You are on page 1of 16

EDUCATION FOR ALL 

(EDUKASYON PARA SA LAHAT)

Inihanda ni Bb. Armani Heavenielle C. Caoile


ANO ANG EFA?

Ito ang umiiral na kilusang pampamahalaan na naglalayong


makapagbigay ng kalidad na edukasyon para sa lahat ng bata,
kabataan at matatanda.
6 NA MITHIIN NG EFA

1. Pagpapalawak at pagpapabuti ng komprehensibong pag-aalaga at edukasyon, lalo na para


sa pinakamahina at walang kakayahang makapag-aral na mga bata.
2. Tinitiyak na sa taong 2015 ang lahat ng mga bata, lalo na ang mga batang babae, mga bata
na may mahihirap na sitwasyon at ang mga kabilang sa mga etnikong minorya,
ay magkaroon, makumpleto ang libre at sapilitang pangunahing (elementarya) edukasyon ng
may magandang kalidad.
Tiyakin na ang mga pangangailangan sa pagkatuto ng lahat ng kabataan at matatanda ay
natutugunan sa pamamagitan ng angkop na pag-aaral at mga programang pangkabuhayan.
Pagkamit ng 50% pagpapabuti sa antas ng literasi ng mga matatansa sa taong 2015, lalo na
para sa mga kababaihan, at pantay na pagkamit sa pangunahin at patuloy na edukasyon para
sa lahat ng matatanda.
Pag-aalis ng "gender disparities" sa pangunahin at pangalawang edukasyon sa taong 2005, at
pagkamit ng pagkakapantay-pantay na edukasyon sa taong 2015, na may pokus sa pagtitiyak
na ang mga batang babae ay may buo at pantay-pantay na pagkakaroon ng matagumpay na
de-kalidad na edukasyon.
Pagpapabuti sa lahat ng aspeto ng edukasyon at pagtiyak ng kahusayan ng lahat upang ang
lahat ay makilala at masukat ang kinalabasan ng pag-aaral, lalo na sa kaalaman sa pagbasa at
pagsulat (literasi), matematika (numeracy) at mahahalagang kasanayan sa buhay.
PANGKALAHATANG MITHIIN AT
LAYUNIN NG EFA

1. Pandaigdigang saklaw ang Out of School Youth  (OSY) at matatanda sa pagtatakda ng


mga pangunahing pangangailangan sa pag-aaral.
2. Pandaigdigang pakikilahok ng mga paaralan  at pag-aalis ng drop-out at pag-uulit sa unang
tatlong baitang.
3. Pandaigdigang pagtatapos ng buong siklo ng pangunahing edukasyong na matagumpay sa
lahat ng baitang o taon.
4. Kabuuang katapatan ng komunidad upang makamit ang mga pangunahing kasanayan ng
edukasyon para sa lahat.
4 NA INAASAHANG BUNGA UPANG
MAKAMIT ANG MITHIIN NG EFA

1. Pandaigdigang saklaw ang Out of School Youth  (OSY)


at matatanda sa pagtatakda ng mga pangunahing
pangangailangan sa pag-aaral. Lahat ngmga taong bigong
makamtan ang mahalagang kakayanan upang maging
magamit ang  literasi sa kanilang katutubong wika, sa
Pilipino, at sa Ingles.
2. Pandaigdigang pakikilahok ng mga paaralan  at
pag-aalis ng drop-out at pag-uulit sa unang tatlong
baitang. Lahat ng batang may edad na anim ay dapat
pumasok sa paaralan na handang matuto at
maghandang makamit ang kailangang mga
kakayanan para sa Mga Grado 1 hanggang 3.
3. Pandaigdigang pagtatapos ng buong siklo ng
pangunahing edukasyong na matagumpay sa lahat ng
baitang o taon.
4.  Kabuuang katapatan ng komunidad upang makamit ang
mga pangunahing kasanayan ng edukasyon para sa
lahat. Dapat pakilusin ng bawat pamayanan ang lahat ng
panlipunan, pampulitika, kultura at pang-ekonomiyang
yaman at kakayahang suportahan ang pandaigdigang
pagtamo ng pangunahing edukasyon sa Pilipino at Ingles.
MGA BAGAY NA KAILANGANG GAWIN
UPANG MAISAGAWA ITO

1. Patuloy na pagbutihin ng bawat paaralan ang pagganap nito.

2. Palawakin ang maagang pag-aalaga at pag-unlad upang magbunga ng mas


maraming benepisyo ang EFA.

3. Baguhin ang umiiral na mga di-pormal at impormal na  opsyon pag-aaral


tungo opsyon sa isang tunay na alternatibong  sistema ng pag-aaral  na
nagbubunga ng mas maraming benepisyo sa EFA;
4. Patuloy na pagbutihin  ng lahat ng guro ang kanilang mga
gawain sa pagtuturo.

5. Dagdagan ang siklo ng pag-aaral upang maabot ang 12 taon ng


pormal na edukasyon.

6. Magpatuloy sa pagpapayaman ng kurikulum sa konteksto ng


mga bagong gumaganang literasi;
7. Magbigay ng sapat at matatag na pampublikong pagpopondo para sa mga
layunin ng EFA;

8. Lumikha ng mga grupo ng komunidad -  na ginagamit ang layunin ng EFA ;

9. Subaybayan ang progreso sa pagsisikap na makamit ang mga mithiin ng


EFA.

You might also like