You are on page 1of 4

Kababata 31-35: Gomez (9-Humility)

UNANG TAGPUAN: SIMBAHAN

Ang mga tao ay naggigitgitan, nagsisiksikan, nagtutulakan, at nagtatapakan para makahawak sa benditadong
tubig, na kulay putik na dahil paghuhugasan ng kamay ng buong bayan, at ipinapahid sa kanilang katawan dahil
paniniwala na nakakagaling ito ng sakit.

Tauhan:
Pilosopong Tasyo
Kagawad ng Venerable Third order
Therwana
Apo ni sister Pute
Padre Damaso

Pilosopo Tasyo: (Nakaharap sa mga tao) Dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon! Aba eh,
ikatlong parte lamang ng halaga niyon ang kabuuang tinanggap ng lahat ng gumanap sa stage. Napakayaman
na siguro ninyo. (SE=mga taong nag-iingay)

Kagawad ng Venerable third order: (Nakatingin kay Pilosopo Tasyo) Ano naman ang kaugnay ng sermon sa
pagtatanghal sa stage? Ito ay nagbubulid ng kaluluwa sa impyerno. Ang sermon ay nagbabatid ng kaluulwa sa
langit. Malaki na ang utang namin

Pilosopong Tasyo: Tama rin naman kayo kung ako ang tatanungin, higit ngang katawa-tawa ang sermon kaysa
sa palabas sa stage

Kagawad ng Venerable third order: Para naman sa akin, hindi manlang ako natawa sa palabas sa stage

Narrator:Pawis na pawis at naghihikab ang mga tao sa pagdating ng gobernador.

Direktor: Totoo ngang sinabi ng panginoong hesukristo na “bayan ninyong lumapit sa akin ang mga bata” pero
sa pagkakataong ito ay naunawaan nating ang tinutukoy nya ay yaong mga hindi umiiyak

Tagapagsalaysay: Samantala, galit ang matandang si Sister Pute sa kanyang anim na kaniyang anim na taong
gulang na apo

Sister Pute: (Kinurot ang apo) Makinig ka nga nang mabuti oy! Mapapakinggan mo ang sermong tulad ng
napakinggan mo noong Biyernes Santo

Tagapagsalaysay: Pumasok si Padre Damaso at nagsimula at nagsimula na ang misa pati ang kanyang
pagsesermon
Padre Damaso: Banal na mga pari, mga kristiyano, mga kapatid kay Hesukristo! Makinig kayo, ang panginoon
ay hindi naghahasik nsa mabatong lupa para kainin lamang ng mga ibon ng impyerno. Sa halip susupling at
mga bihag ng mga Morong Pirata ay naglalayag sa dagat ng walang hanggang buhay.

Venerable third order: (Nagkrus) Amen

IKALAWANG TAGPUAN:

Tauhan:
Maputlang lalaki
Maestro Juan

Mayroong makinang sinusuportahan ng tukod na apat na malalaking troso, bawat gilid ay may kable,
Mayroong watawat na may iba’t ibang kulay sa tuktok nito, pinamamalamutiham ito ng malalaking kwintas na
dahon. Mayroong tatlong malalaking kable ang bumibitbit sa isang malaking batongmay guwang sa gitna,
mayroon itong guwang na ginawa upang dito isilid ang mga pahayagan, medalya, barya at iba’t iba pa.

Tagapagsalaysay: Isang makina ang ginawa ng maputlang lalaki, isang kahanga-hangang makina

Maputlang lalaki: Tignan ninyo, maestro juan. Panoorin mo kung paano ko mag-isang maitataas at maibaba
ang napabigat na batong iyan,

Maestro Juan:( Namangha) Sino ang nagturo sa iyo na gumawa nito?

Maputlang lalaki: Si ama ko, ang yumao kong ama.

Maestro Juan: At sino namang ang nagturo sa iyong ama?

Maputlang lalaki: Si Don Saturnino.. Ang lolo no Don Crisostomo. Margaling syang humawak ng latigo.

IKATLONG TAGPO:

Tauhan:
Gobernador
Ibarra

Tagapagsalaysay: :Sa kalapit na mesang may tapeteng telang Persiyano, ay may nakapatong na malaking
tubong tingga.

Gobernador: Malakas ang suporta namin sa inyo, Ginoong Ibarra. Ibibigay ang lahat ng iyong kailangan

Nang makita ni Ibarra ang lalaking maputla ay kinabahan sya. Nagkasiyahan ang lahat nang biglang
pumailang nang malakas. Ang kalo sa ibaba ng panghugos ay kumabyos. Bumagsak ang makina. Umalbukay
ang alikabok at nagsisigawan ang mga tao. Nang humupa ang alikabok ay nakita nila si Ibarra na nakatayo sa
tabi ng mga nagbagsakang poste.

(SE=Pagbagsak nang malakas)


Mga tao: Hindi ka namatay? Diyos ko! Isang milagro!

Ibarra: Kunin ninyo ang mgabangkay sa ibaba


Tagapagsalaysay: :Nang marinig na Maria Clara ang tinig ng binata ay nawalan ito ng lakas sa bisig ng mga
kaibigan. Nakita ng mga tao ang bangkay ng maputlang lalaki.

IKAAPAT NA TAGPUAN: TAHANAN NI IBARRA

Tauhan:
Elias
Ibarra

Tagalagsalaysay:: Dumating ang bisita para kay Ibarra.

Elias: Iniligtas ninyo ang buhay ko. Kakalahati palang ang naibabayad ko. Nagtungo po ako rito upang
makipag-usap sa inyo

Ibarra: Sabihin ninyo.

Elias: Kung sisikapin ng mga tao na lutasin ito ay hinihingi ko na wag mo nang ipagsabi ito kahit kanino ang
babalang sinabi ko sa inyo sa simbahan. Para po ito sa inyong kapakanan.

Ibarra: (Nagtataka at gulat) Ano ang ibig mong sabihin?

Elias: Para sa higit ninyong kaligtasan ay kailangan ipaglagay ng mga kaaway ninyo na pabaya kayo o sobrang
pagtitiwala

Ibarra: (Nagugulat) Mga kaaway ko? May kaaway ako?

Elias: Lahat naman po tayo mayroon. May mga kaaway po kayo sa mataas at mababang lipunan. Ang binabalak
niyo na malaking proyekto. Mayroon kayong nakalipas: ang iyong ama, inyong lolo ay may kaaway. Sa buhay
na ito ay hindi mga kriminal kundi ang mga tapat na tao ang nagpapasiklab ng poot ng iba.

Ibarra:(Nagtataka) Kilala niyo ba ang mga kaaway ko?

Elias: May kilala akong isa. Ang namatay kagabi ay narinig kong may masamang binabalak sa iyo

Ibarra: (Gulat at taka) Sino kayo? Nakapag-aral ba kayo?

Elias: Kailangan lang manalig ng mabuti sa Diyos

IKALIMANG TAGPUAN: Tahanan ng gobernador

: Masayang nagkakainan ang mga mayroong posisyon sa lipunan. Si Kapitan Tiyago, ang kamadente,
ang alkalde, mga pari, ang gobernador, si Ibarra at Maria Clara. Magkakatabi sina Ibarra, gobernador at Maria
Clara nang lumapit si Padre Damaso.

(SE= mga taong nag-iingay)


Padre Damaso: Huwag ninyong isiping makaabala ako sa inyong pag-uusap, mga ginoo.
Gobernador: Magtatagayan kami. Binanggit ni Ginoong Ibarra ang mga makakalulong sa kaniyang proyekto at
may sinabi sya may sinabi siya tungkol dito nang kayo ay dumating.

Padre Damaso: wala akong alam sa arkitektura.

Gobernador: Gayunman, kung tungkol sa gusali, kailangan ang karunungan ng—

Padre Damaso: Karunungan! Tanging isang bobo lamang ang nangangailangan ng kaalaman! Kailangan lang
naman ng isang medyo matino-tinong barbero kaysa sa mga Indiong nagtatayo ng kanilang bahay.

Tagapagsalaysay: Napatingin lahat kay Ibarra, bagama’t namumutla ay nagpatuloy sya sa pakikipag-usap kay
Maria Clara.

Padre Damaso: (Nang-aasar) Isa nating kasama,pinakabobong kasama, ay nagpatayo ng ospital, maganda na,
mura pa. Alam ng bobong iyon kung paano pakikitunguhan ang mga Indiano.

Gobernador: (Sinasakyan ang sinasabi ng pari) Binayaran ng walong kuwalta? Imposible!

Padre Damaso: (Nang-aasar) Tama! At iyan ang halimbawa para sa lahat ng nagyayabang na mabubuti silang
Kastila.

Gobernador: Ngunit Padre Damaso! (Pilit nang piinapahinto sa pagsasalita ang pari)

Padre Damaso: (Nang-aasar) Alam mo naman ang hilig ng mga Indio. Bayaan mong matuto ng konting letra sa
alpabeto at tawagin nang doktor sila. Ang mga ulol na itong nagpunta sa Europa ay hindi man lang natutong
magpahid ng kanilang sipon.

Tagapagsalaysay: :Hindi na nakapagpigil si Ibarra. Hindi na natapos ng pari ang sinasabi at nilundag nito si
Padre Damaso at binayo sa ulo.

Ibarra: (sigaw) Lumayo kayo! Manatili kayo riyan! Kayong lahat! Pakinggan mo ako, pari at hukom, na
naniniwalang iba kayo sa lahat ng ibang tao at may higit na kapangyarihan! Ang ama ko ay isang tapat na tao!
Mayroong mabuting puso, at bukas ang pinto nya sa lahat ng nangangailangan. Pinapasok nya ang paring ito,
pinadulong sa hapag, tinawag na kaibigan. At ano ang iginanti sa kanya? Siniraan pa sya!

Ititnaas ni Ibarra ang kanyang kamay ngunit isang babae ang pumagitna sa dalawa. Pinigil ng malambot na
kamay ni Maria Clara ang bisig ng binata. Nanlisik ang mga mata ni Ibarra nang titigan ang dalaga. Dahang
dahang lumuwag ang pagkakadaklot ng kanyang mga daliri, nalaglag ang patalim, at binitawan ang
pagkakasakal sa pari. Tinakpan ang mukha at nagmamadaling tumakbo palayo

(SE= romantic sounds)

You might also like