You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 10
SY 2023-2024

IKAAPAT NA KWARTER
Woorksheet #1

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___MVT Petsa _______ Puntos _____

Panuto: Basahin ang nilalaman ng talata at gawin ang gawaing inilaan para sa inyo.

Ang Konsepto ng Pagkamamamayan at ang Pagiging Aktibong Mamamayan

Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa sa kalagayan o katayuan


ng isang tao bilang miyembro ng ng isang pamayanan o estado. Tinitingnan natin ang
pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang indibidwal sa isang nasyon o estado.
Ayon sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 ,Seksyon 1 ang mga sumusunod ay
mamamayan ng Pilipinas 1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng ng
Saligang Batas naito; 2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; 3)yaong
isinilang bago sumapit ang Enero 17,1973 na ang mga ina ay Pilipino na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang ;at yaong mga naging mamamayan
ayon sa batas. Seksyon 2 Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas
mula pa sa pagsilang na wala ng kailangang gampanang ano mang hakbang upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamamayang Pilipino; Seksyon 3.Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring
mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas at ang itinatadhana ng Seksyon 4 at
seksyon 5.

Sa lumalawak na pananaw ang mamamayan ngayon ay hindi taga sunod sunod lamang sa
mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga
patakarang ipatutupad nito sa isang estado.Isa sa mga pinakamahalagang aspekto ng
pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng
kanilang lipunan.Ang kanilang pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa kanila ay
mahalaga para sa ikatatamo ng kabutihang panlahat.

Gawain: Magtala ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa bawat pananaw ng


pagkamamamayan. Sagutin ang pamprosesong tanong.
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

Legal na Pananaw Lumalawak na Pananaw


_1.___________________ Aktibong Mamamayan 1______________________
_ ______________________ 2._____________________
2.____________________ 3______________________
3.___________________ 4____
4. 5.
5.__________________

Pamprosesong Tanong

1.Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?

2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay nagpapakita ng pagiging isang
aktibong mamamayan?

3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

Rubrik sa pagpupuntos

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Nagsisimula (3)


Nilalaman Lahat ng binigay na May ilang impormasyon May ilang impormasyon
impormasyon ay sapat at ang hindi nabanggit at detalye ang hindi
tama wasto o tiyak
Kalinawan Lubos na malinaw at Malinaw at nauunawaan Hindi gaanong malinaw
nauunawan ang at nauunawaan ang at nauunawaan ang
pagkakalahad ng mga pagkakalahad ng ideya pagkakalahad ng mga
ideya ideya
Kawastuan Lahat ng mga May ilang impormasyon Marami sa mga
impormasyon ay naayon na di naaayon sa paksa impormasyon na di
sa paksa naaayon sa paksa
Kabuoan 10

INIHANDA NI: NORCELYN G. MASONGSONG MT-I, Araling Panlipunan

ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA KWARTER


SY 2023-2024 Woorksheet # 2
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___________ Petsa _______ Puntos _____


Panuto: Basahin ang kasaysayan ng pagkakatatag ng “Karapatang Pantao na nasa loob ng mga
kahon sa ibaba at sagutan ang gawaing inilaan para sa iyo.
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

Gawain: Human Rights Declared

Matapos basahin ang kasaysayan ng pagkakabuo ng Karapatang pantao puna ang talahanayan
sa ibaba ng mga angkop na datos.

Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao


1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the Rights of Man and of the
Citizen
6. The First Geneva Convention

Sagutin ang mga tanong

1. Bakit mahalaga ang mga binanggit na dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao?

2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng mga dokumento batay sanabuongtsart?

3. Ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa pag-unlad ng karapatang pantao sa iba’t ibang
panahon?

Rubrik sa pagpupuntos

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Nagsisimula (3)


Nilalaman Lahat ng binigay na May ilang impormasyon May ilang impormasyon
impormasyon ay sapat at ang hindi nabanggit at detalye ang hindi
tama wasto o tiyak
Kalinawan Lubos na malinaw at Malinaw at nauunawaan Hindi gaanong malinaw
nauunawan ang at nauunawaan ang at nauunawaan ang
pagkakalahad ng mga pagkakalahad ng ideya pagkakalahad ng mga
ideya ideya
Kawastuan Lahat ng mga May ilang impormasyon Marami sa mga
impormasyon ay naayon na di naaayon sa paksa impormasyon na di
sa paksa naaayon sa paksa
Kabuoan 15

INIHANDA NI: NORCELYN G. MASONGSONG MT-I, Araling Panlipunan


Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA KWARTER


SY 2023-2024 Woorksheet #3

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___________ Petsa _______ Puntos _____

Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay


listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon
at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18
(1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat
mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang
constitutional rights. Unawain ang diyagram sa ibaba.
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

Panuto: Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa mga situwasiyon sa bansa o ibang
bahagi ng daigdig na may paglabag sa karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang pagsagot sa
hinihinging mga datos.

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Nagsisimula (3)


Nilalaman Lahat ng binigay na May ilang impormasyon May ilang impormasyon at
impormasyon ay sapat at ang hindi nabanggit detalye ang hindi wasto o
tama tiyak
Kalinawan Lubos na malinaw at Malinaw at nauunawaan at Hindi gaanong malinaw at
nauunawan ang nauunawaan ang nauunawaan ang
pagkakalahad ng mga ideya pagkakalahad ng ideya pagkakalahad ng mga ideya
Kawastuan Lahat ng mga impormasyon May ilang impormasyon na Marami sa mga
ay naayon sa paksa di naaayon sa paksa impormasyon na di naaayon
sa paksa
Detalye at Wasto ang detalye sa May ilang mali sa detalye at Maraming mali sa detalye
pagpapaliwanag gawain at malinaw ang may kakulangan sa at hindi malinaw ang
pagpapaliwanag paliwanag paliwanag
Kabuoan 20

INIHANDA NI: NORCELYN G. MASONGSONG MT-I, Araling Panlipunan


Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA KWARTER


SY 2023-2024 Woorksheet #4

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___________ Petsa _______ Puntos _____

Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Karapatang Pantao


Pumili ng isang organisasyong nagtataguyod ng karapatang
Republic pantao
of the sa daigdig o sa ating bansa. Magsaliksik sa
Philippines
piniling organisasyon. Pagkatapos ay buuin ang diyagram batay sa hinihingi ng bawat baitang sa hagdan. Isulat
Department of Education
ang sagot sa ilalim ng baitang. Gagamit ng rubric sa pagwawasto
DIVISION OF CALAPAN CITY

INIHANDA NI: NORCELYN G. MASONGSONG MT-I, Araling Panlipunan


ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA KWARTER
SY 2023-2024 Woorksheet #5

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___________ Petsa _______ Puntos _____

Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao. Inilahad sa Saligang-batas ng 1987 ng
Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod
ng pamahalaan para sa mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng
estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga
Pilipino

Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging tungkulin nito na ipagkaloob
ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng
mga positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang
pantaong ito.

Ang mamamayan ay may iba’t ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga
karapatang pantao. Makikita ang mga antas na ito sa sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator’s Manual on
Human Rights Education (2003).

Antas 1 – Pagpapaubaya at Pagkakaila – walang pasubaling


pagpapaubaya sa mga paglabag ng karapatang pantao
Antas 2 – Kawalan ng pagkilos at interes – may limitadong kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao ngunit
may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang mga karapatang ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa
pag-unawa ng mga
kondisyong panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa
Antas 3 – Limitadong Pagkukusa – kakikitaan ng pagtaguyod ng
karapatang pantao, paghanap ng mga solusyong gamit ang
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo


Antas 4 – Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa – may kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga
karapatang pantao sa
pamamagitan ng matatag at sama-samang pagsisikap

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay hindi dapat nagwawakas o
tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. Tungkulin din ng mamamayan na isa-alang-alang at
isakatuparan ang

mga ito upang maging aktibo ang mamamayan at matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa kanilang
lipunan.

Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid, tungkulin nating tugunan ang
mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isang paraan nito.

Sa kasalukuyan, nahaharap ang mamamayang Pilipino sa samu’t saring suliranin at isyung panlipunan. Batay sa
mga paksang iyong tinalakay sa mga nakaraang modyul, ipinakita ang seryosong kalagayan ng mamamayan na
tunay na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mas mabuti at matiwasay na pamumuhay.

Sagutin ang mga tanong sa diyagram kaugnay ng mga isyu at hamong panlipunang tinalakay sa lahat ng
nakaraang modyul at sa mga karapatang pantaong taglay ng bawat mamamayan. INIHANDA NI:

NORCELYN G.
MASONGSONG
MT-I, Araling Panlipunan
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 10 IKAAPAT NA KWARTER


SY 2023-2024 Woorksheet #6

Pangalan__________________ Taon at Pangkat ___________ Petsa _______ Puntos _____

Politikal na Pakikilahok

Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan, nararapat lamang na kalimutan ang
maling pananaw na pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan; na
sila ay ating inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating pangangailangan at wala na tayong gagawin
bilang mamamayan. Ang ganitong pag-iisip ay nagdudulot ng sentimyentong paninisi sa pamahalaan kapag ang
ating mga pangangailangan at suliranin ay hindi natugunan.

Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “Ang Pilipinas ay isang Estadong
republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila
ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.”Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang Estado
ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan. Katulad
ng nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-
katugunan ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga
mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

Ang pakikilahok saeleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang
obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang
Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay a.) mamamayan ng Pilipinas, b.) hindi diskwalipikado ayon sa
isinasaad ng batas, c.) 18 taon gulang pataas, at d.)tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar
kung saan niya gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon

Suriin Natin!

Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa mga ito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa mga
larawang ito.
Republic of the Philippines
Department of Education
DIVISION OF CALAPAN CITY

Pamantayan Napakahusay (5) Mahusay (4) Nagsisimula (3)


Nilalaman Lahat ng binigay na May ilang impormasyon May ilang impormasyon at
impormasyon ay sapat at ang hindi nabanggit detalye ang hindi wasto o
tama tiyak
Kalinawan Lubos na malinaw at Malinaw at nauunawaan at Hindi gaanong malinaw at
nauunawan ang nauunawaan ang nauunawaan ang
pagkakalahad ng mga ideya pagkakalahad ng ideya pagkakalahad ng mga ideya
Kawastuan Lahat ng mga impormasyon May ilang impormasyon na Marami sa mga
ay naayon sa paksa di naaayon sa paksa impormasyon na di naaayon
sa paksa
Detalye at Wasto ang detalye sa May ilang mali sa detalye at Maraming mali sa detalye
pagpapaliwanag gawain at malinaw ang may kakulangan sa at hindi malinaw ang
pagpapaliwanag paliwanag paliwanag
Kabuoan 20

NORCELYN G. MASONGSONG MT-I, Araling Panlipunan

You might also like