You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Tanggapang Pansangay ng mga Paaralan ng Pangasinan I
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MANGATAREM
Pogonlomboy, Mangatarem, Pangasinan

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


UNANG PAGMAMASID PANSILID-ARALAN (CO1)

Guro: REIVEN S. TOLENTINO Pangkat: 10-TULIP


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN Petsa ng Pagtuturo: ABRIL 18, 2023
Baitang: 10 Oras ng Pagtuturo: 2:00-3:00 ng hapon

I. Mga Inaasahang Bunga


A. Pamantayang Nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-
Pangnilalaman pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa May pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
Pagganap pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
C. Mga Kasanayan sa Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantaypantay ng tao bilang kasapi ng
Pagkatuto pamayanan.
D. Mga Layunin 1. Natutukoy ang saklaw ng pagsusulong ng reproductive health.
2. Nasusuri ang mga bentaha at disbentaha ng Reproductive Health Law.
3. Nakapaghahayag ng saloobin o opinyon kaugnay ng usapin sa reproductive health sa pamamagitan ng masining na pamamaraan.
II. Paksang Aralin Reproductive Health Law
III. Kagamitang Panturo
A. Sangguninan
1. Mga pahina sa De Guzman, Jens Micah (2021). Araling Panlipunan Ikatlong markahan – Modyul 4: Mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian
kagamitang na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay. Pasig City: Department of Education, pahina 8-11.
pang-mag-aaral
2. Mga pahina sa
teksbuk
B. Iba pang  Laptop, MELCS -Based Module, Offline Application (PowerPoint Presentation), LED TV, Hand-outs
kagamitang panturo
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain  Panalangin
 Pagtatala ng mga lumiban sa klase
 Pagpapaalala sa mga mag-aaral ng mga mahahalagang alituntunin sa klase
B. Balik aral sa Hu-LAW-an Mo!
nakaraang aralin Panuto: Huhulaan ng mga mag-aaral kung anong batas o kasunduan ang nilalarawan ng bawat pahayag na ipapabasa ng guro.
at/o pagsisimula ng
bagong aralin 1. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
Sagot: Anti-Violence Against Women and their Children Act
2. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Sagot: Magna Carta for Women
3. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa
trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo.
Sagot: Paternity Leave
C. Pagganyak: “4 Pics, 1 Word”
Paghahabi sa Panuto: Huhulaan ng bawat mag-aaral ang mga salitang ipinahihiwatig ng mga larawang ipapakita ng guro. Matapos nito ay susubukang tukuyin ng mga
layunin ng aralin mag-aaral ang paksang aralin batay sa mga nabuong salita.

D. Pag-uugnay ng mga Pagpapanood ng isang video clip na tumatalakay sa konsepto ng reproductive health, at kabuuang saklaw ng Responsible Parenthood and Reproductive
halimbawa sa Health Act of 2012 o Republic Act 10354. Matapos panoorin ang video, itatanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:
bagong aralin bilang
paglilinaw sa mga 1. Tungkol sa anong paksa ang video clip na inyong natunghayan?
bagong konsepto 2. Ano-ano ang saklaw ng reproductive health?
E. Pagtalakay ng Crack the Code
bagong konsepto at Panuto: Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Bawat isa ay bibigyan ng hand-out na naglalaman ng isang “mahiwagang mensahe” na malalaman lamang
paglalahad ng sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga katumbas na titik para sa bawat numero sa code. Narito ang talahanayan ng mga titik at katumbas nitong mga titik.
bagong kasanayan
#1 A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

Mga Mahiwagang Mensahe:


Pangkat 1: MAIIWASAN ANG 8-9-14-4-9 16-12-1-14-1-4-15-14-7 16-1-7-4-1-4-1-12-1-14-20-1-15
Sagot: HINDI PLANADONG PAGDADALANTAO
Pangkat 2: MAGSISILBING GABAY SA KABATAAN ANG 19-5-24 5-4-21-3-1-20-9-15-14
Sagot: SEX EDUCATION
Pangkat 3: MAIIWASAN ANG PAGLAGANAP NG MGA 19-5-24-21-1-12-12-25 20-18-1-14-19-13-9-20-20-4 4-9-19-5-1-19-5
Sagot: SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE
Pangkat 4: MAAARING MAGBUNGA NG PAGDAMI NG KASO NG 16-18-5-13-1-20-21-20-1-12 19-5-24
Sagot: PREMARITAL SEX
Pangkat 5: MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN 1-14-7 13-7-1 3-15-14-20-18-1-3-5-16-20-9-22-5-19
Sagot: ANG MGA CONTRACEPTIVE
Pangkat 6: LABAG SA ARAL NG 19-9-13-2-1-8-1-14-7 11-1-20-15-12-9-11-15
Sagot: SIMBAHANG KATOLIKO

Matapos nito ay isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang ideya o reaksyon kaugnay sa nabuong mensahe batay sa mga sumusunod na pamprosesong
tanong. Ibibigay lamang ng guro ang mga pamprosesong tanong matapos nilang matukoy ang “mahiwagang mensahe”.

Pangkat 1: Bakit mahalagang maplano ang pagdadalantao ng isang babae?


Pangkat 2: Paano makatutulong ang sex education sa bawat mamamayan lalo na sa kabataan?
Pangkat 3: Ano-ano ang mga panganib na maaaring maidulot ng sexually transmitted disease? Paano ito maiiwasan?
Pangkat 4: Paano nasabi ng ilang indibidwal na maaaring dumami ang kaso ng premarital sex o pakikipagtalik kahit hindi pa kasal? Ano ang maaaring
maging bunga ng premarital sex?
Pangkat 5: Bakit may mga ilang indibidwal na hindi pa gaanong bukas sa paggamit ng contraceptive? Ano-ano ang mga tinutukoy nilang maaaring maging
panganib sa kanilang kalusugan?
Pangkat 6: Ano-ano ang mga turo ng simbahan ang mga maaaring malabag na nag-uudyok sa ilang indibidwal na tutulan ang RH Law?

F. Pagtalakay ng “ThinkTalk”
bagong konsepto at Panuto: Magtatalaga ng tig-isang tagapag-ulat ang bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang kanilang mga nabuong ideya kaugnay ng mensaheng
paglalahad ng ng kanilang nabuo mula sa nakaraang gawain. Bibigyan lamang ng tig-dalawang (2) minuto ang bawat grupo upang ibahagi ang kanilang ulat.
bagong kasanayan
#2 Pamantayan 5 4 3
Nilalaman Napakalinaw at maayos Malinaw at maayos ang Di-gaanong malinaw at
ang nilalaman ng ulat nilalaman ng ulat maayos ang nilalaman
ng ulat
Organisasyon Talagang wasto ang Wasto ang pag- Di-gaanong wasto ang
pag-organisa ng mga organisa ng mga ideya pag-organisa ng mga
ideya ideya
Kabuuan 10 puntos

G. Paglinang sa Ano’ng Latest?


Kabihasaan Panuto: Ipasusuri sa mga mag-aaral ang graph na makikita sa ibaba, at sasagutin ng mga mag-aaral ang mga pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang paksang tinatalakay ng mga datos na makikita sa graph?
2. Ano ang maaaaring maging epekto nito kung hindi maaagapan ang
suliraning ito?

H. Paglalapat ng aralin Aprub o Di Aprub


sa pang-araw-araw Panuto: Magbibigay ng saloobin ang mga mag-aaral kaugnay ng usapin sa reproductive health. Sumenyas ng “thumbs up” kung pabor, at “thumbs down”
na buhay kung hindi pabor sa Reproductive Health Law. Matapos nito, tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kaugnay ng kanilang napiling panig.
I. Paglalahat ng aralin Itatanong sa mga mag-aaral:
 Ano-ano ang mga bentaha at disbentaha ng Reproductive Health Law?
J. Pagtataya ng aralin Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng pahayag, at MALI naman kung mali ang nakasaad sa pahayag. Gawin ito sa isang malinis na papel.
1. Magkakaroon ng kabatiran at tamang edukasyon ang mga mamamayan ukol sa pag-aanak (reproduction) dahil sa RH Law.
2. Isinasaalang-alang ng RH Law ang kompletong pisikal, mental, at panlipunang kagalingan ng mga in ana may kinalaman sa reproductive system.
3. Noong Disyembre, 2012, nagging batas ang RH Bill nang ito ay lagdaan ng noon ay Presidente Rodrigo Duterte.
4. Hindi saklaw ng Reproductive Health Law ang pagsusulong ng sex education para sa mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
5. Tinututulan ng Simbahang Katoliko ang ilang mga probisyon ng Reproductive Health Law partikular ang paggamit ng contraceptive.

K. Karagdagang Sining Pananaw


Gawain para sa Panuto: Ipahayag ang iyong saloobin kung ikaw ay pabor o hindi pabor sa pagsusulong ng Reproductive Health Law sa pamamagitan ng alinman sa mga
Takdang-Aralin gawaing ito. Pumili lamang ng isa:
 Pag-awit at Pagsayaw
 Pagguhit ng Poster
 Paggawa ng Islogan
 Pagsulat ng Tula o Sanaysay
Pamantayan Mahusay Mahusay-husay Magsanay nang Kaunti Magsanay nang Mabuti
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Pagkamalikhain Napakamalikhain ng Maraming aspekto ng May kaunting aspekto ng Walang naipakitang aspekto
ginawang output pagkamalikhain ang pagkamalikhain ang ng pagkamalikhain ang
makikita sa output. makikita sa output. makikita sa output.
Mensahe o Diwang Hitik at makabuluhan ang Maraming diwang May bahagyang kaugnayan Walang kaugnayan sa aralin
Naipahayag o Naipakita mga mensahe o diwang naipahayag kaugnay ng sa aralin. ang diwa.
naipahayag at sadyang may aralin.
kaugnayan sa aralin.
KABUUANG PUNTOS 10 untos

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
1. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
2. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
3. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin
4. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
5. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
6. Anong suliranin ang aking nararanasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
7. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro

Inihanda ni: Iwinasto ni: Sinuri ni: Pinagtibay ni:

REIVEN S. TOLENTINO HELCONIDA F. DAMASCO MARITES D. TANAWIT, EdD EVELYN G. VELASQUEZ


Guro I Dalub-guro II Ulong-guro VI, Departamento ng Araling Panlipunan Principal IV

You might also like