You are on page 1of 1

Ang Kasaysayan at Pinagmulan ng Accounting

Maihahalintulad ang kasaysayan ng accounting sa pagbabago at pag-unlad ng


kabihasnan, bagamat salungat ang katauhan ngunit ang pinagmulan ay pareho lamang.
Ang pag-aanalisa at pagrerekord ng mga pampinansiyal na teksto o mas kilala sa tawag
na accounting ay nagmula pa noong unang panahon. Ngunit hindi pa malinaw kung kailan, saan,
at paano ang proseso ng accounting noong mga panahon na iyon.
Noong unang panahon kung saan ang ating mga ninuno ay nakatira lamang sa kagubatan
at kuweba at ang tanging kinabubuhay ay ang pangangaso o panghuhuli ng mga hayop,
inirerekord nila ang bawat mahuli sa kweba o yungib.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nabago ang pamumuhay ng mga tao. Wala na ang
nakasanayang pagrerekord sa kweba o yungib, sa halip, napalitan ito ng paggamit ng iba’t ibang
simbolo at pagbubuhol ng lubid.
Kasabay ng pagyabong ng kultura ay ang matinding pangangailangan sa pagrerekord ng
mga pampinansiyal na gawain o accounting kung kaya’t si Luca Pacioli, tinaguriang Father of
Accounting ay nagpasyang sumulat ng libro sa Mathematics na pinamagatang “Summa de
Arithmetica Geometria Proportioniet Proportionlita”. Naglalaman ito ng kabanatang may
pamagat na “De Computes it Scriptures” kung saan ipinaliwanag ang konteksto ng Double Entry
System sa usapin ng pagrerekord ng pampinansiyal na transaksyon tulad na lamang sa negosyo.
Ang Double Entry System ay tanyag at kilalang sistema hanggang sa ngayon. Naglalaman
ito ng mga pampinansiyal na batayan, proseso, at panimulain na nagmula pa sa Financial
Accounting Standards Board (FASB).

Uri ng Account
Napakaraming paraan sa pag-aaccount ngunit T-Account ang tanyag at ordinaryo.
Tinitiyak nito ang pagkakatugma ng debit (kaliwang bahagi) at credit (kanang bahagi).
Nakalagay sa taas ang pangalan ng account (hal. Cash) at sa ibaba naman ang kabuuang
bilang ng debit at credit.

You might also like