kasanayan sa pag-unawa, pakahulugan, pagsusuri, pagbibigay-halaga at mga kaisipan o paksang napakinggan.
2. Nahuhubog at napapaunlad ang mga
kasanayang mag-isip at kakayahang mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at pampanitikan.
3. Napalalawak ang nakalaang
pagkakataon sa pakikinig sa radyo at mga kauring talastasan bilang mabilis at matipid na daan ng impormasyon at komunikasyon.
Ang mga layunin sa pakikinig
ayon sa PELC at PSSLC ay katulad ng pagkakabanggit sa itaas. Ang komponent ng pakikinig sa mga impormasyon nang may lubos na pangunawa.
Ang mga pumailalim na kasanayan
ay maaaring magsimula sa pakikinig at pagkilala ng mga batayang tunog paligid, salita, at parirala patungo sa pag-unawa ng buong teksto. Ang paggamit ng iba't ibang uri ng teksto sa pakikinig ay mahalaga tulad ng mga tekstong ginawa ng guro, mga midya brodkast at mga awtentikong usapan.
Kailangang himukin ang mga magaaral na tugunin ang mga
impormasyong narinig sa iba't ibang kaparaanan. Ang mga pagtugon ay maaaring pasalita o di-pasalita. Sa pagkatapos ng elementarya, inaasajan na ang mga mag-aaral ay makapalikinig at makatutugon nang maayos sa mga tanong tungkol sa iba't ibang paksa.