You are on page 1of 2

Ang kasaysayan ng Wikang Filipino

Ang kasaysayan ng Wikang Filipino

ni Nigel Brian Carpio

Ano ba ang kasaysayan ng wikang "Filipino"? Bakit ba kailangan natin malaman ang kasaysayan nito?
Gaano ba ito kahalaga para sa atin na malaman ang kasaysayan nito? Bakit mahalaga na magkaroon ng
isang wikang pambansa ang isang bansa o lugar? Ginawa ko ang blog na ito para malaman, maunawaan
at pahalagahan natin ang kasaysayan ng wikang Filipino.

Pero bago ko talakayin ang kasaysayan ng wikang Filipino, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng wikang
pambansa?

Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa ang isang lugar para mapalaganap ang pagkakaisa ng mga
tao. Ang wika ay isang paraan para mapahayag ang damdamin ang isang tao at maibahagi ito sa ibang
tao.

Pagkatatag ng wikang Filipino:

Bago pa isinulat ang 1935 Konstitusyon, nagkaroon na ng wikang pambansa. Nakatala sa Artikulo 14
Seksiyon 3 na, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." Noong 1936, itinatag ng
dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel Quezon ang Surian upang pag-aralan ang iba't ibang wika ng
Pilipinas para mapili ang wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na manaliksik at maging gabay sa pagpili
ng wikang pambansa. Si Jaime de Veyra ang nagsilbing pinuno ng komite na nagsagawa ng pag-aaral,at
napili niya ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Pero sa dinami-raming wika sa Pilipinas,
bakit Tagalog ang napili nila bilang batayan ng Wikang Pambansa? Narito ang mga naging batayan nila:
1. Sinasalita ng maraming Pilipino ang Tagalog ng maraming mamamayan sa iba't ibang rehiyon sa
Pilipinas.

2. Hindi ito magulo at hindi ito nahahati sa mas maliit na wika katulad ng Bisaya.

3. Ito ang ginagamit na wika ng Maynila, ang kabisera ng ekonomiya at pampolitika ng Pilipinas.

4. Ito ang ginamit na wika sa Himasikan at Katipunan - dalawang mahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas.

Noong 1937, ipinalabas ni Pangulong Manuel Quezon ang kautusang tagapaganap Blg. 134 na Tagalog
ang magiging batayan sa pagbuo ng Wikang

Pambansa. Dahil sa layunin ni Quezon na magkaroon ng sariling wikang pambansa, tinawag siyang "Ama
ng Wikang Pambansa".

Noong 1959, tinawag ang wikang ito na Pilipino. Noong 1973, Itinupad naman ng Saligang Batas ang
panibagong tawag sa wikang bambansa, ang "Filipino".

Pero habang itinitupad ang batas, mayroong mga tao na hindi pabor na ang Tagalog ang maging wikang
pambansa. Karamihan ng hindi pabor sa batas ay ang mga mamamayan na may sariling wika.

At dito nagtatapos ang aking Blog tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino. Sana naunawaan at
napahalagahan niyo ang layunin ng batas na palawakin ang pag-kakaisa ng bawat tao.

You might also like