You are on page 1of 16

SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG DEGLA SA
HUWETENG: ISANG
EKONOMETRIKONG
PAGSUSURI SA
PAGTATAYÂ NG MGA
RESIDENTE SA LUBAO,
PAMPANGA

NI JEMA M. PAMINTUAN

Bisa kang til-til asin, táya ka king hueting2


(Kung ibig mong magdildil ng asin, tumaya ka sa huweteng.)

ubalit hindi alintana ng ilang Kapampangan ang babalang ito ng sawikain.


S Kaakibat na ng kanilang pagtatayâ sa sugal ang paggamit ng ibá’t ibáng uri
ng degla sa pagpili ng numero. Degla ang katumbas ng salitâng deskarte sa mga
Kapampangan at madalas itong ginagamit ng mga tumatayâ kapag kinakausap at
kinokonsulta ang kobrador tungkol sa katumbas na numero ng kanilang panaginip,
halimbawa, “nanaginip ako, deglahin mo nga” na nangangahulugang, “deskartehan
mo nga”o kung ipapaliwanag pa “ano ang dapat kong itayâng numero batay sa
napanaginipan ko?”
Sa usapin ng degla, kritikal na makapaghain ng impormasyon hinggil sa ugnayan
ng halaga ng tayâ at batayan ng pagpili ng numerong ipinusta—gaano ang itataas
o ilalaki ng halaga ng tayâ kung “dinegla ng kobrador” o “pinadegla sa kobrador”
ang mga numero? May impluwensiya ba ang pagdedegla sa halagang ipinupusta
sa sugal? Sa ekonomiyang iniinugan ng mga sugalan, tulad ng purok sa Lubao na

330
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

pinananaigan ng huweteng, may estimasyon ng halaga ng degla sa pamilihan ng


sugal na nakapagdidikta ng paraan ng pagkonsumo at maaaring nakapagpapabago ng
kompigurasyon ng paggasta ng mga residenteng tumatayâ sa huweteng. Ito naman
ang pauunlarin sa kabanatang ito, na magtatalakay ng empirikal na pag-aaral na
isinagawa sa isang purok sa Lubao, Pampanga.
Ito ang pangunahing ibig problematisahin sa pag-aaral: Paano tinutuhog ng
konsepto ng degla ang pagpapagalaw sa, pamamayagpag ng, at pagpapanatili sa
operasyon ng huweteng sa lipunang Filipino? At ang isang anggulo rito na maaaring
tuklasin, kung masusukat, gaano nga ba ang impluwensiya ng pag-angkla sa mga
degla, sa halagang itinatayâ ng mga sumusugal? Maaaring paratangang irasyonal
ang paniniwala sa mga degla, subalit hindi matatawarang isa itong rasyonal at tiyak
na paliwanag sa kalikasan ng pagtatayâ ng isang táong nagsusugal. Tangka rin ng
saliksik na ipaliwanag ang komoditisasyon ng degla bílang aparato sa patuloy
na pamamalakad ng sugal at pagpapatunay ng timbang ng paggamit nitó na may
impluwensiya sa halaga ng tayâ. Gagawin ito sa pamamagitan ng komputasyon at
pagsusuri sa market value ng degla na inilalako sa merkado ng lunang ginawan ng
empirikal na pag-aaral, bílang patunay ng pananaig ng politika at pamumulitika, sa
pagpapaliwanag ng ekonomiks ng degla.
Sa pagsubok ng bisa at impluwensiya ng degla sa gawî ng pagtatayâ ng mga
nagsusugal, napili bílang lunan ng saliksik ang Pampanga sapagkat ito ang itinuturing
sa kasalukuyan na “Jueteng Capital of the Philippines.”3 Ang Lubao, Pampanga rin
ang bayan ng tanyag na itinuturing na hari ng huweteng na si Rodolfo “Bong”
Pineda.4 Isang kakilala at kapuwa mananaliksik ang nagsilbing pangunahing contact
person sa pagsagawa ng etnograpikong pag-aaral. Taga-Lubao rin ang kakilalang
ito at ipinakilala ako sa ilang mga residente sa Lubao na nakatrabaho ng kaniyang
tatay. Sa isang purok ako nagtuon ng aking pananaliksik para sa mga buwan ng Marso
at Hunyo, taóng 2010. Tatawagin ko na lámang Purok A ang nasabing lugar kung
saan nagsagawa ng pag-aaral, bílang paggalang sa pangangailangan na ingatan ang
identidad ng nasabing purok.
Binibigyang-diin na anumang pagsusuri sa mga ihahaing datos, pagtatanghal ng
interpretasyon sa nakalap na mga impormasyon, ay inaangkin at sariling paninindigan
ng mananaliksik, at hindi naimpluwensiyahan o nalangkapan ng opinyon, komento o
mungkahi ng mga kinapanayam.

IMPORMASYON AT DESKRIPSIYON SA HEOGRAPIYA,


SÚKAT, POPULASYON NG LUBAO, PAMPANGA
Ang Lubao5 ang isa sa dalawampu’t dalawang munisipalidad ng lalawigan ng
Pampanga, na may apatnapu’t apat (44) na barangay, at kabuoang sukat na 15,731.11

331
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ektarya.6 Taal na ikinabubuhay ng mga taga-Lubao ang pagsasáka (ang Lubao ang may
pinakamataas ng produksiyon ng palay sa Pampanga), pangingisda, at pag-aalaga ng
mga babuyan at manukan.7 Kasalukuyan itong nása ilalim ng pamamahala ni Mayor
Mylin Pineda-Cayabyab, gayundin ng mga opisyal na lalawigan ng Pampanga na sina
Gobernador Lilia Pineda (ina ni Mylin Pineda-Cayabyab) at Cong. Gloria Macapagal-
Arroyo.
Ang lugar kung saan isinagawa ang etnograpikong pag-aaral na tatawaging Purok
A ay may estima na halos 120 households o pamilya, sang-ayon sa nakapanayam na
purok chairman ng lugar.

ANG HUWETENG SA PUROK A


“Para lámang daw sa mga tamad ang pagsusugal, pero hindi para sa mga tulad kong
kobrador na tatlong beses isang araw, pitong beses isang linggo, ang pangongolekta
ko ng tayâ. Pinagtitiyagaan talaga namin ito para kumita,” sambit ni Mang Tony
(hindi tunay na pangalan), isang nakapanayam na kobrador. Matindi ang epekto ng
pagpapatigil sa operasyon ng huweteng sa pinansiyal na katayuan ng mga kobrador
at empleado ng huweteng. Sang-ayon sa isang ulat, pansamantalang natigil ang
operasyon ng huweteng sa ilang bayan sa Pampanga noong taóng 2005, at idineklara
ni Central Luzon Police Director Chief Superintendent Alejandro na “jueteng-free”
na umano ang Pampanga.8 Sa parehong artikulo na ulat ng Philippine Star noong
taóng 2005, inihayag umano ni dating Rep. Reynaldo Aquino ng San Fernando,
Pampanga na may 20,000 batang mag-aaral sa bayan ang hindi muna makapapasok
sa eskuwelahan sapagkat nawalan ng hanapbuhay ang kanilang mga magulang, na
umaasa sa huweteng.9 Idinagdag pa ni Aquino na may halos 15,000 pamilya sa distrito
ang umaasa sa huweteng para kumita ng salapi, bílang mga kobrador, kabo at ibá pang
empleado para sa operasyon ng sugal, samantalang sa obserbasyon naman ng dáting
alkalde ng Angeles City na si Carmelo Lazatin, may halos 1,200 pamilya sa lungsod
ang kumukuha ng kanilang kabuhayan sa huweteng.10 Patunay ito na ang huweteng
ang isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ng Pampanga.
Ang pangunahing nakikibahagi sa huweteng ay ang mga ordinaryong residente
ng komunidad, ang masa ng purok. Tinanong ko kay Mang Tony kung may mga
tumatayâ ba sa kaniya na mga maykáyang residente, at sabi niya ay wala raw. Hindi
raw siya kumakatok sa malalaking tahanan at pakiramdam daw niya ay hindi
naman kailangang tumayâ ng mga naroon, at ni hindi magtatangka ang mga ito na
makihalubilo sa tulad niyang kobrador, na OK lang naman daw, dahil siya mismo
ay mukhang hindi rin makakapalagayang-loob ang mga nagmamay-ari ng tahanang
iyon. Ani Mang Tony, pati ang mga bataà, mga mag-aaral ng elementarya, ay nahihilig
din umano sa pagtayâ sa huweteng.

332
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

Ang resulta ng mga nanalong numero ay ipinapatalastas ng kobrador sa


pamamagitan ng pag-iikot sa komunidad. Sa ilang pagkakataon, nagpapadala na
lámang umano ito ng text message sa mga residenteng nagwagi sa halip na personal
pa itong pumunta sa tahanan.

MGA URI NG DEGLA SA HUWETENG


Ano-ano nga ba ang pinagbabatayan ng mga numerong itinatayâ? Hindi na lámang ito
limitado sa mga panaginip na laman ng anunsiyo sa mga dagli at maikling kuwento
noong panahon ng kolonyalismong Americano. Kasáma sa mga salalayan ng pagtayâ
ang mahahalagang petsa gaya ng kaarawan, petsa ng pagkamatay ng kaanak, pista,
edad ng tumatayâ o kaanak nitó, plate number ng sasakyan, mga hugis na makikita sa
kaligiran (halimbawa nitó). Madalas ding ginagawang deskarte ng mga tumatayâ ang
kombinasyon ng mga numero, halimbawa, mula sa petsa ng kaarawan na itatambal
sa numerong katumbas ng napanaginipan. O kayâ, petsa ng kaarawan at edad ng
tumayâ, at ibá pa. Kritikal ang tungkulin ng kobrador sa paggana ng mga degla.
Nangangahulugan, hindi lámang pansariling deskarte ng tumatayâ ang gamit niya
ng petsa ng kaarawan, edad, at ibá pang inaalagaang numero, sapagkat ang ilan sa
mga tumatayâ ay nagpapadegla sa kobrador, halimbawa, ng mainam na kombinasyon
ng mga numero. Nagsisilbing tagapagmungkahi ang kobrador ng mabisang combo o
kombinasyon ng tatayaang numero ng residente, halimbawa, alin ba ang mas mainam
maunang numero sa listahan, ang petsa ng kaarawan o edad ng asawa? Gayundin, ang
kobrador ang tagapagtukoy ng mga katumbas na numero sa panaginip o anumang
imaheng ibig ipadegla ng tumatayâ.

ILANG DEGLA NA ISINASAGAWA SA


PAGKONSULTA SA KUWADERNO NG KOBRADOR
Naniniwala ang ilang tumatayâ ng huweteng na hindi lámang “dalá ng
pagkakataon” ang pagkakapanalo ng mga nabunot na numero. May posibilidad
umano na may partikular na padrong sinusundan ang mga numerong nagwawagi
kada araw. Ang ilan ay naniniwalang nakatadhana ito, ang ilan naman ay kumbensido
sa sinasadyang pagbunot ng mga numero sa tambiyolo, gayong hindi nga ito malinaw
na nasasaksihan, at hindi ito namomonitor at napapanood ng mga tumayâ (maski
ng mga kobrador). Kung kayâ, ang pagsipat, pagtingin, pagkapâ ng padron sa mga
numerong nagwagi na at nakalista sa kuwaderno ng mga kobrador ay malimit na
ginagamit na batayan ng tatayaang mga numero. Instrumental ang mga kobrador
sa prosesong ito, sapagkat hindi lámang kuwaderno nilá ang kailangan, maging ang
kanilang mungkahi at mismong pagtatayâ sa paraan ng pagsuri ng tumatayâ.

333
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

SUMA-SUMA
Titingnan ng tumatayâ ang notebook ng kobrador at papasadahan ang mga numerong
nagwagi na noong mga nakaraang bola. Mula rito, ang gagawin ng tumatayâ,
papakiramdam kung aling numero ang ipapalagay nitóng posibleng tumama sa
susunod na bola. Ayon sa ilang mga nakapanayam, madalas nilang pipiliin mula sa
listahan ang mga numero na matagal nang hindi tumatama. Ang ibá naman ay hihingi
muna ng pagsang-ayon mula sa kobrador bago siguruhin ang tatayaang numero.

DISENYO NG SAMPLE AT URI NG TINIPONG DATOS


Systematic Random Sampling11 ang gagamiting metodolohiya sa pagpili ng mga
kakapanayaming residente upang magarantiya na may representasyon ang populasyon
ng purok. Kada ikatlong bahay ang kukuning mga indibidwal na gagamitin para sa
saliksik, samakatwid, sa halos 1,200 residente sa purok, 40 ang gagamiting sample.
Panel data12 ang uri ng datos na tinipon sa pag-aaral ng purok. Nagsagawa ng
etnograpikong pag-aaral sa mga buwan ng Marso at Hunyo, sa parehong pangkat ng
mga residente, upang makita kung may impluwensiya ang pagkakaibá ng panahon
(tag-init vs tag-ulan) sa gawi ng pagtatayâ ng mga residente. Lingguhan ang
naging batayang-panahon ng mga kinalap na datos upang mas tiyak ang pagsiyasat
sa pagtatayâ sa huweteng ng mga kakapanayaming indibidwal. Dahil kailangan
ang datos ng nakaraang pagtayâ sa huweteng, higit na madaling maakses ng mga
indibidwal sa kanilang gunita ang itinaya nilá ng nakaraang linggo kaysa sa nakaraang
buwan. Hindi na gumamit ng mga questionnaire sa pananaliksik sapagkat maaaring
makaengkuwentro ang suliranin ng di-pagtugon o kakulangan sa pagtugon ng ilang
mga indibidwal. Direktang panayam at pakikipag-usap sa mga residente ang ginamit
na metodo, pagkat kinikilala na ang kainaman ng resulta ng pananaliksik ay mahigpit na
nakabatay sa datos na makukuha mula sa empirikal na pag-aaral. Malaking tulong din
sa isinagawang empirikal na pag-aaral ang kakayahan ng mananaliksik na makaunawa
at makapagsalita sa wikang Kapampangan. Sa karanasan sa pakikipanayam, higit na
komportable sa paggamit ng wikang Kapampangan ang karamihan sa mga residente.

PROFILE NG MGA RESIDENTENG KINAPANAYAM AT BUOD NG MGA


DATOS
Ang komprehensibong deskripsiyon at talâ para sa mga nakalap na datos ay nakaayos
sa pamamagitan ng mga table na matatagpuan sa mga susunod na pahina. Bagaman
babanggitin din ang buod ng mga datos, may mga pie graph na katuwang ang mga ito
para sa higit na biswal na artikulasyon ng mga impormasyong halaw sa mga residente,
gayundin, paunang interpretasyon sa mga ito.

334
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

EDAD
Ang edad ng mga kinapanayam ay mula 18 hanggang 76 na taóng gulang. Pinakamalaki
ang bílang ng mga kinapanayam na may edad 25-34 na taóng gulang, na katumbas ng
30% ng kabuoang bílang, samantalang pinakakaunti ang nása edad 65 pataas (5% ng
kabuoang bílang ng kinapanayam). Kung lilikha pa ng mas detalyadong eskema ng
paghahati ng mga edad.13

KASARIAN NG MGA KINAPANAYAM


Kumatawan sa 52.5% ng mga kinapanayam ang mga babae (21 katao), samantalang
47.5% ng mga kinapanayam (19 na katao) ay mga lalaki.

ANTAS NG EDUKASYON
Mula sa datos, pinakamarami sa nakapanayam (45% ng kabuoang bílang ng
nakapanayam) ay nakaapak sa hay-iskul o nakatápos nitó.

HOUSEHOLD SIZE O BÍLANG NG MIYEMBRO NG PAMILYA


Pinakamarami sa mga kinapanayam ang may 0-5 miyembro ng pamilya, na kumatawan
sa 65% ng kabuoang bílang, sumunod ang may 6-10 bílang ng miyembro ng pamilya,
na kumatawan sa 32.5% ng kabuoang bílang. Isa lámang ang nása 10 pataas na bílang
ng miyembro ng pamilya.

HANAPBUHAY
Mula sa ibá’t ibáng uri at sektor ng hanapbuhay ang mga nakapanayam na residente ng
Purok Kampupot ng Lubao. Ilan dito ay nagtatrabaho sa mga manukan, nagbebenta
ng load ng cellphone at nagtitinda sa sari-sari store, welder, labandera, kasambahay,
kobrador, catering staff, construction worker, mananahi, mekaniko, karpintero,
gasoline station staff, clerk, empleado ng isang sangay ng gobyerno, at ilan ay mga
maybahay, retirado na, o walang trabaho. Bagaman nagsagawa ng dalawang saliksik,
isa noong buwan ng Marso at isa noong buwan ng Hunyo, pareho pa rin ang binanggit
nilang pinagkukunan ng kabuhayan.

AVERAGE INCOME KADA LINGGO NG


MGA KINAPANAYAM (HOUSEHOLD INCOME)
Ang sumusunod na datos ay kani-kaniyang estima ng mga kinapanayam sa kanilang
lingguhang kíta; may ilan na iregular ang kíta sapagkat hindi permanente ang
trabaho o suweldo, tulad ng labandera, mananahi, catering staff, tindera, staff sa
beauty parlor, at karpintero. Sa mga may regular na suweldo, kinompiyut na lámang
ang lingguhang kíta batay sa buwanang kíta ng kinapanayam. Para sa mga walang

335
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

trabaho at housewife, kinuha na lamang ang average weekly income ng breadwinner/


punò ng tahanan (head of the household). Iyon nga lámang, kinikilala na posibleng
ang problema rito, ay ang pagkakaroon ng anggulo ng pagkakaibá sa paraan/gawî
ng paggasta (spending pattern/behavior) kapag walang sariling kíta ang tumatayâ;
posibleng mas ipinantatayâ ang pera na sariling kíta kaysa perang bigay ng pinunò
ng tahanan/breadwinner. Bagaman, napatunayan naman, batay sa kinapanayam na
residente bílang 8 na kahit wala itong trabaho, umaabot sa P1,500.00 ang lingguhang
halaga na itinatayâ sa huweteng.

ANG MGA DEGLA NG MGA TUMAYA


Pinagbabatayan na ng degla rito ang deskripsiyon nitó na tinalakay na sa nakaraang
seksiyon. Saklaw ng degla ang mga anunsiyo (pagtumbas ng numero sa mga
panaginip), paggamit ng mga petsa ng kaarawan na itinatambal sa ibá pang
pinaniniwalaang suwerteng numero gaya ng edad (edad at birthday combo ang tawag
dito ng ilang nakapanayam na tumatayâ), at ibá pang pinahahalagang petsa gaya ng
pista. Sang-ayon sa mga nakapanayam na kobrador at residente, ang degla ay hindi
lámang ginagamit sa pagtumbas ng mga numero para sa panaginip, o sa paglikha ng
kombinasyon ng mga ito, gaya ng numero ng panaginip na itatambal sa kaarawan o
edad ng tumatayâ. Kasáma rin dito ang paggawa ng ibá pang kombinasyong maaaring
ipakiusap ng tumatayâ na deglahin ng kobrador, o puwede rin namang mungkahi ng
kobrador—halimbawa, maaaring sangguniin ng kobrador ang kuwaderno at listahan
nitó ng mga nanalo nang numero, susuriin ito, maaaring humanap ng padron, at
imungkahi na pagbaligtarin halimbawa, ang petsa ng kaarawan at edad na ibig tayâan
ng pumupusta. Kabílang din sa degla ang suma-suma, pitna, palundag, at ibá pang
naglalahad ng kaayusan, kronolohiya, at progresyon ng mga numero na ipinaliwanag
na sa nakaraang kabanata.
Hindi lahat ng nakapanayam ay may degla, o naniniwala sa degla. Sa saliksik
na ginawa noong Marso 2010, may dalawampu’t pitóng (27) katao o 67.5% ng
kinapanayam ang gumamit ng degla sa pagtayâ sa huweteng, samantalang labintatlong
(13) katao, o 32.5% ang hindi gumamit ng degla sa kanilang pagtayâ. Ito ang mga
nagbibigay na lámang ng numerong tatayâan nang hindi ibinatay sa kahit ano (petsa
man, panaginip, pagkonsulta sa kuwaderno ng kobrador, paghingi ng senyales sa
paligid) ang ipinustang kombinasyon. Kadalasang tugon ng mga di-gumamit ng
degla sa tanong na “Paano ninyo pinili ang numerong tinayaan?” ang “Wala lang” o
“Kung ano’ng maisipan.” Sa saliksik naman noong Hunyo 2010, tatlumpu’t dalawang
(33) katao o 82.5% ng kinapanayam ang gumamit ng degla sa pagtayâ, samantalang
pitóng (7) katao, o 17.5%, ang hindi gumamit ng degla sa kanilang pagtayâ. Bagaman
parehong mga indibidwal ang kinapanayam para sa buwan ng Marso at Hunyo, may

336
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

mga pagkakataon na ang hindi gumamit ng degla noong Marso ay gumamit na ng


degla noong Hunyo. Subalit walang datos sa panayam na ang gumamit ng degla noong
Marso ay hindi gumamit nitó noong Hunyo. Nangangahulugan, may pitóng (7) katao
na hindi nagpadegla noong Marso ang hindi rin gumamit nitó noong Hunyo.

MGA URI NG DEGLA


Sa dalawang serye ng pag-aaral na isinagawa sa Purok noong mga buwan ng
Marso at Hunyo, kadalasang ginagamit na degla ng mga residente ang sumusunod:
pinahahalagahang petsa gaya ng kaarawan (maaaring sariling kaarawan, kaarawan
ng mahal sa búhay), death anniversary ng kaanak, petsa ng pista, edad (sariling edad,
edad ng mahal sa búhay), at panaginip. Kasáma rin ang mga senyales sa paligid na
maaaring tiyak na numero gaya ng plate number ng sasakyan at ID number, o imahen
na tutumbasan ng kahulugang numero gaya ng nakitang hugis ng sinulid. Bukod pa
sa mga nabanggit ay ang ibá’t ibáng uri ng deglang isinasagawa sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa listahan ng mga numerong matatagpuan sa kuwaderno ng kobrador.
Madalas ding gumagawa ng kombinasyon ng mga numero sa pagdedegla, gaya ng
tambalan ng panaginip at petsa ng kaarawan, kaarawan at edad, panaginip at senyales
sa paligid, at ibá pa.

ANG VARIABLE NA PANALO/TALO (T-1)


Susubukan kung may timbang ba o wala sa halaga ng tayâ ang nakaraang pagkapanalo
o pagkatalo sa huweteng ng tumayâ. Bagaman maliit, o halos walang epekto ito
kung kukunin ang average na bílang sapagkat 5% ng mga kinapanayam (o dalawa sa
apatnapung kinapanayam) noong buwan ng Marso at 2.5% ng mga kinapanayam (o isa
sa apatnapung kinapanayam) noong buwan ng Hunyo ang nakaranas ng pagkapanalo
sa huweteng sa nakaraang dalawang linggo bago ang panayam.

ANG VARIABLE NA PAG-AALAGA NG NUMERO


Para sa saliksik noong Marso, labinlima (15) sa apatnapung (40) kinapanayam (37.5%
ng kabuoang bílang ng mga nakapanayam) ay may kaugaliang mag-alaga ng numero
sa huweteng. Nangangahulugan, ang mga parehong numero ang tinatayâan kada araw
hangga’t hindi pa ito nananalo. Kadalasang tumatagal ang pag-aalaga ng numero ng
hanggang isang buwan, sang-ayon sa ilang nakapanayam na residente. Sakâ lámang
umano babaguhin ang tatayâang kombinasyon kapag nanalo na inaalagaang numero.
Para sa naman sa saliksik noong Hunyo, walong (8) katao, o 20% ng kabuoang bílang
ng kinapanayam ang nag-alaga ng kani-kaniyang tinayaang numero.

337
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

APLIKASYON NG BALANGKAS TEORETIKAL:


ANG PAGGAMIT NG MULTIPLE REGRESSION ANALYSIS
Ang multiple regression analysis ang gagamiting batayang pormulasyon sapagkat
mahigit isang explanatory variable ang kasáma sa pormulasyon, na ipapakíta sa mga
susunod na seksiyon.

MGA SANGKOT NA VARIABLE SA NILIKHA


NG MULTIPLE REGRESSION FUNCTION
Ang mga Beta coefficient ( ) ay ang mga parametro ng pormulasyon, na tinatawag
ding slope coefficient o partial regression coefficient. Ang 1 ay ang intercept term,
nangangahulugan, ito ang average na halaga ng Tayâi kapag 0 (zero) ang katumbas ng
ibá pang variable sa pormulasyon. Sinusukat naman ng 2 ang pagbabago sa average
na halaga ng dependent variable o average na halaga ng tayâ; itinatanghal nitó ang
direkta o net effect sa average na halaga ng tayâ ng isang yunit ng pagbabago sa kíta
(income). Gayundin, ang 3 ay tumutukoy sa pagbabago sa dependent variable kada
isang yunit ng pagbabago na idinudulot ng edad dito. Ganito rin ang mga paliwanag
sa 4 hanggang 9—ang pagbabago sa average na halaga ng dependent variable kada
isang yunit na pagbabago sa explanatory variable.
Kinakatawan naman ng simbolong epsilon ( ) ang disturbance o error term. Isa
itong random variable na sumasaklaw sa lahat ng ibá pang salik na nakaaapekto sa
halaga ng tayâ at hindi nabigyan ng representasyon sa pormulasyon. Halimbawa,
posibleng may impluwensiya rin sa halaga ng tayâ ng isang indibidwal ang mga
pagbabago sa panahon, pagbabago sa mga opisyal na namumunò sa pook na pinag-
aaralan, at ibá pa.
Tinatawag na dummy variable ang mga kasáma sa datos na kuwalitatibo, ibig
sabihin, nominal. Dahil ang mga variable na ito ay tumutukoy sa presensiya o kawalan
ng isang katangian, isang paraan upang bigyan ng numerikal na katumbas ang mga ito
ay ang paggamit ng bílang na 1 (isa) at 0 (zero); ang 1 ay tumutukoy sa presensiya ng
espesipikong katangian, ang 0 ay tumutukoy sa kawalan ng naturang katangian. Ang
mga dummy variable sa pangkat ng datos ay ang Kasariani (lalaki o babae), Edukasyoni
(nakatápos ng kolehiyo o hindi), Deglai (paggamit o hindi paggamit ng degla sa
pagtayâ), Panalo/Taloi(t-1) (pagkapanalo o pagkatalo sa huweteng noong nakaraang
linggo bago ang panayam), at Pag-aalaga ng numeroi. Bagaman ang variable na Deglai
lámang ang kasáma sa pormulasyon, ang paggamit ng ibá pang dummy variable ay
para sa pagtukoy ng ugnayan ng mga ito na tatalakayin sa Summary Statistics na
bahagi ng pagsusuri.
Sa regression na ito ay gagamit ng interaction term bílang explanatory variable.
Ang interaction term ay kombinasyon ng dalawang explanatory variable. Sa paggamit

338
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

ng interaction term, isasaalang-alang ang ugnayan ng degla sa average na halaga ng


tayâ. Sa pormulasyong ito, pinagsama ang degla at Ave. Tayâi(t-1) (o average na tayâ
ng nakaraang linggo). Ang paliwanag sa kombinasyong ito: ang average na tayâ ng
nakaraang linggo ay sumasaklaw sa ibá pang variable na kabílang sa pormulasyon,
tulad ng edukasyon, kasarian, kíta, laki ng pamilya, na pawang fixed o pareho
lámang ang halaga/value sa nakaraang linggo at kasalukuyang linggo ng pag-aaral.
Samakatwid, masaklaw na maituturing ang explanatory variable na Ave Tayâi(t-1).
Mahalagang isagawa ang pagsubok sa ibá’t ibáng kombinasyon ng mga variable,
samakatwid, pagpaandar ng regression nang gumagamit ng ibá’t ibáng pormulasyon
sa pagtuklas ng numerikal na katumbas ng mga beta coefficients. Anuman ang
maging resulta ng regression ay isa lámang sa maraming posibilidad ng estimasyon
sa ugnayang ibig ipaliwanag ng pormulasyon. Hindi pa rin ito maituturing na
kongklusibo at representatibo para sa malaking bahagi ng populasyon ng Lubao,
Pampanga, subalit, mahalaga pa ring paraan upang ipaliwanag ang ugnayang ibig
tuklasin sang-ayon sa binuong hypothesis. Idinidiin na ang resulta ng regression ay
para lámang sa apatnapung (40) kasangkot na obserbasyon sa pinag-aralang lunan,
para sa isang partikular na yugto ng panahon, sa kaso ng pag-aaral, ang average na
halaga ng tayâ ng mga kinapanayam sa loob ng dalawang linggong partisipasyon sa
huweteng.

PAGGAMIT NG STATA PROGRAM AT ORDINARY LEAST SQUARES


Ang paraan ng ebalwasyon at pagsusuri ng mga resulta ay sa pamamagitan ng
paggamit ng Stata program, isang software na magsasagawa ng regression ng mga
datos. Isa itongstatistical package na makatutulong para sa analisis at pangangasiwa
ng mga datos. May bersiyon ng spreadsheet o excel worksheet ang Stata, para sa
maayos na pagkakalista at pagkakahanay ng pangkat ng mga datos na gagamitin sa
Summary Statistics at regression. Tinatawag itong data editor na halos kahawig din
ng Microsoft Excel spreadsheet. Ito ang bahagi ng statistical package na maglalaman
sa mga nakalap na datos sa empirikal na pag-aaral. Upang mapaandar ang regression,
kailangang tumungo sa statistics na bahagi ng Stata kung saan naroon ang Summary
Statistics (Descriptive Statistics, Correlation and Covariances) at Linear regression
command.
Ang metodo ng estimasyon ng mga parametro na gagamitin sa Stata program ay
ang Ordinary Least Squares (OLS). Una itong binigyang-paliwanag ni Carl Friedrich
Gauss, isang Alemang matematiko, noong 1794. Isa itong pamamaraan upang
malaman ang halaga o mabigyan ng estimasyon ang mga parametro (beta coefficients)
sa isang regression function.

339
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

PORMULASYON AT RESULTA NG REGRESSION ANALYSIS


Narito ang mungkahing batayang pormulasyon para sa pagtukoy ng kahalagahan at
timbang ng paggamit ng degla sa pagtayâ sa huweteng:

AVE TAYÂi = 1 + 2
Deglai + 3
Ave Tayâi(t-1) + 4
Deglai*Ave Tayâi(t-1) +

Mula sa pormulasyong ito, ang dependent variable na AVE TAYÂi= katumbas ng


average na halaga ng salaping pinantayâ ng isang indibidwali sa loob ng isang linggo
Ang Deglai =Ang presensiya o kawalan ng paggamit ng degla sa pagtayâ ng
indibidwali; samakatwid, kung magtutumbas ng mga halaga, ang presensiya ng
paggamit ng degla sa pagtayâ ay katumbas ng 1, ang kawalan o di-paggamit ng degla
ay katumbas ng 0.
Ang Ave Tayâi(t-1) = katumbas ng average na halaga ng salaping pinantayâ ng
indibidwali sa loob ng nakaraang linggo
i=tumutukoy sa indibidwal na bahagi ng populasyong pinagkunan ng datos
=error/disturbance term

RESULTA NG REGRESSION
Dependent variable: Average Tayâi
Bílang ng sample: 40

Nása panaklong (parenthesis) ang P value, na nagsasaad kung ang variable ay


significant o hindi. Ang paggamit ng asterisk ay nangangahulugang significant ang
naturang variable.

Talahanayan 1. Resulta ng Regression (Buod) para sa Marso 2010 at Hunyo 2010.

MARSO 2010 HUNYO 2010

Average Tayâi(t-1) 1.377442* 0.9997645*


(0.000) (0.000)

Deglai 48.66341* 33.3453*


(0.020) (0.009)

Deglai*Ave Tayâi(t-1) -0.381126* -0.3994131*


(0.000) (0.003)

-cons -36.5513 -0.1422359


(0.044) (0.824)

R-squared 0.9892 0.9851

340
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

Pinatutunayan ng resulta ng regression ang significance ng pagdedegla sa halaga


ng average na tayâ kada linggo ng sample para sa mga buwan ng Marso at Hunyo 2010,
na makikita mula sa mga P value na malapit ang halaga sa zero (0). Nangangahulugan,
may mahalagang timbang ang pagdedegla sa paraan ng pagtatayâ ng indibidwal, o
naiimpluwensiyahan ng pagdedegla ang halaga ng pagtayâ ng indibidwal.
Marginal Effect ng Degla sa Average Tayâ
Upang matukoy ang marginal effect ng degla sa average tayâ (o kung magkano ang
itinataas o ibinababa ng halaga ng tayâ kapag ginagamitan ito ng degla), kailangang
kunin ang partial differential ng average tayâ at partial differential ng degla, gamit ang
mga numerong/coefficient na nakuha mula sa resulta ng regression. Ang sumusunod
na pormulasyon ang gagamitin:

PARA SA ISINAGAWANG SALIKSIK NOONG MARSO 2010:


average tayâ Marso_ = 48.66341-0.381126 average tayâ (t-1)
degla
Mula sa pormulasyon, lilitaw na kapag ginamitan ng degla, tumataas ang halaga ng
tayâ kung ang average na halaga ng tayâ ay hindi tataas sa PHP127.68325 o PHP127.68
kada linggo, para sa buwan ng Marso. Nangangahulugan, higit na mapangahas (risky)
ang mga may mas mababang tayâ kompara sa mga tumatayâ ng mahigit sa PHP127.68.
Sa apatnapung (40) miyembro ng sample, higit na marami ang tumatayâ ng mababa
sa PHP127.68; na nása dalawampu’t anim (26) na bílang ng sample. Mas natatarget
ang populasyong may mababang tayâ kompara sa mga mataas ang ipinupusta, na
maaaring maghiwatig na higit na napapadalá (gullible) at nakaangkla sa pagdedegla
ang mga residenteng may tayâ na hindi lalampas ng PHP127.68 sapagkat positibo ang
epekto ng degla sa halaga ng kanilang tayâ (na kapag may degla, tumataas ang halaga
ng kanilang tayâ). Mahihinuha na higit na naaapektuhan ng pagdedegla ang halaga
ng tayâ sa populasyong may pinakamababang pusta.
Ganito rin ang inihihiwatig na datos para sa buwan ng Hunyo 2010, bagaman,
mas mababa ang halaga ng maximum na tayâ kung saan may positibong epekto ang
degla. Kapag ginamitan ng degla, tumataas ang halaga ng tayâ kung ang average na
halaga ng tayâ ay hindi tataas sa PHP83.4857 o PHP83.49 kada linggo. Sa apatnapung
miyembro ng sample, higit na marami ang tumatayâ ng mahigit sa halagang nabanggit,
na nása dalawampu’t isang (21) bílang ng sample.
Kung lilikha ng graph ng mga datos para sa Marso at Hunyo 2010, makikita
ang epekto ng degla sa mas maraming miyembro ng populasyon, at mula rito, litaw
ang resultang tumataas ang halaga ng tayâ kapag ipinaiiral ng mamamayan ang
pagdedegla sa pagpusta.

341
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

ANG EKONOMIKS AT KOMODITISASYON NG DEGLA


BÍLANG MEKANISMO SA PAGSULONG NG HUWETENG
Ang kaibuturan ng paglalaro/pagtatayâ sa huweteng at ang patuloy na pagpapatakbo
nitó ay pinananaigan ng degla, ng tumatayâ man, ng kobrador, ng operator/kapitalista
ng huweteng, o ng mga nakatatanggap ng intelihensiya upang proteksiyunan
ang sugal. Malaki ang kinalaman ng degla bílang salik na nakaiimpluwensiya sa
ekonomiks ng huweteng sa purok na lunan ng pag-aaral, bílang kritikal na variable
sa gawî ng pagtatayâ ng mga taga-Purok A, gayundin, sa pagsustena ng isang
ekonomiyang may di-makatwirang alokasyon (o kawalan ng alokasyon) ng labis na
yaman (excess wealth). Walang pinipili ang pagdedegla—umiiral ito sa alinmang
sosyo-demograpiko at pang-ekonomikong katangian at datos gaya ng kasarian, laki o
liit ng kíta, edukasyong natamo, bílang ng mga miyembro ng pamilya, at edad.
Ngayong napatunayan mula sa pagsusuri gamit ang regression ang kahalagahan
ng impluwensiya at pamumuhunan sa degla sa halaga ng tayâ ng mga kinapanayam
na residente, gayundin ang mga nakalap na impormasyon mula sa mga panayam
hinggil sa partisipasyon ng mga kalahok sa sugal—tumatayâ, kobrador, kapitalista,
maaaring mabuo ang sumusunod na interpretasyon sa datos:
Una, ang komoditisasyon ng degla/pagdedegla, kung saan inilalapat din ang
gamit nitó sa interes at tunguhin ng degla ng kapitalista ng huweteng na natalakay
na sa ikatlong kabanata, ang nagsusulong sa operasyon ng huweteng sa lugar (Purok
A). Pinatutunayan ng matinding pagtangkilik sa degla (lalo na sa suma-suma) na
hindi kinikilala ang pagiging random ng pagkakabunot ng mga numero sa sugal,
na maaari ngang tumama ang mga dineglang numero, sapagkat tanggap din ang
posibilidad ng manipulasyon ng resulta ng bobolahing mga numero. Hindi na lámang
abstraktong bagay o idea hinggil sa estratehiya sa pagsusugal ang degla. Ang itinataas
na halaga ng tayâ dulot ng pag-iral ng degla sa pagpusta para sa mga buwan ng Marso
at Hunyo ay maitutumbas at maaaring tumukoy sa halaga ng degla sa merkado ng
paghuhuweteng sa Purok A. At ito ang timbang ng pagsasalin ng degla sa numerikal
na halaga nitó sa pamilihan o presyo nitó sa konteksto ng paghuhuweteng ng mga
kinapanayam na residente—katumbas nitó ang halaga ng ibabayad ng mga tumatayâ
para sa kanilang paniniwala sa bisa ng degla sa huweteng. Mahihiwatigan din na
ang degla ay maitutulad sa isang komoditi na ibinebenta upang higit na sumigla ang
pagtangkilik ng mga tumatayâ sa huweteng—dagdag aliw ang pagbubuo ng estratehiya
sa pagpili ng numero at pakikipagkonsultahan sa kobrador para sa pinakamainam
na pagpupustahang kombinasyon. Inilalako ang mismong konsepto at kultural na
halaga ng degla bílang bahagi ng kabuoang makinarya ng industriya ng sugal, kung
saan ang mga tumatangkilik dito ang silá ring pinanggalingan at tagapagpayaman sa
nosyon ng degla. Ang implikasyon ng numerikal na halaga ng degla ay naghihiwatig

342
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

din ng pagbabago sa, o pagreredisenyo, ng padron ng pagkonsumo ng mga tumatayâ


ng sugal.
Ikalawa, kritikal ang tungkulin ng grassroots bílang tagapaggarantiya ng patuloy
na pag-ikot ng salapi at pagkakaroon ng malaking halaga ng kíta sa huweteng, gaano
man kalaki o kaliit ang halagang itinatayâ ng mga nakikibahagi rito. Nangangahulugan,
nakadepende ang kíta ng huweteng sa mataas na bílang ng mga tumatayâ, na kaibá sa
pagsusugal sa casino na kumikita dahil sa entrance fees at mataas na halaga ng pusta.
Industriya nang maituturing ang huweteng dahil sa lawak ng operasyon nitó, at ang
degla ang nagtutulak sa pag-unlad nitó. Napatunayan ng etnograpikong pag-aaral na
walang limitasyon sa kíta, edad, kasarian, antas ng edukasyong natamo sa pakikilahok
sa sugal—lahat ay nagiging kabahagi nitó dahil sa tradisyon ng sugal na naitatag at
nakabalabal na sa komunidad. Ang kakitiran ng aksesibilidad sa impormasyon hinggil
sa sugal at ang samantalang kalawakan ng network nitó, ay nakapagdudulot ng
matalik na pagtangkilik ng mamamayan sa huweteng, sapagkat nalalangkapan ito ng
interbensiyon ng politika. Ang pakinabang mula sa ilang panlipunang serbisyo gaya ng
libreng pagpapaospital, mga pakete ng grocery tuwing Pasko (na ipinapalagay ng mga
residente na nagmumula sa sariling bulsa at kawanggawa ng kanilang nilalapitan), ay
katumbas ng katapatan/loyalty ng mga residente upang patuloy na suportahan ang
kalakal ng sugal na pangunahing pinakikinabangan ng operator nitó. Ang pakikibahagi
sa sugal ay nagsisilbing seguro (insurance) ng mga residente na sa mga panahong
mahigpit ang kanilang pangangailangan ay matutugunan ang kanilang kahingian.
Gayundin, nagmumula ang katapatan at suporta ng grassroots sa katotohanang ang
lahat ng aspektong iniinugan ng búhay ng komunidad ay kontrolado ng mga politiko
at kapitalista ng huweteng—kabuhayan at lupang sinasáka, pulisya—dahil sa gamit
ng intelihensiya para sa proteksiyon ng sugal. Kapuwa nakasandal sa suporta ng
grassroots ang huweteng at ang pananaig ng isang politikal na pamilya kung saan
nakalalapit ang mga miyembro ng komunidad para sa pinansiyal na serbisyo. Na
maaaring pag-isipan, sariling kusa para tumulong man ito o simpleng pagtupad sa
tungkulin bílang naihalal na opisyal ay mayroong tiyak na napagkunan ng salaping
ibinahagi sa mga nangailangan—mula sa huweteng, o mula sa lokal na pamahalaan,
na mismong nakalaang badyet naman talaga dapat para sa komunidad. Kung walang
grassroots, tiyak na manlulupaypay kapuwa ang operasyon ng huweteng, gayundin,
higit, ang mga politiko, opisyal at miyembro ng pulisya na umaasa sa arawan/buwan-
buwang kíta mula rito.
Ikatlo, ang mga kobrador ang pinakamahalagang tagapagpaandar ng kalakal ng
huweteng. Silá ang pangunahing lakas-paggawa sa operasyon ng sugal na nagsisilbi
ring pansapo para sa lahat ng destabilisasyon, iregularidad, at kawalang-katiyakang
kaakibat ng ilehitimasyon at volatility ng industriya ng sugal. Silá rin ang patuloy

343
SANGGUNIANG AKLAT | BABASAHÍN SA KULTURAL NA MALAYUNING KOMUNIKASYON

na tinutugis sa mga isinasagawang raid. Planado man o hindi ang raid, doble-talim
ang natutupad na layunin ng presensiya ng, at pagkakahúli sa mga kobrador: una,
may maitatalâ na namang karagdagang bílang sa estadistika ng mga matagumpay
na tangka ng pulisya na puksain ang sugal at rason ito upang maiparating sa
mamamayan na umaandar nga ang kampanya laban sa sugal, at ikalawa, mananatili
pa rin sa operasyon ang sugal sa pamamagitan ng pagbayad ng piyansa ng kapitalista
ng huweteng. Ang kobrador din ang tagapangalaga ng pagbibigay-timbang sa
pagdedegla sa huweteng, gayundin ang patuloy na pagkakaroon nitó ng halaga sa
merkado ng sugal. Kritikal ang tungkulin ng kobrador sa pagtiyak ng gamit ng degla
sa kalakal ng sugal. Bílang tagapamagitan sa transaksiyon, siya ang kumakatok sa
mga tahanan ng komunidad upang mangolekta ng tayâ at magdegla kung hihingin ng
tumatayâ, at siya rin ang tagapagdala ng masayáng balita at tagapagbigay ng halagang
napanalunan sakaling magwagi ang tumayâ. At dahil sa maliit na kinikita mula sa
pagkobra ng mga tayâ, may mga kobrador ding pumupusta sa huweteng, patunay na
nakadaragdag silá sa malaking pangkat ng mga tumatayâ na patuloy na pinagkukunan
ng kíta ng sugal, pagkat nakabatay lámang ang kanilang sahod sa nakukuha nilang
kobra. Samakatwid, ang kapangyarihan sa pamamahala ng grassroots at pagtiyak sa
masiglang partisipasyon nitó sa huweteng ay nakasalalay sa bisa ng pagganap ng mga
kobrador.
Ikaapat, ang kabuoang ekonomiks ng degla ay nakakabit pa rin sa mga politikal
na interes na naililinya at napaaandar sa pamamagitan ng uri ng ekonomiyang
itinataguyod ng kultura ng sugal; nagkakaroon ng gamit/nagagamit ito sapagkat
mayroong mga kapitalista ng huweteng na itinutulak ang pagtangkilik sa degla.
Mahalaga ang pag-unawa sa nosyon ng degla bílang kritikal na variable ng industriya
at ekonomiya ng huweteng. Sa hulí, ang talagang nakikinabang sa pagdedegla
ay ang mga kapitalista at politikong nangangalaga sa pagpapatuloy ng sugal, ang
awtoridad na hinahayaan ang paglaganap nitó, samantalang pinakatinatamaan
ang mga populasyong tumatayâ ng maliit na halaga, na siláng pinaka-vulnerable sa
pagpapairal ng degla sa pagpusta. Nagpapadegla ang mga tumatayâ para garantiyahin
ang masiglang pag-andar at produksiyon ng kíta mula sa sugal. Ang taktika ng
pagpapatuloy ng sugal ay nakaangkla sa koordinasyon ng ahensiyang namamahala
sa STL/huweteng sa lugar (Philippine Charity Sweepstakes Office) at ang operator/
kapitalista ng huweteng, na bahagi ng kabuoang makinarya ng pagpapagana ng degla
sa lugar, dahil sa nabuo nang mga ugnayan at tradisyong inihulma ng pagtangkilik sa
sugal. Ito ang kontradiksiyon sa kalakaran at moda ng ekonomiyang pinamamayanihan
ng huweteng: sa hulí, hindi talaga nakadedeskarte ang indibidwal upang makaagapay
ito sa alanganin at lutáng na katangian ng eskemang pang-ekonomiyang inilalarawan
ng pagsandal sa huweteng.

344
ANG DEGLA SA HUWETENG: ISANG EKONOMETRIKONG PAGSUSURI SA PAGTATAYÂ NG MGA RESIDENTE SA LUBAO, PAMPANGA

MGA TALÂ
1 Mula sa Philippine Folk Literature: The Proverbs, tinipon ni Damiana Eugenio
(Quezon City: University of the Philippines Press, 1997), 226.
2 “Pampanga is now the country’s jueteng capital where jueteng power controls
the body politic of the province and to a large degree, the country.” Mula sa
“Jueteng Power in Pampanga,” Pinoy Worldwide Network, 31 December 2007.
http://pinoyworldwide.speedfox.net/index2.php?option=com_content&do_
pdf=1&id=331. Accessed on 19 March 2010.
3 Si Rodolfo “Bong” Pineda umano ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman
sa labing-anim (16) na jueteng lord sa bansa sa kasalukuyan. Ibid.
4 Sang-ayon kay Fray Diego Bergaño, ang kahulugan ng “lubao” ay “salir de
estrecho, ut culebra de abujero, tortuga de concha, o carne de apostema,” na
nangangahulugang “to come out of a strait, like a snake from its hole, a turtle
from its shell, or flesh from an abscess, or tumor.” Nása Vocabulario de la lengua
Pampanga en Romance, the English translation of the Kapampangan-Spanish
Dictionary written by Fray Diego Bergaño of the Order of St. Augustine, first
published in 1732 and reprinted in 1860. Translation by Fr. Venancio Samson,
(Angeles City: Holy Angel University, 2007), 216.
5 Nása Lubao: The Cradle of Kapampangan Civilization ni Rodrigo Sicat, (Pampanga:
Sangguniang Bayan ng Lubao, 2005), 15.
6 Ibid.
7 Mula sa “20,000 Anak ng Jueteng can’t enroll this sem,” ni Ding Cervantes, nása
Philippine Star (Manila), 23 May 2005, 1, 3.
8 Ibid.
9 Ibid.
10 “Systematic random sampling provides a convenient way to draw a sample from
a large identified population when a printed list of that population is available.
In systematic sampling, every nth name is selected from the list. Usually the
interval between names on the list is determined by dividing the number of
persons desired in the sample into the full population.” Mula kay Berg Bruce,
nasa Qualitative Research Methods for the Social Sciences, seventh edition, (USA:
Allyn and Bacon, 2009),49.
11 Tumutukoy sa “data on one or more variables collected at more than one point in
time.” Mula kina Gujarati at Porter, nasa Basic Econometrics (USA: McGraw Hill,
2009), 1.
12 Nása Basic Econometrics, p.55.

345

You might also like