You are on page 1of 9

Paggawa ng Modyul/Module

Inihanda ni Bb. Armani Heavenielle C. Caoile


Bahagi ng Modyul

Paksa – Ito ang tema ng modyul; Ito ang pokus o pag-aaralan sa


modyul sa loob ng takdang panahom. 

Halimbawa: Pangungusap.
Bahagi ng Modyul

Pamantayang Pangganap – tinatawag itong performance task o big task


sa elementarya't hayskul, sa kolehiyo nama'y final course output.
Itinatakda ng guro kung ano ang magiging gawain sa isang pagtatapos
ng isang quarter o pagtatapos ng isang kurso.

Halimbawa: Nakapagsasagawa ng Stage Play. 


Bahagi ng Modyul

Pamantayang Pangnilalaman: Ito ang deskripyon ng kurso;


Inilalarawan nito ang kurso at nagsisiwalat ng mga inaasahang bunga.
Kadalasang makikita ito sa teksbuk (DepEd) o sa standard syllabus na
nagmumula sa CHED.
Halimbawa:
Ang mag-aaral ay naipakikita ang batayang kaalaman sa pamamahayag
at paglinang sa kritikal at malikhaing kasanayan sa pagsulat ng iba’t
ibang uri at anyo ng sulating jornalistik sa pamamagitan ng kasanayang
ICT, ang  kontemporaryo, at makabagong teknolohiya. Saklaw rin nito
ang pagpapakita ng kaalaman sa pagtutupad ng mga naayon at
nakatutugon sa paghahanda at pamamahala ng pahayagang
pampaaralan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto – Ito ang istandard na
layunin ng itinakdang paksa. Nagmumula ito sa anumang ahensya na
may kinalaman sa edukasyon.
Pinagyamang Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto - Ito  ay
mga layuning nais ng guro na maipakita ng mga mag-aaral. 
Sa Pangwakas na Gawaing Pagganap ay kailangang mabuo ng guro
ang GRASPS (Goal, Role, Audience, Situation, Product, Standard).
Ang GRASPS ay nagbibigay ng kabuuang detalye sa gawaing
pagganap ng mga mag-aaral. 
Halimbawa:
G Goal– Nakabubuo o nakagagawa ng isang “Broadcasting Video Film” na naglalaman ng
nilikhang balita.
R Role – News Anchor o Reporter.
A Audience– Lokal na pamayanan.
S Situation– Dahil sa maraming pangyayaring nagaganap sa ating lipunan tulad ng COVID-19
sa kasalukuyan, maging isa sa mga unang impormanteng magbabahagi ng impormasyong ito
sa publiko.
P Product– Ikaw ay inaatasang gumawa ng 7 hanggang 10 minuto na “Broadcasting Video
Film” na naglalaman ng nilikhang balita.
S Standard- Ito ang rubriks o pamantayang gagamitin sa pagsusuri ng nilikhang “Broadcasting
Video Film”.

You might also like