You are on page 1of 44

Tekstong Impormatibo:

Para sa Iyong Kaalaman

ARALIN 3
BALIK-TANAW
Sa milyong impormasyon na makikita sa social
media,mahalaga ang matalas na pagtukoy ng isang mambabasa
kung and impormasyong nababasa ay tunay o huwad.Isang
mahalagang kakayahan sa pagbasa ang diskriminasyon ng
datos kung saan tinutukoy kung makatotohanan o hindi and
isang tiyak na impormasyon,o kaya kung makabuluhan o hindi
kailangang pagtuunan ng pansin.
Tekstong Impormatibo
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon.Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na
ano,kailan,saan,sino at paano.Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ay
magpaliwanag sa mga mambabasa sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.Kaiba sa piksyon,naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o
nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.Ang ilang
tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya,mga impormasyong
matatagpuan sa diksyonaryo,encyclopedia, o almanac,papel-pananaliksik sa mga
journal,siyentipikong ulat,at mga balita sa radyo.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat
napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa,pagtatala,pagtukoy ng mahahalagang detalye,pakikipagtalakayan,pagsusuri
at pagpapakahulugan ng mga impormasyon.Ayon kina Jeanne Chall,Vicky Jacobs, at
Luke Baldwin (1990) sa kaninang pananaliksik na “The Reading Crisis:Why Poor
Children Fall Behind”,ang kakulangan sa patuturo ng mga tekstong impormatibo ay
nagdudulot ng mababa sa komprehensyon o kakayahang umunawa ng ganitong teksto
ng mga magaaral.Kapag hindi nasanay ang mga magaaral sa pagkatuto mula mga
impormatibong teksto sa mga unang baitang ng mg elementarya,itinatakda nito ang
husay nila sa pagbasa pagdating ng ikatlong baitang. Ipinakikita nitong mahalaga ang
pagbasa ng mga tekstong impormatibo sa maagang edad palamang ng isang magaaral.
Upang masmadaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo,kadalasang
gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga
mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.Kabilang dito ang
talaan ng nilalaman,indeks,at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo,mga larawan
at ilustrasyon,kapsyon o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,graph,at
talahanayan.

Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impormatibong


teksto.Bukod sa katumpakan,mahalaga din na napapnahon ito at makatutulong sa
pagunawa tungkol sa isang mahalagang isyu o usaping panlipunan.Upang masiguro ang
katumpakan ng datos,mahalagang sumangguni sa mga babasahin at iba pang
pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan.
May iba't ibang uri ng tekstong impormatibo
depende sa estruktura ng paglalahad nito. Ang
mga estrukturang ito ay sa pamamagitan ng
• pagtalakay ng sanhi at bunga
• paghahambing
• pagbibigay-depinisyon
• paglilista ng klasipikasyon.
Sanhi at Bunga. Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita
ng pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari at kung paanong
ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari.
Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na
relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit
nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga).
Narito ang isang halimbawa ng impormatibong tekstong nasa
estrukturang sanhi at bunga.
Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya
Ang pinakamahalagang rehiyon sa pangingisda at produksiyon ng
yamang- dagat sa buong mundo ay ang Asya. Aquaculture ang tawag sa
pag-aalaga ng isda at iba pang hayop na nabubuhay sa tubig sa isang
kontroladong kapaligiran. Noong 2008, halos 50% ng kabuuang huli ng
isda sa buong mundo ang nagmula sa Asya. Anim sa nangungunang
sampung bansa sa produksiyon ng isda ang mula sa Asya: Tsina,
Indonesia, Japan, India, Pilipinas, at Myanmar. Sa Asya rin nagmumula
ang 90% ng kabuuang produksiyon ng isda mula sa aquaculture.
Ang kwentong pagkaubos ng yamang dagat sa Asya ay naglalarawan ng kaguluhang dala ng
overfishing at iba pang mga hindi maayos na patakaran sa pangangalaga ng karagatan. Sa paglipas
ng panahon, ang lumalaking demanda sa isda at iba pang yaman ng dagat ay nagdulot ng pagbaba
ng populasyon ng mga isda at iba pang species sa mga karagatan sa Asya. Dahil dito, maraming
mga komunidad na umaasa sa karagatan para sa kabuhayan ang naapektuhan ng gutom at
kahirapan. Ang pagkaubos ng yamang dagat ay nagdudulot din ng pagkawasak sa ecosystem ng
dagat, na may epekto sa iba't ibang aspeto ng kalikasan at kalikasan.
Sa kasalukuyan, ang mga gobyerno at iba pang mga organisasyon sa Asya ay patuloy na
nagsusulong ng mga hakbang upang maibalik at mapangalagaan ang yamang dagat. Ngunit, hindi
mawawala ang hamon ng pagbabago sa kaisipan at kultura ng mga taong umaasa sa dagat para sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya't mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa
ng lahat upang masiguro na ang karagatan at yamang dagat ng Asya ay mapanatili para sa susunod
pang henerasyon.
Ano ang maaaring gawin sa kalagayang ito? Ang mga susunod na taon ay
mahalaga para manumbalik ang dami ng yamang-dagat. Kung may malinaw at
mahigpit na mga pagsasabatas na ipatutupad sa kasalukuyan, maaaring maibalik
sa dati ang karamihan sa mga nasira sa karagatan. Paano sosolusyonan ang
overfishing? Ayon sa WRI, kailangan ng siyentipikong pagtataya sa limitasyon
ng bilang ng isda na dapat hulihin sa iba't ibang bahagi ng pangisdaan.
Kailangang mahigpit na ipatupad ang limitasyong ito. Dapat ding ipagbawal o
gawing ilegal ang mga pamamaraan sa pangingisda na nakasisira sa mga coral
reef. Kailangan ding gawing protektado ang susing bahagi ng ecosystem na
pinamumugaran at pinanganganakan ng karamihan sa mga yamang-dagat.
Sanhi at Bunga ng Pagkaubos ng Yamang-Dagat sa Asya

Sanhi
1. Sobrang pagpapalaot - dahil sa sobra-sobrang pagpapalapaot sa mga yamang-dagat,
nagdudulot ito ng pagkaubos ng mga isda at iba pang yamang-dagat.
2. Pagsasagawa ng ilegal na pangingisda - ang ilegal na pangingisda ay nagreresulta sa
pagkaubos ng mga isda at yamang-dagat dahil sa hindi pagpapatupad ng tamang regulasyon
at pagmamalabis ng mga mangingisda.

Bunga
1. Pagkaubos ng yamang-dagat - dahil sa sobra-sobrang pagpapalapaot at pagsasagawa ng
ilegal na pangingisda, ang bunga nito ay ang pagkaubos ng yamang-dagat sa Asya.
Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang suliranin sa
pagkaubos ng yamang- dagat na maaaring maging bunga ng
iba't ibang kapabayaan ng tao gaya ng overfishing at ilegal na
pangingisda. Dahil ang kinalabasan o bunga na tinatalakay sa
teksto ay isang suliranin, kapansin-pansin din na sa bandang
huli ay nagbigay ito ng mga posibleng solusyon kung paano
maiiwasan ang mga sanhi ng suliranin
Paghahambing. Ang mga tekstong nasa ganitong
estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba
at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto,
o pangyayari. Narito ang isang halimbawang teksto na
naghahambing sa sinaunang paniniwalang politikal ng
mga bansang Tsina at Hapon.
Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya: Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na
Pamamahala ng mga Emperador sa Japan

Hanggang noong ika-16 siglo, pinaniniwalaan ng mga historyador na ang Asya


ang pinakasentro ng daigdig. Ito ang pinagmulan ng pinakamatandang
sibilisasyon sa mundo at ang pinakamalalakas at matatag na pamamahala at
imperyo. Nagkaroon ng malaking impluwensya sa mga paniniwalang politikal ng
sinaunang Asya ang dalawang mauunlad na sibilisasyon sa Tsina at Japan.
Naniniwala ang mga Tsino na bilang Gitnang Kaharian, ang kanilang paniniwala
ang pinakamataas sa anomang lahi habang ang mga Hapon naman, bagamat
nagmula rin sa Tsina ang sinaunang paniniwala, ay ipinagmamalaking nagmula sa
kanilang lupain ang mga diyos na namuno sa daigdig
Ang sinaunang Asya ay may iba't ibang sistema ng pamahala, na kung saan ay nagpapakita ng
kanilang kultura at kasaysayan. Sa Tsina, ang mga Emperador ay mayroong malaking
impluwensiya sa pamahalaan, ito ay kilala bilang monarkiya. Ang mga Emperador ay itinuturing
na may banal na kapangyarihan at ang kanilang pamilya ay ipinamana ang kanilang
kapangyarihan. Ang sistema ng pamamahala ng Tsina ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa
mga kaharian sa Asya, pati na rin sa Japan.
Sa Japan, ang bansa ay mayroon ding monarkiya o imperial na sistema ng pamahala. Ang
Emperador ng Japan ay itinuturing rin na parang diyos at mayroon ding banal na kapangyarihan.
Bagaman sa ilalim ng Sistema ng Digmaan pati na rin ng mga Tokugawa ay hindi masyadong
iniintindi ang mga Emperador, ngunit ang kanyang impluwensiya ay hindi mawawala sa
pamamahala ng bansa.
Sa kabuohang ito, maaaring sabihin na ang sistema ng pamahala sa sinaunang Asya ay may
malaking impluwensiya ng spiritualidad, at ang mga pinuno ay itinuturing na may banal na
kapangyarihan.
Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Tsina at Japan
Pagkakatulad:
1. Pagiging monarkiya - parehong mayroong sistemang monarkiya ang Tsina at Japan kung saan
ang pamumuno ay nasa kamay ng isang emperador.
2. Konsepto ng "Mandate of Heaven" - parehong naniniwala ang Tsina at Japan sa konsepto ng
"Mandate of Heaven" kung saan ang pamumuno ng emperador ay itinuturing na sagrado at may
basbas mula sa langit.
Pagkakaiba:
1. Uri ng pamahalaan - magkaiba ang uri ng pamahalaan sa dalawang bansa, kung saan ang
Tsina ay isang gitnang kaharian habang ang Japan ay mayroong sistemang shogunate.
2. Alituntunin sa pagpapalitan ng liderato - sa Tsina, ang pagpapalit ng liderato ay naganap sa
pamamagitan ng pagsusumpa ng bagong emperador, samantalang sa Japan, ang liderato ay
maaaring palitan sa pamamagitan ng pagsisinungaling o pagsakabilangkap ng mga tagapayo ng
emperador.
Sa halimbawang teksto, maliwanag na ipinakita ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng paniniwala ng mga Tsino at
Hapon pagdating sa sinaunang pamamalakad ng gobyerno.
kapansin-pansin din na ang magkaibang tradisyon na
pinagmumulan ng dalawang bansa ang nagtatakda sa
kaayusan ng kasalukuyang sistemang politikal ng bawat
lipunan.
Pagbibigay-depinisyon. Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan
ng isang salita, termino, o konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol
sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop, puno, o kaya
naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarungan,
pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo
o konotatibo. Narito ang isang halimbawang teksto na maglalahad ng
iba't ibang depinisyon ng imperyalismo.
Imperyalismo
Madalas na marinig natin ang salitang imperyalismo na isinisigaw ng mga aktibista sa lansangan. Panawagan
nila ang pagpapabagsak sa imperyalismo, ngunit ano nga ba ang kahulugan ng imperyalismo at bakit ito ang
itinuturong ugat ng paghihirap? Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay
nangangahulugan ng hindi pantay na pantao at teritoryal na relasyon sa pagitan ng mga bansa sa pamamagitan
ng pagbuo ng imperyo batay sa ideya ng pagiging superyor at bilang praktika ng dominasyon.
Kinasasangkutan ito ng esktensyon ng awtoridad at pagkontrol sa isang estado o sambayanan. May dalawang
uri ang imperyalismo. Una ay tinatawag ni Lewis Samuel Feuer na "regresibong imperyalismo" na ang
katangian ay purong pananakop, pagsasamantala, pagpatay, o pagtataboy sa mga hindi kanais-nais na taong
orihinal na naninirahan sa lupain upang panirahan ng mga mananakop. Ang ikalawa ay ang "progresibong
imperyalismo," na batay sa kosmopolitang pagtingin sa sangkatauhan at nagpapalaganap ng sibilisadong
pamumuhay sa mga atrasadong lipunan. Nilalayon ng mga mananakop na pataasin ang antas ng pamumuhay
at kultura ng mga sinasakop na teritoryo at bigyan sila ng pagkakataon na tularan o asimilahin ang
pamamaraan ng mananakop.
Ginamit ang terminong imperyalismo upang ipakita ang politikal at pang- ekonomikong dominasyon ng mga
kanluraning bansa noong ika-19 at ika-20 siglo. Ang terminong post-colonial ay unang ginamit ng manunulat at
propesor na si Edward Said upang ilarawan ang sistema ng dominasyon at subordinasyon kung saan may
nabubuong sentro (kultura ng mananakop) at mardyinalisado (kultura ng sinakop).
Ayon naman kay Vladimir Lenin, isang Marxista, sa kaniyang popular na akdang "Imperialism, the Highest
Stage of Capitalism," ang imperyalismo ang pinakamataas na antas ng monopolyong kapitalismo. Batay sa
kaniyang pag-aaral, kapag umuunlad ang kapitalismo sa isang kanluraning lipunan, nagpapalit na ang
produksyon ng ekonomiya nito mula sa tunay na mga produkto tungo sa pananalapi at pagbabangko. Bunga nito,
dinadala sa mga imperyo o di-industriyalisadong lipunan ang produksyon ng mga yaring produkto kung saan
mas mura ang lakas-paggawa at hilaw na materyales. Ito rin ang nagiging dahilan ng malawakang hidwaan sa
pagitan ng mauunlad na bansa. Nag-aagawan sila sa mga teritoryong maaaring pagbentahan ng sobrang
produkto o pagtayuan ng negosyo at produksyon. Ang obserbasyong ito ni Lenin ang naging padron sa pagsakop
ng mga bansa sa Europa sa Timog Asya. Gayundin, matalino niyang nahulaan ang pagputok ng Unang
Digmaang Pandaigdig dahil sa mabilis na pag-unlad ng mga industriya at pag-aagawan sa teritoryo.
Ang halimbawang teksto na nagbigay-depinisyon
sa imperyalismo ay nagpaliwanag ng iba't ibang
kahulugan at manipestasyon nito ayon sa iba't
ibang manunulat.
Paglilista ng Klasipikasyon. Ang estrukturang ito naman ay
kadalasang naghahati- hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't
ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa
pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depenisyon at
halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. Kung
sa naunang halimbawang teksto ay naipaliwanag ang depinisyon ng
imperyalismo, ipakikita naman sa susunod na teksto ang iba't ibang
klasipikasyon nito batay sa teritoryo.
Imperyalismo sa Iba’t Ibang Teritoryo
Ang panahon ng imperyalismo ay nagsimula sa huling bahagi ng ika-17 siglo. Sa panahong ito, sinasakop
ng mauunlad na bansa ang hindi mauunlad na bansa upang magpalawak ng kapangyarihan. Bagamat
matagal nang laganap ang pananakop, ang terminong "Panahon ng Imperyalismo" ay tumutukoy sa
pagpapalawak ng teritoryo ng mga bansang tulad ng United Kingdom, France, Germany, Italy, Japan, at
Estados Unidos sa Asya at Africa. Sa kalagitnaan ng 1800s, pagkatapos ng kalahating siglo ng mga
reporma at pagbabago, naitayo ang mga matatatag at sentralisadong gobyerno sa Europa. Nagkaroon ang
mga mamamayan ng mas malawak na karapatang politikal at lumaganap ang ideya ng nasyonalismo, hindi
lamang sa Europa kundi sa kabuuan ng mga kanluraning bansa. Ang mga makabagong imbensyon,
industriyalisasyon, at urbanisasyon ay nagkaroon ng malaking epekto sa politikal at pang-ekonomikong
kalagayan sa kanluran. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya at paglaki ng populasyon ang paghahanap
ng mga Europeong bansa ng iba pang lupain na makasasapat sa suplay ng hilaw na materyales at
mapupuntahan ng kanilang mga mamamayan. Nagsimula ang kanilang eksplorasyon sa mga hindi
industriyalisadong lugar sa kontinente ng Asya at Africa.
Imperyalismo sa Timog Asya-Ang imperyalismo sa Timog Asya ay tumukoy sa
pananakop at pangangamkam ng mga kanluraning bansa sa rehiyon noong ika-19 at ika-
20 siglo. Ito ay nagresulta sa pagkontrol ng mga bansang tulad ng Britanya, Pransiya, at
Estados Unidos sa mga teritoryo sa Timog Asya, kabilang dito ang mga bansa tulad ng
India, Indochina, Indonesia, at Pilipinas. Ang imperyalismo ay nagdulot ng malaking
epekto sa mga tao at kultura sa Timog Asya. Ito ay nagdulot ng kolonisasyon,
eksploytasyon ng likas yaman, pag-abuso sa mga lokal na mamamayan, at pagpapabaya
sa kanilang mga karapatan. Ipinakita rin ng imperyalismo ang paglaganap ng mga ideya
at kasaysayan ng kanluraning kultura sa Timog Asya. Sa kabuuan, ang imperyalismo sa
Timog Asya ay nagdulot ng malalim at pangmatagalang epekto sa rehiyon. Ang mga
bansa sa Timog Asya ay hanggang ngayon ay nanunumbalik at lumalaban sa mga epekto
ng imperyalismo sa kanilang ekonomiya, politika, at kultura.
Imperyalismo ng mga Aleman-Mula sa orihinal na lupain sa Scandinavia at sa hilagang bahagi ng
Europa, nagpalawak ng teritoryo ang mga tribong Aleman sa bahaging hilaga at kanlurang Europa na
sumakop sa mga Celtic at iba pang grupo ng tao upang buuin ang Holy Roman Empire, ang unang
imperyo ng mga Aleman. Hindi gaanong lumalim ang kultural na integrasyon at pagpapalaganap ng
identidad ng mga Aleman kung kaya't nanatiling konseptwal na termino lamang ang Germany na
tumutukoy sa walang hugis na teritoryo sa Gitnang Europa.
Imperyalismo ng mga Hapon-Sa panahon ng Unang Digmaang Sino-Japanese noong 1894, nasakop ng mga
Hapon ang Taiwan. Nakibahagi rin sila sa Isla ng Rusya bilang bunga ng digmaang Russo-Japanese noong
1905. Naging sakop rin ng kanilang teritoryo ang Korea noong 1910 at ang ilang teritoryo ng mga Aleman sa
Shandong, Tsina kabilang na ang mga isla ng Marianas, Caroline, at Marshall. Noong 1918, inokupahan ng
Japan ang dulong silangang bahagi ng Rusya at ilang bahagi ng Siberia. Noong 1931, nasakop nila ang
Manchuria. Sa Ikalawang Digmaang Sino-Japanese noong 1937, nasakop ng mga Hapon ang Tsina, at sa
pagtatapos ng Digmaang Pasipiko, nasakop nila ang halos lahat ng bansa sa Silangang Asya kasama na ang
mga teritoryo ng Hong Kong, Vietnam, Cambodia, Thailand, Myanmar, Pilipinas, Indonesia, New Guinea, at
iba pang isla sa Karagatang Pasipiko.
Imperyalismong Amerikano-tumutukoy ito sa pananakop at pagsakop ng Estados Unidos sa iba't ibang
bahagi ng mundo upang mapalawak ang kanilang teritoryo at impluwensya. Ito ay nagsimula noong
late 19th century hanggang early 20th century at naging isa sa pinakamalaking mga pwersang
imperyalista sa mundo. Ang Amerika ay nagkaroon ng ambisyon na mapalawak ang kanilang teritoryo
at impluwensya sa pamamagitan ng pag-aangkin sa mga teritoryo sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ito
ay maaring sa pamamagitan ng militar, ekonomiya, politika, at kultura. Ang mga halimbawa ng
kanilang imperyalismong Amerikano ay ang pagsakop ng Pilipinas, Puerto Rico, Guam, Hawaii,
Cuba, at iba pang bahagi ng Asia at Amerika. Ito ay nagresulta sa mga pakikialam at kontrol ng
Estados Unidos sa mga nasakop na teritoryo, na nagdulot ng pagkakaroon ng kolonyal na pamamahala
at pagsasamantala sa mga lokal na mamamayan. Sa pangkalahatan, ang imperyalismong Amerikano
ay nagdulot ng maraming mga konflikto, pag-aaklas, at kaguluhan sa mga nasakop na teritoryo.
Ngunit sa kabila nito, ang impluwensya ng Amerika ay patuloy na nakikita sa mga lugar na kanilang
nasakop at naging isang mahalagang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang teritoryo at impluwensya sa
buong mundo.
Inilahad ng halimbawang tekstong impormatibo ang iba't ibang klasipikasyon at
manipestasyon ng imperyalismo sa iba't ibang bansa. Sa unang bahagi ay ipinaliwanag ng
teksto ang kabuuang katangian ng panahon ng imperyalismo at isa-isang tinalakay ang iba't
ibang manipestasyon nito sa bawat teritoryo. Sa kabuuan, mas madaling nauunawaan ang
kahulugan ng isang teksto kung agad na nakukuha ng mambabasa ang ginamit na padron o
estruktura ng paglalahad ng manunulat sa isang tekstong impormatibo. Halimbawa, kung
agad na makikita ng isang mambabasa na ang estruktura ay sanhi at bunga, agad nilang
hahanapin at mauunawaan ang mga dahilan at resulta na siyang pinakamahalagang bahagi
ng teksto. Agad ding natutukoy ng mambabasa ang pinakamahahalagang ideya ng teksto.
Kapag naunawaan ang estruktura, nabubuo sa isip ng mambabasa ang kabuuang balangkas
na nakatutulong sa kaniya upang unawain ang kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.
Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulong "Developing
ESL/EFL Learners' Reading Crisis: Why Poor Children Fall
Behind," mahalagang hasain ng isang mahusay na
mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang mga
tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito ay ang
pagpapagana ng mga imbak na kaalaman, pagbuo ng mga
hinuha, at pagkakaroon ng mayamang karanasan.
• Ang pagpapagana ng imbak na kaalaman ay may kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong dati
nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa. Halimbawa,
kung nagbabasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba't ibang uri ng pamumuno, maaari niyang balikan ang
nauna na niyang nalalaman tungkol sa presidente, minister, o iba pang uri ng pinuno upang iugnay sa mga
bagong matutuklasang impormasyon. Ang pag-alala at pagbuo ng ugnayan ay makatutulong upang mabilis
na maunawaan ang isang teksto.
• Ang pagbuo ng hinuha naman ay may kinalaman sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong
malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong paghula ng
maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang
sanayin ng isang mambabasa ang kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang hindi maantala ang
pagbasa sa kabuuan ng teksto.
• Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng iba't ibang teksto at pagdanas sa mga
ito. Halimbawa, kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba't ibang uri
ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at pag-unawa sa iba't ibang
grupo nito batay sa mga katangiang kaniya nang nasaksihan. Sa ganitong pagkakataon, mas nagiging
konkreto ang pagbabasa para sa mag-aaral dahil alam nila kung ano ang tinutukoy sa teksto.
Ang pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga impormasyon sa teksto
ay makatutulong din sa malalim na pag-unawa ng mambabasa.
Mahalaga ang kasanayan sa pagbabalangkas upang makita ang
pagkakaayos ng mga ideya at kung paano binalangkas ang kabuuan ng
teksto. Ang isa pang paraan sa pagpapatalas ng pag-unawa sa mga
tekstong impormatibo ay ang pagpapayaman ng bokabularyo. Kung
iuugnay ng mambabasa ang mga dati nang alam na salita sa mga
salitang hindi pa gaanong nauunawaan sa teksto, mas magiging madali
at mabisa ang pag-unawa sa buong kahulugan.
Layunin ng tekstong impormatibo
Ang layunin ng tekstong impormatibo ay magbigay ng impormasyon,
kaalaman, o paliwanag tungkol sa isang partikular na paksa.
Naglalaman ito ng mga katotohanan, datos, at detalye na
makatutulong sa mga mambabasa na maunawaan at maipaliwanag
ang isang bagay o pangyayari. Ang tekstong impormatibo ay madalas
na ginagamit sa mga aklat, artikulo, pahayagan, at iba pang uri ng
pagsulat na layunin ay magbigay ng impormasyon sa mga
mambabasa.
Mahalagang kakayahan upang maging mabisa ang isang tekstong
impormattibo
Ang mahahalagang kakayahan upang maging mabisa ang pag-unawa sa isang tekstong impormatibo ay ang
sumusunod:
1. Paggamit ng tamang estratehiya sa pagbabasa: Mahalaga na matutunan ang mga paraan ng mabisang
pagbabasa tulad ng skimming, scanning, at critical reading upang mas mapadali ang pag-unawa sa
impormasyon.
2. Kakayahang mag-analisa at magtugma ng impormasyon: Mahalaga ang kakayahan na masuri ang
impormasyon na ibinigay at maikonekta ito sa iba pang bahagi ng teksto upang maunawaan ang kabuuan ng
mensahe.
3. Paggamit ng background knowledge: Ang paggamit ng kaalaman at karanasan sa paksa o topic ng tekstong
impormatibo ay makakatulong sa pag-unawa sa impormasyon.
4. Pagsusuri sa mga estruktura ng teksto: Mahalaga ang pagkilala sa mga estruktura ng teksto tulad ng mga
sumaryo, sub-heading, at iba pa upang mas madaling maunawaan ang mga ideya na inilahad.
5. Kakayahan sa pagsasaliksik at pagtukoy ng mahahalagang detalye: Mahalaga ang kakayahan sa pagtukoy
ng mahahalagang impormasyon na isinasaad sa teksto at paggamit ng mga pamamaraan sa pagsasaliksik upang
mapatibay ang kaalaman.
Kahalagahan ng malawak na bukabularyo sa tekstong
impormatibo
• Ang malawak na bukabularyo ay napakahalaga sa pag-unawa ng tekstong
impormatibo dahil nagbibigay ito ng abilidad sa isang mambabasa na maunawaan
at maiproseso nang mas mabilis ang bagong impormasyon na kanyang binabasa. Ito
ay magbibigay sa kanya ng kakayahang maunawaan ang iba't ibang mga konsepto
at ideya na maaaring banggitin sa isang tekstong impormatibo.
• Ang malawak na bukabularyo ay nagbibigay ng lakas sa mambabasa na
maunawaan at maiproseso nang mabilis at mas epektibo ang impormasyon na
nakasaad sa tekstong impormatibo. Ito ay nagbibigay sapat na kakayahang
maunawaan at maipakita ang kanyang konkretong kaalaman na maaaring maging
susi sa mas mabuting pakikitungo sa impormasyon.
LAYAG-DIWA
A.Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa aralin

• Ano-ano ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo? Ipaliwanag ang


pagkakaiba ng bawat isa.
• Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?
• Ano ang mahahalagang kakayahan upang maging mabisa ang pag-unawa sa isang
tekstong impormatibo?
• Bakit mahalaga ang malawak na bukabularyo sa pag-unawa ng tekstong
impormatibo? Ipaliwanag.
• Naniniwala ka bang mahalaga ang malawak na karanasan upang makabuo o
makaunawa ng isang mahusay na tekstong impormatibo? Pangatwiranan ang
sagot.
B. Balikan ang halimbawa ng paghahambing sa aralin na may titulong "Sistemang Politikal ng
Sinaunang Asya: Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na Pamamahala ng mga Emperador sa
Japan." Itala ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng sinaunang sistema ng pamumuno sa Tsina at
Japan batay sa naunawaan sa teksto. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba upang itala ang mga punto
ng paghahambing.
C. Muling basahin ang tekstong "Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya" na isang halimbawa ng
tekstong impormatibo na nasa estrukturang sanhi at bunga. Itala ang mga tinukoy na sanhi at bunga
ng pagkaubos ng yamang-dagat sa Asya mula sa mga impormasyong nasa teksto. Gamit ang kahon
sa ibaba, lumikha ng isang dayagram na magpapakita ng relasyong sanhi at bunga mula sa teksto.
LAMBAT-LIKHA
Naunawaan sa nakaraang aralin ang mga layunin at katangian ng isang tekstong impormatibo.
May mga tiyak na halimbawang ibinigay rin sa aralin. Bumuo ng grupo na may apat hanggang
limang miyembro at pumili ng isa sa mga sumusunod na gawain na magpapakita ng kaalaman
at kasanayan na naunawaan mula sa naging talakayan sa katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo.

1. Paglikha ng Patalastas Tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan


Ang patalastas na ito ay maaaring sa pamamagitan ng video o polyeto. Anomang porma
ng patalastas ang piliin, kailangang naglalaman ito ng mga impormasyon at kampanya
tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Ang video ay kailangang tumagal lamang ng isa
hanggang dalawang minuto habang ang polyeto naman ay naka-aayos depende sa haba ng
impormasyon na nais ipahayag tungkol sa partikular na paksa.
2. Pagsasagawa ng Isang Panel Discussion
Ang mga grupong pipili ng gawaing ito ay kailangang magpalitang-
kuro kung anong paksa ang pag-uusapan sa panel discussion.
Kailangang mahalaga at napapanahon ang paksa na mapipili.
Pagkatapos ay itakda ang pokus ng talakayan ng bawat miyembro at
iba pang gawain para sa presentasyon. Ang bawat grupo ay may
hanggang 15 minuto upang isagawa ang talakayan.
SALOK-DUNONG
A. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap at M kung hindi. Kung
M ang sagot, ipaliwanag sa patlang sa ibaba kung bakit mali ang pahayag

1. Hindi mahalaga ang malawak na karanasan sa pag-unawa ng tekstong impormatibo dahil sapat na ang
pananaliksik upang maunawaan ito.

2. Bukod sa katumpakan, mahalagang kapaki-pakinabang ang paksa ng isang tekstong impormatibo.

3. lisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatibo.

4.Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong impormatibo.

5. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanong na "bakit”.


B. Basahin ang sumusunod na seleksiyon at sagutin ang mga kaugnay na tanong.
Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, 2009, tinipon ng University and College
Union (UCU) sa United Kingdom ang ilang mga datos na nagpapakita ng kalagayan ng kababaihan sa buong
mundo. Ayon sa kanilang pananaliksik, 33% lamang ng manedyeryal at administratibong posisyon sa buong
mundo ang hawak ng kababaihan, Mas mababa pa ito sa Africa (15%) at Asya na 13% lamang. Sa kabuuan, 2/3 ng
matatandang ilitereyt (hindi marunong bumasa at sumulat) sa buong mundo ay babae at ang mayorya ng 1.3
bilyong namumuhay sa kahirapan ay babae. Ipinakikita rin ng pag-aaral na ang pangunahing dahilan ng
pagkamatay ng babae sa edad na 15 hanggang 44 ay dahil sa karahasan ng kalalakihan at 50% ng krimen sa
pagpatay sa babae ay gawa ng kanilang kasalukuyan o dating asawa o kinakasama. Dagdag pa, 1,500 ang babaeng
namamatay araw- araw dahil sa hindi planadong pagbubuntis at iba pang dahilan na may kinalaman sa
pagdadalang-tao, at 19 milyong kaso ng aborsyon ang nangyayari sa hindi ligtas na paraan na pumapatay sa
68,000 babae bawat taon. Mas malala pa, 40% sa mga kasong ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may
edad 16 hanggang 24. Mababa rin ang pagkilala sa kakayahang politikal ng mga babae. Anim lamang sa 194
presidente ang babae. Noong 2007, 19% lamang ng mga bansa ang may 30% parlyamentaryong representasyon ng
kababaihan.
Sanggunian: Mills, 5. & Mullany, L. (2011). Language and Gender Feminism: Theory, Methodology and Practice.
London: Routledge.
1. Ano ang mga datos sa kalagayan ng kababaihan na nagpapakita sa uri ng
trabahong nakukuha nila?

2. Makapangyarihan na ba sa larangan ng politika ang mga babae? Patunayan ang


iyong sagot batay sa datos.

3. Ano ang mga datos na tumutukoy sa karahasan sa kababaihan?

4. Ano ang pangunahing ideya ng binasang seleksiyon?

5. Batay sa mga kalagayan ng kababaihan sa buong mundo na binanggit sa


seleksiyon, tingin mo ba ay nasa mabuting kalagayan na ang mga babae?
Pangatuwiranan ang iyong tugon.
DAONG-KAMALAYAN
Tinukoy sa aralin na mahalaga ang malawak na bokabularyo, karanasan, at imbak na
kaalaman sa pagbasa at pagbuo ng mga tekstong impormatibo. Nakamit mo ba ang
tatlong ito sa pagkatha ng impormatibong video o polyeto tungkol sa pangangalaga
ng kalikasan o kaya ay pagsasagawa ng panel discussion? Tasahin ang naging
karanasan at ibahagi sa klase.

Bukod sa pagkatha ng anomang tekstong impormatibo,


sa anong gawain mo pa magagamit ang tatlong kasanayan
na nabanggit?
Members:
Erika May Concepcion
Hershlei Nicole E.
Paler

You might also like