasagot. Bilin na bilin kasi sa amin ni Lucio, na walang pwedeng
makaalam na siya ito.

"Welcome home, bestie." Mainit na pagbati sa akin ni Helga, sa Welcome home party
na inihanda nila para sa akin. "Ito na ba si Zoe?" Nakatago si Zoe sa likod ko,
habang si Jasper naman ay ganoon din sa likod niya. "Look o, Jasper." Sabi niya sa
anak niya, "This is Zoe, isn't she a cutie?"

Hindi naman nagsalita si Jasper. Nakatingin lamang ito sa normal na paraan kay Zoe.
Habang si Zoe naman ay abot tenga ang ngiti--kita ko na kaagad na para siyang
nakikiliti. Sobrang ka-guwapo naman kasi ng batang 'yon. Kamukhang-kamukha ito ni
Jason, na may kaunting halo ng napakaganda ring si Helga. Gusto ko nga sana siya sa
anak ko. Pero hindi pwede.

Ayoko. Ayoko dahil sa hindi ko po malamang masamang balak ng demonyong ni Lucio.


Ang problema, mukhang walang ibang anak na babae na maari ditong ireto, marahil na
siyang dahilan, kung bakit si Zoe lamang ang napapagdiskitahan ng mag-asawang
Toledo.

Dammit.

Kung mas magiging pursigido sila, ay kailangan kong maging pursigido ring
pasimpleng ilapit si Zoe sa ibang batang lalaki. Kahit hindi kasing guwapo ng
batang si Jasper. Basta't maipaglayo ko lamang ang dalawang bata.

"Ito na ba ang mga anak mo, Art?" Pagbati ko kay Art, na isa sa mga paborito kong
katropa ni Benj. Napakabait na tao kasi nito. May dalawang anak na lalaki na ito,
na pareho rin namang napaka-guwapo.

"Oo," Anya. "Ito si Patrick ang panganay ko." Itinuro niya ang anak niyang,
nahalata ko na kaagad na nakatitig kay Zoe. Good. Very good. "At eto naman si
Paolo, ang bunso ko." Hinawakan niya ang ulo ng bunso, at medyo ginulo ang buhok
nito.

"Naku, ang ganda naman ng kumbinasyon ninyo ni Laura, Art. Ang gaguwapo ng mga anak
mo." Sabi ko. "Ito naman ang anak namin ni Benj, si Zoe." Hinihila ko si Zoe mula
sa likuran ko, pero napakaganit nito. Ayaw niyang humarap. Ang tigas ng ulo.
Impluwensya ni Lucio.

"Halika Zoe." Paghila ng asawa ni Art na si Laura sa aking anak. "Maglaro kayo nina
Patrick at Paolo doon oh." Itinuturo niya ang garden ng bahay nina Luke... kung
saan ginaganap, itong welcome party na inihanda nila para sa akin.

Nakakatuwang sumama naman si Zoe kay Laura. Na para bang, eksperto itong manuyo ng
mga bata. Tinawag din nito sina Jasper at Helena, para yata sa Storytelling
activity na pangungunahan niya.

Dahil doon ay napag-isa ako. Lilinga-linga para pasadahan ng tingin ang lahat ng
dumalo. Natanaw ko si Benj, na nakikipagkwentuhan kay Jason, Jonathan, Tristan, Art
at Bernard. Habang ang mga asa-asawa ay nakakumpol sa may garden kasama si Laura.

Parang may kulang? Nasaan si Luke... at si Dette--na napag-alaman ko rin mula kay
Benj, na nagkabalikan na? I don't know how, I don't know where, I don't know when.
Pero isa ito sa mga gusto ko ring alamin.

Nag-ikot-ikot ako sa loob ng bahay nina Luke, na to tell you honestly, ay medyo may
pagka-creepy. Lumang mansyon kasi ito, na punong puno ng mga antique na mga bagay.

"Luke?" Pagtawag ko, habang nilalakad ang mga pasilyo. Medyo kinakabahan ako.
Parang haunted house kasi ang dating nito.

"Ma'am!" Nakakagulat na pagtawag ng isang katulong, mula sa likuran ko.

"What?!" Namumutlang balikwas ko.

"Kung si Senyorito po ang hinanap niyo, baka po nasa kuwarto niya sa basement."

"Ah Ok. Thanks."

Dios Mio. Kung bakit naman kasi mukhang white lady ang katulong na iyon. Nakaputing
uniporme kasi ito. Maputi ang balat. Mahaba ang buhok.

Haist. Bakit nga ba hindi ko naalala, na 'yung basement ang talagang tambayan niya.
Ang kanyang 'Man Cave' na ipina-renovate niya ang interior sa makabagong disenyo.

Papababa pa lamang ako sa hagdaanan papunta sa basement, ay may narinig na agad


akong mga boses.

"Dammit Luke!" Sa timbre pa lang ng boses, alam kong si Dette ito. "Grabe ka..."

Itinuloy ko ang paghakbang pababa... pero dahan-dahan. Sa mas lalong paglapit ko,
ay unti-unti na rin akong nakarinig ng matitinding mga langit-ngit.

"Dette!" Hiyaw ni Luke, "I can't get enough of you!"

They are both moaning.

"Make it fast Luke... baka hanapin ka ng mga bisita..."

"Not until our fourth round baby!"

Napanganga ako, na sinundan ng pagtatakip ko sa bibig ko.

Woah... nasa pang-ilang round na ba sila?


Natatawa ako. Hindi ko akalain na mangyayari pa sa kanila ito. Itinuloy ko ang
paghakbang ko, hanggang sa sapat na para masilip ko ang ginagawa nila sa... L-
shaped na sofa.

Nakaupong patihaya si Dette sa aking nakita, habang buong puwersang ibinabangga ni


Luke ang kanyang sarili sa gitna ng kanyang mga hita.

Kapwa na sila mga walang saplot. Parehong pawisan, at ang paghinga'y abot-abot.

"Luke..." Daing ni Dette, nang matapos hugutin ni Luke ang kanya, sa kanyang
kuweba, ay takam na takam na pinapak naman nito ang kanyang eba.

Parang hayok na lumalamon ng malinamnam na mamon si Luke.

"Luke..." Muling daing ni Dette, na parang wala na sa sarili.

"One more time baby." Sabi ni Luke, sa kanyang muling pagtunghay, bago itinutok ang
naghuhumindig niyang alalay. "Ah, Tangina!" Hiyaw niya, sa muling pagpasok niya.

Tumalikod na ako, na may ngiti sa labi ko. I am just happy for them, but only
wishful thinking that it'll be the same with me and Benj.

But I know it can't be...

I know it won't be...

Not unless I am totally...

Free.

[Itutuloy]

=================

KABANATA 32

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

KABANATA 32

Luke’s POV
Ang kuwento ng ating buhay, ay walang katapusan, kahit na sa mismong araw ng ating
kamatayan.  Sapagkat pagkatapos natin sa mundong ito, ay meron namang buhay na
walang-hanggan.  Na maaring iyong magustuhan, pwede rin naman ayawan, depende
suguro kung alin ang iyong kahahantungan.

Sa langit ba?  o sa impyerno? Saan nga ba ako tutungo?

Malay ko.  Hindi ko pa kasi lubusang iniisip ‘yon. Dahil sa ngayon... iba munang
langit ang iniisip ko... Ang langit, sa piling ng babaeng mahal ako, na higit pa sa
kayang ibigay ko.

“Dammit, Dette... Dammit, dammit, daaammiiiit!” Hiyaw ko, sa muling pagpulandit ng


kaligayahan ko, sa munting langit niyang pinanghimasukan ko.

“L-Luke... I love you... Luke.” Nanlulupaypay niyang bulong sa kanang tenga ko,
matapos na tila mangalos ang lakas sa buong katawan ko

Alam ko.  Sanay na siya sa ‘kawalan’ ng tugon ko.  Kaya naman alam ko rin, na hindi
na siya umaasang, sasagutin ko ito.  Alam na naman kasi niyang, hindi ko ugali ang
magpanggap.  Ayokong sabihin na mahal ko siya, kung hindi naman.

“I love you too, Dette.”  Malambing na bulong ko, habang tinataniman ko ng halik
ang palibot ng kanyang leeg.

“Y-you... what?”  Gulat na gulat niyang pagbalikwas. “A-anong sinabi mo?”

“Ang sabi ko,” Nakangiting kinalabit ko ng aking hintuturo, ang dulo ng kanyang
matangos na ilong, “I love you too.”

“Y-you do?”  Parang hindi talaga siya makapaniwala.

“Sort of...” Pagkibit-balikat ko, “Pero katulad ng dati, I do not want to lie to
you. It’s not yet one hundred percent so to speak, but, it somehow went past the
threshold, enough for me to...” Sinulyapan ko siya ng makahulugan.

“Enough for you to what?”

Imbes sumagot kaagad, ay humiga muna ako sa kanyang kanan. Itinaas ang aking mga
braso, at iniipit ang aking magkabilang kamay sa ilalim ng aking unan.

“Enough for me to ask,” Lumingon na ako paharap sa kanyang magandang mukha, “If you
could...”
“If I could what?”  Nakakatawang nasa ekpresyon niya, ang parang nagpipigil sa
paghinga.

“If you could be, my one and only... Mrs. Arevalo.”  Sabay kuha ko ng maliit na
box, mula sa ilalim ng aking unan, binuksan ito, kinuha ang laman nitong
diyamenteng singsing, at saka ko iniaabot sa kanya.

Hindi siya makapagsalita.  Para siyang natulala. Hanggang sa halos mangawit na ako,
sa paghawak sa singsing, na hindi pa niya inaabot.

“Is that a yes, or a no?” Ako.  Nakabungisngis sa kanya.

“A-are you serious?”  Nanlalaki ang kanyang mga mata; namumutla rin siya.

“Mukha bang nagbibiro ang isang lalaking bumili ng singsing para sa ‘yo, na ganito
kalaki ang bato?”  Biro ko.

By the way... the rock is ‘5.0 carats ‘Antik Cushion’ cut, housed by a 7 millimeter
ring with 18 carat gold alloy.

“Sa lagay na ito, hindi pa one hundred percent ang love mo?”  Nakangiting inabot
niya iyon, at bumangon ng paupo, para titigan iyon, bago niya iniabot ulit sa akin,
para ko mismo ang maglagay sa kaniyang kaliwang palasingsingan.  “Paano na kaya
kung one hundred percent na?”  Abot tenga ang ngiti niya.

“Ah,”  Ako, “Kapag isang daang pursyento na ang pagmamahal ko sa iyo.  Sa iyo na
ang lahat ng mga ari-arian ko... ‘yung mga minana ko, mga kuleksyon ko, mga
sasakyan ko, ‘yung bahay ko, ‘yung suweldo ko, kasama na rin ang mga tagihawat at
alipunga ko.”

Tumawa siya. Tawang nakakadala.

“Ilang percent na ba, ang napapanalunan ko sa puso mo?”  Anya.  Seryoso na ang
mukha niya.

“Secret.” Natatawang sagot ko.

“Bakit secret?”

“Secret para may konting suspense at mystery.”

“Ikaw talaga,” Bahangyang hinampas niya ang braso ko.  “Masyado kang malihim.”

“Maganda nga ‘yung malihim para...”


“Para ano?”

“Para mas effective ang excitement at shock value kapag sinusurpresa kita.” Sabi
ko, “Tulad ngayon.  Kung hindi ko ba inilihim ito, mas magiging surprising be ang
proposal ko?”

“Bahala ka na nga lang.” Natatawang sagot niya. “Basta... thank you dito ha?” 
Tiningnan niya ulit ang singsing na ibinigay ko sa kanya.

“Anong thank you?”  Ako, “Nasaan ang sagot mo?”

“Ayokong sabihin,” Anya, “Mas gusto kong gawin.”

At noon na siya gumapang palapit sa akin, itinulak ako pahiga sa kama, at saka
sumakay sa akin.

O hell, yes!  This is definitely better than the word “yes!”

“Ohhhh Luke, yes!”  Hiyaw niya, sa paulit-ulit na pagsasalpukan ng aming ibaba.

Nakakabaliw at nakakapanggigigil ang kanyang napakagandang katawan; ang


nakahahalinang pag-indayog ng kanyang malulusog na mga pakwan, pati na rin ang
nakapaglalaway na hubog ng kanyang bewang at balakang

“Holy f--ck, Dette! Ahhh... are you trying to kill me? Ahhh! Uhhh!”

Para kasi akong aatikihin sa puso sa sobrang sarap, lalo na’t sa bawat salpukan
namin doo’y tunay namang pack na pack!

“Sh--t, Dette, Shhiiiiit!” Hiyaw ko.

*Krasshh*  Nabasag ang nalalaglag na figurine, na aksidente kong natabig sa side


table--narito kasi kami ngayon, sa apartment ni Dette.

“I-I’m sorry Dette...” Para sa nabasag niyang figurine.

“Don’t worry about it... uhhh!  Uhhh!” Hindi siya naawat.

Holy sweet mother of G--Go... Goliath! I am definitely close to an impending heart


attack!
“Teka Dette, sandali Dette.”  Habang bumabangon ako, bago pinilit na baguhin ang
aming pwesto.

“W-why?”  Anya.

“Ako sa ibabaw... Aarrrrggh!”  Gigil na gigil kong ipinuwesto ang sarili ko sa


gitna ng kanyang mga hita.

“Hindi mo ba nagustuhan? Uhh..”

What?  Paanong hindi ko nagustuhan? Gayung gamuntik na akong mawala sa kamalayan.

“I love it, but...Ahhh.. ahhh...”

“But what?”

“Mapa-love, mapa-sex...” Ako, “Hindi ako sanay ng sagad... Uhhh...”  Itinuloy-tuloy


ko lang ang pag-atake ko. “Hindi pa ako handa sa kahit anong sagaaaad uhhhhh! ahhh!
Sh---t baby, I think I’m coming.”

“Uhhhhhhhh.” Daing niya.

“Here I come baby... ahhhh... ahhhh... uggghhhhhaaahhh!” At pumulandit na nga po


ulit, ang katas ng sukdulan ng aking kaligayahan.

* * *

“Good to know you are finally engaged now,” Si Mitch, nang muli kaming nagkita-kita
bilang isang grupo.  “It’s about time.”  Naririto kami ngayon sa bahay nina
Tristan... at Rhea, na kakakasal lang kamakailan, ilang buwan matapos magpakasal ni
Benj at Mitch.  “Ikaw na lang kasi sa inyong apat... o well, pito pala... ang
single pa.” Tatatawa-tawa siya.  “Paano ba kayo nagkabalikan ulit?”

Nagkatinginan kami ni Dette.

“Pinuntahan niya ako sa America.”  Medyo nahihiyang sagot ni Dette, “Nagulat nga
ako, eh.  Akala ko nananaginip ako.”

“And then?”  Si Mitch ulit.

“And then hayun.” Si Dette, sumusulyap-sulyap pa rin sa akin. “Hindi na niya ako
nilubayan, hangga’t hindi ako pumapayag na bumalik ulit dito sa Pilipinas.
“I’m happy for you guys.  Sana nga lang, tuloy-tuloy na yan ha?!” Pero tinitingnan
ako ni Mitch, sa paraang nagdududa pa rin siya sa akin.

May dahilan naman siya para magduda.  Dahil ang totoo, may problema pa rin ako
talaga.  Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko, kung bakit ‘tila... yari
yata sa bato ang puso ko.

Hindi ako marunong ng magmahal ng buo. Gusto ko, pero hindi ko magawa.  Ito ang
bilangguang kinalalagyan ko.  Ang bilangguang hindi ako makawala. 

Benadette deserves more.  I know that.  Pero paano nga ba ang gagawin ko kung,
hindi ko kaya ang maging deserving para sa kanya?  Hindi nga yata’t kailangan ko pa
ng konting panalangin, para magamot ng Diyos ang nanlalamig kong damdamin. 

Ang tanong ang kung paano’t kailan? Ewan ko... ang Diyos na lang siguro ulit ang
gagawa ng paraan.

“Trip-trip lang.” Si Benj, “Punta tayo sa party diyan sa kabilang resort.’

O well, narito nga pala kami sa isang beach resort sa Lian Batangas.  Nakatanggap
kasi kaming ng all expense paid  na 3-day vacation for eight, from... well, an
unknown source.  Para siguro sa aming magkakatropa, pero dahil hindi  pwede si Art,
Jon, Mike at Bernard.  Kami na lang nina Jason, Tristan, Benj at ang aming mga lady
loves ang gumamit.

“Party na naman?” Nakasimangot na sagot ni Helga, "Pumirmi nga kayo.  Dito na lang
tayo ‘no.  Mamaya niyan, kung ano-ano na namang aberya ang mapasukan niyo.”

“Oo nga.” Pagsegunda ni Rhea, bagama't hindi naman niya alam, kung anong aberya ang
tinutukoy ni Helga.  Wala kasi si Rhea ng mga panahong iyon.  Hindi pa ulit sila
nagkikita ni Tristan, nung time na 'yun.

Lumingon ako kay Dette, tumatango lamang din ito sa pagsang-ayon. Lumingon ako kay
Mitch, na nakapagtatakang naroroon lamang sa isang sulok; walang imik.

That’s very unusual of her.  Very, very unusual.

“Ok ka lang ba?”  Tanong ko, matapos namin siyang lapitan ni Dette.

“H-ha?”  Parang ninenerbyos siya. “O-oo, oo naman.”  Pero kitang-kita naman namin
sa galaw ng kanyang mga mata, na mayroon siyang matinding inaalala. 

Mga inaalalang hindi niya masabi;  mga pangambang hindi niya masambit.

Dahil dito, ay lumayo na kami ni Dette.  Sa pangamabang, ang inaalala ni Mitch ay


ang aming paglapit.

“What do you think?”  Tanong ko kay Dette nang pasikreto.

“I think she’s in some kind of trouble.” Lumilanga-linga ito.

“Paano mo naman nasabi?”  Halos pabulong na ang tanong ko.

“Hindi mo ba nakikita?”  Bulong niya, kapwa namin iniiwasan ang tumingin kay Mitch,
para hindi halatang, pinag-uusapan namin siya. “Parang may mga aninong nakatayo sa
may bandang likuran niya.”

Kinilabutan ko.  ‘Yun din kasi ang bahagyang nakita ko.

“Do you think that she might be binded by some evil spirits?”  Bulong ko.

“I think so.” Anya, na kumakaway pa kay Helga, na nakangiting nakatingin sa kanya


sa di kalayuan, “Medyo kakaiba kasi ang ikinikilos niya.  Taliwas na taliwas sa
Mitch na nakilala ko... ‘yung maingay. ‘Yung mataray.  Ngayon, parang lagi siyang
may kinatatakutan.  Parang parati siyang kinakabahan.”

Nagbubulungan pa kami ni Dette nang...

“Alis kayo, alis!”  Hiyaw ng magwa-walong taong gulang na si Jasper.  Nakaharap ito
kay Mitch, na para bang may kinakausap itong matatangkad na tao, sa likuran nito.

“Jasper?!”  Sigaw ni Helga, na patakbo sanang lalapitan ang anak niya, pero
pinigilan siya ni Jason,  na hawak-hawak sa kaliwang kamay, ang bunso nilang si
Helena.

“Sino ang nagpadala sa inyo rito?!” Hiyaw ng batang lalaki, na parang matanda na
kung magkikilos at magsalita.

Wala naman kaming nauulinigan, bagama’t nasa mukha ng bata, na meron siyang
pinakikinggan.

“Ayaw niyong umalis?” Si Jasper ulit. “Ah ganun ha!” Sigaw nito, sabay taas nito ng
kanyang magkabilang kamay, at kumilos na parang may pinipilipit siya sa hangin.

*HAAARRRGGGGHHHH* *HAAARRRHHH*  Nakapangingilabot na hiyaw ng tila tinig ng mga


dumadaing na mga demonyo.  Narinig naming lahat ito, bagama’t hindi namin nakikita
ito.

Napayakap sa akin si Dette.


Matapos kumilos ni Jasper na parang may pinipilipit, ay parang pinakawalan niya ang
mga ito sa hangin at...

“Ito ang sabihin niyo, sa gurang ninyong amo.”  Parang may dinuduro itong
matatangkad na nilalang sa kawalan. “Bilang na ang maliligayang araw niya...”
Ikinumpas nito ang kanyang kanang kamay sa ere na parang may iwinawasiwas.

*HAARRRRRRGGGG* Muling daing, ng mga di nakikitang nilalang.

“Ano pa ang hinihintay ninyo?!”  Hiyaw ulit ng bata, “Umuwi na kayo... mga PANGET!”
Namewang ito at saka pabulong na sinabing, “Ang papanget naman ng mga ‘to, pahara-
hara pa sa harapan ko. Mga buwisit.”

Nagkatinginan kami ni Tristan; kapwa pinipigilan ang matawa.  Habang ang iba naman
ay tahimik lang; medyo tulala.

Woa. Ibang klase ang yabang sa katawan ng batang iyon. Kabata-bata pa, gabundok na
ang confidence level sa katawan. Well, kung ako man ang ipinanganak na katulad
niya, bakit naman hindi? Mas malala pa siguro ako.  Baka umabot pa nga sa buwan ang
angas ko.

“Helga...” Umiiyak na medyo nanginginig na pagyakap ni Mitch sa kaibigan niya.


Habang si Benj naman ay yumakap din sa kanyang bandang likuran.

“Ano bang nangyayari Mitch?”  Dinig kong tanong ni Helga.

Tikom ang bibig na umiling lang sa kanya si Mitch.   Halatang-halata ko naman na


mayroon itong mga bagay na hindi niya masabi.

“Don’t ask... please don’t ask... please...”  Pagmamakaawa nito, sa gitna ng


paghagulhol.

“Kung ano man ‘yan,” Kalmadong sagot ni Helga, habang hinahaplos ang likuran ng
kaibigan niya, “Matatapos din yan.”

“Hindi na huhupa pa ang bangis ng demonyo, kung pumanaw na ang nag-iisang taong
makagagawa nito”  Matalinghagang pahayag ni Mitch.

Sinong Demonyo? At sino naman ang pumanaw na, na taong, makapagpapahupa sa bangis
nito?

Makahulugan.  Pero hindi ko maintindihan.


“Habang buhay na ito...” Si Mitch, sa gitna ng mas lalong tumitinding pag-iyak.
Pumalibot na kami sa kanya, para makisiksik sa pakikiyakap ng buong tropa.  “Habang
buhay na akong nakakulong sa presong ito.  Wala na akong pag-asa...”  Humihikbing
gumugulong na ito sa buhanginan.  “Dahil WALANG KAWALA... wala na akong kawala.”

[Itutuloy]

=================

EPILOGO

Copyright ⓒ DyslexicParanoiaAll rights reserved

EPILOGO

"Totoo po bang may mga ganyang nilalang?" Tanong ng isang binatilyong taga-baryo,
sa Misyunaryong nangangaral sa kanila.

"Aling mga nilalang ang tinutukoy mo?"

"Ang mga kalahating Anghel at kalahating tao po." Sagot nito.

"Oo, at itong nakasaad sa banal na kasulatan, ang makapagpapatunay rito."

"Ano po ba ang hitsura nila?" Tanong ng isang dalagita.

"Ang mga nauna sa kanilang lahi, ay mga higante." Sagot ng Misyunaryo. "Mga
higanteng may mga kakaibang lakas at kapangyarihan."

"Pero nasaan na po ba sila?" Tanong naman ng isang bata, na katabi ng kanyang Ama.

"Halos lahat sila, ay nalipol sa bahang resulta ng poot ng Diyos sa kapanganakan


nila (1)" Sagot nito. "Hindi kasi pinahihintulutan ng Diyos, ang pagniniig ng mga
imortal na mga Anghel, at ng mga mortal na mga tao." Matyagang pangangaral pa rin
ng Misyunaryo.

Mayroon itong balabal sa ulo, na bahagyang tumataklob sa palibot ng kanyang mukha,


at palibot ng leeg.

"Halos lahat? Ibig po bang sabihin, ay may mga natitira pa?"

"Oo."
"Ganoon pa rin po ba ang mga hitsura nila?"

"'Yung mga orihinal na supling, na nakaligtas sa baha, Oo. Pero yaong mga mas
nahaluan na ng dugo ng lahing tao, ay mukhang kagaya na rin lang ng mga ordinaryong
tao, bagama't mayroon pa rin silang taglay na lakas at kapangyarihan ng tulad ng
mga nauna sa kanila."

"May natitira pa sa mga nauna? Kung gayun, ay nasaan na ba sila?" Tanong isa sa mga
matatandang mga babae.

"Sila'y naglilibot sa mga liblib na lugar sa buong mundo. Mga higanteng dumadayo,
upang manginain ng mga tao."

"Kumakain po sila ng tao? Mga kanibal?" Gulat na gulat na tanong ng isang lalaki.

"Yaong mga purong lahi... yaong mga ipinanganak mismo ng mga babaeng nakipagtalik
sa mga Angel noong unang panahon. Oo. Kumakain sila ng tao."

"Para po pala silang mga Aswang," Sabi ng isang bata. "Nakakatakot naman po."
Kinikisikis nito ang kanyang magkabilang braso, habang nagbubulung-bulungan namang
kasabay noon, ang iba pang mga taong naroroon.

"Ito'y sapagkat ang mga Aswang, ay sa kanilang lahi rin nagmula."

"Naku," Sabi ng isang dalagitang babae, "Liblib po itong lugar namin. Paano po kung
dito susunod na mapadpad ang mga Aswang, at ang mga kanibal na Higante?!"

"Hinding-hindi mangyayari iyon... hangga't ako'y naririto."

"Po? Talaga po?" Sabi ng isang binatilyo, "Pero paano naman po kayo nakasisiguro?
At, siyanga po pala. Ano nga po palang pangalan niyo? Kanina pa po namin gustong
itanong," Kakamot-kamot ito, "Nahihiya lamang po kaming magtanong."

Pinalis ng Misyunaro ang kanyang belo, mula sa kanyag tuktok, papunta sa likod ng
kanyang ulo. Bahagyang inilantad ng ginawa niyang iyon, ang nahilom nang mga pilat
ng tila nasunog niyang balat. "Rosenda. Ako si Rosenda. Tawagin niyo na lamang
akong Senda."

------------------------------

Footnotes

(1) Genesis 6 and 7: The wrath of God and the great flood.
[Katapusan]

=================

PASASALAMAT AT IMBITASYON

Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay sa makabuluhan at kapanapanabik na


nobelang WALANG KAWALA. Para po isa iba pang karagdagang impormasyon tungkol sa
nobelang ito, ay maaari niyo pong bisitahin ang Official Webpage ng WALANG KAWALA
at ng KATROPA SERIES sa URL na:

http://dyslexicparanoia.com/walangkawala

http://dyslexicparanoia.com/katropaseries

Para naman po sa mga updates tungkol kay DyslexicParanoia at sa iba pa niyang mga
istorya, ay malugod po namin kayong iniimbitahang makigulo sa kanyang Official
Facebook page sa URL na:

http://facebook.com/dyslexicparanoia

You might also like