You are on page 1of 1

Noli Me Tangere Kabanata 20 – Ang Pulong sa Tribunal

Noong araw na iyon ay panauhin sina Ibarra at ang guro sa pulong. Ang tanging bulwagan na nagsisilbing
lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan ay ang
tribunal.
Nahahati sa dalawang kinatawan o lapian ang mga nasa pulong. Ang una ay ang mga konserbador o
pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa samantalang ang pangalawa ay ang liberal na
binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo.
Ang pagpupulong ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga
programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan.
Sa pulong ay sinamantala ng mga mayayaman ang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang
kanilang ibang pinagsasabi.
Kagaya ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Si Don Filipo naman ay nagmungkahi na sa
bawat
gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Iminungkahi din niyang magpagawa ng isang malaking
tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.
Nabanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon ng paputok upang maging lalong masaya ang pista, bagay
na
di naman sinang-ayunan ng lahat.
Ang Kabesa naman ay nagbigay ng panukala na dapat ay tipirin ang pagdiriwang. Wala rin dapat na
paputok
at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga-San Diego. Aniya, ang sentro ng pagtatanghal
ay dapat mga sariling ugaling Pilipino.
Ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat ay walang bisa dahil nakapagdesisyon na ang
kura tungkol sa gaganapin sa pista.
Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
Talasalitaan
• Liyampo – Sugal Intsik
• Tribunal – Ayuntamiento, Gusali ng pamahalaan panlalawigan at pambayan

You might also like