You are on page 1of 33

Ikatlong Markahan

LINGGO - 8
Balita
Mga Uri ng Balita
Balita
• Ito ay isang pangyayari sa kapaligiran na hindi pa nailalathala
saan mang pahayagan o hindi pa naibabalita sa iba pang uri ng
media. Samakatuwid, ang balita ay laging bago.. Ito ay
napapanahon at makatotohang ulat ng mga pangyayaring
naganap na, nagaganap na o magaganap pa lamang. Maaring
ito ay nabasa sa paraang palimbag (Balita sa Pahayagan) o sa
paraang panonood (telebisyon) at pakikinig (radio)
Sa Pagsulat ng Balita

Karaniwang ginagamit ang karaniwang


baligtad na trayanggulo (inverted
pyramid) kung saan makikita ang
pagpapahalaga sa bahaging nais
itampok .
Paraan sa Pagsulat ng Balita

2. Ang katawan ng balita ang siyang


nagbibigay ng mga detalyeng
paliwanag hinggil sa mga datos na
binanggit sa pamatnubay.
Paraan sa Pagsulat ng Balita

3. Ang panghuling bahagi ay tumutugon


sa di-gaanong mahahalagang detalye.
Samakatuwid sinusulat ang katawan sa
paraang pahina nang pahinang kahalagahan.
Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang nangyari sa 2 lalaking natagpuang patay sa boundary ng mga
probinsiya ng Apayao at Cagayan.

Kinilala ng mga awtoridad ang isa sa mga biktima bilang si Jessie James Ola-ao, 21 at residente ng Tabuk City,
Kalinga. Hindi naman muna pinangalanan ang isa pang biktima, na may edad 15 at taga-Tabuk din.

Sa imbestigasyon ng pulisya mula Conner, Apayao, ilang pulis ang nagjo-jogging noong Biyernes nang makita
ang mga biktima sa gilid ng kalsada sa boundary ng Barangay Buluan (Conner) at Barangay Cato ng Tuao,
Cagayan.

Nakatali umano ng tape ang mga kamay at paa saka nakabalot ng cellophane ang mga ulo ng mga biktima.

May nakita rin ang Scene of the Crime Operative na sugat sa ulo at katawan ang mga biktima, na posibleng
dulot ng tama ng bala ng baril.

Sa pakikipag-usap umano ng pulisya sa pamilya ng 15 anyos na biktima, nabatid na Mayo 6 pa huling nakitang
buhay ang biktima.

Nagpaalam umano ito para dumalo sa isang kasal kasama si Ola-ao.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad ang motibo at pagkakakilanlan ng mga pumatay sa mga biktima.

— Ulat ni Harris Julio


Paraan sa Pagsulat ng Balita
1. Karaniwang isinusulat ang mahalagang datos sa
unang talata na kung tawagi’y PAMATNUBAY na
pangungusap, subalit karaniwan itong binubuo ng
dalawa o tatlong pangungusap, kadalasay tumutugon
ito sa mga tanong na ano, sino, kailan, bakit at
paano sang-ayon sa nais itampok o bigyang halaga
sa balita..
1. Pamatnubay na Ano
• Kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari.
• Halimbawa :
• Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at
Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga
bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino

Ang pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa


pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP
ang kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng
oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan

Dito mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa


gawain o tao na kasangkot dito.
Halimbawa:
SaNaga City ginanap ang 2009 National Schools Press
Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa
buong bansa
4. Pamatnubay na Kailan

Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang


ito kung higit na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang
aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng
BIR para sa pagbabayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit

Ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang pinakamahalaga.


Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga
mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng
Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor
Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.
6. Pamatnubay na Paano

Ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang anggulo na


dapat itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang
ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
Mga Katangiang na Dapat Taglayin sa Pagsulat ng isang Balita

1. Simple
2. Napapanahon
3. Naiintindihan at madaling gamiting salita.
4. Iwasan ang pagiging maligoy
5. Gawing maikli ang talata.
Mga gabay na tanong na sa
Pagbuo/Pagsulat ng Balita
1. Ano ang balitang ilalahad?
2. Sino ang kailangan kong kapanayamin o hingan ng tulong?
3. Saan ko ito makukuha?
4. Kailan ko ito gagawin?
5. Ano ang iba pang datos o bagay na aking kakailanganin?
Iba’t ibang Uri ng Balita
Balitang Panlokal

Ito ay tumatalakay sa mga


mahahalagang pangyayaring
nagaganap lamang sa isang tiyak na
bahagi ng bansa (munisipyo, lungsod,
lalawigan)
Balitang Pambansa
Ito ay tumatalakay sa
mahahalagang pangyayaring
nagaganap sa buong bansa
Balitang Pandaigdig
Ito ay tumatalakay sa mahahalagang
pangyayaring nagaganap sa iba’t
ibang bansa ng daigdig
Balitang Pang-edukasyon
Ito ay tumatalakay sa mga
pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
Balitang Pampolitika
Ito ay tumatalakay sa mga
pangyayaring may kinalaman
sa politika.
Balitang Pampalakasan
Ito ay tumatalakay sa mga
pangyayaring may kinalaman sa
mga palaro at kumpetisyon ng
pampalakasan.
Balitang Pantahanan
Ito ay tumatalakay sa
mahahalagang pangyayaring
may kinalaman sa pamamahala
sa tahanan.
Balitang Pangkabuhayan
Ito ay tumatalakay sa
mahahalagang pangyayaring
may kinalaman sa negosyo at
takbo ng kabuhayan sa bansa.
Balitang Panlibangan
Ito ay tumatalakay sa mahahalagang
pangyayari ng may kinalaman sa
larangan ng telebisyon, radio,
pelikula tanghalan at iba pa.
LINGGO 8: PETA
• PETA : GAWAIN (10 puntos)
• Panuto : Sumulat ng isang komprehensibong balita tungkol sa sarili
mong lugar o bayan. Ang nabuo / isinulat na balita ay isasagawa
gaya ng mga paboritong mamamahayag sa telebisyon. Isagawa ito
sa harap ng klase.
Paalala sa Gawain sa Linggo 8
•Paalala: Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng balita, gawing gabay ang
sumusunod para sa paghahanap ng datos.
•Ano ang balitang ilalahad?
•Sino ang kailangan kong kapanayamin o hingan ng tulong?
•Saan ko ito makukuha?
•Kailan ko ito gagawin?
•Ano ang iba pang datos na aking kakailanganin?
• 
Paalala: Bilang paghahanda sa pagsulat mo ng balita, gawing gabay ang sumusunod para sa paghahanap ng datos.

• Sino ang pinag-uukulan ng pansin sa balita?


• Tungkol saan ang balita?
• Kailan nangyari ang balita?
• Saan naganap ang balita
• Paano naganap ang balita?
• Aling bahagi ng balita ang sumasagot sa sino, ano, saan, paano at
kailan?
RUBRIKS SA PAGMAMARKA

PUNTOS
KRAYTIRYA 4/4/2 = 10 3/3/1 = 7 2/2/1 = 5
Istruktura at Lubhang kasiya- Kasiya-siya, Di nasunod ang 4
Paglalahad siya,nasunod nang wasto nasunod nang tama pamantayan at
ang pamatnubay at ang pamatnubay at naging maligoy pa
malinaw ang paglalahad maayos naman ang ang paglalahad sa
gamit ang mga angkop na
paglalahad pagbabalita
salita
 
Sapat at konkreto ang Sapat ang mga Kulang ang mga 4
Nilalaman mga datos sa sa datos sa datos sa pagbabalita
pagbabalita
pagbabalita
Naisasagawa sa Naisagawa sa Hindi naisagawa Sobrang tagal sa 2
tamang Oras o Petsa __
tamang oras o sa tamang oras o pagsasagawa. 10
 
petsa. petsa.

You might also like