You are on page 1of 2

AWIT NG ANAK SA MAGULANG

Noo'y munting batang inaakay


Inaalalayan bawat paghakbang
Ngayo'y nakatayo sa aking mga paa

Salamat aking Nanay aking Tatay

Wala akong sapat na salita


Walang katumbas inyong pag-aruga
Ngayong kayo'y matanda na't nanghihina
Ako naman ngayon ang dapat mag-alaga

Kayo nga'y aalalayan at aakayin din


Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabe , ay malamig...
Yayakapin din nang mahigpit
Ipapanalangin....
At kukumutan ng pag-ibig

Tanda ko ang hirap ninyo sa akin


Puyat, pagod, lungkot
Ay tiniis
Hinding-hindi ko malilimutan
Walang kapantay niyong pag-ibig

Huwag kayong mag-alala


Sa puso't isip koy nakatanim
Sa'king sambahayay ipadarama ko rin ...
Walang katumbas nyong pag-ibig ....

Aking mga anak ay aakayin din


Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabe
Ay malamig .....
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig ....

.
🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎶

You might also like