You are on page 1of 13

Pagtukoy sa Paniniwala ng

May-Akda at Pagbibigay ng
Maaaring Solusyon sa Isang
Naobserbahang Suliranin
Modyul sa Filipino 5
Ikaapat na Markahan-Modyul 3

MONETTE M. BARGADO
Tagapaglinang

Department of Education • Cordillera Administrative Region


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF
KALINGA
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Published by the
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2021

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are
permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.
BALIKAN
Isa sa mga karapatan ng bata ay ang makapag-aral upang matuto at umunlad
ang sarili. Ito ay karapatang walang sinumang dapat humadlang.
May mga libreng pampublikong paaralan kaya kahit mahirap ang isang
pamilya ay maipadadala nila ang mga anak dito upang matuto. Subalit, may mga
pagkakataong mapuputol ang pag-aaral ng isang mag-aaral dahil sa matinding
kahirapan sa buhay. Pinahihinto ng ilang magulang ang mga anak sa pag-aaral
upang maging katulong at katuwang sa paghahanapbuhay.
Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon noong Mayo 20, 2011, mula sa datos ng
Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR). May 3.3 milyong
mag-aaral na may edad na labindalawa (12) pababa ang huminto na sa pag-aaral.
Napilitan daw ang mga itong tumigil para maghanap ng kahit anong trabaho upang
makatulong sa kanilang pamilya. (Marasigan, Baisa-Julian and Lontoc 2019)
http://www.philstar.com/bansa/687561/73-m-bata-hindi-nagaaral

A. Lagyan ng ang kahon sa iyong sagutang papel kung ang pahayag ay


kaisipang mula sa akda at naman kung hindi.

☐ 1. Karapatan mo bilang bata ang makapag-aral.

☐ 2. Ang lahat ng batang katulad mo rito sa Pilipinas ay


nakapag-aaral sa kasalukuyan.

☐ 3. Ang lahat ng mga magulang ay hindi hinahayaang tumigil ang kanilang


anak sa pag-aaral.

☐ 4. Nararapat lang na walang humadlang sa pag-aaral ng isang kagaya


mong bata.

☐ 5. Nakalulungkot man pero may mga batang katulad mo ang hindi


nakapag-aaral dahil kailangan nilang magtrabaho.
B. May nakilala ka na bang hindi itinuloy ang pag-aaral? Kung kausap mo
siya ngayon, ano-ano ang mga sasabihin mo? Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Ang rubric sa ibaba ang batayan ng pagpupuntos.

Laang Iyong
Pamantayan Puntos Puntos
Nailalahad nang maliwanag ang lahat ng mga
Nilalaman impormasyong kinakailangan 3
Naisusulat ang sagot nang may maayos na daloy ng
Organisasyon kaisipan 2
Kabuuang Puntos 5

SURIIN
PAGYAMANIN

Ang mga kabataan ang itinuturing na pag-asa ng bayan. Kaya


sila’y nararapat gabayan ng mga magulang. Sikaping gawin
nang buong husay ang mga gawain.

GAWAIN 1
NAKABABAHALANG BILANG NG KABATAANG SANGKOT SA DI
MAGAGANDANG GAWAIN

Tinatayang aabot sa 10, 556 na mga kabataan ang nasangkot umano sa


paglabag sa batas o ‘yong tinatawag na child conflict with the law nitong nakalipas
na 2015 ayon sa Department of Social Welfare and Development
Ito ang ibinulgar nitong Miyerkules ni Norma Mojica ng Council for the Welfare
of Children ng DSWD sa isang panayam sa mga miyembro ng media. Sinabi pa ni
Mojica na sa naturang bilang ay malaki ang porsiyento ng mga kabataan na
nagkakaisa ng pang-uumit o theft at sa katunayan ay umabot na ito sa bilang na 4,
14. Habang aabot lamang sa 138 ang kabataan ang iniulat na nasangkot sa
illegal drugs.
“Medyo mababa ang kaso ng mga kabataan na nasangkot sa illegal drugs”
ani pa ni Mojica.
Ipinaliwanag ni Mojica na ang naturang bilang na kanyang binanggit ay
nagmula sa report ng Philippine National Police (PNP).
“Nababahala kami sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang nasasangkot sa
paglabag sa batas lalo na ang mga kaso ng theft,” ani pa ni Mojica.
Sa kabilang dako, sinabi ni Mojica na tinatayang nasa 35.2 porsiyento naman
ng mga kabataang Pilipino ang itinuturing na mahirap. Ito ay ayon sa datos ng
Philippine Statistics Authority (PSA). Ipinaliwanag niya na ang bilang na ito ay mula
sa tinatayang 4.21 milyon na pinakamahirap na pamilya sa ating bansa.
Idinagdag pa ni Mojica na aabot naman sa 54 na porsiyento ng mga kabataan
mula sa 89, 159 pamilya ang apektado ng mga karahasan o displacement bunga ng
labanan.
Nabanggit din ni Mojica na nakababahala na rin ang tumataas na bilang ng
mga teenager na nabubuntis. Ito ay mga bata mula 13 hanggang 17 taong gulang.
Sinabi pa niya na nitong nakalipas na 2010 lamang ay umabot sa 207, 814 bata ang
nabuntis.
“Kaya nga tinawag tayong gold medalist sa ASEAN Region dahil sa mataas
na kaso ng teenage pregnanacy,” ani pa ni Mojica.
(Marasigan, Baisa-Julian and Lontoc 2019)

Lagyan ng ang kahon sa iyong sagutang papel kung ang pahayag ay


kaisipang mula sa akda at naman kung hindi.

☐ 1. May mga kabataang nawawala sa tamang landas.

☐ 2. Pagnanakaw ang pinakamadalas kasangkutan ng mga kabataan.

☐ 3. Ang mga kabataang nasasangkot ay mula sa mahihirap na pamilya.

☐ 4. Ang mga awtoridad ay nababahala sa pagtaas ng bilang nga mga


kabataang nasasangkot sa paglabag sa batas.

☐ 5. Ang pahayag na tayo ay gold medalist sa ASEAN


Region ay nangangahulugan ng tagumpay ng kabataan.
Gawain 2
Kumpletuhin ang talahanayan. Tukuyin ang mga suliraning nabanggit sa
teksto na karaniwang nakikita rin sa ating lugar at magbigay ng
posibleng solusyon. Ang pagbigay ng puntos ay batay sa rubric sa
ibaba.
Suliranin Solusyon
1.

2.

3.

4.

5.

Laang Iyong
Pamantayan Puntos Puntos
Nailalahad nang maliwanag ang lahat ng mga
Nilalaman impormasyong kinakailangan 3
Naisusulat ang sagot nang may maayos na daloy ng
Organisasyon kaisipan 2
Kabuuang Puntos 5

ISAISIP

✔ Upang matutukoy ko ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu


dapat kong .

✔ ang mga dapat kong tandaan sa pagbibigay ng solusyon sa isang suliraning


aking naobserbahan ay
ISAGAWA (Performance
ISAGAWA Task)
Laang Iyong
Pamantayan Puntos Puntos
Nailalahad nang maliwanag ang lahat ng mga datos o
Nilalaman 5
impormasyong kinakailangan
Naisusulat ang sagot nang may maayos na daloy ng
Organisasyon 5
kaisipan
Kabuuang Puntos 10
5-Napakahusay 3-Katamtaman 1-Sadyang Di
Mahusay 4-Mahusay 2-Di gaaanong Mahusay

TAYAHIN (Written Work)

Ano nga ba ang kahulugan ng “kalusugan”? Para sa marami, kapag sinabing


kalusugan o health ito ay nangangahulugan ng kawalan ng sakit o anumang
karamdaman. Kaya naman, ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong
walang sakit. Ngunit, hindi ito ang buong kahulugan ng kalusugan. Ayon sa WHO o
World Health Organization, ang kalusugan ay isang kalagayan ng pagiging masiglsa
ng isip, katawan at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit,
kapansanan o iba pang karamdaman.
Bukod dito, ang kalusugan ay isang karapatang dapat tamasahin ng bawat
tao sa buong mundo. Dapat tayong makipagtulungan upang makamit ang isang
estadong magbibigay-katuparan sa nabanggit na kahulugan ng kalusugan. Ang
kalusugan ay isa ring responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa.
Pangalagaan ang iyong kalusugan para sa kapakanan mo at ng iyong pamilya.
Huwag ding ikompromiso ang kalusugan ng kapwa sa pamamagitan ng mga bagay
na hindi nakabubti sa katawan gaya ng paninigarilyo at drugs o pagkain nang labis
at pag-inom ng inuming may negatibong epekto sa katawan kapag labis ang
pagkonsumo sa mga ito.
(Marasigan, Baisa-Julian and Lontoc 2019)

A. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay kaisipang mula sa teksto at Mali
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Para sa nakararami, ang kalusugan ay kawalan ng sakit o anumang
karamdaman.

2. Ayon sa World Health Organization, ang kalusugan ay pagiging


masiglsa ng isip, katawan at pakikitungo sa iba.
3. Lahat ng tao ay may karapatang maging malusog.

4. Ang kalusugan mo ay responsilidad lamang ng iyong mga magulang.

5. Ang pag-iwas sa bisyo ay hakbang sa pagpapanatiling malusog ang


pangangatawan.

B. Kumpletuhin ang concept web upang mapanatiling malusog ang isip at


katawan.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Bargado, Monette M. 2016. Gawan. Pinukpuk.


Bargado, Monette M. 2020. Kayu. Pinukpuk, May 20.
Bargado, Monette M. 2020. Nagday. Pinukpuk, December 22.
LRMDS Portal. 2013. LRMDS Portal.
Marasigan, Emely V., Ailene G. Baisa-Julian, and Nestor S. Lontoc. Pinagyamang
Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2019.

You might also like