You are on page 1of 1

Kabanata 20

ANG PAGTITIPON SA TRIBUNAL


•Nagsisimula na ang pagpupulong nang dumating sina Ibarra at ang guro.

•Dalawang pangkat ang nakapaligid sa mesa at binubuo ito ng dalawang lapian sa bayan.
Ang pangkat ng mga matatanda ay tinatawag na conserbador. Ang pangkat na binubuo
ng mga kabataan ay tinatawag na liberal.

•Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo at pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng


pista ng San Diego.

•Ang mungkahi ni Don Felipo ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang


bayan. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 habang ang komedya naman ay P1,400
na tig-P200 bawat gabi. Kailangan dinmaglaan ng P1,000 para sa mga paputok

• Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi kaya imparts naLamang ang mga
ito.

• Ang sunod na nagmungkahi naman ay ang Kabesa sa puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mga mungkahi ay tipirin ang pagdiriwang. Walang paputok at taga San Diego
ang magpapalabas ng komedya at sariling ugali ang paksa para maalis ang masamang
ugali at kapintasan.

• Nawalan din ng saysay ang panukala ng Kabesa dahil ipinahayag ng Kapitan na


nakapagpasya na ang Kura tungkol sa pista.

•Ang pasya ng Kura ay pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong misa mayor, tatlong
sermon at komedya sa Tundo,

Aral:
Sa pagtitimbang ng mga layunin laging alalahanin ang karapatan, kalagayan at
kasiyahan ng mga nakakarami laban sa bilang ng iilan lamang

You might also like