You are on page 1of 5

ROLES

 PADRE DAMASO – ROBERT

 CHRISOSTOMO IBARRA – JOEFER

 UTUSAN – GRACE

 ELIAS – RUSSELL/YVES

 MARIA CLARA – PRECIOUS

 ALKALDE – BIANCA/JESSA

 K. HENERAL – BIANCA/JESSA

KABANATA 33: MALAYANG ISIPAN

Narrator: Nang sumunod na gabi…

Utusan: Señor, may gusto pong kumausap sa inyo sa labas.

Ibarra: Sino siya?

Utusan: Hindi po siya nagpakilala, pero ang sabi niya ay kilala mo daw siya.

Ibarra: Sige, papasukin mo siya.

Narrator: Pinapasok ng utusan ang panauhin at tumambad kay Ibarra si Elias.

Ibarra: Elias! Tuloy ka. Hindi ko inaakala na ikaw ang darating. Tara mag-usap tayo.

Elias: Patawad, Señor. Pero dapat talaga ay mag-ingat na kayo. Marami kayong lihim na kaaway!

Ibarra: Hindi lang ikaw ang unang nagsabi sa akin niyan.


Elias: Marami pa silang mga nagtatago sa likod ng mga nakangiting mukha at mabait na katauhan.

Isa na ang taong madilaw kanina sa kanila. Hindi lamang po ako sigurado sa iba sa kanila.

Upang hindi kayo mapahamak, kailangang hindi malaman ng inyong kaaway na kayo’y

handa. Mas mabuti kung makikita ng inyong kaaway na kayo’y hindi nag-iingat at kayo’y

nagtitiwala sa lahat.

Ibarra: Ikinalulungkot ko lamang ang pagkamatay ng taong iyon kanina. Kung nabuhay siya ay

malamang napakin abangan natin siya upang matunton ang iba ko pang kaaway.

Elias: (napangiti) Patawad, Don Ibarra ngunit nagkakamali kayo. Sa galit niya, kung siya’y buhay, ay

magtatago na lamangsiya mula sa baluktot nating pamahalaan. Ngunit mukhang nilalayon ng

Diyos ang mamatay siya. Sana ay lagi ninyong paghandaan ang bawat sandali dahil

paniguradong naghahanda rin sila upang mapuksa ka. Bueno, Señor. Aalis na ako. Maraming

salamat po.

Ibarra: Ako ang dapat magpasalamat dahil niligtas mo ang aking buhay. Magkikita p

ba tayo ulit?

Elias: Oo naman, Señor. Kahit kalian ninyo naisin at kahit kalian ninyo ako kailangan. May

pagkakautang pa ako sa inyo, at alam kong hindi sapat ang aking ginawa upang mabayaran

iyon.

Ibarra: Paalam, Elias.

Elias: (ngumiti)

Kabanata 34: Ang Pananghalian

Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan, ay isang

piging ang naihanda, na dinaluhan ng maraming mga taga-alta de sociedad. Nag-uusap ang
Alkalde at si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng Alkalde sa kausap, habang sumimangot at

nagpasaring sa kanya si Padre Damaso.

P.Damaso: Bakit hindi ninyo ipagpatuloy ang inyong pag-uusap?

Alkalde: Nabanggit lamang sa akin ni Crisostomo ang mga taong nakatulong sa kanya

gaya ng arkitekto at ng Reverencia.

P.Damaso: Nakatatawa ang mga taong kumukuha ng serbisyo ng isang arkitekto.

Nagpapakita lamang Ng kamangmangan ng isang Indio na nagdudunung-dunungan! Ako

lamang ang gumuhit ng plano ng simbahang iyan.

Alkalde: Subalit ang ipinapatayong gusali ni G. Ibarra ay nangangailangan ng eksperto.

P.Damaso: Eksperto? Ang isang paaralan ay binubuo lamang ng apat na pader at isang

bubong na sawali.

Alkalde: Sandali lamang Padre Damaso.

P.Damaso: Magbabayad ang lahat! Ngayon pa lamang ay pinarurusahan na ang ama ng

isang ulupong! Nangangamatay sa loob ng bilangguan at ni walang mahigaang…

Narrator: Sa sobrang galit ni Ibarra ay hinawakan niya ang leeg ng pari upang hindi ito

makakilos at saka iniamba ang matalim na kutsilyo.

Ibarra: Wala kahit sinuman ang maaaring umalipusta sa aking ama! Itong paring ito ang

pinakainiwas-iwasan ko. Isang paring walang galang, at walang utang na loob! Isa siyang

demonyong nagbabanal-banalan! Siguro naman ay dapat siyang mamatay!


Alkalde: Huwag, Señor. Huwag niyong hayaan ang sarili ninyong magkasala sa Diyos!

Ibarra: Magdasal ka na sa lahat ng santo, Padre. Makikita na natin kung dugo o lusak

ang dumadaloy sa mga ugat mo!

Narrator: Iniangat ni Crisostomo ang braso at aktong uundayan ng saksak si Padre Damaso

sa dibdib.

M. Clara: Crisostomo, huwag! Para sa akin, maawa ka sa kanya!

Narrator: Nanghihinang binitiwan niya ang kutsilyo pati na rin si Padre Damaso. Mabilis

siyang lumayo at nawala.

Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral

Narrator: Isang araw, sa opisina ng bagong dating na Kapitan-Heneral…

Alkalde: Kamahalan, kung pahihintulutan ninyo ay nais kayong makausap ni Don

Crisostomo Ibarra.

K. Heneral: Don Ibarra? Ang sinasabing nakaalitan ni Padre Damaso?

Alkalde: Opo, at ang napatawan ng ekskomunyon.

K. Heneral: papasukin mo siya. Gusto ko siyang makausap.

Narrator: Nang nasa loob na si Ibarra…

K. Heneral: Isang karangalan ang makilala kayo, Señor Ibarra.


Ibarra: Ginulat po ninyo ako sa inyong kabaitan, kamahalan. Sa bansang ito ay hindi ako

itinuturing na mabuting tao.

K. Heneral: Tungkol sa pagkakaalitan ninyo ni Padre Damaso, sinisigurado ko sa iyo na hindi

ka magagalaw ng mga pari hangga’t ako ang namumuno sa bansang ito. Kakausapin ko na rin

ang arsobispo na sumulat sa Santo Papa upang maibsan na ang iyong ekskomunyon. Kahit

ako ay gagawin iyon kung ginawa sa aking ama ang ganoong kalapastanganan.

Ibarra: Gracias, kamahalan. Ngayon ay alam ko na kung bakit pinupuri kahit sa Madrid

ang inyong kahusayan, kamahalan. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.

K. Heneral: Bueno, may pupuntahan pa akong mahalagang bagay. Maraming salamat at

nakausap kita, Don Ibarra.

Ibarra: Sige po, kamahalan. Aalis na po ako. Maraming salamat din po.

Narrator: Pagkaalis ni Ibarra ay pinatawag ulit ng Kapitan-Heneral ang Alkalde.

K. Heneral: Mula sa araw na ito Alkalde, inihahabilin ko sa ilalim ng inyong proteksiyon si

Señor Ibarra. Ipaalam mo ito sa Alperes at suportahan mo siya sa kanyang mga adhikain.

Alkalde: Masusunod, kamahalan.

You might also like