You are on page 1of 177

2ND

SUNDAY
OF
ADVENT
DAYS OF ELIJAH
These are the days of Elijah
Declaring the word of the Lord
And these are the days of Your
servant Moses
Righteousness being restored
And though these are days of
great trial
Of famine and darkness and
sword
Still, we are the voice in the
desert crying
Prepare ye the way of the Lord
Chorus:
Behold He comes riding on
the clouds
Shining like the sun at the
trumpet call
Lift your voice, it's the year
of jubilee
And out of Zion's hill
salvation comes.
Verse 2:
These are the days of
Ezekiel,
The dry bones becoming as
flesh;
And these are the days of
Your servant David,
Rebuilding a temple of
praise.
These are the days of the
harvest,
The fields are as white in
Your world,
And we are the laborers in
Your vineyard,
Declaring the word of the
Lord!
Chorus:
Behold He comes riding on
the clouds
Shining like the sun at the
trumpet call
Lift your voice, it's the year
of jubilee
And out of Zion's hill
salvation comes.
ANG PAGPUPURI
Tagapagdiwang: Purihin ang
Panginoon na nagpapatawad
ng lahat ng ating mga
kasalanan.
MGA TAO: Ang Kanyang awa
ay magpasawalanghanggan.
ANG
PANALANGIN
PARA SA MGA
BANAL
Tagapagdiwang: Tayo ay manalangin.
Makapangyarihang Diyos, Kayo
na nakababatid ng nilalaman ng
mga puso, lahat ng hangarin ay
Inyong nalalaman at sa Inyo ay
walang lihim na maitatago:
Inyong linisin ang nilalaman ng
aming mga puso +
sa pamamagitan ng inspirasyon ng
Banal na Espiritu, upang maging
ganap ang aming pag-ibig sa Inyo,
at upang maging karapat-dapat na
kami ay magtaas ng Inyong Banal
na Pangalan; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon.
Mga Tao : Amen.
ANG SAMPUNG
UTOS
Diyakono : Ganito ang sinabi
ng Diyos:
“Ako ang Panginoon mong Diyos
na naglabas sa iyo sa Egipto, sa
lupain ng pagkaalipin. Huwag
kang magkakaroon ng ibang
Diyos maliban sa Akin.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Huwag kang gagawa ng
imahen na kawangis ng
anumang bagay sa langit, sa
ibabaw ng lupa o sa ilalim ng
tubig. Huwag mo silang
yuyukuran o sasambahin.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Huwag mong gagamitin sa
walang kabuluhan ang
Pangalan ng Panginoon mong
Diyos.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Alalahanin mo ang araw ng
Sabbat at panatilihin itong
banal.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Igalang mo ang iyong ama at
ang iyong ina.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
papatay.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
mangangalunya.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
magnanakaw.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
sasaksi sa di katotohanan laban
sa inyong kapuwa.”
MGA TAO : Panginoon, maawa
Kayo sa amin at ibaling ang
aming puso upang ingatan
ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
magnanasa o mag-iimbot.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at isulat
ang mga kautusang ito sa
aming puso, nagsusumamo
kami sa Inyo.
PAGKUKUMPISAL
NG MGA
KASALANAN AT
KAPATAWARAN
TAGAPAGDIWANG:
Para sa paghahanda ng ating
mga sarili sa pagdiriwang ng
banal na misteryo, ating
alalahanin ang ating mga
pagkakasala.
Maawaing Dios, inaamin
kong ako ay nagkasala
laban sa Inyo, sa isip, sa
salita at sa gawa; dahil sa
aking mga ginawa, at mga
hindi tinapos na gawain.
Hindi ko Kayo inibig nang
buong puso.
Hindi ko inibig ang aming
kapwa gaya ng pag-ibig ko
sa aking sarili. Tunay at
mapagkumbaba akong
nagsisisi, alang-alang sa
Inyong anak na si
Hesukristo, kaawaan ako
at patawarin;
Upang ako ay maging
kalugod-lugod sa Inyong
kalooban at lumakad sa
Inyong mga daan, sa
ikaluluwalhati ng Inyong
Pangalan. Amen.
TAGAPAGDIWANG:
Ang Makapangyarihan at mahabaging
Panginoon, + ay pagkalooban kayo ng
kapatawaran at pagpapawi ng Inyong
mga kasalanan, tunay na pagsisisi,
pagbabago ng buhay, at ng biyaya at
kaaliwan ng Kanyang Banal na
Espiritu. Amen
EMMANUEL
Emmanuel, Emmanuel,
His name is called
Emmanuel.
God with us, revealed in us,
His name is called
Emmanuel.
TAGAPAGDIWANG:
Ang Panginoon ay
sumainyo.
MGA TAO:
At sumainyong espiritu.
ANG
PANALANGIN
PARA SA ARAW
NA ITO
ANG
MINISTERYO
NG
SALITA
Unang
Pagpapahayag ng
Salita
ISAIAH
40:1-11
Tiyak ang pagmamahal sa atin ng
Dios. Hinimok Niya tayong ayusin
natin ang ating pamumuhay ayon
sa Kanyang pamantayan. Hindi
tayo dapat tumutok sa mga
pansamantalang aliw na dulot ng
mundo.
Bilang ating Dakilang Pastol, ang
Kanyang kalinga sa atin ay
nagbubunga ng pangwalang
hanggang kaligtasan.
ISAIAH
40:1-11
Tugunang Awit:
AWIT
85 : 1 – 2, 6 – 9
Tagabasa:
Napakita Ka ng kaluguran
sa ‘Yong lupain, O
Panginoon; ibinalik Mo ang
mga kapalaran ni Jacob.
Mga Tao:
Nilimot Mo ang pagkakasala
ng Iyong bayan at tinakpan
ang lahat nilang kasalanan.
Tagabasa:
Hindi Mo ba kami
pasisiglahing muli, upang
magalak sa Iyo ang Iyong
bayan?
Mga Tao:
Ipakita Mo sa amin ang di
nagmamaliw na pag-ibig
Mo, O Panginoon, at
ipagkaloob Mo sa amin ang
aming kaligtasan.
Tagabasa:
Makikinig ako sa sasabihin
ng Dios na Panginoon;
nangangako Siya ng
kapayapaan sa Kanyang
bayan, ang Kanyang mga
banal –
Mga Tao:
ngunit huwag Mo na silang
pahintulutang magbalik sa
kamangmangan.
Gloria Patri
”Ang Ama’y luwalhatiin at ang
Anak at ang Espiritu. Simula
pa noong una,ngayon,
magpakailanman walang
hanggan. Amen”
JESUS SHALL TAKE THE
HIGHEST HONOUR
Jesus shall take the highest
honour
Jesus shall take the highest
place
Let all earth join heaven in
exalting
The Name which is above all
other names
Let’s bow our knees in humble
adoration
For at His name every knee
must bow
Let every tongue confess
He is Christ God’s only Son
Sovereign Lord we give You
glory now
Pangalawang
Pagpapahayag ng
Salita
2 Pedro 3:8-15
Tiyak ang Muling Pagdating ng
Panginoong Hesus. Dapat
tayong maghanda sa
pamamagitan ng
pagsusumikap na ating
taglayin ang angkop na
sangkap ng mabuting
pagkatao.
May inilaang lugar ang Dios
para sa mga sumunod sa
kanya nang ayon sa
Kanyang pamantayan.
2 Pedro 3:8-15
GRADWAL
NA
TALATA
FOREVER, O LORD

 Forever, Oh Lord, Your


Word is settled in heaven;
Your faithfulness, Lord,
continues to all
generations.
FOREVER, O LORD

 Your covenant
magnified,
exalted along with Your
holy Name.
Rejoicing in
promises, I meditate
on all Your righteous
ways!
I lift up my hands
and praise the power
of Your commands.
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Diyakono:
Ang Panginoon ay sumainyo.
Mga Tao :
At sumainyong espiritu.
Diyakono:
Nawa ang Panginoon ay
sumaating mga isipan, mga
labi, at mga puso habang tayo
ay nakikinig ng Kanyang
Banal na Balita.
Ang Mabuting Balita ng ating
Panginoong Hesukristo ayon kay
San Mateo ika-1 kabanata.
Mga Tao:
Luwalhati sa Inyo,
Panginoong Hesukristo!
Pagpapahayag ng
Mabuting Balita
MARCOS
1:1-8
Diyakono: Ang Mabuting
Balita ng Ating Panginoon.
Mga Tao: Papuri sa Inyo,
Panginoong Hesukristo
HOMILIYA
“Prepare by Making
His Paths Straight”
KREDO
NG
NISEYA
LAHAT:
Kami ay sumasampalataya sa
iisang Diyos, ang Amang
Makapangyarihan sa lahat,
Lumikha ng langit at Lupa, at ng
lahat ng bagay: nakikita at di
nakikita; at sa iisang Panginoon,
Kristo Hesus, ang tanging
Bugtong na Anak ng Diyos,
magpasawalang-hanggang
Bugtong na Anak ng Kanyang
Ama bago pa ang lahat ng
sangnilikha; Diyos buhat sa
Diyos,Liwanag buhat sa
Liwanag,
Tunay na Diyos buhat sa Tunay
na Diyos, Bugtong na Anak, di
gawa, isang diwa kasama ng
Ama; sa pamamagitan Niya
nilikha ang lahat ng bagay; Siya
na para sa ating sangkatauhan
at para sa ating kaligtasan, ay
bumaba mula
sa Langit; at ipinagdalangtao sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu at ni Birhen Maria, at
naging tao; at ipinako rin sa
krus sa pamamagitan ni Poncio
Pilato, Siya ay naghirap
hanggang sa kamatayan at
inilibing.
At sa ikatlong araw, Siya’y
muling nabuhay ayon sa Banal
na Kasulatan; at umakyat sa
Langit, at naluklok sa kanang
kamay ng Ama; at Siya ay
babalik na muli nang may
kaluwalhatian, upang hatulan
ang mga buhay at patay
Siya na ang Kaharian ay walang
katapusan.
At kami ay sumasampalataya sa
Banal na Espiritu, ang
Panginoon, at Tagapagbigay ng
Buhay. Siya ay nagmula sa Ama;
kasama ng Ama at ng Anak, Siya
ay sinasamba at
at niluluwalhati.
Siya ay nangusap sa
pamamagitan ng mga propeta.
Kami ay sumasampalataya sa
iisa, banal, katoliko at
Apostolikong Iglesia;
kumikilala kami sa iisang
bawtismo para sa kapatawaran
ng mga kasalanan; kami ay
umaasa sa muling pagkabuhay
ng mga patay, at sa buhay ng
daigdig na darating. Amen. +
ANG PANALANGIN
NG MGA TAPAT
DIYAKONO: Sa kapayapaan,
kami ay nananalangin sa Inyo,
Panginoong Diyos.
Para sa lahat ng tao sa
kanilang pang araw-araw na
buhay at gawain;
MGA TAO:
Para sa aming mga pamilya,
mga kaibigan, at mga
kapwa, at para sa lahat na
nag-iisa.
DIYAKONO: Para sa aming
Alkalde at sa pamayanang
ito, sa aming Presidente at sa
bansang ito, sa aming mga
kababayan at sa sanlibutan.
MGA TAO: Para sa lahat na
gumagawa para sa
katarungan, kalayaan, at
kapayapaan.
DIYAKONO: Para sa
makatarungan at tamang
paggamit ng Inyong
sangnilikha;
MGA TAO: Para sa mga
biktima ng gutom, takot,
kawalang katarungan, at
pang-aapi.
DIYAKONO: Para sa lahat
ng nasa panganib,
nagdadalamhati, at nasa
anumang uri ng kaguluhan;
MGA TAO: Para sa lahat
ng naglilingkod sa mga
maysakit, sa mga walang
kaibigan, at sa mga
nangangailangan.
DIYAKONO: Para sa
kapayapaan at pagkakaisa
ng Iglesia ng Diyos;
MGA TAO: Para sa lahat
ng nagpapahayag ng
Ebanghelyo, at sa lahat ng
naghahanap ng
Katotohanan.
DIYAKONO: Para sa aming
Patriyarka, Arsobispo Craig, at
sa aming Obispo, Obispo
Paulino; at para sa lahat ng
Obispo at sa lahat ng
tagapangasiwa;
MGA TAO: Para sa lahat ng
naglilingkod sa Diyos sa
Kanyang Iglesia.
DIYAKONO: Para sa mga
pangangailangan at mga
alalahanin ng kongregasyong
ito, at lalo na __________.
Aming dalangin para sa lahat
ng pumanaw na, nang sila ay
magkaroon ng lugar sa Inyong
walang hanggang kaharian.
MGA TAO:
Upang sila ay magkaroon ng
walang hanggang
kapahingahan.
DIYAKONO: Itinataas namin
Kayo, O Diyos aming Hari;
MGA TAO: At pinupuri ang
Inyong Pangalan magpakailan-
kailanman.
ANG
PANGWAKAS NA
PANALANGIN
TAGAPAGDIWANG:
O Diyos, Inyong nilikha ang lahat
ng bagay sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Inyong Salita,
at Inyong binago ang daigdig sa
pamamagitan ng Inyong Espiritu:
Ipagkaloob ngayon ang tubig ng
buhay sa mga nauuhaw sa Inyo,
upang sila ay makapagdala ng
masaganang bunga sa Inyong
maluwalhating Kaharian; sa
pamamagitan ni Hesu-Kristo na
aming Panginoon.
AMEN
Ang Kapayapaan
TAGAPAGDIWANG: Ang Kapayapaan
ng Panginoon ay laging sumainyo.
MGA TAO: At sumainyo rin.
TAGAPAGDIWANG: Ibahagi ninyo sa
bawat isa ang simbolo ng kapayapaan
ni Kristo.
ANG
KAPAYAPAAN
ANG BANAL
NA
KUMUNYON
TAYO NA’T IALAY
Tayo na’t ialay ang ating
pagpupuri
Tayo na’t ialay ang ating
pagpupuri
Pasasalamat sa Kanya (2X)
Ialay natin ang papuri
Ialay natin sa Panginoon.
Ang Paghihikayat sa
Paghahandog
Paghahandog ng Papuri
at Pagsamba
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoong Diyos ng buong sangnilikha.
Sapagkat sa pamamagitan ng Inyong
kabutihan ay aming tinanggap ang
tinapay na aming handog sa Inyo; ang
bunga ng sangkalupaan at gawa ng mga
kamay ng tao, ito ay magiging Katawan ni
Kristo.
Tugon: Pinagpala ang
Diyos magpakailanman.
Tagapagdiwang: Sa paghalo ng
tubig na ito at alak nawa ay
makabahagi kami sa pagkaDios ni
Kristo, Siya na nagpakumbaba ng
Kanyang sarili upang makibahagi sa
aming pagiging tao.
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoon ng buong sangnilikha. Sa
Inyong kabutihan narito ang alak bilang
aming handog, nagmula sa ubas at
gawa ng mga kamay ng tao. Ito ay
magiging Dugo ni Kristo para sa amin.
Tugon:
Pinagpala ang Diyos
magpakailanman.
Tagapagdiwang : Pinagpala
Kayo, Panginoon ng buong
sangnilikha. Sa pamamagitan
ng Inyong kabutihan aming
inihanda ang mga ikapu at
mga handog sa Inyo.
Sila ay gagamitin sa Inyong
Simbahan para sa gawaing
Inyong itinakda sa amin at sa
pagpapalawig ng Inyong
Kaharian.
TAGAPAGDIWANG: Idalangin,
mga kapatid, na ang ating mga
handog ng papuri at pasasalamat
ay maging katanggap-tanggap sa
Dios, ang Makapangyarihang Ama.
MGA TAO: Nawa’y tanggapin ng
Panginoon ang handog mula sa
Inyong mga kamay para sa
kapurihan at kaluwalhatian ng
Kanyang Pangalan, para sa aming
kabutihan at para sa kabutihan ng
lahat ng Kanyang Simbahan.
ANG DOXOLOHIYA
Purihin ang Nagpapala, Dios
ng buong sangnilikha.
Purihin sa kalangitan, Ama,
Anak, Diwang Banal! Amen.
Ang Dakilang Pasasalamat
TAGAPAGDIWANG:
Ang Panginoon ay sumainyo.
MGA TAO:
At sumainyong espiritu.
TAGAPAGDIWANG: Itaas
ninyo ang inyong puso.
MGA TAO: Itinataas namin
sa Panginoon.
TAGAPAGDIWANG:
Pasalamatan natin ang
Panginoon nating Dios.
MGA TAO: Tunay na Siya ay
nararapat na bigyan ng
pasasalamat at pagpupuri.
Tagapagdiwang: Tunay na
wasto at matuwid, aming
tungkulin at aming kaligtasan,
sa tuwina at saan man upang
bigyan Kayo ng pasasalamat,
Panginoon, Banal na Ama,
Makapangyarihan at walang
hanggang Diyos sa pamamagitan
ng Kristong aming Panginoon.
Sapagkat inako Niya sa Kanyang
unang pagdating ang kababaan
ng katawang lupa, at
at natupad ang panukala na
Inyong nilikha ng mahabang
panahon, at binuksan para sa amin
ang daan tungo sa walang
hanggang kaligtasan, upang sa
Kanyang muling pagdating sa
kaluwalhatian at kaningningan
at ang lahat sa wakas ay
mahayag na, kami na
nagbabantay para sa araw na
iyon ay magmana ng dakilang
pangako na sa kasalukuyan ay
aming lakas-loob na inaasahan.
Sanctus Benedictus
TAGAPAGDIWANG: Kung
kaya’t kasama ng mga
Anghel at mga Arkanghel,
kasama ng mga Trono at
mga Tagapamahala at
Kasama ng lahat ng hukbo
at mga kapangyarihan
ng kalangitan, aming
inaawit ang awit ng
Inyong kaluwalhatian,
walang humpay naming
ipinapahayag.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Lupa’t langit ay puspos
ng kaluwalhatian Mo.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Pinagpala Siyang
dumarating sa Ngalan
ng Panginoon
SANCTUS

Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Epiclesis
Tagapagdiwang:
Kayo ay tunay na banal, O
Panginoon, ang bukal ng lahat
ng kabanalan. Gawing banal ang
mga handog na ito, aming
dalangin, sa pamamagitan ng
pagsusugo ng Inyong
Espiritu sa mga ito tulad ng
hamog, upang sila para sa
amin ay magiging Katawan+
at Dugo+ ng aming
Panginoong Hesuskristo.
Ang Anamnesis
TAGAPAGDIWANG: Bago Siya
isinuko sa kamatayan, isang
kamatayang kusang-loob Niyang
tinanggap, Siya ay kumuha ng
Tinapay at nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat. Hinati Niya ang
tinapay, ibinigay sa mga disipulo,
at sinabi:
“Tanggapin ninyo at kanin: Ito
ang Aking katawan, na
ipinagkaloob para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-
alaala sa Akin.”
Matapos ang hapunan,
kinuha Niya ang saro. Muli ay
nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat at papuri,
ibinigay ang saro sa Kanyang
mga disipulo, at sinabi:
“Inumin ninyo, kayong lahat: Ito ang
Aking dugo ng bagong tipan, na
itinigis para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan. Sa tuwing ito ay inyong
iinumin, gawin ito bilang pag-alaala
sa Akin.”
(Ang lahat ay tumayo)
MYSTERIUM
FIDEI
TAGAPAGDIWANG: Ating
ipahayag ang misteryo ng ating
pananampalataya:
LAHAT: Si Kristo ay namatay,
si Kristo ay nabuhay, si Kristo
ay muling magbabalik.
Alleluya
TAGAPAGDIWANG: Bilang pag-
alaala sa Kanyang kamatayan at
muling pagkabuhay, inihahandog
namin sa Inyo, Ama , itong tinapay
na nagbibigay-buhay, itong saro
na nagdudulot ng kaligtasan.
Nagpapasalamat kami sa Inyo
na itinuring Ninyo kaming
karapat- dapat na makatayo
sa Inyong presensiya at
mapaglingkuran Kayo.
Nawa kaming lahat na
nakikibahagi sa Katawan at
Dugo ni Hesus ay sama-
samang pag-isahin sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu.
Panginoon, alalahanin ang
Inyong Simbahan sa buong
mundo; palaguin kami sa pag-
ibig, kasama ng aming Patriarch,
na si Craig: Obispo Paulino, lahat
ng mga Obispo, mga pari, at mga
Diyakono.
Ilapit ang aming mga puso
upang alalahanin ang mga
mahihirap at napipighati.
Sa aming pagtanggap ng
Katawan at Dugo ni Hesus,
nawa kami ay mahubog upang
maging Katawan ni Kristo sa
mundo.
Kaawaan kaming lahat ; gawin
kaming karapat-dapat na
makibahagi sa walang hanggang
buhay kasama ni Maria ang Ina ng
Dios, Si Jose na kanyang asawa,
kasama ang mga Apostol, mga
martir, at ang lahat ng mga santo,
lalo na si San Lucas.
Nawa ay purihin Ka namin sa
pakikipagkaisa sa kanila at
bigyan Kayo ng luwalhati sa
pamamagitan ng Inyong
anak na si Hesukristo.
ANG DAKILANG
DOXOLOHIYA
TAGAPAGDIWANG:
Sa pamamagitan Niya, kasama
Niya at sa Kanya, sa pakikiisa ng
Banal na Espiritu, lahat ng
karangalan at kaluwalhatian ay
sumaInyo, Makapangyarihang
Ama, magpakailanman.
MGA TAO: Amen.
ANG
PANALANGIN NG
PANGINOON
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin pagdating ng
kaharian yamang si Hesus ay
nagturo sa atin…
Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang Ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian
Mo, Sundin ang loob Mo dito
sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-
araw.
At patawarin Mo kami sa
aming mga sala,
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya
Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa’Yo ang Kaharian,
Kapangyarihan at
Kapurihan ngayon at
magpakailanman, ngayon at
magpakailanman. Amen
Ang Paghahati ng Tinapay
TAGAPAGDIWANG: Alleluya!
Si Kristong ating Kordero ay
ipinagpasakit para sa atin!
MGA TAO: Kaya ngayon,
panatilihin natin ang
pagdiriwang!
AGNUS DEI
Kordero ng Dios na nag-aalis
ng mga kasalanan sa mundo,
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Dios, maaawa Ka.
(Ulitin)
Kordero ng Dios na nag-
aalis ng mga kasalanan
sa mundo, ipagkaloob
Mo sa amin ang
kapayapaan.
Pascha Nostrum:
TAGAPAGDIWANG: Masdan
ang Kordero ng Diyos, masdan
Siya na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad sila na tinawag sa
hapag ng Kordero.
LAHAT: Panginoon, hindi
ako karapat-dapat upang
Ikaw ay papasukin sa aking
tahanan, subalit sambitin
Mo lamang ang Salita at ang
aking kaluluwa ay gagaling.
TAGAPAGDIWANG: Ang
mga kaloob ng Diyos para sa
bayan ng Diyos, tanggapin ito
bilang alaala na si Hesus ay
namatay para sa inyo at
kumain mula sa Kanya, sa
inyong mga puso, na may
pasasalamat.
Pagsasagawa
ng Komunyon
BLEST ARE YOU LORD
Blest are You Lord
God of all creation
Thanks to Your goodness
This Bread we offer
Fruit of the earth
Work of our hands
This will become the Bread
of life
Chorus:
Blessed be God
Blessed be God
Blessed be God forever,
Amen.
(Repeat)
Blest are You Lord
God of all creation
Thanks to Your goodness
This wine we offer
Fruit of the vine
Work of our hands
This will become the Cup of Joy.
Chorus:
Blessed be God
Blessed be God
Blessed be God forever,
Amen.
(Repeat)
ANG
PANALANGIN
PAGKATPOS NG
KOMUNYON
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin.
LAHAT: Walang hanggang Dios,
makalangit na Ama, malugod
Ninyo kaming tinanggap bilang
mga nabubuhay na bahagi ng
Inyong anak na aming
Tagapagligtas na si HesuKristo,
at kami ay pinakain Ninyo ng
espirituwal na pagkain sa
Sakramento ng Kanyang
Katawan at Dugo. Suguin
Ninyo kami sa sanlibutan sa
kapayapaan at pagkalooban
kami ng kalakasan at
katapangan na mahalin at
paglingkuran Kayo na may
kagalakan at kaisahan ng
puso; sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
Amen.
PAGPAPALA
AT
PAGHAYO
Pagpapala
TAGAPAGDIWANG:
Siya na sa Kanyang ikalawang
pagbabalik sa kapangyarihan at
dakilang kaluwalhatian na ating
hinihintay ay pinuspos na kayo upang
maging matatag sa pananampalataya,
nagagalak sa pag-asa, at
nananatili sa pag-ibig; Tanggapin
ang pagpapala ng Diyos na
Makapangyarihan sa lahat, ang
Ama, ang Anak, at ang Banal na
Espiritu, na sumasainyo at
tuwina’y nananatili sa inyo. Amen.
Paghayo
Tagapagdiwang: Humayo tayo
sa kapayapaan upang ibigin at
paglingkuran ang Diyos.
Mga Tao: Salamat sa Dios.
Alleluya! Alleluya! +Amen
RISE UP AND PRAISE HIM
Let the heavens rejoice
Let the earth be glad
Let the people of God
Sing His praise
All over the land
Everyone in the valley
Come and lift your voice
All those on the
mountaintop be glad
Shout for joy
Rise up and praise Him
He deserves our love
Rise up and praise Him
Worship the Holy One
With all your heart
With all your soul
With all your might
Rise up and praise Him

You might also like