You are on page 1of 25

UNANG KABANATA

Ang Suliranin at Ang Kaligiran Nito

1.1 Panimula
Ang pangalan ng Brgy. Coloong ay binase sa topograpiya nito. Ito ay galing sa
salitang nakakulong dahil napapalibutan ito ng mga daanan at ilog. Sa loob ng
dalawampung taon, marami nang mamamayan ang kumamkam ng lupa kung kayat
ang mga kapatagan ay unti-unting nagbagot dumami ang mga kabahayan. Naging
hadlang din sa kanilang lugar ang laging pagbaha kung kayat hindi na pagsasaka ang
kanilang pangunahing ikinabubuhay at ang pangingisda na ang natatanging
hanapbuhay at pinagkukunang yaman ng mga mamamayan.

Ang pagsasaka ay isang gawaing nakatuon sa pagtatanim ng ibat ibang uri ng


halaman at pananim. Ang mga magsasaka ay may mga salik nang produksyon na
kinakailangan upang maisagawa nila ng maayos ang kanilang paghahanapbuhay. Isa
sa mahalagang salik ng produksyon ay ang lupa dahil dito nagmumula ang lahat ng
mga hilaw na materyales na kailangan sa pagbuo ng mga kalakal. Isa rin sa
mahalagang salik ng produksyon ay ang paggawa ng mga kalakal at serbisyo.
Mawawalan ng halaga ang mga hilaw na materyales kung walang lilikha ng mga ito na
gagamitin bilang mga puhunang kalakal o produkto. Kasama din sa salik ng produksyon
sa pagsasaka ang mga pataba na ginagamit upang mas maging maayos ang
pagpapatubo ng mga binhi. Kabilang din ang kapital ng mga magsasaka o puhunan
para sa kanilang hilaw na materyales at gastos sa produksyon.
1

Ang pangingisda ang karaniwang ikinabubuhay ng mga taong naninirahan ng


mga taong malapit sa mga katubigan. Ang pangingisda ay ginagamitan ng tradisyunal
na paraan, katulad ng paggamit na lambat, sibat at salakab. Sa kasalukuyang panahon,
ang barangay Coloong ay napapalibutan ng malawak na katubigan, dahilan ito kung
bakit ang mga mamamayan dito ay pangingisda na ang karaniwang ikinabubuhay.

1.2 Paglalahad ng mga Suliranin


Ang mga sumusunod na katanungan ay ukol sa pamumuhay sa Brgy. Coloong.
1. Ano ang kinalaman ng topograpiya sa ikinabubuhay ng mga mamamayan sa
Brgy. Coloong?
2. Bakit pagsasaka at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay?
3. Anu-ano ang mga inaani ng mga magsasaka at mangingisda?

1.3 Konseptuwal na Balangkas

Aalamin ang lokasyon ng Coloong.


Respondents Profile
- Edad
- Katayuan sa buhay
- Kasarian
- Taon ng paninirahan sa Brgy. Coloong
Interview tungkol sa mga mangingisda at magsasaka:
- Paraan ng pagsasaka at pangingisda
- Karaniwang ani
- Epekto ng topograpiya sa kanilang pamumuhay

Input

Pagkalap ng impormasyon mula sa mga nailimbag na libro at internet.


Maghahanap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng interview sa mga
residenteng namuhay mula noong dekada nobenta (1990s).
Magsaliksik ng impormasyon sa barangay hall at Municipal City &
Development Office Valenzuela.
Pagbuo ng serbey at pagpili ng mga respondent.
Pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam sa
mga respondent.
Pag- aanalisa ng mga nakalap ng impormasyon mula sa serbey at
pakikipanayam.
Pagbibigay ng lagom, konklusyon, at tagubilin.

Prose
soo
Ang Pangingisda at Pagsasaka sa Barangay Coloong noong Dekada
Nobenta

Outp
ut 3

1.4 Saklaw at Delimitasyon


Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin ang kinalaman ng topograpiya
sa pamumuhay ng mga naninirahan dito; dahilan kung bakit pagsasaka at pangingisda
ang pangunahin nilang hanapbuhay; uri ng panghuhuli at ang mga karaniwang ani sa
Brgy. Coloong.
Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang batay sa maibabahaging kaalaman ng
mga respondent, mga nakalap na impormasyon galing sa mga nailimbag na libro,
internet at obserbasyon sa pagpunta sa Brgy. Coloong.
Hindi saklaw ng pananaliksik na ito ang iba pang mga hanapbuhay ng mga
naninirahan dito, mga taong nagpayabong ng mga sakahan at palaisdaan, pagkawala
ng mga sakahan at mga umuusbong na pagkakakitaan ng mga mamamayan.
1.5 Kahalagahan ng Pananaliksik
Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat bukod sa malalaman at
mauunawaan ang ibatibang ikinabubuhay, ay magsisilbi rin itong gabay sa papaunlad
at nagsisimulang barangay. Marami ang maiaambag ng pananaliksik na ito lalong- lalo
na:
Sa mga kapwa mananaliksik. May kamalayan sila kung paano ang sistema ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa Barangay Coloong.
Sa mga magsasaka at mangingisda. Makakatulong ang pag- aaral na ito para
mas lumawak ang kaalaman sa pag-aagrikultura.

1.6 Katuturan ng mga Katawagan


1. Respondent ang magsisilbing susi upang magbigay kasagutan sa mga
katanungan o nais pang malaman ng mga mananaliksik. Ang respondent ay
nagbibigay ng kanilang kooperasyon sa bawat tanong na kanilang ibinibigay at
nalalaman din ang kanilang tunay na pananaw.
2. Interbyu ito ay ang ginagamitan ng pagtatanong sa isang respondent ng
personal. Ito ay mabisang pamamaraan dahil agad na maipaparating ng
respondent ang kanilang sagot sa nag-iinterbyu. Ang bawat sagot ng respondent
ay pinag-iisipang mabuti bago ito maiparating sa nag-iinterbyu.
3. Topograpiya ang katangiang pisikal ng lugar.
4. Treser ay isang bagay na ginagamit ng mga magsasaka pagkatapos umani
upang maihiwalay ang dayami sa palay.
5. Dagat - dagatan ito ay lugar sa Malabon na sakop ng CaMaNaVa area kung
saan ito ay ipinautos ni dating pangulong Marcos na patambakan ito upang
gawing pabahay na naging dahilan ng pagbaha sa Brgy. Coloong at sa iba pang
lugar.

IKALAWANG KABANATA
Mga Kaugnay ng Pag- aaral at Literatura
Sa pamamagitan ng paghahanap ng mga datos at naging pag- aaral noon
tungkol sa pangingisda at pagsasaka ng Brgy. Coloong ng mga mananaliksik sa
Municipal City & Development Office Valenzuela. Nakakalap ng mga datos gamit ang
mga librong naglalaman ng mga impormasyong pang- ekonomiya o tinatawag na
Socio-Economic Profile.
2.1 Kaugnay na Literatura
2.1.1 Mga Talahanayan mula sa Socio-Economic Profile 1991-2002
Talahanayan Blg. 2.1.1.1
Land Area (HAS)
223.8

Ayon sa Municipal City Planning Office (1991-2000) Ang talahanayan Blg.


2.1.1.1 ay nagsasaad ng kabuuang lawak ng Brgy. Coloong (Area) noong dekada
nobenta.
Talahanayan Blg. 2.1.1.2

Talahanayan Blg. 2.1.1.3

Agrikultura: Gulay

Agrikultura: Prutas

Year

Area (HAS)

Production
(M.T)

1991
92
93
94
95
96
97

1.50
1.80
1.80
1.80
1.80
1.80

6.00
7.2
7.2
7.2
7.2
7.2

Year

Area (HAS)

Production
(M.T)

1991
92
93
94
95
96
97

3.00
4.5
4.5
4.5
4.5
4.5

60
90
90
90
90
90

98
99
2000
01
02

0.9
3.6
98
1.0
0.9
3.6
99
1.0
1.4
4.2
2000
0.5
0.7
3.6
01
0
0.60
3.5
02
-Batay sa Talahanayan Blg. 2.1.1.2 ang pasimula ng dekada

20
20
10
10
9
nobenta

(1990s) ang lawak ng sakahang pang gulay sa Brgy. Coloong ay sumusukat sa 1.50
HAS at ang produksyon na nagagawa rito ay 4.5 MT. Mahihinuha sa talahanayan na
nakadepende sa lawak ng lupa ang magagawang produksyon. Sa pagwawakas ng
dekada nobenta (1990s) unti- unti na rin nagwawakas ang pagsasaka ng barangay.
Batay naman sa Talahanayan Blg. 2.1.1.3 ang prutas ang pinaglalaanan ng
malawak na lupain, dahilan ito ng malaking produksyon ng mga inaning prutas ng
barangay, ngunit kagaya lamang nang nangyari sa gulayan, unti unti rin itong nawala sa
pagawawakas ng dekada nobenta (1990s).
Talahanayan Blg. 2.1.1.4

Total area
Year

(HAS)

Inland Fishing
Brakish Water
Area
Production

Total
Number of

1991
92
93
94
95
96
97
98
99
2000
01

111.6
111.6
111.6
111.6
111.6
_
111.6
111.6
111.6
109.6

111.6
111.6
111.6
111.6
111.6
_
111.6
111.6
89.28
107.5
7

500 KG/HA
55.8
55.8
55.8
55.8
_
55.8
55.8
44.64
50.4

Operators
40
40
40
40
40
_
40
40
35
20

02
110.8
107.7
50.4
20
Batay sa Talahanayan Blg. 2.1.1.4 sa usaping pangingisda, pagtungtong ng
dekada nobenta (1990s) ang lawak ng pangisdaan ay 111.6 at ang produksyon nito ay
55.8 MT. hindi nababago ang lawak at produksyon nito. Sa pagtungtong nang ikadalawampung siglo (2000s) ang lawak ng palaisdaan ay bumaba. Dahil sa dumaraming
mamamayan na nagpapatayo ng kani-kanilang mga bahay at ang ilan naman ay mga
paaralan at gusaling pagkakakitaan.

IKATLONG KABANATA
Disenyo ng Pananaliksik at Kapamaraanan

3.1 Disenyo ng Pananaliksik


Gumamit

ang

mga

mananaliksik

ng

deskriptibong

pananaliksik

upang

mailarawan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa Brgy. Coloong. Pinili


ito upang masusing masuri, mailahad at maunawaan mabuti ang mga pagsasaliksik.
Nagsagawa ng mga kwestyoneyr na pinakamabisa at pinakamabilis na
instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Ito ang pangunahing instrumento na ginamit
ng mananaliksik. Ang kwestyoneyr ay naglalaman sa maaaring maging reaksyon at
kasagutan ng mga respondent tungkol sa pagsasaka at pangingisda noon sa Brgy.
Coloong. Inilagay ng mga mananaliksik sa kanilang kwestyoneyr kung anong edad,
katayuan sa buhay, kasarian at kailan pa naninirahan sa Brgy. Coloong. Kasunod nito
ang sampung katanungan na may kinalaman sa pagsaliksik.
3.2 Estatistika na Populasyon
3.2.1 Talahanayan mula sa Population Density of Brgy. Coloong 1991-2000
Ayon sa Municipal City and Development Office (1991-2000), nasa talahanayan
Blg. 3.3.1.1 ang statistikang densidad ng populasyon ng Brgy. Coloong.

Talahanayang Blg. 3.2.1.1


Population Density of Brgy. Coloong
YEAR
POPULATION NO.
1991
7328
1992
7541
1993
7760
1994
7986
1995
8020
1996
8231
1997
_
1998
8979
1999
8936
2000
9242
Batay sa Talahanayan Blg. 2.1.1.1 sa pasimula ng dekada nobenta (1990) ang
populasyon sa Brgy. Coloong ay dumarami, marahil ay masagana ito sa mga
pinagkukunang yaman at hanapbuhay kung kayat ito ang naging dahilan para lumipat
ang mga mamamayan sa karatig bayan papunta sa kanila o kaya naman ay ang paglaki
ng pamilya ng bawaat pamilya sa barangay at naging salik ito para manatiling tirahan
ng mga mamamayan.
3.2 Kapamaraananan
Ang mga sumusunod na hakbang ang isinagawa ng mga mananaliksik sa
pagtuklas ng mga impormasyong tungkol sa pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan sa Brgy. Coloong.
Ang mga mananaliksik ay nagplano kung ano ang posibleng lugar sa
Valenzuela na maaaring gawing paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapili na ng lugar
na kanilang papaksain, ito ay ang Barangay Coloong. Sumunod ay nangalap ng mga
impormasyong may kaugnayan sa pag- aaral na makakatulong upang mas mapadali at
maging matagumpay ang pagsasaliksik. Bumuo ng pamagat at ginawan ng tatlong
10

katanungan na may kaugnayan sa bawat isa na sumasaklaw sa kanilang nabuong


pamagat upang iprisinta ito sa klase at maaprubahan ito ng kanilang propesor sa
asignaturang kasaysayan na kinakailangang bigyang tuklas sa pagtatapos ng proyekto.

Sa pagsasagawa ng unang kabanata, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng


pagsasaliksik na may kinalaman sa Brgy. Coloong. Ang ilan sa mga miyembro ng
mananaliksik ay nagtungo sa barangay upang matunghayan ang kasalukuyang
kalagayan nito. Sila rin ay naghati-hati ng mga gawain upang mas mapadali ang
pagsasaliksik at pinagsama-sama ang mga natapos na bahagi ng unang kabanata.
Ang unang bahagi ay ang panimula na kung saan nakapaloob dito ang pamagat
at introduksyon sa kanilang nabuong pamagat. Sa ikalawang bahagi ay naglalahad ng
suliranin, na kung saan itinala ng mga mananaliksik ang kanilang tatlong katanungang
nabuo na sumasaklaw sa pagsasaka at pangingisda noong dekada nobenta (1990). Sa
ikatlong bahagi, ay ang pagsasagawa ng konseptuwal na balangkas na nagpapakita ng
pagkakasunod- sunod na kanilang isasagawang hakbangin para makakalap ng mga
impormasyon. Sa ika- apat na bahagi ay ang saklaw at delimitasyon na kung saan ang
mga mananaliksik ay ipinahayag ang saklaw ng kanilang pag-aaral at kung hanggang
saan lamang ang sakop at hindi sakop ng kanilang paksa. Sa ikalimang bahagi ay ang
kahalagahan ng pananaliksik upang malaman ang katuturan at kahalagahan ng
kanilang pag aaral at kung may maidudulot ba itong kapakinabangan sa iba. Ang huling
bahagi ay ang katuturan ng mga katawagan na kung saan matapos gawin ang limang

11

bahagi ay pipili ang mga mananaliksik ng mga salita na kailangang bigyang linaw at
hindi pa lubos na nauunawaan o may mas malalim pa na kahulugan.
Pumunta ang mga mananaliksik sa Brgy. Coloong upang alamin ang lokasyon
nito at maghanap pa ng ibang mahahalagang impormasyon. Nagtanong-tanong sa mga
tagapaglingkod ng barangay para makakalap ng mga datos ngunit ayon sa mga ito ay
walang naitabing tala at mga dokumento sa kanilang barangay kaugnay sa pagsasaka
at pangingisda. Nilalayon naman ng mananaliksik na panayamin ang kapitan at
sekretaryo ng barangay.

Nagtungo rin ang mga mananaliksik sa Municipal City & Development Office
Valenzuela upang makakalap ng mga nailimbag na tala tungkol sa agrikultura at inland
fishing.
Ang mga mananaliksik ay nagtungo muli sa barangay upang makakalap ng mga
mahalagang impormasyong na isinagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga
taong naninirahan sa Brgy. Coloong.
Ang mga mananaliksik ay gumawa ng kwestyoneyr upang magsilbing
impormasyon sa profile ng respondent at kung sino nga ba ang nakakaalam tungkol sa
pangingisda at pagsasaka noong dekada nobenta (1990s). Ang napiling respondent ng
mga mananaliksik ay ang mga matatanda dahil sila ang may higit na kaalaman tungkol
sa pangingisda at pagsasaka noon at sila rin ang matagal ng naninirahan sa Brgy.
Coloong.

12

Ang pagsagawa ng pagsu-serbey at pakikipanayam ay may kabuuang bilang na


dalawampung residente ng Brgy. Coloong, sampung babae at sampung lalaki. Bago
magsagawa ng pagsu-serbey at pakikipanayam ay minabuting hingin ng mga
mananaliksik ang pahintulot ng mga kalahok na residente sa pamamagitan ng isang
liham.
Sa maayos napakikilahok ng mga respondent ay naging matagumpay ang
pagsasaliksik tungkol sa pangunahing ikinabubuhay sa Brgy. Coloong noong dekada
nobenta (1990s).

13

IKA- APAT NA KABANATA


Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

4.1 Interpretasyon sa Pagse- serbey


4.1.1 Kabuuang Bilang ng Profile ng mga Respondent
Grapo Blg. 4.1.1.1

Katayuan sa Buhay

Edad

14
12
10
8
6
4
2
0

10
8
6
4
2
0
18-28

29-39

40-50

51 pataas

Kasarian

Taon ng Paninirahan sa Brgy. Coloong


8
7
6
5
4
3
2
1
0

12
10
8
6
4
2
0
Lalaki

Babae

14

Ipinakikita sa Grapo Blg. 4.1.1.1 ang propayl ng mga respondent na nakiisa sa


aming pagsasaliksik na isinagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga katanungan
tungkol sa hanapbuhay ng mga mamamayan sa Brgy. Coloong. Mula edad labingwalo
hanggang dalawamput walo (18-28) ay may apat (4) na respondent, edad dalawamput
siyam hanggang tatlongput siyam (29-39) ay may limang (5) respondent, apatnapu
hanggang limampu (40-50) ay may walong (8) na respondent at limamput isa (51)
pataas ay may tatlong (3) respondent ang aming nakapanayam. Ang katayuan sa
buhay ay nahahati sa 4 na bahagi , ang mga estudyante ng binubuo ng tatlong (3)
katao, nagtatrabaho na binubuo ng labing dalawa (12) katao at walang trabaho na
binubuo ng limang (5) katao. Babae na may bilang na sampu (10) at lalaki na may
bilang sampu (10). Sa kabuuang bilang ay may dalawampung respondent . Mga taon
ng kanilang paninirahan sa Barangay Coloong mula dekada sisenta (1960s) pababa ay
binubuo ng tatlong (3) katao , dekada sitenta (1970s) ay binubuo ng pitong (7) katao,
dekada otsenta (1980s) na binubuo ng apat (4) na katao at dekada nobenta (1990s) na
binubuo ng anim (6) na katao.
4.2 Interpretasyon ng Datos
4.2.1 Interpretasyon ng Sagot ng mga Respondent na may Edad Labingwalo
Hanggang Dalawamput Walo (18-28)
Ang nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay paghahati- hatiin batay sa
edad nito.
Talahanayan Blg. 4.2.1.1
Pahayag
Paraan ng
pagsasaka

Edad Labinwalo Hanggang Dalawamput Walo (18-28)


manu- mano,
manu- mano,
manu- mano,
manu- mano,
pag- aararo
pag- aararo gamit
treser
treser
gamit ang
ang kalabaw
15

Karaniwang ani:
Prutas at gulay
Lagay ng
pagsasaka .
Kailan nahinto ang
pagsasaka?
Bakit?
Paraan ng
pangingisd.
Karaniwang ani:
Isda at lamangdagat
Lagay ng
pangingisda
Lugar- angkatang
ng mga isda at
lamang- dagat
Epekto ng
topograpiya

kalabaw
pakwan, palay

melon, mangga

pakwan, palay

wala na

wala na

wala na

1990s dahil sa
pagbaha

1990s sa
pagbaha

1990s wala,
puro baha

1990s sa baha

paggamit ng
lambat
tilapia, arroyo

lambat

Lambat

Lambat

tilapia, bangus

tilapia, bangus

tilapia, arroyo

Malakas

malakas

malakas

Malakas

di ko alam

wala akong ideya

ewan ko

hindi ko alam

Malaki

malaki

Malaki

Malaki

melon, manga,
pakwan, palay
wala na

Ayon sa mga taong nasa edad labingwalo hanggang dalawamput walo (18-28)
ay naniniwalang ang paraan ng pagsasaka noon ay manu- manong pag- aararo gamit
ang kalabaw at ang iba ay gumagamit ng treser sa paghihiwalay ng dayami sa palay.
Ang nakagisnang inaani na prutas at gulay ng mga magsasaka noon ay pakwan, palay,
melon at mangga. Nahinto ang pagsasaka noon dekada nobenta (1990s) dahil sa
pagbaha. Gumagamit sila ng lambat sa pangingisda. Ang karaniwang nahuhuli ay mga
isdang tilapia, arroyo, at bangus. Ayon sa kanila ay malakas pa rin ang pangingisda sa
Brgy. Coloong hanggang ngayon. Hindi nila batid kung nag-aangkat ba ang mga
mangingisda ng mga produkto sa mga kalapit lugar ng Brgy. Coloong. Malaki ang
naging epekto ng topograpiya ng Brgy. Coloong sa kanilang hanapbuhay na
pangingisda at pagsasaka noon.

16

4.2.2 Interpretasyon ng Sagot ng mga Respondent na may Edad Dalawamput


Siyam Hanggang Tatlongput Siyam (29-39)
Talahanayan Blg. 4.2.2.1
Pahayag
Paraan ng
pagsasaka

Karaniwang ani:
Prutas at gulay

Lagay ng
pagsasaka
Kailan nahinto
ang pagsasaka?
Bakit?
Paraan ng
pangingisda
Karaniwang ani:
Isda at lamangdagat
Lagay ng
pangingisda
Lugarangkatang ng
mga isda at
lamang- dagat
Epekto ng
topograpiya

Edad Dalawamput Siyam Hanggang Tatlongput Siyam (29-39)


manu- mano,
manu- mano,
manu- mano,
manumanupag- aararo
pag- aararo
treser
mano, treser
mano
gamit ang
gamit ang
kalabaw
kalabaw
pakwan,
melon,
pakwan,
melon,
pakwan,
mangga
kamatis,
palay, mais,
mangga,
melon,
talong,
kalabasa
pakwan,
palay
kalabasa
palay
wala na
wala na
wala na
wala na
wala na
1980s dahil
sa pagbaha

1980s sa
pagbaha

1980s

1980s sa
baha

1980s
bahain na

lambat

lambat

Lambat

lambat

lambat

tilapia, arroyo,
bangus

tilapia, bangus

tilapia,
bangus

tilapia,
arroyo

arroyo,
tilapia

medyo

hindi na
malakas
wala akong
ideya

Malakas

malakas

malakas

Meycauyan,
Bulacan

Meycauyan
at Obando,
Bulacan

di ko alam

malaki

Malaki

malaki

malaki

di ko alam

malaki

Ayon sa mga taong nasa edad dalawamput siyam hanggang tatlongput siyam
(29-39) ay naniniwalang ang paraan ng pagsasaka ay manu-manong pag-aararo gamit
ang kalabaw at gumagamit ng treser sa paghihiwalay ng dayami sa palay. Ang
kinakagisnang inaani na prutas at gulay ng mga magsasaka noon ay pakwan, mangga,
melon, mais, kamatis, kalabasa, talong at pechay. Wala na rin natira pang lupang
sakahan sa Brgy. Coloong dahil sa madalas na pagbaha noong dekada otsenta
17

(1880s). Nag-aangkat din ng mga produkto ang mga magsasaka noon sa Meycauyan,
Bulacan. Sa pangingisda naman, lambat ang ginagamit sa panghuhuli ng mga isda
tulad ng arroyo, tilapia, at bangus. May nagsasabing malakas pa rin ang pangingisda sa
Brgy. Coloong at meron namang hindi. Nag- aangkat din ang mga mangingisda noon sa
Obando, Bulacan. Ayon sa kanila, malaki ang naging epekto ng kinalalagyan ng Brgy.
Coloong sa kanilang partikular na pamumuhay dahil doon sila kumukuha ng kanilang
pangangailangan sa araw-araw.
4.2.3 Interpretasyon ng Sagot ng mga Respondent na may Edad Apatnapu
Hanggang Limampu (40-50)
Talahanayan Blg. 4.2.3.1
Pahayag
Paraan ng
pagsasaka

Karaniwan
g ani:
Prutas at
gulay

Lagay ng
pagsasaka
Kailan
nahinto
ang
pagsasaka
? Bakit?

manumano,
pagaararo
gamit
ang
kalaba
w
palay,
pakwa
n,
kamati
s,
melon

wala
na
1980s
dahil
sa
pagba
ha

manumano,
pagaararo
gamit
ang
kalaba
w
pakwan
,
kamatis
,
talong,
kalabas
a,
talong,
palay
wala na
1980s
sa
pagbah
a

Edad Apatnapu Hanggang Limampu (40-50)


manumanumanumanumano,
mano,
mano,
mano,
treser
treser
pagtreser
aararo

treser,
manumano,
pagaararo

manumano

pakwan,
melon,
manga,
palay,
kalabasa,
talong

melon,
manga,
pakwan,
palay

pakwan
, melon,
palay

pakwan,
kamatis,
melon,
palay

mais,
manga,
saging,
melon,
upo,
kamati
s

pakwa
n,
melon,
palay,
kamati
s

wala na

wala na

wala na

wala na

1980s

1980s sa
baha

1980s
bahain
na

1980s
sa
pagtam
bak sa
dagat-

wala
na
1980s
dahil
kay
marcos

wala
na
1980s
bahain
na

18

Paraan ng
pangingisd
a
Karaniwan
g ani: Isda
at lamangdagat
Lagay ng
pangingisd
a
Lugarangkatang
ng mga
isda at
lamangdaga
Epekto ng
topograpiy
a.

lambat

lambat

lambat

Lambat

lambat

dagatan
lambat

tilapia,
arroyo,
bangus

tilapia,
bangus

tilapia,
bangus

tilapia,
arroyo

arroyo,
tilapia

medyo

malakas

di na
gaano

Meyca
uyan,
Bulaca
n

hindi na
malaka
s
Oband
o,
Bulaca
n

Meycauy
an,
Bulacan

malaki

malaki

malaki

lambat

lambat

tilapia,
bangus

tilapia,
arroyo,
bangus

bangu
s,
tilapia

malaka
s

mahina

medyo

medyo

Meycauy
an,
Bulacan

Meycau
yan at
Obando
,
Bulaca
n

Obando
,
Bulacan

Meyca
uyan,
Bulaca
n

Malaki

malaki

malaki

malaki

Meyca
uyan
at
Oband
o,
Bulaca
n
malaki

Ayon sa mga taong nasa edad na apatnapu hanggang limampu (40-50) ay


nagsasabing ang paraan ng pagsasaka ay mano-manong pag-aararo gamit ang
kalabaw at gumagamit din ng treser sa paghihiwalay ng dayami sa palay. Ang
nakagisnang inaani na prutas at gulay ng mga magsasaka noon ay pakwan, mangga,
melon, saging, mais, kamatis, kalabasa, talong, pechay, at upo. Ayon din sa kanila, wala
na rin natira pang lupang sakahan sa Brgy. Coloong dahil sa madalas na pagbaha
noong dekada otsenta (1980s) at dekada nobenta (1990s).
Ang nagdulot ng pagbaha ay ng iniutos noon ni dating pangulong Marcos na
patambakan ang Dagat-dagatan Malabon, ay bumaha na sa nasabing barangay. Nagaangkat din ng mga produkto ang mga magsasaka noon sa Meycauyan at Obando,
Bulacan. Sa pangingisda naman, lambat ang ginagamit sa panghuhuli ng mga isda
tulad ng tilapia, bangus, hipon, alimango, at arroyo. May nagsasabing malakas pa rin
19

ang pangingisda sa Brgy. Coloong dahil ito na ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
naninirahan dito. Nag-aangkat din ang mga mangisngisda noon sa Obando Fish Port at
Meycauyan, Bulacan. Malaki ang naging epekto ng kinalalagyan ng Brgy. Coloong sa
kanilang partikular na pamumuhay dahil doon sila kumukuha ng kanilang pagkakakitaan
sa araw-araw.
4.2.4 Interpretasyon ng Sagot ng mga Respondent na may Edad Limamput Isa
(51) pataas
Talahanayan Blg. 4.2.4.1
Pahayag
Paraan ng
pagsasaka

Karaniwang ani:
Prutas at gulay.

Lagay ng
pagsasaka .
Kailan nahinto
ang pagsasaka?
Bakit?
Paraan ng
pangingisda.
Karaniwang ani:
Isda at lamangdagat.
Lagay ng
pangingisda.
Lugarangkatang ng
mga isda at
lamang- dagat.
Epekto ng

Edad Apatnaput Isa (51) pataas


manu- mano,
manu- mano,
manu- mano,
pag- aararo
pag- aararo
treser
gamit ang
kalabaw
pakwan,
mais, pakwan,
manga,
melon,
palay,
bayabas,
manga,
kalabasa
guyabano,
kamatis,
kamatis, sitaw
palay, talong
talong
wala na
wala na
wala na
1980s dahil
sa binaha na

1980s sa
pagbaha

lambat

lambat

1980s
tinambakan
yung dagatdagatan
lambat

tilapia,
bangus,
arroyo
hindi na gaano

tilapia, bangus

tilapia, arroyo

hindi na
malakas
Meycauyan,
Obando,
Bulacan

medyo

Meycauyan,
Bulacan

malaki

malaki
20

Meycauyan,
Bulacan

malaki

topograpiya.

Ayon sa mga taong nasa edad limamput isa (51) pataas ay nagsasabing ang
paraan ng pagsasaka noon ay mano-manong pag-aararo gamit ang kalabaw. Ang
inaani na prutas at gulay ng mga magsasaka ay mais, pakwan, palay, kalabasa,
kamatis, sitaw, talong, guyabano, bayabas, mangga, at melon. Ngayon ay wala ng
natitirang lupang sakahan sa Brgy.Coloong. Nahinto ang pagsasaka noong dekada
otsenta (1980s) dahil sa pagtubo nga mga water lily at mataas na pagbaha.
Gumagamit sila ng lambat sa pangingisda. Ang kanilang nahuhuli ay ang mga isdang
tilapia, bangus, arroyo at lamang dagat tulad ng hipon at alimango. Ayon sa kanila ay
malakas pa din ang pangingisda dahil halos tubig ang nakapalibot sa barangay. Nagaangkat ng mga produkto ang mga mangingisda at kadalasang binhi ang inaaangkat sa
lugar ng Obando, Bulacan. Nag-aangkat ng mga produkto ang mga magsasaka sa
lugar ng Meycauyan, Bulacan. Malaki ang epekto ng topograpiya sa ikinabubuhay ng
mga mamamayan sa Brgy.Coloong dahil sagana ito sa mga isda.

21

IKALIMANG KABANATA
Lagom, Konklusyon at Tagubilin
5.1 Lagom
Ayon sa naging karanasan ng mga mananaliksik ang mga tao o residente sa
Brgy. Coloong ay may mayabong na kaalaman hinggil sa kanilang pangunahing
ikinabubuhay.
Layunin ng mga mananaliksik na masusing alamin ang pasikot-sikot na
pangunahing ikinabubuhay sa Brgy. Coloong at ang kinalaman ng topograpiya sa
ikinabubuhay ng mga tao dito, kung bakit ang mga ito ang naging pangunahing
ikinabubuhay nila at kung anu- ano ang mga pangunahing inaani ng mga magsasaka at
mangingisda. Kaugnay nito ay kung ano ba ang alam ng mga mamamayan sa Brgy.
Coloong tungkol sa pangingisda at pagsasaka.
Sa pamamagitan ng serbey at pakikipanayam na isinagawa para masagutan ang
mga suliranin ng mga mananaliksik sa pag- aaralan na ito ay mahihinuha na ang mga
respondent na nasa edad labinwalo hanggang dalawamput walo (18-28) ay may
limitadong kaalaman tungkol sa pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Brgy.
Coloong samantalang ang mga nasa edad dalawamput siyam hanggang tatlongput
siyam (29-39) ay may muwang sa nakasanayang hanapbuhay ng barangay. Ang mga
edad apatnapu hanggang limampu (40-50) ay may pinakamalaking impormasyong
naiambag sa pagsasaliksik, sapagkat ito na ang kinalakihan nila at ang may
pinakamalaking bilang ng respondent; at ang mga edad limamput isa (51) patas ay
may malawak na kaalaman tungkol sa pamumuhay dito.

22

Sa kabuuan halos lahat sila ay may kamalayan sa pangunahing ikinabubuhay sa


pangingisda at topograpiya ng kanilang barangay.
Sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon na nakuha mula sa mga
nailimbag na aklat, pag-susurvey, pagsasaliksik at pakikipanayam

ng mga

mananaliksik ay matutugunan ng mga mananaliksisik ang mga kinakailangang datos


para sa pag- aaral na ito.
5.2 Konklusyon
Matapos ang mahabang proseso ng pag- aaral ukol sa pangunahing
ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Brgy. Coloong noong dekada nobenta, Ilalahad
ng mga mananaliksik ang mga nakalap na impormasyon ukol sa mga inihandang
katanungan.
1. Ano ang kinalaman ng topograpiya sa ikinabubuhay ng mga mamamayan sa
Brgy. Coloong?
i) Ang topograpiya ng Brgy. Coloong ay may malaking kinalaman sa
ikinabubuhay ng mga mamamayan sapagkat sa anyong lupa at tubig sila
kumukuha ng mga pangunahing pangangailangan sa araw- araw.
ii) Ang mga ito ay ilan lamang sa mga bumubuo ng Brgy. Coloong na talagang
kapaki- pakinabang dahil mapagkukunan nila ito ng mga likas na yaman na
kanilang magagamit at maaring pagkakitaan sa pang araw- araw nilang
pamumuhay.
2. Bakit pagsasaka at pangingisda ang kanilang ikinabubuhay?

23

i) Naging parte ang pagsasaka ng ikinabubuhay noon dahil sa mga kapatagan


na talaga namang lubos na napapakinabangan upang tamnan ng ibat- ibang
klase ng prutas at gulay pati na rin ng palay; na kapag sila ay umani ay
nakakatulong sa pinansyal nilang pangangailangan. Ang pagsasaka ay natigil
lamang nung nagsimulang maging bahain ang Brgy. Coloong noong dekada
otsenta hanggang dekada nobenta (1980s- 1990s).
ii) Ang pangingisda naman ay naging parte din ng ikinabubuhay nila hanggang
sa ngayon sapagkat ang lugar ay madalas bahain kung kayat hindi nawala
ang mga katubigan sa barangay bagkus ay palaki ng palaki ang nasasakupan
ng tubig. Naging hanapbuhay pa nila ito dahil sagana sa mga isda ang mga
palaisdaan ng Brgy. Coloong. Nakakatutulong pa rin sa kanila ang
pangingisda dahil isa ito sa dahilan kung bakit nagkaroon sila ng hanapbuhay
na pantustos sa araw araw nilang pangangailangan.
3.) Anu-ano ang mga inaani ng mga magsasaka at mangingisda?
i) Ang pangunahing ani ng mga magsasaka sa Brgy. Coloong noon ay palay,
mais, kalabasa, talong, pechay, upo, sitaw, pakwan, melon, mangga, kamatis, saging,
guyabano, bayabas at iba pa. Nag-aangkat ng mga produkto ang mga magsasaka at
kadalasang binhi ang inaaangkat sa lugar ng Meycauyan at Obando, Bulacan pati na
rin sa mga karatig barangay ng Brgy. Coloong. Nahinto ang pagsasaka noong dekada
otsenta (1980s) at dekada nobenta (1990s) sa dahil sa pagbaha.
ii) Ang pangunahing ani ng mga mangingisda naman sa Brgy. Coloong ay mga
tilapia, arroyo, bangus, hipon, at alimango. Nag-aangkat ng mga produkto ang mga
mangingisda sa lugar ng Obando Fish Port at Meycauyan, Bulacan.
24

Tagubilin
Ilan sa mga mungkahing dapat isaalang- alang ang mga sumsunod:
1. Maaaring magsagawa pa ng mas malaking bilang ng mga respondent nang
mas malawakang masuri ang pagsasaka at pangingisda na pangunahing
ikinabubuhay ng mga mamamayan sa Brgy. Coloong.
2. Maraming salik ang kakaharapin ng mga magsasaliklik,

mabuting

pakitunguhan ng maayos ang pakikipanayamin upang maiwasan ang hindi


pagkakaintindihan, panatilihing mahinahon at maging komportable habang
nagsasagwa ng interbyu.
3. Sa mga kabataan magkakaroon

ng

kamalaayan

hindi

lamang

sa

pangunahing ikinabubuhay sa Brgy. Coloong kundi pati na rin ang rason kung
bakit ang barangay ay binabaha mula noong dekada otsenta (1980s)
hanggang sa ngayon.
4. Sa mga magsasagawa ng kaugnay na pag- aaral ay makakabuting maglaan
ng mahabang panahon upang masuri ito ng maayos at organisado.
5. Malaki ang maitutulong ng pag- aaral na ito para sa mga mamamayan ng
Brgy. Coloong.
6. Sa mga mananaliksik na magsasagawa ng pag-iinterbyu sa kapitan ng Brgy.
Mas makabubuting ipaskedyul ang araw ng pakikipanayam.
7. Sa mga magsasagawa ng mga kaugnay na pag-aaral, , makararanas kayo ng
maraming pagtanggi sa mga kapapanayamin.

25

You might also like