You are on page 1of 2

AKADEMIKS

MARIA KATHERINE TORIBIO

12 HUMSS
"Dapat lagi grateful ka, kasi sa kabila ng mga nangyari na
pandemya at krisis- buhay pa tayo at nakakain pa ng tatlong
beses sa isang araw" ito ang paulit-ulit na binibigkas ng aking
tiya habang kumakain kami sa hapag-kainan. Pagkatapos ng
lockdown ay tila nawalan na ng direksiyon ang aking buhay.
Hindi ko na mawari kung ano ang aking pangarap at bisyon.
Nagsimula akong mawalan ng gana sa mga bagay na gustong-
gusto kong gawin. Nakakulong ako sa kwarto at nag
dadalamhati, umiiyak at napapatanong kung bakit umabot ang
mundo sa puntong sobrang lala at hirap ng ibangon. Ang
pagkamatay ng higit isang milyon at pagka gutom ng bilyon-
bilyong katao ang patuloy na bumibiyak sa aking puso at
pagkatao. Alam kong wala akong karapatang kuwestiyonin ang
Panginoon kung bakit ito nangyare. Ngunit napapatanong ako,
bakit? Bakit? Bakit kailangan pang mabawian ng buhay at
mapigtas ang matatayog na pangarap ng mga taong pilit na
nagsasakripisyo upang maka-ahon sa hirap ng mundong ating
ginagalawan? Bakit ang mga mahihirap ay patuloy na
naghihirap? At ang pinakamasakit sa lahat ay "bakit wala akong
magawa?" Natutunan ko ngayong taon ang kumapit sa katiting
na pag-asa na aahon din ang ating mundo sa kabila ng lahat ng
krisis patuloy nating nilalabanan.

Mapapatanong man ako kung bakit ito nangyayari, ngunit


patuloy parin akong magtitiwala sa plano ng Panginoon at
mananalig sa kanyang kapangyarihan. Ngayon ay Nobyembre na,
nagdaan ang mga buwan ng lungkot at pagkadismaya. Pagiging
bayani kung ituring- ang mga taong patuloy na gumagawa ng
paraan upang mapabuti ang ating mga mamamayan at ating
bansa. Ang mga front-liners na patuloy nagsasakripisyo. Ang
taong ito ang nagpa realize saakin na hindi dapat nagrereklamo,
dahil mas madami ang walang-wala. At masasabi man ng iba na
ang online class ay pasakit sa ulo, masaya ako na patuloy
kaming natututo at nagagamit sa tama ang ating teknolohiya.
Ngayong taong 2020, ang pagtitiwala sa proseso at pananalig ang
aking pinakamahalagang ginawa.

You might also like