You are on page 1of 4

Gallora, Ryan B.

GEFID01X - WIKA AT PANITIKAN SA PAGPAPATIBAY


DEN213 NG PIILIPINONG IDENTIDAD

Lakbay ng Wikang Filipino Tungo sa Pagyabong

Tunay ngang nahubog ng panahon at napagyaman ng mga nakaraang pangyayari


ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Mga makabuluhang kaganapan at mga iilang
personalidad na may malaking ambag sa pagpapayabong ng Wikang Filipino na siyang
masasalamin sa kasulukuyang estado nito, at siya pa ring patuloy na pinagyayaman ng
mga Pilipino. Ilan lamang sa mga kinikilalang tao, samahan, at pangyayari na nagbigay
ng mahalagang kontribusyon sa pagkakatatag ng kinikilalang wikang ay sina: Dating
Pangulong Ramon Magsaysay; Francisco Balagtas; Dating Pangulong Manuel M.
Quezon; Monroe Commission: pagsulong ng Biak na Bato; at ang pag-usbong ng
mekanismo bilang batayan sa Surian ng Wikang Pambansa.

Isang paraan ng pagpapayaman ng kultura partikular na sa wika ang ginampanan


ng Dating Pangulong Ramon Magsaysay. Taong 1954, ika-26 ng Marso, sa ilalim ng
kanyang pamumuno sa bansa, nilagdaan niya at idineklara ang kaganapan ng isang
proklamasyon na nagpapahayag sa kapetsahan ng ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng
Abril na maging ganap na pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa. Isang
selebrasyon bilang paggunita sa Dating Pangulong si Manuel M. Quezon, na siyang
nagsulong sa pagtatag ng isang wika na ituturing na pambansang wikain na iiral sa buong
kapuluan ng Pilipinas. Taong 1955, Setyembre 23, sa ilalim pa rin ng kanyang pamumuno
ay isinulong ang Proklama Blg. 186 na nagtatakdang ilipat ang taunang pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa sa ika- 13 hanggang 19 ng Agosto na siya pa rin patuloy
na ipinagdiriwang hanggang sa kasalukuyan.
Sa usaping Wikang Filipino at pag-unlad nito, malaking parte ang ginampanan ng
Dating Pangulong si Manuel M. Quezon ang itinuturing na ama ng Wikang Pambansa.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, itinagubilin niyang marapat na makapagtatag ng isang
samahan na naglalayong magsagawa ng isang pag-aaral sa mga umiiral na katutubong
wika sa bansa at magtakda, makapagtibay, at makapagpaunlad ng isang wikang
hihiranging panlahat. Taong 1936, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 ay naitatag ang
Surian ng Wikang Pambansa na may layuning masusing pag-aralan ang mga katutubong
wika at pumili ng isa na ihihirang bilang batayan ng Wikang Pambansa gamit ang mga
naisulong na pamantayan. Taong 1937, isang taon ang ginugol sa pag-aaral, sa ilalim ng
kapangyarihan ng pangulo, ihinirang na Wikang Tagalog ang pagbabatayan ng Wikang
Pambansa alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ngunit ganap lamang na
masisilayan pagkalipas ng dalawang taon. Sa ilalim pa rin ng kanyang pamamahala ay
ipinag-utos ang paglilimbag ng balarila at diksiyunarong nakasulat sa Wikang Pambansa
ang kautusang nagpapahayag ng pagtuturo nito sa buong kapuluan ng Pilipinas.Taong
1946, idineklara na ang Wikang Pambansa ay kabilang na sa opisyal na wikang iiral.

Sa pagkakataguyod ng Surian ng Wikang Pambansa noong taong 1937, upang


masusing matukoy ang katutubong wika na pagbabatayan pambansang wika, isang
pamantayan ang isinulong ng nasabing samahan. Ang pamantayang ito ang naging tulay
upang matukoy na Tagalog ang siyang hiranging wikang pagbabasehan. Nakapaloob sa
pamantayang ito ang mga krayterya na kinailangang tugunan ng Tagalog na wikain. Ito
ay nararapat na maunlad sa kayarian; wikang ginagamit sa sentro ng kalakaran;
ginamagamit ng nakararaming Pilipino; at mayroong mekanismo at literatura. Ang
pagkapili sa Tagalog bilang batayang wika ay ang parting ginampanan ng mekanismo ng
wika.

Isa rin ang panitikan sa tumulak patungo sa pagyabong ng Wikang Filipino na


siyang pinakikinabangan ng maraming tao sa kasalukuyan. Isang personalidad na may
malaking ambag pagdating sa ganitong aspeto ay si Francisco Baltazar o mas kilala sa
ngalang Francisco Balagtas ang “Ama ng Balagtasan”. Siya ay itinuturing na isa sa
pinakadakilang manunulat ng literatura sa dahil sa makabuluhan dulot nito sa Panitikang
Filipino na may malaking impluwensya sa pagyaman ng wika sa pamamagitan ng lubos
na pagmamahal niya sa panitika.

Bukod sa mga personalidad na nabanggit mayroon ding mga di-taong mga aspeto
ang nagkaroon ng malaking implikasyon sa pag-usbong ng wika ngayon. Sa tadhana ng
Saligang Batas ng Biak na Bato taong 1897, pagkatapos ng naganap na pag-aalsa ng
sinaunang Pilipino upang labanan ang Kastilang pamahalaan noong 1896, ay naganap
ang unang pagsisikap ng mga Pilipinong nagmumula sa iba’t ibang dako ng bansa na
magkaroon ng iisang wikang opisyal na siyang gagamitin sa pakikipagtalastasan. Ganap
na naisaad sa probisyong ito na bunsod ng naipamalas na pagkakaisa ng mga Pilipino
bunga ng mga nakapupukaw na mga akdang nakasulat sa tagalog na wikain noong
kasagsagan ng propaganda ang katagang: “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging
opisyal na wika ng mga Pilipino.

Ngunit tila iba ang kaganapan ng Sistema pagdating sa wika noong panahon ng
Amerikano kung saan Ingles ang opsiyal na wika at midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan na itinakda ng Philippine Commission noong 1901 sa bisa ng Batas 74. Subalit,
lumalabas sa sarbey na isinagawa ng Rebolusyong Monroe na tila hindi sapat ang wikang
ingles bilang midyum ng instruksyon sa mababang antas ng paaralan na nagdudulot ng
kabagalan sa pagkatuto ng mga ito. Kaya naman ay nagpasya si Butte, ang kalihim ng
pampublikong edukasyon at nakaupong gobernadora-heneral na magmungkahing
bernakular na wikain ang siyang gagamiting panturo sa primarya.

Mahabang panahon ang ginugol upang maabot ng WIkang Filipino ang


kayamanang tinataglay nito sa kasalukuyan. Ilang pagpupulong at pagtatalo ang
naganap mangyari lamang ang mga ito. Patuloy pa nawa na pagyamanin ng mga Pilipino
ang wikang ito. Ang wikang sumasagisag sa puso, nasyonalismo, at identidad ng mga
taong nakatira mula Batanes hanggang Jolo, oo kahit sinomang Pilipino sa buong mundo.
Sanggunian:
Añonuevo, R. (2021, August 26). Komisyon ng Wikang Filipino. Retrieved from
kwf.gov.ph: https://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

R., S. (2017). Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Retrieved from www.slideshare.net:


https://www.slideshare.net/RichelleSerano/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-
81940212

Wika at Panitikan. (2012). Retrieved from


http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/wikang-filipino.html

You might also like