You are on page 1of 1

Awit ng isang anak para sa magulang At kapag gabi ay malamig

Yayakapin din ng mahigpit


Noo’y munting batang inaakay Ipapanalangin
Inaalalayan, bawat paghakbang At kukumutan ng pag-ibig.
Ngayo’y nakatayo sa ‘king mga paa
Salamat aking nanay, aking tatay. Wala kayong katumbas…
Wala kayong katapat…
Mahal kung Nanay
Wala akong sapat na salita
Mahal kung Tatay
Walang katumbas, inyong pag-aruga
Ngayong kayo’y matanda na’t nanghihina
Ako ngayon ang dapat mag-alaga.

Kayo’y aalalayan , aakayin din


Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabi ay malamig
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig.

Tanda ko ang hirap niyo sa akin


Puyat, pagod, lungkot ay tiniis
Hinding hindi ko malilimutan
Walang kapantay n’yong pag-ibig.

Huwag kayong mag-alala


Sa puso’t isip ko’y nakatanim
Sa ‘king sambahaya’y ipadarama ko rin
Walang katumbas niyong pag-ibig.

Aking mga anak ay aakayin din


Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabi ay malamig
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig.

Kayo’y aalalayan, aakayin din


Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik

You might also like