You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY

ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG KWARTER, IKALAWANG LINGGO
LINGGUHANG PAGKATUTONG GAWAIN 2

PINAGMULANG PAGKAKABUO NG
PILIPINAS BATAY SA TEORYA,
MITOLOHIYA, AT RELIHIYON

Pangalan: _________________________________________ Seksyon: ______________


Paaralan: _________________________________________ Petsa: _________________

I. Kasanayang Pagkatuto:

• Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya (Plate


Tectonic Theory AP5PLP- Id-4
• Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa mito
• Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa relihiyon

II. Pangunahing Konsepto:

Mayroon uri ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng


pagkakabuo ng Pilipinas. Ito ay ang teorya, mitolohiya, at relihiyon. Ang teorya
ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o pangyayari na itinuturing
bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o
prediksyon. Ipinaliwanag ni Alfred Wegener ang kanyang teoryang
Continental Drift, na gumalaw ang pangaea o malaking masa ng kalupaan ng
daigdig 240 milyong taon na ang nakalipas. Kaugnay nito ay nakabuo ng
paniniwala sa pakahati-hati ng malalaki at makakapal na tipak ng lupa kung
tawagin ay tectonic plate. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng init sa
ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere (mantle) ay napagalaw
nito ang mga tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t-isa.
III. Pinatnubayang Pagsasanay

Panuto:Punan ng tamang salita ang patlang sa bawat pangungusap.


Piliin ang sagot sa kahon.

Tectnotic Plate Alfred Wegener teorya


mitolohiya relihiyon

Mayroon uri ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng


Pilipinas. Ito ay ang _______________1,_______________2, at ________________3.
Ang ___________4 ay itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin
bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon.Si _____________________5.
Ang namumuno sa teoryang Continental Drift. Kaugnay nito ay nakabuo ng
paniniwala sa pakahati-hati ng malalaki at makakapal na tipak ng lupa
kung tawagin ay __________.

IV. Malayang Pagsasanay:


Panuto: Ayon sa inyong nabasa ang mga pangugusap ay nagsasaad ng tama at
mali. Isulat sa patlang ang T kung ito ay nagpapahiwatig ng tama at M naman
kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig ng mali

_________1. Ayon sa Continental Drift Theory ni Alfred Wegener ang daigdig ay


binubuo ng super kontinente, ang PANGAEA na sa pagdaan ng panahon ay
nagkawatak-watak dahil sa pwersang pangkalikasan. Tulad ng lindol, pag
putok ng bulkan, agos ng tubig sa ilalim ng dagat at iba pa.

_________2. Ayon sa mga siyentista may isa lamang teorya tungkol sa


pagkabuo ng kapuloan ng Pilipinas.

_________3. Dahil ang kapuloan ng Pilipinas ay bahagi rin ng mga lupain


Sa daigdig, pinaniniwalaan na ang kapuloan ng Pilipinas ay dumaan din sa
matagal na proceso ng pagbabagong pisikal bago ito humantong sa
kasalukuyan nitong anyo.

_________ 4. Ayon sa siyentistang German na si Alfred Wegener, ang daigdig ay


binubuo ng isang malaking kalupaan may 240 milyong taon na ang nakalipas.

_________ 5. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng init sa ilalim ng mga


tectonic plate sa asthenosphere (mantle) ay napagalaw nito ang mga
tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t-isa.
V. Paglalapat

Panuto:
Basahin ng mabuti ang Alamat at gumawa ng maiklling buod na
nagpapahiwatig kung bakit nagkaroon ng kapuloan ang bansang Pilipinas.
Gumamit ng tamang pangungusap sa pagsusulat ng
buod.
Alamat Ng Luzon Visayas At Mindanao
MATAGAL bago nagkaanak si Sultana Luvimi. Nang magsilang naman
ay triplet ang naging mga anak ni Sultan Karif. Mahal na mahal ng sultan ang
asawa kaya ang pangalan ng triplet ay hinango sa mga pantig ng pangalan ng
babae.
"Tatawagin natin silang Lu, Vi at Mi," ang sabi ng sultan.
"Lu, Vi at Minda," ang wika ng sultana, "Ibig ko ng pangalang Minda." "Kung
iyon ang nais mo ay masusunod," sang-ayon ng sultan. Wala pang anim ng
buwan ang mga anak nang yumao si Sultana Luvimi. Lungkot na lungkot ang
sultan. Dahil wala na ang asawa, buong panahon at yaman ay ibinuhos ng
sultan sa mga anak.
Lumipas ang panahon. Nagkaroon ng gulo sa nasasakupan ni Sultan
Karif. Isang datu ang nais sakuping ang kaharian kaya inihanda ni Sultan
Karif ang mga mandirigma sa posibleng pag-atake ng mga kaaway.
"Sasama kami sa laban, mahal na ama," sabi ni Lu kay Sultan Karif.
"Marunong kaming humawak ng armas kaya tutulong kami," ani Vi. "Hindi
kami papayag na manood lang dahil mayroon kaming magagawa," sabad ni
Minda, na pinakamatapang sa tatlo.
Gaya nang inaasahan ay lumusob ang mga mandirigma ng datu. Nang
mapawi ang usok ng labanan ay natanghal sa mga mata ng Sultan ang patay
na mga anak na hawak pa ang kanilang mga sandata.
Ipinalagay ng sultan sa malaking bangka ang bangkay ng tatlo at
ipinaanod sa dagat upang doon malibing.
Ilang buwan makaraan ay napansin ang pag sibol ng tatlong mala
laking pulo sa dagat na pinagpaanuran ng bangkay ng tatlong dalaga. Tinawag
ni Sultan Karif na mga pulo ng Lu, Vi at Minda ang mga iyon pero nang
lumaon ay naging Luzon, Visayas at Mindanao.

Alamat Ng Luzon Visayas At Mindanao

____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

(5)
(4) (3) (2)

Kumpleto at Kumpleto May ilang Maraming


kulang sa kulang at
Nilalaman komprehensibo ang
nilalaman at mali sa
nilalaman at
may ilang nilalaman at
ang nilalaman mali sa
impormasyon
at wasto ang impormasyon
lahat
wasto ang
lahat ng
impormasyon
ng
impormasyon

Malikhaing Maayos na Hindi Hindi


nailahad at gaanong maayos na
Presentasyon Nilalahad ang
naunawaan maayos na nailahad at
nilalaman at
nailahad ang hindi
maayos ang ang
impormasyon
daloy nilalaman naunawaan
ang
nilalaman
Organisa at Organisado Organisado Hindi
malinaw ang at malinaw na ideya pero organisado
Organisasyon
nilalaman ng ang may
ang ideya at
ideya nilalaman ng
bahaging di marami ang
ideya
gaanong bahagi na
malinaw hindi
malinaw ang
paglalahad
VI. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawa-ing mabuti ang buong talata sa ibaba. Lagyan ng
tamang bilang ang bawat patlang sa gilid ng mga larawan upang makabuo ng
pagkakasunud-sunod ang paglikha ng Diyos sa ating Mundo.

_____ ____ _____

_____ _____

____ _____
VII. Susi sa Pagwawasto

Techtonic Plate 5. Tama 4.


Alfred Wegener 4. Tama 3.
Relihiyon 3. Tama 2.
Mitolohiya 2. Mali 1.
Teorya 1.
Tama
Pagsasanay varied answers
Pinatnubayang Pagsasanay
Paglalapat
Malayang

Pagtataya

VIII. Sanggunian
Sanggunian:
Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa TX 5, pahina 38-42
https://christianpreschoolprintables.com/creation
https://www.youtube.com/watch?v=fK4VCQjg8_c
https://www.youtube.com/watch?v=zKHqRIOqWzk

Author: MANUEL J. LUCAS JR.


School/Station: DATU MAN OLOY TRIBAL ELEM. SCHOOL
Division: BUTUAN CITY
Email: manuel.lucas@deped.gov.ph
District Quality Assurance Team

RHODELAINE C. FAUSTINO
Principal 1
Pigdaulan Elementary School

DELIA D. BALABA
Principal 1
Lemon Elementary School

JOVY B. MAGALONA
Head Teacher 1
Maibu Elementary School

Division Quality Assurance Team

PHILIP KEVIN D. ARBOLEDA MARISSA S. DAQUE


Teacher III Teacher III
Villa Kananga Integrated School-SW Sumilihon CES- EBDII

MARIA LYNN M. FAJARDO JEANETH M. OBEJAS


Master Teacher 1 Master Teacher 1
Ong Yiu CES-CBDII Bliss Elementary School-WI

LEAH L. LEGASPI SECEL D. TAPON


Teacher III Teacher 1
Butuan Central ES-CBDI Matin-ao ES

LINDYBETH P. TIEMPO CARLOS C. CATALAN JR., PhDM


Teacher I Division Aral Pan Coordinator
Maibu Elem. School Butuan City Division

You might also like