You are on page 1of 8

TEKSTONG IMPORMATIBO:

Para Sa Iyong Kaalaman

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay isang


anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at
paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga
mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay na tao o


nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang
tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na
matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-pananaliksik sa mga
journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat


napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon. Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke
Baldwin (1990) sa kanilang pananaliksik na "The Reading Crisis: Why Poor Children Fall
Behind," ang kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng
pagbaba sa komprehensiyon o kakayahang umunawa ng ganitong teksto ng mga mag-
aaral. Kapag hindi nasanay ang mga mag-aaral sa pagkatuto mula sa mga
impormatibong teksto sa mga unang baitang ng elementarya, itinatakda nito ang husay
nila sa pagbasa pagdating ng ikatlong baitang. Ipinakikita nitong mahalaga ang pagbasa
ng mga tekstong impormatibo sa maagang edad pa lamang ng isang mag-aaral.

Upang mas madaling maunawaan ang anomang tekstong impormatibo,


kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba't ibang pantulong upang gabayan ang
mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba't ibang impormasyon. Kabilang dito ang
talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga
larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan,
graph, at talahanayan.

Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impormatibong


teksto. Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at makatutulong sa pag-
unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o usaping panlipunan. Upang masiguro ang
katumpakan ng datos, mahalagang sumangguni sa mga babasahin at iba pang
pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan.

May IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO depende sa estruktura ng


paglalahad nito. Ang mga estrukturang ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at
bunga, paghahambing, pagbibigay-depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon,

SANHI AT BUNGA

Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnayugnay ng mga


pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi)
at estrukturang sanhi at bunga. ano ang resulta nito (bunga). Narito ang isang halimbawa
ng impormatibong tekstong nasa

HALIMBAWA:

Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya

Ang pinakamahalagang rehiyon sa pangingisda at produksiyon ng yamangdagat


sa buong mundo ay ang Asya. Aquaculture ang tawag sa pag-aalaga ng isda at iba pang
hayop na nabubuhay sa tubig sa isang kontroladong kapaligiran. Noong 2008, halos 50%
ng kabuuang huli ng isda sa buong mundo ang nagmula sa Asya. Anim sa nangungunang
sampung bansa sa produksiyon ng isda ang mula sa Asya: Tsina, Indonesia, Japan,
India, Pilipinas, at Myanmar. Sa Asya rin nagmumula ang 90% ng kabuuang produksiyon
ng isda mula sa aquaculture.
Sa kabila ng mayamang karagatan ng Asya na pinagkukunan ng iba't ibang
yamang-dagat, ipinakikita ng mga pananaliksik na maraming suliraning kinakaharap ang
industriyang ito na magdudulot sa pagkaubos ng yamang-dagat. Nakababahala ang
istatiskang mga pananaliksik. Ayon rito, 75% ng kabuuang dami ng isda sa buong mundo
ay hinuhuli ng mas mabilis kaysa sa kakayahan nilang magparami. 80% ng uri ng isda
ay bumababa ang bilang habang 90% ng malalaki at mataas na uri ng isdakasama ang
tuna, pating, swordfish, cod, at halibut-ay wala na. Ayon sa prediksyon ng mga
siyentipiko, kapag nagpatuloy ang kasalukuyang kalakaran sa pangingisda ay wala nang
matitirang isda para kainin ng mga tao sa taong 2050.

Maraming dahilan sa unti-unting pagkaubos ng yamang ito. Dumarami ang tao


kung kaya't lumalaki ang populasyong umaasa sa hindi nagbabagong produksiyon ng
yamang-dagat. Mahalaga sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano ang pagkain ng mga
produktong mula sa dagat. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng National Geographic
Society, sinasabing ang Tsina at Japan ang nangungunang konsyumer ng pagkaing
dagat na umaabot sa 694 milyon tonelada at 582 milyong tonelada kada taon.

Bukod sa nakaasa ang pamumuhay ng mga Asyano sa mga yamang-dagat, ang


isa pang itinuturong pangunahin at mas malalang dahilan ay ang suliranin ng sobrang
pangingisda o overfishing. Nangyayari ito kapag ang mga isda at iba pang lamang dagat
ay hinuhuli nang mas mabilis kaysa sa kakayahan nilang manganak o magparami.
Resulta ito ng lumalaking pangangailangan sa pagkaing dagat sa buong mundo, kasama
na ang mahinang pagsasaayos at pagbuo ng makabago at mas epektibong paraan ng
pangingisda. Kung magpapatuloy ito, masisira ang ecosystem ng karagatan na
makaaapekto sa seguridad sa pagkain ng bilyong kataong ang pangunahing
pinagkukunan ng protina ay isda.

Bukod sa sobra-sobrang pangingisda, malaking hamon din sa yamang-dagat ang


malawakang pagkasira ng mga coral reef na pinaninirahan ng mga isda. Ayon sa Worlds
Resources Institute (WRI) noong 2008, higit 80% ng mga coral reef sa Timog Silangang
Asya-kung saan pinakamayaman ang dagat-ang pinapangambahang tuluyang masira.
Nakababahala ito sapagkat halos 25% ng namumuhay sa dagat ay umaasa sa mga coral
reef.
Ano ang maaaring gawin sa kalagayang ito? Ang mga susunod na taon ay
mahalaga para manumbalik ang dami ng yamang-dagat. Kung may malinaw at mahigpit
na mga pagsasabatas na ipatutupad sa kasalukuyan, maaaring maibalik sa dati ang
karamihan sa mga nasira sa karagatan. Paano sosolusyonan ang overfishing? Ayon sa
WRI, kailangan ng siyentipikong pagtataya sa limitasyon ng bilang ng isda na dapat
hulihin sa iba't ibang bahagi ng pangisdaan. Kailangang mahigpit na ipatupad ang
limitasyong ito. Dapat ding ipagbawal o gawing ilegal ang mga pamamaraan sa
pangingisda na nakasisira sa mga coral reef. Kailangan ding gawing protektado ang
susing bahagi ng ecosystem na pinamumugaran at pinanganganakan ng karamihan sa
mga yamang-dagat.

PAGHAHAMBING

Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga


pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto, o pangyayari.

HALIMBAWA:

Sistemang Politikal ng Sinaunang Asya:


Tsina Bilang Gitnang Kaharian at ang Banal na Pamamahala
ng mga Emperador sa Japan

Hanggang noong ika-16 siglo, pinaniniwalaan ng mga historyador na ang Asya


ang pinakasentro ng daigdig. Ito ang pinagmulan ng pinakamatandang sibilisasyon sa
mundo at ang pinakamalalakas at matatag na pamamahala at imperyo. Nagkaroon ng
malaking impluwensya sa mga paniniwalang politikal ng sinaunang Asya ang dalawang
mauunlad na sibilisasyon sa Tsina at Japan.

Naniniwala ang mga Tsino na bilang Gitnang Kaharian, ang kanilang paniniwala
ang pinakamataas sa anomang lahi habang ang mga Hapon naman, bagamat nagmula
rin sa Tsina ang sinaunang paniniwala, ay ipinagmamalaking nagmula sa kanilang lupain
ang mga diyos na namuno sa daigdig.
Ipinagmamalaki ng mga Tsino na nagmula sa kanila ang sibilisasyong Huang Ho,
na isa sa pinakaunang sibilisasyon sa mundo. Ang bansang ito rin ang may
pinakamatandang nabubuhay na sibilisasyon. Nakabatay ang sinaunang sibilisasyon ng
Tsina sa mga aral ni Confucius. Dagdag pa sa aral ng Confucianismo, ipinagmamalaki
rin ng mga Tsino ang hindi matatawarang kontribusyon nila sa larangan ng pilosopiya,
mga paniniwala, at imbensyon.

PAGBIBIGAY-DEPINISYON

Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.


Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng isang hayop,
puno, o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarungan,
pagkakapantay-pantay, o pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo,
mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o konotatibo.

HALIMBAWA:

Imperyalismo

Madalas na marinig natin ang salitang imperyalismo na isinisigaw ng mga aktibista


sa lansangan. Panawagan nila ang pagpapabagsak sa imperyalismo, ngunit ano nga ba
ang kahulugan ng imperyalismo at bakit ito ang itinuturong ugat ng paghihirap?

Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay nangangahulugan


ng hindi pantay na pantao at teritoryal na relasyon sa pagitan ng mga bansa sa
pamamagitan ng pagbuo ng imperyo batay sa ideya ng pagiging superyor at bilang
praktika ng dominasyon. Kinasasangkutan ito ng esktensyon ng awtoridad at pagkontrol
sa isang estado o sambayanan. May dalawang uri ang imperyalismo. Una ay tinatawag
ni Lewis Samuel Feuer na "regresibong imperyalismo” na ang katangian ay purong
pananakop, pagsasamantala, pagpatay, o pagtataboy sa mga hindi kanais-nais na taong
orihinal na naninirahan sa lupain upang panirahan ng mga mananakop. Ang ikalawa ay
ang "progresibong imperyalismo," na batay sa kosmopolitang pagtingin sa sangkatauhan
at nagpapalaganap ng sibilisadong pamumuhay sa mga atrasadong lipunan. Nilalayon
ng mga mananakop na pataasin ang antas ng pamumuhay at kultura ng mga sinasakop
na teritoryo at bigyan sila ng pagkakataon na tularan o asimilahin ang pamamaraan ng
mananakop.

Ginamit ang terminong imperyalismo upang ipakita ang politikal at


pangekonomikong dominasyon ng mga kanluraning bansa noong ika-19 at ika-20 siglo.
Ang terminong post-colonial ay unang ginamit ng manunulat at propesor na si Edward
Said upang ilarawan ang sistema ng dominasyon at subordinasyon kung saan may
nabubuong sentro (kultura ng mananakop) at mardyinalisado (kultura ng sinakop).

PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON

Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahatihati ng isang malaking paksa


o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos
ay bibigyang-depenisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim
nito.

HALIMBAWA:

Imperyalismo sa Iba't Ibang Teritoryo

Ang panahon ng imperyalismo ay nagsimula sa huling bahagi ng ika-17 siglo. Sa


panahong ito, sinasakop ng mauunlad na bansa ang hindi mauunlad na bansa upang
magpalawak ng kapangyarihan. Bagamat matagal nang laganap ang pananakop, ang
terminong "Panahon ng Imperyalismo" ay tumutukoy sa pagpapalawak ng teritoryo ng
mga bansang tulad ng United Kingdom, France, Germany, Italy, Japan, at Estados
Unidos sa Asya at Africa.

Sa kalagitnaan ng 1800s, pagkatapos ng kalahating siglo ng mga reporma at


pagbabago, naitayo ang mga matatatag at sentralisadong gobyerno sa Europa.
Nagkaroon ang mga mamamayan ng mas malawak na karapatang politikal at.
lumaganap ang ideya ng nasyonalismo, hindi lamang sa Europa kundi sa kabuuan ng
mga kanluraning bansa. Ang mga makabagong imbensyon, industriyalisasyon, at
urbanisasyon ay nagkaroon ng malaking epekto sa politikal at pang-ekonomikong
kalagayan sa kanluran. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya at paglaki ng
populasyon ang paghahanap ng mga Europeong bansa ng iba pang lupain na
makasasapat sa suplay ng hilaw na materyales at mapupuntahan ng kanilang mga
mamamayan. Nagsimula ang kanilang eksplorasyon sa mga hindi industriyalisadong
lugar sa kontinente ng Asya at Africa.

Imperyalismo ng mga Aleman

Mula sa orihinal na lupain sa Scandinavia at sa hilagang bahagi ng Europa, nagpalawak


ng teritoryo ang mga tribong Aleman sa bahaging hilaga at kanlurang Europa na sumakop
sa mga Celtic at iba pang grupo ng tao upang buuin ang Holy Roman Empire, ang unang
imperyo ng mga Aleman. Hindi gaanong lumalim ang kultural na integrasyon at
pagpapalaganap ng identidad ng mga Aleman kung kaya't nanatiling konseptwal na
termino lamang ang Germany na tumutukoy sa walang hugis na teritoryo sa Gitnang
Europa.

Imperyalismo ng mga Hapon

Sa panahon ng Unang Digmaang Sino-Japanese noong 1894, nasakop ng mga


Hapon ang Taiwan. Nakibahagi rin sila sa Isla ng Rusya bilang bunga ng digmaang
Russo-Japanese noong 1905. Naging sakop rin ng kanilang teritoryo ang Korea noong
1910 at ang ilang teritoryo ng mga Aleman sa Shandong, Tsina kabilang na ang mga isla
ng Marianas, Caroline, at Marshall. Noong 1918, inokupahan ng Japan ang dulong
silangang bahagi ng Rusya at ilang bahagi ng Siberia. Noong 1931, nasakop nila ang
Manchuria.

Sa Ikalawang Digmaang Sino-Japanese noong 1937, nasakop ng mga Hapon ang


Tsina, at sa pagtatapos ng Digmaang Pasipiko, nasakop nila ang halos lahat ng bansa
sa Silangang Asya kasama na ang mga teritoryo ng Hong Kong, Vietnam, Cambodia,
Thailand, Myanmar, Pilipinas, Indonesia, New Guinea, at iba pang isla sa Karagatang
Pasipiko.
Imperyalismong Amerikano

Bago ang ika-19 siglo ay nagpakita na ng oposisyon sa imperyalismo ang mga


Amerikano na matatagpuan sa ilang polisiya ng Monroe Doctrine. Sa simula ng huling
bahagi ng ika-19 at ika-20 siglo, binuo ang misyong Woodrow Wilson. Kaakibat ng
puwersang militar, layunin ng misyong ito na palaganapin ang demokrasya sa buong
mundo.

Noong 1898, binuo ng mga Amerikanong tutol sa pagsakop ng Estados Unidos sa


Pilipinas at Cuba ang Anti-mperialist League. Pagkatapos ng isang taon, sumiklab ang
digmaan sa Pilipinas na naging dahilan ng pagkondena ng mga negosyante, opisyal ng
pamahalaan, at karamihan ng mamamayan ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas.
Nagbunga ang digmaan sa pagkamatay ng maraming Pilipino.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakiisa ang Estados Unidos sa


interes ng mga kanluraning bansa sa pandaigdigang pakikitunggali sa impluwensiya ng
Unyong Sobyet na nakilala bilang Cold War. Pagkatapos ng pagbagsak ng Unyong
Sobyet, hindi natinag ang Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang bansa sa
buong mundo. Nagkaroon ng sistemang unipolarity upang ilarawan ang pandaigdigang
politika kung saan ang Estados Unidos ang nasa sentro.

You might also like