layunin ng edukasyon ang pilosopiya, ang mga pinaparaluman(ideals) at mga pagpapahalaga (values) ng isang bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang kumikilala, nananalig at nagtitiwalasa isang Dakilang Lumikhana pumapatnubay sa kapalaran ng bawat bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang nananalig din sa simulain ng demokrasya at may pagpapahalaga sa kahalagahan at dignidad ng bawat nilalang. Ang mga pananalig at simulaing ito ay malinaw na makikita sa mga batayang layunin ng edukasyon. Layunin ng Edukasyon Ayon sa Saligang Batas Ang pamahalaan ay matatag at magpapairal ng isang ganap at sapat na pamamaraan ng edukasyong pangmadla at magtatakda ng mga paaralang walang bayad para sa sa pang-unang pag-aaral man lamang at ng pagsasanay sa pagkamamamayan sa matatanda. Dapat na maging layunin ng lahat ng paaralan ang paglinang ng kagandahang-asal, disiplinag pansarili, budhing sibiko, kasanayang bokasyunal at ang pagtuturo ng tungkulin sa pagkamayaman.. Layunin ng Edukasyon Ayon sa Pahayag ng Pambansang Lupon ng Edukasyon 1. Ihasik ang pagpapahalagang moral at ispiritwal udyok ng isang matatag na pananalig sa Diyos. 2. Luminang ng mga mamamayang matalino, makabayan, makabuluhan at maibigan sa matuwid at angkop manirahan sa lipunang demokratiko. 3. Linangin ang ugali ng kasipagan at pagtitipid at ihanda ang bawat isa upang sa kapanahunan ay makatulong sa ika-uunlad ng kabuhayan at sa matalinong pangangalga ng mga likas na kayamanan ng bansa. 4. Pamalagiing buo at matatag ang angkan, pabutihin ang sama-samang pamumuhay sa pook, pamaligiin ang balanang kanais-nais na pamana ng lahi at itaguyod ang layunin sa kapayapaang pandaigdig. 5. Itaguyod ang ang mga siyensiya, sining at panitikan para sa lalong ikapagiging makabuluhan ng buhay, at ikakikilala sa marangal na kalagayanng tao.