You are on page 1of 2

Takdang Aralin sa Sining ng Pakikipagtalastasan

Xander Christian Raymundo


January 31, 2023
BSN-N1F
Mrs. Lerma Casubuan

Batas Pang-wika
1897

Sa Saligang Batas na ginamit sa Pakto ng Biak-Na-Bato, may probisyong ganito, “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging
opisyal na wika ng Pilipinas.”

Iniisip ng mga lider na Pilipino nang panahong yaon na magkakaroon lamang tayo ng ganap at tunay na kalayaan kung mayroon
na tayong isang wikang pambansa.

Sa pag-uusap ng pangkayapaan sa pagitan ng mga Kastila at Pilipino, hindi pumayag si Paterno, tagapamagitan sa pag-uusap nila
Primo de Rivera at ng pamahalaang Kastila, na hindi Tagalog ang gagamitin sa pag-uusap.

1900-1915

Pagkatapos ng pagsakop sa atin ng mga Amerikano, lumitaw ang iba’t ibang samahang pangwika, tulad ng:

Aklatang Bayan (1900). Dito naiipon ang mga akda ng mPagkataposga manunulat na sa anyong “dagli”, na maikling
kuwentong may aral at paalaala.

Kapulungan ng Wikang Tagalog (1903). Isang samahan din ng mga nagmamalasakit sa wika, lider mamamayan at
manunulat.

Samahan ng mga Mananagalog (1908). Isang samahan din ito ng mga manunulat sa Tagalog ng panitikan at gramatika. Ang
nanguna rito ay si Lope K. Santos na kinikilalang “Ama ng Wikang Tagalog at Apo ng mga Mananagalog”.

Akademya ng Wikang Pilipino (1915). Ito naman ay isang samahan ng hindi lamang mga manunulat ang kasapi kundi
gayundin ng mga guro, mamamahayag at iba pa.

Hindi kalabisang sabihin dito na nanguna sa pagpapalaganap ng wika sina Lope K. Santos, Faustino Aguilar. Patricio Mariano at
Severino Reyes. Sa mga unang taon ng pananakop at pamamahala ng mga Amerikano, mayroon na silangnegatibong pananaw
ukol sa edukasyon ng mga Pilipino. Unang una, ang pangulo noon ng Amerika na si McKinley ay hindi sang-ayon na gamiting
wikang panturo ang wikang Tagalog. Pinagtibay ng Philippine Commission ang batas bilang 74, na nag-aatas na ang gagamiting
panturo ay wikang Ingles, na mahigpit namang tinutulan ng mga kilusang pangwika, gayundin ng mga mambabatas, mga
mamamahayag at gurong Pilipino.

Kabilang nga sa mga kilusang pangwika na nagpakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa wikang Tagalog ay ang:

Aklatang Bayan noong 1900. Masiglang nagsisulat ang mga miyembro ng mga kuwento, at iba pang akda para mapadali ang
pagpapalaganap ng sariling wika at panitikan. Noon namang 1903, ang kapulungan ng Wikang Tagalog ay gumawa ng paraan
upang mapadalisay at mapayaman ang wikang Tagalog.

Noong 1908, ang Samahan ng mga Mananagalog na pinamumunuan ni Lope K. Santos na tinaguriang “Apo ng mga
Mananagalog” ay gayundin ang layunin.

Noong 1915, ang “Akademya ng Wikang Pilipino”, na may layunin ding mapayaman ang Tagalog ay gumawa ng
panghihiram ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas tulad ng:

Bana – Hiligaynon Imam – Tausog

Gahum – Cebuano Fuddul - Ibanag

1925

Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational Commission at sa pagsuporta ng Amerikanong Bise-Gobernador ng Pilipinas noon,
lumabas ang panukalang Batas 557 na nag-uutos na gamiting panturo ang mga katutubong wika simula sa taong 1932 – 1933.

1935

Kasabay ng malaking pagnanasa sa kasarinlan, sinuportahan ng noo’y Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt
ng Pilipinas ang mungkahi nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Sofronio Calderon, Jose Sevilla, at iba pa.

Sa Artikulo XVI Sek. 3 ng Saligang Batas ng 1935, ay ganito ang isinasaad “Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang Wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan”.

Takdang Aralin sa Sining ng Pakikipagtalastasan 1


1936

Para maisakatuparan ang probisyon ng Saligang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa, na
binigyan ng kapangyarihang gumawa ng pangkalahatang pag-aaral at pipili kung alin sa mga wika ng kapuluan ang nararapat
pagbasehan ng gagawing wikang pambansa.

1937

Hinirang ng Pangulong Quezon ang pitong (7) palaaral na Pilipino upang bumuo ng kauna-unahang pamunuan ng Surian ng
Wikang Pambansa. Sila ang mga mag-aaral at pipili kung alin sa mga katutubong wikain ang magiging batayan ng Wikang
Pambansa ng mga Pilipino. Ang pitong napili ni Pangulong Quezon ay kakatawan sa pitong lalawigan na iba’t iba ang katutubong
wika.Ang Pitong (7) Palaaral ay ang mga sumusunod:

Jaime C. De Veyra – Tagapangulo (Bisaya-Samar)

Cecilio Lopez – Kalihim at Pangulong Tagapagpaganap (Tagalog)

Santiago A. Fonacier – Kagawad (Ilokano)

Filemon Sotto – Kagawad (Bisaya-Cebu)

Felix S. Salas – Kagawad (Bisaya-Hiligaynon)

Hadji Butu – Kagawad (Muslim)

Casimiro F. Perfekto – (Bikol)

Mapapansin na ang bumubuo sa lupon ay mula sa iba’t ibang pook o rehiyon para maiwasan ang diwang makapurok o
“regionalism”. Nagtakda sila ng pamantayan sa pagpili. Ang wikang pipiliin ay yaong may sumusunod na katangian:

Ginagamit ng nakararaming Pilipino.

Sa wikang ito nasusulat ang pinakadakila at maraming panitikang Pilipino.

May pinakamaunlad na balagtasan.

May mayamang mekanismo

Madaling matutuhan ng mga mamamayan.

Bunga ng pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa ay pinagtibay nila ang resolusyon na Tagalog ang gagawing saligan ng
magiging Wikang pambansa, kaya noong Disyembre 30, 1937, sa isang Kautusang Tagapagpaganap 34, ipinahayag ni Pangulong
Quezon na ang batayan ng Wikang Pambansa ay Tagalog.

1940

Itinadhana sa Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pambansang Wikang Pilipino ay isa ng wikang opisyal ng Pilipinas.

1950

Kailan naman naging Pilipino ang tawag sa Wikang Pambansa? Ang kautusan Pangkawaran Blg. 7 ay nagsasabi na sa tuwing
tinutukoy ang tungkol sa Wikang Pambansa, Pilipino ang gagamitin.

1987

Ito ang taon kung kailan napalitan ang tawag sa Pilipino sa Wikang Pambansa ng Filipino. Sa Panukalang Saligang Batas ng 1987
ay may tiyak na tadhana tungkol sa wika. Ang Artikulo XVI, Sek. 6, 7 ay nagtadhana na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino at samantalang nililinang ito, ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika ng banyaga.Buhat noon, marami nang mga hakbang ang naisagawa tungkol ssa Wikang Pambansang Filipino, tulad ng
sumusunod:

Ang pagdaragdag ng walong (8)letra sa dating 20 titik ng Abakada o alpabeto. Ang walong mga titik na nadagdag ay – c, f, j,
ñ, q, v, x, z , kaya 28 na ang bilang ng bagong alpabeto, at ito ay binibigkas nang pa-ingles tulad ng pagbigkas sa English
alphabet.

Takdang Aralin sa Sining ng Pakikipagtalastasan 2

You might also like