You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

IV – A CALABARZON

DETALYADONG BAHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasaan na:

a. Natutukoy nang wasto ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian;


b. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang kayarian ng pangungusap pasalita man
o pasulat;
c. Nakikilahok nang masigla sa indibiduwal at pangkatang Gawain

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian

B. SANGGUNIAN:

C. KAGAMITAN: Manila Paper

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagtsitsek ng mga dumalo sa


klase

4. Balik aral

Natatandaan niyo pa ba ang ating tinalakay


noong nakaraan?

Noong nakaraan tinalakay natin ang


pangungusap. Ang dalawang bahagi ng
pangungusap at ang pangalawang uri ng
pangungusap ayon sa kayarian.

Simuno- ang paksang pinag-uusapan sa


pangungusap

Panaguri- bahaging nagsasaad tungkol sa


simuno.
Unang kayarian ay ang Payak.
Payak- binubuo ng simuno at panaguri at
may isang buong diwa.

Tambalan- may dalawang payak na


pangungusap at pinag-uugnay ng
pangatnig.

5. Pagganyak

Hanapin ang magic word sa puzzle

HUGNAYAN

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain

Word association

Dahil sayo _______________.

Kahit na, __________________.

Kumakain ako nang biglang


_____________.

Bigyan ang sarili ng goodjob clap

2. Pagsusuri

Base sa gawain ang guro ay magtatanong


ng ilang katanungan

 Pansinin natin ang bawat


pangungusap na ibinigay ninyo.
Ano ang napapansin ninyo?

3. Paglalahad

a. Pagtatalakay

Basahin

Naglilinis si Donald ng silid nang biglang


may kumatok sa pinto.

Ang pangungusap naman ay tinatawag na


hugnayan. Ito ay binubuo ng isang sugnay
na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay
na di-makapag-iisa.

Pag-aralan ang halimbawa

Kahit bata pa ako,


Sugnay na di-makapag-iisa
mahilig na akong magtinda.
Sugnay na makapag-iisa

Gustong lumabas ni Francis ng bahay


Sugnay na makapag-iisa
subalit siya ay may sakit.
Sugnay na di-makapag-iisa

Humingi si Allan ng tawad sa kaniyang


ama
Sugnay na makapag-iisa
dahil sa nagawang kasalanan.
Sugnay na di-makapag-iisa

b. Paglalahat

Ngayon na alam na natin tambalang


pangungusap. Balikan muli natin ito.

 Ano ang hugnayang pangungusap?

4. Paglalapat

Panuto: Gumawa ng isang tambalang


sanaysay ng inyong lugar na nais puntahan.
Gamitin ang mga pangatnig.

Krayterya sa Pagsulat ng sanaysay

Kaugnayan sa paksa- 5 puntos


Istilo ng pagsulat- 3 puntos
Kalinisan- 2 puntos
Kabuuan- 10 puntos

IV. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin at isulat ang HEART kung ang pangungusap ay hugnayan at STAR naman
kung hindi.

1. Si Nena ay nanalo dahil sa pananalig niya sa Panginoon - HUGNAYAN


2. Pumasok ang mga bata nang biglang bumuhos ang malakas na ulan- H
3. Maglalaro kami sa parke nila Anna mamayang hapon.
4. Nahuli sa klase si Tom dahil hinatid pa niya ang kaniyang bunsong kapatid. – H
5. Si Mang Karding ang kukumpuni ng sirang upuan samantalang si Berting ang magliligpit
ng gamit.
6. Si Lian ay mahusay na mananayaw at si Gazelle naman ay mahusay sap ag-awit.
7. Kung wala akong kasama, hindi ako papayagan umalis ng bahay.-H
8. Sinasagutan ng mga mag-aaral ang modyul habang ginagabayan ng kanilang magulang.
9. Ako ang namamalengke kapag may pupuntahan si Nanay. – H
10. Umiyak si Mark nang mawala ang bago niyang aklat. -H
V. TAKDANG ARALIN

Pamuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang tinutukoy ay produkto at ekis ( x ) naman kung

Inihanda ni:

ESPARES, PRINCESS JESSICA CORTEZ

BEED 2B

Ipapasa kay:

MRS. MARLA N. ORTIZ

You might also like