You are on page 1of 3

KABANATA 20

ANG PULONG SA TRIBUNAL

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar


na pulungan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. May dalawang
pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binubuo ng dalawang lapian sa
bayan. Ang konserbador ay pangkat ng mga matatanda at ang liberal ay
binubuo ng mga kabataan. Si Don Filipo ang namumuno sa partidong
liberal. Pinag tatalunan nila ang tungkol sa pag daraos ng pista ng San
Diego.

Don Filipino Lino: Hindi ko naiibigan ang inuugali ng Kapitan. Tila ang
layunin ay ipagpaliban ang pag-uusap sa gugugulin. Labing-isang araw na
lamang ay pista na ng San Diego.

Isang miyembro ng liberal: Ang kapitan ay naiwan sa kumbento at


sumangguni sa kurang may sakit.

May pinagtapat si Don Filipino Lino sa kanyang grupo.

Don Filipino Lino: Makinig kayo. Kaninang umaga, pumunta ako kay
Pilosopo Tasyo at ako'y kaniyang pinayuhan. Ang sabi ni Pilosopo Tasyo
ay "Mabuti mang mungkahi ang magmula sa inyo ay di sasang-ayunan ng
matatanda dahil sa higit nilang kinayayamutan ang inyong pagkatao, kaya
ang mabuti ay magmungkahi kayo ng isang bagay na ayaw ninyong
manalo. Kapag natalo na ang mungkahing ito, ipamungkahi sa isa sa mga
karaniwang kasapi ninyo ang ibig ninyong manalo, at siguradong
pagtitibayin ng mga kalabang ibig bumigo sa inyo. Ngunit, kaya nga ako
ang magsasalita upang gawin ang panukala ng ating mga kaaway, kaya ito
ay lihim lamang.

Dumating si Ibarra at ang guro. Sumunod ang Kapitan na mukhang mainit


ang ulo, at tuloy-tuloy na naupo sa silya.

Kapitan: Mga ginoo, ang layunin ng pulong na ito'y upang pag-usapan


natin ang mga bagay na makapagpapasaya sa pista ng San Diego at ang
kaukulang gugugulin sa mga nasabing bagay.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nang magkagayo’y
tumindig sa silya ng matatanda ang isang taong may anyong makisig na
may mga apat na pung taon ang gulang. Siya ang mayamang si Kapitan
Basilio, kaaway ng nasirang si Don Rafael.
Walang binisa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito nag-
hapag ng isang mungkahi at talaan ng mga gastos si Don Filipo.

Don Filipino Lino: Mga ginoo, tayo ay magkakaroon ng isang maringal na


pistang bayan sa halagang 3,500 piso. Ang halagang ito'y gugugulin sa
mga sumusunod: isang malaking dulaan sa liwasan ng bayan sa halagang
150 piso; isang komedyang magtatanghal sa loob ng pitong gabi sa
halagang 200 piso bawat gabi o 1.400 piso; dalawang bomba at 200
kuwitis na ang halaga ng bawat isa'y piso o kabuuang 400 piso.

Binatikos si Don Filipo sa kaniyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras


niya ang mga ito. Halos mag kagulo sa pulong dahil sa pag-uunahang
makahingi ng pahintulot na magsalita. Nang matiwasay na ang pulong
isang batang kabesa ang humingi ng pahintulot na makapag salita.

Batang Kabesa: Iminumungkahi ko pong lumikha tayo ng mga


makabagong palabas na hindi karaniwang nakikita araw-araw, at sikaping
huwag lumabas sa bayan ang mga salaping gugugulin.

Mga Konserbador: Magaling, mahusay na bata!

Batang Kabesa: At iminumungkahi ko pa rin na isang bahagi ng salapi ay


iuukol sa mga kapuri-puring gawain tulad ng pagbibigay ng gantimpala sa
mga batang mahusay mag aral. Magdaos tayo ng katutubong palaro tulad
ng palosebo, at ang dalawang banda ng musiko ay sapat nang makapag
pasaya sa ating bayan. Ang salaping lalabis ay itutulong natin sa
pagpapatayo ng paaralan upang ang mga batang nag-aaral ay huwag
nang makisuno sa kumbento ng simbahan.

Napagkaisahang sang-ayunan ang panukala ng batang kabesa, at uyamin


ang teniente mayor, ngunit ang Kapitan ay pinagpapawisan at hindi
mapalagay.
Kapitan: Sang-ayon din ako, ngunit iba ang nais ng ating kura. Gusto ng
kura- anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor, komedya na
may awitan sa pagitan ng yugto. Ito ang mga ibig ng kura at ako'y
nakatango na sa kanya.

Lahat: Bakit pa ninyo kami pinulong?

Kapitan: lyan ang sasabihin ko sa inyo, ngunit naunahan ako ni Kapitan


Basilio sa pagsasalita, kaya hindi ko naituloy.

Ang kabataan ay nagsialis, nilapitan naman ni Don Filipo Lino ang Kapitan.

Don Filipo Lino: Alang-alang sa isang mabuting layunin nilimot ko ang


aking sarili ngunit kayo nilapastangan ninyo ang sariling karangalan upang
itaguyod ang masama.

Si Ibarra'y nagpaalam sa kasamang guro, at ipinaalam na siya'y pupunta


sa dulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang balak.

You might also like