You are on page 1of 4

Pagsusuri:

Makikita sa talahanayan III ang mga leksikon na nakalap mula sa mga

magsasakang Tboli na nagtatanim ng mais sa munisipalidad ng Lake Sebu, South

Cotabato at Tboli, South Cotabato batay sa kagamitan, proseso at panahon ay

magkakaiba ngunit pareho ang kahulugan. Makikita natin sa talahanayan ang

etimolohiya, transkripsyon, pagbubuo ng salita, pagbabagong morpoponemiko,

salin sa wikang Filipino at kahulugan ng leksikong nakalap batay sa kagamitan,

proseso at panahon ng mga magsasakang Tboli sa dalawang nasbing

munisipalidad.

Kaugnay nito, mayroong tatlumpo’t walong (38) mga leksikon ang

magkakaiba ng transkripsyon, etimolohiya, pagbubuo ng salita, pagbabagong

morpopopnemiko ngunit may parehong taglay na mga kahulugan.

Mapapansin sa unang kolum ang mga salitang magkakaiba ngunit pareho

ang kahulugan sapagkat ang mga leksikon nakalap ay nagmula sa dalawang

munisipalidad kung kaya ang transkripsyon o pagbigkas ng mga salita ay

magkakaiba.

Sa pangtatlong kolum, lumitaw ang paraan ng pagbubuo ng salita na

payak, pagtatambal at paglalapi. Mapapansin ang iba’t iba ang paraan ng pagbuo

ng mga salita dahil ito ay may iba’t ibang kahulugan. Sa kaso ng isinagawang

pag-aaral, iba-iba ang paraan ng pagkakabuo ng mga ito upang maipakita ang

kahulugan ng taglay ng isang salita.

Sa kaso ng payak, lumitaw ang mga salitang gaya ng kongo (sundang),

leban (basket/ buslo), songkul (asarol), at marami pang iba. Sa kaso ng

80
pagtatambal, lumitaw na ang salitang gaya ng tbong lembong ng T’boli, South

Cotabato ay kakikitaan ng pagtatambak sapagkat ang salitang sloung na ibig

sabihin ay malaking sombrero na gawa sa kawayan at silow na silaw kung saan

ito ay pinagtambal at tinawag na sloung silow na ibig sabihin ay sombrero.

Kahalintulad din ang kaso nito sa salitang, no hemdaw (drayer), sako benkas

(trapal) at marami pang iba.

Sa kaso ng paglalapi , lumitaw ang salita na gaya ng semlet ay kakikitaan

ng paglalapu sapagkat ang salitang ito ay may gitlaping –em- na ikinabit sa gitna

ng salitang ugat na slet kung kaya nabuo ang salitang semlet. Kahalintulad din sa

mga salitang getungo o temalak at marami pang iba.

Mapapansin na iba't iba ang paraan ng pagbuo nga mga salita dahil ito ay

may iba't ibang kahulugan. Sa kaso ng isinagawang pag-aaral, iba-iba ang paraan

ng pagkakabuo ng mga ito upang maipakita ang kahulugan ng taglay ng isang

leksikon na ginagamit sa paghahanapbuhay ng mga magsasakang Tboli na

nagtatanim ng mais.

Sa pang-anim na kolum, lumitaw ang paraaan ng pagbabagong

morpoponemiko na kung ito ay may asimillasyon, paglilipat-diin, pagkakaltas,

pagdaragdag na nagaganap sa salita. Sa kaso ng isinagawang pag-aaral, iba-iba

ang paraan ng pagkakabuo ng mga ito upang maipakita ang anyo kung bakit

naaapektuhan ang transkripsyon ng isang salita.

Sa kaso ng pagbabagong morpoponemiko, lumitaw na ang salitang semlet

ay may gitlapi kung kaya nagkaroon ng paglilipat- diin sa salita. Kahalintulad ng

mga salitang temunak , getungo /temalak.

81
Sa bahaging pagbabagong morpoponemiko, mapapansin sa talahanayan na

nagkakaroon lamang ng paglilipat diin dahil sa mga panlaping ikinakabit sa mga

salita.

Kaugnay ng sosyolinggwistikong teorya sa aklat ni Badayos (2008) sa

pag-aaral ni Amoroto (2017), ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil

sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na

tinitirhan, interes, gawain pinag-aaralan, at iba pa. Pinaniniwalaan na ang leksikon

ng mga magsasakang Tboli na nagtatanim ng mais ay hindi isang simpling

instrumento ng kumunikasyon na ginagamit ng indibidwal, sa halip isa itong

kolektibong puwersa, isang pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang

kultura at sosyal na mga gawain at grupo.

Implikasyong sosyolinggwistiks

Ang mga leksikong nakalap ay kabilang sa wikang Tboli, may isang daan

(100) nakalap na leksikon kabilang ang mga kagamitan, proseso at panahon ng

pagsasaka ng mais: karas, sila sibu, sila tahu, sila tenigib, suk, egel, at abi;

proseso sa pagsasaka, mfas/tmiba, mtem, kmaras, demadu, Mulu/mla,

Saif/lemangu, Tembaha, Temunak, kemyufu, kemnowol, semakad, semigi, lemto,

Matay weken, sabi, at mekeng, at ang mga katawagan sa panahon sa pagsasaka;

kdaw semkyab o Semkyab, Tengel, getungo/temalak o lares bong, kdaw muta o

bolon sewi, suro kdaw, kimitay tobong o tebong lembong, at Kedaw Helos.

Ang dalawang munisipalidad na pinagkukunan ng mga datos ay

kinatitirhan halos ng mga magsasakang Tboli na nagtatanim ng mais kung kaya’t

ang mga nakalap na salita ay halos leksikon ng mga magsasaka. Marahil ang

82
dalawang munisipalidad na saklaw ng pananaliksik na ito ay magkalayo,

mapapansin ang iilang mga salita na magkatulad ang kahulugan ngunit

magkakaiba naman ito sa katawagan maging baybay man o bigkas. Kagaya ng

pagkakaroon ng maraming kapuluan na bumubuo sa Pilipinas na bunsod ng

napakaraming wika sa bansa o barayti ng mga wika sa Pilipinas, na heograpikal

ito kung ituturing sinsaabi na ito ay salik sa pagkakaroon ng barayti ng wika.

Sa sosyolinggwistiks na pananaw, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa

pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, gayun na lamang ang nangyayari sa

dalawang munisipalidad nang, Lake Sebu, South Cotabato at T’Boli, South

Cotabato, mapapansin ang katangian ng dalawang munisipalidad sa paggamit ng

parehong wika. Marahil ang wika sa sosyolinggwistiks ay nagbabago-bago at

hindi ito konsistent, nagbabago-bago sa indibidwal na gumagamit ng iisang wika.

83

You might also like