You are on page 1of 3

Ang Habilin ni Ama

Ang Habilin ni Ama

ni: Avon Adarna

Pumipintig lagi sa aking unawa,

Ang habilin ninyo sa aking gunita,

Hindi mahalaga itong gantimpala,

Higit na mainam - itong ating kapwa.

“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,

Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay

H’wag alalahanin ang premyo at alay,

Na matatamasa sa iyong pagdamay.

Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,

Ng bukas na palad ng pagtutulungan,

Itong mga taong nangangailangan,

Sagipin sa luha, kusang saklolohan.

Laging isaisip na makabubuti,

Ang magsilbing lugod sa nakararami,

Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,

Mas mainam kaysa sa yamang malaki!

Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,


Ihain sa ibang may luhang bumugso,

Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,

Paglalaanan ka nitong paraiso.

Ang kasaganaan malunod man ngayon,

Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,

Di man makalangoy sa imbay ng alon,

Makakamit pa rin sa huling panahon!

Kaya nga piliting umiba ng landas,

Itong mga kamay, gagapin ang palad,

Akayin mo sila sa langit ng pantas,

Upang malasahan ang tamis ng katas!

Maging alipin kang pinakamababa

Ng ating dakilang Poon at Bathala

Tangi mong ibigin na maisagawa

Aymaging tulayan sa anumang hidwa!”

-mga tagalog na tula

Depinisyon ng mga Salita

1. matatamasa – mapapakinabangan, mabuting makuha


Halimbawa:

Ang ginhawa’y matatamasa mo sa dapithapon ng iyong buhay kung ikaw ay nagsusunog ng kilay habang
ikaw ay malakas pa.

2. imbay – sayaw ng alon, galaw ng isang bagay, antas ng ritmo ng isang tula.

Halimbawa:

Gustong-gustong pagmasdan ni Pepe ang imbay ng buhok ni Pilar habang tinatangay ng hangin sa taas
ng burol.

Magandang basahin ang tulang tagalog na may imbay sa bawat taludtod.

Related Search:

• sukat at tugma tula tagalog

• 12 pantig sa bawat taludtod

• tagalog na tula may sukat

• tula na nagbibilin

• habilin na tula

• mga aral ng ama

• poems with 12 syllables

Iba pang Tagalog na Tula:

• Balik sa Simula - Tagalog Anadiplosis

• Ang Tunay na Sakit - Tula Tungkol sa Pagkasira ng Kalikasan

Avon Adarna

You might also like