You are on page 1of 7

STEP-BY-STEP

NA
GABAY
SA
PAGKALAP
NG
REFERENCE/SOURCE
SA
PAGSULAT
NG
KASAYSAYAN

1
STEP-BY-STEP NA PAGKALAP NG SOURCES/REFERENCES
SA PAGBUO NG AKLAT-KASAYSAYAN

Isa sa madalas na itanong ng mga Local Congregation Chronicler ay kung saan daw
nila kukunin ang mga impormasyon sa Chapter 3, 4 at 9. Hindi raw kasi naiwan ng
naunang sumulat ang pinagbatayan nito sa pagsulat ng aklat-kasaysayan.

Ang totoo, ang katotohanang naisulat ang kanilang aklat-kasaysayan ay nagpapatotoo


na mayroong pinagbatayan ang kanilang aklat-kasaysayan. Hindi ito maisusulat kung
walang pinagbatayan ang unang nagsulat nito. Ang gagawin lamang ng kasalukuyang
Local Congregation Chronicler ay alamin o tuklasin sa naunang LCC kung anu-ano at
saan naroroon ang mga reperensiya o sources na kaniyang pinagbatayan.

Paano kung wala na rin ang dating LCC o kaya ay hindi na matandaan o hindi na
naingatan ang mga pinagbatayan sa pagsulat sa unang kasaysayan? Walang ibang
magagawa kundi tuklasin kung saan nakuha ang mga impormasyon sa kasaysayan.

Isa pang posibleng gawin ay sundan ang sumusunod na mga hakbang sa ibaba:

PAGBUO NG INTRODUCTION:

1. Ang internet. I-Google kung may makukuhang impormasyon. Tingnan kung may
website ang bayan o baranggay na kinalalagyan ng lokal. May mga website na doon ay
makikita na ang etylomology o pinagkunan at kahulugan ng pangalan ng lugar,
karaniwang kabuhayan ng mga tao. Minsan naroon na rin ang religious demographics (o
komposisyon ng populasyon batay sa relihiyong kinaaaniban). Ang mga website na ito
ay karaniwang naglalaman din ng populasyon ng lugar (subalit madalas ay hindi
updated ang population na ito). Para sa mas updated na bilang ng populasyon (2015
census), inirerekomenda na puntahan ang Philippine Statistics Authority website, o kaya
ay ang regional PSA branch website na nakasasakop ng bayan o baranggay.

Nota: Namamalagi ang tagubilin na iwasan ang paggamit bilang reperensiya ang
wikipedia. Huwag ding kopyahin nang buong-buo ang anumang artikulo. Ito ay
plagiarism. Kung hindi maiiwasang kopyahin ang artikulo, i-quote na lamang ito gaya ng
sumusunod:

2
Ang lalawigan ng Cebu ay kilala sa tinatawag ng mga Katoliko na Sinulog Festival.
Ayon sa GMA News Online (Jan. 14, 2012), inilarawan ang nabanggit na pagdiriwang
gaya ng sumusunod:
“Ang Sinulog ay isa, kung hindi man ang pinakamalaking selebrasyon na
inaabangan ng mga Cebuano at ng mga deboto ng Señor Santo Niño.
Kapag pinag-uusapan ang Sinulog, ang makukulay na costumes at ang
eggrandeng parada ang palaging pumapasok sa isipan ng marami. ...
Ang Sinulog ay isinasagawa tuwing ikatlong Linggo ng Enero kasabay ng
kapistahan ng Señor Santo Niño de Cebu.
Ang sayaw ng Sinulog ay dalawang hakbang pasulong at isang paatras sa
saliw ng nakakaindak na musika. Isa itong ritwal na nagpapakita ng
Paganismo at ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.
Sa paglipas ng taon, hindi na lamang sayaw ang ipinapakita dahil naging
bahagi na rin ng pagdiriwang ang mga parada ng mga float, higantes at
iba pang pakulo.
Naging pangunahing atraksiyon na rin ng turismo ang Sinulog na
dinadayo ng mga turista, lokal man o dayuhan.”

2. Impormasyon mula sa tanggapan ng baranggay o bayan. Kung walang makuhang


impormasyon sa internet, maaaring magtungo sa baranggay hall o municipal hall.
Ipagtanong kung mayroon silang brochure na naglalarawan sa baranggay o bayan. Ang
brochure na ito ay ipa-scan at i-cite bilang source.

3. Panayam o interbyu. Kung walang makuhang impormasyon sa No. 1 at No. 2,


magsagawa ng interbyu sa Brgy. Captain, destinado, pangulong diakono, o sinumang
kuwalipikado na makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa lugar. Maaaring ang
gamitin ay isang questionnaire format (humingi ng kopya sa DC). Palitan na lamang ng
mga tanong ang interview form. Maaari rin namang i-record ang interbyu gamit ang
anumang digital recording device, pagkatapos ay i-transcribe. Sa dalawang nabanggit,
napahakalaga ang lagda kapuwa ng nag-interbyu at ininterbyu. Ang trancript ng
interview ay i-a-attach sa Chapter 10.

4. Artikulo mula sa Pasugo. Maaari ring gamitin ang mga artikulo na nasulat sa Pasugo
tungkol sa lokal. Kadalasan ay may bahagi sa artikulo na naglalarawan tungkol sa
kinaroroonan ng lokal.

3
PAGBUO NG CHAPTER 4 (HISTORY TIMELINE):

1. Ang Narrative History (1995). Ito ay ang kasaysayan ng lokal o distrito na isinumite
sa Research and Information Section noong 1995. Ang gagawin lamang ng Local
Congregation Chronicler ay igawa ng timeline ang lahat ng impormasyon na nasa
Narrative History. Kung walang kopya nito ang lokal, humingi ng kopya sa District
Chronicler. (Kung walang kopya ang District Chronicler, maaaring makipag-ugnayan
sa Regional Coordinator para maipadala thru FTP ang nabanggit na Narrative History ng
mga lokal.)

Nota: Subalit hindi sapat na Narrative History lang ang maging reperensiya ng
aklat-kasaysayan. Inire-rekomenda na dagdagan pa ang reperensiya ng iba pang
corroborating reference. Tangi sa Narrative History ay magsagawa rin ng interbyu sa mga
unang kapatid na nabubuhay pa na susuporta sa mga impormasuyong nakasaan sa
Narrative History. Gamitin ang interview form na ipinamahagi sa mga DC.

2. Ang Log Book ng Aktibidad ng Lokal. Ito ang dating tinatawag na Log Book ng
Kasaysayan ng Lokal. Maraming mga lokal ang may iniingatan pa nito (bagama’t
marami ang hindi na nakapag-update). Maaari itong gamitin source/reference lalo na sa
mga entries na naganap 1995 and beyond.

Nota: Subalit hindi rin sapat na Log Book ng Aktibidad lang ang source. Dapat ay
patunayan din ito ng isa o higit pang reperensiya tulad ng interbyu o kaya ay primary
documents.

3. Ang Binabasang Kasaysayan sa Pagtatalaga sa Gusaling Sambahan. Ito ay


karaniwang kalakip sa programa o palatuntunan sa pagsambang pagtatalaga ng
gusaling sambahan na pinangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Ang
dokumentong ito ay isang matibay na dokumento sapagkat ito ay nabasa mismo ng Ka
Bien Santiago at lalo na ng Tagapamahalang Pangkalahatan.

4. R1-006 o Kahilingan sa Pagtatayo ng Extension o Lokal. Ito ay isang primary source.


Naglalaman ito ng unang destinado, pamunuan, at panguluhan ng lokal.
Pinakamahalagang nilalaman nito ay ang petsa kung kailan pinagtibay ng
Pamamahala ang pagtatag ng lokal/extensiyon (na ito ang tamang petsa ng
pagkakatatag ng lokal at dapat petsa na ipinagdiriwang ang anibersaryo).

Sa ibayong-dagat, karaniwang ang distrito/lokal ay tumatanggap ng sulat-pabatid


tungkol sa pagpapatibay sa pagtatatag ng lokal/extension/GWS.

4
5. Ang Pasugo. Sa pana-panahon ay naglalathala ang Pasugo ng mga artikulo tungkol
sa kasaysayan ng lokal/distrito. Sa mga lumang Pasugo tinatawag ito na “Profile.” Sa
kasalukuyang labas ito ay tinatawag nang “In Focus.”

May mga article din ang Pasugo tungkol sa mga natatanging aktibidad sa lokal/distrito
o kaya ay pastoral visitation ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Dapat ang mga
ganitong artikulo ay nasisinop at nagagamit na source/reference sa Chapter 4.

Kaya inaasahan ng tanggapan ng Research na bukod sa Log Book ng Aktibidad (na


karaniwang source/reference na aming napapansin na ginagamit ng maraming LCC),
madadagdagan pa ng citation number ang mga entry sa Chapter 4.

6. CLOA Title/Certificate Title/ o Land Title. Ito ay isang primary source. Naglalaman
ito ng eksaktong sukat ng lupa, pangalan ng dating may-ari at address ng lupa, at
halaga ng pagkakabili ng lupa. Ang impormasyong ito ay mas matibay na pagbatayan
kung ikukumpara sa impormasyon na maaaring makuha sa interview (dahil sa malimit
na pagkakataon ay approximate number lang ang naibibigay ng interviewee).

7. P-7 Annual Inventory. Ito ay isang primary source. Mas matibay rin ito na pagbatayan
ng impormasyon tungkol sa mga petsa kailan ipinatayo/ipina-renovate ang mga
mehoras ng lokal at ang kapilya, halaga na ginugol sa pagpapatayo/renobasyon. Ang
dokumentong ito ay napaka-detalyado anupa’t maging ang sentimong ginugol ay
nakalagay sa imbentaryo.

7. Mga Sirkular. Ito ay isang primary source. Ito ang maaring i-cite na source tungkol sa
petsa kung kailan isinagawa ang natatanging aktibidad ng lokal/distrito o ng buong
Iglesia na nilahukan ng lokal (halimbawa Worldwide Walk, Worldwide Lingap,
Worldwide Binhi Summit). Gayunman, hindi sasapat ang dokumentong ito para
masuportahan ang lahat ng impormasyon na nasa historical entry. Halimbawa, hindi
kayang suportahan ng sirkular lamang ang bilang ng nakipagkaisa/dumalong kapatid,
mga nanguna sa aktibidad, mga ginawang paghahanda sa lokal. Samakatuwid, ang
sirkular ay susuporta lamang tungkol sa pangalan ng aktibidad at petsa at lugar na
pinagsagawaan.

8. Weekly Chronicling Form. Ito ay napakagandang pagbatayan sa iba pang


impormasyon tungkol sa petsa ng pagsasagawa ng aktibidad, bilang ng nakipagkaisa,
dako ng pagsasagawa at iba pang makasaysayang pangyayari sa partikular na
aktibidad.

5
9. Panayam o Interbyu. Ang mga kasaysayan na resulta ng interview ay tinatawag ding
oral history. Ang oral history ay nakilala noong huling bahagi ng dekada 40 dahil sa
pagsisikap ni Allen Nevins ng Columbia University na kolektahin ang mga panayam
tungkol sa mga pangyayari sa nakaraan. Dahil sa ang mga nakukuhang impormasyon
sa ganitong paraan ay mula sa mga taong personal na nakasaksi (witness) o direktang
kalahok sa pangyayari (participant), ang mga impormasyong ito ay itinuturing na
primary-source material.

Sa lokal, balikan ng Local Congregation Chronicler ang kanilang kasaysayan sinu-sino ang
mga unang kapatid sa lokal (pioneer brethren) na nabubuhay pa. Agad na humingi ng
pahintulot sa destinado na magsagawa ng recorded interview, pagkatapos ay i-transcribe
na lang ito pagkatapos. Tiyakin din na makakalagda sa interview transcript ang
interviewer, interviewee at ang destinado ng lokal. (Nota: ang digital recording at ang
mismong interview transcript ay dapat ding ilakip sa soft copy ng aklat-kasaysayan).

Maari rin naman na bigyan na lamang ng interview form (kumuha ng sample nito sa DC)
ang pioneer na kapatid, pasagutan at palagdaan sa kaniya. Subalit, ang ganitong paraan
ay limitado sapagkat walang pagkakataon ang Local Congregation Chronicler na
mag-follow-up question o kaya ay magsagawa ng paglilinaw (clarification) kung
mayroong dapat na klaruhin sa kaniyang isinagot sa interview form.

Nota: Ang mga tanong sa interview form na ipinamahagi sa mga DC ay maaring


baguhin o isaayos batay sa pangangailangan.

PAGBUO NG CHAPTER 9 (APPENDICES):

1. Narrative History (1995). Karaniwan ay naglalaman din ito ng mga naging


destinado at iba pang mga naging maytungkulin, maging ng mga naging dako ng
pagsamba ng lokal mula nang ito ay matatag hanggang 1995. Masusuportahan nito ang
mga nabanggit na impormasyon at maaaring i-cite as reference para sa mga entry sa table
na hanggang 1995.

2. Log Book ng mga Nadestino. May mga lokal na mayroon nito. Ito ay maganda ring
pagbatayan ng impormasyon ng mga nadestino sa lokal.

3. Log Book ng mga Maytungkulin. May mga lokal na mayroon nito. Ito ay maganda
ring pagbatayan ng impormasyon ng mga nagkaroon ngtungkulin sa lokal. Ang ibang
mga lokal ay may kani-kaniya pang log book bawat kagawaran.

6
(Nota: Kung magkakahiwalay na log book, dapat ay magkakahiwalay din ito na i-cite sa
References (Chapter 6.)

4. In-and-Out ng lokal. Kung walang hiwalay na log book ng mga nadestino, maaari
itong magamit para matukoy kailan nag-in sa lokal ang ministro o manggagawa at
kailan naman sila nag-out (o nalipat).

5. Index Card. Maaari itong gamiting reference sa pagtukoy sa kung kailan


nabautismuhan ang kapatid na magagamit naman sa pagtiyak kung siya ay 40 taon na
mahigit sa Iglesia.

6. R2-01 File. Maaari itong sangguniin para matiyak kung sinu-sino sa mga
maytungkulin ang 40 taon na mahigit sa tungkulin. (Nota: Ang isa lamang sa weakness
ng pormularyong ito ay kung hindi na-update ang R2-01 ng kapatid.)

Magagamit din ang R2-01 para malaman kung ang kapatid ay 40 taon na sa Iglesia.

7. Registry Book ng Lokal. Maaari rin itong i-cite na source tungkol sa mga kapatid na
40 taon na mahigit sa Iglesia. Sa log book na ito makikita kailan nabautismuhan ang
kapatid.

PAALAALA:

Ang mga nasa itaas ay ilan lamang sa mga references/sources na mayroon ang lokal. Ang
kailangan lamang ay malikom ng Local Congregation Chronicler ang mga ito at gamitin sa
pagbuo ng aklat-kasaysayan. Kung ang mga ito ay matitipon at magagamit sa pagsulat,
kayang-kaya at magagawa ng mga Chronicler na ang bawat entry ay may multiple
citations.

You might also like