You are on page 1of 4

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN

Ikaapat na Markahan, Filipino 7


I. LAYUNIN:

Sa loob ng 55 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang


makatamo ng 80 bahagdan sa mga sumusunod:

A. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa akda.


B. Nakabubuo ng isang awit ng pag-ibig na may kaugnayan sa kabanata.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: - Ang Buhay sa Armenya (Buod ng Ikalawang


Bahagi ng Ibong Adarna
- Wastong Gamit ng mga Bantas

B. Sanggunian: Panitikang Panrelihiyon, Pahina 37-41.


C. Kagamitang Panturo: Speaker, Laptop, DLP, mga Larawan.
D. Pamamaraan: Interactive Learning

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

-Hinihiling ko ang lahat na tumayo para sa ating panalangin.

2. Pagbati

- Magandang umaga sa lahat.

3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

- Sino-sino ang lumiban sa klase?

4. Pamantayan sa klase

1. Bago magsimula ang klase, sikaping maayos na ang paligid. Tingnan kung may mga
kalat sa inyong mga upuan at itapon ito sa tamang lalagyan.

2. Walang matutulog habang nasa klase.


3. Itago ang mga "cellphone" at bawal ito gamitin sa pagsisimula ng klase.

4. Itaas lamang ang kamay kung may sasabihin o gustong sumagot.

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak

- Gamit ang mga larawan, magbigay ng pangungusap na maaaring ikonekta para


makabuo ng isang kuwento.

2. Paghahawan ng Sagabal

-Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot

a. nakatingin d. naakit

b. nagulat e. sibat

c. pumigil f. tali

___1. Humadlang si Don Pedro na lusungin ang mahiwagang balon.

___2. Si Don Juan ay namangha nang makarating siya sa kailaliman ng balon.

___3. Nabighani si Don Juan sa taglay na kagandahan ni Prinsesa Leonora.

___4. Nakita ni Don Juan si Prinsesa Leonora habang nakadungaw ito sa palasyo.

___5. Bumalik si Don Juan sa ilalim ng balon ngunit di pa sya nakaaabot ay pinutol na
ni Don Diego ang lubid.

3. Paglalahad ng Layunin

-Basahin nang sabay-sabay ang mga layunin.

C. Pagbasa sa mga Gabay na Tanong

1. Sino-sino ang tauhan sa ikalawang bahagi ng ibong adarna?


2. Ano ang natagpuan ng tatlong magkakapatid sa kanilang paglalakbay?
3. Ano ang naging karanasan ni Don Juan sa ilalim ng balon?
4. Ano-anong katangiang Pilipino ang ipinamalas ni Don Juan sa tagpong ito?
Magbigay ng mga patunay.

4. Pagbabalik-aral

-Ano ang naging paksa natin noong nakaraan?


D. Pagtalakay

a. Makikinig ang mga mag-aaral ng inihandang bidyu para sa buod ng ikalawang


bahagi ng ibong Adarna.

b. Paglalahad ng Aralin.

E. Pagtalakay Pangkagandahan

a. Matapos talakayin ng guro ang buod ng ikalawang bahagi ng ibong adarna ay


sasagutan ang mga gabay na tanong.

F. Pagtalakay Pangkaisipan

1. Paano napagtagumpayan ni Don Juan ang iba't ibang pagsubok na kanyang


kinakaharap?

2. Kung si Don Juan ay kakikitaan ng mabuting pag-uugali bilang anak, masasabi mo


bang siya'y mabuting mangingibig? Bakit?

H. Pagpapahalagang Moral

-Sa inyong palagay, may mga tao pa bang katulad ni Don Juan sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan.

J. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat

- Halimbawang mangyari sa inyo ang nangyari kay Don Juan? Tulad ng


pagtataksil ng kaniyang mga kapatid sa kanya? Ano ang inyong gagawin at
bakit?

b. Paglalapat

-Paggawa ng awitin na may paksang pag-ibig na may kaugnayan sa buod ng


ikalawang bahagi ng Ibong Adarna.

IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag nang


wasto at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang o sagutang papel.

___1. Piniling manirahan ng tatlong magkakapatid na sina Don Pedro, Don Diego at
Don Juan sa kaharian ng Armenya.
___2. Natuklasan nila ang isang kaharian sa ilalim ng balon kung saan naninirhan si
Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora.

___3.Inalagaan si Prinsesa Leonora ng isang serpyenteng may pitong ulo.

___4.Muling bumalik si Don Juan sa ilalim ng balon dahil binalikan ang kwintas na
naiwan ni Prinsesa Leonora.

___5.Muling pinagtaksilan ni Don Pedro si Don Juan nang putulin nito ang lubid habang
ito'y paakyat sa balon.

___6.Humiling si Prinsesa Leonora kay Haring Fernando ng pitong taong panata na


mamuhay mag isa.

___7. Inabot ng tatlong oras ang laban ni Don Juan sa serpyenteng may pitong ulo
hanngang sa tuluyang matalo niya ito.

___8.Hiniling nina Don Pedro at Don Diego na pakasalan ang dalawang prinsesang
kasama sa kanilang pagbabalik sa Berbanya.

___9. Patuloy na sinusuyo ni Don Pedro si Prinsesa Leonora ngunit ayaw ng dalaga
lalo't nakita niya ang kataksilang ginawa kay Don Juan.

___10. Sa tulong ng lobo na ipinadala ni Prinsesa Leonora gumaling si Don Juan.

V. TAKDANG ARALIN

-Basahin ang susunod na aralin. Ang Aralin 4, Ang Paghahanap ng tunay at wagas
na pag-ibig. Buod ng ikatlong bahagi ng Ibong Adarna. Magtala ng mga pangyayaring
nagpapakita ng pag-ibig.

Ipinasa ni: Fatima E. Caturas


Ma. Karmela B. Cosmiano
Louie L. Abarsolo

Ipinasa kay: Illyn Paranaque Mongas

You might also like