You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

IV – A CALABARZON

DETALYADONG BAHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasaan na:

a. Natutukoy nang wasto ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian;


b. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang kayarian ng pangungusap pasalita man
o pasulat;
c. Nakikilahok nang masigla sa indibiduwal at pangkatang Gawain

II. PAKSANG ARALIN

A. PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian

B. SANGGUNIAN:

C. KAGAMITAN: Manila Paper

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagtsitsek ng mga dumalo sa


klase

4. Balik aral

Natatandaan niyo pa ba ang ating tinalakay


noong nakaraan?

Noong nakaraan tinalakay natin ang


pangungusap. Ang dalawang bahagi ng
pangungusap at ang unang uri ng
pangungusap ayon sa kayarian.

Simuno- ang paksang pinag-uusapan sa


pangungusap

Panaguri- bahaging nagsasaad tungkol sa


simuno.
Unang kayarian ay ang Payak.
Payak- binubuo ng simuno at panaguri at
may isang buong diwa.

5. Pagganyak

Buuhin ang jumbled letters

PANGUNGUSAP NA TAMBALAN

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain

Suriin at gawan ng pangungusap ang


larawan

Bigyan ang sarili ng goodjob clap

2. Pagsusuri

Base sa gawain ang guro ay magtatanong


ng ilang katanungan

 Pansinin natin ang bawat


pangungusap na ibinigay ninyo. Ano
ang napapansin ninyo?

3. Paglalahad

a. Pagtatalakay

Basahin
Ang kaniyang nanay ay naglalaba habang
ang kaniyang ate ay nagdidilig.

Ang pangungusap ay tinatawag na tambalan.


Ito ay binubuo ng dalawang payak na
pangungusap o sugnay na nakapag-iisa na
pinag-uugnay ng pangatnig na at.

Ang iba pang uri ng pangatnig na ginagamit


sa tambalang pangungusap ay o, ni, ngunit,
subalit, datapwat, samantala, at iba pang
kauri nito.

Pag-aralan ang bawat pangungusap

Mauubos din ang aking tinda at


Sugnay na makapag-iisa
hindi ako uuwing luhaan.
Sugnay na makapag-iisa

Ang nanay ko ay isang guro at


Sugnay na makapag-iisa
ang tatay ko ay isang magsasaka.
Sugnay na makapag-iisa

Gusto ko sumama sa Tagaytay ngunit ako


ay may pagsusulit ako bukas.

Magbigay ng pangungusap gamit ang


tambalan na pangungusap. Sabihin kung
anong pangatnig ang ginamit sa
pangungusap.

b. Paglalahat

Ngayon na alam na natin tambalang


pangungusap. Balikan muli natin ito.

 Ano ang tambalang pangungusap?

 Ano ang mga pangatning na nag-


uugnay sa dalawang payak na
pangungusap?

4. Paglalapat

Panuto: Gumawa ng isang tambalang


sanaysay ng inyong lugar na nais puntahan.
Gamitin ang mga pangatnig.

Krayterya sa Pagsulat ng sanaysay

Kaugnayan sa paksa- 5 puntos


Istilo ng pagsulat- 3 puntos
Kalinisan- 2 puntos
Kabuuan- 10 puntos

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pangatnig sa tambalang pangungusap.

1. Kumain ako ng masarap na pagkain sa restawran o kaya sa bahay.


2. Si Maria ay sumulat ng tula ni Jose Rizal.
3. Gusto kong manood ng sine ngunit wala akong pera.
4. Bumili ako ng bagong damit at sapatos para sa pista.
5. Gusto kong pumunta sa party subalit may trabaho akong kailangang tapusin.
6. Siya ay mayaman, datapwat hindi siya masaya.
7. Nag-aaral si Juan ngayon, samantala si Pedro ay nanonood ng TV
8. Naging mahinahon pa rin siya datapwat sinabihan sya ng masasakit na salita.
9. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
10. Abala ang lahat sa programa, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
V. TAKDANG ARALIN

Pamuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang tinutukoy ay produkto at ekis ( x ) naman kung

Inihanda ni:

ESPARES, PRINCESS JESSICA CORTEZ

BEED 2B

Ipapasa kay:

MRS. MARLA N. ORTIZ

You might also like