Professional Documents
Culture Documents
Group 3 Script
Group 3 Script
Group 3 (Tauhan)
ESPINA, REIYA TISHA CIMATU (conserbador o mga matatanda)
ESTRADA, CLYDE FROILAN ALETA (Don Filipo)
GENERALE, ANGEL KATE QUIJANO (liberal o mga kabataan)
KISKIS, BABY JANE CENAS (liberal o mga kabataan)
LABASTIDA, ANECITO JR. LABADAN (conserbador o mga matatanda)
LORA, KAYE GARCIANO (tagapagsalaysay)
LOVINA, JUN RYAN MAGDASAL (Crisostomo Ibarra)
LUAB, CHARMA JOY CATAHAY (conserbador o mga matatanda)
LUMANTA, RHOVHIN KEANU (Kapitan)
Don Filipo: Hindi ko naiibigan ang inuugali ng Kapitan. Tila ang layunin ay
ipagpaliban ang pag-uusap sa gugugulin. Labing-isang araw na lamang ay pista na
ng San Diego.
Kapitan: Mga ginoo, ang layunin ng pulong na ito'y upang pag-usapan natin ang
mga bagay na makapagpapasaya sa pista ng San Diego at ang kaukulang
gugugulim sa mga nasabing bagay.
Don Filipo: Mga ginoo, tayo ay magkakaroon ng isang maringal na pistang bayan
sa halagang tatlong libo at limang daang piso(3,500). Ang halagang ito ay
gugugulin sa mga sumusunod;
• isang malaking dulaan sa liwasan ng bayan sa halagang isang daan at limampong
piso (150)
• isang komedyang magtatanghal sa loob ng pitong gabi sa halagang dalawang
daang piso(200) bawat gabi.
• dalawang bomba at dalawang daang (200) kuwitis na ang halaga ng bawat isa'y
piso o apat naraang piso(400).
Tagapagsalaysay: Halos magkagulo ang pulong dahil sa pag-uunahang makahingi
ng pahintulot na magsalita. Nang matiwasay na ang pulong, isang batang kabesa
ang humingi ng pahitulot makapagsalita.
Matanda 1: Magaling!
Matanda 2: Magaling!
Matanda 3: Masuhay na bata!
Kapitan: Sang-ayon din ako, ngunit iba ang gusto ng ating kura.Gusto ng kura ay
anim na prusisiyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor, komedya na may awitan
sa pagitan ng yugto. Ito ang ibig ng kura at ako'y nakatango na sa kanya.
Don Filipo: Alang-alang sa isang mabuting layon, nilimot ko ang aking sarili, ngunit
kayo, nilapastangan ninyo ang sariling karangalan upang itaguyod ang isang
masama
END.