You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL (LAS) SA ESP 6 (Q4W5)

Pangalan: ________________ Baitang: ___Asignatura: _______Seksyon: ________


I. Pangkalahatang Panuto

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng Learning


Activity Sheet sa Edukasyon sa Pagpapakato 6:

1. Gamitin ang Learning Activity Sheet ng may pag-iingat. Huwag


hayaang mabasa at gawing patungan ng kahit na anumang bagay.
2. Unawaing mabuti ang mga konseptong nakapaloob sa Learning
Activity Sheet.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago sagutan.
4. Panatilihin ang pagiging matapat sa pagsagot at pagwasto sa bawat
gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.
5. Maaaring magtanong sa guro, magulang, at nakakatandang kapatid
kung nahihirapan sa pagsagot.
6. Sikaping matapos ang Learning Activity Sheet bago ibalik sa guro.

II. Pamagat ng Aralin at kaugnay na MELC

Pag-asa na Gumaling sa Karamdaman

MELC: : Napapatibay ang lakas ng loob na may pag asa sa kabila ng

pagsubok

III. Mga Tiyak na Layunin (at least 2-3)

Napapatibay ang lakas ng loob na may pag asa sa kabila ng

pagsubok

IV.Pangunahing Konsepto
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal

Pag-asa sa Panahon ng Pagsubok


Isang malaking dagok sa pamilya kung ang isa sa mga kasapi nito ay
magkakasakit. Dito lumalabas ang ugaling Pilipino, ang pagkakaisa at
pagtutulungan upang makahanap ng lunas, ang pagiging matibay na
pananalig sa Diyos at puno ng pag-asa sa kabila ng pagsubok.

Halimbawa:

Gumaling sa Karamdaman

Si Aling Celeste ay nagkaroon ng bukol sa suso o “breast cancer”.


Nakaranas ng paghihirap ang pamilya dahil sa matagal na.pagpapagamot.
Ang mga anak ay napahinto pa sa kanilang pag-aaral. Sa murang edad sila
ay nagtatarabaho upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Munitk nang sumuko ang asawang si Mang Berto, ngunit malakas ang
paniniwala ng mga anak na gagaling pa ang kanilang ina sa karamdaman.

May nagmamagandang loob na nagpayo na subukang


magpagamot sa malaking pampublikong ospital sa Rehiyon, kung saan
maraming batikang doctor ang makakatulong at kaunti lang ang maaaring
gastusin dahil marami ang mga nagkakawang gawa na handang tumulong
mula sa mga pribadong grupo at indibidwal.

Nabuhayan ng pag-asa ang buong pamilya, dahil sa tulong ng isang


kaibigan, naisaayos ang lahat ng pangangailangan. Matagumpay na
naisagawa ang operasyon ni Aling Celeste at unti-unting bumalik ang
kanyang sigla hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Pagkalipas ng anim na
buwan na gamutan ay masayang nakauwi ang ina sa sarili nilang tahanan.

IV.Pamprosesong Tanong

Sino o ano ang naging sandigan mo para lumakas ang iyong loob?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal

______________________________________________________________

V.MGA GAWAIN

Gawain A. Suriin natin ang mga pangungusap. Isulat ang NP kung ito ay
nagpapahiwatig ng pag-asa at WP kung nawalan ng pag-asa.

_____________1. Labis ang paghihirap ng kalooban at pakiramdam ni Aling


Celeste dahil sa kanyang sakit.
_____________2. Sama-samang nagtutulungan ang mag-anak upang
matustusan ang pagpapagamot ng ina.
_____________3. Matibay ang paniniwala ng mga anak na malalagpasan nila
ang pagsubok.
_____________4. May mga mabubuting tao pa rin na handang tumulong sa
mga nangangailangan.
_____________5. Muntik nang sumuko si Mang Berto na gumaling pa ang
asawa.

Gawain B. Gumawa ng sanaysay:

Sumulat ng talata tungkol sa kaunting karanasan na kabila ng


pagsubok ay nagkaroon kayo ng pag-asa.

(5 puntos)

___________________________________________________________________________
_______________________________

Kraytirya Puntos
Pagbubuo (Organisasyon ng Ideya) 2
Nilalaman 2
Kalinisan 1
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII SOCCSKSARGEN
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal

Kabuuan 5
Rubriks sa paggawa ng puntos

You might also like