You are on page 1of 3

Hello, Love, Goodbye Summary

Sa airport,handa nang lumipad papauwi ng Pilipinas si Joy


Marie Fabregas (Kathryn Bernardo), isang college
graduate ng nursing na namamasukan bilang DH sa Hong
Kong. Susunod: flashback sa nakaraang apat na buwan kung
saan isinasa-larawan ang mga hirap na dinaranas ni Joy
maitaguyod lamang ang pamilya. Makikilala niya si Ethan del
Rosario (Alden Richards); sa umpisa ay binabara-bara niya
ang mga patutsada nito, pero kalaunan ay magkakalapit din
sila. Ayaw dibdibin ni Joy ang relasyon nila ni Ethan dahil
nangingibabaw sa kanyang isipan ang napipintong katuparan
ng kanyang pangarap na maginhawang buhay sa Canada. Ang
dating pabling naman na si Ethan ay siryoso nang
maghahanda para sa kinabukasan nila ni Joy bilang mag-
asawa.
Malaman ang kuwento ng Hello, Love, Goodbye, maganda

naman ang mga linyang binibigkas ng taos-puso ng mga

artista, kaya lang, sa kabuuan ng pelikula ay hindi pa rin ito

naging lubos na plastado. May labis, may kulang. Hindi

naihanda nang sapat ang manunuod sa ilang mga eksena,

tulad ng panggugulo ng kapatid ni Ethan sa bar, ang pagsali ni

Joy sa talent contest, o ng biglang pagsulpot ng ex-GF ni Ethan

bilang judge dito. Parang sumunod lang sa pormula ng kilig-

kiliti-at-drama. Pero may mga parte din namang

makatotohanan ang dating, gaya ng pagganap ni Maricel Lax

bilang nanay ni Joy, at yung dalawang Tsinang artista na

gumanap na mga amo ni Joy.

Higit sa lahat, sinikap ng Hello, Love, Goodbye na


magsalita para sa mga OFW sa paglalahad ng mga di-kanais-
nais na bunga ng paglayo sa pamilya para kumita nang malaki
sa ibang bansa: mga nawawasak na pamilya at gumuguhong
pangarap, ang pagbabago ng pananaw ng mga kabataan
tungkol sa kanilang pinapahalagahan sa buhay, ang
nasusugatang paggalang sa sarili gawa ng mapang-aping ugali
ng mga amo, atbp. Halimbawa: hindi kailanman magiging
tama o makatuwiran para sa isang taong may asawa na ang
dumayo pa sa ibang bansa at magpakasal doon para lamang
magkaroon ng karapatang manirahan doon pero nangyayari
yan, kahit saan may OFW — hindi lang sa Hong Kong. Kung
baga, lumang tugtugin na ang mensahe. Ngayon, ano ang
matatawag na “bago” sa Hello, Love, Goodbye? Ano pa
kungdi ang tambalang Kathryn at Alden, na kung ibabatay sa
hiyawan ng mga nanonood kapag “nagkakadikit” na ang
dalawa ay — mukhang pumatok. Ganoon yata ang kalakaran sa
industriya ng pelikula dito sa Pilipinas — kung gusto mong
mabili, ibigay mo ang hilig ng mamimili. — TRT

You might also like